Partisipasyon: Usapang Wika at Kasarian (Asingkronus B2) by Andrew Estacio

Wika at Kasarian
Magandang Araw po! :))

Sa pagtuklas ng aralin na ito, tumatak sa aking isipan ang katotohanang totoong may hindi pantay na pagturing sa mga kababaihan na sinasalamin ng wikang ating sinasalita noon pa man magpasa hanggang ngayon. Sa totoo lang ay may kilabot noong una kong nabasa ang parte ng aralin kung saan inilagay sa talaan ang mga salitang tuwirang nagmamaliit sa mga kababaihan dahil itong mga salitang ito ay bagamat pamilyar at ginagamit, ay hindi naaanalisa, tuloy nagreresulta sa patuloy na kababaan nang pagturing sa mga kababaihan - na malinaw na hindi na dapat magpatuloy. #HappyWomensMonth

Sa isang banda, naging kawili-wili naman sa akin ang konsepto ng “pambalaki” kung saan inilarawan ang pagiging “neutral” ng wikang Filipino sa iba’t ibang salitang ginagamit, at kung paano ito ikinumpara sa madalas “gender-specific” na mga salitang banyaga. Dito pa lang ay makikita na may tatak ng kaibahan (#Unique) na ang ating wikang sinasalita - na bagamat ay may impluwensiya na ng kolonyalismo ay kita pa rin na may pagkakaiba!

Wika at Kasarian
Hello po :))
Gusto ko lamang ibahagi ang aking napagtanto sa nasabi sa parte ng "Urbana at Feliza" na isinulat ng isang lalaki. Hindi ko kasi maisip kung bakit maraming lalaki ang nagsusulat ng mga karakter or roles ng isang babae gamit kung ano ang tingin nila sa kung paano maging babae kahit na wala sila talagang alam kung ano ang isang babae, sino ang isang babae at paano maging babae. Dahil dito, madalas na nagiging misogynistic ang mga isinusulat tungkol sa mga babae.

Isa pa, nang mas naging mulat ang lahat sa mga salitang gender-neutral, nakakatuwang mas napansin kung gaano ka-gender neutral naman ang ating wika. Makikitang ang mga salita nating gender-specific ay impluwensya na ng ibang kultura tulad ng ate at kuya mula sa Tsina at iba pa na mula naman sa mga Espanyol (tito, tita). Maari nitong ipakita sa atin kung paano i-trato nang pantay-pantay ng ating mga ninuno (pre-colonial) ang lahat kahit na ano pa ang kasarian.
- Reign Maclang

Wika at Kasarian
Magandang araw!

Nakalulungkot isipin na totoo ngang magkaiba ang pagbibigay ng compliment o pagpuri sa babae at sa lalaki. Bakit nga ba madalas tungkol sa "appearance" ang compliment sa mga kababaihan at tungkol naman sa "performance" ang compliment sa mga kalalakihan? Bilang isang babae, ako ay nalulungkot lalo para sa aking mga kapwa babae na may talagang husay at galing ngunit hindi napapansin at nabibigyan ng papuri dahil lamang sa kanilang kasarian.

Tumatak rin sa aking isipan ang mga conversational move na nabanggit sa araling ito. Mapapansin sa pag "call out" tulad ng pagsabi ng "kababae mong tao" at "kalalake mong tao" kung paano hinuhusgahan ng lipunan ang bawat kasarian.

Bukod sa mga ito, ako naman ay namangha sa wikang Filipino bilang isang gender neutral na wika. Napagtanto ko na tunay nga na karamihan sa ating salita ay pambalaki. Kapansin-pansin rito ang kaibahang taglay ng ating wika sa mga wikang banyaga tulad ng Ingles at Español.

Wika at Kasarian
Ang gender inequality ay isa sa mga isyung kinahkaharap ng mundo lalo na sa ating bansa. Nagiging ugat ito ng pagsasamanatala sa mga kababaihan. Ayon sa Japan International Cooperation Agency, ang mga kababaihan sa  Pilipinas ay nakakaranas ng women in armed conflict, women victims of domestic violence, women in prostitution, women in prison, and abused single women. Nalalagay sa disadvantaged position ang mga kababaihan dahil sa tinatawag nating gender roles. Ang gender roles ay isang social norm na nabubuo sa isang society. Ito ay tumutukoy sa kung paano dapat kumilos, manamit,at magsalita ang isang tao base sa kaniyang kasarian o sex.Pinaniniwalaan ng karamihan lalo na ng mga matatanda na ang babae ay dapat lamang sa bahay at mag-alaga ng mga anak. Isang halimbawa rin nito ay ang isang babae ay dapat marunong gumawa ng mga gawaing bahay o household chores. Ang babae ay hindi dapat nagsusuot ng mg panlalaking damit. Base sa aking personal na xperience, ako ay nakaranas ng diskriminasyon dahil sa aking pananamit noong ako ay bata pa. Sinasabihan nila ako na dapat magsuot ako ng mga dress at shorts dahil ako raw ay babae. Simula pa talaga noong bata pa ako mahilig na ako sa mga sneakers at loose shirts. Nasabihan din ako na hindi raw maganda sa mga babaeng tulad ko na magbuhat ng mga weights at dumbbells sa gym dahil ako raw ay babae. Ang wika rin ay nauugnay sa kasarian. Ayon kay Velez-Lukey, ang mga kalalakihan daw ay ‘maprinsipyo’ at ‘mayabang’ at mga kababaihan daw ay ‘magpakimkim’ at ‘maasikaso’.Ang mga ganitong kaisipan ay dapat ng puksain para magkaraoon na ng kapayapaan at kasiyahan ang lahat ng tao sa mundo. Dapat malaman ng lahat ng henerasyon na ang lahat ng bagay ay hindi dapat nilalagayan ng gender. Ang lahat ng bagay ay puwede at kayang gawin ng nakakarami, ano man ang iyong kasarian.

Hindi lamang ang mga kababaihan ang nakakaranas ng pagmamalupit at diskriminasyon sa bansa, pati narin ang LGBTQIA + community na kung saan ako nabibilang. Gusto ko lamang ibahagi sa inyo ang aking SOGIE. Ako ay female, bisexual, cis-woman, at androgynous.Hanggang ngayon, pinagtatawanan at nilalait pa rin ng ibang tao ang mga tao na kabilang sa komunidad na ito. Marapat lamang na bigyang aksyon ang ganitong problema sa bansa.  Bilang isang mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas at isang mamamayan ng bansa, kailangan kong tumindig at makipaglaban sa mga mapang-api sa mga kababaihan at sa LGBTQIA+ community, kaya naman ako ay nakiisa sa Gabriel Youth-UPLB.

Pagbati!

Nais ko lamang ibahagi na mas napag-igting ng lektura ang aking kamalayan hinggil sa kung saan naka-ugat ang mga gender roles at gender closet na ikinakabit sa mga kababaihan. Kaya sana ay mapakinggan ito ng bawat isa sa atin :) Nakatulong din ito upang madali kong ma-idigest ang mga konsepto hinggil sa modyul tulad ng gendered language at pambalaki.

Lubos kong naunawaan kung paano naka-apekto ang kolonyalismo at patriyarkal na lipunan sa kung ano ang dapat at hindi dapat gawin ng isang babae at kung ano ang inaasahan na akto, pananamit at pananalita kapag ikaw ay isang babae. Tulad ni Reign na nagkaroon ng katanungan kung bakit nga ba lalaki ang nagdidikta sa kung ano ang mga kailangang gawin kung ikaw ay isang babae base sa akdang Urbana at Feliza, gusto ko ring bigyang diin na sobrang harmful ng gender closets na nabuo ng ating lipunan. Nakaka-alarma na kahit sa simpleng mga aksyon tulad ng pagtawa at pagpapakita ng emosyon ay sobrang repressive ng nakasulat sa Urbana at Feliza. Parang tinatanggalan ang mga babaeng mag-isip at kumilos ayon sa kanyang sariling desisyon at kagustuhan.

Nais ko ring idagdag na dito nagmumula ang diskriminasyon at pagkakaroon ng hindi matuwid na palagay o kakaibang pagtingin sa ibang miyembro ng komunidad na hindi sumusunod o nagcoconform sa mga gender norms.

Gusto ko lang ding idagdag na nakakamanghang malaman na ang mga salitang ikinakabit sa kababaihan ay nagbabago depende sa konteksto ng lipunan na kanilang kinabibilangan. Tulad na lamang ng mga kababaihan noong pre-colonial era na ang kadalasang salita na idinidikit sa kanila ay halimaw habang ang mga kababaihan naman sa Spanish colonial period ay madalas ilarawan bilang dalisay at mahinhin. Nakakatuwa lang ding ma-remind na ang karamihan sa salitang Filipino ay gender neutral! Sana ay gamitin natin itong paraan upang mas maging inclusive ::)

-Jaysun Rose Cortes

Wika at Kasarian
E.J. Paolo A. Magpantay
WIKA 1 - B2

Matapos tapusin ang pakikinig sa lektura at basahin ang modyul ukol sa wika at kasarian, mas lalong lumakas ang aking kagustuhang mausisa kung paano nga ba mas mapapalawig ang pagkakapantay ng kalalakihan at kababaihan gamit ang wika. Base sa aking natutunan sa modyul, talagang kitang-kita parin ang pagiging dominante ng wikang ginagamit sa paglalarawan sa mga kalalakihan kumpara sa paglalarawan sa mga kababaihan. Madalas nilalarawan ang kalalakihan bilang matatag, tigre, at espada samantalang ang kababaihan naman ay tila ba inihahalintulad sa mga magaganda ngunit maseselan na bagay katulad ng rosas at halimuyak. Bagama't wala namang negatibong kahulugan ang nakabigkis sa mga paglalarawang ito sa kababaihan, pansin parin ang pagkakaiba nito sa mga paghahambing na ginawa sa kalalakihan kung saan masasabi na tila lubos mas dominante parin ang mga ginamit na wika para sa mga kalalakihan. Mula rito, sana ay unti-unti hanggang sa tuluyan ng mawala ang barikadang ito kung saan tila nakikita ang mga lalake bilang mas dominanteng uri sa kababaihan na sa katotohanan nama'y hindi kaya mamuhay nito ng wala ang isa't isa.

Sa modyul na ito natutunan ko na napaka-laki ng maaring ambag ng wika sa laban patungong gender equality. Dahil rito, naiisip ko na tila maganda kung mas pagbubutihin ng ating pamahaalan ang mas pagpapalawig ng pagtuturo at pag aaral ng wika Filipino upang mas maraming kabataan mula sa bagong henerasyon ang makapag-isip ng mga paraan upang magamit ang wika bilang isa sa pangunahing susi sa pag resolba ng isyu sa gender equality.

Wika at Kasarian
Magandang araw sa inyong lahat! Nais ko munang humingi ng paumanhin dahil ngayon lang ako makakapagbahagi ng aking mga opinyon at nalalaman sa usaping ito. Sana ay okay pa tayong lahat sa kasalukuyan! :>

Gaya ng mga nasabi ng aking kapwa mag-aaral, naging masalimuot at nakapanlulumo ang sitwasyon ng diskriminasyon at di pagkapantay-pantay na turing sa mga kasarian na mayroon sa bansa sa kasalukuyan. Hindi na ito bago sa sistema ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin tayong ganap na solusyong magbibigay wakas sa mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa kasarian. Kitang kita pa rin natin kung paano umiikot sa sistema ng patriarkal at paano nito binubuo ang utak at prinsipyo ng mga Pilipino anuman ang estado ng buhay o pagkakakilanlan. Sa patuloy na pananatili ng sistemang ito, naiipit sa espasyo ng diskriminasyon at inhustisya ang mga kababaihan at mga miyembro ng LGBTQIA+ community, pati na rin ang lupon ng mga kalalakihan dahil umano sa mga 'norms' at 'customs' na pinaniniwalaan na dapat taglayin ng mga lalaki sa isang patriarkal na sistema.

Ibinahagi sa modyul ang pagiging dominante ng kalalakihan pagdating sa usaping wika at kasarian. Bilang halimbawa, isinulat ko sa aking Pagsisinop ng wika ang kaibahan ng pagtawag sa ari o 'genitalia' ng lalaki at babae sa ating bansa. Aking naobserbahan na ang mga eupimismo na salitang ginagamit sa 'titi' ay sumesentro sa maraming bagay: p'wedeng sa uri ng hayop, kagamitan, pagkain, o minsan ay ang ugaling matapang ng kalalakihan;  samantalang ang mga eupimismong bansag naman sa 'pipi' ay sumesentro lamang sa pagkain o pisikal na itsura nito (pechay, talaba, monay, mani, etc.). Dito makikita na pumapabor sa kalalakihan ang wikang nabuo na patuloy na ginagamit sa kasalukuyan.

Isa pa sa gusto kong ibahagi ay yung aking karanasan noong ako ay gumagawa ng research paper noong ika-12 na baitang patungkol sa epekto ng Kabitseryes sa ugali, persepyon, at pagdedesisyon ng mga kababaihan sa pagpapakasal. Dahil bukod sa sentro ng aming saliksik, tila ba'y may naobserbahan kami na ibang lente ng pag-uugali ng mga kababaihang aming na-interbyu. Napansin namin na pag usaping mga 'third party' o 'infidelity', ang pangunahing takbuhan ng galit ng mga kababaihan ay sa mga kabit o kapwa nila babae at hindi dun sa mga lalaki. Napatunayan namin na ang mga kababaihan ay naniniwalang dapat sa 'kabit' ibubuntong ang galit dahil di umano ay nakikiapid siya sa lalaking may karelasyon na. Kung susumahin, makikita kasi nating pare-parehas ang presentasyon ng kababaihan sa mga Kabitseryes na ipinapalabas sa bansa na sila ay matapang, mapanakit, maldita, o walang puso. Dito nabubuo ang paniniwala ng iba pang kababaihan na ang kapwa nila babae ang tunay na kalaban sa ganitong mga pangyayari. Nakalulungkot isipin na malaki ang ambag ng wika upang mas lumawak pa ang sistema ng di pagkapantay-pantay at paninirang-puri sa kasarian lalo na sa kababaihan.

Sabi nga nila malaki ang problema, ngunit saan ba dapat magsimula? At ano ang dapat na hakbang o mga repormang magbibigay solusyon sa kasalukuyang isyu na hinaharap?

John Andrew Buan
WIKA 1 - B2

Wika at Kasarian
Magandang araw sa inyong lahat!
Dahil sa usapin natin ngayon ay nais ko ibahagi ang aking karanasan at opinyon ukol sa topic na ito.

Mayroon akong apat na nakatatandang kapatid na lalaki at bilang nag-iisang babae (at bunso pa) ay palagi akong pinaaalalahanan ng aking mga magulang. Dapat marunong ako ng mga gawaing bahay dahil babae ako (baka raw isauli ako ng magiging manugang ko) at lagi kong iisipin kung paano ako nakikita ng ibang tao in terms of pananamit, pagkilos at pananalita. Hindi ko nakitaan na pinagsasabihan ng mga ganito ang aking mga kuya. Lagi naman akong sumusunod at hanggang ngayon ay naisasabuhay ko pa rin ang kanilang mga paalala sa akin. Dahil dito ay hanggang ngayon nadadala ko pa rin ang aking mga nakasanayan at umabot sa punto na dahil sa aking pagkamahiyain ay hindi na ako naging confident sa aking sarili.

Nakalulungkot isipin na nagkaroon ng sulatin kung paano dapat umasal ang isang babae (na lalaki pa ang nagsulat). Sa aking opinyon ay ang pagiging "mabangong sampaga, dalisay sa linis, dakila sa ganda, matimyas na bukal ng madlang ligaya" ng babae ay isang 'standard' na ibinigay upang mapanatili ang pagiging 'submissive' ng isang babae. Ngunit ngayon, alam naman natin na ang babae ay hindi babae lang na dapat ay sumusunod lamang. Kayang gawin ng mga babae ang mga 'gawaing panlalaki' at kayang gawin din ng mga lalaki ang mga 'gawaing pambabae'. Kahit kailan ay hindi nakakabawas ng pagkalalaki o pagkababae ang paggawa ng mga bagay na hindi pasok sa 'standard' ng mga tao kung ano ang 'pambabae' o 'pang lalaki'.

Mikaela Herrera
WIKA 1 - B2

Wika at Kasarian
Maiuugat natin sa kasaysayan natin ang naging papel ng midya sa paghubog ng kung ano ang dapat na maging katangian ng isang babae, lalaki, o LGBTQIA+. Halimbawa, kapag sinabing babae, dapat maililinya ka sa mga babaeng sumasali sa beauty pageant: makinis, maputi, at matangos ang ilong. Kung lalaki ka naman, dapat astig ka, hindi umiiyak, at matipuno: ikaw kasi yung bubuhay sa pamilya mo. At kung bakla ka, aba, magsikap ka, magpayaman ka para may magmamahal sa iyo.

Mahalagang matukoy natin ang mga bagay na kumakahon sa atin at naglilimita sa kung ano ang dapat nating gawin. Ito ay para mabaka natin ang mga atrasadong paniniwala nito at humubog ng sarili nating paniniwala at pagkakakilanlan. Bukod dito, kailangan din nating maiugat kung bakit tayo may kasaysayan ng pagmamaliit sa mga kababaihan at lgbt—ito ay dahil sa kolonisasyon ng mga kastila na nagpasok sa atin sa isang patriyarkal at indibdiwalistikong lipunan. Sa loob ng 300 taong pananakop nila sa Pilipinas ay nagbenepisyo sila sa insubordinasyon ng mga kababaihan. Dapat bakahin natin ito.

Malayo na ang narating natin bilang mga Pilipino, dapat na patuloy nating bakahin ang mga atrasadong paniniwalang iniwan ng nakaraan patungo sa isang bukas kung saan tunay na malaya ang lahat—walang limitasyon base sa kasarian atbp. Ang lugar mo ay sa pakikibaka.

Ahllen Rem Tanael

Wika at Kasarian | WIKA 1 - B2
Malayo na ang narating ng pakikibaka ng kababaihan at ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community para lamang makamit nila ang mga karapatan at respeto na tinatamasa nila ngayon. Literal na ibinuwis nila ang kanilang mga buhay upang maipaglaban ang kanilang identidad at maisakatuparan ang hinahangad nilang pagtanggap ng komunidad. Sa kasamaang palad, talamak parin ang mapanlait at mababang tingin sa kanila na sumasalamin naman sa mga salita at “adjectives” na ginagamit sa paglalarawan sa mga miyembro nito. Maaaring walang masamang intensyon ang mga taong gumagamit ng mga salitang ito ngunit nandun parin ang sumasailalim na konteksto na nagpapakitang hindi parin natatamasa ang pantay na karapatan at pagtingin sa kababaihan at LGBTQIA+ na katulad sa pagtrato sa kalalakihan.

Nais kong ibahagi na may pagkakataon kung saan nakita ng aking relihiyosong kamag-anak sa isang balita ang malupit na karahasan na dinanas ng isang bakla. Bilang paniniwala niyang kasalanan ang magmahal sa parehas na kasarian, imbes na maawa ay, “—ayan bakla kase” ang kaniyang sinabi. Maliban na ang paniniwalang pangrelihiyon ng mga tao na kung saan nagdudulot ng prejudice sa mga bakla, naroon din ang ekspektasyon sa kababaihan na makapangasawa ng maayos at makabuo ng pamilya upang masabing naging matagumpay sa kanilang buhay. Malaking pagkakaiba ito sa ekspektasyon sa kalalakihan na magkaroon ng maayos na trabaho, at maging matagumpay sa kanilang career sa buhay. Ukol dito, naging viral pa nga ang isang facebook post ng isang lalaki patungkol sa kaniyang asawa. Sa naturang post ay “pinasasalamatan” niya ang kaniyang asawa sa pagsuporta sa kaniya sa kaniyang trabaho at sa pagiging “mabuting asawa”. Ngunit napansin ng marami sa social media ang choice of words ng lalaki kung saan tinukoy niya bilang scaffolding ang kaniyang asawa sa pagiging matagumpay niya sa kaniyang career. Marami ring pumuna at nagkomento kung paano ginawang katulong ng lalaki ang kaniyang asawa dahil sa simpleng pagpulot ng kaniyang mga damit at pag-flush ng toilet ay inaasa pa niya sa kaniyang asawang babae. Sa kabilang banda, marami naman ang sumangayon at nagdepensa sa post na ito. Ang iba pa nga ay nagkomento pa ng “The greatest success of a woman is being a mother,” bilang pagsuporta sa ginawang “appreciation post” ng lalaki. Dito ay malinaw na makikita natin na malaking porsyento pa rin ng ating mga kababayan ang may ekspektasyon sa mga babae na mag-alaga sa kanilang mga asawa at mag-asikaso sa mga gawaing-bahay. Mababatid dito ang di pantay na pagtingin sa mga responsibilidad ng babae at lalaki sa isang tahanan.

Sa kabilang banda naman ay kapag ang lalaki ang naiwan upang mag-asikaso sa bahay habang ang babae ang naghahanap-buhay para sa pamilya, nakatatanggap din sila ng panlalait at mapang-abusong mga salita at madalas nasasabihan na “binubuhay lamang ng babae” na hindi naman sinasabi sa babae kung sila ang naiiwan sa bahay. Dito ay nakikita nating, sapagkat madalas na tinitingnan lamang ang kababaihan bilang suporta sa kanilang mga asawa at pangkalahatang di pumapabor sa kanila ang pananaw ng mga tao kung ikukumpara sa kalalakihan ay may stereotypes rin na ipinapataw sa mga kalalakihan na siya ring naguudyok sa kanila upong gumalaw sa loob ng ekspektasyon ng lipunan.

Wika at Kasarian
Sa talakayan na ito, ako’y nagkaroon ng bagong pananaw sa ating wika. Naalala ko noong akong high school pa lamang ay namangha ako sa ating wika dahil ito ay gender neutral. Naalala ko pa ngang nai-tweet ko ito noong ito ay aking narealize at proud pa akong ibahagi ito. Ang ideya ko dati ay gender neutral ito dahil ang mga pronouns natin ay walang mismong gender na naka-dugtong dito. Pero sa pagbabasa na ito, napaisip ulit ako na misogynist pa rin pala ang wika, base sa paggamit. Isa na dito ang cat-calling. Nakaka-disappoint na naging normal ito sa atin dahil binababa nito ang mga babae bilang isang material na bagay. Ang mas nakakalungkot pa ay ang pilit na imahe ng “Maria Clara” sa mga babae, o kaya ang imahe ni “Mama Mary”. Tumawa ka lang ng malakas, sasabihan ka na ng mga nakakatanda na “Maging Maria Clara ka nga”, at ito ay base sa aking experience. Itong imahe nila Maria Clara at Mama Mary, na galing sa mga libro, ay ang tinatawag nating “prim and proper”, malinis tignan, o kaya inosente. Wala namang mali isa pagiging katulad nila. Sa totoo lang, choice dapat yan ng babae kung ano ang gusto niya maging. Pero, ang nakikita kong mali ay normal sa mga lalaki ang pag-catcall at sa babae ay ineexpect na magin katulad ni Maria Clara. Ang isa ay may maling pagtrato ng kapwa tao pero hindi itinatama ng mga tao, at yoong isa naman ay wala namang mali pero pilit na tinatama. Sa nakaraang eleksyon, kitang-kita ang epekto nito sa atin. Maraming nagsasabin “Ay babae ‘yan kaya hindi kayang mamuno”. Nakakalungkot dahil maski ilang beses nang napatunayan ang lakas ng isang babae, pero dahil sa mga kaisipan na para lang sa bahay ang mga babae, hindi ito napapansin at mababa ang tingin sa mga achievements ng mga kababaihan.

Hindi dapat linilimita ang mga kasarian, mapa-babae, mapa-lalaki, o parte ng LGBTQI+. Nakakalungkot lamang na isipan na mismong libro pa, o wika, ang nagpapatahimik sa mga marginalisado na dapat pa ngang ito ang nagbibigay sa atin ng boses. Kaya nakakamangha rin na marami nang tao ang nakikipag-usap o lumalalakas loob na ipaglaban ang karapatan ng mga babae at LGBTQI+ Community. Kung wika ang nagpapatahimik, wika din ang mag-iingay para sa mga marginalisado.

Adeleine Marie S. Cabrera

Wika - B2

Source of Picture:
Assortedge. (2022, March 8). Women build and empower societies.this #InternationalWomensDay, we celebrate Filipino women from different backgrounds and colors. they always have been the backbone of our nation throughout history and they continue to lead us towards a progressive future. Abante Babae! 💜 pic.twitter.com/3mvo5dra0c. Twitter. Retrieved June 13, 2022, from https://twitter.com/assortedge/status/1501188055352614920

Wika at Kasarian
Ang talakayang ito ay nagdala sa’kin ng dalawang damdamin. Una ay kalungkutan. Marahil nangingibabaw sa akin sa lekturang ito ang pagkakaibang gamit ng wika sa pagbigay buhay at diskripsyon sa kababaihan at sa kalalakihan. Kapansin-pansin na malimit ang mga kababaihan ay binibigyan ng idelohiyang kanaisan ayon sa kagustuhan ng nagsusulat at kagustuhan ng mga kalalakihan. Pawang, walang kalayaan ang kababaihan na maging sila. Ang mga salitang pang larawan sa kababaihan ay sumawata sa abilidad at tunay na taglay ng kababaihan sa lipunan. Isa pang puna ay ang malimit na paggamit ng “kasi babae” sa anumang sitwasyon bilang excuse. Ang pag imahe sa kababaihan bilang “Maria Clara” o mahinhin at imaheng tila perpekto ang babae na isang maliking kasalanan kung ang isang babae ay hindi nasunod ang mga pagi-imahe ng lipunan. Sa katunayan, noon pa lamang at ngayon ko lamang napagtanto na noon pa lamang ay mayroon ng catcall. Nakakalungkot isipin na ang ganitong practices ay nakikita pa rin hanggang sa kasalukuyan. Gayunpaman, unti-unti  nagkakaboses ang mga kababaihan at nakikila na tayo hindi lamang bilang babae lang kundi bilang isang babae na may paninidigan at boses.

Ikalawa ay kagalakan. Dahil ang wikang akin kinamulatan ay isang gender neutral at ito ay Wikang Filipino. Nakakatuwang isipin na ang ating wika ay isang inclusive. Maraming terminolohiya ang pambalaki. Noon, naalala ko sa tuwing magpapakilala, malimit itanong kung ano ang nais na pronouns ang gamit pang tukoy sa kanila maaring he/him o she/her o parehas. Ngunit sa atin, ang ilang terminolohiya ay maaring tumukoy sa anumang kasarian.

-Allaine Penamora

Wika at Kasarian
Magandang Araw! Sa aking pagbabasa ng lektura sa uganayan ng wika at kasarian, sa unang mga pahina pa lamang ay alam ko na kung sino ang dehado sa talakayang iyon-- ang kababaihan, at mga bakla. Samantalang, ang kalalakihan ang pinatataas sa paglalarawan gamit ang salita lalo na ng mga pang-uri o hayop na panlarawan. Hindi naman ako galit sa kalalakihan at lalong hindi ako pumapabor sa kapwa kong mga kababaihan. Ang masasabi ko lamang ay isa akong saksi sa mga paglalarawan sa lektura. Bata pa lamang ako, naranasan ko nang maisabuhay ang mga detalyeng nasa aralin. Kung gano kagaganda ang mga salitang inihahalintulad sa kababaihan ay ganoon ring kababa ang tingin sa ilang mga babaeng ginawang larawan ng kasamaang ayon sa mga Espanyol tulad nga ng lektura tungkol sa demonisasyon sa babae. Babaeng naihahalintulad sa pusa, malalambing at maamo, samantalang kalalakihan naman ay sa tigre, malalakas at matapang, na parang hindi magandang pakinggang magkaiba ng paglalarawan ang dalawang hayop na iyon. Sa pagusbong ng makabagong panahon, ay pag usbong din ng mga makabagong salitang nagiging normal nang pangtawag sa kanila. Hindi ko alam kung ito ba ay nangyari sa noon pang matagal na panahon na o sadyang ngayon ko palang ito nalaman nang pumasok ako sa UP at nagkaroon ng pakialam sa ibang parte ng lipunan.

Kung titingnan naman natin sa parte ng mga kalalakihan, talaga namang malaki ang responsibilidad at inaasahan kaya nilang gawin. Nariyan ang pagiging pangunahing naghahanap buhay sa pamilya at pagpaplano para sa desisyon para sa kanilang mga anak. May ilan din akong kaibigan na lalaki, at  inaasahan din sialang magtaguyod ng pamilya katulong ang kanilang ama. Kung kaya't isang malaking pagkahiya rin sa parte ng mga kalalakihan ang mataas na pag tingin sa kanilang kakayahan mula sa panahon noon hanggang ngayon. Dito rin nagkakaroon ng hindi magandang relasyon sa mga kalalakihang magiging bakla. Para sa akin, wala namang masama dito lalo na kung sila ay patuloy pa ring gumaganap bilang tao sa lipunan na hindi kriminal, o masama.

Ang hindi ko lang maisip ay kumabakit hanggang ngayon, uso pa din ang mga katawagang ito. Legit pa rin sila sa pagtanggal na nitong panahon at hanggang ngayon, sarado pa din ang isip ng karamihan sa iba't ibang kasarian at pagkakaiba-iba nito.

-Maria Xenialyn M. Buloan

Wika at Kasarian
Magandang Araw!

Sa pagbabasa at pagtuklas ko sa mga aralin ng ikaapat na modyul: Wika at Kasarian, napatanong rin ako sa sa isip ko. Noong wala pa tayong muwang, paano natin masasabi na mayroon na tayong kasarian? Pinipili nga ba ito o pinipilit?

Ayon sa nabasa kong akda ni Haidee C. Pineda (2016), sa isang panayan na pinamagatang Ang Talasalitaan na isinagawa ng Sentro ng Wikang Filipino, tinalakay ni pangunahing tagapagsalita na si Padilla ang Kamalayan ng Kasariansa pamamagitan ng Edukasyong pang Wika. Dito ay binanggit nya ang ugnayang ng wika, kultura at kamalayan sa kasarian. “Maprinsipyo”, “mapagkimkim”, “maasikaso” at “mayabang” ang ilan sa mga salitang kanyang ibinahagi na hango sa imbentaryong ginawa ni Dr. Vivian Velez-Lukey sa kanyang pananaliksik na pinamagatang “Pagkababae at Pagkalalake (Femininity and Masculinity): Developing a Filipino Gender Trait Inventory and Predicting Self-Esteem and Sexism”, kung saan sinasabing ang mga salita ay may katumbas na kasarian. Ayon kay Lukey, sinasabing ang ‘maprinsipyo’ ay katangian daw ng lalaki; ang ‘mapagkimkim’ ay sa babae; ‘maasikaso’ sa babae at ‘mayabang’ sa lalaki. Sa modyul naman makikita ang ilang mga salitang madalas na ikabit sa mga kakababaihan at nakakalungkot dahil ang mga ito mga masasakit at mapangmaliit na mga katawagan. Habang nasa lexicon ng tao ang mga salitang ito at ang kakabit nitong kahulugan, mananatili din ang ganitong derogasyon sa kababaihan. Sa paliwanag ni Padilla, May kaugnayan sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, na kapag natututo tayo ng wika ay hindi lamang wika ang natututunan natin kundi pati kultura rin dahil ang kultura ay konektado sa wika at ang kamalayan sa kasarian ay naiimpluwensiyahn ng kultura. Ngunit hindi lang iyon, naiimpluwensiyahan ng malakas at mapanuring kamalayan ang namamayaning kultura. Dagdag niya sinabi niya na ayon sa mga pag-aaral tungkol sa wika, kasarian at pagkakaiba, magkaiba raw ang mga lalaki at babae sa paggamit ng wika. Magkaiba rin silang mag-isip kung paano natututunan ang wika. Magkaiba rin sila sa paggamit ng mga stratehiya sa pagkatuto ng wika.

Sang-ayon rin ako na may kakulangan ng mga pananaliksik tungkol sa kasarian at pagtuturo at pagkatuto ng wika, Ingles man ito, Filipino o iba pang wika sa Pilipinas, kaya myroon tayong ganitong pag-iisip panungkol sa kasarian. Binanggit din ni Padilla na isa sa mahahalagang hakbang sa pagtuturo o pagkatuto ng wika ay ang alisin sa laylayan ang usapin ng kasarian lalo na sa mga kurso na may kaugnayan sa wika, gamit ng wika at pagkatuto ng wika.

Sa aking sariling experience naman, sa obserbasyon sa paligid, sa mga balita, ilang libro at mga panoorin, hindi lamanag dito sa bansa natin nakakaranas ng diskriminasyon sa kababaihan at komunidad ng LGBTQ+, mayroon rin nito sa ibang bansa. Madalas na tinatawag na superior raw ang mga kalalakihan dahil sila ay malalakas. Mayroon ang napanood na bidyo sa tiktok tungkol sa isang content creator na nag-iinterbyu ng mga bata. Ang tanong ay “Why are women paid less than men?” Nakakatuwa ang ilang sagot ng mga bata tulad ng sinabi ng isang batang lalaki na “I think it is very underrated. Because they can do more but people expect them to do less. A lot of people underestimate them, they could do so much more. There are jobs that men cant do that women can.” Nakakatuwa rin ang sinabi ng batng babae na sa tingin ko ay may punto naman. Sabi nya, “I dont know. The world is a messed up place”. Lakip sa baba ang bidyu at sanggunian.

Sanggunian:

https://vt.tiktok.com/ZSd7YKrVH/?k=1

Haidee C. Pineda, 2016., Talasalitaan: Wika at Kasarian., Unibersidad ng Pilipinas, Diliman., https://upd.edu.ph/talasalitaan-wika-at-kasarian/

Aquino, Najeima

Wika 1 B2

Wika at Kasarian
Pagbati!

Matapos kong basahin at maunawaan ang lektura, napukaw ang aking pansin na ang wika pala ay may pagkiling sa sa iisang kasarian. Hindi naman lingid sa akin ang usapin na ito subalit nakagugulat lamang na mas lalo pa itong lumalala dulot ng stereotypical na pag-iisip ng tao. Gayundin, nakakalungkot na malaman na kahit pala sa wika ay hindi pantay ang pagturing sa kababaihan at hanggang dito ay hindi tama ang pagtrato sa mga LGBTQIA+. Nakakalungkot na malaman na tila ang mga kababaihan ay tinatanggalan ng karapatan kung ano ang gusto nilang ipakita. Tila ba ginagawa silang mga robot at idinidikta sa kanila kung ano ang nararapat nilang maging anyong panlabas at taglay na katangian. Sa parte naman naman ng mga LGBTQIA+ ay nakalulungkot na hindi katanggap-tanggap ang mga pang-uring ginagamit ng madla sa paglalarawan gayundin bilang kanilang katawagan. Ayon nga sa aking obserbasyon ay talamak ang paggamit ng mga salitang bakla, bayot, bading at iba pang katawagan sa social media bilang panukso na nagpapahiwatig ng pagiging mababang uri. Dahil dito, tunay na nakasasakit at nakasasakal na ang pahirap na pamantayang binuo ng mapanghusgang lipunan.

Bilang panghuli, nakalulungkot na hanggang sa wika ay may inequality. Sana sa kalauan ay masolusyunan ang problemang ito sapagkat naniniwala ako na lahat tayo ay may karapatan kung ano ang gusto nakitang ipakita at ikilos ayon sa ating kagustuhan na hindi dinidiktahan ng lipunan!

-Allan P. Mandapat

Wika 1-B2

Wika at Kasarian
Ang aking ibabahagi para sa partisipasyon ito ay ang aking naging damdamin sa pag-aaral ng usaping ito.

Makikita sa aralin na sa wikang Filipino, hindi pinagkaiba ang babae sa lalaki. Neutral ang mga pantukoy, sa aking pagkakaunawa ay ang paraan ng paggamit nito at pagbibigay konteksto ang siyang nagdudulot ng malawakang paghihiwalay sa aspeto ng kasarian pagdating sa wika. ANg paghihiwalay na ito ay nauugnay din sa kasalukuyang sitwasyon ng kababaihan sa lipunan.

Isa sa ipinakita ng modyul ay ang mga salitang ikinakabit sa kababaihan na kung saan ang mga ito ay may negatibong implikasyon. Makikita natin na ang pagbuo ng mga salitang ito ay salik sa paghubog ng kaisipang may kasarian mas nakahihigit.

Bukod sa kababaihan, biktima din ng lipunan ang ating mga kapatid na nasa LGBTQIA+. May isang karanasan akong naalala na nais kong ibahagi. Meron akong malapit na kaibigan na bahagi ng LGBTQIA+ community. May isang pagkakataon na napag-usapan namin ang kasalukuyang sistema sa lipunan, ang karahasan, korapsyon at ang hindi pantay na karapatan. S aaming pag-uusap tumatak sa akin yung naging paksa namin tungkol sa hindi pantay na karapatan lalo na sa kanila na nasa LGBTQIA+. Nagbahagi siya kung paanong madalas siya ay tampulan ng tukso, panghuhusga atsaka ng karahasan dahil sa kanyang kasarian. May sinabi siyang hindi ko makakalimutan. Ito ay patungkol sa paggamigt niya ng pronouns kung saan hindi niya sigurado kung saan siya lulugar. Aniya, pag she ang ginamit niya, kinukwestyon. Pag he, pinagtatawanan. Pag naman they, hindi tinatanggap. Ito ang naalala ko sa pagbabasa ng aralin.

Kung titingnan ng iba, ang wika ay hindi agad maidudugtong sa kalukuyang kalagayan ng lipunan lalo na sa aspeto ng kasarian. Ngunit ang kwento na ibinahagi ang nagpa-realize sa akin na may mas malalim na koneksyon ang dalawa. Napapaisip ako na sa kasalukuyan ay hindi pa din naman talaga tanggap ng ibang populasyon ang mga taong may piniling kasarian, na maraming tumatangging kilalanin sila. Yung paggamit ng they/them o di kaya ay Mx. ay hindi pa din malawakang tinatanggap ng iba. Siguro kailangan na dito natin simulan. Kailangan talaga nating malalimang ipaintindi ang konseptong ito para humantong sa pangmalawakang pagtanggap. Kumbaga, yung hakbang na magsisimula sa pagbabago ng pagtingin sa paggamit ng wika sa kasarian ay ang magiging simulang hakbangin na maaring humantong sa mas malalaking pagbabago sa lipunan na papabor para sa lahat.

- Maria Izza Christiana Arce
WIKA 1 - B2

Wika at Kasarian
Pagbati sa lahat!

Sa aking pagtuklas ng mga babasahin sa ikaapat na modyul ng kursong ito, muli ako nitong minulat sa patuloy na pag-iral sa dikriminasyon ayon sa kasarian. Ako ay lubusang nahabag sa mga pangyayari binanggit sa babasahin na nagpapababa sa mga tingin ng kababaihan at kalalakihan. Tila sumasailalim ang bawat kasarian na dapat pasok ito sa pamantayan at paningin ng publiko. Noon pa lamang ay naging malinaw ang pagiging gahum ng wikang kalalakihan kaysa sa mga kababaihan. Tumatak din sa aking isipan ang tila pagdidikta ng lipunan sa ating pagkatao — kalalaki mong tao, kababae mong tao. Nalilimitahan ng mga salitang ito ang ating sarili upang maging malaya mula sa maling pagbabansag sa ating sarili.

Sa kasalukuyang panahon, patuloy parin ang laban ng kani-kaniyang kasarian na bukod sa lalaki at babae, tinatawag ang komunidad na ito bilang LGBTQIA+. Masaya ako sapagkat unti-unti nang nababawasan ang diskriminasyon sa iba’t ibang uri ng kasarian. Nagiging sensitibo na ang mga tao patungkol sa ganitong usapan dahil hindi nila intensyon na makapanakit ng kapwa nila indibidwal. Tulad sa ikalawang episode ng Ms. Marvel na aking pinanood, noong binanggit ng isang babae ang salitang “Latina” ay agad niyang minali ang kaniyang sarili at pinaltan ang salitang ito sa “Latinx” na nagpapakita ng pagka-neutral ng wika. Ngunit gaya nga ng aking nabanggit, patuloy parin ang laban sa pantay na pagtrato sa kapwa sa kabila ng kanilang kasarian. Marapat na maging mulat at matutunan nating respetuhin ang kaanyuan ng ibang tao.

-Rence Rossvy Arguelles
WIKA 1 - B2

Hello pi!
Naaalala ko noong mga nakaraang taon, siguro noong 2020, sumikat at nagtrending sa twitter ang terminong "filipinx" na ginagamit ng dayuhan upang i-"neutralize" ang salitang Filipino kalakip ng ginagawa nila sa "Latino" at "Latina". Dali-dali naman itong tinama ng Filipino twittersphere, at sinabing ang terming "Filipino" ay tumutukoy na sa kahit anong kasariang Pinoy at hindi na kailangang baguhin upang i-neutralize dahil ang Filipino bilang wika likas nang "non-binary".

Katawa-tawa man ilahad pero doon ko pa lang rin nalaman na ito pala ang disenyo ng ating wika; sa mata ng lenggwahe, pantay-pantay ang mga tao kahit ano pa man ang kasarian nito.

Ngunit, nakakalungkot rin isipin na hindi ito ang napalawig na kultura at paniniwala sa bansa dahil sa kolonyalismo. Machopyudal and patriachal parin ang pananaw ng marami sa ati bungad ng mga natutunan natin sa mga Espanyol, Hapon, at Amerikano noong sinasakop pa nila tayo. Hirap tayong makawala sa mapanlasong paniniwala na ito dahil sa lalim ng epekto ng gahum ng ating mga mananakop, kaya unibersal na karanasan sa mga babaeng Pilipino ang masabihan ng "Kababae mong tao," o "Babae ka kasi," at "Babae ka pa naman," bilang pagpapahiya at pagbaba ng tingin ng isang babae sa kanyang sarili.

Mungkahi ko na lamang na sana'y makita natin ang araw na hindi na ganito ang pagtrato ng ating lipunan sa kababaihan. Nawa'y ang ating henerasyon ang puputol sa kasalukuyang sistema na pilit ibinababa ang pagtanaw ng mga lalake, at maging ng kababaihan sa kanilang mga sarili.

Janelle Louise Deducin

Wika at Kasarian
Malaki ang gampanin ng wika, o ng pananalita ng isang indibidwal sa konstruksiyon, paghubog, at pagsasabuhay ng pagkatao nito. Sa usaping pangkasarian, na siya ring tinalakay sa ika-apat na modyul sa klase, ito ang naging behikulo at tagapagpalaganap ng parehong mga derogatoryo at makataong pahayag na bumatak sa mga umiiral na kasarian patungo sa hanay ng mga nakararanas ng pagsasantabi.

Tumatayong saksi ang nagbabagong panahon sa paglabag ng tao sa mga ordinansang moral, sibil, at maging doktrinang relihiyoso. Ang gawi at pananalita nila ang pangunahing naging testamento sa kanilang mga transgresyon laban sa kapwa tao at mga katuruang makatao. Sa ngalan ng kasarian, talamak ang diskriminasyon, at iba-iba ang porma ng marhinalisasyon. Sa lipunang hetero-patriyarkal, lantaran ang pagsasantabi sa mga hindi kabilang sa tikipikal, batayan, o kinikilalang kasarian na babae at lalaki. Ang mga indibidwal na itinuturing na “kaiba” sa mga pangunahing kategorya na itinakda ng namamayaning kultura batay sa kanilang oryentasyong sekswal, tulad ng mga bakla, tomboy, asexual, transgender, bisexual, at iba pa, ay madalas hatulan ng mga esteryotipong walang rasyunal na tuntungan.

Liban dito, laganap din ang di-pantay na pagkilala sa kababaihan at ang patuloy na obdyektipikasyon sa mga naiibang uri. Sa katunayan, sa paradigmo ng pangingibabaw, binibigyang-diin kung paanong higit na mapuwersa ang representasyon ng kalalakihan kaysa kababaihan sa wika. Makikita ito, halimbawa, sa “Semantic Derogation of Woman” (Schulz, 1975 sa Burke et al., 2000 pp. 83-91). Maraming salita ang bumabastos at nagmamaliit sa kababaihan. Sa Pilipinas, madalas na gawing panukat ng moralidad ang seksuwalidad ng isang babae. Maiuugat ito sa baluktot na pagtuturo ng Kristiyanismo ng mga Kastila. Ang mga babaeng nakipagtalik bago ikasal ay makasalanan daw. Kapag marami silang kalaguyo at puta na agad sila. Sa pag-uugnay ng moralidad sa pagkabirhen, nalilimitahan ang mga kababaihan sa kanilang seksuwalidad. Nabibigyan tuloy sila ng responsibilidad na pangalagaan ang kanilang pagkabirhen. Ang ganitong tungkulin ay maraming kaakibat na gampanin. Dapat sila ay manatiling birhen bago ikasal. Ito na ay ginagawang sukatan ng kanilang dignidad, moralidad, at “kasarapan.” Dito pumapasok ang ilang mga katagang halos sa pagkain inuugnay ngunit ikinakabit na rin sa tao. Kailangan “sariwa” sila para maging kaakit-akit. Bahagi na ito ng lexicon ng tao, kasabay ng kanilang mga kahulugan na sa kabuuan ay derogatoryo naman para sa kababaihan.

-Paulo Pagaduan
Wika 1 - B2

Pagbabahagi para sa Wika at Kasarian
Magandang araw, mga kasama! Para rito, aking simpleng ibabahagi ang aking mga mahahalagang natutunan at napagtanto sa naging nakaraang aralin at lektura natin ng Wika at Kasarian, kung sa'n ang mga maibabahagi'y maituturing na ring aking mga repleksyon kasama ang aking ilang mga komento't pahiwatig para sa aralin.

Sa araling ito'y aking naunawaan na likas palang gender neutral ang ating wikang Filipino. 'Di tulad ng Ingles, ang wikang Filipino ay hindi dependente sa kasarian ng paksa/pinag-uusapan ang grammatical agreement. Sa aking tingin ay maituturing ang katangian na ito ng ating sariling wika na mahusay. Sa ganitong usapin ay mayroon pa nga tayong salitang atin na katumbas ng neuter, ang 'pambalaki'.

Mula sa pagiging pambalaki ng ating wika, ibig sabihin nito'y likas din itong hindi misogynous. Sa natural na usapan ay hindi ito magagamit upang magpairal ng pagkiling sa iisang kasarian. Ngunit sa kasamaang palad, sa iba-ibang aspekto ng lipunan (noon man o ngayon), kakikitaan na rin ng pagiging misogynous ang wika. Mula sa modyul: "ang hindi maingat na pagtataya sa pangalan at mga salita na may pagsasari ay maaaring magdulot ng isang wikang sumasalamin sa lipunang patriyarkal. Sa ganitong paraan nagiging misogynous ang wika – o may pagkiling sa iisang kasarian kung saan relatibong tahimik ang babae sa panitikan, kultura, at pamumuhay" (Modyul 4.1 10).

At base sa mga ito, at sa mga naipakita na rin sa lektura, sadyang kakikitaan ng misogyny ang wika, tulad na lamang sa paghahalimbawa sa ilang makasaysayang limbag sa panitikan ng Pilipinas. Nagkakaroon ng idealisasyon sa kasarian ng mga babae mula pa noong mga panahon ng Espanyol. Sa mga ito'y nagkakaroon pa ng pagkontrol at paglimita o pagdikta sa dapat gawin ng isang babae noong unang panahon—saad sa mga limbag sa literatura—na ang karamihan pa nga'y mga akda ng lalaki. Ebidenteng umiiral ang hindi pagkakapantay-pantay, kawalan ng pag-intindi, at hindi tamang pagtrato sa mga kababaihan magmula pa noon, at maging sa hanggang ngayon—kung saan hindi na lamang mga babae ang nakararanas ng mga ito, maging ang mga parte ng LGBTQIA+, at maging ang ilang mga kalalakihan pa nga na tila ba hindi unawa ng lipunan kapag nakaranas ng mga ito.

Ngunit sa aking napagtanto: panitikan, literatura (tulad ng tula), at wika rin ang siyang mainam na susi para wakasan ang paglilimita, kawalan ng pagkakapantay-pantay, at kawalan ngkatarungan na nagaganap na mga ito. Lalo na ngayon sa kasalukuyang lipunan, kung saan mas nagkakaroon na ng mga pagkakataon ang lahat ng mga tao na ipahiwatig ang kanilang saloobin at pagkatao. Sadyang magagamit ang wika, kasama na ang mga kaakibat at nasasakupan nitong disiplina, bilang kontra-gahum at maipaglaban kung ano ang nararapat – maging sa kasarian man o iba pa.

– Joseph Leo Veterana
Wika 1 - B2

Wika at Kasarian
Sa pagbasa ko sa paksang ito, napagisip ako tungkol sa paano nagkakaapekto talaga ang wika sa perspektibo at pagpatuloy ng estereotipo ng mga tao. Kagaya sa salitang madalas na ginagamit habang binabanggit ang mga babae, ang wika ay mayroong totoong potensyal na gamitin siya bilang isang instrumento ng diskriminasyon. Dito talaga nakikita ang separasyon ng tao at ang paghuhusga sa kanila gamit ang pananarinari ng wika.

Doon naman sa gendered language, nakakawili talaga na kahit gender neutral talaga ang Filipino, meron pa din tayong separasyon sa mga trabaho depende sa gender ng manggagawa at iilang ginagamit na loan words na meron pang dala ng pagiging gendered kagaya sa niño at niña. Dahil sa ating kasaysayan ng paggamit ng wikang Espanyol ng iilang siglo, nandyan talaga as presensya ng hispanismo gamit ang ‘o’ at ‘a’ para magtukoy sa lalaki at babae.

Sa wakas at kaugnay sa nakaraang punto, sobrang lala talaga ang impluwensiya ng kolyanismo sa ating bansa sa ating wika. Ang paradigmo na tinatag sa atin bilang pagiging ng Espanya, Amerika at kahit ng mga Hapon ay nagporma ng historical na basehan sa mga salita na ginagamit natin sa panahon ngayon. Sa ganito, kailangan nating ipagunlad ang ating wika sa pamamaraan ng pagkilala mga aspeto ng Filipino na pinagaapi ang mga tao at gawing mas inclusive ito sa isang makatwirang paraan.

Danielle Jorge R. Malantic

WIKA 1 - B2