Kahalagahan Ng Wikang Filipino - FILO1G by Aldwin Dave L. Bondoc

Kahalagahan ng Wikang Filipino #Makabayan #Introduksyon
Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa aking buhay ay patuloy ito nagagamit sa pang araw-araw na gawain. Sa trabaho, sa eskuwelehan, sa bahay, o kahit saan man parte ng ating bansang Pilipinas ay nagagamit ang wikang Filipino. Patuloy itong nagbabago pagdepende sa panahon. Kapag walang wikang Filipino wala tayong sariling tatak o aydentidad.

Wikang Filipino ay Dugo ng Ating Bansa #Ipaglaban #Katawan
Ang wikang Filipino ay buhay at nagagamit sa pang araw-araw na kabuhayan. Ito ang nagsisilbing komunikasyon sa pagpapahayag ng mga impormasyon sa mga taong kailangan malaman. Ang wikang pambansa ay ang mismong lakas at tibay ng ating pagkakaisa. Ito ang Nagbibigay din ng daan upang malampasan ang mga pagkakaiba sa rehiyon at lumikha ng isang iisang tinig sa pulitika, edukasyon, at sining. Sa pamamagitan nito, naisusulong natin ang mga batas, naibabahagi ang mga ideya, at nabubuo ang mga pambansang aspirasyon. Kapag ginagamit natin ang Filipino, hindi lang tayo nag-uusap; binibigkis natin ang pambansang damdamin at pinatatatag ang ating soberanya.

Ang mga epiko, tula, at awit na nakasulat at inaawit sa Filipino ay nagsisilbing imbakan ng ating pagkatao—nagpapaalala sa atin kung sino tayo at saan tayo nagmula. Ito yung mga bagay na naririnig natin mula pa nung bata ngunit yun pala ang ating paalala kung ano ang ating tradisyon, kultura, at kung sino ba talaga tayo bilang isang Pilipino. Ang pagpapabaya sa wikang ito ay katumbas ng pagkalimot sa ating kasaysayan at pagpunit sa tela ng ating kultura. Kung hahayaan nating maglaho ang ating wika, tuluyang mawawalan ng kulay ang ating pagiging Pilipino at hindi na maipapasa sa susunod na henerasyon ang karunungan ng ating lahi.

Ugat ng Lahi #Konklusyon
Sa modernong panahon, patuloy na nagbabago ang ating wika. Nakakalungkot din isipin na yung ibang mamayang pilipino ay di kilala ang sarili nating wika. Kaya bilang isang magiging guro, ipagpapatuloy kong buhayin ang ating wika sa paggagamit bilang komunikasyon sa aking mga estudyante, mga kultura na kailangan panatilihing buhayin upang maramdaman nila na sila ay isang pilipino, at imulat ang kanilang mga mata at ipaalala ang kasaysayan ng ating bansa dahil yun ang ugat natin bilang Pilipino. Ang paglinang sa Filipino ay pagpapayaman sa ating sarili, dahil sa bawat pagbigkas, pagbasa, at pagsulat nito, pinatutunayan natin na ang Pilipinas ay may sariling dugo at buhay, na hindi kailanman matutunaw o mawawala. Ito ang dugo na nagbibigay-sigla sa ating kalayaan at nagpapatakbo sa puso ng ating bansa.