EXIT TICKET : Ano ang iyong mahalagang natutunan ngayong araw na ito kaugnay ng ating aralin tungkol sa seksuwalidad? by AGNES DALAWANGBAYAN

Natutunan ko ang mga salitang nag uugnay sa seksuwalidad tulad nalamang ng kasarian at iba pa

Natutunan ko Ang mga ibat iBang uri Ng abuso Ng sekswalidad at sana may gagawa ako paraan kung paano ito mabawasan bilang Isang mag aaral

Ang pinakamahalaga kong natutunan sa araling sekswalidad ay kung paano ito iingatan, pahahalagahan at irerespeto. Nararapat na pahalagahan ito sapagkat ito ay ang aspeto ng pagkatao ng isang nilalang. Bukod pa rito, ay ang mga isyung may kaugnayan sa sekswalidad tulad ng pornograpiya, pang-aabusong sekswal, pre-marital sex at prostitusyon. Mahalagang may konkretong aksyon at tugon ang mailalapat sa mga isyung ito nang sa ganon ay matigil o maibsan ang palala ng palalang sitwasyon ng teenage pregnancy.

Ang aking natutunan ngayong araw ay ang mga isyung tungkol sa sekswalidad kagaya ng pre-marital na ang ibig sabihin ay ang pagtatalik bago ang kasal, pornograpiya na nakikita sa mga babasahin, larawan o palabas, prostitusyon na ang ibig sabihin ay ang pagbebenta ng pakikipagtalik ng sekswal at ang pang-aabusong sekswal ito ay mandalas nangyayari sa mga kabataan.

Ang pinakamahalaga kong natutunan ngayong araw tungkol sa ating aralin ay ang mga dapat at hindi dapat gawin sa ating kapwa sa sekswalidad. Natutunan ko na kung paano dapat igalang at respetuhin ang kapakanan ng bawat isa sa kanilang sekswalidad. Nalaman ko rin ang mga isyung mga kinakaharap natin na may kaugnayan sa sekswalidad tulad ng pre marital sex, pornograpiya, pang aabuso sa sekswalidad at prostitusyon. Mahalaga ang sekswalidad at akin itong dadalhin at gagamitin sa hinaharap.

Ang pinakamahalaga kong natutunan ngayong araw ay ang seksuwalidad ay hindi lamang tungkol sa pisikal na aspeto ng ating pagkatao, kundi ito rin ay may kinalaman sa ating emosyonal, mental, at moral na pag-unlad. Mahalaga ang paggalang sa sarili at sa iba, lalo na sa pagtataguyod ng consent at tamang pagpapahalaga sa dignidad ng bawat isa. Ang pagkakaroon ng wastong kaalaman tungkol sa seksuwalidad ay nagbibigay sa atin ng kakayahang gumawa ng responsableng desisyon na makakatulong sa ating personal na pag-unlad at sa mas maayos na pakikitungo sa ibang tao.

Ngayong araw, natutunan at napagtanto ko na ang pag-unawa sa sekswalidad ay isang mahalagang bahagi ng ating buhay na may kinalaman sa ating kalusugan, emosyon, at relasyon sa iba. Ang sekswalidad ay hindi lamang tungkol sa pisikal na aspeto, kundi pati na rin sa ating mga pananaw, karapatan, at ang pagpapahalaga sa sarili at sa ibang tao. Mahalaga ang edukasyon ukol sa sekswalidad upang maprotektahan ang ating kalusugan, mas mapalawak ang pag-unawa, at masiguro ang malusog na interaksyon at relasyon sa iba.

Ang aking natutunan sa araling tinalakay ay ang pagpapahalaga sa seksuwalidad, pagrespeto hindi lang para sa iba kundi para narin sa ating sarili. Gayundin ang pag papahalaga sa ating seksuwalidad ay pag papahalaga din sa ating dignidad bilang isang tao. Akin ring napagtanto na madaming solusyon sa problemang seksuwalidad, nararapat lang napagisipang mabuti ang nararapat gawin upang sa huli'y walang pag sisihan. Sa kabuuan ang seksuwalidad ay bahagi ng ating buhay o pagkatao. Huwag ipilit kung mali na, igalang ang desisyon ng iba, upang suliranin na ito'y masolusyonan na.

Ang natutunan ko sa araw na ito ay tungkol sa mga seksuwalidad at sa iba pa kagaya narin Ng babae at lalaki

Natutunan ko sa araling ito ay isang mahalagang aspeto ng ating pagkatao na may kinalaman sa ating identidad at relasyon sa iba. At mahalaga ang paggalang sa desisyon at karapatan ng bawat isa sa sekswalidad, tulad ng pagtanggap sa iba't ibang uri ng sekswal na orientasyon. At natutunan ko rin na ang sekswalidad ay hindi lamang pisikal, kundi pati emosyonal at mental, kaya't mahalaga ang respeto, tiwala, at pagkakaroon ng malalim na koneksyon.

Ang sekswalidad ay isang malawak at kumplikadong paksa na sumasaklaw sa maraming aspeto ng buhay ng isang tao. Natutunan ko na ito ay hindi lamang tungkol sa pisikal na aspeto, kundi pati na rin sa emosyonal, sosyal at sikolohikal na dimensyon. Natutunan ko rin na mahalagang igalang natin ang seksuwalidad ng bawat isa maging ano man ang kanilang kasarian. Hindi dapat natin sila abusuin, saktan o patayin, bagkus ating isiwalat ang mga diskriminasyong kanilang nararanasan. Kailangan rin nating maipamalas ang pagkakapantay-pantay sa lahat ng kasarian, kahit parte ng samahan ng LGBTQIA+. Pati na rin sa mga kabataan, huwag natin silang pilitiin na makipagtalik sa atin dahil wala pa sila sa wastong gulang, huwag natin silang takutin dahil nagdudulot ito ng pagtaas ng kaso ng "Teenage Pregnancy" lalo na sa mga kabataan.

Base sa aking natutunuan kahapon sa mga tinalakay namin sa aralin‚ ang seksuwalidad ay hindi lamang tungkol sa pakikipagtalik, kundi tungkol din sa mga damdamin, pagmamahal, at relasyon. Mahalaga na maintindihan ang mga konsepto ng seksuwalidad upang makamit ang isang malusog at masaya na buhay seksuwal. Ang pagtanggap at pag-unawa sa mga pagkakaiba-iba ng seksuwalidad ay mahalaga. Hindi lahat ng tao ay may parehong pananaw o karanasan tungkol sa seksuwalidad, at mahalaga na respetuhin at tanggapin ang mga pagkakaiba-iba na ito. Ang seksuwalidad ay may malaking epekto sa kalusugan ng isang tao. Mahalaga na magkaroon ng malusog na buhay seksuwal upang makamit ang isang masaya at malusog na buhay. Dagdag pa rito‚ mayroong apat na parte nito ito ay ang pre-martial sex‚ pornograpiya‚ prostitusyon‚ at pangaabusong seksuwal. Sa pagtatapos‚ ang edukasyon at kaalaman tungkol sa seksuwalidad ay mahalaga. Mahalaga na magkaroon ng tamang impormasyon at kaalaman tungkol sa seksuwalidad upang makamit ang isang malusog at masaya na buhay seksuwal.

Natutuhan ko na ang ating seksuwalidad ay isang mahalagang bahagi ng ating pagkatao, ngunit hindi ito ang nagtatakda ng ating halaga bilang tao. Ang tunay na kaganapan ay hindi nakasalalay sa seksuwal na relasyon kundi sa ating pag-unlad bilang isang mabuting tao,may respeto sa sarili, may pagpapahalaga sa pamilya, at may pagmamahal sa Diyos. Sa huli, masasabi kong ang pagpapasya ay nasa sa atin. Kung pipiliin nating igalang ang ating katawan at gamitin ang ating seksuwalidad sa tamang paraan, mas magiging makabuluhan ang ating buhay at mas matutupad natin ang ating tunay na layunin.

Ang mahalagang natutunan ko ngayong araw tungkol sa sekswalidad ay na ito ay hindi lamang tungkol sa pisikal na aspeto ng pagiging lalaki o babae, kundi pati na rin sa emosyonal, sikolohikal, at sosyal na dimensyon nito. Natutunan ko rin na ang sekswalidad ay isang mahalagang bahagi ng pagkatao ng isang indibidwal at dapat itong bigyang-galang at pangalagaan. Mahalaga rin ang tamang impormasyon at edukasyon upang magkaroon ng wastong pang-unawa at respeto sa sariling sekswalidad at sa iba.

Ang aking mahalagang natutunan batay sa pinag-aralan tungkol sa seksuwalidad ay maging mapanuri sa bawat desisyon na gagawin at ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa paksang ito. Ito'y nagsasaad sa emotional physical at mental ng bawat isa. Dapat respeto  at igalang ang baway isa na di lamang nagsasaad sa babae't lalake kundi ang iba't ibang kasarian ay dapt igalng din. Imbis na ipahiya sila ay ating supportahan natin sila bawat desisyon na kanilang ginagawa na ikinakasaya nya

Ang mahalagang natutunan ko sa aralin ay ang seksuwalidad, ang seksuwalidad ay hindi lamang tungkol sa pisikal na aspeto, kundi pati na rin sa emosyonal, panlipunan, at espirituwal na dimensyon.Isa pa ang bawat tao ay may sariling natatanging karanasan sa seksuwalidad na naimpluwensyahan ng kanilang kultura, pananaw, at mga personal na karanasan.

Para sa akin, mahalaga ang pagpapahalaga at paggalang sa seksuwalidad dahil ito ay bahagi ng ating pagkatao. Hindi ito isang bagay na dapat ikahiya o gawing biro, kundi isang aspetong kailangang maunawaan nang may tamang pananaw. Naniniwala ako na ang respeto sa sarili at sa iba ay isang napakahalagang gawin ng bawat isa. Mahalaga rin na maging responsable sa ating mga kilos at desisyon pagdating sa usaping seksuwalidad. Natutuhan ko rin ang iba't-ibang uri ng isyung seksuwalidad, pati na rin kung paano ito bigyang solusyon. Sa kabuuan, ang seksuwalidad ay hindi lang tungkol sa sarili nating karanasan kundi pati na rin sa kung paano natin pinapahalagahan at iginagalang ang ibang tao.

Ngayong araw, ang mahalagang aking natutunan ay ang seksuwalidad. Ito ay isang mahalagang bahagi sa buhay ng isang tao. Mahalaga ang paggalang sa sarili at sa ibang tao, at ang pagsang-ayon ay dapat makuha bago ang anumang aktibidad na may kaugnayan sa seksuwalidad. Ang seguridad at proteksyon ng sarili at ng iba ay mahalaga din, at ang edukasyon at kaalaman tungkol sa seksuwalidad ay dapat ipamahagi upang makapagdesisyon ng tama at makapagprotekta sa sarili. Ang mga tao ay may karapatan at obligasyon sa kanilang seksuwalidad, at mahalaga ang paggalang dito. Sa huli, ang seksuwalidad ay konektado sa mental at emosyonal na kalusugan, at ang pag-aalaga sa mga aspekto na ito ay mahalaga rin.

Mahahalagang Natutunan Tungkol sa Sekswalidad

Ngayong araw, napagtanto ko na ang sekswalidad ay isang mahalagang bahagi ng ating pagkatao. Ito ay hindi lamang isang pisikal na aspeto kundi konektado rin sa ating mental at emosyonal na kalusugan. Mahalaga ang pagpapahalaga at paggalang sa sarili at sa iba, sapagkat ito ang pundasyon ng responsableng pagdedesisyon pagdating sa mga usaping sekswalidad.

Ang tamang edukasyon tungkol sa sekswalidad ay napakahalaga upang magkaroon tayo ng tamang pananaw at makagawa ng maingat at responsableng mga desisyon. Kabilang dito ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsang-ayon (consent) bago pumasok sa anumang aktibidad na may kaugnayan sa sekswalidad. Ang kaalaman din tungkol sa iba't ibang isyu na may kinalaman sa sekswalidad ay makakatulong upang matutunan natin kung paano ito haharapin at bibigyan ng solusyon sa paraang makatao at may paggalang.

Higit sa lahat, ang sekswalidad ay hindi dapat gawing biro o maliitin, kundi dapat itong seryosohin bilang isang mahalagang aspeto ng ating buhay. Ang pagkilala at pagpapahalaga rito ay hindi lamang tungkol sa ating sariling karanasan kundi pati na rin sa kung paano natin iginagalang at binibigyang halaga ang ibang tao. Sa pamamagitan ng wastong kaalaman, respeto, at tamang pananaw, mas magiging responsable tayo sa ating mga kilos at desisyon, na magdadala sa atin sa mas maayos at maunlad

na buhay.

Ang pagkakaunawa ko sa sekswalidad ay isa itong mahalagang bahagi ng pagkatao ng isang tao. Hindi lamang ito tungkol sa pisikal na aspeto ng pakikipagtalik, kundi saklaw din nito ang damdamin, pagkakakilanlan, pagpapahayag ng sarili, at kung paano natin nauunawaan at tinatanggap ang ating sarili at ang iba. Ang sekswalidad ay isang natural na bahagi ng ating pagkatao, at mahalagang maging bukas ang ating isipan sa pag-unawa sa sarili at sa iba upang magkaroon ng respeto at pantay-pantay na pagtrato sa lahat.

-Rhiana Araja

Nutunan ko sa araw na ito ang sekswalidad ay isang kumplikado at magkakaibang aspeto ng karanasan ng tao.  Mahalaga ang pag-unawa sa pagkakaiba-iba ng sekswal na oryentasyon at identidad, at ang pagtanggap sa sarili at sa iba ay susi sa isang malusog na pag-unawa sa sarili.  Ang bukas na komunikasyon at paggalang sa mga hangganan ay mahalaga sa anumang uri ng relasyon, lalo na sa mga may kinalaman sa sekswalidad.  Higit sa lahat, ang kaligtasan at kagalingan ng bawat indibidwal ay dapat na maging pangunahing priyoridad sa anumang sekswal na aktibidad.  Ang paggalang sa mga desisyon ng bawat isa tungkol sa kanilang sariling katawan at sekswalidad ay pundamental sa isang lipunang nagpapahalaga sa karapatan at dignidad ng lahat.nalaman ko Rin na dapat Hindi abusuhin ag sekswalidad at dapat itong igalang at pahalagahan dahil ito ay sagrado at Kasama Ang ATING dignidad Dito kung babalewalain at aabusuhin natin Ang sekswalidad ay parang binalewala lang natin Ang ATING dignidad kaya dapat itong ATING sekswalidad ay pahalagahan upang makamit Ang kabutihang panlahat.

Sobrang dami kong natutunan mula sa sekswalidad  dahil ito ang gagabay sa atin sa pang araw araw nating pamumuhay dapat tayo ay may kaalaman para ang mga mali ay ating  itama

Gaya ng  naka lagay sa power point ang sekswalidad ay kaloob sa atin ang ating Panginoon , ito ay mabuti at magdadala sa bawat isa sa atin  sa layuning makamit ang kabutihan isa pa ito ay isa sa pinaka mahalagang  bahagi ng ating buhay at pag ka tao na dapat nating pangalagaan at pahalagahan. Sa huli dapat nating ibahagi sa ibang tao ang kaalaman natin  sa sekswalidad para sa kanilang kaligtasan at  ang magagawa nito sa kani kanilang mga buhay. Isapamuhay natin ang ating natutunan dahil dito ang mag bibigay daan sa ating  magandang  kinabukasan.