2S-FILIPINO 08 SARBEY NG PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR by ALIZA CORVERA

Chrestl Joy G. Villamor
Ang panitikan sa pag-usbong ng komersyalismo ay parang isang arena na kung saan ang halaga ng isang akda ay madalas nasusukat sa pamamagitan ng kita na nakukuha nito kaysa sa kultural na kahalagahan nito.

CALIMBAS
Sa pagyabong ng komersyalismo may nagbabago. Lahat ng tinatangkilik ay idinulot ng komersyalismo. Dahil dito mas madaling napapalawak ang isang bagay lalo na sa larangan ng panitikan. Halimbawa nito dahil sa komersyalismo mas marami ang tumatangkilik sa ibang teleserye (kdrama atbp) dahil mas marami ang mga tinitingalang tao ang nauugnay nito na dahilan naman ng napapailalim ang sariling atin.

Arjuna S. Villarta
Ang panitikan na dulot ng komersyolismo, ay malaki na ang pagkakaiba dahil kung ito ay pagbibigay aliw, aral, sa mga mambabasa ngayon ang mga naging paksa na ng isang may akda ay nakatuon na lamang sa mga paksa o tema na may potensyal na magdulot ng malaking kita o popularidad, kaysa sa mga akdang may kritikal na pagtingin sa lipunan o mga kontrobersyal na paksa.

Anne Osin
Sa paglipas ng panahon imbis na panitikan ay payabungin at mahalin ang sariling atin sinusubukan na pala itong tanggalin ng mga taong may matataas na tungkulin. At ang masakit pa ay mas tinatangkilik ang nasa banyaga.

Shilla Mae B. Eiman
Ang komersyalismo ay maaaring magdulot ng maling impormasyon at pagbabago sa kasaysayan. Halimbawa, maaaring baguhin ng isang indibiduwal ang mga impormasyong kanyang inilathala sa media. Sa layuning tangkilin ng madla ang kaniyang akda at upang maprotektahan ang kanilang kita.

Hindi na binibigyang halaga ang mga panitikang nagbibigay aral o may kultural na kinalaman sa ating bansa. Minsan nakakaligtaan na ang pagtangkilik sa mga panitikang atin dahil ang nilalamon natin ay kung ano ang mga trends ngayon. Wala ng pagpapahalaga sa mga sulating may kaugnay na pagpapahalaga sa mga mahahalagang isyu sa kasulukuyang panahon. Kung ano-ano nalang ang mga hindi makabuluhang bagay ang ipinapakita sa media. Bukod dito, ang komersyalisasyon ng kritisismong pampanitikan ay maaaring paboran ang mga komersyal na matagumpay na gawa kaysa sa mga may tunay na pampanitikang halaga. Mahalaga ang pagtukoy ng isang balanse sa pagitan ng kakayahang magbenta at integridad ng sining upang mapanatili ang isang buhay at magkakaibang tanawin ng panitikan.

DULOT NG KOMERSIYALISMO

MONTILLA
Sa pag-usbong ng komersyalismo ang panitikan ay tila naging isang negosyo kung saan ang kadalasang ginagawa ay umaayon sa kung ano ang uso at kung saan malaki ang kita. Malaki ang ginawang pagbabago ng komersyalismo sa panitikan dahil ngayon, parang nawalan nang kabuluhan ang panitikan sa kadahilanang ang mga tao ay ginagawa itong pagkakakitaan kahit na wala namang saysay ang kanilang mga ginagawa.

PRINCESS LAICA G. BANDO
Ang komersyalismo sa panitikan ay maaaring magdulot ng iba't ibang epekto. Sa isang banda, maaaring magbigay ito ng mas malawak na audience at pagkakataon sa mga manunulat na kumita at mapalaganap ang kanilang mga akda. Gayunpaman, maaari rin itong magdulot ng pagkaunawa sa panitikan bilang isang produkto lamang na dapat magustuhan ng marami, na maaaring magdulot ng pagkaubos sa kahulugan at kalidad ng mga likha.

Abalos, Cheryl P.
Ang karikatura ay nagpapakita na sa pamamagitan ng internet at iba pang platform, mas maraming tao ang may kakayahang makabasa o makapanood ng iba't ibang uri ng panitikan. Kapag sinasabi natin na maraming nakakapanood o nakakabasa ay maaring magdulot ito ng pagbabago sa nilalaman at estilo ng panitikan dahil madalas ang mga akda ay idinisenyo upang maging mas komersyal at mas madaling maunawaan ng maraming tao. Yung iba nga ay nirerebisa o dinadagdagan upang madaling makapukaw sa atensyon ng madla.

Quimson
Sa Pag usbong ng komersiyalismo masasabe ko na dahil dito nagkaroon ng kaalaman ang mga Pilipino tungkol sa mga Panitikan na mayroon ang ating bansa. Dahil dito mas nahihikayat ang karamihan sa Pag tangkilik ng mga Panitikan dahil sa mga impormasyong nakalap ng mga Pilipino mula sa ipinahayag ng TEKNOLOHIYA ukol sa Panitikan.

Alcontin
Ang komersyalismo sa panitikan sa kasalukuyan para sa akin ay unti-unti nitong tinatabunan ang ating wikang pambansa at sa halip na tangkilikin ng sariling atin ay pinapalitan nila ito ng ibang wikang pinapatangkilik sa atin na mga mag-aaral sa pamamagitan rin ng paggamit nito sa social media. Kaya naman bilang isang mag-aaral at mamamayan ay dapat talaga nating tangkilikin ang sariling atin upang sa ganun ay hindi ito mabura at mapalitan.

MONDALA
Sa panahon ngayon, ang panitikan ay patuloy na nahaharap sa impluwensiya ng komersyalismo. Maraming mga akda ang naaabot ng mas malawak na audience dahil sa mga plataporma tulad ng social media at digital publishing. Gayunpaman, ang komersyalismo ay maaaring magdulot ng panganib sa orihinalidad at kahalagahan ng mga akda, dahil maaaring mas pinapaboran ang mga akdang pang-masa na may mas malaking potensyal na kumita. Gayunpaman, may mga manunulat at kritiko pa rin na nananatiling nakatuon sa paglikha at pagpapalaganap ng mga akda na may kahalagahan sa lipunan at kultura, kahit pa sa gitna ng hamon ng komersyalismo.

IGONA
Ang teknolohiya ay may epekto sa panitikan sa panahon ngayon marami ng mga tao na babad sa teknolohiya at ang iba ginagamit ito upang mag post o gumawa ng mga kuwento,games, musika, at higit sa lahat dito sila kumuha ng mga impormasyon.Nagbibigay ito ng mas malawak na audience at platform para sa mga manunulat, na nagbibigay ng mas maraming pagkakataon para sa pagpapahayag ng kanilang mga likha. Ngunit, maaari rin itong magdulot ng pagkaantala sa pag-unlad ng mas malalim at makabuluhang akda, habang pinipili ng mga manunulat na sumunod sa mga format o tema na mas patok sa komersyo. Ang mahalaga ay manatiling bukas ang mga manunulat sa paggamit ng teknolohiya nang may sapat na pagbibigay-pansin sa kalidad at pagiging totoo ng kanilang mga akda.

CAPIN BEBIAN
Ang karikatura na "Brave New World" ni Aldous Huxley ito ay  nagpapakita ng epekto ng komersyalismo sa panitikan. Ipinakikita ang isang lipunang pinamamahalaan ng mga korporasyon at kung saan ang konsumerismo at pagsasamantala ay mahalaga kaysa sa pagkakaroon ng tunay na kahulugan at kalayaan. Ang kwento ay naglalarawan ng isang lipunan na kontrolado at pinakawalan ang tao sa pamamagitan ng teknolohiya at droga upang mapanatili ang kapayapaan at katiwasayan sa pangitain ng perpektong mundo.

FLORENOSOS
Sa pagyabong ng panahon  ang panitikan ay umousbong, ang epekto nito sa komersyalismo sa panitikan, kung saan ang tao ay  nakita ay nangunguna sa halip na sining at kahalagahan ng kultura. Ang mga manunulat at makata ay labas sa pintuan ng panitikan, samantalang ang mga negosyante at komersyal na kumpanya ay nagmamay-ari ng loob.

Dela Cruz
Ang komersyalismo sa panitikan ay maaaring magdulot ng ilang mga isyu tulad ng pagiging labis na pormal o pang-entertainment, pagiging mas komersyal kaysa sa makabuluhan na nilalaman, at pagkawala ng espasyo para sa mga makabuluhang pagtalakay ng mga kontrobersyal na paksa. Maraming mga karikatura ang maaaring sumagisag sa mga konsepto tulad ng mga manunulat na nakatali sa mga kontrata sa mga kumpanya ng media, mga libro na mas nakatuon sa pagbebenta kaysa sa kahalagahan ng nilalaman, o mga pambansang mga talinghaga na nakukumbinsi na sumunod sa mga kumersyal na interes kaysa sa pagpapalaganap ng sining.

CATUBURAN
Malaki talaga naging naitulong ng komeryalismo sa panitikan dahil mas lalong umusbong ating panitikan sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya at hindi rin napapansin nila masyadong inabuso na ng ibang tao sa paggamit kahit hindi na ito magandang tignan kahit wala naman makabuluhan at mahalagang maipahatid ang kanilang ginagawa kahit hindi pa ito magandang tignan.

BURATO
"Ang panitikan ay siyang tulay na nagdudugtong sa ating kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan''. Ito ang boses ng mga nawawala, tagapagtaguyod ng mga pananaw, at ilaw sa kadiliman ng kamalayan."

Ngunit nananatili parin ba ito hanggang ngayon?

Sa paglipas ng panahon kasabay ng mabilis na paglaganap ng mga makabagong teknolohiya at modernisasyon ay kapansin pansin ang dahan dahang pagkawala ng bisa o halaga nito.

Bilang mga guro sa hinaharap ay kinakailangan na gumawa ng hakbang upang mapanatili ang kahalagahan nito at marapat na palaganapin upang mas yumabong pa ito.

Garbo
Tunay na ang komersyalismo ay may malaking epekto sa kalagayan ng ating panitikan. Ang komersyalismo ay maaaring magdulot ng mas paglawak ng mga akda sa pamamagitan ng komersyal sa iba't ibang plataporma tulad ng telebisyon, radyo, at iba pa. Ito ay nagbibigay pagkakataon upang marami pang makakilala sa ating kultura.

Junisa L. Villanueva
Ang kalagayan ng panitikan dulot ng komersyalismo at dulot ng teknolohiya ay may mga positibong at negatibong epekto. Ang mga kahingian ng merkado at komersyal na interes ay maaaring magdulot ng pagka-komodipika ng mga akda, kung saan ang mga akda ay binabago o inaayos upang masunod ang mga panlasa ng mga mamimili. Ito ay maaaring magdulot ng pagkawala ng orihinalidad at pagkakakilanlan ng mga akda, na nagiging hadlang sa malayang pagpapahayag ng mga manunulat. Ang kalagayan ng panitikan dulot ng komersyalismo ay isang malawak at kumplikadong usapin. Ito ay nagdudulot ng mga oportunidad at hamon na dapat suriin at pagtuunan ng pansin upang masiguro ang patuloy na pag-unlad at pagpapahalaga sa mga akda at kultura ng panitikan.

PANTOLIAGA
Ang karikaturang ito ay nagpapakita kung paano ang komersyalismo ay nakakasira sa kalidad at integridad ng panitikan. Sa pamamagitan ng paglalarawan ng isang manunulat na nawawala sa kalituhan ng mga paksa at estilo na kinikilala ng mga mamimili, ipinapakita nito ang panganib ng pagsasakripisyo ng tunay na kahalagahan ng panitikan para lamang sa kita at popularidad. Sa kasalukuyang kalagayan, mahalaga na ipaglaban natin ang integridad ng panitikan laban sa pwersa ng komersyalismo na maaaring magdulot ng pagkawasak sa kultura at pagkakakilanlan ng ating lipunan."

LAGUNOY

ENRICOSO
Ang komersyalismo sa panitikan ay ang pagsasanib ng mga prinsipyong pang-ekonomiya at pang-negosyo sa produksyon, distribusyon, at pagkonsumo ng panitikan. Ito ay nagreresulta sa pagiging pangunahing halaga ang kita at popularidad kaysa sa pagpapahayag ng kulturang pambansa o personal na ekspresyon.

Sa karikaturang ito, ang pera na may mukha ng tao ay sumasagisag sa impluwensya ng komersyalismo sa panitikan. Ang hugis-pusong libro na nilalabanan ng pera ay nagpapakita ng pagnanais ng komersyal na interes na kontrolin at dominahin ang panitikan. Samantala, ang mga libro at likha ng panitikan na hindi nabibigyan ng pansin ay nagpapakita ng pagkalimot at pagpapabaya sa mga akda na hindi sumasang-ayon sa mga pamantayang komersyal.

CABALLERO
Malaki ang impluwensiya ng bakas ng komersyalismo sa kasalukuyang panahon na maaaring magdulot ng ilang pagbabago at hamon sa larangan ng sining. Maaaring sabihin na ang komersyalismo ay nagbibigay-daan sa mas malawak na distribusyon ng panitikan at nagbibigay ng pagkakataon sa mga manunulat na kumita mula sa kanilang gawain sa pamamagitan ng paggamit ng mga media platforms. Habang ito ay maaaring magdulot ng oportunidad para sa mas malawak na pampublikong audience at kamalayan sa panitikan, ito rin ay nagdudulot ng ilang hamon sa kalidad, integridad, at diversidad ng sining. Mahalaga talaga na ang lahat ng mga bahagi ng industriya ng panitikan ay panatilihing balanse sa pagitan ng komersyalismo at sining upang maipagpatuloy ang pag-unlad at kahalagahan ng panitikan bilang isang makapangyarihang anyo ng ekspresyon.

Alyssa Nicole D. Cabillan
Sa panahon ngayon, ang ating panitikan ay umuusbong dahil makikita at mababasa natin ito sa pamamagitan ng internet hindi katulad noon na nababasa lamang natin ito sa mga aklat. Nagkaroon din tayo ng mga panitikan ng mga banyaga na tinatangkilik ng mga tao. Karamihan sa mga tao ngayon, ang kanilang mas ginagamit na wika ay wikang banyaga kaysa sa ating sariling wika. Maaari tayong tumangkilik sa mga panitikang dala ng mga banyaga ngunit huwag nating kalimutan ang ating sariling panitikan.

PAMISA
Ang komersyalismo ay maaaring magdulot ng pagkawala ng ating wika dahil sa impluwensiya ng mga dayuhang wika tulad ng Korean. Ito ay dahil sa dominasyon ng mga dayuhang wika sa mga industriya tulad ng musika, telebisyon, at pelikula. Sa paglipas ng panahon, maaaring mawalan ng interes ang mga tao sa paggamit at pagpapalaganap ng sariling wika dahil sa impluwensiya ng dayuhang wika. Ito ay nagdudulot ng pagkawala ng ating pagkakakilanlan at pagpapahalaga sa ating sariling kultura. Upang mapanatili ang kalagayan ng panitikan at wika sa harap ng komersyalismo, dapat nating suportahan ang mga akda at mga manunulat na gumagamit ng ating wika at mag-aral at gamitin ang ating wika sa iba't ibang larangan ng buhay. Sa ganitong paraan, maipapakita natin ang halaga at kahalagahan ng ating sariling wika at panitikan.

FLORES
Ang aking karikatura  ay nagpapakita ng epekto ng komersyalismo sa ating panitikan sa Pilipinas. Ang pagkakaroon ng mga naka-lagay na mga gadget at teknolohiya sa aking karikatura ay nagpapahiwatig ng pagiging moderno at teknolohikal na aspeto ng komersyalismo sa panitikan. Mahalagang isaalang-alang na ang komersyalismo ay may mga positibong epekto rin sa panitikan, tulad ng pagkakaroon ng mas malawak na saklaw ng mambabasa at pagkakaroon ng mga oportunidad para sa mga manunulat na kumita at magpatuloy sa kanilang paglikha. Gayunpaman, mahalagang balansehin ang epekto ng komersyalismo upang mapanatili ang integridad at kahalagahan ng ating panitikan bilang isang instrumento ng kultura at pagpapahayag ng mga karanasan ng mga tao.

ANTIOLA, MARIANE
Ang ugnayan ng panitikan at komersiyo ay may malaking epekto sa kalagayan ng panitikan. Sa isang banda, ang komersyalisasyon ay maaaring magdulot ng mas malawak na pag-access sa mga akda at maaaring magbigay ng mas maraming oportunidad sa mga manunulat para maisapelikula o maipalabas ang kanilang mga gawa sa mas maraming mga plataporma. Gayundin, ang mga manunulat ay maaaring kumita ng higit na malaki mula sa kanilang mga akda kung ito ay magiging matagumpay sa komersyal na aspeto.

Gayunpaman, may mga negatibong epekto rin ang komersyalisasyon sa panitikan. Maaaring magdulot ito ng presyon sa mga manunulat na sumulat ng mga akdang "pampubliko" o "komersyal" na maaaring makaapekto sa kalidad at orihinalidad ng kanilang mga gawa. Maaari rin itong magresulta sa mas pabor sa mga akdang pang-masa kaysa sa mga akdang mas malalim o mas kritikal.