Ang Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya: Isang Pambungad by Joseph Jay V. Hernando
Pambungad sa Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya
Sa nakaraang pulong, tinalakay natin ang tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang epekto nito sa imperyalismo at nasyonalismo sa Asya. Napag-aralan natin na sa pamamagitan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagsimulang humina ang imperyalismo at lumakas at kumalat naman ang nasyonalismo.
Naging posible naman ang paghina at ang paglakas na ito dahil nabigyang ideya ng pagkapanalo ng mga Hapones sa mga kanluranin ang mga Asyano na kaya rnaman pala nilang matalo ang dati'y inakala nilang malakas at makapangyarihang kanluraning mananakop. Sa pagtatapos ng digmaan, sinubukan ng mga imperyalistang muling bumalik sa kanilang mga dating sakop. Subalit hindi na sila tinanggap ng mga Asyano na, katulad ng mga Pilipino noong 1898, ay nagdeklara na ng kanilang pagsasarili.
Napilitan itong tanggapin ng mga Briton na binigyang kalayaan ang India at Burma. Subalit pilit itong kinalaban ng mga Pranses at Olandes at ang resulta'y ilang taon din ng pakikidigma ng mga taga-Vietnam at Indonesia para sa kanilang ganap na kalayaan.
Tunghayan natin sa araling ito ang ilan sa mga mahahalagang kaalaman tungkol sa mga pangyayaring ito.
Giorgio Othello 'G.O.' Gumban ng C7-Alfonso
Matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig, ang kolonyalismo ay isang konsepto na malinaw na hindi na napapanahon, at pinalitan ng ideyang mga kaalyadong bansa para o laban sa komunismo, dahil dalawang bansa (US at USSR) ang lumitaw bilang nangungunang lakas ng mundo pagkatapos ng giyera. Lumakas din ang damdaming nasyonalismo sa mga bansa sa Asya, at ang pagkatalo ng Britanya sa Hapon sa digmaan sa Singapore ay nagbigay ng lakas loob sa mga nasasakupang bansa na hilingin o ipaglaban ang kanilang kalayaan mula sa mga makapangyarihang imperyalista. Ang pelikulang, 'Braveheart' ay pumapasok sa aking isipan patungkol sa matapang at walang katapusang paghabol sa kalayaan. Ito marahil ang nararamdaman ng mga mamamayan sa kanilang pagtugis sa kanilang minimithing kalayaan!
Joeff Toribio
Ang pagsakop ng Hapon sa iba’t ibang bansa sa Timog Silangang Asya ay naging tulay upang magkaroon ng kamalayan at lakas ng loob ang mga mamamayan ng nasakop upang labanan ang imperyalista at pigilan ang pagbalik nito. Kung iisipin, kailangan pa ng isang imperyalista upang talunin ang isa pang imperyalista. Katulad ng nangyari sa Burma kung saan ginamit ni Aung San ang mga Hapon upang mapatalsik ang mga Briton. Subalik sa kabila nito, nalaman natin na ang isang imperyalista ay hindi naiiba, o maaaring mas marahas pa, sa naunang imperyalista. Dahil dito, naiukit sa isip ng mga mamamayan na walang mas mabuti pa kung hindi ang magkaroon ng kasarinlan at pamunuan ang sariling bansa malayo sa pananakop ng banyaga.