Ang aking Talaarawan by vianca repollo

Ika-5 ng Hulyo, 2021
Wala naman masyadong nagyari ngayong araw na ito. Pagkagising ko ginawa ko ang aking morning routine at naglinis pagkatapos. Akin ding pinakain ang aking kapatid bandang alas dose ng hapon tsaka siya pinaliguan. Nang matapos ko na syang asikasuhin, ako ay nanghugas at nagluto para sa aming hapunan. Wala naman masyadong kagalak-galak na pangyayari sapagkat MECQ at hindi ako makalabas ng bahay kung hindi ko naman trabaho. Ginawa ko rin ang iba kong mga gawain sa paaralan at hinanda ko ang aking mga gamit sapagkat balik trabaho na naman pag alas kwatro ng hating-gabi. Nakakapagod ang pauli-ulit na routine pero patuloy pa rin para sa pangarap. Sana lang ay matapos na ang pandemyang ito para tayo ay makabalik na sa normal nating mga buhay.

Ika-6 ng Hulyo
Maagang nagsimula ang aking araw, ako ay nagpa alarm ng bandang 2:45 ng umaga upang makapag handa para sa aking trabaho na magsisimula ng alas kwatro. Pagkagising ko, ako ay nagpainit ng tubig na ihahalo ko para sa aking panligo dahil napakalamig ng tubig 💤. At dahil muntik na naman akong mahuli, hindi na ako kumain sa bahay at lumakad na papunta sa aking trabaho. Naging okay naman ang daloy ng aking trabaho sapagkat sa ngayon, hindi na ako tumatanggap ng mga tawag bagkus ay tumutulong na ako sa pag hahasa at pagsasanay ng bagong mga empleyado. Sa buong shift ko mabibilang lang ata ang panahon kung saan ako nakaupo. Nakakapagod ngunit nakakatuwa dahil nakikita ko na nagiging mahusay na ang mga tinuturuan namin. Nagiging nakakatawa rin ang mga pangyayari sapagkat may isa akong tinuruan na bumanat sa akin ng "Miss, tae ka ba?" sabi ko naman, "bakit?", ang kanyang naging tugon lang ay "pwede ba kitang ilabas mamaya?". Kapag naiisip ko yun natatawa pa rin talaga ako.

Mga bandang ala una nang matapos na ang aking trabaho, ako ay agad-agad nagmaneho pauwi upang makahabol pa sa klase. At pagkatapos ng klase, naglinis ako ng katawan at nahiga sa sopa para umidlip. Tas hindi ko namalayan tuloy-tuloy na pala ang akihg tulog.

Ika-7 ng Hulyo
Ako ay nagising bandang 2:50 ng madaling araw at ginawa ang aking seremonyas. Nagpainit ng tubig para pangligo, nagkapem at nagpunta na sa trabaho. Ang aking ginagawa ay paulit-ulit na lamang. Ang hindi ko lang malilimutan ay yung may sinusupportahan akong hindi marunong mag bisaya at ang nakalakihan niyang lenggwahe ay tagalog at ingles. Pagkatapos ko siyang turuan gamit ang ingles na lenggwahe, imbes na tanungin ko siya kung naintindihan ba niya, ang nasabi ko ay "nasabtan mo ba?" HAHAHAHAHAHA natawa nalang siya at sinabihan ako sa mga katagang ito "mag bisaya ka nalang ma'am". Nakakapagod pero nakakatuwa dahil nakakalapit loob ko na ang mga ahenteng aming tinutulungan.

Ika-8 ng Hulyo
Katulad ng mga nagdaang araw, wala namang interesante na nangyari sa araw ko. Ngunit yung bagong Shift Manager namin ay crush ko. Simpleng paghanaga lamang dahil napaka disente niya at pormal kung kumilos, ang hilig pa ngumiti. Yung lang ata nagpagana sa trabaho ko.

Ika-9 ng Hulyo
Wala naman masyadong ganap sa buhay ko ngayon. Ang aking ginawa lang ay ang aking rutin na kung saan gumagabay kami sa mga bagong ahente. Pagkatapos ng mahabang shift, nagmadali akong umuwi pagkabasa ko na may ipapagawa po kayo sa klase, nakahinga naman ako ng maluwag pagkakita ko na lunes pa pala ang pasahan. Ngayong araw, tuwang-tuwa ako dahil nagkaroon kami ng chansa ng dati kong mga katrabaho na magkita-kita at kumain sa Sibaan sa Valencia. Kahit inulan man, masaya pa rin. Pagkauwi ko, naglinis ako agad ng jatawan at naghanda ng aking susuotin para sa trabaho ko ngayong madaling araw. Punong-puno ang puso ko.

Ika-10 ng Hulyo
Pagkatapos ng trabaho ko ngayon, nagkita-kita kami ng akingg mga kababata at nag boodle fight. Yun ang naging highlight ng araw ko. Kahit malimit lang kami magkita, parang wala talagang gap. Masaya ako at nakapag usap-usap kami.

Ika-11 ng Hulyo
Ngayong araw ay maaga akong nagising dahil napagkasunduan naming magkakaibigan na mag jogging papuntang Valencia. Ang nakakatawa ay pagkatapos namin mag jogging, pagkauwi namin ay kumain kami ng sobra at natulog haha nabawi lang din sa dami nang aming nakain ang itinakbo namin.

Ika-12 ng Hulyo
Wala namang interisanteng naganap sa araw ko. Dahil medyo sumasakit ang ulo pati puson ko dahil sa kabwanang dalaw, nagpahinga lamang ako ngayong araw na ito at naghanda ng mga gagamitin at dadalhin ko sa trabaho para ngayong madaling araw. Ginawa ko rin ang aking mga takdang-aralin ngunit hindi ko natapos lahat. Nalo-lowbat na ako.

Ika-13 ng Hulyo
Wala namang ganap sa buhay ko ngayon. Pagkatapos kong umuwi galing trabaho, gumawa ako ng presentasyon naming para sa reporting kinabukasan. Kinagabihan, nag-usap kami ng aking mga kagrupo at nagkasundo kung alig parte ng report ang tatalakayin namin. Pagkatapos ay natulog na ako.

Ika-14 ng Hulyo
Ngayong araw ay nagmadali akong umuwi sa bahay para umabot ako sa reporting. Kahit ninenyerbos ay importante natapos namin ang presentasyon. Masaya rin ako at naging malapit kami ng aking mga kagrupo.

Ika-15 ng Hulyo
Nakakabagot ngayong araw. Dahil nag iba-iba na ang skedyul namin ng mga malalapit kong kasamahan sa trabaho, wala ako masyadong makausap at makatawanan. Ngunit iniisip ko nalang na pumasok ako sa trabahong ito para kumita ng pera, bonus na yung mga kaibigan kong para ko na ring naging kapamilya.

Ika-16 ng Hulyo
Nilubos-lubos ko ang araw na ito sapagkat araw na ng aking pahinga. Pagkatapos ko sa trabaho ay nagmadali akong umuwi upang magpahinga. Ngunit hindi natuloy sapagkat nag sesenti ang aking pinsan, sila pala ay naghiwalay ng kaniyang nobyo. Nagkataon naman na  kaarawan pala ng aking matalik na kaibigan kaya't kami ay kaniyang inimbitahan sa maliit na pagtitipon-tipon.

Ika-17 ng Hulyo
Ngayong araw ay araw ng aking pahinga kaya't naglinis ako ng bahay ato pinuntahan ko ang aking tiyahin na balo para naman malibang siya. Pagkatapos ay umuwi na ako at inalo ang pinsan kong nagdadrama. Ako ang nasasaktan para sa kanya pero alam ko namang kaya niyang lagpasan iyon.

Ika-18 ng Hulyo
Laking pasasalamat ko at hindi natuloy ang blackout ngayong araw kaya't nilubos-lubos ko na ang aking pahinga sapagkat pakiramdam ko ay naubos ako buong linggo. Binabawi ko ang aking lakas sapagkat trabaho na naman kinabukasan.

Ika-19 ng Hulyo
Ngayogg araw ay kaarawan ng aming kapitbahay kaya't kami na nama'y muling napaanyayahan para sa isang maliit na salu-salo. Pagkatapos naming kumain kami ay naupo sa labas at nagpahangin lamang ng biglang may ibinunyag ang aming kaibigang lalaki. Nakita niya pala ang dating kasintahan ng pinsan ko na kasama ang kaniyang naging kasintahan din dati at tumagal sika ng tatlong taon. Lubos namang nasaktan ang aking pinsan at hindi na niya napigilan ang umiyak sa harap naming lahat. Nasasaktan din ako sapgkat hindi ako sanay na makita siyang ganun.

Ika-20 ng Hulyo
At dahil hindi inalo namin ang pinsan ko, wala na naman akong tulog pumasok sa trabaho. Ng mag lunch break kami ako ay nagpunta agad sa sleeping lounge at natulog. Para akong baterya na narecharge. Pag-uwi ko naman ay gumawa ako ng PowerPoint presentation amin para sa isang talakayan sa isa kong klase, pagkatapos ko ay natulog na para makabawi naman ako ng lakas.