Bakit tinawag na "Social Cancer" ang nobelang Noli Me Tangere. Magbigay ng mga halimbawa na matatagpuan sa mga Kabanata 1-30. by Mary Mae Gumiran

Anica
Sa tingin ko po kung bakit tinawag na "Social Cancer" and nobela and Noli Me Tangere dahil sa paghihirap at pinakitang lipunang kawalan ng katarungan, halimbawa ay noong sinisi ang mga anak ni Sisa na nagnakaw at walang sinumang sundalo ang naniwala sa kanya dahil sa kanillang kahirapan. Isa rin sa mga halimbawa ang mga tradisyonal na pulitiko tulad ni Capitan Tiago na nagpapakita ng Katakawan sa pera at walang puso o pagmamahal man lang sa bayan. Mayroon ding mga relihiyosong lider tulad ni Padre Damaso na ginagamit ang relihiyon para sa pansariling interes. Ang nobela ay naglalarawan din ng pangarap ni Ibarra na edukahin ang mga Indio upang makita ang mga suliranin ng lipunan.

Name: Giann Martine Angeles
Sagot: Para sa akin, tinawag na "Social Cancer" ang nobelang Noli Me Tangere na gawa ni Dr. Jose P Rizal dahil sa paglalarawan nito sa mga pang aabuso, pang aapi at katiwalian sa lipunan ng Pilipinas noong panahon ng pananakop. Ito rin ay tumatalakay sa mga sosyal, politikal, at moral na suliranin na nakakaapekto sa lipunan.

Unang halimbawa, sa kabanata 1, ipinapakita ang korapsyon sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng sobra-sobra sa kanyang mga alagad at pamumuhay ng mayaman na mga prayle. Sa kabanata 2 naman, makikita ang pagpapakita ng pang-aabuso ng mga prayle sa kanilang kapangyarihan, lalo na sa pamamagitan ng pagpapahirap sa mga taong hindi sumusunod sa kanilang mga utos. Sa kabanata 3, ipinakikita ang kaugnayan ng mga prayle at ang kahalagahan ng kanilang impluwensya sa lipunan, pati na rin ang mga patakaran at pamamaraan ng mga kolonyal na namumuno. Sa kabanata 6 naman, makikita ang palakasan sa pamahalaan, na kung sino lang ang may pera ay maaaring mamolitika at inaalagaan lamang ang sariling kapakanan, pamilya at kalakal. Sa kabanata 8, makikita ang paglalarawan sa mga baluktot na sistema sa edukasyon kung kaya’t kinakailangan pang mangibang bansa para mag aral. Sa kabanata 10 naman, makikita ang epekto ng kolonyalismo sa mga tradisyon at kultura ng Pilipinas, lalo na sa pamamagitan ng pagbabago sa pangalan ng mga lugar at ang pagpapatupad ng mga bagong batas at regulasyon. Sa kabanata 15, ipinapakita ang paglabag sa karapatan ng mga Pilipino, lalo na sa pananakit kay Crispin sa harap ng kanyang kapatid na si Basilio. Sa kabanata 16 naman, matutunghayan ang kahirapan at pang-aapi sa mga mahihirap ng mga mamamayan, lalo na sa pagpapakita ng kondisyon ni Sisa at ng kanyang mga anak. Sa kabanata 17 at 18, ipinapakita ang pang-aabuso ng mga prayle sa kanilang mga nasasakupan, lalo na sa pamamagitan ng pagpapahirap kay Sisa at sa kanyang mga anak. Sa kabanata 21 naman, ipinakikita ang kawalang-katarungan sa sistema ng hustisya, lalo na kay Sisa na nagdurusa. Sa kabanata 28 naman, pinakita ang impluwensya ng mga prayle sa mga tao at sa mga gawi at tradisyon ng lipunan, lalo na sa pagdiriwang ng mga prusisyon at ritwal. Makikita rin sa ilang kabanata ang kawalang-katarungan at pang-aapi sa mga Pilipino, lalo na sa pamamagitan ng pagpapahirap sa mga mahihirap at walang kapangyarihan. Sa kabanata 1 at 6, ipinapakita ang pagkakaroon ng mga estratehiya ng mga prayle upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan at kontrol sa lipunan. Matutunghayan din sa ilang kabanata ang kahirapan at kawalang-katarungan sa mga taga-bundok.. Bilang panghuli, sa kabanata 3 at 19, ipinapakita ang impluwensya ng mga prayle sa mga tao at ang kanilang kakayahan na manipulahin ang isipan at kilos ng mga tao sa pamamagitan ng relihiyon.

Ang mga dahilan na nabanggit ay naging sanhi upang tawaging “social cancer” ang nobelang isinulat ni Dr. Jose P. Rizal. Naging kanser (cancer) at sakit ito ng lipunan noong panahon na isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere, dahil alam naman natin na ang kanser ay isang sakit na mapanganib at nakamamatay sa mga tao. Katulad lamang ito sa mga pangyayari na naganap sa panahon ng mga Kastila. Patunay lamang na inilarawan ni Rizal ang mga katiwalian, pang aabuso, at pang-aapi ng mga Kastila sa Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo.

Ellaine Dy
Sa aking palagay, tinawag na "Social Cancer" ang nobelang Noli Me Tangere ay dahil ito'y nagpapakita kung papaano ang trato ng mga kastila sa mga Pilipino noong panahon ni Rizal. Sa tingin ko rin ay tinawag na "Social Cancer" ang Noli Me Tangere ay ang mga pilipino noon ay itinuturing na "kanser" ng mga kastila ang ating mga ninuno. Ang isang halimbawa ng "Social Cancer" sa nobela ay ang "Pagkamatay ni Don Rafael Ibarra." Sa umpisa ng nobela namatay ang ama ni Crisostomo Ibarra na si Don Rafael Ibarra, Namatay ito dahil sa pang-aapi at pang-aagaw ng lupa ng mga prayle at mga opisyal. Nag-bigay daan ang pagkamatay ng kaniyang tatay sa paglabas ng galit at lubos na paghihiganti ni Crisostomo Ibarra sa mga prayle at opisyal na pumatay sa ama nito. Ang sunod na halimbawa naman ay ang "Pagka-kulong ni Sisa." Si Sisa ay isang ina na nalalagay sa panganib ang kanyang buhay, ito ay dahil sa maling akusasyon na mayroon siyang ginawang krimen. Ipinapakita nito ang kawalan ng katarungan sa sistema ng hudikatura at ang pang-aapi sa mga mahihirap na walang kalaban-laban noong panahon ni Rizal.

Para sa aking pananaw, tinawag na social cancer dahil naglalayon ito ng kalupitan, kasakiman at pagdurusa. Gaya na lamang sa kapalarang sinapit ng mag-iinang sina Sisa, Basiio at Crispin, at masamang gawain ng mga Kura at ni Padre Damaso. -Paul

Samantha Dy
Masasabi na "Social Cancer" nobelang Noli Me Tangere dahil ipinapaliwanag nito ang mga paghihirap at pagdurusa ng mga pilipino sa ilalim ng kontrol ng mga espanyol sa paraan na maihahalintulad sa kanser. Ang kanilang pangsasamantala ay tulad ng kanser- tumagal ng mahabang panahon, masakit, at para ang walang pag-asa na mawawala at walang solusyon o lunas. Lalong nakikita ang pagmamalupit ng mga espanyol sa mga taong walang kakayahan na ipagtanggol ang sarili. Halimbawa na lamang sina Sisa at ang kaniyang mga anak na si Crispin at Basilio. Noong inakusahan si Crispin na nagnakaw at bigla na lamang nawala at posibleng namatay sa mga kamay ni Padre Salvi. Si Sisa naman ay namatay dahil sa sunod sunod na trahedya at kaguluhan na dulot ng mga pangyayari.

Anriane
Ang Noli Me Tangere ay tinawag na "Social cancer" dahil inilarawan dito ni Dr. Jose Rizal ang paninirahan ng mga Kastila sa Pilipinas na tila parang isang sakit na unti-unting pumapatay sa mga ito. Isinalaysay ang mga maling pagtrato ng Kastila sa mga Pilipino. Halimbawa nito ay ang Kabanata 12-13, kung saan pinakita ang paggiging malupit ni Padre Damaso sa bangkay ng ama ni Ibarra. Ipinatapon ang bangkay ni Don Rafael sa lawa kaysa ipalibing dahil lamang sa personal na galit nito Sa kabanatang 15-18 naman, dito ipinakilala si Basilio at Crispin na naninilbihan sa simbahan ngunit pinagmamalupitan ni Padre Salve.

Hindi maganda ang impluwensya ng mga Kastila sa mga Pilipino. Nawawalan ng dangal, walang hustisya at hindi sila malaya sa sarili nilang bansa kung kaya't ito ay isang sakit na malubha ng isang bayan na nahirapan silang gamutin.

Angiemae, Casimiro
Sa pangkalahatan, ang "Noli Me Tangere" ay nagpapakita ng mga pinagbabatayan na sanhi ng mga isyung panlipunan sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng Espanyol, na humantong sa paglikha ng terminong "Social Cancer" upang ilarawan ang mga problemang ito.

Shane Ethan Remonte
Ang terminong "Social Cancer" para sa nobelang "Noli Me Tangere" ni Jose Rizal ay nagmula sa kanyang pahayag sa "Sucesos de las Islas Filipinas" (1889), na naglalarawan sa katiwalian at kasamaang laganap sa lipunang Pilipino noong panahong iyon. Kabilang sa mga halimbawa mula sa Kabanata 1-30 ang pakikipagtagpo ni Crisostomo Ibarra sa katiwalian, ang tangkang pang-aabuso ng isang prayle laban kay Sisa sa Kabanata 5, ang lihim na misyon ni Simoun laban sa katiwalian sa lipunan sa Kabanata 7, ang paglalarawan ng kahalagahan ng edukasyon at kawalan nito sa Kabanata 15, sina Elias at Salome. kuwentong nagpapakita ng kawalan ng katarungan sa Kabanata 19, ang masalimuot na sitwasyon na kinasasangkutan ng pang-aabuso ng kapangyarihan ng mga prayle sa Kabanata 27, at ang kalunos-lunos na mga kahihinatnan ng mga isyu sa lipunan at pulitika sa pagtatapos ng nobela sa Kabanata 30. Sa pangkalahatan, ang "Noli Me Tangere" ay naglalarawan ng iba't ibang anyo ng lipunan katiwalian, tulad ng pang-aapi, katiwalian, at kawalang-katarungan, na naglalayong pukawin ang kamalayan at magbigay ng inspirasyon sa pagkilos para sa pagbabago.