Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Aspeto ng Aking Pagkatao by Yajaira Sofia Madrazo

Wika Ko, Pagkatao Ko: Ang Biyahe Kasama ang Wikang Filipino
Ang bawat isa sa atin ay may kasaysayan. Kasaysayang maganda man o hindi na siyang binubuo ng mga ala-alang bumuhog sa ating pagkatao. Sa ating henerasyon ngayon, tila nag-iiba ang ikot ng mundo. Paano nga ba tayo natututo? Sa Ingles man, Tagalog, o Filipino, mayroon ba talagang pinagkaiba ang mga ito? Ako si Yaj. Nais kong ibahagi sa inyo ang aking paglalakbay.

Noong ako'y bata pa, "Mama" ang unang salitang lumabas sa aking bibig. Ingles agad, hindi ba? Filipino sa tahanan, Ingles naman sa paaralan. Ngunit, bakit parang may mali? Habang ako'y lumalaki, lalong lumalawak ang mundo sa aking paligid. Hindi ko lubos na maipakita ang aking sarili sa wikang banyaga pero ito ang madalas na tinatangkilik ng  iba. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa sariling wika na kung saan ang baba tignan kung ito ang magiging daluyan. Sa kabilang banda, maraming bagay akong natutunan sa paglalakbay na siyang nagbigay liwanag sa aking puso't isipan. Ang Wikang Filipino na aking kinagisnan ay hindi lang ginagamit bilang komunikasyon, dahil ito ay ang paraan kung paano kumonekta ang isang tao sa kanyang sarili. Ito ang aking naging sandata kung paano ko naiintindihan ang mga bagay-bagay sa aking paligid na siyang bumuo sa aking pagkatao.

Sa kabuoan, aking napagtanto na hindi kailanman naging batayan at magiging batayan ang isang wika sa katalinuhan ng isang tao. Ito ay base sa kung paano mo naiinitindihan ang iyong sarili at mundo sa komportableng wika na iyong ninanais o gusto. Sa paraang ito, malaya mong maipapahayag ang laman ng iyong puso't isipan na siyang patuloy na bumubuo sa iyong pagkakakilanlan.