Ang Sambahayan Bilang Salik ng Paggalaw ng Ekonomiya by Bernadette

GDP
When tillage begins, other arts follow. The farmers; therefore, are the founders of human civilization.
— David Webster

ANG AGRIKULTURA BILANG GULUGOD NG EKONOMIYA

Ayon sa mga ekonomista, kaya maunlad ang isang bansa dahil sa kakayahan at paggawa ng mga sambahayan kabilang na ang mga nagtatrabaho sa produksyong agrikultural. Tumataas din ang kikitain ng mga sambahayan mula sa bahay-kalakal kapag mataas ang produksyong agrikultural, kaya mataas ang nagiging ambag nito sa GDP. Dito pa lang sa senaryo na ito, mapapaisip ka na lang talaga: ano nga ba ang mangyayari sa GDP kapag mas madami at malawak ang mga likas na yaman sa isang bansa kasabay ng abilidad at kakayahan ng mga magsasaka upang mas dumami ang supply ng mga hilaw na produkto? Sa huli, sa agrikultura nagmumula lahat.

"We must look at the farmers first. After all, more than the doctor, more than the lawyer, we need the farmer. Because we need a doctor or lawyer only a few times in our life, but we need a farmer 3 times a day."
— Senator Francis "Kiko" Pangilinan

Tinatawag na gulugod ng ekonomiya ang agrikultura dahil dito kinukuha ng isang bansa ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Mahalaga ang pagpapatuloy sa pagsasaka upang matustusan na rin ang lumalaking populasyon, at mas mapabuti ang economic performance ng bansa. Ang mga Louis Vuitton bags na ginagamit mo ngayon ay gawa sa mga exotic skins ng mga hayop, ang mga kanin na kinakain natin sa pang araw-araw ay galing sa mga pananim, at ang mga tsokolate na kinakain natin ay gawa sa cocoa beans na matatagpuan naman sa iba't ibang bahagi ng likas na yaman.

- Bernadette

GDP
"It's a recession when your neighbor loses his job; it's a depression when you lose yours"
— Henry S. Truman

"Upang makabawi ang ekonomiya, maaari nang payagan ang pagbubukas ng ilan pang industriya" - NEDA

Dahil sa paglaganap ng pandemya sa ating bansa, maraming industriya ang nagsara. Maraming mamamayan din ang nawalan ng trabaho na siya ngang naging dahilan ng pagbaba ng GDP (Gross Domestic Product) ng ating bansa.

Dahil sa kawalan ng kita, naging kaunti na lamang ang kakayahan ng sambahayan na bumili ng mga produkto na maaari nilang gamitin sa pang araw-araw. Kinailangan din nilang magtipid upang makaraos sa ilang linggo.

"Nung pumasok yung pandemic hindi mo alam kung saan ka kukuha ng pera. Hindi mo alam kung kasali ka ba sa ayuda." - Mark Badio (dating teacher aide)

Tama ba ang naging desisyon ng NEDA na aprubahan ang muling pagbubukas ng industriya? O isa itong banta sa paglaganap ng mga kaso ng COVID-19 sa ating bansa?

- Yuri, Richmarl, Elaiza

IMPLASYON
"Inflation is the parent of unemployment and the unseen robber of those who have saved"
— Margaret Tatcher

Gaano mo pinapahalagan ang iyong salapi na kinikita mula sa iyong trabaho?

ANG MGA SAMBAHAYAN AY MAY MAHALAGANG PAPEL na ginagampanan sa ekonomiya. Dahil sa paggastos ng mga salapi na kinikita ng sambahayan mula sa kanilang trabaho,  kaya nagkakaroon sila ng kontrol sa demand. Dahil din sa kanilang pagpoprodyus kaya nagkakaroon sila ng kontrol sa supply. Kaya kung iisipin mo, kapag nagkaroon ng mas madaming serbisyo at trabaho sa ekonomiya, tiyak na mas malaki ang kita ng sambahayan at tataas ang presyo ng mga produkto at serbisyo na kabilang sa market basket. Para sa ibang bansa, magandang balita ito dahil nangangahulugan ito na umuunlad ang isang bansa. NGUNIT HINDI ITO ANG KASO SA VENEZUELA. Eh hindi ba't nangangahulugan na umuunlad ang isang bansa kapag tumataas ang presyo? Kaya bakit at saan sila nagkulang?

Nag-imprenta ang pamahalaan ng mga salapi, dahil dito sumasabay na rin ang pagtaas ng demand at paggastos ng mga sektor ng ekonomiya, kabilang na dito ang sambahayan, ngunit hindi na makasabay ang pagtaas ng produksyon. Ito ang naging dahilan ng pagkakaroon ng shortage sa pamilihan, na siyang humihila sa presyo upang tumaas. Kaya naman kahit gaano pa katagal magtrabaho ang mga sambahayan ay parang wala na rin itong silbi dahil hindi ito sapat upang matugunan nila ang kanilang mga pangunahing pangangailangan, dahil dito ay umabot na sa punto na kumakain na lamang ang mga ibang mamamayan ng basura upang hindi sila mamatay sa gutom.

"Venezuelans are not lazy, but salaries are absurdly low. You would be stupid to go to work."

ALAM MO BA?
Sa bansang Venezuela, makakakita ka ng mga salapi na pakalat-kalat sa tabi-tabi, bakit? Dahil ginto na ang kanilang binabayad upang matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan sa isang araw. Ngunit sa ibang bansa, maaari itong gastusin nang mas mahigit at hindi lamang sa iisang basic goods sa isang araw. Gano'n kalala ang hyperinflation sa bansang ito. Samakatuwid, maunlad lamang ang isang bansa kapag nababalanse ng mga sambahayan ang demand at supply—walang labis, walang kulang.

- Bernadette, Beatriz

PATAKARANG PISKAL
"There is no more dangerous menace to civilization than a government of incompetent, corrupt, or vile men"
- Ludwig von Mises

"Nagbabayad kami ng buwis, nakakainis! Hindi naman nakikita, saan na napunta?

Sa perang nakokolekta mula sa buwis na binabayad ng mga mamamayan at sa perang ginagasta ng sambahayan. Saan ito napupunta? Sa halip na gamitin ito upang punan ang pangangailangan ng ating bansa: makapagpatayo ng mga imprastraktura at magbigay tulong sa mga mamamayang Pilipino, binubulsa ito ng kurakot na gobyerno.

"Ain't got enough to eat, people starving on the streets"

Maraming parte ng sambahayan ang nagugutom lalo na ang mga taong fixed ang sweldo at mga taong walang kaya. Sa pagbabayad ng buwis at iba pang bayarin, limitado na lamang ang perang maaaring gamitin sa pagbili ng pagkain at mga pansariling pangangailangan.

- Yuri, Richmarl