(1)Pagbabahagi: Ibigay ang sarili! by

Sa kasalukuyan, ang pagtaas ng bilihin ang isa sa mga problemang hinaharap natin ngayon. Tayo'y nasasanay na gumamit ng ibang pandagdag lasa na puwedeng ipamalit sa mga ito o minsan naman ay ating kinukuntian. Madalas din sa atin ang nahihirapan magkasya ng budget sa pang-araw-araw na pangangailangan dahil sa taas ng bilihin. Dahil dito, pinapaalala sa atin ng Diyos na hindi niya tayo pababayaang magutom sapagkat tayo ay kaniyang gagabayan at tutulungan upang malampasan ang pagsubok na ito sa ating mga buhay. Patuloy lang tayo magsumikap at huwag sumuko sa araw-araw.

(Castillo - S11-14)

Pahirap na nang pahirap ang buhay ng mga tao sa ngayon sapagkat sa bawat taas ng presyo ng mga bilihin ay hindi naman nataas ang sahod ng mga mamamayan. Ngunit ano ba magagawa natin? Kahit ano mang galit natin ay hindi naman ito natutupad kaya't tayo nalang ang nag-aadjust. Imbes na ang mamahalin ang ating bilhin, tayo ay naghahanap ng pamalit dito. Ganto naman tayong mga tao kahit ang laki na ng ating problem ay tayo ay nalaban paden. Tayo ay nagpapatuloy kahit tayo'y nahihirapan na sapagkat ito ang pinaka-importanteng aspeto ng mga tao, ang kanilang kagustuhang mabuhay.

(Ona-S11-14)

Sarmiento_S11-12
Sa iba't ibang aspeto ng buhay, lagi tayong makakaranas at makakaharap ng hirap at problema. Katulad na lamang ngayon, napakalinaw sa ating mga mata ang mga pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin, kung kaya't huwag tayong mawalan ng pag-asa upang gumawa ng solusyon. Bilang isang Lasalyano, dahil nagmamahalan na ang presyo ng mga bilihin ngayon, huwag na tayong sumabay pa rito. Isang magandang paraan bilang isang batang mag-aaral, tayo'y magtipid at bawasan ang mga gastusin na hindi naman kailangan. Dahil rito makakatulong tayo sa ating mga magulang sa pagbili nila ng ating mga pangangailan. Gayundin, nagagawan natin ng paraan upang maging responsableng mamayanan. At dahil dito, mula sa salita ng Diyos, kahit ano mang pagsubok ang kinahaharap ng ating pamayanan, lagi natin itong unawaan. Sapagkat, meron isang magandang dahilan kung bakit ito nangyayari at gayundin makakatulong rin ito sa atin upang lumago ang ating bansa.

Castaños_S11-13
Base sa pinanood kong bidyo, ang karanasan ngayon ng mga tao ay tumataas ang mga presyo ng bilihin o tinaawag nating "inflation". Ang tumatak sa akin ay marami sa atin, lalo na sa mga mahihirap, ay naghahanap ng mga pamalit na produkto para idagdag lamang ang lasa ng kanilang pagkain. Kahit wala na ako magagawa sa isyu na ito, pwede ko naman ito labanan sa pamamagitan ng pagtitipid at pagtitigil sa pagagastos sa mga produkto na hindi nangangailangan. Sa totoo lang, may mga produkto na tumaas ang presyo pero hindi bumabago ang kalidad nito. Kaya susuriin ko muna ang kalidad ng produkto bago ko bilhin ito. Hindi lamang ito nakakatipid sa gastos kundi makikinabang ito sa akin sa mahabang panahon. Sa kasalukuyan kung saan gumuguho ang mundo, nais iparating sa akin ng Diyos na huwag mangamba at matakot sa mga problema na hinaharap ko. Mula sa mga kabiguan at pagkakamali ng aking ginawa, may matutuhan pa rin ako ukol sa pagbubuti sa aking sarili at harapin ang aking mga problema nang may kumpiyansa.

Dela Cruz, J._S11-13
Mula sa aking napanood na bidyo, makikita ang konsepto at epekto ng inflation hindi lamang sa mga mambibili kung hindi pati na rin sa mga nagbebenta ng iba't-ibang bilihin. Kahit totoong may inflation na nagaganap, mayroon pa ring mga taong sinasamantala ang mga ganitong sitwasyon katulad ng mga patuloy pa rin ang sobrang pagpatong sa mga bilihin. Bilang isang Lasalyanong mag-aaral, sa tingin ko ay ang magagawa ko upang maging bahagi ng solusyong ito ay ang pagiging matalino ko sa paggastos ng aking pera. Kung ako rin mabibigyan ng oportunidad na makapagbenta ng mga bagay-bagay, pipiliin kong maging maunawain sa mga mambibili.

Sa kasalukuyang panahon, patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, na nagdudulot ng hirap lalo na sa mga karaniwang mamamayan. Kaya para sa akin, ang pinakamahalaga na solusyon ay maging maingat at madiskarte sa paggastos. Naniniwala rin ako na hindi imposible ang mga bagay basta't determinado tayo at may nalig sa Diyos. Bagkus, Siya lang ang magbibigay sa atin ng lakas at gabay sa bawat pagsubok na ating haharapin.

(Aquino - S11-17)

Sa panahon ngayon, maraming tao sa ating bansa ang nakakaranas ng mga problema tulad ng mataas na halaga ng mga pangangailangan. Ang mga problemang ito ay napakalaking isyu dahil kapag mataas ang gastos, hindi lahat ay makakapag-adjust at makakabili ng mga produktong ito. Ang ilang mga tao ay halos hindi kayang bayaran ang kanilang mga pangangailangan, ano pa kung ang gastos ay tumaas. Para sa akin, isang solusyon sa problemang ito ay maaaring subukan ng mga tao na matutunan kung alin sa mga bagay na kanilang binibili ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan upang magkaroon sila ng badyet at malaman kung aling mga bagay ang mas kailangan nila.

Alday - S11-14

Raymundo, AR_S11-10
Matapos mapanood ang bidyo, ang pagkakaroon ng mataas na 'inflation' ang tumatatak bilang bahagi ng ating buhay. Ito ay nagpapapigil sa atin na bilhin ang mga kinakailangan at kailangan nating gumamit ng mga alternatibo para lang makuha ang kailangan natin. Nilalabanan ko ang mga pagsubok sa kasalukuyang panahon dulot ng pagtaas ng bilihin sa pamamagitan ng pagbili lamang ng aking kinakailangan. Ako rin ay natuto din akong magtipid kung magkano ang mayroon ako at naghahanap ako ng mga tindahan na nagbebenta ng parehong produkto sa murang presyo. Base sa salita ng Diyos sa libro ng Isaias, bersong 41:10, ang mensaheng gusto niya iparating sa akin ay lagi siyang nasa tabi ko at kung may mga problema akong dadaanan, ay hindi ako mag-aalala sapagkat tutulungan niya ako malagpasan ito.

Sagot
Ang pagtaas ng bilihin ay isang mabigat na pasanin para sa karaniwang Pilipino. Makikita na apektado ng matataas na mga presyo ang parehong mamimili at mga nagtitinda. Sa ngayon, dahil sa nagagastos sa pag-iimpak at pagbebenta ng sibuyas, halos imposible nang masunod ng mga vendor ang SRP na nakasaad sa batas. Bilang mga konsyumer, mahalagang maging matalino sa pagbili at huwag hayaang malamangan ang ating mga sarili sa mga ganitong sitwasyon. Bumili lamang ng tama at sapat upang walang masayang sa kahit anong bilihin.

Francisco (s11-11)

Benjamin, GJ_S11-10
Sa bideo na aking napanood, aking naobserbahan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihen kagaya ng sibuyas. Ito naman ay karaniwan ngyayari sapagkat nagbabago ang systema sa mga bilihen. ngunit sa huli ang mga tao ay laging nakakahanap ng mga paraan upang makayanan ang mga hadlang kagaya ng mga ito. Bilang isang mamamayan na nakaranas ng ganitong pangyayari, ang aking magagawa dito ay humanap ng alternatibo at magsikap na unahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan. Ayon sa salita ng Panginoon na bibliya, Isaias bersong 41:10, ang pinaparating ng mensahe na dapat natin itaas sa Diyos lahat ng ating mga pagsubok at nararamdaman sapagkat siya ay may plano para saatin. Laging may paraan.

May malaking epekto ang pagtaas ng bilihin lalong lalo na sa mga mahihirap na Pilipino. Apektado ang mga nabili at ang mga nagtitinda. Upang malabanan ito, dapat mas may kamalayan tayo sa mga iba't ibang mga produkto. Marami na kasing mga produkto na parehas naman ang layunin, kaya dapat tingnan natin kung alin ba ang mas mura upang makatipid tayo.

Hernandez, Rhianne_S11-14

Batay sa bidyo, pokus nito ang isyu sa inflation. Ang mensaheng nais nitong iparating ay sa patuloy na pagdaloy ng panahon, ay ang patuloy rin na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ito ay isa sa mga problema na dapat tutukan ng publiko subalit maraming mamamayan ang naapektuhan ng kahirapan. Dahil dito, ang suhestiyon kong maaring maging solusyon ay maging responsable sa mga kinakailangang bilhin. Maging mapanuri sa halaga ng mga ito upang maiwasan ang paggastos ng malaking pera. Ito ay isa sa mga gawain ng isang responsableng mamimili. Bilang isang mamamayang Pilipino, ating pagtuonang-pansin ang ating mga karapatan at magtulungan upang malutas ang nasabing isyu. (Dimayuga, MA - S11-14)

Sa panahon ngayon, hindi na natin maiiwasan ang pagtaas ng bilihin. Kaya't tayong mga mamamayan ay humahanap ng paraan sa kung paano natin mairaraos ang ating pang-araw-araw na pamumuhay. Kadalasan ay bumibili tayo nang mas kaunti o kaya naman ay humahanap ng alternatibo para rito. Para naman sa Isaias 41:10, sa palagay ko ang nais iparating nito ay sa lahat ng pagkakaton, kapiling natin ang Diyos at nararansan natin ang mga problemang ating kinahaharap dahil alam n'yang kaya natin itong malampasan at magiging gabay ito upang tayo ay mas lalong maging matatag.                                                                                                                        Gonzales, K. S11-14

Cuevas, Lemuel John A.
Ang inflation ay isang konsepto at inaasahan na hindi gaanong naiiba sa mga hindi kayang bayaran ang ibang bagay. Kahit na may potensyal na implasyon, mayroon pa ring ilang mga tao na naniniwala na ang kasalukuyang kalagayan ng mga gawain ay hindi pa rin masama tulad ng dati. Ang pagiging matalino ko sa paggastos ng aking pera ay isang Lasalyanong mag-aaral, pero sa tingin ko ay ang magagawa ko upang maging bahagi ng solusyong ito.

Sa panahon ngayon, hindi na natin maiiwasan ang pagtaas presyo ng mga bilihin, ngunit may mga paraan upang tayo'y makatipid at makadiskarte. Maaari tayo na magtipid ng mga gamit tulad ng pagkain at sumoporta ng mga lokal na tindahan para kahit papaano makatulong tayo sa ating kapwa at mainam na tayo ay magtanim ng mga prutas at gulay sa ating bahay upang makaiwas ng gastos.

Merquita S11-11

Sa bawat taon na lumilipas, patuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng iba't ibang bilihin. Kinakailangan ng ating bansa, lalo na tayong mga mamamayan, na maghanap ng paraan upang malabanan ang inflation. Hindi lahat ng tao ay may kaya para makasabay sa pagtaas ng presyo, at dahil niyan, kailangan natin maging maingat sa paggastos. Maaari tayo maghanap ng mas mura o maayos na alternative sa mga bagay na mahal. Ipinapaalala ng bersong Isaias 41:10 na ang nararanasan natin na mga problema ay hindi permanente, ang ating kinahaharap ay malalampasan at tayo'y lalakas sa hadlang na ito.

(Macaraig - S11-14)

Patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Habang gumagawa ng paraan ang ating gobyerno para sa problemang ito, dapat tayo matutong maging matipid at madiskarte upang makausad sa buhay.

Guico - S11-14

Alcantara_Genesis Mel O. S11-14
Batay sa bidyo na aking pinanood, ang naging pokus nito ay ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin o inflation. Hindi maiiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sapagkat nagkukulang na tayo sa mga resources. Matindi ang epekto nito sa mga mamamayan. Ngunit kahit papaano, ay may mga pagbabago naman, bumabangon parin ang mga mamamayan, kumakayod sa pagtrabaho, upang mapunan ang mga pangangailangan. Sa tingin ko naman, ang nais iparating ng "Isaias 41:10" May mga pagsubok talaga ang buhay, ito ay ay kailangan upang tayo ay lumago, at wala tayo dapat ikatakot, dahil maniwala ka lamang, dahil nandyan ang Panginoon.

Batay sa nanood kong bidyo, nakita ko na may problema na biglang dumating sa ating agrikultura, at naapekto nito ng maraming tao sa iba't-ibang paraan. Dapat natin magsuporta ang lokal na negosyo kaysa sa tayo ay palaging inaasahan sa mga i-export ng ibang bansa. (Sangalang F.N - S11-13)

Rivera, Sebastian Reese A S11-17
Batay sa bidyo, pokus nito ang isyu sa inflation. Ang mensaheng nais nitong iparating ay sa patuloy na pagdaloy ng panahon, ay ang patuloy rin na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ito ay isa sa mga problema na dapat tutukan ng publiko subalit maraming mamamayan ang naapektuhan ng kahirapan. Dahil dito, ang suhestiyon kong maaring maging solusyon ay maging responsable sa mga kinakailangang bilhin. Maging mapanuri sa halaga ng mga ito upang maiwasan ang paggastos ng malaking pera. Ito ay isa sa mga gawain ng isang responsableng mamimili. Bilang isang mamamayang Pilipino, ating pagtuonang-pansin ang ating mga karapatan at magtulungan upang malutas ang nasabing isyu

Ang katotohanan na ating hinaharap sa panahong kasalukuyan ay pataas ng pataas ang presyo ng mga bilihin na hindi nakatutulong sa kalagayan ng masa. Tila ang masa ay nakulong sa isang gulong ng pagdusa na walang katapusan, na lalong pinababagal ang ikot ng mga taong makapangyarihan. Ang masa na dapat ipinaglalaban ay ipinaubaya na sa walang katapusang impyerno ng kahirapan, habang ang mga nasa itaas ay hindi makapagbahagi ni isang patak ng ginhawa sa mga namimiligro, paano na ang ating bansa at ang kinabukasan nito. Ngunit sa pamamagitan ng salita ng Diyos sa libro ni Isaias kabanata 41 talata 10 ang nagsasabing pansamantala lamang ang pagdurusang ito, at pawang gawa ng tao at maka mundo lamang, ang tunay na ginhawa ay hindi makakamit sa lupa kundi sa langit na gantimpala.

Omana, S11-14

Sagot
Ang pagtaas ng presyo ng sibuyas ay isang malaking problema hindi lamang para sa mga konsyumer kundi pati na rin sa mga nag titinda. Masasabi natin na ang pagtaas ng presyo ay tunay na may malaking epekto sa ating pamumuhay kung kaya’t bilang mga mamamili mahalagang tayo ay maging matalino sa pagbili. Bilang mga mamimili, tayo ay dapat marunong bumili lamang ng sapat sa ating kailangan upang walang masayang.

Moog (S11-11)

Mendoza_Shaun Jiro D. S11-10
Mula sa panoorin, nakikita dito na ang isyu ng pagtaas ng presyo sa mga sibuyas ay nakikita. Hindi lang ito, marami na din na ibang bagay ang pataas ng pataas ang presyo. Kagaya na nito ang pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pa. Sumasalamin ito sa mga isyung panlipunan dahil ang isyu ng inflation ay nagbibigay hirap sa mga Pilipino lalo na sa mga mahihirap. Isang suhestiyon na aking maaring mailahad ay dapat tayo, mga Pilipino ay dapat maging responsable sa ating mga pinamimili. Dapat iniisip muna natin kung, kailangan ba ito? Magagamit ko ba ito ng matagalan? Marami pang ibang maaring maisagawa na tanong ngunit, ito ang mga importanteng kailangang bigyang pansin. Hinggil dito, aking maisasabi na ang Diyos ay hindi tayo iiwanan. Mula sa Philippians 4:19, "But my God shall supply all your need according to his riches in glory by Christ Jesus". Hindi tayo iiwanan ng Diyos dahil tayo'y kanyang minamahal. Ating laging kasama siya sa mga hirap at saya at lagi niya tayong proprotektahan at bibigyan niya tayo ng sapat na kakailanganin araw araw hindi lang sa pysical na aspekto, pero sa ating pananampalataya sa kanya bilang anak niya.

Makikita sa bidyo na tumaas ang presyo ng sibuyas kaya problemado ang mga mamimili at nagtitinda nito. Maiihalintulad ito sa isang dula sapagkat kasangkapan sa dula ang suliranin na haharapin ng mga karakter. Para sa akin, malalabanan ko ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa pamamagitan ng pagbili lamang ng aking kailangan sa tamang bilang. Tumatak naman sa akin ang direktor bilang elemento ng dula na bahagi ng buhay ng tao dahil alam ko na ito ay ang Diyos. Lahat ng mga pangyayari sa mundo ay naaayon sa plano niya kaya tulad ng mensahe ng Isaias 41:10, magtiwala lamang tayo sa kaniya dahil magiging maayos din ang lahat sa huli.

Libuit, Selena Margareth C.

S11-10

Villamor, Hans Jared M. S11-10
Mula sa pinanood, makikita dito ang isyu ng pagtataas ng presyo ng sibuyas at ang stress na umaabot sa mga mamimili at mambebenta nito. Maaari itong ihambing sa kasangkapan na tunggalian sa mga dula sapagkat lagi nang magkakaroon ng suliranin sa buhay. Sa aking pananaw, malalaban ko ang pagsubok na pagtaas ng presyo sa pamamagitan ng paghanda na at pagbili ng mga aking kinakailangan nang maaga, ngunit kailangan ko isipin na wag sobrahan ang aking pagbili. Para sa akin, nais iparating ng Isaias 41:10 na hindi ko kailangan matakot sa kahit ano mang hinaharap, maging suliranin na aking haharapin nang mag-isa o nang may kasama sapagkat ang Diyos ay bumibigay sa akin ng nararapat kong kalakasan.

Mula sa bidyo na aking napanood, ipinakita ang isa sa mga suliranin ng ating bansa, ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ang pagtaas ng presyo ng sibuyas ay lubhang naka apekto hindi lamang sa mga mamimili kundi sa mga magtitinda rin. Sa aking palagay, mahalaga na mapanatili ang pagiging patas sa merkado  kung saan ang kalidad at pagiging patas ay pinahahalagahan kasama ng affordability.

(Dimayuga,JE-S11-14)

Sa aking pananaw, isa sa mga elemento ng dula na labis na nauugnay sa karanasan ng tao sa kasalukuyan ay ang pakikibaka at paglalaban sa mga hamon ng buhay. Ang pag-akyat ng mga gastos at pagtaas ng presyo ay maaaring maihambing sa mga pagsubok na dinadanas ng mga tauhan sa dula. Sa harap ng mga hamon na ito, mahalaga ang determinasyon at pagtitiwala sa sarili upang malampasan ang mga ito.

Sa pagharap sa mga pagsubok dulot ng pagtaas ng mga bilihin, mahalaga ang pagiging maingat sa pagbabadyet, pagpaplano ng mga gastusin, at paghahanap ng mga paraan upang makatipid. Maaari rin tayong humingi ng tulong mula sa mga kaibigan, pamilya, o organisasyon na maaaring magbigay ng suporta sa atin sa panahong ito.

Sa bersong Isaias 41:10, ipinapaalala sa atin ng Diyos ang kanyang pangako ng pagtulong at pagkalinga sa gitna ng mga pagsubok. Sa pagtitiwala sa kanya at sa pamamagitan ng panalangin at pagtitiyaga, maaari nating madama ang kanyang kapayapaan at lakas na makakatulong sa atin na malampasan ang anumang pagsubok.

Silva, Mary Aerielle V. (S11-12)

Batay sa bidyo na aking napanood, kitang-kita ang 'inflation' o ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa bansa. Kaugnay ng "Isaias 41:10 - Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas," masosolusyunan natin ang problemang ito sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos at pagkakaisa ng mamamayan at pamahalaan sa paghanap ng tamang mga hakbang at polisiya upang malagpasan at walang mapag-iwanang mamamayan.

Matanguihan, Vince L. S11-10
Batay sa pinanood na bidyo ang bilihin tulad ng sibuyas ay patuloy na tumataas ang presyo. Hindi lang ito nakakaapekto ng indibidwal na pamilya kundi ng mga tindahan at karinderya sa tabi ng daan. Maaari natin ito malampasan sa pamamagitan ng pagtangkilik ng produkto mula sa Pilipinas at iwasan ang "Crab Mentality", bukod dito maaari natin maibudget ang ating naiipong pera at iwasan ang pagbili ng hindi kinakailangan ng mga bagay.

Savadera, Nico Angelo R. - S11-14
Mula sa video na aking napanood, isinasaad ang isang mahalagang isyu sa ating bansa, ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ang pagtaas ng presyo ng sibuyas ay lubhang nakakaapekto hindi lamang sa mga mamimili kundi pati na rin sa mga nagtitinda. Sa aking palagay, mahalaga na manatili ang patas na kompetisyon sa merkado kung saan ang kalidad at patas na presyo ay itinuturing na mahalaga, kasama ng kakayahan ng mamimili na makabili.

Catibog, Danielle Ysabel L. (S11-14)
Dahil sa pagbasak ng ekonomiya ng Pilipinas, hindi maiiwasan ang pagtaas ng mga presyo ng iba't ibang bilihin tulad ng sibuyas. Kung ihahalintulad ko ito sa isang dula, para sa akin ay isa itong trahedya sapagkat hindi naman lahat ay may kakayanang mamili ng pagkain. Para masolusyonan ito, maaaring bumili sa mga lokal na magtitinda na maraming tanim ang mga mamamayan o magtanim sila ng kanilang sariling gulay. Sa kabila ng pagsubok na ito, hindi dapat tayo sumuko. Tulad ng sinabi sa Isaias 41:10, kinakailangan lamang na tayo ay manalig sa Panginoon sapagkat hindi Niya tayo pababayaan kahit ano pa man ang mangyari.

Alfonso, Leslie Julianne (S11-14)
Ang isyu ukol sa inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay isa sa mga problema na pinagdadaanan ng mga mamimili at nagtitinda sapagkat ito ay isang paraan kung saan pinagkukunan ng mamamayan ang kanilang pagkain o kaya naman kita. Ang elemento na pinakatumatatak sa akin na masasabing bahagi na ng buhay ng tao ay ang kakayanang umangkop sa anumang sitwasyon ng bansa na kahit man ang mga bilihin ay matataas, naghahanap pa rin ang mga tao ng paraan. Dahil dito, nilalabanan ang mga pagsubok sa kasalukuyang panahon sa paraan ng pagbili ng mga lokal na produkto at matuto magtipid at maging isang responsable na mamimili. Sa aking palagay, ang nais iparating ng Diyos sa libro ni Isaias, kabanata 41:10, kahit gaanong kahirap ang ating pagsubok nararanasan natin, ang Diyos ay may paraan at dapat magkaroon ng tiwala at lakas upang sumikap sa paghihirap.