Gilingang bato by Sabrina

Ang isyung panlipunan na nakita ko sa kuwento ay ang kahirapan at ang kawalang ng pagkakapantay-pantay. Najaranas ng Kahirapan ang mga tauhan sa kuwenti dahil sa kanilang ina ay walang sapat na sahod para matustusan ang pangangailangan nila; Sila ay nagtitinda lamang ng kakanin at madami pa rin ang nakakaranas nito sa kasalukuyan. May mga magsasaka na nagdurusa pa rin dahil sa hinding pagkakapantay-pantay, kung saan ang mga mayayaman ang bumebenepisyo sa mga mahihirap at ang mga magsasaka ay walang kapangyarihan ipagtanggol ang kanilang karapatan.

- DOROTEO, ANDREA

INA
Siya ay isang ina na naghihirap para sa kanyang mga anak dahil sa biglaang kamatayan ng kaniyang asawa.

Kinikilalang taga gawa ng puto gamit ang gilingang bato.

paniniwala - Isa sa kaniyang linya ay “Di mo dapat ikahiya’ng paghahanapbuhay”, ang pinaparating ng linyang ito ay kahit ano man ang iyong hanap buhay maliit o malaki dapat parin natin ito ipagmalaki, dahil napapakita dito ang ating kanya kanyang mga kakayanan at sakripisyo. Tulad ng ina sa nasabing kwento, dapat na tanggapin natin at bigyan halaga ang ating mga sarili, tanggapin natin na mayroon tayong kanya kanyang kakayanan.

- SANTOS, ARKIN

Ditse (chedeng)
Siya ay isa sa mga anak ng ina, lagi siyang nasa tabi ng kaniyang nanay lalo na sa mga mahihirap na sitwasyon.

Paniniwala - Siya ay naniniwala na ang responsibilidad ng pagaalaga ng nanay ay hindi dapat takasan o talikuran. Kahit mahirap ang pinagdadaanan ng kaniyang pamilya ay hindi niya pipiliing sumuko. Para saakin ako’y sang ayon sa paniniwala ni Ditse dahil hindi natin dapat pabayaan ang ating mga magulang na humarap sa kahirapan ng walang tulong, ating suklian ang pagsasakripisyo at oras na inalaad ng ating mga magulang para lamang saating kapakanan.

- SANTOS, ARKIN

Sa kasalukuyan, marami tayong problema na — bilang isang komunidad o lipunan — dapat lutasin at solusyonan. Dahil sa mga problemang iyon, napapalakas natin ang ating pagkakaisa bilang mga Pilipino upang masolusyonan ito. Bukod sa mga suliranin na ating hinaharap, napagkakaisa rin tayo ng ating tradisyonal na ugaling bayanihan at kultura. Ngayong sa panahong may mga sakuna katulad ng bagyo, tayong mga Pilipino ay nag-aabot kamay, nagtutulungan, at nagkakapit-bisig para as ating kapwa at komunidad. Bukod pa sa ating ugaliang bayanihan, nagkakaisa rin tayo sa pagpapahalaga sa ating kultura; Ang pagsayaw, pag-awit, pagtula, at iba pang mga talento na napapakita natin at namana sa ating mga ninuno ay tinatanggap natin.

- DELA PAZ, JOHN DAVID

Nag-edit: CANALITA, SABRINA

Sa palagay ko, makatuwiran na walang nagnais na kumuha nito pagkatapos ng kamatayan ng kanilang ina pero dapat may ipagmamanahan na anak ito. Dahil ang ibang mga anak ay di naman ito kailangan at may mga sariling trabaho sa ibang mga lugar katulad ng sa Manila o San Fermin. Mas kinakailangan at karapat-dapat mamana ito ng kanilang bunsong kapatid dahil siya ay naghihirap ito ay pwede niyang maging pangkabuhayan. Mas mabuting ipamana nalang ito upang matuloy nila ang kanilang tradisyon at hindi masayang ang mga sakripisyo ng kanilang ina at ang kanilang mga ninuno na pinagpasapasahan nito.

- SERRANO, CASSIE

Nag-edit: CANALITA, SABRINA

a) Simula:

Sa simula ng kwento, ipinakilala ang simpleng buhay naming magkakapatid kasama si Ina. Ang gilingang bato ay palatandaan ng kahapon—alaala ng aming ama at simbolo ng pagsusumikap ni Ina para buhayin kami.

b) Pataas na Aksiyon:

Nang mawala si Ama, si Ina ang umako ng lahat. Nagsimula siyang gumawa ng galapong, gamit ang gilingang bato. Doon ko nakita kung paano siya nagsakripisyo para sa amin, kahit mahirap, kahit masakit sa katawan.

c) Kasukdulan:

Pinakamasakit sa damdamin ang makita si Ina, matanda na, ngunit patuloy pa ring gumigiling. Doon ko lalong naunawaan ang bigat ng kanyang sakripisyo. Hindi lang siya basta ina, siya ang aming lakas, ang aming tahanan.

d) Kakalasan:

Habang lumilipas ang panahon, kahit unti-unting gumaan ang buhay, si Ina ay nanatiling masipag at matatag. Kahit pagod na, hindi siya tumigil; Kitang-kita naming mga anak kung gaano siya naging matatag para sa amin.

e) Wakas:

Sa dulo ng kwento, ang gilingang bato ay naiwan bilang alaala, hindi lang ng hirap kundi ng wagas na pagmamahal ng aming ina. Naiyak ako sa wakas dahil naalala ko rin ang sakripisyo ng sarili kong nanay, isa siyang tunay na bayani sa loob ng tahanan.

- GUMIA, ETHAN

Nag-edit: DOROTEO, ANDREA

Bilang mga Pilipino, kailangan natin maging maparaan, magbigay ng mga paraan na maaari nating magamit at kung bakit natin ito gagamitin.

Ano-ano ang pwedeng mangyari kapag patuloy natin ginagamit ang teknolohiya, agham, at ating pinagmahanan na mga hanapbuhay sa ating ninuno.

Bakit sa kasalukuyan, ay nararanasan pa rin ang kahirapan kahit nagbibigay na ang gobyerno ng mga "solusyon", nananatiling mahirap ang 20% pataas na mga pilipino.