CHAPTER 32: OUR OWN TIME by Kenneth Cortez

CLASS#_ / SURNAME, FIRST NAME / GROUP_
500 words max (combined)

1. Ano sa tingin mo ang isang malaking desisyon na gagawin mo sa pinakamalapit na hinaharap? Ipaliwanag kung bakit ito mahalaga.
2. Anong bahagi ng report ang tumatak sa iyo?

G11 / LAGMAN, JANNA LOUISE / Y3
Tila ang araw-araw na buhay ay napupuno ng walang hanggang mga pagdedesisyon. Mula sa paggising, babangon na ba ako o pipikit pa? Maliligo na ba o mamaya na? Ano ang uulamin sa umaga, tanghali at gabi? At ang tila araw-araw na laban sa pagitan ng gagawa na ba o saka na. Subalit ang mga desisyong ito ay simple lamang, mga desisyon na ang epekto ay halos pang ngayong araw lang. Mga desisyon na sanay na tayo at paulit-ulit na.

Sa pagtatapos ng taong pampaaralang ito, hindi lang isang pagtatapos bagkus ay simula ng panibago na namang yugto. Marahil ang sagot ng marami sa iyo. Ang pinakamalaking desisyon sa ngayon ay kung ano ang kukuhin kong strand o kurso at saang paaralan isasakatuparan ito. Subalit para sa akin, ang pinakamalaki na siguro ay kung hihiwalay ba ako sa grupo ng mga tao na kasama ko sa buong paglalakbay sa labhigh, o kung lalabas ba ako sa aking comfort zone ng mag isa. Tila hinihila ako ng aking mga kaibigan sa mga desisyon ko sa buhay. Hindi naman siguro masamang tumanggi dahil tulad ko ay may pangarap rin sila na matayog at maganda. Patuloy ba akong sasama kung saan ang puso ko ay nabibilang, kung saan alam kong ang problema ay kayang lampasan. O. Kung ako ba ay hihiwalay, lalakbayin ang aking landas, hahakbangin ang bawat baitang sa hagdan patungo sa aking pangarap, subalit ng mag-isa. Nakakatakot hindi ba? Ikaw, naisip mo ba na ito na ang huli? Na ang lahat ay magbabago na, at marami na ang mapuputol. Dahil ang isang samahan ang siyang magiging kailangan sa panahon ng kagipitan. Papasok ako sa isang hindi alam na lugar na walang taong magiging sandigan. At ang magiging desisyon ko dito ay katulad ng mga dati kong desisyon na lalabas ako sa aking comfort zone dahil para sa akin sa paraang ito ay uunlad ako at hindi magiging pala-depende sa mga tao na nagiging kahinaan ko.

Kung kaya ang pinakatumatak sa kanyang pagrereport ay ang parte kung saan binanggit niya ang aral na, “Respect everyone’s opinion. Each of us perceive the world in a different way, according to our own thoughts and emotions.” Dahil kami mang magkakaibigan ay may iba ibang pangangatwiran kung saan magpapatuloy ng pangarap, subalit nagkakaisa kami dahil ang bawat isa ay may respeto at pag-unawa sa opinyon ng bawat isa. Ang marahil ay ito narin ang nagpapanatili sa aming magkaisa.

B-6 | CRUZ, NIÑO ANDREA A. | Y4
1.  Ang pinakamalaki at pinakamahalaga na desisyon na aking ginawa ay ang pagpili ko ng kurso na kukuhanin. Sabi saakin ng aking magulang kung ano raw ang aking gustong kurso ay kuhanin ko kaya pinili ko ang engineering kahit na hindi ako magaling sa math at kahit na mahirap ang kursong ito kakayanin ko dahil kung kaya ng iba kaya ko rin ito.
2. Tumatak saakin sa report ang buod dahil mas lalong nagiging malinaw ang kwento pati ang mga piliosopong nabanggit sa kabanata ay mas nakilala marami ring mapupulot na aral dito.

G22/ SALAMAT, ARABELLA BEATRIX F./2OY3
1. Kung pinakamalapit na hinaharap ang paguusapan, sa tingin ko'y tumutukoy ito sa pagpili namin ng kurso at magiging trabaho. Eto ang edad kung saan dapat na naming pag isipang mabuti ang aming nais gawin sa buhay, kung saan kami magtatagumpay at sasaya. Malaking desisyon ang pagpili ng daang tatahakin, sapagka't ito ay makakaapekto sa akin hanggang ako ay tumanda. Kung pipiliin ko ba na tahakin ang daang madali, ngunit alam kong hindi naman ako sasaya o ang daan na mahirap, ngunit ramdam mo ang tamis ng tagumpay. Parang sa pangongopya lamang iyan, mas masarap sa pakiramdam ang makakuha ng mataas na marka kapag alam mong pinaghirapan mo ang bawat sagot na nakatala sa exam.

2. Ang tumatak sa akin sa bahagi ng report ni Kenneth ay ang katagang "EVERY MAN DESERVES FREEDOM". Lahat tayo ay may karapatan na pumili ng dahilan kung saan tayo sasaya, karapatan natin bilang tao ang maging malaya. Nilikha tayo ng diyos upang mag isip, dahilan kung bakit tayo may utak, paa, kamay, at mata na maaari nating gamitin sa pagpili ng mas ikabubuti natin.

G17 PEREZ, GRACE ROSCETH Y11
Ang pagpili ng aking tatahaking landas. Bilang isang graduating student, isa sa pinakainiisip ko ngayon ay ... ano na ang susunod? What comes next after this? Inaamin ko, litong lito at gulong gulo pa rin ako . . . Ni wala nga akong alam sa mga college stuff o kaya courses. Ang alam ko lang ay kung saang paaralan ako magSesenior High pero after non... wala na finish na. Bilang isang 16 year old, iniisip ko rin ang adulting life . . . paano? Kaya sa tingin ko ang pinakamalaking desisyon ko as of right now is deciding exactly what and who do I want to be or aspire to be. Mahalagang magkaroon ng ganitong desisyon kung ano ba ang gusto ko at gusto ko maging sapagkat ito ang magiging goal mo + magiging motivation ko. Kung hindi ko alam ang patutunguhan ko eh baka sumuko na lang ako kasi baka isipin ko "Wala namang kwenta itong mga paghihirap at efforts ko!" Kaya siguro, as of right now ang malaking desisyon ko sa buhay ay kilalanin ang sarili ko't magdecide kung sino nga ba ako in the mear future... Ang tumatak sa isip ko at for sure dadalin ko sa buong buhay ko ay ang "MAN HAS NO SUCH INNATE NATURE MAN MUST THEREFORE CREATE HIMSELF." Kasi gaya nga ng sinabi ko kanina, my next decision would be "What future would I create now that I am growing into a lady?" Itong pahayag na ito ay nagpapaalala sa akin na ako ang may kapangyarihang lumathala ng kwento ng aking buhay...

B10| ESTRADA, ADWENE CLIFF A | 20Y04
Ano sa tingin mo ang isang malaking desisyon na gagawin mo sa pinakamalapit na hinaharap? Sa aking palagay ay importante at mahalaga ang bawat desisyon na ginagawa natin sa ating buhay sapagkat ito ay ilan sa mga magdidikta ng ating magiging hinaharap sa ating mga sari sariling buhay. Ngunit ang ilan sa atin ay may kinokonsidera na mga mahahalagang desisyon sa ating mga buhay dahil halimbawa, ang desisyon na magkakape ka ba sa umaga ay hindi isang mahalagang desisyon kumpara sa mga iba pang magiging desisyon natin na makaka apekto sa ating buhay. Ngunit ang tanong ay kung ano ang sa tingin ko ang magiging malaking desisyon sa pinakamalapit na hinaharap. Para sa akin, sa pinakamalapit na hinaharap ay magdedesisyon na ako kung ano ba talaga ang gusto kong kursong kukunin sa kolehiyo at anong trabaho ang aking kukunin na related sa kursong iyon. Siguro ilan sa inyo ngayon na nakikinig at nagbabasa ay iisipin na mayroon pang mga mas mahahalagang desisyon maliban sa aking nabanggit. Ngunit para sa akin isa ito sa mga pinaka importante sa akin, dahil sa tagal ng aking pag iisip ay tila hindi ko pa din mahanap ang karapat dapat na pangarap para sa akin. Ang desisyon na ito, para sakin ay ang magdidikta ng malaking bahagi ng aking hinaharap kaya masasabi kong ito ang malaking desisyon na aking gagawin at haharapin sa nalalapit na hinaharap.

Ano nga ba ang natutunan, at ang tumatak sa aking isipan mula sa mahusay na pagtatalakay ni Ginoong Kenneth Cortez? Sa kaniyang pagtatalakay ay may isang pangungusap ang tumatak sa aking isipan, at ito ang pangungusap o kasabihan sa kaniyang presentasyon na “Respect everyone's opinion. Each of us perceives the world in a different way, according to our own thoughts and emotions. Bakit nga ba tumatak sa akin ito? Dahil sa pangungusap na ito ay makikita natin ang kasalukuyan. Kung saan madaming kotrobersya lalo na pagdating sa opinyon ng mga tao. May mga pagkakataon na hindi narerespeto ang opinyon ng bawat isa, kaya dapat ay kailangan nating matutunan ang pagtanggap sa opinyon ng ating kapwa tao. Ngunit mayroon din namang pagkakataon na ang mga opinyon ng iba ay natural na hindi katanggap tanggap. Siguro ang makukuha natin dito ay, kailangan natin respetuhin ang mga opinyon ng iba kung hindi ito nakakalabag at nakakatapak sa ibang tao. At kung mayroon tayong opinyon na alam natin na makaka apak at makakasakit sa iba ay sarilihin na lamang natin ito

CLASS#15 / ONG, RAVEN / GROUP8
1. Ang pinakamalaking desisyon siguro ay ang pagdedesisyon ko sa landas na aking tatahakin sa senior high at college dahil iyon ang magdedetermine ng magiging career ko sa hinaharap at dito din ay malalaman ko kung magiging successful ba ko sa buhay o hindi. Magpeplay ito ng malaking part sa aking hinaharap dahil dito ay susubukin ako sa pakikipagsapalaran ko sa buhay para maging successful at maabot ang aking minimithing pangarap.
2. Ang buod ang tumatatak sakin sapagkat sa buod ay madami akong napupulot na kaalaman. Sa buod ay nandoon ang mga bagay na maaaring makasagot sa aking mga katanungan at makapagpapaliwanag sakin ng mga bagay-bagay.

B17 / PASCUAL, EMMANUEL / 20y7
1. Ngayong nalalapit na ang araw ng aming pagtatapos ng Junior High School, lagi ko lamang naaalala ang pangaral sa akin ng aking ama na edukasyon lamang ang tanging maipapamana niya sa amin at wala kaming ibang tungkulin sa ngayon kundi maging mabuting anak at mag-aral sa abot nng aming makakaya. Kahit kailan ay hindi ako pinilit o pinressure ng aking mga magulang na maging “magaling”, matalino, o makilala sa anomang larangan, Hiling lamang nila sa aming maging mabuting tao, gawin palagi ang bawat gawain nang may puso, at magbalik loob sa kapwa. Gayunpaman, hindi ko pa rin mapigilan ang aking  sarili na matakot para sa aking kinabukasan. Sa pakiramdam ko ay sa sobrang indecisive ko, isang maling desisyon tulad ng SHS strand na aking kukunin ay makakasira sa aking kapalaran.Kung tutuusin ay dalawang taon lang naman ang Senior High School ngunit batid kong malaki ang importansya nito sa kasiguraduhan ng aking hinaharap. Ilang linggo na lamang ang natitira sa akin upang magdesisyon kung saan ako magpapatuloy, paano at bakit. Ano pa man ang aking maging desisyon, alam kong pag para sa akin ay hindi na kailangan pang piiltin.

2. "Man has no such innate nature. Man must therefore create himself. He must create his own nature or essence. Because it is not fixed in advanced" Dahil alam naman siguro natin na pa naman tayong "kinakaharap" noong tayo'y ay bagong silang palang, at hindi rin naman lalapit ang hinaharap sa atin kung hindi natin ito gagawin. Sinasabi lang dito na ikaw mismo ang gagawa ng future mo.

B20 / RAMOS, AERON JOHN E. / 20Y1
Ang pagdedesisyon ay ang isa sa pinakamahirap kaya dapat ito’y pinag-iisipan mabuti sapgakat ito ang may pinakamalaking impact sa maaaring mangyayari sa’yo. Ngayon na nalalapit na ako makapagtapos at ilang taon na lang ang aking iintayin ay matutunghayan ko na ang totoong buhay. Sa tingin ang isa sa pinakamalaking katanungan at desisyon na aking gagawin sa hinaharap ay kung ano ang aking tatahakin at gagawin paglabas ko sa outside world o pagpasok sa reyalidad/reality. Simple man kung iyong maririnig ngunit napakahirap kung sasagutin. Hanggang ngayon ay palaisipan pa din sa akin ang mangyayari sa akin sa hinaharap. Hindi ko alam kung ano at paano ako gagalaw sa reality, hindi ko alam kung makaka-adapt ba ako o kung kaya kong mabuhay. At sa tingin ko ay ito ang pinakamahalagang desisyon na aking gagawin sa buong buhay ko, gaya nga ng sinabi ko kanina ay makakaapekto ito at magkakaroon ng malaking impact sa maaaring mangyari sa akin. Hindi naman porket nakapagtapos na ako ay kaya ko nang mabuhay, hindi porket mataas ang aking mga grado ay magaling na ako at bihasa sa pamumuhay, dapat ay alam ko kung paano ko ia-apply ang aking mga natutunan kaya hindi dapat ito balewalain at dapat ay pagtuunan ng pansin.

2. Ang tumatak sa akin sa report na our own time ay ang aral    na makukuha sa kabanata “RESPECT EVERYONE’S OPINION. EACH OF US PERCEIVE THE WORLD IN A DIFFERENT WAY, ACCORDING TO OUR OWN THOUGHTS AND EMOTIONS”. Lahat tayo magkaiba at iba iba ang way ng pamumuhay. Iba iba tayo mag-isip, iba iba tayo ng imahinasyon at iba iba ang mga ideyang nabubuo sa ating isip. Magkakaiba tayo ng perspektibo at meaning ng buhay. Huwag natin ikumpara ang ating sarili sa iba at huwag na huwag manghusga ng opinyon ng iba.

G14 / ONA, ALEXANDRA MARIE / 20Y8
1. Isa ako ngayong graduating student sa high school na sa loob lamang ng 2 taon ay magtatapos na rin sa Senior High, at pagkatapos noon ay tutungtong na sa kolehiyo. Para sa akin ang isang malaking desisyon na gagawin ko sa pinakamalapit na hinaharap ay ang pagpili ng course sa kolehiyo at ang pagpunta sa Maynila upang doon mag-aral. Mahalaga ito dahil dito nakasalalay ang magiging kinabukasn ko pati na ng pagkakahubog sa sarili ko. Sa paggawa ko ng desisyon na ito matututo ako na maging independent dahil mawawala na ako sa comfort zone ko. Mamumuhay ako doon ng mag-isa at paparaanan ang buhay ng walang tulog sa iba, at ano man ang magiging kahihinatnan noon ay dapat kong tanggapin ng buong puso. Para sa akin, para akong magtetake ng dalawang hakbang pausad sa buhay. Una, dahil sa mas malawakang pag-aaral at ang ikalawa ay sa mismong paraan ng pamumuhay. Dito magsisimula ang tunay na buhay. Buhay na lahat ng epekto ng mga gagawin mo ay tatanggapin mo ng lubos anupaman iyon dahil ikaw na lamang mag-isa doon. Ika nga nila “buntot mo, hila mo.” Simula palang ito ng tunay na buhay. Kung sa mga palabas ay intro pa lamang ito.

2. Ang bahagi ng report na tumatak sa akin ay ang kataga ni Sartre na “humanity is like a troupe of actors without a script or stage directors.” Tunay nga naman dahil ang mga tao ay may kanya-kanyang pananaw, pag-iisip at saloobin ukol sa buhay. Wala naman ang kumokontrol sa atin kaya’t malaya tayo kumilos at mag-isip na naaayon sa ating mga kagustuhan. Oo may mga batas ngunit nasa atin parin iyon kung ano ang gagawin natin, ang mabuti o masama. Nasa konsensiya mo na iyon. Tulad ng nabanggit kanina, iba-iba tayo sa pisikal na kaanyuan pati na sa kung ano ang nasa loob, ngunit tulad ng mga actors sa isang teatro, iisa ang setting o set up. Tulad nating mga tao na pare-parehong nasa Earth. Ano man ang nangyayari dito, nasa tao na kung paano niya ito tatanggapin. Kung tatanggapin niya nalang ito sa kung ano man ito o gagawa ng paraan upang mabago ito. Ganun din sa pag-iisip na mula sa ating mga nakikita at napagdadaanan, kung gagawin mo ba ito bilang motibasyon o isasantabi na lamang at mananatili sa kung ano ang initial thinking mo parin. Binigyan tayo ng Panginoon ng kalayaan, kaya’t gamitin natin ito tungo sa kabutihan at upang hindi makapanira o makapanakit ng kapwa.

G3 / DEL PILAR, LEIANE LERIE / 20y7
1.) Ang desisyon ko sa kung ano ang magiging trabaho o hanapbuhay ko sa hinaharap. Ang hanapbuhay ay isa sa pinakamahahalangang bahagi ng ating buhay, isa itong parte ng ating pagkatao. Sa trabaho ay dito mo gugugulin ang halos 3/4 ng buhay mo. Kaya para saaken, sa buhay ko, napakalaking desisyon ang pagpili ko ng magiging trabaho ko sa hinaharap. Dapat pagiisipan ko talaga ito ng mabuti, na ito ba talaga ang passion at gusto ko? ito ba yung trabaho na gaganahan akong pumasok bawat araw? na hindi lang ako mapipilitan dahil lang kailangang kumita ng pera? Dahil sa pagkuha mo ng career mo mahalaga na ito talagang ang gustong gusto mong gawen, dahil tulad ng sabi ko, 3/4 ng ating buhay ay pagtratrabaho. Isipin mo yung trabaho na napili mo ay di mo talaga gusto? yung tipong kaya lang ito yung trabaho dahil ito yung gusto ng mga magulang mo, o kaya naman ito lang yung kayang trabaho ng pera na meron kayo dahil yung gusto mo talagang trabaho ay di nyo kayang matustusan pero sa kabila ng ito para saaken ang napakaimportante paren saateng buhay ang piliin ang trabaho na gusto at mahal talaga nating gawen. Dahil sa oras na hindi mo gusto yung trabaho na napasukan mo 3/4 ng buhay mo ang nasayang mo, grabe yung regrets na mararamdaman mo balang araw dahil lang sa di mo pinagtyagaan na piliin yung trabaho na gusto at mahal mo talaga. Kaya para saaken ang pagpili ng hanapbuhay sa hinaharap ang malaking desisyon na kakaharapin ko, dahil sa oras na ang pinili kong career ay di ko talaga gusto?3/4 ng buhay ko ang masasayang. REGRET IS THE MOST PAINFUL THING IN LIFE. Kaya sisikapin ko na alamin ang career na mahal na mahal ko talaga, na handa ko itong gawen sa 3/4 ng aking buhay dahil ito talagang ang pinakagusto kong gawin. CHOOSE THE JOB YOU LOVE, ANG YOU WILL NEVER HAVE TO WORK A DAY IN YOUR LIFE.

2.) Ang tumatak saakeng bahagi ng report ay ang aral, "Every man deserves freedom" dahil sa nga naman sa mundo nateng ito lahat tayo ay karapatang maging malaya. Dahil bawat tao ay may sarisariling pananaw, opinyon, paniniwala, kasarian at kung anu-ano pa. Kaya dahil sa mga pagkakaibang mga ito kailangan naten pairalin ang respeto. And within respect, dito na papasok ang Freedom, baket? dahil nagkaroon na tayong ng kakayahan na tanggapin at respetuhin ang pagkakaiba iba ng ating mga paniniwala. At doon nagkakaroon ng kalayaan ang bawat isa dahil alam nya na may respeto sa pagkakaiba ang mga tao sa paligid nya. Nagkakaroon sya ng assurance na safe sya, in line of that tayo ay nagiging malaya.

B18 PEREZ, VAUGHN STEPHEN P. 20y9
1. Bilang estudyante hindi natin maiiwasan isipin kung ano ang ating kakaharapin o ang ating future. Sa panahon ngayon mahirap mag decide kung ano nga bang desisyon ang ating gagawin lalo't ang bawat detalye ng ating buhay ay maaaring makaapekto sa ating pamumuhay sa hinaharap. Isa lamang ang sa tingin kong sigurado sa lahat ng aking magiging desisyon, ito ay ang pagpili ng tatakahiking career, oo hindi natin ito basta basta mapipili kaya't kailangan natin ito paghirapan upang makamit ang ating mga pangarap. Tulad ko na hindi naman ganon katalinuhan at marami pang dapat malaman pagdating sa usaping edukasyon. Ang pagpili ng career o tatahaking buhay ang sa tingin kong isang malaking desisyon na kailangan ko kaharapin dahil ito ang magdidikta sa aking pamumuhay sa hinaharap. Ako ay nasa katayuan na isa sa pinakaimportanteng kakaharapin ng isang estudyante, ito ay ang pagpili ng tatahaking kurso. Pagtapak ng Junior High o Senior High, dito nabubuo ang mga ambisyon ng isang estudyanteng katulad ko. Bakit nga ba ito mahalaga? Para sa akin, maikli lamang ang buhay, walang dapat sayangin na oras at panahon, at ang bawat desisyon natin sa kasalukuyan ay lubos na makakaapekto sa ating buhay sa hinaharap.Lumaki akong "sabay sa agos" na kabataan ngunit sa aking pagtanda at paglipas ng panahon unti-unti ko nang nauunawan ang buhay at mga bagay sa paligid natin. Mahalaga ito dahil sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tamang desisyon at pagtahak dito ay makakapagturo sa atin ng aral na magagamit natin sa buhay natin. Dahil para sa akin, ang buhay ngayon ay pasimplehan at kailangan maging praktikal sa mga bagay bagay ngunit iba iba tayo ng depenisyon ng pagiging simple. Sa aking pansariling pananaw, ang pagiging simple ay ang pagtahak ng mga bagay na gusto mo at pangarap mo dahil ito ang magdidikta kung karapat-dapat ba tayo sa ating tinatahak na daan.

2.Anong bahagi ng report ang tumatak sa iyo?

Ang pinakatumatak sa bahagi ng report ni Kenneth ay ang aral ng kabanata. EVERY MAN DESERVES FREEDOM. RESPECT EVERYONE’S OPINION. EACH OF US PERCEIVE THE WORLD IN A DIFFERENT WAY, ACCORDING TO OUR OWN THOUGHTS AND EMOTIONS. Lahat tayo ay biniyayaan ng free will o kalayaan gawin ang mga bagay na gusto natin. Ngunit hindi dapat natin tapakan ang mga ninanais ng ibang tao at kailangan natin itong respetuhin dahil sila ay mayroon din pananaw sa mundo na hindi natin dapat pakeelaman.

G12 / MANUZON, MA. KRISTINA / Y7
1. Ano sa tingin mo ang isang malaking desisyon na gagawin mo sa pinakamalapit na hinaharap? Ipaliwanag kung bakit ito mahalaga.

Para sa akin ay ang pagtahak sa landas ng pagpili ng aking makakasama sa habang buhay o ang pagtahak sa landas na ang Diyos ang aking kasama. Tanda ko pa noong bata pa ako, bilin sa akin ng aking nanay at lola na pag pipili raw ako ng makakasama sa aking pagtanda ay piliin ko yung taong sasamahan ako sa lahat ng hirap at pasakit na ineengkwentro at kinakaharap ko. Ngunit paano naman kung ang nais kong tahakin na landas ay ang buhay na kung saan ay ang Diyos ang aking kasama? Sa totoo lang ayy parang masyado pang maaga para pag-usapan ang bagay na ito ngunit para sa akin ay umiikot ang mundo ko sa tulong ng mga taong gumagabay sa akin. Hindi ko makakayang mabuhay ng alang taong gumagabay sa akin, gaya na lamang ng Diyos, ngunit siyempre iba parin daw yung may taong kasama mo ng literal. Bilang isang bata pa lamang na ala pang muwang sa ating mundo ay mahalaga para sa atin na mamulat tayo ngunit sa isang magandang paraan. Isa pa sa mga desisyon na sa tingin ko ay magkakaroon ng malaking epekto sa akin sa hinaharap ay ang pagpupursigi ko, sapagkat kung pagpupursigi pa ko ay makakamit ko ang ang aking pangarap, maaani ko ang lahat ng bunga ng aking mga paghihirap. Ngunit siyempre dapat parin nating isaisip na huwag tayong masyadong magpokus sa nakaraan at hinaharap, habang may pagkakataon ay magpkus tayo sa kasalukuyan, sapagkat ang kasalukuyan ang mananatiling daan upang maitama ang kamalian ng nakaraan at upang maging maaunlad ang hinaharap.

2. Anong bahagi ng report ang tumatak sa iyo?

Ang bahagi ng report ni Gg. Kenneth na pinaka tumatak sa aking isipan ay ang bahagi ng kaniyang aral na “Every man deserves Freedom”. Karapatang Pantao, isang bagay na pagkapanganak na pagkapanganak palang sa atin ay taglay na natin parang kalayaan lang,lahat tayo ay may kalayaan ngunit syempre lahat ng iyon ay may mga limitasyon. Napagtanto ko na tayo ay nabubuhay sa isang mundong may konsepto o gawain na “Madaling sabihin ngunit mahirap isagawa”, sapagkat sa panahon natiin ngayon ay maraming tao ang nawawalan ng kalayaan na magpahayag ng kanilang sariling damdamin at mga pahayag, halimbawa nalang ay ang mga mamamahayag na biglaan na lamang nawawala at matapos ng ilang araw ay mabaabalitang gutay gutay ang kanilang katawan at hindi na humihinga. Kalayaan,simbolo ng karangyaan, ngunit isang kasarinlan para sa mga taong nagpapahayag ng katotohanan ukol sa mga katiwalian. Bilan isang bata hinndi ko masasabi na ako’y mulat na sa katotohanan ukol sa kalayaan ng bawat mamamayan, ngunit ang masasabi ko lang ay alang kalayaan ang karamihan satin. Nakakalungkot lang na isipin na alayaan nanga lang ang taglat ng iba ngunit pati ito ay kinukuha sa kanila. Bilang isang mamamayan ng bansang ito napagtanto ko rin na tungkulin kong magpahhayag ng katotohanan, at tungkulin kong ipagtanggol ang aking sarili sapagkat isa ito sa aking mga kalayaan ngunit bilang isang responsableng mamamayan ay alam ko rin ang limitasyon nito.

B8 / DEGUZMAN, SEBASTIAN GABRIELLE P. / Y7
1. Ilang linggo na lamang ay malapit nang magtapos ang aking buhay bilang isang Junior High School student, ilang linggo na lamang din ay aalis na ako sa aming paaralan. Umalis man ako sa paaralang ito ay hindi ko naman makakalimutan ang mga masasayang araw ko noong ako ay nandito pa. Hindi ko rin malilimutan ang mga mapapait na pinagdaanan ko na mas pinagtibay ako, at ang aking mga kaibigan. Para sa akin, ang malaking desisyon na gagawin ko sa pinakamalapit na hinaharap ay ang pagpili ng strand at eskwelahan na aking pupuntahan. Gaya ng iba ay hindi ko pa rin sigurado kung saang eskwelahan ako mag-aaral. Marahil ay hindi ko naman natitiyak na ang akin bang mapipiling eswelahan ay maganda o matutustusan ng sapat na kaalaman ang aking kaisipan ayon sa strand na pipiliin ko. May mga eskwelahan ako na nais pasukan ngunit mahal ang tuition fee. Isa ring nahihirapan akong pumili ng eskwelahan ay marahil online, bagong paaralan, at mag-a-adjust nanaman. Dapat kong pag isipan ang aking desisyon kung anong strand ang aking kukuhanin at aling eskwelahan ang aking pipiliin marahil dito nakasalalay ang aking kinabukasan, ang aking kapalaran. Nais kong makapagtapos ng pag-aaral upang aking masuklian ang paghihirap ng aking mga magulang, at marahil ay nais ko ring magkaroon ng magandang bahay, stable na trabaho at pamilya na maibibigay ko ang kanilang mga gusto na alam kong makabubuti naman sa kanila ito,

2. Ang tumatak sa aking isipan at ang aking natutunan sa report ng aking kaklase na si Kenneth ay ang pariralang sinabi ni Sartre “humanity is like a troupe of actors without a script or stage directions.”. Sinasabi rito na ang bawat tao ay may may sari-sariling kaalaman, paniniwala, at opinyon at dapat tayo ay gumagalaw depende sa ating kaalaman kung wala naman tayong nalalabag na batas at walang nasasaktang ibang tao. Hindi tayo dapat gumalaw depende sa kung anong inuutos ng ibang tao sa atin. Isa pang tumatak sa aking isipan ay ang mga aral na kanyang nabanggit. “EVERY MAN DESERVES FREEDOM” at “RESPECT EVERYONE’S OPINION. EACH OF US PERCEIVE THE WORLD IN A DIFFERENT WAY, ACCORDING TO OUR OWN THOUGHTS AND EMOTIONS.” Dahil ang bawat tao ay may sariling kalayaan na magpahayag ay dapat pa rin natin irespeto ang bawat opinion ng ibang tao.

G6 / EUSEBIO, ALIAH MARVEE P. / Y9
1. Isang malaking hakbang nanaman ang palapit ng palapit na babagabag sa akin habang palapit na rin ang pagtatapos ng ika-10 baitang sa aking pag-aaral. Hanggang ngayon hindi pa malinaw sa akin kung ano ang gusto ko maging sa aking paglaki. Oo, masasabi mong wala pa akong plano o pangarap. Hindi naman ito dahil wala akong pakialam o hindi ko iniisip ang aking future, hindi palang talaga ako sigurado kung anong uri ng hinaharap ang tunay na makapagpapasaya sa akin. Nais ko ba ng madaling trabaho na may sapat na pera o dapat ba akong magfocus sa pera upang tuluyan nang maiahon ang pamilya ko sa hirap? Malaki ang kinalaman ng pipiliin kong strand sa Senior highscool sa magiging takbo ng aking kolehiyo, at kolehiyo ang isa sa may pinaka malaking parte sa magiging trabaho ko sa aking paglaki. Ilang linggo nalang ang nalalabi sa school year na ito, hindi pa yata ako handa.

2. "Everyone deserves freedom", sinabi yan sa report. Totoo ang isinasaad nito ngunit hindi ito totoong nangyayari sa ating mundo. Hangga't may mga taong wala sa ayos ang naninirahan sa mundong ito, hindi magiging malaya ang mundo. Kaya ito tumatak sa isipan ko ay dahil naisip ko na noon panahon ng mga pilosopo, ang daling sabihin ng mga ganiyan, napaisip ako kung magiging ganiyan parin kaya ang kaisipan nila kung ngayon sila nabuhay o magiging isa sila sa mga taong namumuhay gamit ang pera.

B26/SANTOS,VINCENT PAOLO/ 20y11
Masasabi ko na ang malaking desisyon na gagawin ko sa hinaharap ay ang pagpili ng strand at course na kukunin para sa Senior High School at College, kasama na din dito ang pagpili ng tamang paaralan na lilipatan. Masasabi ko na ang mga ito ay ang isang malaking desisyon na gagawin ko sa pinakamalapit na hinaharap dahil ang pagkuha ng isang strand ay hindi biro dahil dito kung ano lamang ang kukunin mong strand ay meron laman silang mga partikular na pag-aaralan, hindi tulad ng sa grades 1-10 na lahat ay pinagaaralan masasabi ko din na ito ay isang malaking desisyon dahil kapag kinuha ko ang isang strand na hindi ko naman talaga gusto ay maaring masayang ang dalawang taon para sa mga oportunidad na darating sa hinaharap. At kapag sa college naman ay ito ang magiging hakbang upang malaman kung ano ang magiging buhay ko pagtapos ng aking pag-aaral.

Ang talakayan sa kabanata 32 ay nabigyang linaw ni Kenneth Cortez sakanyang mahusay na paglalahad ng bawat impormasyon , masasabi kong ang tumatak sa aking isipan ay ang buod dahil madali itong intindihin at maraming makukuhang mga aral sa kabanatang ON OUR OWN TIME at syempre ang buong talakayan na rin dahil samo’t saring mga bagong kaalaman na naman ang naipasa sa bawat indibidwal na makatutulong sa pagpapalawak ng aming pang-unawa at kaisipan.

G5 | ESTRELLA, ANNE LORRAINE D.G. | 20y2
Sa tingin ko ang isang malaking desisyon na gagawin ko sa pinakamalapit na hinaharap ay ang pamimili ng strand para sa senior high school. Patapos na ang aming taon sa Grade 10 ngunit hindi ko pa rin alam ang kung ano ba talaga ang ninanais ko sa hinaharap at ayon sa iba na dapat nakailalim sa strand na pipiliin ko ang trabaho na gusto kong kuhanin sa pag tagal. Hindi ako kagaya ni Sophie na nagkaroon ng iba’t ibang kaalaman at karanasan sa murang edad, samantala, ako ay isang batang hinahanap pa ang aking sarili. Inaamin kong hindi ako emotionally at mentally stable at ito ang sa tingin kong humahadlang sa akin sa kung ano ba talaga ang hobbies at mga kaya kong gawin. Sa tuwing mayroong mga projects ay pinangungunahan ako ng ibang emosyon kaya sa huli ay nagsisisi ako sa output dahil alam kong kaya ko pa gumawa ng mas better.

Ang tumatak sa akin sa report ni Kenneth ay ang “EVERY MAN DESERVES FREEDOM”. Ang kalayaan ay mayroong iba't ibang kahulugan sa bawat tao. Maaaring nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng kakayahang malaya mula sa pagod sa kanilang pang-araw-araw na responsibilidad, habang ang iba ay maaaring isinasaalang-alang ang mga karapatang mayroon ang isang tao sa isang lipunan. Ang maling pag-unawa sa pangunahing batayang ito ng pagkakaroon ng tao ay maaaring isang by product ng ating kamangmangan sa ating kasaysayan. Sa pamamagitan ng ating kalayaan maaari nating maunawaan nang malaya ang mga bagay, at malutas ang ating mga problema habang patuloy na naglalayong tumaas ang katayuan at para sa higit na kabutihan. May responsibilidad din ang pagiging malaya; Kung ako ay malaya ay gayon din ang aking mga kapwa tao, mayroon akong responsibilidad na tiyakin na hindi ako mangingialam sa kalayaan ng iba, at vice versa. Marerealize natin sa huli na ang kalayaan ng walang responsibilidad ay maaaring mapunta sa hindi pagkakaintindihan at gulo.

G25 / TENORIO, FRANCES FEONA / 20Y7
1. Sa tingin ko lahat ng desisyon na ginagawa ko ngayon palang ay may malaking impact sa aking future. Lahat ng desisyon ay importante kaya dapat bawat desisyon maliit man o malaki ay dapat pagisipang mabuti. Halimbawa ay kung magaaral ba ako ng mabuti o pipiliin kong magpabaya. Malaki ang magiging epekto nito sa hinaharap dahil ang mga kaalaman na makukuha natin sa paaralan ay magagamit natin sa future, at may mga aral na maaring hindi na natin maaring mabalikan pa sa tagal ng panahon.

2. Ang tumatak sa akin sa report ni Kenneth ay ang aral sa kanyang kabanata "EVERY MAN DESERVES FREEDOM. RESPECT EVERYONE’S OPINION. EACH OF US PERCEIVE THE WORLD IN A DIFFERENT WAY,ACCORDING TO OUR OWN THOUGHTS AND EMOTIONS". Totoong deserve ng lahat ng freedom at totoong dapat natino respituhin ang opinyon ng ibang tao para respituhin din nila ang atin. Lahat tayo ay may kanya kanyang point of view sa buhay, matuto tayong maging open minded at isipin na hindi lahat ng tao maiintidihan at makikita ang nakikita natin.

B11/ GASPAR, John Edizon O./ Y2
1.     Ano sa tingin mo ang isang malaking desisyon na gagawin mo sa pinakamalapit na hinaharap? Ipaliwanag kung bakit ito mahalaga.

Sa tingin ko na malaking desisyon na gagawin ko sa hinaharap ay ang pagpili ng kurso sa kolehiyo dahil ito ang makakagbigay sakin ng mga bagay na kailangan ko na matutunong sa buhay na aking tatahakin. Ito rin ang tutulong saakin na makamit ko ang mga pangarap dahil kapag ito ay natapos ko ay masusuklian ko ang mga hirap na  dinanas ng aking magulang para lang saakin.

2.     Anong bahagi ng report ang tumatak sa iyo?

Ang tumatak saakin ay ang aral na binigay na “Every Man Deserves Freedom” dahil lahat tayo ay kalayaan na piliin ang daan na ating tatahakin. Lahat tayo ay  may ibat ibang isip tungkol sa mga bagay at dapat ay respetuhin natin ang kanilang pinaniniwalaan.

G13 / MENDOZA, Marionne Querelle R. / Group 3
1. Ang malaking desisyon na gagawin ko sa lalapit na panahon ay kung lilipat ba ako kasama ang aking pamilya sa ibang bansa. Ang mamuhay sa ibang bansa ay maaaring mag-alok ng mga bagong pagkakataon, bagong lifestyle, bagong karera at isang bagong direksyon. Binibigyan ka nito ng pagkakataon na iwanan ang iyong nakaraan at muling buhayin ang iyong sarili. Ang pressure ng familial responsibilidad at peer pressure ay kabilang sa pinakamalaking factor na nagtutulak sa mga Pilipino na magtrabaho sa ibang bansa. Ito ay pareho para sa akin at mahalaga na kailangan kong magpasya nang maaga hangga't maaari, kung manatili sa aking sariling bansa o lumipat sa ibang bansa.

2. Ang tumatak para sa akin sa report ay Ang bawat tao ay karapat-dapat magkaroon ng kalayaan. Ang kalayaan ay isang kondisyon kung saan ang mga tao ay may pagkakataon na magsalita, kumilos at maghabol ng kaligayahan nang hindi kinakailangang ng paghihigpit. Mahalaga ang kalayaan sapagkat humahantong ito sa pinahusay na pagpapahayag ng pagkamalikhain at orihinal na kaisipan, nadagdagan ang pagiging produktibo, at isang pangkalahatang mataas na kalidad ng buhay. Ang kalayaan ay ang pagpipilian upang mabuhay ang iyong buhay na ginagawa ang nais mo, upang mabuhay kung saan mo gusto, kumain ng pinili at matutunan kung ano ang nais ng iyong puso. Ang kalayaan ay tungkol sa pagtiyak sa respeto at hindi mabuhay nang malaya.

G20/ RILLERA, LEIDIEL / Y10
1. Sa tingin kong desisyon ay ang pakikipagsapalaran sa path na aking haharapin dahil alam kong mas malawak ang reyalidad ng mundo sa aking paglaki na mas magkakaroon ako ng malaking responsibilidad lalo na sa aking sarili. Tulad na lamang ng kung anong ang aking tatahaking career o sa pagpili ng kung anong trabaho ang akin pipiliin pag dumating ang panahon na kailangan kong magdesisyon kung paano ko nga ba haharapin ito dahil nakasalalay dito kung ano ang mararating ko sa buhay pati na sa aking magiging pamilya sa hinaharap. Lalo na ngayong nalalapit na ako sa kolehiyo at hindi maiiwasan ang pressure dahil ang iba kong mga kaibigan ay may plano na sa future nila samantalang ako ay hindi pa rin alam kung saan mapupunta dahil hindi ako makasabay sa kanila.
2. Ang bahagi kung saan ipinakilala si Sartre sa kaniyang eksistensyalismo at sa pag-aakalang patay na ang Diyos. Kasama rin ang pagpapaliwanag niya kung paano nga ba umiiral ang isang tao. Malinaw naman na hindi tayo inihahalintulad sa isang batong walang malay o ang isang puno na wala namang kakayahang makapag-isip nabubuhay dahil tayong mga tao ay may sariling pagkakakilanlan, tayo ay nakakapag-isip dahil tayo ay may malay sa atin mismong sarili.

B2 | Biwit, Francois Zuriel, N. | 20y8
1. Para sa akin isa sa mga malalaking desisyon na haharapin ko ay ang pag lilipat ko sa kolehiyo. Gusto ko maging Veterinarian pag laki ko at isa sa mga nais kong pag aralan ay nasa UP Los Banos. Magiging malaking desisyon ito para saakin kase lalayo ako sa pinag kasanayan kong buhay. Lalayo ako sa aking Pamilya at sa aking kaibigan. Magiging mahirap man aking mararating pero matagumpay ito para sakin upang makamit ang magandang kabukasan para sa akin.
2. EVERY MAN DESERVES FREEDOM
iyan ang tumatak sa akin sa iyong report.
Naniniwala ako na lahat ng Tao ay may karapatang malaya sa lahat ng bagay.

G10 | HERNANDEZ, NICA THEREESE S. | Y9
Isa sa mga malalaking desisyon na kinalalapit ko nang harapin ay ang nais kong kunin na ‘strand’ para sa nalalapit kong oras na maging isang senior high school student. Hindi na ito kagaya ng junior high school. Sa puntong ito ay alam kong I need to look farther to my future. Ang desisyong ito ay malaki ang magiging epekto kung ano ba pwede kong maging trabaho, kung ano pwede kong gawin upang buhayin ang aking sarili, kung ano kakayanin kong gawin sa aking hinaharap. Ito ay mahalaga dahil para sa akin, ito na ang simula ng aking tunay na paglaki. Dito na magsisimula ang bahagi ng buhay ko kung saan nakakatakot, kung saan kailangan ng commitment, kung saan tayo’y mas maraming matututunan, kung saan masusulyapan natin ang maaaring maging buhay natin sa susunod pang mga taon.

Ang bahagi ng report na tumatak sa akin ay ang aral na “Every man deserves freedom.”. Sa mga desisyon na kailangan nating harapin sa ating buhay ay deserve nating lahat ng kalayaan upang gumawa ng isang desisyon. Hindi desisyon na nanggagaling sa ibang tao, hindi ang desisyon na sinasabi ng ibang tao na piliin mo, hindi. Ngunit ang desisyon mo na malayang nanggaling sa iyo mismo.

B15|MAGISTRADO, ROZZ FRANCOIS |Y10
1. Ang pinakamalaking desisyon na gagawin ko para sa aking sarili ay ang makapag - aral ako sa gusto kong paaralan. Simula nung bata pa lamang ako ay si mama na ang may gusto ng aking papasukan na paaralan,ngunit hindi sa panahon na ito... Gusto ko na ako ang masunod dahil ayaw kong mawalay sa aking mga matatalik na kaibigan dahil ganun din ang gusto nila... Mas gusto ko na nag-aaral ako sa paaralan na nakikita ko ang aking mga kaibigan dahil dun ako mas kampante at nakakapa-aral ng mabuti kaysa sa paaralan na wala ang aking mga kaibigan dahil kailangan ko oang iadjust ang aking sarili sa new environment na aking gagalawan... Lalo na ngayong pandemic na wala tayong f2f class ay mas mahirap para samin na magkahiwalay dahil hindi namin nakikita ang isa't isa, walang kulitan, walang gala, walang larong nagaganap sa quadrangle, at walang nag-aaral sa library na magkakasama...

2. Ang pinakatumatak sa akin ay ang katagang "every man deserves freedom", ang bawat tao ay kailangan na matamasa ang kanilang kalayaan... Kalayaan na makapag-isip, kalayaan na magpahayag, kalayaan na makapaga-aral, at kalayaan na mabuhay... Ang isang indibidwal ay malayang gawin ang kanyang mga gustong bagay ngayon at sa hinaharap... Sabi nga nila "happy is the essence of life" ang pagiging malaya ay may kaakibat na kasiyahan dahil alam mo sa sarili mo na gusto mo ang mga bagay na iyong ginagawa kaysa sa mga bagay na pinipilit lang sayo ng ibang tao.

G21 | ROBLEDO, Shanigay G. | 20y9
1.Ang pinakamalaking desisyon na gagawin ko sa hinaharap ay para saakin hindi ko pa alam, maraming bagay na dapat nating pinagiisipang mabuti bago tayo magdesisyon sa ating buhay dahil baka mamaya ay may mali kang desisyon na magawa. Isa lang ang naiisip kong desisyon na gagawin ko para sa hinaharap na makapagaral at nakatapos upang matulungan ko ang aking mga magulang, ibigay sakanila ang mga bagay na gusto nila. Ang desisyon ko na alagaan sila habang buhay, upang ibalik ang mga paghihirap na ibinigay nila saakin/ saaming magkapatid. Siguro sa hinaharap marami pa kong desisyon na gagawin sa buhay ngunit hindi ko pa alam kung ano ito dahil Baka sa mga darating na taon ay magbago pa ito. Ang mahalaga ngayon ay kung ano ang desisyon na gagawin mo sa kasalukuyan.  Ang pagdedesisyon sa buhay ay isa sa pinakamahalaga na pinagiisipan sa buhay. Isang pagkakamali mo lang sa mga desisyon mo sa buhay, maari itong makaapekto sa inyong hinaharap at sa mga haharapin mo sa buhay.

2. Ang nagustuhan ko sa report ay ang aral na "every man deserves freedom" lahat ng tao sa mundo ay deserve ang kalayaan. Kalayaan na mabuhay, kalayaan na makapagaral, kalayaan na maipahayag ang kanilang sarili. Ang pagrespeto sa opinyon ng iba ay isa sa mga mahahalaga nating tandaan. Ang pagrespeto sa opinyon ng iba tao upang respetuhin din tayo ng mga taong nasa paligid natin, dahil kung wala  tayong respeto sakanila ay baka hindi rin nila tayo respetuhin. Ang kalayaan sa pagpili ng mga bagay na gusto natin ay isa rin sa mga importanteng alam ng mga tao. Kalayaan, bigyang kalayaan ang mga tao sa ating paligid. Bigyan ng kalayaan ang mga tao na makapagpahayag ng kanilang gustong sabihin.

B19 || QUINAY, Dominic Sebastian Rhay N. 20y6
226 words
1.) Ako ay isang tao na hindi ma ooffend kapag inilarawan na "undecided" ngunit mayroon pa rin akong pag aalala dahil doon. Kaya imaginine ko pa lang na pipili na ako ng kurso ay nagdudulot sa akin ng pagdadalawang isip. Kaya oo ang isang malaking desisyon na gagawin ko sa hinaharap ay ang pagpili ng kurso. Una malaki itong desisyon dahil nga nakakapag dulot ito sa akin ng pangamba kung tama ba ang kukunin kong kurso, kung akma ba ito sa makakaya ko, kung mapagtatagumpayan ko ba ang kukunin ko na kursong iyon. Isang malaking desisyon na dahil andami ko agad naiisip. Pangalawa ay malaking at mahalagang desisyon ito para sa akin dahil, kapag nakapili na ako ng kurso, alam ko na kapag napagtagumpayan ko na ito, magiging simula na ito ng bago ulit na mga magiging desisyon ko sa buhay. Halimbawa ay ang pagiging "future secured" ko sa buhay dahil may trabaho na ako, ang mga desisyon na mag aangat sa akin sa future. Kumbaga ay isa ito sa mga factor ng "aking future". Ang mga desisyon na iyon ang maaaring makapag gabay sa akin sa mga landas na aking tatahakin.

2.) Ang pinakatumatak sa akin mula sa Report ni Kenneth ay ang buod. Ito ay malinaw at maayos na nailahad ni Kenneth, ito rin ay malaman kung kaya't marami akong natutunan sa kabanatang ito.

B23 | SALAMAT, Justin Penley Dc. | 20y6
Para sa akin, bilang isang graduating student, malaking desisyon na ang pagpili ng aking strand o Course. Sa akin kasi ay hanggang ngayon ay naguguluhan ako sa buhay kung ano ang kukunin kong strand. Marami kasi akong bagay na gusto ngunit hindi lahat iyon ay kaya ko, may mga bagay naman na kaya ko ngunit hindi ko gusto, o hindi pasok sa personality ko. Minsan gusto ko na lang pag aralan ang mga bagay na hindi ko alam pero kaya ko ngunit para sa akin, mas gugustuhin kong pagtiyagaan ang mga bagay na alam ko pero hindi ko kaya. Lahat naman ng tao may kakayahang magawa ang mga bagay na gusto nila kung gugustuhin talaga. Nakakainspire ang ibang tao dahil sa pagiging successful nila.

Ang aking natutunan sa report ni G. Kenneth Cortez ay ang tungkol sa nakita nila sa bookstore sa may seksyon ng “new age”. Isinasaad kasi dito na ang mga nakikita natin ay kalokohan lamang. May mga bagay na nililikha lamang ng ating sarili o sa tinatawag na “Kathang-Isip” lamang. May mga bagay na nagpapakita satin sa problema na tayo lang din naman ang nag iisip at sumisira ng isipan natin.

G8 / GALANG, JANELLA ANDREA / 20Y8
1. Maraming desisyon ang ating naharap/hinaharap/haharapin sa ating buhay. Bata pa lamang tayo, nagdedesisyon na tayo nang hindi natin namamalayan tulad na lamang sa pagpili ng flavor ng ice cream na gusto mong kainin. Ang mga desisyon na ito ay pabigat ng pabigat sapagkat habang tayo ay tumatanda ay mas lumalaki ang ating mga responsibilidad at lumalawak ang ating mga kaalaman. Ako ay nasa ika-10 baitang na at nalalapit na mag grade 11 o shs. Ang masasabi ko na ang pagpili ng aking magiging track ay ang isang malaking desisyon na gagawin ko sa aking buhay na pinakamalapit sa hinaharap. Ito ay sa kadahilanang hindi ko pa rin talaga alam ang tunay na gusto kong kurso kahit na alam kong interesado ako sa math at sa business. Maraming kaibigan ko rin ang nagsasabi sa akin na ako ay mag-STEM na lang kaysa mag-ABM. Bagaman alam kong dahilan na iyon ay para magkakasama kami, nagdadalawang isip ako nab aka maaari rin na itong sign na mula sa Diyos. May mga nagsasabi sa akin na pwede rin naman akong hindi sumunod sa strand ko kapag mamimili na ng kurso sa kolehiyo sapagkat tinutulan ko iyon sapagkat mas mainam at may advantage na ang dere-deretso ng strand. Idagdag ko pa na dahil alam ko na ito ay isang mabigat na desisyon ay humingi na ko ng tulong at payo sa mga magulang ko sa kung ang aking dapat piliin. Nasagot naman nila ang mga nais kong marinig na sagot ngunit sa huli ay ako pa rin ang mamimili at magbibigay ng desisyon dahil ito ay para sa aking sarili at future. Ito ay mahalaga para sa akin dahil dito na magsisimula ang pagtahak ko sa landas ng aking buhay na tutulong sa akin para masurvive at mabuhay sa mundo. Bawat desisyon ay mahalaga ngunit kung minsan ay hindi natin maiiwasan magkamali pero pwede naman iyon itama at ayusin o ating isipin na maaaring dito tayo dinadala ng Diyos dahil sa kanyang plano para sa atin.

2. Ang pinakatumatak sa akin sa report ng Chapter 32: Our Own Time ay ang aral na ‘Every man deserves freedom’. Alam nating lahat na ang bawat tao sa mundo ay may karapatang maging malaya; malayang makapagsalita, malayang maipahayag ang damdamin at opinyon, malayang magmahal at marami pang iba. Dapat ang lahat ng tao ay marunong rumespeto at hindi husgahan ang ibang mga kapwa tao, lalo na sa mga karapatang maging malaya nito dahil iba-iba tayo ng kinalakihan, kinasanayan, kinagawian at pananaw sa paligid natin. Magiging malaya lamang din ang isang tao kung siya ay sanay rumespeto at umintindi sapagkat ito ang magiging hakbang para maging malaya ang lahat ng tao na siyang karapat-dapat na mayroon ang isang tao.

B27 / Sumodlayon, Josue Rolbryon M. / 20y11
Ang isa sa malaking desisyon ko sa hinaharap ay ang pagpili ng strand sa senior high school, dahil kung ano man ang pinili ko dito ay mabibigyan ako ng track sa aking kinabukasan o trabaho balang araw, Ito ay isang stepping stone sa totoong buhay dahil ito ang tutulong sayo sa iyong career, at tutulong rin sayo upang matupad ang iyong dream job.

Ang tumatak sa isip ko sa report ni Kenneth ay ang buod at tauhan sa kwentong nabanggit. Parang mas naunawaan ko ang mga tauhan sa kwento at mga pilosopong nasama sa report (ang kanilang pag iisip chuchu)

B3 / CAPULE, JASPER / 20y2
1. Sa tingin ko, ang malaking desisyon na gagawin ko sa pinakamalapit na hinaharap ay ang pagpili ko ng Course sa SHS. Mahalaga ito dahil ang aking Goal ay ang maging isang Architect ngunit hindi ako ganoon kagaling sa Math at Science kaya mahihirapan ako kung ang pipiliin ko ay STEM ngunit sinabi sa akin ng mga nakilala kong mga nakakatanda sakin na Architect na mahihirapan raw ako sa College kung hindi ako magS-STEM kaya pinagiisipan ko ito ng mabuti ngayon.

2. Ang bahagi ng report na tumatak sa akin ay ang "RESPECT EVERYONE’S OPINION. EACH OF US PERCEIVE THE WORLD IN A DIFFERENT WAY, ACCORDING TO OUR OWN THOUGHTS AND EMOTIONS." dahil naalala ko na naituro sakin ito ng kaibigan ko.

B#12 / GULLA, KURT / 20y5
1. Ang pinakamalaking desisyon na aking gagawin sa malapit a hinaharap ay ang pagpili kung saan titira, kung ako'y mananatili sa Pilipinas, o lilipat sa aking Nanay sa Europe. Ito ay napakahalagang desisyon dahil may kaniya-kaniya itong  benefits at consequences. Kung ako'y mananatili sa Pilipinas, aking makakapiling ang lahat ng aking kamag-anak, ngunit hindi secured ang future dahil sa mahirap at mataas na standards na trabaho dito ngunit mababa ang pasahod. Kung sa ibang bansa kasama ang nanay ko, sigurado at stable ang magiging future ko, ngunit hindi ko makakasama ang aking mga kapamilya dahil there is no going back, kami ay mag mamigrate kung pipiliin kong manirahan sa ibang bansa. Napakahalaga ng desisyon na ito at ito ang magdidikta ng kurso ng future ko, kung pipiliin ko ba ang pamilya ko, o ang financial stability ko.

2. Tumatak sa aking isipan ang aral ng iniuulat ni Kenneth na dapat nating respetuhin ang opinyon ng iba at maging open sa pag aaccept ng perspective ng ibang tao dahil iba iba ang ating basehan sa mga bagay bagay, maaaring mali para sa amin ang isang bagay, ngunit normal lang ito sa iba, marapat naming respetuhin ang pagtingin nila sa bagay na iyon.

G18 Raymundo, Juliana Joy Q. 20y4
1. Para sa akin ang malaking desisyon na aking gagawin sa buhay ay ang pagiging mabuting tao at marunong makuntento sa kung anong bagay na mayroon tayo dahil para sa akin ang pagkakaroon ng mabuting pagkatao ay malaking bagay o tulong para sa atin dahil alam mo kung ano ang tama sa mali at ang nararapat sa mga bagay bagay at ang pagkakaroon ng kuntentong buhay ay isang maginhawang buhay dahil kapag ikaw ay kuntento na ay wala ka poproblemahin dahil tanging kasiyahan at kakuntetuhan lang ang iyong nasa isip hindi ka naghahangad nga malaking bagay o sobrang malaking bagay dahil sa kung anong meron at natatanggap mo sa araw araw ay masaya na.

2. Ang pinaka tumatak sa report na ito ay ang ay ang patungkol sa “free association “ which is techniques that freud pioneered

G9 / GONZALES, MILIEN HANNA E. / 20y5
1. Ang malaking desisyon ay ang tungkol sa kung saan ako mag-aaral sa Senior Highschool. Maraming paaralan Oo, ngunit iilan lamang ang makakamit sa aking pabor. Napili ko =ng mag aral sa Marcelo ngunit nagdalawang desisyon ako dahil ang aking mga kaibigan ay nasa LCUP. Sa Marcelo, maganda ang oppurtunities at nandodoon ang strand na gusto ko, ngunit wala akong makakakilala dahil ni isa sa mga kaibigan ko ay hindi doon mag-aaral.
2. Ang aral na everyone deserves freedom. Hindi kailan dapat tayo kinokontrol ng kung sino sino o kung ano ano, tayo ay malaya makagawa ng ating desisyon at malayang magbigay ng opinyon.

B7 Cuevas, Christian John H. Y7
1. Para sa akin ang isang malaki na desisyon na gagawin ko sa pinakamalapit na hinaharap ay ang pag pili ko ng kurso sa pagkatapos ko ng highschool. Mahirap to para sakin dahil hindi ko talaga alam kung ano ang kukunin ko sa paglaki. Mahalaga ang pag pili ng tamang kurso mo dahil dadalin mo rin ito sa kolehiyo. Ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay isa sa pinakaimportanteng desisyon na dapat gawin ko at gawin rin ng iba dahil dito ay matutukoy natin ang ating hinaharap o ang ating haharapin. Sa dinami-rami ng kursong maaari kong tahakin, kailangan pag-isipan kung ito ba ay makakatulong sa akin o hindi. Mapapadali rin ng pagpili ng kursong tatahakin ang iyong pag-aaral sa kadahilanang ito talaga ang nais mong gawin.
2. Ang tumatak sa isip ko sa report ni Kenneth ay ang kailangan natin laging respetihin ang lahat ng opinyon. Bawat isa sa atin ay nahihiwatigan ang mundo sa ipang tingin o paraan, ayon sa ating pag-iisip.

B14/Lucas, Edrian Andrei/Y3
1. Kung may desisyon na gagawin ko sa hinaharap ito siguro ang pag pili ko ng magiging strand sa SHS magiging mahalaga ito dahil ito ang magiging gabay sa mas mahirap pang mga pag-aaral kung ano ang magiging trabaho ko pag ako ay nakapag tapos na nang pag-aaral. Satingin ko ay dapat na isipin kong mabuti kung ano ang aking pipiliin upang hindi ako mag sisi sa huli.

2. Ang pinakatumatak sa akin ay "Respect everyone's opinion. Each of us perceive the world in different way. According to our own thought and emotion." Dahil iba-iba naman talaga ang pag tanaw sa mga bagay bagay kaya dapat nating igalang ang opinyon ng bawat isa.

B24 | SAMSON, ERL FRANCIS | 20y8
1. Ang pinaka malaking desisyon na gagawin ko sa pinakamalapit na hinarap para saakin ay ang pagpili ng eskwelahang aking papasukin dahil ito ay makakatulong ng napakalaki upang mas mapaganda pa ang aking kinabukas, makakatulong itong bigyan ako ng malaking chansa na mapaganda ang buhay ko at ng aking pamilya at mas malaki ren ang chansa na masuklian ako ang paghihirap ng aking mga magulang.

2. Ang pinaka nagustuhan ko dito ay ang aral na nagiwan ng katagang "Every man deserves Freedom" dahil ang bawat tao ay dapat mayroong kalayaan, hindi dapat sila tinatanggalan ng kalayaang mamuhay ng payapa, makapag aral, makaoag salita, at iba pa dahil sa kasalukuyan kapag ikaw ay mahirap o walabg kaya madaming tao ang tatapak sayo at ibababa ka, maraming tao ang manlalait saho at sasabihin na isa kang mang-mang kaya maraming tao ang nadedepress na nag lelead sa pagpapakamatay. Ang aral na ito ay maraming mensaheng iparating saatin pero ang aking inexplain ay ang pinaka tumatak na mensahe ng aral na nabanggit sa chapter na ito.

B-26 / San Diego Jr., Joselito D. / y6
1. Dahil pangarap kong maging isang entrepreneur ay sa tingin kung ano ang risk na itatake sa hinaharap regarding sa aking career at lifestyle. Naniniwala ako sa kasabihang take the risk or lose the chance lalong lalo na ngayon na ako'y bata pa at may pribilehiyong makapag sakripsiyo ng madaming oras dahil wala pa ako gaanong responsibilidad sa buhay. Sa tingin ko lamang na business-related ang aking magiging pinakamahirap na desisyon ngunit sa tingin ko lang iyon. Malay mo ay maging pinakamahirap kung makikipaghiwalay ba 'ko sa magiging jowa o asawa ko sa hinaharap, kung mag-aanak ba 'ko o kaya naman kung handa na 'ko hugutin ang life support kung sakaling magkaroon ako ng stage 4 cancer.

2. "Man is condemned to be free" ang pinakatumatak sa ' kin dahil naniniwala rin ako na ang tao ay dapat maging malaya at karapatan natin iyon. Ang tao daw ay walang pagpipilian kundi ang maging malaya, ang kalayaan ay parehas na regalo at sumpa. Tayo’y malaya at mayroong responsibilidad kung paano gamitin ang kalayaang ito; kalayaan sa pagpili, sa pagdedesisyon, sa kung ano ang tama at mali, etc… Ano man ang sitwasyon ay tayo pa rin ang nakatatanggap ng kinahihinatnan nito, ang tao ay patuloy na nagdurusa. Hindi dahil masalimuot ang buhay kundi dahil hinatulan tayo maging malaya. Ngunit, totoo nga bang tayo'y malaya o isa lamang itong ilusyon?

B28 / YAMBAOM JOHN ANTHONY / GROUP 5
Ang desisyon natin ay importante, maaaring makasama o makabuti ito sa atin. Ngunit ano nga ba ang malaking desisyon ko sa pinakamalapit na hinaharap? Ang magiging sagot ko dito ay ang pagpili ko ng aking lilipatan na paaralan, dahil sa iba’t ibang school na in-applyan ko ay hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko. Sa kadahilanang hindi ko kayang iwan ang mga kaibigan ko, ay mas pipiliin ko lumipat sa lilipatan nilang paaralan. Ngunit bakit nga ba mahalaga ang aking magiging desisyon? Dahil sa desisyon kong ito naka base ang hinaharap ko, ang magiging buhay ko, at ang mga natutunan ko. Sa pagpili ko ng paaralan ay magbabago ang buhay ko, maaring magkaroon ako ng mga bagong kaibigan, maaring magbago ang mga nakasanayang na masarap balikan. Sa pag desisyon ko ng magiging paaralan ko ay magbabago ang takbo ng aking buhay, dahil maaring iwanan ko ang aking mga kaibigan, at magbabago ang pag adopt ko sa mga lessons ng mga teachers. Kaya sa magiging desisyon kong ito ay magbabago ako at ang buhay ko. “Kung ano ang magiging desisyon mo ngayon, iyan ang magiging kinabukasan mo. At kung ano ka ngayon ay dahil sa desisyon mo kahapon.

Pinaka tumatak sa aking isipan ay ang parte kung saan binanggit niya ang “EVERY MAN DESERVES FREEDOM.” Dahil lahat tayo ay may karapatang maging malaya, bata o matanda, mayaman o mahirap, o kahit iba’t iba ang kasarian. Iisa lang tayong may mga pangarap, may mga karapatan, at may intensyon. Sa panahon natin ngayon ay maraming tao ang nawawalan ng karapat, pero nandito tayo para tulungan silang lumaban “ The only real prison is fear, and the only real freedom is freedom from fear.”

B21/ REGALADO, FRANCIS THIRD/ 20y11
1. Siguro ang desiyon na iyon ay ang kapalaran o landas na pipiliin ko para sa aking kinabukasan. Kumbaga ay kung pipiliin ko bang pagbutihan ang bawat bagay na aking ginagawa. Sapagkat ang bagay na ito ay maaring magdala sa akin ng mga problema o habang asa rurok ako ng pagkkamit ng aking mga minimithi ay may maiwan akong mga tao, na kahit kailan ay hindi ko gugustuhin sapagkat para sa akin ay may malaki na silang parteng ginampanan sa aking buhay. Bakit ko nga ba kinukwestiyon ang aking sarili? Sapagkat naniniwala ako na ang buhay ay dapat balance, sa pamamagitan ng balanseng iyon ay mapapanatili ko ang ayos ng takbo ng aking buhay, maaari ngang lahat ng aking ginagawa ay maigi kong nagagawa ngunit ang nagigng produkto naman nito ay nakakasakit ako, malamang ay aalamin ko ang solusyon para rito ngunit hangga’t makakaya ko ay iiwasan kong makasakit ng aking kapwa indibidwal. Hindi sa sinasabi kong hindi ka dapat maging the best version of yourself, bagkus ang nais ko lamang iparating ay hangga’t maari, hangga’t makakaya mo ay umangat ka ngunit sa isang mabuting paraan na para rin sa iyong kinabukasan ng alang naapakang tao, bagkus ay maging isang nilalang na kapupulutan ng aral at hindi ng sakit, poot, at hinagpis ng iyong kapwa indibidwal.

2.Para sa akin, ang pinakatumatak na bahagi ng talakayan ni Ginoong Kenneth ay ang parteng natalkay ang katagang "MAN HAS NO SUCH INNATE 'NATURE. MAN MUST THEREFORE CREATE HIMSELF. HE MUST CREATE HIS OWN NATURE OR'ESSENCE, BECAUSE IT IS NOT FIXED IN ADVANCE." Lahat ng tao ay nagkakamali, lahat ay may pagkukulang, kumbaga lahat tayo ay hindi perpekto, nilalang lamang tayo ng nagiisang Diyos at dapat nating gamitin ang buhay na ipinagkaloob niya bilang isang instrumentong tutulong sa atin upang mapaunlad ang ating mga sarili bilang isang indibidwal at hindi bilang isang mga makasariling hudas. Bilang isang tao lamang ay inaamin kong marami akong pagkukulang, ngunit sinusubukan kong iimprove ang aking sarili, hindi para sa iba kung hindi para na rin mismo sa aking sarili, upang mapatunayan kong isa ako sa mga mabuting alagad/ anak ng Diyos at hindi bilang isang nagmamataas na nilalang. Gaya nga ng narinig ko noon sa ibang tao, ang tao ay parang isang clay o putik lamang, sa una ay isa itong plain na putik na akala mong di kaaya ayang tingnan, ngunit kung hahayaan mo lamang ito na magturn o maturn sa isang obraa maestrang art ay makikita mo ang tunay na kagandahan nito, parang tayo na ginawa rin mula sa putik ng ating dakilang tagapaglikha.

B16 / MATEO, NATHANIEL JIUSEPPE / 20Y1
1. Ano sa tingin mo ang isang malaking desisyon na gagawin mo sa pinakamalapit na hinaharap? Ipaliwanag kung bakit ito mahalaga.

2. Anong bahagi ng report ang tumatak sa iyo?

1. Sa hinaharap, ako ay magdedesisyon kung ako ay kontento na sa aking buhay o gusto kong magkaroon ng pagbabago. Totoo nga na ang tao ay hindi nakokontento ngunit mahirap ang pagkakaroon ng hindi ma pawi-pawi na kagustuhan. "Unobtainble dreams are the best kind" yan ang sabi ni Lazard Deusericus. Ang mga pangarap at ambisyon natin ang bumubuhat satin sa paggawa ng mga bagay, ito ang tumutulak satin gumawa ng mga bagay na mahirap gawin. Ngunit ang pagkakaroon ng hindi ma pawi-pawi na ambisyon ay dilikado dahil kailangan din natin matututong makontento sa kung ano ang mayroon tayo. Ang pagiging kontento ang nagtuturo sa tao na ma appreciate ang mga bagay-bagay, ito ang tutulong satin na magkaroon ng kagaanan ng loob.

2. Ang pinakatumatak sakin ay ang katagang "MAN HAS NO SUCH INNATE NATURE. MAN MUST THEREFORE CREATE HIMSELF. HE MUST CREATE HIS OWN NATURE OR ESSENCE, BECAUSE IT IS NOT FIXED IN ADVANCE." Man adapts to his surroundings, no different to a Chameleon's camouflage which it uses to survive. Man's jungle is a habitat of words spoken and unspoken no less deadly beneath the surface of calm waters. I believe that no man is TRULY independent, for we depend in our surroundings and our neighbors. A man creates his own nature through the influence of his surroundings.

B-4 / CARLOS JR., ERICKSON / 20y10
1.) Kung tatanungin mo ako ngayon, wala naman. Para sakin ang malalaking desisyon ay gawa ng maraming maliliit na desisyon. Dahil ang mga malalaking bagay ay may build up kaya ito nagiging malaki/importante. Kaya kung sasagutin ko ang tanong na ito eh wala pa naman at ang pinakamalaking bagay na sa tingin ko na aking gagawan na desisyon as of now ay kung gagawin ko na ba ang pinaplano kong gawin na philosophy book o hindi.

2.) “Man has no such innate nature. Man has therefore create himself.” Ang pinkatumatak sakin pero nagdidisagree ako dito. Para sa akin, may nature naman ang tao pero, hindi ibig sabihin nito na dahil ito ang nature nya, ito ang gagawin nya. Para sa akin ang tao ay may natural good and natural bad. At ang pagnurture sakanya ang magdidikta kung ano ang magiging kanyang pagkatao. Kadalasan, man does not create himself, but his surroundings create him. Minsan lang ang case na Man creates himself.

G16 / ORPILLA, SANDYLENE / GROUP 2
Life is a matter of choices. Gumagawa tayo ng mga desisyon sa lahat ng pagkakataon. Karamihan ay maliit lamang. Gayunpaman, ang ilan ay tunay na malalaki at nagbubunga ng mga kahihinatnan na maaaring tumagal ng ilang taon o dekada. Sabi nila sa huling sandali raw ng ating buhay, maaari nating balikan muli ang mga pagpapasyang ito - at ang ilan ay maaari nating pagsisisihan. Isang bahagi kung bakit napakahalaga ng malalaking desisyon ay dahil sa kung gaano ito kabihira. Hindi tayo nakakakuha ng pagkakataon upang matuto mula sa ating mga pagkakamali. Kung nais mong gumawa ng malalaking desisyon na hindi mo pagsisisihan, mahalagang matuto tayo mula sa iba na dumaan na roon upang maiwasan ang pagsisisi at panghihinayang. Ito ay mga negatibong damdamin na nararamdaman natin kapag sinasalamin ang mga nakaraang pasya at hinahangad na may nagawa tayong iba. “ Sana pala ganito ang ginawa ko at hindi ganoon “ Gagamitin ko ang mga itong gabay sa pagbuo ng mga malalaking desisyon sa hinaharap kabilang na ang tungkol sa edukasyon, pag-ibig, at career. Ngunit kung babalikan nating ang ugat ng mga ito ay mapupunta tayo sa isang bukod-tanging desisyon na dapat pagpasyahan. Ang magpatuloy at lumaban sa mga hamon ng buhay o huminto na lamang at sumuko. Bago tayo gumawa ng pagpapasya para sa ating career, pagmamahal, at iba pang plano, kailangan mo munang buuin ang pasyang ito. Madaling sabihin na magpatuloy at lumaban ngunit mahirap gawin. Sa katunayan ay mas madaling huminto at sumuko, hindi ba? Ngunit kung babalikan ko ang lahat ng pinagdaanan ko upang makarating ako sa kung nasaan ako ngayon, kung babalikan ko lahat ng mga pagsubok na nalagpasan ko, kung ibabalik mo ako sa nakaraan, ang isasagot ko sayo ay palagi kong pipiliin na magpatuloy. Ngunit sa hinaharap, hindi ako nakasisiguro kung pareho pa rin ang magiging desisyon ko. Marami pang pagsubok ang daraan ngunit mananatili ba akong matatag at pipiliin na lumaban? Patuloy ba akong maniniwala sa aking sarili at kakayahan? Sa tingin ko ay ito ay magiging pinakamahalagang desisyon na gagawin ko sa hinaharap sapagkat ito ang ugat. Dito nakabatay ang mga susunod na malalaking desisyon na papasukin ko.

“Every man deserves freedom”. Mga katagang labis na tumatak sa aking isip habang pinakikinggan ang report. Ang bawat isang mamamayan ay karapat-dapat sa kalayaan. Kalayaang mabuhay, magmahal, igalang. Kalayaang ipahayag ang sarili, kalayaang gumawa ng iba’t ibang desisyon, kalayaan sa kasarian, kalayaan mula sa mga mapang-aping paraan ng pamahalaan. Ka-la-ya-an. Limang daang taon na ang lumipas mula nang tanggalan ng kalayaan ng mga dayuhan ang ating bayan. Mahigit isang daang taon mula nang makamit natin ang kalayaan laban sa mananakop na dayuhan. Ngunit naging malaya nga ba tayo? Nakamit nga ba natin ang kasarinlan ng ating bayan? Sa kasalukuyang panahon, masasabi nating nasa ilalim muli tayo ng isang pananakop - ngunit hindi ng makapangyarihang dayuhang bansa. Pananakop mula sa isang pandemyang ilang milyong buhay na ang kinitil. Sama-sama tayong muling maghangad ng kasarinlan laban sa nakamamatay na pandemyang pinagdadaanan ng buong mundo sa kasalukuyan.

B9 / DEL ROSARIO, REX GABRIEL / GROUP 1
1. Tayo ay tumatanda na. Hindi natin napipigilan ang ating paglaki. Sa ating pagtanda ay dapat umuunlad rin tayo bilang mga tao. Noong mga bata tayo, ang ating mga desisyon sa buhay ay nakabatay sa ating mga magulang. Mula sa maliliit na bagay gaya ng kung ano ang susuotin hanggang sa malaking bagay gaya ng kung saang paaralan tayo papasok. Ngayong tayo ay malaki na, tayo na ang gumagawa ng ating mga desisyon para sa ating sarili. Mula sa maliit na bagay hanggang sa malaki. Sa ngayon, ang pinakamalaking desisyon na aking gagawin ay ang tungkol sa aking magiging career. Kung anong daan ang aking tatahakin matapos ko mag-aral. Malaki ang desisyong ito sapagkat sa desisyong ito babase ang mga susunod na taon ng aking buhay. Magsisimula ito kung anong strand at track ang aking pipiliin sa Senior Highschool hanggang sa anong kurso sa kolehiyo hanggang sa makarating ako sa kung anong hanapbuhay ang aking magagawa. Matapos ko makahanap ng trabaho ay dedepende naman ang aking pamilya at ang aking magiging pamilya sa sweldo na aking nakukuha sa aking trabaho. Dito rin babase kung gaano ako kakomportable mabubuhay sa kinabukasan. Ang mga susunod na taon ng aking buhay ay nakabatay sa malaking desisyon ko sa kung ano ang aking daan na tatahakin pagdating sa aking career.

2. "Respect each other's opinion, each of us perceive the world in a different way." Lahat ng tao ay iba. Walang dalawang taong magkapareho. Bawat tao ay may isang pares ng mata. Ang bawat mata ay iba. Ito ang dahilan kung bakit lahat tayo ay may opinyon, dahil iba-iba ang pagtingin natin sa mundo. Dapat matanggap na natin ang katotohanang lahat tayo ay magkakaiba at hindi magiging magkatulad kailanman.

B22 | ROXAS, Gerold V. | Y10
1.       Para sakin ay ang magsumikap lalo sa pag-aaral at mas ayusin ang sarili at paguugali. Dahil kung sa pag-aaral ay alam naman nating magagamit natin ito balang araw sa ating hinaharap para makamit natin ang sarili nating mga pangarap. Sa paguugali naman ay para mas lalong maging maayos ang pakikitungo sa ibat ibang mga tao at mas lalong maging mapamasid sa paligid.

2.       Ang tumatak sa aking isipan ay mas lalong naging malinaw ang mga kwento patungkol sa mga pilosopo patungol sa kabanatang ito at maraming napupulot na ibat ibang aral.

G23 / SANTOS, MARY JOY M. / 20Y1
Sa tingin ko ang isang malaking desisyon na gagawin ko sa pinakamalapit na hinaharap ay pagpili ng kurso para sa kolehiyo. Kung siguro ang iba ay alam na ang nais nilang maging sa kanilang hinaharap ngunit sa aking kaso, wala pa akong desisyon dito. Ang karamihan siguro ay binase ang kanilang kukuning track at strand sa Senior High School sa kanilang kukuhaning kurso ngunit ang aking ginawa, pinagdesisyunan ko na HUMSS ang kuhanin dahil kakaunti lamang ang Math at Science nito kung saan ako mahina. Gusto ko rin ang mga subjects na meron dito kaya ito ang aking nais. Ngunit tunay nga namang napakahirap isipin kung ano nga ba ang gusto kong maging. Kung ako’y tatanungin, nais ko na lamang maging mayaman nang walang ginagawa ngunit hindi yon maaari. Nais kong sa UP mag-aral at alam kong mahirap ang makapasa dito kaya sisikapin kong mag-aral pa ng mas mabuti para sa katuparan ng aking hangad. Ngunit kahit ganoon, hindi ko parin talaga alam. Ang aking pinamimilian ay Communication Arts o ‘di kaya AB Psychology. Sana’y malaman ko na kung ano ba talaga ang nais ko sapagkat mahirap ang magplano para sa hinaharap kung hindi ko naman ang pinaplano ko at bungi-bungi ito. Sobrang halaga ng gagawin kong desisyon na ito sapagkat dito nakasalalay ang 4 na taon ng aking pag-aaral at buhay. Dito rin nakasalalay kung ano ang magiging trabaho ko sa hinaharap. Kinakailangan na masaya ako sa kurso na ito at kung ano man ang magiging trabaho ko sa pamamagitan nito. Dito nakasalalay ang aking buong hinaharap. Kung ako’y mag Psychology course ngunit ang nais ko palang maging trabaho sa hinaharap ay ang pagiging Engineer, ay siguradong walang tatanggap saakin sa propesyon o field na iyon dahil sa aking naging kurso.

Ang tumatak sa aking isipan mula sa report ng aking napaka sipag at tunay nga namang maginoong kaklase sa seksyong Yakal na si Kenneth Cortez, ay ang mga katagang “Every man deserves freedom” na isang aral mula sa Kabanata 32 na kaniyang inireport. Idinagdag pa niya ang pahayag na, “Respect everyone’s opinion. Each of us perceive the world in a different way. According to our own thoughts and emotions.” Tumatak ito saakin sapagkat sadyang totoo naman ang sinasabi rito. Kinakailangan na iresepto natin ang opinyon ng bawat isa. Lahat tayo ay unique at may iba’t-ibang mga pamilya at way kung paano pinalaki. Hindi lahat ay mapagkakasunduan sapagkat tayo ay mga indibidwal. Sobrang daming paraan kung pano natin titingnan ang mundo, at sana nama’y ang pagtingin mo rito’y nasa maliwanag at hopeful na banda. Tumatak rin saakin ang mga sinabi ng mga pilosopo tungkol sa pagtingin sa buhay at tungkol sa existence. Sinabi ni Sartre na ang bawat tao ay may sari-sariling kamalayan at pang-unawa at nakikita natin ang mundo sa iba’t ibang paraan.” Dahil sa mga katagang iyan, tunay akong napaisip na “Oo nga noh? Hindi pare-pareho ang nakikita ng bawat tao. Iba-iba ang kanilang magiging opinyon at persepsyon sa mga bagay-bagay.” Iyan ang mga bagay na tumatak sa aking isipan sa kabanata at report na ito.

G#24 / TAYAO, MA. LARIZA CHRISZEL/ GROUP 5
1. Bilang isang mag-aaral, ang simpleng pagpasa ng mga gawain ang isa sa malaking desisyon na ating haharapin. Maaaring ngayon ka na gumawa, o bukas, o wag na. Ngunit, bilang isang mag-aaral na nasa ika-1o baitang naman, masasabi kong ang pagpili ng strand ang isang malaking desisyon na aming tunay na pagiisipan at gagawin.

Ang ating pipiliing strand ang isa sa mga malalaking hakbang na kailangan nating pagdaanan patungo sa tagumpay. Kailangan nito ng mahusay na pagdedesisyon sapagkat ito ang pinakaunang bagay kung saan mamimili "tayo". mga mag-aaral ng ating nais. Dagdag din na ito ang magiging simula ng ating plano sa pagpili ng kurso bilang ating susunod na haharapin matapos nito.

Nahihirapan, yan ang ating maaaring nararamdaman ngayon. Mayroon sa atin na alam na ang nais nila sa hinaharap at ayon ang kanilang gagawin, mayroon din namang alam na ngunit hindi ito magawa, at mayroon ding hindi pa alam kung kaya't ano ang kanilang pipiliin?

"No one knows what will happen in the future", iyan ang wika ng marami at isa sa mga katotohanan na maaari nating paniwalaan. Oo, hindi natin alam ang mangyayari sa kinabukasan pero sa atin nakasalalay ang mangyayari dito. Sa bawat desisyon at aksyon ay may kaakibat na pangyayari, kung kaya't sa pagpili ng desisyon at paggawa ng aksiyon, siguradihun natin na ito ang gusto natin, makapagpapasaya sa atin, at ang makabubuti sa atin.

2. "Respect everyone's opinion. Each of us perceive the world in a different way according to our own thoughts and emotions". Isa sa mga bagay na mas natutunan at nalaman ko sa libro ni Sophie ay ang pagkakaroon ng kaibahan ng bawat tao kung kaya naman ang mga katagang ito ang tumatak sa aking isipan sa report ni G. Cortez sapagkat naniniwala ako na isa ito sa mga bagay na nararapat nating gawin upang maiwasan ang kaguluhan. Naniniwala ako na isa ito sa mga bagay na dapat malaman ng tao, hindi porke't tama ang opinyon mo ay mali na ang sa akin at hindi porke't mali ang iyo ay tama na ang sa akin. Oo, magulo at mahirap itong ipaliwanag at intindihin, ang ating magagawa na lamang ay palaging alalahanin ang itinuro sa atin noong tayo ay mga bata pa at ang bagay na palaging pinapaalala sa atin na nararapat nating taglayin at gawin, ang respeto o and pagrespeto.

B#13 / LOPEZ, KYLE LEMUEL / GROUP 10
1. Kung ako ang tatanungin, ito ay ang pagpili ko kung anong track at strand ang aking aaralin para sa aking senior high school na nalalapit na. Isa itong napakahalagang desisyon sa buhay ko dahil ito ang magiging tulay na madadala sa akin sa bagong mundo na aking tatahakin sa hinaharap. Sabi rin nila, "Life is about finding your purpose." Para sa akin, ang aking magiging karera sa hinaharap ay isang layunin na aking nais maabot, dahil isa iyong paraan upang makamit ko pa ang iba kong nais makamit o mga layunin tulad ng pagtulong sa aking mga magulang, pag-travel sa mundo, pagkakaroon ng sariling mga ari-arian, makapagbigay ng pera para sa mabuting layunin at napakarami pang iba na nais kong maabot sa malayo pang hinaharap. Ang katuparan sa mga bagay na ito ay nakabase sa kung ano ba ang aking magiging susunod na hakbang pagkatapos ng ika-10 Baitang, ipagpapatuloy ko ba ang aking pag-aaral sa senior high school o hindi? Ang strand ba na ito ang aking pipiliin o ang isa pa na ito? Gusto ko ba ang landas na tatahakin ko o may iba pang mas magpapaganda ng buhay ko? Marahil ay simple lamang ang mga ito sa ibang tao ngunit para sa akin, napakahalaga ng mga desisyon ko sa dalawang katanungan na ito dahil dito nakabase ang aking magiging kinabukasan. Upang tapusin ang aking kasagutan, iiwan ko ang mga katagang ito, "The first step towards getting somewhere is to decide that you are not going to stay where you are."

2. Ang parte ng report ni Kenneth na tumatak sa aking isipan ay ang mga katagang iniwan niya sa huli ng report na “Every man deserves freedom.” Sa mundo natin ngayon na masasabi kong walang pagkakapantay-pantay, kalayaan at pag-respeto sa iba, dapat ay maisaisip ng bawat mamamayan ng mundo na ang mga kapwa-natin-tao ay dapat matamasa ang pare-parehong pribilehiyo, kahit anumang lahi, kulay, dugo, wika, kasarian, yaman at iba pa. On the top of everything, we are all humans, kaya hindi dapat tayo naglalamangan sa halip ay nagtutulungan. Tayo ay nabigyan ng consciousness, knowledge at reasonings hindi para gamitin ito sa masamang pag-aasam kundi para i-fulfill ang layunin natin na gamitin ang mga ito para sa paglago natin bilang mga indibidwal at alagaan ang mundong ating ginagalawan at tinitirhan. Let the next generation know and learn by heart that every person in this world deserves equal rights and freedom to be a person.

B-1/AQUINO,PRANZ EDRICK A./20y9
1. sa palagay ko ang pinakamahalagang desisyon na aking gagawin ay kung akin bang ipagpapatuloy ang aking channel na nagsisimula pa lamang sa pag laki, ito ay importante para sa akin dahil sa ito ay maari kong mapalaki at makatulong sa aking magulang sa pagipon sa hinaharap.

G2/ CACERES, DANIELLE/ 20Y6
Ang pinakamahalagang desisyon na aking gagawin sa mga darating na buwan ay kung panghahawakan ko ba ang mga taong nakilala ko o mas pipiliin kong magbigay ng espasyo para sa mga taong kikilalanin ko pa lamang. Tila ba tanggap na nating lahat na may mga taong talagang panandalian lamang sa ating buhay, at nasa sa atin na iyon kung hahayaan ba natin silang manatili o pipigilang lumisan. Ako ay nasa isang mahalagang punto ng aking buhay kung saan ang aking hinaharap ay hindi na ganoon kalayo sa aking pananaw at kinakailangan kong umalis mula sa aking kinatatayuan at kinagisnan upang ito ay makamit. Lahat ng aking mga kinasayanan at kakilala ay magiging isang parte na lamang ng nakaraan. Mahirap na pagisipan kung nararapat bang bigyan ng pagpapahalaga pa ang mga tao na wala ng importanteng papel sa takbo ng aking buhay. Kakaunti lamang ang mga tao na kaya kong pahalagahan at darating ang panahon kung saan kinakailangan kong mamili kung lalabanan ko pa ba ang tadhana na siyang pilit na naghihiwalay sa amin. Aaminin ko na hirap akong makita ang halaga ng isang tao hanggang siya ay hindi pa nawawalay sa akin. Kaya naman natatakot ako na palayain ang mga tao sa aking buhay at kinalaunan ko pa lamang mapapagtantuan ang tunay na halaga nila sa akin.

Ang pinaka tumatak na bahagi ng report ng kabanata 32 sa aking isipan ay ang aral na “Respect everyone's opinion. Each of us perceive the world in a different way. According to our own thoughts and emotions.” Lahat tayo ay may karapatan na magkaroon ng ating sariling pananaw sa mundo, at isa sa pinakamahalagang batas na nirerespeto ng halos lahat ng bansa sa mundo ay ang Freedom of Speech na kung saan lahat tayo ay may karapatan na ihayag ang mga saloobin at pananaw natin. Para sa akin, ang diwa ng ating pagkatao ay ang ating kakayahan na ipahayag ang ating pagtutol o ang ating resistance. Kung tayo ay mabubuhay lamang sa isang lipunan kung saan ang mga dogmas at stereotypes ang namumuno, tayo ay magde devolve o babalik sa ating pinagmulan imbes na magprogress tungo sa isang masaganang kinabukasan. Hindi lamang iyon, kung hindi natin hahayaan ang ating sarili na tumanggap ng pananaw ng ibang tao, hindi tayo magbubunga o tuluyang lalaki. Kung gusto lamang natin makatanggap ng pagsangayon at papuri, ang mga taong papaligid sa atin ay mga taong sunod sunuran lang at walang kakayahan na magisip para sa kanilang sarili. Ang ating pagtanggap na iba’t iba ang pagtingin natin sa buhay ay magdudulot ng kapayapaan sa atin dahil mapagtatanto natin na hindi natin mababago ang paningin ng ibang tao at ang kailangan na lamang nating gawin ay pagbutihin ang ating sarili.