ANG SERBISYO NG PAMAHALAAN by Brian Engersol Rusel

Serbisyo!!!!
Limitado lamang ang mga resources ng pamahalaan kung kaya't kailangan itong mahati sa iba't ibang mga sektor. Marami ang naghahati dito, kabilang na ang sektor ng kalusugan, agrikultura, pambansang depensa, subsidiya, at marami pang iba. Bunga ng paghahati-hating ito ay ang kawalan ng suporta sa ibang mga sektor at sila ay napapasawalang-bahala. Bagaman ang lahat ng sektor na ito ay mahalaga, malinaw na ang pinakanararapat na pagtuunan ng pansin ay ang sektor ng serbisyong pampubliko tulad ng pabahay, libreng edukasyon at healthcare, at social security. Imbis na mangutang ang pamahalaan sa internasyunal na institusyong pampanalapi upang magkaroon ng mas malaking pondo ay dapat nitong palakasin ang pambansang industriya na siya ring magpapalakas sa ekonomiya. Sa ganitong paraan ay mababayaran na ng bansa ang gabundok nitong utang sa mga dayuhan at mapapalakas natin ang sarili nating lakas paggawa at ekonomiya.

Serbisyong tapat o serbisyong hindi kailanman magiging sapat?
Ang mga serbisyong pampubliko ay may pangunahing layunin na mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng edukasyon, kabuhayan, kalusugan, at iba pang pangangailangan. Halimbawa, ang mga serbisyong pang-edukasyon ay nagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan na matuto at malinang ang kanilang kakayahan; sa aspeto ng kalusugan, ang mga health center, pampublikong pagamutan, at libreng gamot ay nilikha upang tiyakin ang kalusugan ng publiko, lalo na ng mga nangangailangan. Gayunpaman, sa kabila ng mga adhikain ng serbisyong pampubliko, maraming hadlang ang nagiging sanhi ng pagkukulang nito—kakulangan ng pondo, korapsyon, at mabagal na pagtugon, lalo na sa mga malalayong lugar—ay nagiging pangunahing balakid sa pantay na distribusyon ng mga serbisyo. Ang mga institusyong dapat sana'y nagsusulong ng kaunlaran ay nagiging limitado ang kakayahang maglingkod, habang ang ilan ay nakikinabang, marami ang nananatiling hindi naaabot ng serbisyong nararapat sa kanila. Ipinapakita nito na ang serbisyong pampubliko, kung hindi tapat at maayos na ipinatutupad, ay hindi kailanman magiging sapat.

Badyet para sa mga serbisyong pampubliko, itaas!
Ang serbisyong pampubliko ay tumutukoy sa mga serbisyong pinakakailangan ng sambayanan, dahil ito ang mga pundasyon sa mapayapa, ligtas, at maalam na pamayanan tungo sa pambansang kaunlaran. Nakalulungkot na bagama’t ito ang mga dapat pagbigyan ng pansin at paglaanan ng resources, iba ang nagiging prayoridad ng gobyerno lalo na sa aspeto ng pag-allocate ng pambansang badyet. Nakapanlulumo at nakagagalit na mas malaki pa ang badyet na inilalaan sa confidential funds ng mga nasa ehekutibo at pambansang depensa kaysa sa mga serbisyong pampubliko. Dagdag pa rito, imbis na ilaan ng mga nasa posisyon ang pantaunang pondo para sa mga serbisyong ito, ang iba’y pinipili pang mangurakot, kaya’t hindi rin nakagugulat na hindi maayos at kulang ang mga ambulansya at bumbero, mataas ang bilang ng krimen, walang maayos at ligtas na pabahay, matindi ang traffic lalo sa Kamaynilaan, at mababa ang antas ng edukasyon dito sa bansa. Kaya ang tanong, ang serbisyo ba ng pamahalaan ay para sa taumbayan o para sa kanila rin?

Serbisyo o Pamumulitiko?
Hindi naman lingid sa ating kaalaman na talamak ang kurapsyon sa Pilipinas na nagreresulta sa kakulangan ng pondong dapat ay mapupunta sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga serbisyong pampubliko tulad ng edukasyon, kalusugan, pabahay, trabaho, etc. Ang mga ito ay pangunahing pangangailangan ng bayan, subalit hindi nabibigyan ng sapat na pondo upang mag-implement ng mga programs and policies na makakatulong sa pagpapalago ng bayan at mamamayan. Ang mga buwis galing sa mamamayan ay dapat mapunta sa mamamayan. Ngunit dahil mga politiko ang humahawak ng pondo na ito ay nagmimistulang utang ng loob ng mga mamamayan ito sa kanila at dapat silang pasalamatan sa serbisyong publiko na kanilang binigay; tipong nakakabit ang at sa kanilang pangalan ang kanilang ginawang bare minimum para sa mamamayan. Hindi nagagamit ng wasto ang pera ng bayan.