Bunga at Impact ng Unang Digmaang Pandaigdig by Renz Danna O. Diasanta

Ang mga bunga ng unang digmaang pandaigdig sa larangang politika po ay nagkaroon ng pagbabago. Nabago po ang mapa ng Europa dahil sa digmaan at nag-iba din ang kalagayang pampolitika sa buong daigdig. Tulad po ng nabanggit kanina, dahil po sa treaty of Versailles, naibalik po ang teritoryong Alsace-Loraine sa France. Nakotrol po ng Russia ang Rhineland na matatagpuan sa pagitan ng Germany at france. Ang Austria at Hungary ay nagkahiwaly. Ang mga bansang Latvia, Estonia, Lithuania, Finland, Czechlovaskia, Yugoslavia at Albania ay nagging malalayang bansa. Dahil po sa pagbabago ng mapa at nagging malalayang bansa ang ibang bansa, apat na imperyo po ang bumagsak. Una po ditto ay ang Hohenzollern ng Germany, Hasburg ng Austria-Hungary, Romanov ng Russia at ang Imperyong Ottoman ng Turkey. At dahil po sa pagkakawatak-watak ng imperyong Ottoman, karamihan sa bansa ay naging Republika. Ang mga kasunduan pong naganap ay naging sanhi para mapahiya ang Germany at nagbunsad sa kanila na magsagawa ulit ng digmaan upang makipaglaban naman sa mga bansang kasali sa Allied Powers.

Ang unang digmaang daigdig ay gumamit po ng makabagong teknolohiyang pangmilitar na kung saan ito po ay nagdulot ng malaking pinsala sa buhay at mga ari-arian ng mga tao. Halos 9 na milyon po ang namatay sa labanan at 22 milyon naman po ang nasugatan samantalang 18 milyon po ang namatay dahil sa gutom at sakit. Dahil po sa digmaan, nagging laganap po ang sakit at gutom. Naantala din po ang kalakalan lalo na ang pagsasaka at iba pa pong pangkabuhayan. Halos 200 bilyong dolyar po ang nagastos sa digmaang ito.

Sa aming naipaskil at nakalap na impormasyon, ang Trety of Versailles o ang kasunduan sa Versailles ay mayroon limang nilalaman. Una po dito ay ang Kinakailangang magbayad ng Germany sa mga bansang kabilang sa Allied powers na tinatawag reparation. Ito po ay ang bayad ng bansang Germany na kung saan ay bayad danyos sa mga nasira at naapektuhan na mga ari-arian. Nagresulta din po ito ng economic depression sa Germany sa kadahilanang natalo na nga sila sa digmaan, magbabayad pa sila ng danyos. Pangalawa po ay ang pagtanggap sa sisi na ang Germany ang may gawa at nagsimula ng digmaan. Pangatlo po ay ang hindi pagpapahintulot na magkaroon ng tangke, submarine at hukbong panghimpapawid. Pang-apat po ay ang pagkuha ng ilang teritoryo ng Germany tulad ng Belgium, czechlovaskia at Poland at ang Alsace-Loraine ay naibalik sa France. Panglima po ay ang pagsusuko ng Germany ng kanilang teritoryo sa labas ng Europa tulad ng kolonya nito sa China, Pasipiko at at Afrika. Dahil po sa mga kasunduang ito, labis na poot ang naramdaman ng mga taga-Germany dahil sa suliranin na naiwan. Labis na kahihiyan ang kanilang naramdaman dahil sa pagpapahiya sa buong mundo at lalo lang din nalugmok ang kanilang bansa sa kahirapan. Laganap po sa kanila ang kawalan ng trabaho at pagtaas ng bilihin na kung saan ay bumama ang halaga ng kanilang salapi. Kaya’t nahirapang bumangon ang bansang Germany dahil sa kanilang suliranin.

Sa aming nakalap na impormasyon at naipaskil, ang bunga ng digmaan sa ekonomiya ng Europa ay bumagsak. Madaming bansa po ang nabaon sa utang ngunit ang Estados Unidos ay naging mas makapangyarihang bansa at nagging pangunahing tagapagpautang. Maraming ari-arian ang nasira sa France at United Kingdom, madali silang nakabangon pagkatapos ng digmaan. Hindi tulad ng bansang Germany na nahirapang makabangon at pinakanaapektuhan ng nasabing digmaan.