ADT11-A [M1] 💚 Repleksyong Lasalyano by Bb. Chabe

Pangalan: Min, Sophia Vernice M.

Bilang isang Lasalyano, naranasan ko na ang hamon ng paggamit ng wikang Filipino at iba pang mga wika sa Pilipinas. Isa sa mga isyung napansin ko ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang wika o diyalekto sa bansa, na kadalasang nagdudulot ng hirap sa komunikasyon at pagkakahiwalay ng mga tao.

Hindi ko ito personal na karanasan, ikinuwento ito sa akin ng aking tita. Ayon sa kaniya, ang kaibigan niyang isang guro ay may mga estudyanteng nahirapang umunawa ng mga aralin dahil limitado lamang ang paggamit ng kanilang katutubong wika sa klase. Sanay ang mga estudyanteng ito na gamitin at unawain ang wikang Ingles mula sa dati nilang paaralan. Dahil dito, nawalan sila ng interes sa pag-aaral at hirap silang makibagay sa bagong kapaligiran.

Ang mga hakbang na maaari nating gawin ay ang paggamit ng wika sa araw-araw na pakikipag ugnayan sa iba’t ibang tao. Upang mas mapraktis ang paggamit ng wika kung saan sila nahihirapan. Ipagmalaki rin natin dapat ang sarili nating wika at kultura dahil ito ay makakatulong sa pagtanggap sa ating identidad at lumaki ang pagmamahal natin sa ating sariling kultura. Alam kong ito ay makakatulog dahil Ito ay naranasan ko rin noon.

Noong bata ako, lumaki akong nagsasalita ng wikang ingles sa aming pamamahay. Hanggang sa lumipat kami rito sa Laguna, kinailangan kong masanay magsalita ng tagalog dahil mayroon kaming paksa sa bagong eskuwelahan namin  na Filipino at ‘Mother Tongue’.

Nakatulong ang pakikipag usap ko sa mga kaklase at guro ko gamit ang tagalog, kahit na hindi ako masyadong sanay sa pag gamit, naipapakita ko naman ang aking determinasyon sa pag-aaral ng lengguwahe na ito. Ngayon nakakapag sulat at salita na ako ng mainam ng filipino at dahil iyon sa mga hakbang na ito.

Bilang isang Lasallian, personal kong naranasan ang hirap ng "utang na loob" at "bahala na" --- mga katagang may malalim na kahulugan sa kultura ngunit mahirap ipaliwanag nang direkta sa Ingles, na nagpapakita ng isa sa mga pangunahing hamon sa wikang Filipino, ang pagiging kompleto at kontekstwal na katangian nito. Ang hamong ito ay bahagi ng mas malawak na suliranin ng pagiging mulat sa wika, kung saan ang labis na paggamit ng Ingles sa tahanan at media, ayon sa mga pag-aaral, ay maaaring magpahina sa kakayahan ng mga batang Pilipino sa Filipino at sa kanilang sariling mother tongue. Bilang tugon, sa antas personal, isasabuhay ko ang Lasallian na tradisyon ng "pagkikilala sa dignidad ng bawat tao" sa pamamagitan ng paggalang at aktibong pagpapayaman ng aking kaalaman sa Filipino at iba pang katutubong wika, lalo na sa pakikipag-ugnayan sa kapwa. Sa antas pangkomunidad, maaaring himukin ang isang "inclusive at holistic na pamamaraan" sa edukasyon, sa pamamagitan ng pagbuo ng mga programa sa loob ng paaralan at komunidad na nagtuturo at nagpapahalaga sa Filipino at mga katutubong wika, na tutugon sa mga isyung pangwika at magpapatibay sa ating pagkakakilanlan.

Nicca Antonette L. Sta. Barbara

Bilang isang Lasalyano, napansin ko na isa sa mga hamon ngayon ay ang paggamit ng wikang Filipino na bihira kong na lang naririnig, lalo na ng mga kabataan namin ngayon ay kung saan mas gamitin ang Wikang Ingles. Dahil dito, parang nababawasan ang pagpapahalaga natin sa sarili nating wika. Naranasan ko rin minsan na nahihirapan ako magpaliwanag nang gusto kong sabihin sa straight Filipino dahil mas nasanay ako sa mga salitang conyo. Kaya bilang isang Lasalyano, sisikapin kong mas gamitin ang wikang Filipino sa pakikipag-usap sa araw-araw at sa mga school activities upang mapalalim ang akin vocabulary sa tagalog. Ang mga hakbang na maaari kong gawin ay ang paghihikayat ang iba na gamitin at ipagmalaki ang Filipino sa mga usapan at iba pang gawain upang mapanatiling buhay ang ating wika nang maging praktisado pa ang lahat sa pakikipagusap ng ating wika.

Bilang isang lasalyano, hindi na sikreto na kahit ako ay nahihirapan na rin sa ating sariling wika. Tunay na mas nilalamangan na tayo ng mga gumagamit ng wikang Ingles. Isang halimbawa nito ay ang aking pinsan. Kahit na pinalaki ng kanyang magulang gamit ang wikang Filipino, agad nilang napansin na parang hindi sila naiintindihan. Nang kausapin nila sa wikang Ingles ito ay nakakaintindi. Ito raw ay dahil sa panood niya sa kanyang Ipad. Ngayon, siya ay hirap pa rin umintindi ng wikang Filipino at nahihirapan sa asignaturang Filipino. Kaya aking pinaniniwalaan ng lubos na dapat tayong umintindi ng ating sariling wika at bigyang halaga ito, dahil tayo rin ang mahihirapan.

Isa sa mga personal na danas na nagpapakita ng mga hamon at isyung kinakaharap hindi lamang ng wikang Pilipino kundi maging ng lahat ng mga wika sa bansa ay ang kahihiyan sa paggamit ng mga wikang ito.

Ang “Social Media” ay nagkaroon ng malaking epekto sa isyung ito. Masyadong naging patok ang personalidad ng pagiging “conyo.” Hindi ko itatanggi na ito ay nakakaaliw na content, ngunit ito ay nabigyan  ng attensyon, puri at naging higit na nangingibabaw.

Mas nabibigyan ng puri ang isang tao kung sila ay matatas sa wikang Ingles. Masyado nang nakasanayan ng mga Pilipino ang pagpupuri sa wikang Ingles. Dahil dito, kapag gumagamit ang isang tao ng wikang Filipino o alinmang katutubong wika, madalas sila’y pinapalabas na “bakya”. Subalit kapag Ingles naman ang ginagamit, nagkakaroon ng ideya ang mga Pilipino na ang taong nagsasalita ay “mayaman” o “may pinag-aralan.”

Isa pa sa mga naging trending sa social media ay ang panunukso sa mga wikang katutubo, tulad sa mga Bisaya. Madalas ipinagtatawanan ang kanilang punto sa pagsasalita. Marami akong kakilala na nahihiyang aminin na sila ay galing sa Visayas o Mindanao at gamitin ang kanilang wikang katutubo sapagkat sila ay pinagtatawanan dahil sa kanilang punto. Bilang bagong henerasyon ng mga Pilipino, gamitin natin ang social media upang ipalaganap at ipagmalaki ang ating wikang Filipino — hindi upang pagtawanan ito. Dahil kung patuloy nating pagtatawanan ang ating sariling wika, mas lalong iiwasan ito ng mga tao at magiging sanhi sa kahihiyan sa kanilang sariling identidad. Kapag ito ay tuluyang naiiwasan, maaari itong makalimutan, at ang wikang Ingles ang siyang mananaig sa ating lipunan.

Ika nga ni Jose Rizal, “Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda.” Bilang Lasalyano at Pilipino, matutugunan ang isyung ito sa pamamagitan sa pagmamahal at ang pagpapatuloy ng  paggamit ng ating sariling wika. Suportahan natin ang mga influencer na mas ipinapalaganap ang ating wika sa ibang mga bansa. Dapat mas itinataas natin ang bandera ng Pilipinas at ipakita ang ating pagiging makabayan sa pamamagitan ng paghahalaga sa ating sariling wika at kultura. Huwag nating sanayin ang ating sarili sa mga nakasanayang pananaw ng ating bansa.

Bilang isang Lasalyano, napagtanto ko na isa sa mga hamon ngayon ay ang unti-unting pagkawala ng paggamit ng wikang Filipino. Maraming kabataan, kasama na ako, ang mas nasasanay na magsalita sa Ingles o haluan ito ng Filipino, kaya nababawasan ang ating kaalaman sa sarili nating wika.

May mga pagkakataon na nahihirapan akong magsalita nang diretsong Filipino dahil kulang ako sa praktis noong bata pa ako. Dahil dito, madalas akong gumagamit ng “Taglish” para mas madali akong makipag-usap. Ngunit napagtanto ko na sa paggawa nito, unti-unti kong nakakalimutan ang tunay na lalim ng ating wika.

Bilang isang Lasalyano, gusto kong pagsikapan na mas gamitin at isulat ang wikang Filipino sa araw-araw. Naniniwala rin ako na maaari nating hikayatin ang iba na ipagmalaki ang paggamit ng Filipino sa pamamagitan ng mga gawaing pangkultura at mga post sa social media na nagpapakita ng ganda ng ating wika. Sa ganitong paraan, mapapanatili at mapapalakas natin ang wikang Filipino para sa mga susunod na henerasyon.

Margaux Zoie V. Siglos

Bilang isang Lasalyano, aking napansin na isa sa mga hamon ngayon na inihaharap ng ating sariling wika ay ang unti-unting pagkakawala nito. Sa kasalukuyang panahon, mas nagagamit na ang wikang Ingles o ang pagsasalitang conyo, kaya nababawasan ang kaalaman tungkol sa wikang Filipino lalo na sa mga kabataan. Isa sa aking personal na karanasan ay ang aking kasanayan sa pagsasalita ng wikang Ingles at ng taglish na nagdudulot sa aking kahirapan na makaintindi ng malalalim na salita sa tagalog. Isa na rin dito ay ang aking pinsan na hindi nasanay sa pagsalita ng wikang Filipino bilang siya ay isang Pilipino dahil ang wika na ginagamit ng kaniyang pamilya sa kanilang tahanan ay ang wikang Ingles. Isa sa mga hakbang na maitutulong ko upang matugunan ang hamon na ito ay ang pagsusulong sa wikang Filipino upang mas maunlad ito.

Maria Selina Luffred

Ingles talaga ang lingguwahe na nakasanayan ko. Mula pagkabata, ang ginagamit na wika ng mga magulang ko tuwing ako'y kakausapin ay Ingles. Akala ko noon Ingles lamang ang wika ng lahat, na ito lang ang ginagamit para mag kaintindihan. Nang makapasok na ko sa eskwelahan, saka ko nalaman na may sariling wika ang Pilipinas, na mayroon ding iba pang wika na kayang gamitin at intindihin ng mga tao.

Ang pinaka naging hamon ko at isyu sa Filipino ay ang umangkop at yakapin / tanggapin ang buong ideya ng pagiging Pilipino. Ang kultura, musika, komunidad, kasaysayan at ang pinaka kinakailangan, ang wika ay syang hindi ko inintindi at agad akong nagsabi na walang problema kung hindi ko alam basta't may kaunting kaalaman kakayanin ko na yun. Nang lumalim na ang mga talakayan, agad akong nahirapan at kinailangang mag pa transate pa sa ingles para lang maintindihan. Mas interesado ako sa internasyonal na mga ganap kaysa sa pag bigay pansin sa kung anong meron ang bansa natin. "Bunging Tagalog" ang kasalukuyang nangyayari sa mga batang tulad ko na dapat na nating ayusin.

Kay dami rin ng wika sa Pilipinas na tago at di gaanong kaalam ng mga tao, hindi rin siya naituturo na masyado kung kaya't mabilis nang mamatay ang wika, mabilis tayong nauubusan ng magagandang wika dahil mas pinipili ang pang internasyonal, ang wikang sinasabayan ng karamihan.

Nang ako'y maging lasalyano, agad kong napansin ang hirap ng mga estudyante na maki pag usap sa mga kakalase at guro ng dare daretsong Tagalog. Dapat pa nating impluwensyahan ang mga tao na mag kakumpiyansa sa pag wika ng Filipino. Dapat mas ma-encourage ang mga estudyanteng tulad ko na mahalin at alagaan ang kung anong meron pa ang Pilipinas. Dahil tulad ng wika, posibleng itong mamatay at mawala ng di natin namamalayan. Bilang Lasalyano, dapat tayong mag tulungan na intindihin at palawakin ang kaalaman patungkol sa wika na umabat tayo sa punto na komportable na tayong umintindi ng ating wika ng hindi na kinakailangan ng translator. Dapat ko pang pag aralan ito at ipaalam sa ibang di nakaka alam para magkaroon ng kamalayan ang mga taong kulang pa sa impormasyon.

Rylie Elise Lorenzo

Para sa akin, napapansin ko na unti-unti nang nawawala ang ibang wika tulad ng Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, atbp. dahil sa bihiranb pag gamit nito. Wala pa akong personal na danas kung saan nahirapan ako makipagusap sa ibang tao dahil Filipino at Ingles ang aking wikang ginagamit. Pero para sa ibang pananaw ng ibang tao, halimbawa nagsasalita ng Ilokano, sila ay nahihirapan makipagusap sa ibang tao na kulang ang kaalaman sa wikang ito at hindi sila magkakaroon ng pagkakaintindihan. Bilang Lasalyano, maari akong mag-aral ng iba’t-ibang wika upang magkaroon ng malawak na kaalam sa ibang wika at para na rin mapanatiling buhay ang ibang wika. Puwede rin ito gawin ng ibang tao upang mas dumami ang mga may alam at yakapjn ang sarili nilang wika sa pamamagitan ng pagtuturo o gawa ng post sa social media.

Isang problema na nakikita ko tungkol sa Wikang Filipino at iba pang wiki sa Pinas ay na hindi masyadong pinapahalagahan o pinapapuri ang ating wika. Madalas kong nakikita ito sa pamilya ng ama ko. Wala silang pakialam kapag hindi ka marunong magtagalog pero kapag nagkamali ka ng konti ng gramatika sa Ingles, ito'y inaayos kaagad. Bakit naman iyon, hindi ba tayo Filipino? Tapos pinupuri pa nila kapag marunong ka magsalita ng ibang wika galing sa ibang bansa. Bilang isang Lasalyano, dapat pinapahalagahan natin ang ating wika at gamitin ito sa pang araw-araw na komunikasyon. Dapat natin isanay ang ating dila sa pagsasalita ng Filipino at pagbabasa nito.

i

Martha Norielle S. Murillo

Mula sa aking obserbasyon, nakikita ko na maraming estudyante ang nasasanay sa paggamit lamang ng ingles bilang wikang pangkommunikasyon nila. Nakikita natin kung hanggang saan aabot ang kanilang kakayahan. Dahil sa madalang na paggamit nila ng ingles, may mga estudyante na mas marunong magsalita at umintindi ng tagalog, na nakakaramdam ng limitasyon, na nahihirapan makisabay at naiisip nila na kailangan ding palaging ingles. Masasabi natin na may pagkukulang sa parehas na ingles at tagalog. Bilang estudyante na nagaaral sa paaralang naka tuon sa paggamit ng wikang ingles, sa tingin ko ay dapat na may programma para sa parehas na wikang ito pero mas bigyang pokus pa ang wikang tagalog. Maganda na matutunan at madiskobre ang mga batayan ng wikang ingles para sa mga pormal na usapin o presentasyon, ngunit mas mapagtuunan dapat ang wikang tagalog at ang mga tangkay nito. Sabi nga sa ating pagaaral nung nakaraan, oo importante ang pagkatuto ng wikang ingles, pero ang ating sariling wika ang mismong bubuhat at magpapaunlad sa ating bansa at kultura.

Stefanie Audrey R. Lopez:

Isa sa mga napapansin ko tungkol sa mga isyu ng wika ay ang paghirap ng paggamit ng wikang Filipino sa mga kabataan ngayon. Mas nasasanay na sila magsalita sa wikang Ingles o sa Taglish, at ako ay kabilang dito. Sa pagtuloy ng palaging paggamit ng wikang Ingles, lalong lalo na kapag mas madalas na paggamit ang wikang ito sa wikang Pilipino, nagdudulot ito sa pagkalimot o pagkatalikod sa sariling kultura. Bunga ito ay ang paghirap sa pagunawa ng mga malalalim na salita sa Pilipino. Isang personal na danas na naaalala ko ay ang aking mga pinsan na mas maalwan sa paggamit ng taglish at madalas silang manood ng mga English na medya.

Bilang Lasalyano, isa sa mga nais kong gawin upang matugunan ang isyung ito ay ang pagnood ng mga Pilipinong pelikula, pagkonsumo ng mga Pilipino na midya, magsanay ng pagsusulat at pag-aral sa wikang tagalog upang makabigay ng halaga sa ating kultura at upang mas mapalawak ang ating bocabularyo.

Lumaki ako sa isang multilingguwal na pamilya, ngunit namulat ako sa realidad ng diskriminasyong pangwika nang makita kong pagtawanan ang isang matanda dahil sa pagsasalita ng Kapampangan. Napagtanto kong may umiiral na "hierarchy" kung saan minamaliit ang mga katutubong wika. Bilang Lasalyano, tinutugunan ko ito sa pamamagitan ng pagpapahusay sa sarili kong Filipino at pagiging bukas sa mga rehiyonal na wika. Sinusuportahan ko ang mga programang pangkultura at naninindigan laban sa diskriminasyon. Layunin kong makatulong sa paglikha ng inklusibong espasyo na gumagalang sa lahat ng wika upang mapanatili ang ating mayamang kultura.

Josh Nicholas Javier

Madalas kong mapansin sa paaralan ang sitwasyon kung saan ang kultura ng "Conyo"—ang paghahalo ng Ingles at Tagalog—ay hindi na lang basta nakakatawang uso, kundi nagiging totoong hamon na sa aming mga mag-aaral. Sobra na kaming nasanay na magsalita at mag-isip sa Ingles kaya hirap na hirap kaming ipahayag ang aming mga ideya sa tuwid na Filipino nang hindi sumasandal sa Ingles para mahanap ang tamang salita. Nakakasama ang stereotype na ito dahil nagbibigay ito ng impresyon na kaming mga Lasalyano ay hindi na marunong magsalita nang matatas sa ating pambansang wika, na nagiging dahilan ng paglayo namin sa sarili nating kultura. Bilang isang Lasalyano, naniniwala akong kailangan nating basagin ang pader na ito; sa personal na lebel, maaari akong magsimula sa pagsasanay na magsalita at magsulat sa tuwid na Filipino upang patunayan na hindi natin kailangang mag-Ingles para lang magmukhang matalino. Dapat nating itigil ang pagtanggap na ang pagiging "Conyo" ay bahagi na talaga ng pagkatao natin. Sa halip, dapat nating hikayatin ang isa't isa na maging mahusay sa Filipino upang tunay tayong makipag-ugnayan at makapaglingkod sa mga kapwa nating Pilipino na nasa labas ng ating kampus.

Hana A. Dalisay

Bilang dulot ng pandaigdigang kolonisasyon na isinagawa ng mga Kanluraning kapangyarihan, masasabing ang wikang Ingles ay, sa kasalukuyan, ang wikang kinakailangang intindihin ng bawat bansa upang umunlad sa kontexto ng pakikipag-ugnayan sa ibang komunidad sa mundo. Dahil sa kasaysayan nito bilang kolonya ng Estados Unidos, ang Pilipinas ay isa sa mga Asyanong bansang ginawang ipalaganap ang wikang Ingles sa mga mamamayan nito, ang edukasyon nila ay pribado man o pampubliko, ngunit sa paglipas ng panahon, naging mas laganap ang wikang Ingles lalo na sa mga espasyong middle class at upper class, kung saan ang edukasyon ay mas tumutuon sa mga materyales at modyul na nakasulat sa wikang Ingles at pinaparating sa mga mag-aaral gamit ang wikang ito. Bilang isang Lasalyano, hindi ako maaaring tumanggi sa konsepto nito dahil ito'y totoo, batay sa mga personal kong nararanasan; subalit bilang mag-aaral, mabuti kapag kung ang wikang Filipino ay makikilala muli ng aking mga kapwa Lasalyano at ng aking sarili bilang ang tunay na wika sa Pilipinas, hindi lamang  upang salungatan ang kolonyalismong hanggang sa kasalukuyan ay laganap pa rin sa ating kultura, ngunit upang pahalagahan, mapanatili, at maingatan ang sarili nating kultura bilang mga Filipino.

Blanca Marie Ramirez

Bilang isang Lasalyano isang hamon na dinadanas ko hanggang ngayon ang paggamit ng sarili kong wika, Tagalog o Filipino. Lumaki ako sa isang pamilya na laging ginagamit ang Ingles sa paligid ko, at ayaw nila sa mga lokal na musika, palabas, o kahit ano. Dahil dito nahihirapan ako mag-Tagalog, at nahihiya ako rin na pag magkamali ako sa salita, baka pagtatawanan ako. Madalas na ginagamit ang Ingles sa dating paaralan ko, limitado na ang pagkalantad sa Filipino kahit saan.

Ngayon, bilang mag-aaral, naniniwala ako na dapat palakihin ang kabataan na may pagmamahal sa sariling wika. Ang mga lokal na sining tulad ng musika, palabas sa tv, at mga dula sa teatro ay bahagi ng kultural pagkakakilanlan namin bilang Pilipino. Hindi lang ito lamang sa edukasyon o eskwelahan, subalit sa tingin ko pinakaimportante ang paggamit ng wikang Fiipino sa pamilya o bahay.

Shanaie Agulto

Isang isyu na napapansin ko ay ang pagkawala ng paggamit ng wikang Filipino, sa loob man ng bansa o sa labas. Napapansin ko ito noon sa mga kaibigan ko sa Qatar kung saan ingles ang kadalasan ko naririnig mula sa kanila dahil daw ingles ang gamit sa bahay. Isa pang karanasan ay sa aking mga bunsong kapatid, kahit andito sila sa Pilipinas, mas madalas ko sila naririnig magIngles kesa Pilipino. Ang hakbang na naiisipan kong maaring gawin ay ang paggamit ng Pilipino ng mas madalas kung maari, upang mas maenganyo ang mga kapwa upang gamitin at matutunan ang wikang Filipino kapagnaririnig ng mga tao.

Luis Orendain

Isa sa pinaka malaking problema na aking nakikita ay ang pag bigay puri natin sa Tagalog. Sa sitwasyon na ating nadadanas ang tagalog ay pinupuri bilang ang totoo na"filipino" language. Ngunit bilang isang tao na may tatay na taga bicol. Hindi kapuripuri na tayo ay nagbibigay puri sa tagalog at halos siraan ang ibang dialekto. Bilang lasalyano, tinutuganan koito sa paraan na pag bibigay puri sa ibang  dialekto at pag gamit nito sa aking pang araw araw na salita, dahil ang tagalog ay hindi natin national language, sa pamamaraan na ito mas nakikita at naiintindihan ko ang kagansddahan ng kultura ng ating bansa./

Margaret Denise De Mesa

Napansin ko ang pagbaba ng paggamit ng wikang Filipino, o Tagalog, sa kasaukuyan henerasyon at mga kabataan ngayon. Kapag nakikipag-usap ako sa isa sa aking mga pamangkin, mas madalas siyang magsalita sa Ingles, at paminsan-minsan lamang siya gumagamit ng Filipino. Naiintindihan naman niya minsan ang Filipino, ngunit nag-aalala ako na baka mahirapan siya sa asignaturang Filipino pagdating ng panahon. Medyo naaalala ko ang sarili ko sa kaniya dahil noong bata ako, mas madalas din akong magsalita ng Ingles, ngunit naiintindihan at nakakapagsalita pa rin ako ng Filipino. Gayunpaman, habang tumatanda ako, mas nahirapan na akong gumamit ng Filipino kumpara noong mas bata pa ako. Sa kasamaang-palad, marami nang ganitong kaso ang nangyayari ngayon sa Pilipinas.

Iniuugnay ko ang problemang ito sa medya na araw-araw nating kinokonsumo. Karamihan ng pinapanood ng mga kabataan online ay nasa Ingles; lahat ng cartoons na pinanood ko noong bata ako ay nasa Ingles, at hindi ko nagustuhanang panonood ng mga Filipino cartoons. Ang musikang pinapakinggan natin ay nakakaapekto rin sa suliraning ito. Hindi ako nakinig sa musikang Filipino hanggang sa pagdadalaga ko. Bilang isang Lasalyano, naniniwala ako sa pagpapalaganap ng kahalagahan ng wikang Filipino. Mahalaga na ang ating kultura ay nakaugat sa ating pang-araw-araw na buhay, mula sa musika at medyang ating kinokonsumo hanggang sa mas madalas na paggamit ng wikang Filipino sa pakikipag-usap. Mahalga na palaging pahalagahan ang ating pambansang pamana dahil ito ang paraan natin upang mapanatili ang ating kasaysayan, kultura, at pagkakailanlan bilang mga Pilipino.