FIL M 124: Pagtuturo ng Filipino sa Elem (1) Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino by PeberLee Rosario

Gawain B : Gumawa ng sariling blog tungkol sa inyong personal na karanasan.
Bawat isa sa atin ay mayroong naitakdang kaarawan, at bawat kaarawan ay may ibat-ibang kwento,at narito ang akin.

Pebrero 20, 2002 isinilang ako ng aking maarugang ina saaming munting bahay na syang kinalalakihan na puno ng ibat-ibang masasayang ala-ala na naranasan ko. Pebrero 20,2020 ay ang aking ika-18 na kaarawan, at bago ang araw na iyon ay matagal akung natulog dahil hinintay kung makaabot sa oras na alas 12 ng hatinggabi dahil gusto kong simulan ang bagong kabanata ng aking buhay o ang adulthood stage ng may gabay sa panginoon. Nang mag-alas-12 na ng hatinggabi, iniyuko ko ang aking ulo at sinabi sa Kanya, “Mula noong bata pa ako, ang aking kaarawan ay tila isang ordinaryong araw para sa akin Diyos, at bilang 18 taong gulang na ngayon, hayaan mo sanang maranasan ko ang saya kahit isang beses lang, na nararamdaman ng isang tipikal na indibidwal sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan,at pagkatapos ay nag handa na sa pag tulog. Around 7 in the morning, nagising ako dahil sa boses ng mga pamangkin ko na nagsasabing “Bhen, tita Bheng gising na its your birthday, then I smiled". Bago ako bumangon ay kinuha ko muna ang cellphone ko at marami akung birthday greetings na natanggap galing sa mga kapamilya ko, kaibigan na inilantad mga mapapangit kung pictures, nobyo ko at sa aking mga Facebook friends. Takipsilim na nang dumating ang aking pamilya at mga kaibigan, at ilang minuto ay kumain na kami. Masaya ako sa puntong iyon at akala ko na dun na magtatapos ang kaarawan ko. Pero pag tanaw ko sa labas ng aming bahay nakita ko ang kapatid ko na may bitbit na cake at nobyo ko na may dala-dalang bouquet ng mga chocolate then my tears suddenly flowed down. Nagulat ako that time kasi ang alam ko lang ay mag hahanda lang sila ate ng pagkain at magkakaroon ng simpling handaan. Yun ang pinakamasayang kaarawan na naranasan ko kahit wala na si mama nagawa parin ng mga taong malalapit sa buhay kung i-diiriwang nang masaya at unforgettable ang kaarawan ko.Magmula noon sa kabilang banda, lubos akong nagpapasalamat dahil sa aking mga kapatid na nagbalak na i-surprisa ako kasama ang aking mga kaibigan,nobyo,pinsan at sa ganoong paraan nagtatapos ang aking kaarawan na puno ng ligaya.

Bukod sa mga materyal na regalo na natanggap ko noong araw na iyon, ang pinaka-hindi ko malilimutang pangyayari ay ang namangha ako sa kaligayahang tunay na pagmamahal na natanggap ko mula sa Diyos na minsan kong hiniling bago ang araw na iyon, at walang sinuman ang makapagbibigay nun saaking kundi sya at mga mahal ko sa buhay.Nakita kolang ang saya sa mga mukha ng aking mga mahal sa buhay ay sakto nayon para gawing dahilan kung bakit ang aking ika-18 na kaarawan ko ay higit na hindi ko malilimutan at nararapat na habang buhay kung dadalhin ang personal na karanasan na iyon habang-buhay.