IKUWENTO MO! by Dejito, Ranier

PAGLALAKBAY(Jaymalin)
Paglalakbay ng binata

Noong unang panahon sa isang bayan na ang ngalan ay lambe, may isang binatang nagngangalang Denver isa siyang matipuno at matalino. Kilala siya sa tapang at kabutihan ng puso kaya maraming nahuhumaling na kababaihan.  Ninais niyang maglakbay upang hanapin ang mahiwagang itim perlas ng liwanag na sinasabing makapagtataboy ng dilim sa kanilang bayan.

Naglayag siya sa karagatan, sinundan ang hampas ng unang alon na handog ni Bathala. Dumaan siya sa mga bundok, gubat, at ilog hanggang sa kung ano-anong nilalang ang nakalaban ng binata mga tiyanak, tikbalang, kapre at higit sa lahat ang leon na may tatlong ulo na bumubuga ng itim na apoy.

Sa kabila ng mga pag subok ng binata ay may isang mumunting koneho na kulay lila na may hugis na pusa at aso ang mukha at mahahabang kuko. Itong nilalang na ito ang tumulong sa kaniya para matagpuan ang bato sa tuktok ng bundok tabor na nababalot ng itim na ulap.

Nang ibalik ng makisig na binata ang bato sa kanilang bayan, sumikat ang liwanag at nagkaroon ng pag-asa ang lahat. Mula noon, ang kanyang pangalan ay naging simbolo ng tapang sa bawat paglalakbay.

Ako ay Saging
‎Ako ay Saging

Sa isang planetang bananaplatue, may iisang uri ng pagkaing nakatira. sila ang mga saging. Si datu saging ang pinuno ng pangkat at ang mga taga sunod niya ang mga saging saging bananana.  Bagamat may pagkakaisa ay nakikita ni Datu saging  na ang pagkakaisa ang makapagpapatalsik sa kaniya sa oras na malaman ang mga ilegal na pagkain nya sa ibang saging na nakababa. Ang mga saging na nakabababa ang tinatawag na lamog. Ang mga lamog ay ang sumasamba kay Panginoon Hinog dahil sa paniniwalang balang araw bababa ang Panginoon upang tanggalin ang mga kanibalismong kumakain ng kapwa saging.

‎Sa mga pagkakataon na to, ako si Mahabang saging ay sinusubukang habulin si Datu upang bawiin ang susi na magbubukas ng daan ni Hinog. Binaril at kinakin ni  si Mahaba kaya ito ang naging sanhi ng kaniyang kamatayan. Nang sa di mawari biglang lumitaw ang malaki at matabang Saging mula sa araw, tila isang dragon na color yellow ang ngayo'y lumalabas sa kanilang araw, sinabi ni Cartona isang lamog na saging. May sumigaw, "SI PANGINOONG HINOG AY NAGBALIK NA" Dumagungdong ang kalupaan, umiyak ang langit, at nag ututan ang mga bulkan. Sabi ni Hinog bilang hadlang ang pagkakaisa sa inyong pagkakaunawaan kayo ay aking paghihiwa hiwalayin. Ikaw Cartona na babaeng Saging mula sa iyonh buto at laman ang sang lahi mo ay tatawaging Señorita. Ikaw naman namaaalam na Mahabang saging dahil sa iyong tapang, katalinuhan, at lakasikaw at ang iyong lahi ay tatawaging lakatan. Ikaw naman Datu na labis ng lagkit sa kasakiman at kasamaan ay magiging matigas, mapakla at di makain kain, ngunit sa pagdating ng tulad kong dilaw na saging ay magiging masarap ay tatawagin ka at ang mga kulay green mong lahi na "SABA"

Mitolohiya ni Colet at ang Pamilya ng Liwanag
(Hango sa tema nina Cupid at Psyche)

Noong unang panahon, dumating ang sumpa ng dilim sa bayan ng Lucerna. Mula sa mga libingan ay bumangon ang mga zombie, at mula sa kabundukan ay bumaba ang mga aswang. Sila’y isinugo ng diyosa ng kadiliman na si Lirvana, bilang parusa sa mga tao.

Ngunit ipinanganak si Colet, na may kakaibang kapangyarihan , ang kakayahang lumipad at magbigay ng liwanag mula sa langit. Kasama niya ang kanyang pamilya na pinagkalooban ng kakayahang mag-camouflage, nagiging anino upang linlangin ang mga nilalang ng dilim.

Subalit bago nila mailigtas ang bayan, ipinataw ni Lirvana ang isang mahigpit na pagsubok: “Kung nais niyong pawiin ang aking mga alagad, kailangan ninyong maglakbay at hanapin ang Kristal ng Tanglaw na nakatago sa tatlong daigdig: kagubatan, ilog ng anino, at bundok ng mga kaluluwa.”

Kahit mahirap, tinanggap ni Colet at ng kanyang pamilya ang hamon. Sa bawat yugto ng kanilang paglalakbay, sila’y sinubok:

•	Sa kagubatan, sinalakay sila ng mga aswang, ngunit nagamit nila ang camouflage upang magtago at biglang umatake.

•	Sa ilog ng anino, bumangon ang mga zombie, ngunit lumipad si Colet sa itaas at nagbigay ng liwanag upang matunton ang daan.

•	Sa bundok ng mga kaluluwa, kinailangan nilang magsakripisyo at magtulungan upang makuha ang Kristal ng Tanglaw.

Sa wakas, nang makuha nila ang Kristal, muling nagbalik ang liwanag sa bayan, at natalo si Lirvana. Napatunayan ni Colet at ng kanyang pamilya na higit sa lahat ng kapangyarihan, ang pinakamahalaga ay pagmamahalan at pagtutulungan tulad ng pag-ibig nina Cupid at Psyche na nagtagumpay laban sa mga pagsubok.

At mula noon, ang kanilang kwento’y naging alamat ng Pamilyang Liwanag, bantay ng tao laban sa dilim.

"Hiwaga ng Batong Legal" ni Pascua
Noong unang panahon, ang mundo ay isa pa lamang malawak na karagatan, nabuhay ang diyos ng karagatan na si Marilyn. Siya ay may hawak ng isang mahiwagang bato na tinawag niyang "Batong Legal." Ang bato ay may kakayahang lumikha ng mga hayop at halaman sa tuwing ito ay luluhod sa karagatan.

Isang araw, nagkaroon ng matinding bagyo. Ang Batong Legal ay natangay ng malakas na alon at ito ay nawala sa karagatan. Dahil dito, ang mundo ay nagsimulang maging walang buhay. Walang halaman, walang hayop, at walang kulay.

Sa kanyang kalungkutan, naglakbay si Marilyn sa ilalim ng karagatan. Sa kanyang paglalakbay, natagpuan niya ang Batong Legal na nakasalalay sa isang napakalaking kabibi. Ito ay naging bahagi na ng karagatan at ito ay nagbigay ng buhay sa mga isda, sa mga corals, at sa iba pang nilalang sa ilalim ng dagat.

Dahil sa Batong Legal, ang karagatan ay naging isang kaharian na puno ng buhay. Ang mga isda ay lumikha ng mga ingay, ang mga corals ay nagbigay ng kulay, at ang mga halaman sa ilalim ng dagat ay nagsimulang gumalaw. Ang Batong Legal ay nagpapakita na ang kapangyarihan ay hindi lamang sa paglikha, kundi pati na rin sa pagiging bahagi ng isang bagay upang ito ay magkaroon ng tunay na kahulugan.

Atibagos, Bennie R. BSE-FIL3
Dayang

Noong unang panahon, isinilang ang diwata ng kalikasan na si Dayang Kalilasan mula sa kawalan. Mula sa kanyang mga palad, nilikha niya ang hangin, tubig, at lupa. Sa pagsasama ng tatlong ito, nabuo ang mundo.

Ngunit dahil sa kasakiman, lumitaw ang isang Anino na nagdulot ng unos at pagkawasak. Upang mapanatili ang kapayapaan, nilikha ni Dayang Kalilasan ang apat na espiritu,  Amihan (hangin), Daluyong (tubig), Lakana (lupa), at Dumon (apoy).

Pagkatapos, siya’y naging Punong Ina ang puno ng buhay na siyang nagbabantay sa lahat ng nilalang. Hanggang ngayon, nananatili ang kanyang diwa sa bawat huni ng hangin at agos ng tubig.

Buenaventura, Justine O.
"Ang babae"

Ang Diyos na si kimo ay Isang Diyos na nais maging Isang babae at makasama ang ninanais niyang lalaki sa Mundo ng tao. Isa siyang Diyos ng kagandahan na gumagabay at nagbibigay kagandahan sa mga batang sanggol na babae na  ipapanganak. Ngunit, siya ay naiingit sapagkat hindi niya kayang gawing babae at gawing maganda ang kanyang sarili, at mahalin ang tagalupa na kanyang iniibig kaya nais nya maging Isang babae. Kaya naman lumapit sya sa Diyos ng kasarian na si Postrada upang gawin syang babae. Ngunit tinanggihan sya ng Diyos ng kasarian kaya naman may iba syang mungkahi na lumapit sa sinumpang mitikoloskong babaeng mahaba ang buhok na si Jaketa at ito ay matatagpuan sa karagatang capellana at Kinakaikangan niya itong matalo. Hinamon ni kimo si Jaketa na maglaban sila sa pamamagitan ng pagtitirintas ng buhok, hindi naman ito tinanggihan ng babaeng mitikoloskong mahaba ang buhok na si Jaketa. Nag umpisa ang laban at napahanga si Jaketa dahil hindi niya aakalain na maganda  at Pulido ang paghahabi at pagtirintas ng buhok si kimo. Dahil natalo si Jaketa binigyan si Jaketa ng pills na Diane si Kimo upang maging babae — ngunit mayroon itong kapalit — hindi sya magkakaanak at hindi matatanggal ang kanyang kasiraan ngunit magmumukha syang Isang babae na napakaganda. Dahil sa sobrang kagustuhan niyang maging Isang babae at maranasan maging maganda at makasama ang kanyang minamahal na sa tagalupa pumayag sya sa pasya ni Jaketa. At napagtanto ni Kimo na Hindi naging sayang ang pagpili niya na maging tao dahil naging Masaya sya Kasama ang kanyang mahal at naging Isa syang maganda na babae.

Ang Puno ng Pag-ibig sa Paleis
Sa isang payapang kaharian ng mga Diyosa naninirahan ang magkapatid na reyna na sina Godin at Dame. Sila ay namumuno sa kahariang ipinagbabawal ang pag-ibig at lugar kung saan ipinapatapon ang mga sanggol na babae na bunga ng pag-ibig, ang Paleis.

Gaya ng pagkakakilanlan sa kanilang kaharian, kinamumuhuan ang pag-ibig sa kanilang lugar, ngunit taliwas dito ay ginagawang lugar ng mga sanggol na bunga ng pag-ibig ang mga naninirahan dito. Isa pa sa kabalintunaan ng Paleis, mayroong punò ng pag-ibig sa sentro ng lugar, ang Liefde, ang makahahawak dito ay maipapatapon palabas sa kanilang kaharian kung kaya wala pang ni-isa ang nakasubok na humawak dito.

Isang araw, nagpasyang maglakbay si Dame sa kapaligiran ng kaniyang kaharian, pumasok sa kaniyang isipan kung anong mangyayari kapag humawak siya sa ipinagbabawal na puno, naisip niyang nakasaad naman sa kanilang batas nilang magkapatid na hindi mahuhuli hangga't walang makakakita sa kanila, bagama't tuso ngunit naisipan niyang subukan na hawakan ang puno.

Nang subukan niyang hawakan ang puno, naisip niyang wala namang nangyari. Ang punong Liefde ay naluma na at wala nang epekto sa kasalukuyan. Napailing siya, naisip na baliin ang batas ngunit mapapahamak siya kung isisiwalat ang kaniyang natuklasan, inilihim niya na lang muna ito sa kaniyang sarili at nangakong walang pagsasabihan kahit kaninuman.

Ngunit mali siya ng akala, mayroon pa ring epekto ang paghawak sa puno na akala niya ay kupas o patay na. Nagsimula siyang mapaisip kung ano ang karanasan ng pag-ibig, kung sinu-sino ang mga dapat ibigin, ano ang karanasan sa kasalungat ng kaniyang kasarian, at iba pa. Samakatuwid, nagsimula siyang manabik sa kalalakihan, hindi pa rin ito nalalaman ni Godin kapatid ngunit nakahahalata niyang mayroong suliranin sa isipan ng kaniyang kapatid.

Sinubukang tanungin ni Godin si Dame kung anong nangyari sa kaniya, itinatanggi ito ng kapatid, pumasok sa isipan ni Godin kung hinawakan ba ni Dame ang puno ng Liefde, agad na nagbago ang ekspresyon ng kaniyang kapatid. Tama ang hinala ni Godin, nakahawak siya sa puno. Dahil kapatid niya ang nagkasala, pinalampas muna ni Godin ang kasalanan ng kaniyang kapatid, inunawa muna at inilihim sa lahat.

Pero hindi nagtagal ang pagtatago ng lihim ng magkapatid, kahit anong lihim ay nabunyag pa rin dahil sa mga hindi mapigilang epekto ng ipinagbabawal na puno, nanghina nang lubha si Dame, agad na nahalata ito ng mga konseho dahil hindi nanghihina ang mga kababaihan sa Paleis, liban na lamang kung ito ay isinumpa. Nagkagulo sa Paleis, kung hindi mapapalayas si Dame ay mawawasak ang kaharian.

Pinalayas si Dame sa kanilang kaharian, pumayapa sa Paleis. Hindi na muling nagkaroon ng koneksyon si Godin at si Dame. Natutong umibig si Dame, nagkaanak, ngunit namatay rin dahil sa panganganak, hindi kinaya ng asawa ni Dame ang kalungkutan kaya inihatid niya ang anak nila ni Dame sa Paleis, hindi man direktang naihatid ngunit iniwan niya sa labas ng kaharian ang kaniyang anak. Si Godin na ang nag-alaga sa anak ni Dame at kasamang nanguna na maging reyna sa Paleis.

RJ V. JACA
"CACAO"

Sa mundo ng mga diyos ng "beushea" may nangangalan na Diana na kung saan isa siyang babaeng mahinhin,  maganda at madisiplina sa sarili kaya hindi na kataka-taka na madami sakanya ang nag-kakagusto. Sa kabilang banda may mga tao 'din na kinaiingittan si diana dahil sa katangian na meron nito. Isang araw habang nag-lalakad ng masaya si diana sa lugar na mapuno ng "beushea" na may dalang pagkain bigla itong sinalubong ng ibang diyos na sina  vaa, vee, vii at walang pag-dadalawang isip na itoy itinulak nila hanggat sa natumba si diana dahil sa selos nina vaa, vee, vii isinumpa nila si diana maging isang  puno ng cacao na kung saan siya ay lalayuan ng mga tao dahil sa kulay nito na  itim at sa bunga na ito na matigas na  mahirap kainin na malayo sa itsura na dating si Diana na maganda, maputi at mahinhin. Sa pagsumpa kay diana lahat ng tao sa "bushnea" ay nag-kagulo dahil sa biglang pag-kawala nito sa lugar. May isang lalaki na ang pangalan  " Jairus"  na kung saan si Jairus ay kinikilala bilang  "diyos ng luha"  na kung saan kung sino mapatakan ng kanyang luha babalik ito sa dating pagkatao niya. Habang nag-lalakad si jairus sa isang mapunong lugar habang ito ay malungkot dahil sa pinagdaanan nito na nais niya na mag-karoon ng asawa ngunit walang babae ang nakikita niya para sakanyang sarili kahit si "vaa, vee, at vii" na diyos ng kasamahan na nag-sumpa kay diana hindi nakikita ni jairus na mapapabilang siya sa tatlo at makakasama niya Ito habang buhay. Habang malungkot si jairus sa kakahanap ng mapapangasawa niya napagod siya at nag-pahinga at umupo sa puno ng cacao na kung saan meron itong masarap na hanggin na ibinibitaw. Sa kanyang pag-kaupo habang nag-iisip bigla nalang siya napaluha dahil sa kakaisip na baka wala na siyang mahanap na makakakasama niya habang buhay, sakanyang pag-luha natuluan niya ang puno ng cacao na kung saan bigla itong umilaw at kuminang at nag-anyong tao na nangangalan na si  "Diana" na kung saan si Diana ay isumpa ng diyos ng kasamahan na maging isang punong cacao. At ikinagulat naman ito ni jairus dahil sa pagpapalit ng anyo ng puno ng cacao bumalik ang buong pagkatao  ni Diana sa pagiging magandang babae at ito naman ay nagustuhan ni jairus. laking pasasalamat ni Diana kay Jairus dahil sa mahiwagang kapangyarihan ni  jairus nagbalik ang dating Diana na isinumpa bilang puno ng cacao na kulay itim at matigas na kinalalayuan at pinandidirian ng tao. Sa huli nag-karoon sila ng pag-iibigan na bigla nalang sila nahulog sa isat-isa at sila ay nag-sama ng ilang taon at nagkaroon ng anak na tatlo na may ngalan na si jap-jap, jep-jep, at jip-ji at namuhay sila ng tahimik sa lugar ng "bushnea".

Liryo at Daluyong: Ang Alon ng Pag-ibig
Isinulat ni: Kim Fernandez Baño

Noong unang panahon, nanirahan sa ilalim ng lupa ang diwata ng mga bulaklak na si Liryo, na kayang bumuhay ng anumang halaman sa pamamagitan ng kanyang hininga. Sa kabilang dako, sa malawak na dagat ay namumuno ang anito ng mga alon na si Daluyong, na ang awit ang nagbibigay-galaw sa karagatan. Hindi sila dapat magkakilala, ngunit isang gabi, dinala ng hangin ang bango ng mga bulaklak ni Liryo hanggang sa dagat, at doon nahulog ang loob ni Daluyong sa diwatang hindi niya pa nakikita.

Sa bawat gabi, lumalapit ang mga alon sa baybayin upang makausap ni Daluyong si Liryo, at mula roon ay umusbong ang kanilang pag-ibig. Ngunit nang mabalitaan ito ng mga diyos, mahigpit nilang ipinagbawal ang pagsasama ng tagapangalaga ng lupa at ng tagapamahala ng dagat. Binalaan sila na kung ipagpapatuloy ang kanilang ugnayan, magdudulot ito ng kapahamakan sa mundo.

Sa huling pagkakataon, nagtagpo sila sa dalampasigan at nagyakap nang mahigpit. Upang hindi na sila tuluyang paghiwalayin, isinumpa sila ng mga diyos—si Liryo ay naging putting bulaklak na tumutubo sa gilid ng dagat, at si Daluyong naman ay nanatiling mga along dumarampi rito. Hanggang ngayon, tuwing hinahampas ng alon ang mga bulaklak sa tabing-dagat, sinasabing iyon ang walang hanggang halik ni Daluyong kay Liryo—patunay na walang sinumang makapipigil sa tunay na pag-ibig.

Si Luna at Si Araw
Jerson N. Jimenez

Noong unang panahon, hindi nagtatagpo ang gabi at araw. Nakatira si Luna, ang diyosa ng buwan, sa kaharian ng gabi. Si Araw naman, ang diyos ng araw, ay naninirahan sa kaharian ng liwanag.

Isang gabi, nakita ni Luna si Araw sa malayo. Nagpapahinga si Araw sa may bundok, at ang kanyang mga sinag ay malumanay na kumikislap. Napaibig agad si Luna sa kagandahan ni Araw.

Ginawa ni Luna ang lahat para mapansin. Ginawa niyang mas maliwanag ang kanyang liwanag at pinaganda ang kalangitan ng mga bituin. Ngunit palaging abala si Araw sa pagpapadala ng liwanag sa mundo at hindi niya ito napansin.

Isang araw, may malakas na bagyo. Nagtago ang araw sa likod ng mga ulap at biglang nagdilim. Doon, sa gitna ng kadiliman, nakita ni Araw ang magandang liwanag ni Luna. Napaibig din agad siya sa kanya.

Mula noon, lagi na silang naghahabol. Sa pagtatapos ng araw, pinupuntahan ni Araw si Luna para magkita sandali. Ang kanilang pag-ibig ang dahilan kung bakit nagkakatagpo ang dapit-hapon at madaling araw, na pinalamutian ng magagandang kulay ng pag-ibig nila.

Hanggang ngayon, patuloy pa rin silang nagmamahalan, at ang kanilang pag-iibigan ang siyang nagbibigay ng liwanag at gabay sa ating lahat.

Liwanag sa Dilim

Sa kaharian ng takip silim na pinamumunuan ni Midli, diyos ng dilim. Lugar na kahit kailan ay hindi nakatanglaw ng liwanag. Matagal ng suliranin ng lugar na ito ang kadiliman, dahil simula na ito ay nilikha ni Midli ay puno ng kadiliman ang paligid, kung saan walang ibang kulay ang nakikita ng kanilang mga mata kundi itim.  Ang  lugar ng takip silim ay sinumpa.  Dahil sa nais na masulusyunan ang suliranin sa lugar ipinatawag ng hari ang matandang manghuhula upang isanguni kung ano ang maari nilang gawin upang magkaroon ng liwanag ang kanilang bayan.  Ayon sa propisiya magkakaroon lamang ng liwanag ang lugar at masisilayan ang kagandahan nito kung magagapi nila si Liway ang Diyosa ng liwanag. Ngunit ang sabi ng matanda ay tanging si Midli lamang ang tanging gumawa nito. Kinabukasan nagtungo si Midli sa kaharian ni Liway, nagapi ni Midli ang lahat ng madirigma ni Liway. Nagtungo si Midli sa trono ng kaharian kung saan nakita niya si Liway na nakatalikod, ng akma nya na itong sasaksakin ay bigla itong humarap. Nasilaw si Midli sa angking kagandahan ni Liway at ito ay napaibig. Dahil dito ay biglang nilisan ni Midli ang kaharian ng liwanag at bumalik sa kanyang kaharian. Ilang buwan ang lumipas matapos ang tagpo na iyon. Sa paglalakbay ni Midli sa kagubatan ay nakita niya ang napakliwanag, agad niya itong nilapitan at ng makalapit siya ay nakita niyang muli si Liway. At doon ay nagsimulang magusap at magkaroon ng ugnayan. Hindi naglaon ay nagkaroon ng pagtingin si Liway kay Midli. Dahil sa labis na pagmamahal ni Liway kay Midli ay niwakasan niya ang kanyang buhay upang matanggal ang sumpa sa kaharian ng takip silim. Sa Araw din na iyon ay nasilayan sa unang pagkakataon ng kaharian ang liwanag. Ngunit nagtaka si Midli kaya agad siyang nagtungo sa kaharian ni Liway at nakita itong nakahandusay at wala ng buhay. Nang masaksihan ito ni Midli ay tinapos nya din ang kanyang buhay. Simula noon ay nagkaroon na ng umaga at gabi sa kaharian ng takip silim.

"Si alitaptap at Ang sumpa ng Buwan"
Rosehanlyn Capellan

Noong unang panahon, sa isang bayan na nababalutan ng ulap at liwanag ng buwan, may isang diwata na nagngangalang Lusina, ang diwata ng buwan. Kilala siya sa kanyang kagandahan at kabutihang-loob, ngunit higit sa lahat, ang kanyang kakayahang pag-isahin ang mga pusong tapat at nag-iibigan.

Isang araw, may isang binatang mortal na nagngangalang Alitaptap, na mahilig magliwaliw tuwing gabi upang pagmasdan ang buwan. Hindi niya alam na si Lusina ay palihim na bumababa mula sa kalangitan tuwing siya ay umaawit ng mga tula ng pag-ibig.

Sa paulit-ulit na pagkikita, nahulog ang loob ni Lusina kay Alitaptap. Ngunit may isang batas sa kaharian ng mga diwata na hindi maaaring umibig sa isang mortal sapagkat ang pag-ibig sa kanila ay panandalian, at madalas, may kapalit na sakit.

Gayunman, nilabanan ni Lusina ang batas. Ibinaba niya ang kanyang pagkadiwata at naging mortal upang makasama si Alitaptap. Sa loob ng maraming taon, namuhay silang masaya sa isang maliit na bahay sa gitna ng kagubatan, malayo sa mata ng mga diyos.

Ngunit dumating ang tukso. Isang magandang dilag ang dumating sa kanilang nayon, si Dallana, isang magandang babae na pinadala ng mga diyos upang subukin ang katapatan ni Alitaptap. Sa una’y lumaban ang binata, ngunit sa huli, bumigay siya sa pansamantalang halina ni Dallana.

Nalaman ito ni Lucina. Sa kanyang labis na pighati, tumingala siya sa langit at humingi ng tawad sa buwan. Dahil sa kanyang kabutihang loob at tunay na pagmamahal, pinatawad siya ng mga diwata, ngunit may kapalit, hindi na siya muling magiging tao, ni diwata man.

Ginawa siyang liwanag sa gabi isang munting ilaw na palutang-lutang sa dilim—ang unang alitaptap.

Samantalang si Alitaptap, sa kanyang pagsisisi, ay isinumpang mabuhay nang mag-isa sa kagubatan, hinahanap-hanap ang munting ilaw na minsan niyang minahal.

Panaginip (Santos, Marilyn J.)
Sa kaharian ng mga panaginip ng  isinilang si Aisha, ang nag-iisang anak ni Muthos. Si aisha ay isang matalino at masipag na mag-aaral sa reyalidad siya ay simpleng tao ngunit sa pagpikit ng kaniyang mata, siya ay may kakayahang manipulahin ang kanyang panaginip kung saan ang kaniyang ninanais na buhay ay tanging sa panaginip lamang nagaganap, sa kanyang pagtulog unti-unti niyang mapagtatanto na siya ay may tinataglay na kapangyarihan upang manipulahin ang panaginip niya at ng mga tao. Sa kanya nakabase ang kahihinatnan o magiging panaginip ng isang tao.

Si Aisha ay umibig sa isang nilalang na kanyang nakilala sa panaginip, siya si Mito isamg binatang naglalakbay sa iba't ibang panaginip ng tao ngunit ang kaibahan ay gustuhin man ni Aisha na panatilihin si Mito ay 'di niya maaari dahil ito ay labag sa kanilang patakaran.

Sa huli mas pinili ni Mito ang muling maglakbay kaysa mag-sakripisyo si Aisha para sa kaniya.

" PANAGINIP " isinulat ni Mabini, Juliana
Noong unang panahon sa kaharian ng mga PANAGINIP may isang lalaki na ang pangalan ay Caleb, siya ang tagapagbantay ng mga pinto ng panaginip, kung saan ka niya itong binabantayan upang hindi masira nang mga halimaw at manakaw ang magagandang panaginip.

Isang araw habang naglalakad sa hallway si Caleb ay may napansin siyang pinto nakabukas, dali-dali niya itong pinasok at laking gulat niya na ang panaginip na ito’y ay panaginip ng isang babae, payapa ang kapaligiran, maraming bulaklak na malalago ang talulot at matingkad ang kulay nito, higit na nakapukaw sa paningin ng lalaki ay ang babaeng nakatayo sa gitna ng mga halaman.

" Napakaganda niya " wika ni Caleb maputi ang kulay ng katawan nito,  medyo mahaba ang kulot na buhok, matangkad at mukhang mahinhin ang dalaga.  sa isang tingin palang ay nahulog na si Caleb at ng sila ay magkatingnan labis ang mangha ni Caleb dahil hindi ito isang simpleng babae sa labis na kagandahan taglay nito, Doon nag simula ang pag uusap ang dalawa habang pinapanood ang paglubog ng araw.

Habang lumilipas ang mga araw ay hindi namamalayan na unti-unti nagugustuhan ang isa't isa, umamin si Caleb sa kanyang nararamdaman gayundin ang babae kanyang minamahal ngunit nagkaroon ng hindi inaasahan pangyayari ang babaeng minamahal ni caleb ay lilisan na sa panaginip dahil tapos na ang pamamalagi nito, unti-unti kinuha ng liwanag ang babae at naiwan luhaan si Caleb. Hinabol niya ang liwanag na kumuha sa babae kaniyang minamahal ngunit nadarama niya na rin ang pagod kaya’t isinuko niya na lang ang minamahal sa liwanag at inisip na lamang na sa takdang panahon ay magkikita rin silang muli.

Ang Diyos ng Kalikasan at si Felicia (Cardenas)
Nagsimula ang kuwento sa anak ng isang mortal na si  Felicia. Sa kanilang magkakapatid, siya ang pinakamasakitin at mahina. Labis ang pag-aalala ng kanyang ama na si Haring Justine, kaya’t siya ay lumapit sa isang ermitanyo na naninirahan sa bundok ng Tipolo.

Sinabi ng ermitanyo na upang gumaling si Felicia, kailangang mahuli ng hari ang isang halimaw na nakatira sa bundok ng Tungtung Sahur, isang nilalang na nakasuot ng gintong kapa. Dahil dito, agad niyang inutusan ang kanyang mga kawal na hanapin at hulihin ang naturang halimaw.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nahuli ng mga kawal hindi ang halimaw, kundi si Riguel, isang diyos ng kalikasan na bumaba mula sa langit. Siya ay nag-anyong tao at naglalakbay upang tulungan ang mga hayop na sugatan dahil sa kapabayaan ng tao. Nang dinala si Riguel sa palasyo, siya ay itinuring na halimaw at iniharap kay Felicia. Subalit, sa mismong sandaling iyon, huminto ang tibok ng puso ng dalaga.

Nagimbal ang lahat, ngunit si Riguel ay lumapit at ipinatong ang kanyang kamay sa dibdib ni Felicia. Gumamit siya ng kapangyarihan mula sa mga bituin at ibinalik ang kanyang hininga. Dahan-dahang dumilat ang mga mata ng dalaga, at mula sa kanyang katawan ay sumiklab ang liwanag na nagbigay-lakas hindi lamang sa kanya kundi pati na rin sa mga nanonood.

Mula noon, si Felicia ay hindi na nagkasakit at naging matatag na tulad ng isang mandirigma. Siya at si Riguel ay naging malapit sa isa’t isa, hanggang sa nagbunga ito ng isang matamis na pag-iibigan. Bilang pasasalamat, itinigil ni Riguel ang kanyang pag-alis at nanatili sa kaharian upang gabayan si Felicia at ang mga tao.

At ayon sa mito, mula kay Felicia at Riguel ay ipinanganak ang isang bagong lahi ng mga mortal na may taglay na lakas ng diyos at pusong busilak, bilang paalala na ang tunay na kapangyarihan ay nagmumula hindi sa dahas, kundi sa pag-ibig at malasakit.

Ang pinagmulan ng Araw at Buwan(Bautista)
Noong unang panahon, may kambal na diyos: si Juls at si Just. Lagi silang magkasama at nagliliwanag sa kalangitan. Ngunit nag-away sila kung sino ang mas mahalaga sa mundo.

‎Sabi ni Juls, “Ako ang nagbibigay ng liwanag sa mga tao, kaya ako ang pinakamahalaga!”

‎Sabi naman ni Just, “Ako ang nagbibigay ng gabay sa gabi, kaya hindi ako pwedeng mawala!”

‎Nagalit ang kanilang ina, ang diyosa ng kalangitan, kaya’t pinaghiwalay niya ang dalawa.

‎Si Juls ay sa umaga lamang magliliwanag, at si Just ay sa gabi lamang sisikat.

‎Kaya hanggang ngayon, hindi na muling nagka nisama ang kambal sa iisang langit.

Meraf Jane Abece
NAUDLOT

Isang paru-paro si Rebecca, palagi siyang naroon sa paborito niyang bulaklak na Santan. Naroon lang siya sa loob ng ilang taon, kumakain, nagsasaya at tumatanaw sa mga tao.

Isang araw ay nahagip ng kanyang mata ang isang binatang lalaki na nag-iigib sa poso. Naakit agad siya sa binatang ito at nag simulang umaligid. Araw-araw niya itong pinagmamasdan mula sa bulaklak na kanyang kinatatayuan.

Isang araw, napansin ni Manuel ang isang paru-paro sa bulaklak. Si Rebecca  'yon.

Namuo ang kaba at takot kay Rebecca kaya hindi na siya nakalipad pa.

Kinuha ni Manuel si Rebecca bilang isang paru-paro at sa hindi inaasahan, naging anyong tao si Rebecca. Isang maputi, kayumangging buhok at mapupungay na mata ang bumungad kay Manuel. Nabighani si Manuel at nagsimulang umibig kay Rebecca.

Ilang linggo silang nag-ibigan at matapos ang nito, inimbitahan ni Rebecca si Manuel na dumayo sa lugar nila. Ang palasyo ng Maningning. Nalaman ito ngDiyosa ng mga Paru-paro kaya't ginamit niya ang kanyang kapangyarihan para parusahan ang nagtangkang pumasok sa kaharian niya.

Si Amara at Anemoi🌹💨
May isang mortal na babae na nagngangalang Amara, na kilala sa kanyang wagas na puso at kagandahan. Mahal na mahal siya ng diyos ng Hangin na si Anemoi, ngunit hindi niya kailanman ipinakita ang kanyang anyo. Sa halip, dinadalhan niya si Amara ng mababangong halimuyak at malamig na simoy upang ipadama ang kanyang pagmamahal.

Isang araw, pinagdudahan ni Amara ang kanyang lihim na kasintahan dahil sa bulong ng mga taong naiinggit sa kanya. Ninais niyang makita ang mukha ni Anemoi, kaya’t nagsindi siya ng ilawan habang ito’y natutulog. Ngunit nang mabunyag ang mukha ng diyos, nagising ito at biglang naglaho sa sakit ng pagtataksil sa tiwala.

Naiwan si Amara na umiiyak. Sa kanyang labis na pagsisisi, araw-araw siyang nanalangin sa mga diyos na muling makapiling ang kanyang minamahal. Nahabag si Bathala at sinabing “Ang tiwala ay ugat ng tunay na pag-ibig. Dahil sa iyong pagsisisi, bibigyan kita ng bagong anyo.” At sa isang iglap, si Amara ay naging rosas bilang sagisag ng pag-ibig at pangako.

Mula noon, tuwing dadaan ang malamig na hangin, sinasabing iyon ay si Anemoi na dumadalaw kay Amara, at ang bango ng rosas ay paalala ng kanilang pagmamahalan na muling nagtagpo sa ibang anyo.

Ang alamat ni Lira at ng Bituin
Noong unang panahon, may dalagang si Lira na minahal ng diyos ng mga bituin na si Orion. Sa kanilang pagtitinginan, tumutol ang diyosang si Selene at sinubok si Lira ng tatlong mabibigat na pagsubok upang patunayan ang kanyang pag-ibig.

‎Sa tulong ni Orion, matagumpay niyang nalampasan ang lahat. Sa huli, kinilala ni Selene ang wagas nilang pagmamahalan at ginawang bituin si Lira upang makapiling si Orion magpakailanman. Hanggang ngayon, makikita sa langit ang dalawang magkatabing tala bilang tanda ng pag-ibig na hindi nagapi ng pagsubok.

Katapatan sa Kabundukan
Sa isang malayong bayan sa gitna ng mga bundok, may dalawang Diyos o ruler ng kabundukan ang nagmahalan. Si Lakan, ang matapang at mabait, at si Datu, ang makisig at masipag. Sila ay magkasintahan, bagaman hindi ito tinanggap ng lahat sa kanilang paligid.

Palibhasa'y kakaiba ang kanilang pagmamahalan, marami ang humusga at nanghusga. Sinasabi ng mga ito na mali ang kanilang pag-ibig, na isa itong kasalanan at kahihiyan. Maraming gabi ang kanilang iniyak nang magkasama, pero hindi nagpatalo ang kanilang puso.

Isang araw, dumating ang isang misteryosong matanda sa bayan. Napansin niya ang lungkot ni Datu at Lakan. Nilapitan niya ang mga ito at sinabi, "ang tunay na pag-ibig ay hindi perpekto, puno ito ng pagsubok at kahinaan. Ngunit ang pagtanggap sa imperpeksiyon ang tunay na lakas."

Dahil dito, unti-unti silang nagtagumpay sa hamon ng panahon. Natutunan nilang pahalagahan ang kanilang sarili at maging tapat sa kanilang pagmamahalan kahit na makasalanan sila sa mata ng iba. At sa bawat pagsikat ng araw, pinatunayan nila na ang kanilang pagmamahalan ay isang matibay na ilaw, isang liwanag ng pag-asa para sa lahat ng nagmamahal nang tapat, anuman ang kulay at anyo nito.

Ang Pag-iibigan ni Araw at Buwan
Noong unang panahon. sa isang kahariang malapit sa karagatan. naninirahan si Buwan. isang magandang diwata ng mga bituin. Lahat ay humahanga sa kanyang kagandahan at liwanag. kaya't ang mga mortal ay lagi siyang ipinagbubunyi. Ngunit dahil dito. nagselos ang diyosa ng kalangitan na si Luwalhati. Ipinadala niya ang anak niyang si Araw. ang diwata ng liwanag. upang parusahan si Buwan at gawing alipin habambuhay.

Ngunit sa unang pagkikita pa lamang ni Araw at Buwan. nahulog na ang loob ng Diyos ng liwanag sa ning-ning ng Diyosa ng mga bituin. Sa halip na parusahan. tinulungan niyang makatakas si Buwan mula sa kapangyarihan ng kanyang ina.

Gayunpaman. isang sumpa ang bumalot sa kanilang pagmamahalan hindi maaaring makita ni Buwan ang tunay na anyo ni Araw. kung hindi ay magwawakas ang kanilang pag-iibigan. Matagal na panahon silang masayang namuhay.

Isang gabi. gamit ang ilaw mula sa isang lampara. nasilayan ni Buwan ang kagandahan ni Araw ngunit dahil dito'y nagising ang sumpa. Nawala si Araw sa kanyang piling at tinangay ng mga alon sa malayong karagatan.

Hindi sumuko si Buwan. Naglakbay siya sa apat na sulok ng daigdig, hinarap ang mga pagsubok na iniatas ng mga Diyosa upang patunayan ang kanyang katapatan. Sa huli, napatunayan niya ang wagas na pagmamahal at pinayagan silang muling magsama.

Mula noon. tuwing gabi. makikita ang liwanag ni Buwan sa kalangitan at maging ang liwanag ni Araw sa pagsapit ng panibagong araw na pawang sila ay sumasayaw o naghahalinlinan patunay ng kanilang pag-iibigan na di na muling mapaghihiwalay.

Diwata ng Dilim
Noong unang panahon, may isang dalagang nagngangalang Mira na nakatira sa ilalim ng lupa sa bayan ng San Nicolas. Siya ay pinaniniwalaang anak ng diwata ng dilim at tagapangalaga ng mga hiyas sa kailaliman. Madalas siyang umaahon tuwing gabi upang pagmasdan ang buwan at bituin, dahil pangarap niyang makita ang liwanag ng mundo. Isang araw, nakilala niya ang isang binatang mortal na nagbigay sa kanya ng tapang upang umakyat sa ibabaw at patunayan na ang tunay na kagandahan ay hindi nagtatago sa dilim, kundi kumikinang sa kabutihan ng puso.

Si Bulan at Tala ( Espiritu)
Noong unang panahon, sa kalangitan ay naninirahan ang diyos ng buwan na si Bulan, na kilala sa kanyang malamig ngunit maliwanag na liwanag. Sa kabilang dako naman ay si Tala, isang mortal na dalagang nagtataglay ng kakaibang ganda at kabutihang-asal. Nabighani si Bulan kay Tala at gabi-gabi’y bumababa upang siya ay bisitahin.

Ngunit may isang mahalagang kondisyon, hindi maaaring makita ni Tala ang tunay na anyo ni Bulan. Sa una’y kuntento si Tala sa kanyang pag-ibig at piniling magtiwala. Subalit, dahil sa inggit ng ibang mga tao, pinanghinaan siya ng loob. Isang gabi, gamit ang liwanag ng ilawan, kanyang nasilayan ang napakakisig na diyos ng buwan.

Ngunit ang paglabag sa pangako ay nagdulot ng matinding galit kay Bulan. Siya’y naglaho, iniwan si Tala na puno ng pangungulila. Dahil dito, naglakbay si Tala at dumaan sa maraming pagsubok, pagtawid sa dagat na walang hanggan, pagkolekta ng hiyas mula sa apoy, at pakikipaglaban sa mga halimaw ng dilim.

Sa bawat pagsubok, pinatunayan niya ang kanyang katapatan at walang hanggang pagmamahal. Sa huli, nahabag ang mga diyos at muling pinagtagpo sina Bulan at Tala. Mula noon, tuwing gabi ay makikita silang magkasama sa kalangitan ang buwan at mga bituin bilang paalala ng pag-ibig na dumaan sa tiwala, pagkakamali, at tagumpay.

Guiting- Guiting (Ramiro)

Noong unang panahon sa probinsya ng Romblon ay may isang naninirahan na diwata na si Diwani sa bundok ng Romblon. Kilala siya bilang isang magiliw at mapag bigay sa mga taga nayon. Nariyan at nag  iiwan ng mga prutas at gulay para sa mga taong umaakyat sa bundok. Naging katuwang siya ng mga tao sa kanilang hanap buhay, at laging handang tumulong kahit na hindi mo hilingin. Pero isang araw nag bago ang lahat ng siya ay umibig sa isang lalaking taga nayon. Palagi niyang binibigyan ng mga prutas, gulay at maging kahoy ang lalaki sa kanyang daanan pababa ng bundok. Ang diwata ay hindi nag papakita sa mga tao kahit na tinutulungan nya ang nga ito. Ngunit dumating ang araw na ang lalaking kanyang naiibigan ay sinamo sya at humiling na mag pakita sa kanya at nag tapat ng kanyang nararamdaman. Labis na natuwa ang diwata sa kanyang mga narinig at nag pakita sa lalaki. Ibinigay niya ang lahat ng hilingin ng lalaki ng walang pag dadalawang-isip ngunit sa hindi inaasahan ay bigla na lamang nag laho ang lalaki na parang bula. Hindi na nag pakita sa kanya ang lalaki kaylanman na naging dahilan ng kanyang pagkamuhi. Ang dating diwata na mapagbigay at magiliw ay napuno ng galit at sakit. Mag mula nuon hindi na siya naging mapag bigay bagkus siya na ang kumukuha ngunit hindi ng gulay o prutas kundi buhay mismo ng tao. Sa tuwing siya ay mau maiibigang lalaki, kanya itong aakitin hanggang sa hindi na makauwi ang lalaki at hindi na makita. Mag mula nuon ay mahigpit ng ipinag bawal ang pag akyat sa bundok ng guiting-guiting sa probinsya ng Romblon dahil sa pangyayari na ito.

“Si Lira at Ang Utos”

Sa Panulat ni: Icymae Puno

Sa isang malayong kaharian, may isang magandang dalagang nagngangalang Lira na kilala sa kanyang kagandahan at kabaitan. Ngunit, dahil sa inggit, ipinagbawal ng diyosa ng pag-ibig na si Amora ang sinumang makilala si Lira, upang siya lamang ang maging saksi ng tunay na pag-ibig.

Isang araw, dumating ang isang mahiwagang nilalang na nagngangalang Arin, na may pakpak ng paruparo at mga mata na kumikislap tulad ng mga bituin. Siya ang sugo ni Amora at inutusan na bantayan si Lira upang hindi siya makatagpo ng pag-ibig. Ngunit habang kasama ni Arin si Lira, unti-unti siyang nahulog sa tunay na pagmamahal dito.

Dahil dito, nagalit si Amora at hiniling na pilitin si Arin na alisin ang alaala ni Lira. Ngunit sa tulong ng kanyang matibay na puso, nagawang labanan ni Arin ang utos ng diyosa at nagpasya siyang dalhin si Lira sa tahanan ng mga bituin upang doon sila magpakailanman.

Doon, natutunan ni Lira at Arin na ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat ng kapangyarihan o utos ng diyos, kundi ng katapatan at tapang na sundan ang puso kahit sa gitna ng pagsubok.

Pag-ibig sa Mortal
Si Jaki ay isang mortal na gustong maranasang magkaroon ng isang masaya at matiwasay na pamumuhay kasama ang kanyang magiging pamilya. Ngunit dahil isa siyang diyos ay hindi ito maaaring mag-asawa dahil ito ay taliwas sa kautusan ng mga diyos na mag-asawa  sa isang mortal.  Isang araw sa dapit hapon, may isang lalaking mangangaso na si Makabilo may dala-dalang malaking sandata upang maghanap ng makakain sa gubat. Siya ay binata, matikas at hindi matatawaran ang liksi ng paggamit ng sandata't palaso. Nabighani si Jaki kay Makabilo. Lagi't lagi, nangangaso ito sa bundok na siyang tirahan ni Jaki. Kaya naman nagkaroon ito ng gusto kay Makabilo. Tinutulungan niya ito na makahuli ng mga hayop upang may maiuwi sa tahanan nito. Gustong gusto na ni Jaki na makasama si Makabilo kung kaya'y nakiusap siya sa ibang diyos na payagan siyang makisalamuha sa  ordinaryong tao na namumuhay at naghihirap sa kapatagan kasama ang mga mortal. Papayag lamang ang  mga diyos sa kundisyong tatanggalin nila ang kapangyarihan at ang pagiging diyos ni Jaki. Pumayag at ipinagpalit ni Jaki ang kanyang kapangyarihan at pagiging diyos sa kalayaan at pangarap na magkaroon ng masayang pamumuhay kasama si Makabilo.

Si Tala at Silahis
Noong unang panahon, sa malawak na kalangitan kung saan naglalaro ang mga bituin, may dalawang magkapatid na diyos na nagmamay-ari ng dalawang mahahalagang lihim ng puso: si Tala, ang diwata ng liwanag at pag-ibig, at si Silahis, ang diyos ng dilim at pagtataksil. Sila ay isinilang mula sa isang bituin na sumabog, naghahatid ng liwanag sa madilim na kalawakan.

Si Tala ay may mga pakpak na kumikislap na parang ginto at nagdadala siya ng mala-rosas na hininga ng gabi. Siya ang tagapag-alaga ng mga pusong naglalakbay sa landas ng pag-ibig, dala ang kapangyarihan ng pag-ibig na nagbibigay buhay at saya. Ngunit si Silahis, sa kabila ng kanyang kadiliman, may dalang kapangyarihan upang subukin ang pag-ibig — siya ang diyos ng mga lihim, pagdududa, at pagtataksil.

Isang araw, may isang mortal na babae ang nagngangalang Lira ang napadpad sa paanan ng bundok ng mga diyos. Siya ay kilala sa kanyang ganda na tila tala sa kalangitan, ngunit nagtataglay ng takot sa pag-ibig dahil sa nakaraan niyang sugat. Si Tala, na nadama ang kalungkutan sa puso ni Lira, ay bumaba upang bigyan siya ng munting palaso ng liwanag—isang paalaala na ang tunay na pag-ibig ay laging nagliliwanag kahit sa pinakamadilim na sandali.

Ngunit si Silahis, na naghahangad subukin ang tibay ni Lira, ay nagbigay naman ng palaso ng dilim—isang pagsubok na kailangang harapin upang patunayan ang tapang ng kanyang puso. Tinawag niya si Lira sa isang paligsahan, ang lihim ng tunay na pag-ibig, isang pagsubok na magtatangkang sirain ang liwanag ng kanyang damdamin.

Sa pagtahak ni Lira sa madilim na kagubatan ng dusa at pangamba, natutunan niya ang aral ng pagtitiwala, pag-asa, at tunay na pagmamahal na hindi lang nakabase sa kagandahan o pangakong binitawqn, kundi sa katatagan sa pagsubok. Sa huli, si Tala ay nagpakita upang batiin si Lira — na siya ay tunay na nagmamahal ng buong puso.

At mula noon, ang munting palaso ni Tala ay naging sagisag ng walang hanggang pag-ibig, habang ang palaso ni Silahis ay paalaala ng pagsubok na kailangang pagdaanan ng bawat pusong naghahangad ng tunay na ligaya.

LAKAMSINA AT LAKSAMANA
Nang pasimula pa lamang, may isang magandang dilag na nagngangalang Lakamsina, siya lamang ay nasa langit at hindi maaaring makapunta o makakababa sa kalupaan. Samantalang may naghahari naman sa kalupaan na si Laksamana, isa siyang matipunong ginoo. Noon pa lamang ay nagmamasid na mula sa kaitaasan si Laksamana, may pagkakataon na natatanaw nila ang isa't isa mula sa malayo. Gustuhin man nilang magkita nang personal ngunit alam nila pareho na hindi mangyayari iyon.

Dahil sa labis na paghihintay at dala na rin ng pagkasawi, lumuluha si Lakamsina na nagdudulot ng pag ulan. Agad naman na nalulungkot si Laksamana sa nangyayari sa dalaga pero wala siyang magawa upang maibsan ito. Isang araw, nakita na lamang ni Lakamsina na may ipapakasal na kay Laksamana. Ang buong akala niya ay ginusto iyon ng binata ngunit ang totoo ay ayaw nito. Sa labis na paghihinagpis ni Lakamsina, lumuha siya nang lumuha hanggang sa nagdulot na matinding pagbaha. Ang mga tao sa kalupaan ay nangangamba dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig. Lubhang nalungkot at nagalit si Lakamsina sa nangyari sa kanyang napupusuan. Dahilan din upang kumidlat nang malakas at tamaan at bawian ng buhay si Laksamana.

Agad naman nagsisi si Lakamsina sa kanyang nagawa. Humingi siya kaagad ng tulong mula sa nakakataas na nakaratira sa kalangitan. Hiling niya na gumaling at muling mabuhay ang kanyang iniibig. Ngunit agad na sinabi nito na wala na siyang magagawa upang muling mabuhay ang kanyang iniibig. Ikinalungkot iyon ni Lakamsina, sa muli niyang pagluha at pagpatak ng kanyang luha sa kalupaan ay may biglang lumitaw na bahaghari. Nagtataka man siya ay agad siyang lumakad sa bahaghari ang hindi niya alam ay matatanaw nito sa dulo si Laksamana. Dahil sa labis na pagmamahalan ng dalawang puso, ang bahaghari ang naging daan upang magkasama na silang tuluyan. Ito ang tanda na hindi na muling maghihiwalay ang dalawang kabiyak at namuhay na sila nang payapa.

CINCO, JHELA. FIL3
Si Mona ng Buwan at Daragat ng Karagatan

Sa isang umaga nang magbubukang liwayway, ang prinsesa ng buwan ay dumako sa daigdig upang masilayan ang ganda ng silay ng liwanag na nagmumula sa araw. Dito magmumula ang prinsipe ng araw na nakatakdang mapangasawa ng prinsesa ng buwan.

Sa daigdig inaasahan ng Prinsesa ng buwan Mona ang pagkikita nila ng Prinsipe ng araw. Sa ganda ng mga tanawin at mga kakaiba, mababangis at maraming hayop sa daigdig, naaliw ang prinsesa ng buwan. Sa tagal nang paghihintay ng prinsesa naisipan niyang maglibot muna sa mga anyong lupa ng daigdig, sa mga talampas, bukirin at kapatagan. Hanggang siya'y napadako sa isang dalampasigan ng dagat, siya'y namangha sa ganda at kulay asul na dagat. Natatanaw niya ang mga  ilang taong lumalangoy sa mababaw na parte ng dagat kaya naisipan niyang gumayang lumangoy din. Siya'y nagdali-dali lumusong kahit walang kasanayan sa paglangoy. Nang siya'y nagsimulang lumangoy, siya'y nadadala ng alon papunta sa mas malalim na parte. Hindi niya makontrol ang sarili mula sa agos ng alon kaya siya'y lumubog. Sa suwerte'y may humila sa kanya pataas upang iahon siya sa dagat. Ang tumulong sa kanya ay lalaking kayumanggi ang balat.

Nagpakilala ito na siya'y isang prinsipe ng karagatan na si Daragat. Nagusap ang prinsesa at prinsipe sa layong makilala pa ng isa't isa. Inilibot ng prinsipe at prinsesa ng buwan sa mga  magagandang lugar o tanawin sa mundo ng mga tao. Nakapalagayan ng loob ang dalawa hanggang sa mahulog loob sa isa't isa. Sa kasamaang palad nakita sila ng kapatid ng prinsipe ng karagatan na nagmamasid at may lsyong msgsumbong sa hari na makarelasyon ang prinsipe sa tagalabas. Hindi rin nila namalayan na lubog na ang araw at huli nang mamalayan ng prinsesa ang nararapat na pagbalik sa buwan bago lumubog ang araw. Nagmamadaling nagpaalam ang prinsesa sa prinsipe ng karagatan upang bumalik muli sa buwan sakay ang isang makinang na ulap. Habang ang prinsipe naman sy naiwang malungkot sapagkat labag sa loob niyang umalis agad ng prinsesa nang hindi tiyak kung kailan ito magbabalik. Nagbalik ang Prinsipe sa ilalim karagatan kung nasaan ang kaharian nito. Naghihintay sa pagbabalik ng prinsesa, kaya naman sa tuwing lulubog ang araw at sisilay ang buwan ang tubig ng dagat ay umaangat sapagkat ang prinsipe ay umahon mula sa kailaliman upang sumilay sa pagnanais na magpakita muli ang prinsesa ng

buwan.

Marilag

Si Marilag ay nagsilbing biyaya sa kaniyang mga magulang, siya ay nakita lamang ng kaniyang mga magulang sa labas ng bahay nila. Ang mga magulang niya ay walang kakahayang magbigay buhay kaya nananalig na lamang sila sa biyaya ng Panginoong May Kapal. Pilit na hinahanap ng kaniyang mga magulang ang bayolohikal niyang mga magulang upang makita man lang ng kanilang mga anak ang tunay netong magulang. Ngunit kahit isang tanda ay wala man lang silang makita, "saan kaya galing ang batang ito?" wala itong pagkakakilanlan ngunit biyaya ito ng Panginoon. Nagtataka si Marilag dahil palagi niyang napapanaginipan ang dagat, tinatawag siya nito na para bang may gustong ipabatid ang dagat. Sa paglipas ng panahon, tumanda na ang edad ni Marilag ngunit hindi tumanda ang kaniya wangis. Pinuntahan niya rin ang dagat na tumatawag sa kaniya. Inaabangan siya ng mga pawikan at isda, nauunawaan niya ang mga ito at malapit din ang puso niya sa mga lamang dagat. Habang natuklasan ni Marilag ang kaniyang totoong identidad ay inilihim niya muna ito sa kaniyang mga magulang ngunit sa huli ay nalaman din ito dahil ika nga ay walang maitatago ang anak sa kaniyang mga magulang.

Sugat na Walang Lunas
Sa liblib na kagubatan naninirahan ang isang dalaga na si Persia, kilala sa kanyang kagandahan at kabutihang-loob. Mahilig siyang tumulong sa mga hayop at halaman, kaya’t minahal siya ng buong kagubatan.

Isang araw ay nakilala niya si Miguel, isang estrangherong tila ordinaryo lamang. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkrus ang kanilang landas at naging magkaibigan sila. Sa kanilang madalas na pagkikita, unti-unting nahulog ang loob ni Miguel kay Persia dahil sa kabutihang taglay ng dalaga.

Ngunit may lihim si Miguel na hindi alam ni Persia na isa siyang diyos na may kakayahang magpagaling ng lahat ng karamdaman. Nais niyang ipagtapat ang katotohanan ngunit siya’y nag-alinlangan, natatakot na baka hindi siya tanggapin dahil magkaiba sila ng katauhan.

Dumating ang panahon na ipinatawag si Miguel sa isang labanan. Kinailangan niyang umalis at nangakong babalik agad. Lumipas ang mga linggo at umabot ng dalawang buwan ang kanyang pagkawala, habang si Persia nama’y patuloy na naghintay, kahit siya’y palihim na nanghihina dahil sa sakit na matagal na niyang dinadala.

Pagbalik ni Miguel, buo na ang loob niyang ipagtapat ang kanyang pagkatao at ang pag-ibig na matagal na niyang inilihim. Ngunit huli na ang lahat dahil natagpuan niya si Persia na wala nang buhay, namatay sa kanyang karamdaman habang naghihintay sa pagbabalik ng kaibigan.

Doon lamang tuluyang nagsisi si Miguel. Siya, ang diyos na nakakapagpagaling ng lahat ng karamdaman, ay bigong mailigtas ang iisang taong pinakamahalaga sa kanya. Sa kanyang puso, mananatili ang pait ng mga salitang hindi niya nasabi at ng pag-ibig na hindi naipahayag.