Kakaibang Ganda ng Ilocos Sur by Sophia Bianca Felipe

Kami ay nagutom at napagod na sa mahaba-habang lakaran kaya naman ay naghanap kami ng magandang puwesto sa parkingan upang kami ay makakain na. Nang matapos na kaming kumain ay nagtungo naman kami sa hidden garden. Dito naman ay punong puno ng mga halaman. Ang ilan sa mga ito ay kanilang ibinebenta. At dahil mahilig sina mama at papa sa mga halaman ay napabili na rin sila. Hapon na rin noon kaya’t tirik na tirik ang araw. Damang dama namin ang init ng panahon dahil sa mga magkakatabi lamang na mga halaman sa daraanan. Buti na lang at nagdala ako ng pamaypay, kahit papaano ay napreskuhan ako. Habang nag hihintay kami sa binili naming halaman ay nagpicture muna kami. Nang makapagbayad at nakuha na namin ang halaman na aming binili ay umalis na rin kami.

Ang makasaysayang Lungsod Vigan ay matatagpuan sa hilaga kanlurang bahagi ng baybaying lalawigan ng Ilocos Sur, Rehiyon ng Ilocos, Luzon, Pilipinas. Isa ito sa dalawang lungsod ng lalawigan. Kilala ang lungsod dahil sa makasaysayang mga bahay at gusaling pinagplanuhan, idinisenyo at itinayo na may impluwensiyang Asyano, Europeo at Latino Amerikano na matagumpay na naalagaan ng mga mamamayan nito mula pa noong ika-16 na siglo

Dito kami unang namasyal simula noong lumuwag ang mga protocols dahil sa covid na sanhi ng paglockdown at quarantine. Sobrang saya at pananabik ang nadama ko noon dahil sa isang taong mahigit na nasa bahay lang ako ay makakapasyal na akong muli.

Nagsimula kaming bumiyahe alas siyete ng umaga (7:00 a.m) at pagkalipas ng isang oras at trenta minuto mula Laoag papuntang Vigan ay narating na namin ang una naming destinasyon, ang Baluarte. Ang Baluarte ay isa sa mga tourist attraction sa Vigan. Dito makikita mo ang mga iba’t ibang mga hayop na ang iba ay galing pa ng ibang bansa gaya ng puting tigre na aming nakita. Sa isang silid ay may iba’t ibang mga wild animals na prineserba at idinisplay para makita ng lahat. Sa napakaraming taon na nakalipas ay sobrang daming nagbago sa lugar na iyon. Ngunit di pa rin maikakaila ang kagandahan ng baluarte.

Kung kayo ay pupunta ng Vigan ay hindi niyo dapat kakalimutang bisitahin ang Calle Crisologo. Ito ay isang sikat na makasaysayang lugar sa Vigan, Ilocos Sur, dahil ang calle ay puno ng mga Spanish-style houses na napreserba nang higit sa daang taon. Ang Calle Crisologo o Kalye Mena Crisologo sa Meztizo Distriict ay isa sa pinakamahalaga at pinaka-pangunahing lugar sa Vigan. Makikita sa mga ito ang husay at galing ng mga artisanong Filipino bago pa dumating ng panahon ng modernong materyales, kagamitan at teknolohiya sa pagtatayo ng gusali. Ang mga tao rin dito ay mababait. Ang pamumuhay rin nila ay simple. Kami ay bumili ng t-shirt at pang masahe na laruan at sinubukan naming manghingi ng kaonting discount ay pumayag din naman sila. At sa tuwing may hindi kami alam na daraanan ay maayos nila itong naipapaliwanag, binabati nila kami ng may ngiti sa kanilang mga mukha.

Ang vigan ay isa sa mga pinakamagandang pasyalan na aking napuntahan. Marami ring magagandang tanawin at mga pasyalan ang Ilocos Norte ngunit may kakaiba ring ganda ang kayang ibigay ng Ilocos Sur. Sa isang araw na pamamasyal namin ay masasabi kong sulit na sulit ito dahil sa mga magagandang pasyalan na aming napuntahan sa Vigan.

Bago kami magtungo sa pinakahuli naming destinasyon ay pumunta muna kami sa kaibigan ng aking tita na may ari ng pagawaan ng mga "burnay". Ipinakita ng isang trabahador doon kung paano nila hinuhulma ang mga clay at gagawing mga mangkok, platito at kung ano ano pa. Inilibot niya rin kami sa kung saan sila gumagawa ng mga burnay, kung saan nila ito pinapainit. Isa itong maliit na tunnel at sa loob nito ay punong puno ng mga uling upang mapainit at mahulma ng maayos ang mga burnay. Para rin akong nasa loob ng oven dahil sa sobrang init sa loob ng pagawaan nila. Nang matapos na namin malibot ang lugar ay nagpaalam na kami sa kaibigan ng aking tita.