KATAPATAN SA SALITA AT GAWA by Pearle Laureles

KATAPATAN SA SALITA
Ang salita ng tao ay tumutulong sa atin upang maging ganap ay ginagamit at madalas na inaabuso; ang pagsisinungaling ay isang paraan sa pag-aabuso rito. Ang pagsisinungaling ay pagbaluktot sa katotohanan, isang panlilinlang. Ang pagsisinungaling ay ang pagtatago ng isang bagay na totoo sa isang tao na may karapatan naman dito.

ANUMANG URI NG PAGSISINUNGALING AY KALABAN NG KATOTOHANAN AT KATAPATAN.

MGA DAHILAN NG PAGSISINUNGALING
a.) Pagsisinungaling upang pangalagaano tulungan ang ibang tao (Prosocial Lying)

b.) Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi, o maparusahan (Self Enhancement Lying)

c.) Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao (Selfish Lying)

d.) Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Antisocial Lying)

Iba pang mga dahilan:

- upang makaagaw ng atensyon

- upang mapasaya ang isang mahalagang tao

- upang hindi makasakit sa isang mahalagang tao

- upang makaiwas sa personal na pananagutan

- upang pagtakpan ang isang suliranin

BAKIT NGA BA KAILANGAN MAGSABI NG TOTOO?
1. Ito ay ang natatanging paraan upang malaman ng lahat ang tunay na pangyayari.

2. Ito ay magsisilbing proteksiyon para sa mga inosenteng tao upang masisi o maparusahan.

3. Ito ang magtutulak sa tao upang matuto ng aral sa mga pangyayari.

4. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa.

5. Hindi mo na kinakailangan lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento.

6. Inaani mo ang reputasyon bilang isang taong yumayakap sa katotohanan.

7. Ito ay ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng loob.

APAT NA PAMAMARAAN SA PAGTAGO NG KATOTOHANAN (AYON KAY VITALIANO GOROSPE)
May mga pangyayari na nagbubunsod sa tao upang itago ng tao ang katotohanan. Ang pagtatago ng katotohanan ay hindi maituturing na kasinungalingan.

1. Pananahimik (silence)

2. Pag-iwas (evasion)

3. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan (equivocation)

4. Pagtitimping Pandiwa (Mental Reservation)

Ang mga pamamaraan na ito ay hindi ginagamit sa lahat ng pagkakataon o sa kahit na anong dahilan. Ang hindi mapanagutang paggamit nito ay maituturing na rin na pagsisinungaling na maaaring makasira ng panlipunang kaayusan at tiwala ng kapwa.

KATAPATAN SA GAWA
Ang matapat na tao ay hindi kailanman magsisinungaling, hindi kukuha ng bagay na hindi niya pag-aari, at hindi malilinlang o manloloko ng kaniyang kapwa sa anumang paraan. Ito ay ang pagkakaayon ng isip sa katotohanan.

Mahalagaang lahat ngating iniisip, sinasabi, at ginagawa, malaking bagay man ito o maliit, lagi nating sinisiguro na ito ay yumayakap sa katotohanan.

3 HUWARAN NG ASAL (BEHAVIOUR PATTERNS)
Una, gumagawa ka ba ng tama at mabuting mga pagpapasiya at naninindigan para dito? (decisiveness)

Ikalawa, ikaw ba ay bukas sa iyong kapwa? Sa pagbabahagi mo ng iyong sarili sinisiguro mo na ito ay may kalakip na moral na awtoridad (moral authority)? Ikaw ba ay marunong  tumanggap ng mga pagkakamali? (openness and humility)?

Ikatlo, ang lahat ba ng iyong iniisip at ginagawa ay sinisiguro mo na yumayakap sa katotohanan (sincerity or honesty)?

Ang pagyakap sa lahat ng mga ito ang maglalayo sa iyo sa sitwasyon na kakailanganin mong gumawa ng mga bagay na labag sa katotohanan para lamang pagtakpan ang iyong mga pagkakamali. Kailangang sa simula pa lamang ay gabay mo na ang mga ito upang makapamuhay ka nang puno ng katapatan.