Timeline ng Laptop by Arjun Charles Jacob Maquiling

Pagsasabuhay at Pagpapakilala
Taglay ng bahaging ito ang pagsasabuhay at 'unboxing' ng isang laptop. Mula sa pagpapakilala ng sarili sa pamamagitan ng pag-gawa ng sarili account, at nagpalit naman ng puwesto dahil ito naman ang magpapakilala at magpapakitang-gilas ng kanyang sarili. Galak na galak pa ang pamilya na makiusisa sa mga taglay nitong abilidad, tulad ng pagiging touch-screen, natutupi ng pabaliktad at pagkakaroon ng fingerprint scanner.

Pagkakaroon ng nakagawian at ang Unang 'All-Nighter'
Sa pagpasok ng bagong semestre, kasama ito sa bagong sistemang nakagawian. Halos magkakatulad lamang ang bawat araw para sa laptop, mabubuksan siya ng alas-siete ng umaga, isasara pagkadating ng alas-onse bago mananghalian. Muli naman silang magkikita ng alas tres, at paulit-ulit lamang ito sa isang linggo. Ngunit, kakaiba ang Huwebes ng gabi dahil tila lampas na sa nakasanayang oras ang pagsasama nila. Nakatulog na sa pagod ang gumagamit, at tila nakaligtaan itong pagpahingain at isantabi. Umpisa pa lamang ito sa napakarami pang 'all-nighter' na pagsasamahan nila.

Laptop sa Kasalukuyan (Kongklusyon)
Isang taon na itong na naninilbihan at kasama mula nang una itong nagpakilala. Bagama't bumabagal paminsan-minsan, patuloy pa rin naman itong lumalaban. Naging taga-hatid ng kaba, saya, pagod at pang-aliw na ito sa araw-araw.

Galak sa unti-unting pagkakaroon nito ng laman
Nang humupa na ang pagkagalak ng lahat, mag-iisang naman itong tinutuklas. Unti-unti nang nagkabuhayt at nagkakalaman dahil nadadagdagan ng kagamitan. Bilang estudyante, nagkaroon ng katuwang ito sa pagdating ng Microsoft Office. Nagpadali naman sa buhay ng touchpad ang pagdating ng wireless mouse at keyboard na mapapagaan ang buhay nito. Unti-unting napupunan ng mga folder ang dating bakante at walang kalaman-laman na desktop.

Unang pasilip ng Virus
Sa kalagitnaan ng pagpapahinga, napadpad ito sa isang website na kataka-taka at napakaraming nagsusulputan na mga pop-up. Kahit ilan nang banta ng ilang aplikasyon sa panganib na maaring dala nito, patuloy lamang ang pag-download sa mga ilegal na pelikula na mula sa torrent na naging daan sa unti-unting pagkakaroon ng virus dito.

Ang Pagbagal at ang Muling Pagbabalik
Sa bahaging ito, tatalakayin ang unti-unting paghina dahil sa pagdami ng mga virus sa laptop at pagpasaayos (o upgrade) dito upang mas maging mabisa. Nagbalik ang dating bilis at galing ito nang madagdagan ang RAM at storage ito na nakatulong upang mas magawa nito ang mga trabaho nito.