ANG PANATA NG SALIKWANI by Michael Andio Suan

CONCEPCION, MONZON, GALES - ANG PANATA NG SALIKWANI
Ako’y isang Pilipinong mananaliksik.

Nangangakong bibigyang halaga at susundin ang mga etika ng isang mananaliksik.

Magiging matapat at bukas sa lahat ng pagkakataon.

Hindi padalos-dalos at titiyaking maingat at masinop sa ginagawang pananaliksik.

May pananagutan sa integridad ng aking pinag-aaralan.

May obhektibo at tiyak na pananaw sa lahat ng datos at resulta.

Hindi umaasa sa pawang haka-haka.

Gayundin, isasabuhay ang paggalang sa intelektwal na kakaniyahan.

Poproteksyunan at pahahalagahan ang kompidensiyalidad.

Isusulong ang higit na tunguhing kabutihang panlahat.

Lalayuning sumalungat sa diskriminasyon, bagkus ituring na magkakapantay-pantay ang lahat ng tao.

Ang gampanin bilang mananaliksik ay hindi matatapos sa paaralan.

Papanatalihin ang kuryosidad sa paligid, upang makasabay sa mabilis na takbo ng mundo.

Isasaalang-alang rin ang mga nakilahok sa pananaliksik.

Igagalang ang kanilang mga opinyon at sisiguraduhing maging sensitibo sa lahat ng pagkakataon.

Ang pananaliksik ay makatotohanan at napupuno ng tamang impormasyon.

Ang pagiging mapanuri ay isang paraan upang maisakatuparan ang mithiing iyon ng pananaliksik.

Sa pamamagitan ng pagbabasa, pagsasagawa ng cross-checking, at sa paghahanap ng pagkukulang o pagkakamali, maaari akong maging kritikal sa pagsasagawa ng kapani-paniwala’t tumpak na pananaliksik.

RAMOS, SOL - ANG PANATA NG SALIKWANI
Ako ay isang salikwani.
Ako ay likas na malikhain at hindi mang-aangkin ng ideya na hindi sa akin nagmula.
Kailangan kong tumingin nang higit na mas malalim sa kung ano ang madaling makita.
Gagamitin ko ang aking karunungan sa pagsisilbi sa kapwa.
Ang isang salikwani ay maingat.
Poprotektahan ko ang impormasyon ng mga pagkukunan ko ng mga datos.
Sa pagsulat ng mga dokumento dapat ay kumpleto, kaya't ako ay dapat masinop.
Bukas ako sa maraming posibilidad, ngunit tanging ang totoo lamang ang aking papanigan.
Tutuklasin ko ang katotohanan at pawang katotohanan lamang ang aking ibabahagi.
Hindi ako gumagamit ng salitang "ako" at "ikaw", dahil ako ay dapat obhektibo.
Bilang mananaliksik, ipagpapatuloy ko ang pag-aaral at pagtuklas ng kaalaman hanggang sa ito'y mailathala na.
At anuman ang maging resulta ng pananaliksik, higit sa lahat, ang salikwani ay matapat.

ALEJANDRO, BOBONGA, ITONA - ANG PANATA NG SALIKWANI
Bilang isang baganing mananaliksik, pahahalagahan ko
Ang katapatan sa pagmamagitan ng pagpapahayag ng kung ano ang totoo
At hindi pagtingin sa sariling pananaw at perspektiba
Ako ay hindi makikibahagi sa anumang uri ng pandaraya
Kikilalanin at rerespetuhin ko ang gawa at ideya ng ibang tao
Anumang anyo ng diskriminasyon ay hindi gagawin, pangako
Ako, bilang salikwani ay magiging mapanuri,
Magiging marangal at maingat sa lahat ng aking ibabahagi.

MERCADO, MONTEROSO, PILAPIL - ANG PANATA NG SALIKWANI
Ako ay isang Baganing Mananaliksik, nangangakong magiging tapat sa paggawalahat ng datos at paraan ng pagkuha nito sa pananaliksik. Ako ay magdedepende lamang sa mga datos na napatunayang tama at hindi ko hahayaang madaig ako ng aking emosyon. Bukas ang aking isipan para sa mga impormasyong nakuha at respeto ang ibibigay ko sa mga kalahok. Ang mga nakalap na datos ay iingatan ko, mananatili lamang sa papel at hindi ko ipagkakalat sa iba. Sa bawat pananaliksik na aking gagawin, iisipin ko muna kung makakabuti ba ito sa aking kapwa o sa buong lipunan.  Palagi ko ring pananatilihin ang pagiging propesyonal at palagi akong magpapakita ng kagalingan sa pananaliksik. Magiging mapanuri rin ako sa lahat ng oras at titignan ko ang maaaring maging kahinaan ng aking ginagawang pananaliksik.

GOCELA, NAVARRO, OLIVEROS - ANG PANATA NG SALIKWANI
Bilang isang mananaliksik, ako ay nangangako na ang mga gagawing pananaliksik ay may kawastuhan, kumpleto at matapat na resulta. Ako ay dedepende lamang sa mga datos na napatunayan at siguradong tama. Ako ay magiging obhektibo, matapat at maingat sa paggawa. Kailanman ay hindi ko isasalin ang sarili emosyon sa paggawa ng pananaliksik. Ang mga impormasyon na aking makukuha ay iingatan at hindi ipagkakalat o ipagsasabi kaninuman at gagamitin lamang ang mga impormasyon na ito sa aking pananaliksik. Ako ay magiging bukas at walang itatagong layunin sa bawat hakbang na aking gagawin. Handa akong makinig sa mga kritisismo at bagong ideya na aking maririnig o mababasa mula sa iba’t-ibang tao. Handa rin akong gumawa ng mga pagbabago sa aking pananaliksik kung ako man ay may nagawang pagkakamali. Ang aking gagawing pananaliksik ay hindi mandidiskrima ng kahit sino at ituturing na magkakapantay ang lahat ng tao. Ako bilang isang mananaliksik ay sisiguraduhin na ang gagawing pananaliksik ay makatotohanan at naglalaman lamang ng mga tamang impormasyon.

ALCANTARA, MAMABA, TAMESA - ANG PANATA NG SALIKWANI
Ako ay isang salikwani,
Gagawin ang aking pagsasaliksik ng may tapat na ilahad ang nararapat,
At pagbigay galang sa integridad ng  paksa na aking sinasaliksik.
Mananaliksik ako ng may pagiingat sa paghahanap ng datos,
At mapanunuri sa pagsulat ng aking mga nahanap na impormasyon.
Nangangakong sumunod sa mahigpit na mga pamantayang etikal na nagpoprotekta
at nagbibigay-prayoridad sa kaligtasan ng mga paksa ng aking pananaliksik.
Gagamitin ang aking nasaliksik upang maliwanagan, turuan, at makaalam.
Gagamit ng tamang pamantayan para sa peer review para sa aking pananaliksik

BELARA, BUTAWAN, HALOG-ANG PANATA NG SALIKWANI
Ang salikwaning namumutawi sa aking isip at puso,

Ay kailangan sumunod at tumupad sa etika ng mananaliksik ng may buong puso.

Ang layon ko ay maging tapat at maingat sa bawat datos at metodo na aking ibubuo.

Kailangan kong maging obhektibo sa lahat ng bagay at bukas sa kritisismo.

Gawain ko rin ang kumilos nang may integridad habang nagpapakita ng paggalang sa Intelektuwal na Kakanyahan.

Sa prosesong ito, aking iingatan ang kompidensiyalidad ng lahat ng napagkuhaan ng datos.

Hindi ako mangdidiskrimina ng aking kapwa at isasaloob ko ang aking mga gampaning sosyal.

Pananatilihin ko sa aking sarili ang pagiging propesyonal at pagpapakita ng aking kagalingan sa mga pag-aaral.

Gagamitin ko rin ang aking kaalaman upang protektahan ang mga datos, pagkatao, saloobin, at damdamin ng mga tao sa lipunan.

Ako ay magiging mapanuri na mananaliksik sa mga paksang sasaliksikin at datos na makakalap.

Upang magkaroon ng pamumunang pagbuo ang pananaliksik na maaaring makatulong sa pagkakaroon ng oportunidad na mapalawak ito.

Ang mga ito ang nagsisilbing giya sa akin at sa kapwa sa pag-ungkat ng katotohanan at pagsagot sa mga katanungan.

Upang maintindihan ang karunungang nais kong malaman.

GONATO, LLADO, LIM, E - ANG PANATA NG SALIKWANI
Ako ay isang mananaliksik,
instrumento at kinatawan ng pagpapalaganap at pagtuklas ng kaalaman.
Sa ngalan ng pagkatuto ay nanunumpa akong mananatiling tapat sa pag presenta ng mga datos.
Ang mga isasagawang pag-aaral ay isasaalang-alang sa pagpapabuti ng kapakanan ng kapwa tao, paglalahad ng katotohanan, at pagbibigay kontribusyon sa katawan ng kaalaman.
Ang personal na pananaw at damdamin ay hindi magiging parte ng anumang magiging kahihinatnan at resulta ng pag-aaral, pagkalap ng datos, at mga prosesong isinagawa dito.
Pagdating sa paglalahad ng impormasyon ay titiyaking kumpleto ang pagtatala ng batayan at kabatirang ginamit sa pag-aaral.
Aking titiyakin na ako’y magiging bukas sa mga payo ng ibang mananaliksik.
Hindi ko kalilimutan na magbigay ng respeto sa kapwa ko mananaliksik kung hindi ako ang unang naka-isip ng ideya.
Sisiguraduhin ko na ang mga datos na aking nakalap ay pananatilihing protektado at hindi makalalabas sa ibang tao na hindi kasali sa aking pag-aaral.
Ang mga pananaliksik na aking gagawin ay tiyak na makabuluhan at makatutulong sa ating lipunan at kapwa.

Iiwasan ko ang pagdiskrimina sa kapwa sapagkat ang lahat ng tao ay pantay-pantay.
Bilang isang mananaliksik aking uugalin na ipakita ang kagalingan at pagiging propesyonal na aking mailalabas sa tuluyang pag-aaral.
Bibigyang proteksyon ang mga taong kabilang sa pananaliksik mapa-isip, damdamin at pisikal.
Ako ay magiging mapanuri, upang mahanap ang lahat ng kinakailangan tungo sa malawig at mayaman na pananaliksik.
Aking pupunahin kung may mga mali sa aking pag-aaral upang malaman at maitama lahat ng aking kailangan upang mas mapalalim ang pananaliksik.

LIM N. - ANG PANATA NG SALIKWANI
Ako ay isang mananaliksik,
nangangako na magiging tapat.
Hindi kailanman magpapakita ng pagkiling.
Magiging masipag, masinop at masigasig.
Mananatiling totoo sa lahat ng impormasyon na aking makakalap.
Sisiguraduhin ko na mapagkakatiwalaan ang panggagalingan ng aking mga impormasyon.
Magiging maingat ako sa pagpili ng impormasyon na aking gagamitin.

Rerespetuhin ko ang aking mga kapwa mananaliksik.
Agad kong ipapaalam sa mga taong nararapat makaalam sa oras na ako ay makakita ng katiwalian o pangongopya ng gawa.
Bilang isang salikwani ang responsibilidad ay nakatali sa akin, sisikapin kong gampanan ang lahat ng ito.
Handa akong managot at manindigan sapagkat ako ay isang mabuting mananaliksik.

MACATANGAY, MELENDRES - ANG PANATA NG SALIKWANI
Ako ay nangangako bilang isang salikwani o baganing mananaliksik, na magiging tapat ako sa aking pananaliksik, totoong datos at mga pamamaraan, patungo sa mga pangunahing layunin ng aming pananaliksik. Sisiguraduhin kong mapanatili ko ang isang patuloy na saloobin ng katapatan sa aking pananaliksik, at magiging bukas at hindi magtatago ng anuman.

Ako rin ay magiging mapanuri sa aking sinasaliksik, magiging unang kritiko sa akin isinusulat upang makita ang mga kahinaan na taglay ng akin papel, nararapat rin na ako ay maging bukas at magalang sa unang nakaisip ng ideya, disenyo, pamamaraan o metodo ng pananaliksik na ginamit at proteksyunan ang mga ito. Gampanin ko rin na maisulong ang higit na kabutihan para sa lahat at iwasan ang pagdiskrimina sa kapwa dahil tayo at pantay-pantay.

ROSALES, COSTALES, ALBARADO - ANG PANATA NG SALIKWANI
Ako ay salikwani. Ako ay isang Pilipinong mananaliksik, likas na malikhain, may taglay na tagis at talino, at higit sa lahat ay matapat at pursigido. Ako ay nangangakong igagalang ang intelektwal na ari-arian ng bawat mananaliksik at awtor; samakatuwid, kailanman ay hindi ako mangongopya at kikilalanin ang mga nakuhang datos, mga kasangkapan, at mga pamamaraan na ginawa at sinuri ng iba. Ang aking pag-aaral ay nararapat na naka-atas sa responsableng publikasyon, kung kaya’t ito’y isusulong sa isang estado ng pananaliksik at kaalaman nang hindi at walang katulad na nailimbag ng  mga artikulo.

Tinitiyak kong ang bawat pananaliksik ay aking isasagawa nang may ingat at walang pagkakamali. Buong katapatan kong isasapuso at isasabuhay ang layon ng salikwanig maunawaan ang isang suliranin at magbigay posibleng solusyon upang malutas at maiwasan ang mga naturang umiiral na kondisyon at problemang hinaharap ng sangkatauhan. Handa akong manindigan, ako ay isang Filipinong mananaliksik, ako ay salikwani, at ako ay para-etika ng pananaliksik.

LACARA, BALINGCOS, GUIYAB - ANG PANATA NG SALIKWANI
Ako ay isang Baganing mananaliksik. Bilang isang salikwani, nararapat lamang na ako’y magkaroon ng taglay na katapatan, angking kagalingan, at kahusayan. Nilalayon kong lumikha ng pananaliksik na natatangi, kung saan ito ay walang bahid ng plagiarismo o pangongopya. Ang bawat sanggunian na aking gagamitin ay sisiguraduhing mabibigyang kilanlan. Sa prosesong ito ako ay mananatiling pursigido, pursigido sa pagtapos ng aking nasimulan at mga masisimulan bilang isang salikwani. Ang bawat impormasyon at datos na aking makakalap ay gagamitin ko nang may ingat at tapat. Sa gayon, hindi ko ihahalo ang mga pansariling damdamin o mga suliranin na makapaghahadlang sa pag-unlad ng aking pag-aaral.

Higit pa dito, ako ay nangangako na magiging mapanuri sa aking mga pananaliksik at titiyakin na ang mga kaalaman at impormasyong mangagaling sa akin ay malinis at mapagkakatiwalaan. Sisiguraduhin ko bilang mananaliksik na ako ay magiging bukas sa mga payo at kritisismo na makakatulong upang mas maging maayos ang aking akda. Ako ay nangangakong gampanan at panindigan ang bawat responsibilidad na aking haharapin bilang isang salikwani.