Fil102 Solomon by joriz saramines
Dugtungan!
Dugtungan ng limang pangungusap o higit pa ang nasa ibaba . Maaaring magbahagi ng isang karanasan o pangyayari sa iyong buhay.
Hindi ko ginusto ito.
Ang aral ay: Huwang matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.
Martina Charisse Ferrer - Br. Solomon
Bilang isang estudyante na palaging sinisigurado na mataas ang aking mga grado, may mga panahon na ako din ay bumagsak na hindi ko ginusto mangyari kailanman. Noong unang beses na nangyari ito sakin, tila bang gumuho ang mundo ko. Akala ko hindi ko na makakamit ang mga gantimpala na inaasam ko noon. Ngunit sa tulong ng suporta galing sa aking mga kaibigan at pamilya, napagtanto ko na hindi umiikot ang buhay sa mga pisikal na gantimpala, at normal lang na hindi palaging nasa itaas. Dahil dito, tila bang nabunutan ako ng isang malaking tinik, at mas nagaganahan na ako mag-aral.
Ang aral ay: Huwag matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam. Hindi karera ang buhay kaya ayos lang na gawin ang mga bagay base sa ating sariling kakayanan. Hindi natin kailangan malaman lahat sa umpisa, dahil ang buhay ay isang proseso ng pag-unlad at pagkatuto sa mga bagay. Sa paglalakbay ng buhay, ang mga pagkakamali ay hindi maiiwasan, basta't tayo ay responsable at hindi ito iniiwasan. Mahalaga ang tiwala sa sarili at sa Diyos. Ang buhay ay parang isang bilog, maaaring tayo ay nasa itaas o nasa ibaba.
Reign Janelle G. De Guia
Hindi ko ginusto ito…
Tatlong araw na lang ang natitira at kami’y sasailalim na sa isang pagsusulit sa asignaturang Biyolohiya. Puspusang pag-aaral ang aking ginawa upang makapasa, ngunit hindi naging sapat ito. At sa huli, ang aking inaasam na marka ay hindi ko nakamit. Lubha akong nadismaya, hindi ko inaasahaan ito, subalit ako’y nanindigan at itinatak ko sa aking isipan na ako ay babawi, mag-aaral nang mas mabuti, at tatanggapin na bawat pagkakamali ay parte lamang ng tagumpay. Kaya, huwag matakot na hindi maging magaling sa isang bagay na hindi mo pa talaga alam. Marami pang pagkakataon upang matuto, sapagkat isang mahabang proseso ang buhay. Lumaban, manindigan, at huwag sumuko upang makamit ang mga pangarap, at kaalaman na magsisilbing sibat sa digmaan ng buhay.
Ang aral ay: Huwag matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.
Catherine Anne R. Ramirez
Hindi ko ginusto ito.
Hindi ko ginusto na minsan natatakot akong sumubok ng mga bagong bagay o kusain isalang ang sarili ko sa ibang mga saitwadsyon na makakabuti naman sa akin.
Hindi ko ginusto na nawawalan ako ng gana kumilos upang maitupad ang aking mga hiling.
Hindi ko ginusto na minsan napapabayaan na ang mga kailangan ko gawin.
Hindi ko ginusto na madalas ako nadidistract at napapabagal ang aking progreso.
Hindi ko ginusto na naikukumpara ko nalang ang aking sarili sa iba at pinapayagan kong negatibong apektohin ako.
Ang aral ay: Huwang matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.
Zemyrah Eidrien S. Balanon
Hindi ko ginusto ito.
Hindi ko ginusto na marami akong pinagsisihan sa aking buhay, tulad na lamang tuwing nahihirapan ako sa pagsunod sa itinakdang gawain sa aking schedule, ang masaktan ang aking mga minamahal dahil minsan ay nadadala ako ng aking emosyon, at pagiging magastos ako at hindi makapag ipon ng maayos. Higit sa lahat, hindi ko ginusto na  iwanan ang aking pamilya sa bahay upang makapag-aral ako ng mabuti para matulungan ang aking pamilya at para na rin sa aking kinabukasan.
Ngunit, sa kabila nang aking mga pagkakamali at pinagsisihan, ay natututo ako na tumayo para sa aking sarili at tanggapin ang pagkakamali ko. Marami man akong pinagdaanan, ay parte ito ng proseso sa aking kinabukasan. Dito ko natutunan na lahat ng tao ay hindi perpekto at nasa atin ang pananagutan kung paano natin gagawan ng paraan o bibigyan ng pagbabago.
juls
Hindi ko ginusto ito. Hindi ko ginusto na makakuha ng mababang marka sa ibang mga pagsusulit ko. Ang pagkabigo ay hindi maiiwasan at ito ay normal, ngunit sa kabila ng pag-alam sa katotohanang iyon, ayaw ko pa rin kapag nakakakuha ako ng mababang marka o kapag bumagsak ako sa iba pang mga pagsusulit. Palagi akong naglalaan ng maraming oras at pagsisikap sa pag-aaral kaya nadidismaya ako sa tuwing ako ay nabigo o nakakakuha ng mababang marka. Ngunit kahit nabigo ako, naniniwala ako na ang pagkabigo ay isang mahalagang pangyayari sa buhay dahil ito ay magtuturo sa atin ng maraming aral at matututo tayo kung paano lampasan ang mga hamon sa hinaharap at maging mas mabuting mga tao. Ang aral dito ay huwag tayong matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam. Kailangan nating isaisip na lahat ay nagsisimula mula sa "zero" at hindi tayo palaging awtomatikong magaling sa isang bagay. Ang buhay ay isang proseso, kaya dapat nating hayaan ang ating mga sarili na pumunta sa sarili mong bilis at huwag ituring ang buhay na parang palaging isang kompetisyon.
KS
Hindi ko ginustong hindi malaman ang sagot sa isang sesyon ng MTAP. Noong ako ay siyam na taong gulang pa lamang, sumabak ako sa isang mathematics training. Pangalawang tanong pa lamang ang ibinibigay ngunit wala na akong maisagot. Labis ang naramdaman kong takot sapagkat hindi ako makatungo sa susunod na tanong samantalang ang iba ay nakakausad pa. Ang aral ng pangyayaring ito ay huwag matakot na hindi maging magaling sa mga bagay na hindi mo pa naman talaga alam.
Chloe Faith N. Ong
Hindi ko ginusto ito.
Hindi ko gustong mabuhay ng hindi natutupad ang aking mga hiling. Sinasabi ko ito sa sarili ko upang maging paalala na hindi rin tatagal ang ating buhay. Naranasan ko ang pagsisisi na hindi ko tinupad ang hiling ng aking kamaganak na yumao na. Sa totoo lang, maikli lang ang oras natin dito, darating ang panahon ng pagsisisi sa mga bagay na hindi natin nagawa habang kaya natin gawin. Dahil doon napagisipan ko na sulitin ang buhay habang nandito pa.
Matthew P. Gomez - 11-1 Br. Solomon
Hindi ko ginusto ito...
Hindi ko ginustong maranasan ang mga pagkakataong binulag ng kadiliman at kalungkutan ang aking buhay; maraming pananakit at pangungutya ang aking natanggap sa kabila ng patuloy kong pagtatangkang matuto sa mga bagay na hindi ko naman talaga alam at nais mapagtagumpayan, lalong-lalo na sa larangan ng akademiks at pagtamo ng kaalaman.
Simula noong ako'y bata pa, maraming kritisismo at sigaw ang aking natamo, lalo na sa aking mga magulang. Ang mga kataga at salitang "Galingan mo naman!", "Bakit ang dami mong mali sa exam?!", at "Bakit may bagsak ka?!" ay ang mga salitang sanay at sawa na akong marinig pa. Ngunit, sa halip na damdamin kong maigi ang mga negatibong komentong ito at piliin na sumuko na lamang sa buhay at sa pag-abot ng aking mga pangarap, mas umiral ang determinasyon at apoy sa aking puso't isipan upang magbago at pag-igihan pa kung ano ang meron ako at kung ano ako noon. Naalala ko ang mga araw na hirap akong makaintindi ng mga leksyon at diskusyon sa paaralan, at ramdam na ramdam ko ang pagkaayaw ko sa pag-aaral. Ngunit lahat ng ito ay nag-iba nang pinili kong magpursigi sa pag-aaral at patunayan na mali ang sinasabi ng iba tungkol sa akin, na tila bang ako'y isang ibong mababa ang lipad. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi lamang iyon ang kaya kong gawin, kaya hinamon ko ang aking sarili at ang aking kakayahan sa paraan ng pagtutuon ng pansin sa aking mga kahinaan upang ito'y maging akin nang kalakasan, gamit rin ang mga negatibong komentong aking natanggap.
At ayon na nga, dumating na ang mga panahong aking ikinakatuwa at hinihintay sapagkat nagbunga na ang mga pagtatasa at pagpupursigi na aking ginawa para lamang tumungtong sa kung ano na ako ngayon. Lubos kong ikinagagalak na mula sa pagiging isang mag-aaral na nakakakuha ng mabababang marka at iskor sa mga pagsusulit at mula sa isang mag-aaral na laging kinukutya ng kaniyang mga magulang at kaklase noon, masasabi kong ako'y naging isang mag-aaral na handa at masaya nang natututo sa paaralan at handa ring paglingkuran at pamunuan ang aking mga kaklase sa abot ng aking makakaya.
Ako si Matthew P. Gomez, at ito ang hindi ko ginusto sa kwento ng aking buhay.
Ang aral ay: Huwag matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam. Lagi nating tatandaan na walang perpekto sa ating mga tao sapagkat lahat tayo ay nakagagawa ng mga kasalanan, pagkakamali, at mga bagay na nakasasama sa iba. Matuto tayong magpakumbaba at alamin natin ang ating mga kahinaan, nang sa gayon, ay matututuhan din na palakasin ang ating mga sarili at mas maging mabuti sa mga aspetong ito. Kung tayo man ay nakatatanggap ng mga diskriminasyon sa ating buhay, huwag natin hayaang maging hadlang ito sa pagkamit natin ng ating mga pangarap. Datapwa't, gamitin natin ito bilang instrumento at motibasyon upang tayo'y lalong magsumikap sa buhay.
sio
Hindi ko ginusto ito. Noong nakaraang taon, bago ako makagraduate, maraming pinapagawang gawain at pagsusulit ang binibigay sa amin. Kada linggo, umaabot ng sampu o higit pa ang pinapagwa sa amin. Sa mga oras na yan, nakaranas ako ng malalang stress at pagod lalo na’t gustong gusto ko na magkaroon ng mataas na marka bago matapos ang school year. Dahil sa sobrang stress at pagod, hindi ko na napahinga ang sarili ko at makagawa ng mga gawain na walang kaugnayan sa paaralan. Makalipas ng ilang linggo, sinubukan kong magpahinga ng isang araw at tanungin ang aking sarili, tama ba na pinapagod ko ang aking sarili para lamang magkaroon ng mataas na marka? Sa tanong na iyon, doon ko nalaman na ang pag-aaral ay mas magiging masaya kung hindi mo pinapagod ang iyong sarili. Dahil dito, nalaman ko ang kahalagahan ng pagkakaroon ng short breaks kapag hindi ko na kinakaya ang bigat ng mga gawain. Naging mas magaling rin akong magmanage ng aking oras dahil dito. Sa huli, nakagraduate ako na mayroong mataas na marka.
Ang aral ay: Huwang matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam. Lagi nating isipin na hindi lahat ng tao ay perpekto at nagiging magaling sa simula. Hindi dapat natin minamadali ang proseso kaya lagi nating tandaan na huwag nating maliitin ang ivang tao at huwag ring magmagaling at makampante. Dapat tayo at maging determinado at wag susuko agad.
Mics
Hindi ko ginusto na mangamba at isipin tuwing gabi kung makakamit ko ba ang mga pangarap at plano ko sa buhay. Bilang isang estudyante, may mga pagkakataon na bigla na lang tayong makararanas ng pagod at pagkabigo sa pag-aaral. Minsan, hindi maiiwasan na makakuha ng mababang marka sa ilang asignatura. Sadyang mahirap tanggapin ang mga ganitong bagay lalo na kung nasanay ka na sa pagkuha ng mataas na marka. May mga pagkakataon din na mararamdaman natin ang pagkadismaya dahil hindi tumutugma ang ating mga plano sa mga nais nating mangyari.
Ang resulta ng mga pangyayaring ito ay maaaring magdulot sa atin ng pag-aalinlangan kung makakamit ba natin ang ating mga pangarap. Minsan, marahil ay mapapatanong tayo, 'Para sa akin ba talaga ito?' Ngunit sa kabila ng mga nakakalungkot na pangyayari, lagi kong pinapaalala sa aking sarili na hindi talaga natin maiiwasan ang mga bagay at pangyayaring ito. Wala tayong magagawa kundi tanggapin ito at magsumikap na mas pagbutihin pa sa susunod. Katulad ng sinasabi ng iba, 'Ang tagumpay ay hindi basta-basta ibinibigay, ito ay kailangang paghirapan.' Kaya naman, huwag tayong mawalan ng pag-asa at lakasan ang ating loob. Gamitin natin ang ating mga pinagdaanang mga karanasan bilang inspirasyon. 'Malayo pa, pero malapit na.'
Ang aral ay: Huwang matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam. Mahalaga na magkaroon ng tapang at determinasyon na subukan at pag-aralan ang mga bagay kahit na may posibilidad ng pagkabigo. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga hamon at pagkakamali, maaari nating matutunan at mapalawak ang ating kaalaman at kakayahan. Ang pagiging bukas sa pagkakamali at pagkukulang ay nagbibigay daan sa pag-unlad at pagbabago sa ating sarili. Ating tatandaan na lahat ng bagay na nangyari dati o nangyayari sa kasalukuyan ay may rason, kaya't huwag nating isipin na huli na ang lahat. Sa aking opinyon, normal lang na makaramdam ng kalungkutan, pangamba, takot, at pagkabigo sa buhay, ngunit dapat nating tandaan na hindi tayo dapat sumuko. Maaaring magpahinga sa lahat, ngunit sa huli, dapat tayong magpatuloy pa rin.
Delatado, John Paolo B.
Hindi ko ginusto ito:
Hindi ko ginusto na mawalan ng motibasyon sa pagsisikap ng aking pag-aaral upang maging isang medikal na profesyonal.
Hindi ko ginusto na madismaya ang aking pamilya dahil sa aking mga pagkakamali na desisyon ko.
Hindi ko ginusto na magkaroon ng mababang marka sa pagsusulit ng alam kong pinagaralan ko.
Hindi ko ginusto na itrato ako ng mali kahit wala akong ginawa na masama.
Hindi ko ginusto na mastress at magoverthink sa mga sitwasyon kung saan ako’y vulnerable.
Ang aral ay: Ang aral na natutunan ko dito ay kahit na ikaw ay nasa mga panahon ng kahirapan sa buhay panatilihing bigyan ng liwanag at makatiis sa takip ng kadiliman.
melon
Noong nagsisimula pa ako sa pag-aaral ng piano, sobra akong nahirapan sa pagbabasa ng mga nota. Hindi ko ginusto ito, nakakasakit sa ulo ang itsura ng mga piyesa at nalilito ako kung paano silang tugtugin. Minsan, umiiyak pa ako at nahihilo. Dahil dito, bago akong pumasok sa mga music class, binabasa ko ang binigay na piyesa sa akin. Sa paglipas ng panahon, lumalim ang aking mahal para sa piano at nagkaroon ako ng tiyaga para dito. Natuto ko din ang pagbasa ng nota at ang ibang mga teknik sa piano.
Ang aral ay: Huwag matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam. Lahat tayo ay nagkakamali at nawawalan ng gana kaya huwag pahirapan ang sarili. Natututo tayo sa sariling oras at may sarili tayong kakayanan. Hindi kailangan ikumpara ang iyong sarili sa iba. Ang paggawa nito ay nakakasira sa ating mga interes and pangarap sa buhay. Kailangan nating alalahanin na hindi kompetisyon ang buhay at hindi nating kailangang maging ang pinakamahusay sa isang bagay. Dapat ginagawa natin ang ating mga libangan dahil mahal natin ito, hindi dahil pinipilit tayo.
Timothy John H. Lumubos
Hindi ko ginusto ito.
8am-5pm ang pasok ngunit pag uwi hindi pa tapos ang mga gawain. Sa karagatan ng mga takdang aralin ang research ay ang hindi ko ginusto. Hindi ko na nabilang ang dami ng gabi na wala kaming tulog. Sa paghahanap ng mga sources, paggawa at pagedit ng mga instrument, at walang katapusan na revisions talagang nahirapan ako at ang mga kagrupo ko. Gayunpaman, dahil sa tulong ng aming matiyaga at matalino na research advisor, walang balakid na hindi naming nalagpasan. Kahit na minsan nakakalito at nakakainis ang assignatura, ibig sabihin lang nito na marami ang natutunan sa pagwakas ng gawain.
Please take care of your valuables.
Hindi ko ginusto ito.
Hindi ko ginusto na magbago ang aking pananaw at kilos ukol sa aking ugali sa pag-aaral buhat nang mag-pandemya. Hindi ko ginusto na maligaw at mangapa sa dilim habang hinahanap ang daan pabalik. Simula noon ay hindi na muling sumubok na sumugal at hinayaan ang sarili na magpadala sa bugso ng damdamin. Ngunit isang araw, ako’y napaisip at binalikan ang punto kung saan naligaw.  Hindi ko inaakala na ako pala ang problema.
Ang aral ay: Huwag matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam. Tulad nga ng sinabi sa kantang With A Smile ng Eraserheads, hindi natin kailangang magmadali dahil ang lakbay ng buhay ay sadyang mahirap. Masyado ngang malaki ang mundo at kahit ang paglalakbay dito ay puno nang walang kasiguraduhan. Gayunpaman, walang sinuman ang kayang alamin ito sa loob ng ilang linggo lamang. Tumatakbo man ang oras, tuloy lang sa pagsulong sa sarili mong bilis.
lemonade
Hindi ko ginustong isantabi na lang ang sarili kong mga saloobin. Masasabi ko na sa buong labing pitong taon ng aking pamumuhay, kahit isang beses hindi ko man lang naiparanas sa sarili ko ang ipahayag ang aking damdamin. Madalas nagpaparaya ako para sa iba, upang magkaroon sila ng opurtunidad na makapagbahagi. Nakasanayan ko na ang ganitong gawain hanggang sa napagtanto ko kung gaano ito kahalaga sa akin. Ilang beses kong tinulungan ang aking sarili, subalit palaging pumipigil sa akin ang aking pagiisip. Ako mismo ang naging hadlang sa pagekspres ko ng mga saloobin ko. Kaya naman, isinasantabi ko na lamang ito. Itinatabi sa likod ng aking utak hanggang sa makalimutan ko ito. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pagasa na isang araw maaring magbago itong aspeto ko.
Huwag matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.
Riki Lover
Hindi ko ginusto na mawalan ng tiwala sa sarili.
Hindi ko ginusto mawalan ng tiwala sa sarili ngunit sa panahon na ako ay tumatanda ito ay nawawala sapagkat maraming pag kakataon na ako ay pumapalya hindi lang sa pag-aaral pati na rin sa buhay.
Sa mga pag-kakataon na ako ay bumabawi sa buhay, para ba ang buhay na ang humahanap ng rason para ako ay umulit muli, kung kaya ako ay nawawalan na ng tiwala sa aking sarili dahil sa ganitong hadlang sa aking buhay.
Ngunit ako ay nag papasalamat sa aking pamilya at mga kaibigan sa pag suporta sa akin tuwing ako ay nalulungkot sa mga resulta ng mga pag ganap ko sa buhay dahil sakanila ay pinipilit ko pa rin bumangon at umulit muli para sa magandang resulta.
Emma Heather H. Rodriguez
Hindi ko ginusto ito.
Hindi ko ginusto na umiyak minsan dahil sa pagod at hirap ng pagbalanse ng aking pag-aaral at pag-eensayo. Dahil kahit na anong gawin ko, napakahirap talaga pagsabayin ang pagiging estudyante at atleta. At yung pinakamasaklap minsan ay nawawalan ako ng oras para sa mga mahal ko sa buhay at para na rin sa aking sarili. At sadyang nakakaya ko lang ang lahat ng ito dahil sa biyaya at kabutihan ng Panginoon at sa suporta at pagmamahal ng aking mga magulang. Sila ang dahilan kung bakit kahit kailan hindi ako susuko at kung bakit lalaban ako hanggang sa dulong dulo.
Ang aral ay: Huwag kang matakot na hindi maging magaling sa mga bagay na hindi mo naman talaga alam.
Y
Hindi ko ginusto ito. Noong nakaraang bakasyon ay may pinuntahan kaming isang okasyon. Ayoko dito, masyado silang magaling, napaka-unti lang ng alam ko kumpara sa kanila, pero habang tumatagal at habang nakakasalamuha ko sila, ang babait nila, imbes na ako ay kanilang pagtawanan mas minabuti nilang ako ay tinuruan. Marami akong natutunan sa kanila. Kaya naman nalaman ko na huwag matakot na hindi maging magaling sa mga bagay na hindi mo pa naman alam.
REA
Hindi ko ginusto noong ako ay inenroll ng aking mga magulang sa HSI dahil hindi naman talaga ako ganoon kagaling sa agham at health related na mga paksa. Ang paaralan na iyon ay puno ng mga mahuhusay at matatalinong mga estudyante na hindi ko kayang pantayan. Ang aking mga pagsusulit sa asignaturang FHC ay hindi ganoon kataasan na hindi ko ikinatuwa. Ngunit isang araw, ako ay nasiyahan dahil napagtanto ko na kahit hindi maganda ang mga grado ko ay unti-unti ko namang naiintindihan na ang mga aralin at nasisimulan ko nang mahalin ang larangan ng agham at medisina. Kaya huwag matakot na hindi magaling sa mga bagay na hindi mo naman talaga alam.
I.T.O.E.T.
Hindi ko ginusto ito.
Hindi ko ginustong makasakit ng iba. Mayroong mga pagkakataon kung saan hindi ko namamalayan na ang mga salitang aking ibinibitawan ay masama na pala ang nagiging konotasyon sa iba kahit pa ito'y isang biro lamang saakin. Madalas, pinag-iisipan ko nang mabuti ang bawat pahayag, aksyon, at ekspresyon na aking ibinigay matapos ang isang usapan dahil alam ko na minsan hindi ko maayos na naisasala ang aking mga pananaw bago sabihin kaya't ito ay nagreresulta sa mga hindi sinasadyang kahihinatnan kung saan ako'y nakakasakit na pala. Subalit, ang kinagawian kong ito ang nagbigay-daan upang mapabuti ko ang aking kakayahan sa pakikipag-usap dahil itinutulak ako nito na kilalanin ang aking mga nakakasalamuha ng mas mabuti at mas malamin upang maintindihan kung anong mga bagay ang maaari at hindi maaaring gawing biro, na nagbibigay ng mas dalisay na koneksyon at pag-uunawa sa pagitan ko at ng aking mga kasama. Huwag kang matakot na hindi maging magaling sa mga bagay na hindi mo pa naman talaga alam.
ngc
Hindi ko ginusto ito: Tuwing nagkakaroon kami ng mga pagsusulit, hindi ko gusto kung paano ko laging pine-pressure ang aking sarili na maging magaling, dahil kung hindi, iisipin ko na hindi ako sapat kung sakali mang makakuha ako ng mababang marka. Bilang isang resulta nito, nawawalan ako ng sapat na oras ng tulog dahil sa pag-aaral. Ngunit sa lalong madaling panahon, napagtanto ko na hindi dapat tayo matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi pa naman talaga natin alam dahil ang lahat ay naguumpisa nang walang kaalaman o kahusayan. Kahit noong bata pa lamang tayo, hindi agad tayo naging mahusay sa paglalakad, pagsasalita, o pagsusulat. Kinailangan nating matuto at mahirapan upang makamtan ang kahusayan sa pagsagawa ng mga bagay na ito. Ganun din sa iba pang aspeto ng ating buhay. Hindi tayo dapat manghinayang kung hindi agad tayo magaling sa isang bagay. Sa halip, dapat nating pahabain ang ating pasensya na matutunan ang isang bagay na nais nating maisagawa nang may kahusayan. Gayundin, dapat nating tandaan na ang tagumpay ay hindi makakamtan nang walang paghihirap, sapagkat, gaya nga ng sinabi ni Truman Capote, "Failure is the condiment that gives success its flavor."
Jazmine Princess M. Urquico - Br. Solomon
Hindi ko ginusto ito.
Hindi ko ginusto na maubos oras ko sa iba kong gustong gawin dahil sa pag-aaral.
Hindi ko ginusto na lagi kong nararamdaman na hindi sapat ang aking ginagawa.
Hindi ko ginustong mawalan ng motibasyon sa mga kailangan kong gawin.
Hindi ko ginusto na maraming akong hindi nakuhang oportunidad dahil natakot ako.
Hindi ko ginusto na mag duda ako sa darating na mga panahon.
Ang aral ay: Maraming bagay na hindi natin makokontrol sa buhay, maganda o pangit man ang kalabasan nito. Ang mahalaga ay matuto tayo sa mga pangyayari ito at hindi mawalan ng tiwala sa sarili natin. Dahil ito ay ang nagpapalakas sa atin at nag bibigay sa atin ng "growth" bilang tao.
AC - Br. Solomon
Hindi ko ginusto ito.
Hindi ko ginusto na mawalan ng maraming pagkakataon dahil sa aking takot/kaba.
Hindi ko ginusto na bumagsak sa pagsusulit kahit na alam ko na pinag-igihan ko ang pag-aaral.
Hindi ko ginusto na may mga pagkakataon na talagang nawalan ako ng motibasyon sa aking buhay.
Hindi ko ginusto na naubusan ako ng oras para sa aking pamilya at mga pinakamamahal na kaibigan.
Hindi ko ginusto na naging malumay ang aming huling pasko dahil sa isang pangyayaring mababalaghan.
Hindi ko ginusto ito. Hindi ko ginusto maubusan ng oras para sa aking pinakamamahal na pamilya at kaibigan. Hindi ko inaasahan ang pagkakaroon ng ganitong sitwasyon kung saan ang atensyon ko ay nagsasakripisyo para sa mga gawain at obligasyon tulad ng mga takdang aralin ko. Habang nakapokus ako sa pag-aaral ko at sa sarili ko, mas lumalayo sila. Nadudurog ang puso ko na makitang humihina ang relasyon namin dahil sa priorities ko. May panahon na nangungulila ako na yung mga panahong nagtatawanan tayo ng walang pag-aalala. Ikinalulungkot ko na hinayaan kong gambalain ang aking mga pangarap sa mahalagang relasyon sa aking buhay.
Ang aral ay huwag matakot na maging hindi magaling sa isang bahay na hindi mo pa talaga alam. Gayunpaman, napatanto ko kung paano ko hinaharap ang mga problema na dumating sa akin at kung paano ko malalagpasan ang mga hadlang na iyon. Natutunan ko rin na mahalaga ang pagtanggap sa mga pangyayari na hindi natin kontrolado at pagtanggap sa sarili sa kabila ng mga pagkakamali at pagkatalo.
code name:butterflies (2 am ver.)
Hindi ko ginusto ito.
Tuwing kailangan ko maghanda para sa mga pagsusulit at gawain hindi ko ginusto na mawalan ako ng motibasyon at tamadin tuwing sisimulan ko ito. Simula ng matapos ang unang semester nawalan na ako ng motibasyon at madalas na nararamdaman na mag pahinga na lang at nagkakaroon ng ‘mental blocks’. Tinanggap ko na lang sa sarili ko na ako ay babagsak o papasa lang sa mga pagsusulit at gawain dahil wala na akong inspirasyon at motibasyon para dito. Ngunit napagtanto ko na hindi ko dapat isakripisyo ang pahinga na kailangan ko. Gaya ng sabi ng Stray Kids sa kantang ‘Grow Up’ “If you fall back a little, just rest,”.
hihihihihihhiihihihihihiihiiiii
Hindi ko ginusto ito.
Hindi ko ginusto na mahihiway ako sa aking mga magulang ng limang araw para lang sa aking eskwelahan. Dahil dito, ako ay mag-isa lamang sa aking condo. Sa una, ako ay nahirapan dahil walang tumutulong sa akin. Ngunit habang sa tumagal ang panahon, nakaya ko din ito at hindi na ako masyadong nakadepende sa aking mga magulang. Marunong na din ako magbayad ng mga bayarin.
Ang aral ay: Kailangan na marunong kang tumayo ng mag-isa. Dadating ang araw na mawawala din ang ating mga magulang. Mahirap maging mag-isa pero kailangan din ito maranasan ng isang tao para maging "independent" sila.
ang beer na to o ang pag-ibig mo
Hindi ko ginusto ito.
Hindi ko ginusto na mawalay sa aking matatalik na kaibigan ngayong SHS. Masakit sa aking damdamin na ngayong senior high school ay magkakahiwalay na kami ng eskuwelahan ng aking mabubuting kaibigan. Ayaw kong isipin na matapos ang isang dekada ay hindi ko na sila makikita sa pang-araw-araw kaya sa halip, iisipin ko ang pagwawalay na ito bilang isang malaking hakbang sa aking buhay. Sa pamamagitan nito, mas matututo akong tumayo mag-isa sa buhay habang lumilipas ang panahon.
Ang aral ay:  Ang mga tao sa ating paligid ay hindi palaging nariyan sa ating tabi kaya't kung nanaisin ay maging isang matatag akong tao na kayang lumutas ng bawat problemang aking haharapin.
Hindi ko ginusto ito.
Hindi ko ginusto na masyado kong pinepressure ang aking sarili na maging magaling sa lahat ng aking ginagawa dahil mayroon itong negatibong epekto sa akin. Katulad na lamang ng pagkawala ng motibasyon ko sa aking mga ginagawa dahil sa kaisipan na gusto ko na lang ito matapos. Ngunit, hindi dapat ito maging hadlang sa aking buhay, sapagkat ang buhay ay puno ng iba't ibang pangyayari o pagsubok na tutulong sa atin upang maging isang mabuting tao. Hindi karera ang buhay, lahat ng ating pinagdadaanan ay may katumbas na aral na makakatulong sa ating pag-unlad bilang isang tao. Marami pa tayong pagdadaanan kaya't dapat natin gawin itong motibasyon upang mas magpursige sa buhay.
Ang aral ay: Huwag matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.
kabibi
Hindi ko ginusto ito.
Hindi ko ginusto na hindi ko makamit ang aking mga pangarap balang araw.
Bilang isang estudyante, madami tayong nararanasan araw araw at gabi gabi. Madaming school works, pagsusulit, exams, at iba pa. At kahit gaano ako kasipag magaral, minsan ay nakakatanggap padin ako ng mga mabababang grado. Mahirap man harapin ngunit kailangan ko ito tanggapin at palampasin. Kaya ang ginagawa ko sa ngayon ay magaral at bumangon muli upang makamit ang aking mga pangarap. Mabagal man ang proseso pero sana ay maging matagumpay ito at mapasaya ko ang aking mga mahal sa buhay.
Ang aral: Huwag matakot, huwag paghihinaan ng loob, at maging masipag upang makamit ang iyong pangarap o mga gustong gawin sa buhay.
Jon Nyc C. Puray
Hindi ko ginusto na magkaroon ng mababang marka dahil sa kakulangan sa pag-aaral. Napansin ko sa unang bahagi ng pasukan ng HSI, palagi kong namamaliit ang lebel ng kahirapan ng bawat pagsusulit. Ako lamang ay nag-aaral sa mismong gabi bago ang nakatakdang araw ng pagsusulit. Kaya naman, noong makakuha ng mababang marka, lubos na aking pinagsisihan ang aking kakulangan sa pag-aaral. Matapos ang pangyayari, sinikap ko na maglaan ng oras sa pag-aaral, ilang araw bago ang takdang petsa ng pagsusulit. Natutunan ko na dapat maging handa palagi, kahit pa man ito ay mga maliliit na bagay.
qwerty
Hindi ko ginusto ito.
1. Hindi ko ginusto magkaroon ng mababang marka sa isang asignatura. Ito ay nangyari dahil nahirapan akong intindihin ang mga paksa na itinuro. Pero, dahil dito, natutunan ko na kung sa pagkakataon na nahihirapan ako sa asignatura, mas magana na ako ay mag-tanong na lamang sa aking guro o kaya naman sa isa sa mga aking kaklase upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa paksang kinahihirapan ko.
2. Hindi ko ginusto na magkaroon ng mga "late" o kaya "missing" na mga takdang-aralin sa aming Canvas LMS. Ngunit kung minsan ay nangyayari ito dahil sa karamihan ng mga ipinpapagawa na mga takdang-aralin ng aming mga guro. Pero, bakit nga ba ayaw ko magkaroon ng mga "late" o kaya "missing"? Ito ay dahil naniniwala ako na ang pagaaral ng mabuti ang isang paraan upang makabawi sa mga sakripisyo na ginawa ng mga magulang ko para sa akin.
3. Hindi ko ginusto na mawalan ako ng oras para sa aking pamilya at gayon na rin para sa aking sarili dahil lamang sa paga-aral. Ito ay kung minsan ay nangyayari dahil muli sa karamihan ng mga takdang-aralin na ibinibigay sa amin. Kaya nagkakaroon ng mga pagkakataon na mas inu-una ko na tapusin ang mga ito sa halip na sumama sa aking pamilya sa kanilang mga gala. Dahil dito, naisipan ko na simulan ko na ayusin ko ang aking oras sa pamamagitan ng "time-blocking" upang mabigyan ko ng oras pareho ang aking pamilya at ang aking paga-aral.
4. Hindi ko ginusto na magpuyat at hindi matulog para lamang makapag-tapos sa ginagawa sa eskuwelahan. Katulad ng aking karanasan sa #3, kung minsan ay imbes na ako ay matulog, napagde-desisyonan ko na ako nalang ay magpupuyat upang makatapos sa aking mga gawain sa eskuwelahan. Kung minsan, ito ay nagiging sanhi ng aking pagka-antok at pagkasama ng pakiramdam. Dahil sa karanasang ito, napagtanto ko na tulad lamang ng #3, ako ay gumamit ng "time system" upang mas maayos ang pag-gamit ko sa aking oras.
5. Hindi ko ginusto na maubusan ako ng budget para sa isang linggo dahil sa aking ugali na mag-"impulse-buy" ng mga bagay na hindi ko naman ganoon kailangan. Isang beses ay naranasan ko ito dahil nagsimula na magkaroon ng mga masasarap na tinda sa Green Square, noong nalaman ko ito, nakisama ako sa aking mga kaibigan at kami ay kumain ng mga paninda, ngunit, agad akong naubusan ng budget para sa linggong iyon. Dahil dito, natutunan ko na imbes na ako ay gumastos ng gumastos, mas maganda na ako ay budget ng maayos upang hindi maubusan ng pera at magkaroon pa rin ng natitirang pera pagkatapos ng isang linggo.
Ang aral ay: Huwang matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam — dahil tayo ay mga estudyante pa lamang, tayo ay nasa panahon na possible tayong magkaroon ng mga pagkakamali, lalo na kung ang ginagawa natin ay hindi pa natin nararanasan o kaya hindi pa tayo ganoon marunong — kaya muli, huwag tayong matakot sa mga bagong mga karanasan, at kung sa pagkakataon na tayo ay magkamali, kunin na lamang natin ang aral sa mga pangyayaring iyon upang maging mas marunong sa kinabukasan.
Hindi ko ginusto. hehehe
Hindi ko ginusto na nangyari to sakin. Hindi ko ginusto na magkamali ako sa mga bagay-bagay na dahil dito bumaba ang tingin sa akin ng mga tao. Yung tipong nasira at nabura ang pinagkakaingat ingatan kong reputasyon at dahil sa ilang mga pagkakamali ay nasira na ito. Kahit man ganon, pinipilit ko na maging isang mabuting anak at isang tao. Pinapanalangin ko na maintindihan sana ako ng mga tao at pinapanalangin ko rin ang mga taong may malaking dagok ngayon na sana malagpasan nila ang mga problema nila dahil ang naniniwala ako sa aral na “Ang problema ay dinadaanan lamang at hindi tinatambayan.”.
Ang aral
Tam Bai Saccanto
Maaaring magbahagi ng isang karanasan o pangyayari sa iyong buhay.
Hindi ko ginusto ito.
Hindi ko ginusto ang pagsuko ko sa paglalaro ng chess. Noong panahon na wala pa tayong pandemya, ayaw na ayaw kong maglaro ng chess dahil hindi ko alam kung maaaring gumaling pa ako rito. Ngunit pinatuloy kong sumali sa mga paligsahan at makipaglaro sa mga kaklase ko. Manalo man o matalo, nakita ko noon na may potensyal akong gumaling pa lalo. Kaya’t hanggang ngayon pinapabuti ko ito.
Ang aral ay: Huwang matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.
nab
Hindi ko ginusto ito:
Medyo hindi ako masipag o mahusay sa pag-aaral, lalo na sa mga major subjects. Ang mga kaibigan ko naman ay mga honors o malapit na maging honors. At, ang naging resulta sa akin ay bumaba ang self-esteem ko dahil sa inggit. Pero sa wakas, minamanage ko parin, dahil sa suportahan na galing sa mga kaibigan ko. Inaccept nila ako kahit hindi ako perpekto.
Ang aral ay: Huwang matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.
izcy
Hindi ko ginusto ito. Hindi ko ginusto na maubos oras ko dahil sa pag aaral at dahil doon hindi ko na nagagawa ang mga bagay na gusto kong gawin. Lalo na sa mabilis na sistema ng paaralang ito, mahirap makipagsabayan sa lahat ng mga materyales na ibinigay sa amin at panatilihin pa rin ang aking personal, sosyal, at akademikong buhay. Araw-araw, pag uwi ko, gumawa agad ako ng mga takdang aralin at mag aral sa mga susunod na paksa para lang maiwasang mabigo at maiwan. Malaki ang epekto nito sa pagtingin ko sa aking sarili dahil napagtanto ko na ginagawa ko ito dahil marahil ay hindi ako naging sapat. Mayroong maraming beses kung saan gumanap ako nang mas mababa sa aking inaasahan at hindi nasisiyahan sa mga resulta na aking ginagawa.
Ang aral ay huwag matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa talaga alam. Dahil lahat tayo may karanasan na hindi tayo nasisiyahan sa resulta dahil tayo ay natututo palang sa mga bagay bagay. Hindi palagi na magaling agad tayo sa isang bagay at minsan kailangan pa natin dumaan sa maraming paghihiral upang makuha ang resulta na gusto natin. Ang importante ay hindi sumuko at tumuloy tuloy padin kahit anong mangyari kasi makukuha mo rin ito sa dulo.
Hindi ko ginusto.
Hindi ko ginusto na sayangin ang oras ko sa ibang bagay. Dahil, marami akong mga bagay na hindi napuntahan at naranasan kasama ang mga kaibigan ko.  Hindi ko ginusto sayangin ang oras ko dahil, sayang ang mga opportunidad na nabigay sakin.  Huli ko na nalaman ang kahalagahan ng oras at paano gamtin ng tama ang oras na binibigay sakin.
Nasasayang ang oras ko sa mga ibang bagay na dapat hindi bigyan ng oras.
Ang aral ay:
Huwag mag sayang ng oras sa mga bagay na walang benepsiyo kapag binigyan ito ng oras. Dapat ay, bigyan ng oras ang mga bagay at tao na nakakatulong sayo at nakakabuti sayo.
Hindi ko ginusto ito
Hindi ko ginustong mahirapan sa buhay na pinagkaloob sa akin. Panibagong araw ay may panibagong problema. Araw-araw ako nag hahanap ng motibasyon upang harapin ang hamon ng buhay. May mga araw na napapaisip ako kung lalaban pa ba ako? hahanapan ko ba ng solusyon? o tutunganga na lang at hayaan na lang ang problema. Sa kabila ng lahat, mas pinipili kong harapin ang hamon sa araw-araw. Hindi ko hinahayaang lamunin ako ng mga problema na nasa paligid ko. Binabalanse ko ang aking mga tungkulin sa pamilya at sa paaraan, at ang libangin ang aking sarili upang magbigay lakas sa akin upang harapin ang mga hamon na aking kinakaharap. Masyado pang maaga para sumuko sa buhay. Tayo'y mga bata pa at mas may matututunan pa tayo sa ating paglalakbay sa buhay habang tumatanda.
Huwag kang matakot na hibdi maging magaling sa mga bagay na hindi mo pa namn talaga alam.
buhok
Hindi ko ginusto ang ganitong buhay, wala namang bata ang nais na mamuhay ng ganito. Hirap kumilos dahil hindi niya naman sariling bahay ang tinitirahan niya. Madami ang "say" ng mga tao sa bawat kilos na iyong gagawin o nagawa na. Natatakot na akong kumilos at mag-kamali sa mata nilang lahat pero wala naman akong magagawa dahil ang aral ay huwang matakot na maging hindi magaling sa isang o ibang bagay na hindi mo pa naman talaga alam. Hindi natin kailangang matakot na magkamali, dahil sa ating paglaki, may natututunan tayong bago araw-araw. Bahagi ito ng ating paglaki, paggawa ng mga pagkakamali at pagkatuto mula sa kanila. Ano man ang sabihin ng iba, kung maganda naman o alam mo naman sa iyong sarili na may mabuting patutunguhan iyan, wag kang matakot sa kanila.
BANANA🙂‍↔️
“Hindi ko ginusto ito”
Noong ako ay nasa ‘junior high school’ pa, mayroon akong boyfriend, kahit na ipinagbawal ang magkaroon ng relasyon. Kahit ganito, hindi ko pinatigil ang aming relasyon. Nang lumapit na ang araw ng aking pagtatapos, natuklasan ng aking mga magulang ang tungkol sa aming relasyon. Gusto nila kaming paghiwalayin, ngunit nagsinungaling ako at pinaniwala sila na kami ay hiwalay na. Ngayon na ako ay nasa ‘senior high school’ na, nakausap ko siya muli. Hindi ako gusto ng pamilya niya dahil sa tingin nila hindi ko siya tinatrato ng tama. Sa pagmumuni-muni ko, napagtanto ko na ang nararamdaman ko para sa kanya ay hindi pag-ibig; ito ay lamang isang damdamin na nagtulak sa akin na ibalik ang pag mamahal na kanyang ibinibigay dahil akala ko ay kaya ko, sa una pa lamang hindi ako sigurado. Tama ang mga magulang niya; hindi ako ang nararapat para sa kanya. Kaya't itinulak ko siya palayo, kahit na nais niyang magkasundo kami muli ng ilang beses. Sobrang nasaktan ko siya at ipinaramdam sa kanya na siya ay nag-aaksaya lamang ng oras sa akin. Hindi ko nais na saktan siya o itaboy siya, ngunit naniniwala ako na nararapat niyang makasama ang isang taong magmamahal sa kanya nang tunay at magbabalik ng kanyang pagmamahal ng buong katapatan. Sa mga pangyayaring ito, natutunan ko na hindi dapat pumasok sa isang sitwasyon o relasyon kung hindi ka sigurado dahil magdudulot ito ng sakit sa ibang tao. Bago magmahal ng iba, mahalin mo muna ang iyong sarili sapagkat hindi mo mabibigyan ng tunay na pag-ibig kung hindi mo alam kung ano ito, at kung hindi mo minamahal ang iyong sarili.
Catherine Anne R. Ramirez
Hindi ko ginusto ito.
Hindi ko ginusto na nawawalan ako ng gana kumilos kahit gusto kong maitupad ang aking mga hiling. Matagal ko na nararamdaman ito. Simula noong pandemya, halos wala na akong motibasyon itupad ang mga libangan ko kahit na marami akong oras kayang gawin ang mga iyon. Buti nalang, nakita at natulungan agad ako ng nanay ko at muling naganyak niya ako halagahan ang oras na meron ako. Paunti-unti, sa tulong ng gabay ng aking nanay, sumikap akong talagang tuparin at bigyan ng oras ang iba’t ibang hiling ko sa buhay. Dahil sa gawang-loob na gusto ko rin umayos at tinanggap ang taimtim na tulong ng aking nanay, lalo akong umunlad bilang tao.
Ang aral ay: Huwag matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.
leo :))
Hindi ko ginusto ang pakiramdam na babaan ang aking potensyal at kakayahan para lamang pumantay sa iba. Ang pangit sa pakiramdam na kailangan ko pang isipin ang iniisip ng iba na nagdulot sa pagpipigil na ilabas ang kaibahan na mayroon ako. Bata pa lamang ako ay puno na ako ng ideya kung kaya’t lagi akong nasasabihan na ako ay sobra o masyado na. Dahil ako ay bata pa lamang sa panahong iyon, malaki ang naging epekto nito sa akin nang hindi ko namamalayan ay dala-dala ko na sa aking paglaki. Kaya ngayon, lahat ng gusto kong ipahayag o ibahagi ang pagiging malikhain tulad ng pagdadamit, personalidad, at talino ay nahahadlangan ito sa katakutan na makarinig ng negatibo mula sa ibang tao bunga ng karanasan sa aking pagkabata.
ARAL:
Dahil ang buhay ay limitado lamang, huwag kong sayangin ang oras na umupo lamang at hayaan na lumaki ang nakaugat na sakit. Kundi, unahin ko munang pagalingin ang aking ‘childhood trauma’ upang ako ay makapunta sa susunod na kabanata nang walang hinanakit sa sarili. At higit sa lahat, dapat kong matutunan ipokus ang sarili at huwag madala sa sinasabi ng ibang tao.
jayjay
hindi ko ginusto ito...
hindi ko gusto na hindi ako tatanggapin ng pinapangarap kong unibersidad.
Hindi ko gusto na ma-miss ang pagkakataon na tuparin ang aking pangarap na bokasyon/ooccupasyon.
Hindi ko gusto na biguin ang sarili ko sa hinaharap na lagi kong pinangarap para sa sarili ko.
Ang aral dito ay kailangan kong magsikap nang husto upang hindi ako mabigo sa hinaharap. Hindi na maaaring ibalik ang oras kapag napunta ka na sa maling daan at nababalot ng pagsisisi. Kaya't laging gawin ang pinakamahusay na magagawa ngayon  (sana😔) at magkakaroon ka ng mas kaunting pagsisisi, o mas mabuti pa, wala sa hinaharap.