Ang Aking Dyornal by Monica Alagad

09/01/22
Bakit mahalagang matutuhan ang kahalagahan, kalikasan, at
katangian ng pagsulat partikular ang pagsulat ng akademikong sulatin?

-Ang pagsusulat ng akademikong sulatin ay mayroong malaking parte sa ating lipunan, sa pang-araw-araw na pamumuhay at sa uba pang mga bagay.  Sa pamamagitan ng pagsusulat ng isang akademikong sulatin, maipapahayag ng  isang manunulat ang iba’t ibang klase ng impormasyon na kaniyang nahagilap na maaaring magamit sa mga susunod na pagkakataon ng ibang mambabasa. Mayroon ding mga bagay na mabibigyan ng kalinawan sa pamamagitan ng pagsusulat nito,

Abstrak

Bionote

Posisyong Papel ng mga ika-12 na Baitang STEM ng Foundation Preparatory Academy hinggil sa Pisikal na Pagparusa ng mga Bata

ANG PANG-AABUSO SA BATA AY DAPAT NA ILEGAL AT ISANG KRIMEN

Posisyong Papel na nauukol sa Republic Act 7610
Paninindigan ng mga ika-12 na Baitang STEM ng Foundation Preparatory Academy

Isa sa anim na substantive rights, mayroong tinawag na kalayaan sa parusa. Ito ay isang karapatang pantao na anyo ng pisikal na pagparusa na hindi dapat gawin sa isang tao. Ang mga bata ay nakakaranas ng parusa ng ilang paraan, magaan man o hindi ngunit, mayroong inaabuso.

Pisikal na pang-abuso ay labag sa Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Ang RA 7610 ay nagsisilbing pigilan ang anumang uri ng pang-aabuso at pagsasamantala sa mga bata. Kung tatanungin, dapat bang ituring na isang krimen ang pisikal na parusa sa isang bata? Ang agarang sagot ay oo, dahil ito na at dapat pa ring ituring na isang krimen. Tulad ng anumang krimen na ginawa, may mga kahihinatnan at mga biktima. Kasunod ng pagkakasala na ginawa, dapat asahan ng suspek ang parusa tulad ng pagkakulong, ang biktima, gayunpaman, ay magkakaroon ng ilang peklat na natitira kapwa emosyonal at pisikal. Ang trauma ay hindi isang madaling salita dahil hindi ito isang madaling bagay na malampasan. Ang epekto ng pisikal na pang-aabuso sa gayong murang edad ay maaaring makaapekto sa kabuuan ng kanilang buhay.

Anumang uri ng pang-aabuso ay dapat na kilalanin bilang imoral, ang RA 7610 ay tumutulong sa legal na paraan upang mapagaan ito. Sa dami ng emosyonal na peklat na maaaring ibigay nito, at ang moral na sira, ang pagtawag dito bilang parusa ay hindi makatwiran at iresponsable.

Ang Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Totoong KaibiganNi: Monica B. Alagad
Naranasan mo na bang mapag-isa? Naranasan mo na ba ang magkaroon ng problema at hindi makahanap ng karamay? Sa dinami-raming problema ng mundo na minsan ay pasan-pasan mo minsan mo na rin bang naisip kung ano ang pakiramdam na mapag-isa sa daigdig? Maarinb imposible itong mangyari dahil bilyon-bilyon ang mga taong nabubuhay dito pero, batid kong tayo ay minsan dung nakakaramdam ng pangungulila kahit na napapalibutan tayo ng mga taong may parehong pusong buhay at tumitibok katulad ng atin.

Magandang hapon sa ating lahat, matanong ko lang kung may kaibigan ka ba? Mapagkakatiwalaan mo ba sila? At sila ba’y totoo? Sa ilang taon ko ng pamumuhay sa mundo ilang tao na rin ang lumabas at pumasok sa buhay ko. Batid kong lahat ng mga taong nakakasalamuha natin ay nakilala natin ng may dahilan ngunit, ano nga ba ang pagkakaibigan? Marami akong taong kilala, nakakausap sa pang-araw-araw, at nakakasama sa kasiyahan paminsan-paminsan. Pero, masasabi kong bilang lamang ang mga taong masasabi kong kaibigan ko. Minsan, napapatanong din ako kung bakit sa dinami-rami ng mga tao sa mundo ay bakit iilan lang ang maaasahan ko sa tuwing ang bagyo ay malakas, ngunit sa pagsapit ng tag-araw ay kahit hindi man asahan ay may lalapit at lalapit. Hindi naman ako nagrereklamo dahil mas pipiliin ko rin naman ang presensya ng mga taong handa akong payungan ambon kahit na kakaunti lamang sila kesa manatili sa grupo ng iba na nariyan laman kapag ang lupa sa ilalim ng aking mga paa ay tuyo.

Maraming importanteng sa mundo, marami akong pinanghahawakan, ngunit kung may isang bagay man na importante bukod pa sa aking pamilya, ito sy ang mga kaibigan na meron ako ngayon. Malas man sa ibang mga bagay, swerte naman ako sa kanila. Maraming tao man ang nawala ay mas maganda naman ang pumalit.

Kaya’t ikaw kaibigan, kung nais mo’y totoong samahan, siguraduhin mo munang totoo ka rin sa iyong sarili dahil hindi ka makakahanap ng samahang matibay kung ikaw mismo ay peke. Hindi naman ito nasusukat sa swerte, ugaliing maging mabuti sa pakikipagkapwa tao, at kung nakahanap ka ng mga taong nais mong maging kaibigan habang buhay, suklian mo rin sila ng kabutihan.

Panukalang Proyekto

Lakbay Sanaysay
https://duma0.wordpress.com/biyaheng-dumaguete/