POSISYONG PAPEL by Just Almira

Group 3

Child prostitution:panganib at karapatang dapat matamasa ng bawat bata

Ang pagbebenta ng isang kadugo para sa pera, lalo na sa konteksto ng child prostitution, ay isang napakalungkot at nakakabahalang isyu sa lipunan. Dahil ang child prostitution ay hindi lamang lumalabag sa likas na batas moral kung hindi pati na rin sa ilalim ng batas. Ito ay isang mabigat krimen na kung saan pinagsasamantalahan ang isang menor de edad. Sa aming posisyong papel, tatalakayin namin ang mga pangyayari sa balita at epekto ng ganitong uri ng pang-aabuso sa mga bata, pati na rin ang mga hakbang na maaaring gawin upang labanan at pigilan ang child prostitution.

Ayon sa balita,Ang isang 12 anyos na babae ay nakita sa isang guesthouse habang gumagawa ng spot check ang immigration at police officers matapos mawala ng dalawang araw kasama ang kanyang pinsan,kung saan binenta na pala siya ng sarili niyang pinsan sa dalawang lalaki para sa pera. Ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagpapatupad at pagpapahalaga sa batas laban sa trafficking ng mga bata. Ayon sa mga batas tulad ng Republic Act No. 9208 at RA 7610, ipinagbabawal ang trafficking at pang-aabuso sa mga bata para sa anumang layunin. Mahalaga ang pagpapatupad ng batas upang maprotektahan ang karapatan at kaligtasan ng mga kabataan at maiwasan ang ganitong uri ng krimen. Ang ganitong pangyayari ay nagdudulot ng malaking epekto sa lipunan at nagpapakita ng kawalang-katarungan at paglabag sa karapatan ng mga bata.

Dapat nating pangalagaan ang mga kabataan at itaguyod ang kanilang kaligtasan at proteksyon laban sa anumang anyo ng pang-aabuso at exploitation. Upang maitaguyod ang dignidad bilang tao, mahalaga ang pagpapalakas ng kamalayan at edukasyon sa karapatan ng bawat tao, lalo na ng mga bata. Bukod dito, mahalaga rin ang pagtulong at suporta mula sa komunidad at pamahalaan sa mga biktima ng pang-aabuso upang matiyak ang kanilang proteksyon.

Group 5

Ang Reproductive Health Bill ay isang mahalagang panukalang batas na layuning mapalakas ang kalusugan ng kababaihan at ang kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kanilang kaalaman at pag-access sa mga serbisyo sa reproductive health. Sa patuloy na pag-unlad ng lipunan at pagbabago ng panahon, mahalaga na makapagbigay tayo ng suporta sa mga polisiyang naglalayong mapabuti ang kalagayan ng ating mga mamamayan.

Pananaw sa Kalusugang Reproductive– Ang pagpasa ng Reproductive Health Bill ay magbibigay-daan sa mas malawakang pag-access sa impormasyon at serbisyo sa reproductive health, na naglalayong mapigilan ang mga hindi nais na pagbubuntis, pagtaas ng maternal health, at pagkakaroon ng mas maraming pagpipilian sa pamilya para sa mga Pilipino. Edukasyon at Kaalaman– Sa pamamagitan ng pagsuporta sa edukasyon at pagbibigay ng tamang impormasyon sa reproductive health, maaaring mabawasan ang bilang ng teenage pregnancy at mapalakas ang kaalaman ng kabataan at mga magulang sa tamang pangangalaga sa kanilang kalusugan. Pagtugon sa Pangangailangan ng Lipunan– Sa pagtugon sa mga pangangailangan ng lipunan, lalo na ng mga mahihirap at nasa liblib na lugar, ang Reproductive Health Bill ay magbibigay ng oportunidad sa mga kababaihan na magkaroon ng access sa murang serbisyo sa family planning at reproductive health.

Sa kabuuan, ang Reproductive Health Bill ay isang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng dignidad bilang tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng karapatan sa tamang impormasyon at serbisyo sa reproductive health. Upang itaguyod ang dignidad bilang tao, mahalaga na ang bawat isa ay mayroong karapatan sa kalusugang reproductive na may kasamang edukasyon at pag-access sa mga serbisyong pangkalusugan. Kailangan nating itaguyod ang karapatan na ito sa pamamagitan ng patuloy na suporta at pagpasa ng mga polisiya na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng bawat indibidwal sa lipunan.

Group 4

Buhat at Kalayaan kung saan na napadpad

Sa ating buhay ang karapatang pantao at kalayaan ay importante sa isang tao. Gagawin ang lahat para maprotektahan at hindi mawala sa ating mga kamay ito. May mga ibang tao na ine – exploit ang mga karapatang ito sa pamamagitan ng pag rekrut, pagbebenta sa pamamagitan ng puwersa o pananakot sa layunin ng pananamantala sa isang tao upang sapilitang ibenta para sa seksuwal, pagtatrabaho, pang-aalipin at pagtanggal ng mga organo. Ito ay tinatawag na human trafficking.

Ang gawain na human trafficking ay nararapat na mapigilan at nararapat na naparusahan ang mga gagawa ng mga illegal na gawaing ito sapagkat ito ay labag sa karapatang pantao ng isang indibidwal na nakakaranas nito.. Ang human trafficking o sa pagsasagawa nito ay illegal marahil nadadamay ang mga Karapatan ng tao dito, katulad ng karapatang mabuhay at Karapatan sa Kalayaan. Ang human trafficking ay nagiging daan sa iba pang mga illegal na bagay na maaaring gawin sa mga biktima. Lahat ng tao bata man o matanda ay maaaring madamay sa problemang ito marahil kahit sino ay pwedeng I human traffick. Ang Malala pa dito ay ang mga biktima ay maaaring mamatay sa proseso naito at ang iba na nakaligtas ay magkakaroon ng ptsd (post traumatic stress disorder), physical injuries at iba pa depende sa mga malalaswang o delikadong pinag gagawa sa mga biktima. Ang human trafficking din ang siyang naging daan upang maraming tao ang nasisira ang kinabukasan dahil sa masamang dulot nito sa kanilang buhay.

Walang sino man ang nararapat na maranasan ito at ang gobyerno ay dapat na bigyan ng pansin o bigyan ng magandang solusyon na maaaring makaiwas sa human trafficking incidents. Nararapat na magkaroon ng mas mahigpit na seguridad upang maiwasan na ang pagkalat at mahuli na ang mga gumagawa ng human trafficking. Marapat din na ang bawat indibidwal ay maging maalam at iwasan na maniwala basta-basta sa mga sinasabi ng ibang tao upang maiwasan na mabiktima ng panloloko at maging parte ng human trafficking. Ang punto na ipinapahayag dito ay ang human trafficking ay delikado at nakakaapekto sa lahat ng tao, damay narin dito ang kanilang karapatan at kinabukasan gugustuhin man nila o hindi kung kaya mahalaga na maging maingat sapagkat hindi nararapat na hayaan lang ang mga bagay naito, kung gusto mo ingatan ang iyong buhay, kalayaan, karapatan, ay nararapat na mag ingat sa mga desisyon na gagawin sa buhay dahil ang desisyon mo sa buhay ang magdidikta ng iyong kinabukasan. Sa ayaw mo man o gusto nilalabag ng human trafficking ang karapatan ng bawat isa na nakakaranas nito. Nawa na lahat ng nakakaranas nito ay makahanap ng kalayaan at katarungan at maging ligtas at nawa ay wala ng maging parte ng human trafficking.

Group 6

"Exchanging Sex For Money is Survival: Mga Taong Kapit Sa Patalim"

Sa kasalukuyang panahon makikita ang kahirapan kahit saan. Upang matustusan ang pangangailangan ng mga taong nakakaranas ng kahirapan ay ginagawa nilang kabuhayan ang pagbebenta ng kanilang mga katawan kapalit ng pera. Ito ay naging normal na para sa ibang tao ngunit para sa ibang tao ito ay isang uri ng mamababang trabaho. Sa paksang ito tatalakayin natin ang isyung sumasalamin sa buhay ng ibang tao sa ating lipunan na ginagawang trabaho ang pagbebenta ng katawan upang matustusan ang kahirapan na kanilang nararanasan.

"Exchanging Sex for Money is Survival", pahayag ni Efia Odo bilang kaniyang pagsang-ayon sa prostitusyon sapagkat isa ito sa paraan upang kumita at mabuhay. Ngunit ang ganitong pamamaraan ay lumalabag sa karapatang pantao sapagkat ito ay nakasisira at nakawawalang galang sa dignidad at seksuwalidad ng tao sa pamamagitan ng pagbebenta ng katawan. Hindi dapat itrato ang katawan na parang isang bagay na ibinebenta para lamang kumita ng salapi. Pangalagahan natin ang ating katawan sapagkat ang katawan natin ay templo ng Diyos kaya ang seksuwalidad ay mabuti, maganda at sagrado. May iba pang mga paraan upang magkaroon ng pera nang hindi nakakasira ng ating dignidad at pagkatao.

Ang katotohanan ay maraming tao ang pumapasok sa prostitusyon dahil maaaring dala sila ng kahirapan, kasaysayan ng pang-aabuso, o may pangangailangang suportahan ang kanilang mga pamilya. Anuman ang dahilan, mahalagang tandaan na tratuhin sila nang may paggalang; makinig sa kanila, at huwag silang husgahan. Tandaan na sila ay mga tao na may damdamin at karapatan tulad ng iba. Mahalaga rin na kilalanin na ang prostitusyon ay hindi lamang problema ng kababaihan. Ang mga lalaki at mga taong LGBT+ ay maaari ding masangkot sa pakikipagkalakalan sa sex. Nararapat na sila'y bigyan ng parehong paggalang at pagtrato gaya ng ibang tao.

Group 1

Malaking bagay ang maagang pagbubuntis para sa mga kababaihan. Dahil dito, malaking suliranin ito sa iba't iabng aspekto ng kanilang buhay tulad ng edukasyon, kalusugan, at ang kanilang kinabukasan. Ang maagang pagbubuntis ay hindi lamang nakaaapekto sa personal na aspekto ng buhay, kundi pati na rin sa lipunan at sa ating ekonomiya.

Ang maagang pagbubuntis ay isang suliranin para sa lahat. Maaaring maapektuhan ang edukasyon ng kabataan sa pamamagitan ng pagtigil dito dahil sa pagtuon sa pag-aalaga ng sarili at ng anak. Kasama na rito ang pagiging maselan ng kalusugan kaya maraming pagbabago ang mangyayari dito. Dahil sa mga ito, naaapektuhan ang kinabukasan ng bawat batang makakaranas nito. Hindi lang ito ang epekto nito. Sa ating bansa, nakararanas ng kahirapan dahil sa dami ng populasyon.

Sa pagkakaroon ng mas maraming populasyon, mas nahihirapang tugunan ng ating bansa ang mga pangangailangan ng bawat isa lalo na ng kabataan. Mula rito, masasabing napakalaki talaga ng bunga ng maagang pagbubuntis hindi lamang sa atin kundi para sa kapakanan ng lahat. Sa maagang pagbubuntis, maaaring bumaba ang dignidad ng isang tao. Upang maingatan ito, mahalaga na magkaroon ng kamalayan ang lahat, lalo na ang kabataan sa maaaring maging dulot ng maagang pagbubuntis kaya dapat magkaroon ng sistema ng edukasyon kung saan ito ay mas pinagtutuunan ng pansin. Marapat ding hikayatin ang bawat bata na mas pagbutihin at pagtuunan ang edukasyon para sa kanila. Hindi dapat iniiwasan ang ganitong paksa sa kabataan upang mas nalalaman nila ang magiging epekto nito sa kanilang kinabukasan.

Group 2

Maraming mga isyung nangyayari sa buong mundo at kasama na rito ang Pilipinas. Isa sa mga isyung ito ay ang “pornography”. Sa kasalukuyan ay mayroong balita na nagsasabi ng; “isang ina ay pinilit ang tatlong anak na gumawa ng sexual acts online.” May mga taong binabalewala ang ganitong isyu dahil iniisip nila hindi ito malaking bagay, ngunit ang pag-iisip na ito ay mali subalit maraming mga pangyayari tulad nito.

Ang mga isyung tulad nito ay isang malaking bagay dahil malawak ang naaapektuhan nito, may nag iisip na ayos lang dahil nahuli naman ang nagsagawa ng krimen ngunit hindi natin isip in kung ano ang magiging kalagayan ng mga kabataang biktima nito, ito’y nagdudulot ng trauma at pinsalang pang-emosyonal na maaaring magdulot ng pangmatagalang epekto sa kanilang pag-unlad at pagpapakatao. Ang mababa na pag-iisip ang nagiging sagabal upang matigil ang mga isyung lubos na nakakaapekto sa mga tao, dahil sa mga pag-iisip tulad nito kaya’t maraming paring gumagawa ng mga krimeng tulad nito. Ang mga isyung ito ay lubos na nakalalabag sa karapatang pantao kayat kinakailangan na tuligsain ang mga isyung pambansa man o pang buong mundo.

Maraming solusyon ang maaring gawin upang matigil ang ganitong uri ng isyu. Upang maitaguyod ang dignidad bilang tao, mahigpit na dapat ipatupad ang batas laban sa online sexual exploitation. Kailangan din ng mga programa at serbisyo na magbibigay suporta at rehabilitasyon sa mga biktima upang mapanatili ang kanilang dignidad bilang tao. Maaring taasan ang mga parusa, kung lubha ang ginawa maaring life sentence, death penalty at no parole.