PAN PIL 19 | Ano ang imahen ng Pamilyang Pilipino? by Pauline Michaela Perez

ANUMANG KASARIAN MO, SAPAT KA.
Hindi lingid sa ating kaalaman na nalalambungan ng konserbatibong pagtingin ang pagtingin sa isang tradisyunal na pamilyang Pilipino, subalit sa mga aklat pambatang nabasa at nasuri, mapatotohanang naghahain ito ng bagong pananaw sa ganitong nananaig na paniniwala. Naninindigan ang mga akdang hindi kulang o kaiba ang pagkakaroon ng kakaibang pamilya o pagiging bakla, bagkus sapat ito--sapat ito upang magkaroon ng isang mapagmahal at masayang pamilya.

Sa pagbabasa ng Ang Ikaklit sa Aming Hardin, mas napagtanto ko kung ano ang tunay na kahulugan ng salitang pamilya---isang samahan na hindi nagkakahon ng kasarian, walang pinipili, at isang samahan na patuloy na nangangalaga sa isa't isa para sa pagyabong/pag-unlad ng bawat isa (gaya ng mga bulaklak). -Donavie Gud

LIGTAS NA ESPASYO
Ang pamilya ang inuuwian at madalas na kasama ng mga batang paunti-unti pa lamang na kinikilala ang kanilang mga sarili kaya't mahalaga ang pagpapakita sa aklat na ang pamilya ay dapat nagsisilbing ligtas na espasyo, hindi lamang ng bata kundi ng bawat isa, matanda man o bata. Ang pagkakaroon ng ligtas na espasyo ay isa ring paraan para lalo pang maunawaan ng bata ang kanyang sarili at paligid habang binubuo at pinatitibay ang relasyon nito sa kanyang pamilya.

DIESTA, Mariel

Araja
Para sa akin, hindi na tradisyunal ang konsepto ng pamilya kung saan mayroong ama, ina at anak. Ito ay sa kadahilanang umusbong na ang iba't-ibang uri ng mga pamilya tulad ng extended, single parent, blended family, etc. Nangangahulugan din ito na hindi lang dapat gawing basehan ng isang pamilya kung nag-iibigan ang dalawang tao. Sa katunayan, mayroong mga bakla na nagsasama-sama sa isang tahanan at tinatawag nila ang isa't-isa bilang isang 'chosen family'. Maaaring nagbuklod-buklod sila dahil sa magkakaparehas na karanasan sa buhay.

Pamilyang Pilipino = Gru and minionz
May pagkakaiba man ang mga minions (size, ugali, habit) sa isa't isa hindi ito naging hadlang sa pagmamahal ni Gru sa kaniyang mga minions. Para sa akin maihahantulad ito sa pagtingin ko sa pamilyang pilipino lalo na noong nabasa ko yung mga libro, hindi dapat maging hadlang ang "naiibang" katangian ng iyong pamilya para sa pagmamahal para sa kanila.

Reine Mangahas

LAHAT AY TANGGAP
Ang pamilyang Pilipino ay siyang tinatanggap bawat miyembro sa pamilya. Hindi ito dapat nakatakda lamang sa nanay, tatay, mga anak, at iba pang tradisyunal na parte ng isang pamilyang Pilipino.

Marc Dela Paz

Marahil bunga ng kulturang Pilipino na may close-knit community, mahilig makisawsaw ang mga Pilipino sa buhay ng ibang may buhay. Laging maraming sinasabi kahit hindi naman hinihingi ang opinyon na siguro ay may layunin silang alamin ang kalagayan mo bilang pagmamalasakit at tulungan ka (pakikipag kapuwa) ngunit ang nangyayare madalas ay parang minamanduhan ka kung anong tamang gawin batay sa kanilang sariling batayan. Nakita sa dalawang akda na kapag naiiba ka, ikaw ay uusigin sa layunin na ikaw ay gawing "normal" at maging katulad ng nakararami.

-Efra

matibay na pagkakaisa
Ang imahen ng Pamilyang Pilipino ay  binubuo ng matibay na pagkakaisa, pagmamahal, at suporta sa isa't isa. Ipinapakita ito sa pamamagitan ng kanilang masiglang pakikipagkapwa, pagpapahalaga sa mga tradisyon at pagtitipon, at sa kanilang katatagan sa harap ng mga pagsubok. Nolasco, Jenson

Masaya at Mapagmahal na Pamilya
Para sa akin, ang imahe ng isang pamilyang Pilipino ay isang pamilya na kung saan puno ito ng pagmamahal at pag-aaruga. Hindi dapat maging hadlang ang kasarian at sekswalidad sa pagkakaroon ng isang pamilyang mapagmahal. Walang pamilyang perpekto; ngunit mayroong pamilyang mapagmahal at kuntento. - Dela Paz, Risven Allen

Alwas
Walang padalos-dalos, minsan ako'y naririndi sa tuwing nakakarinig ako ng masama patungkol sa kung ano ba talaga ang isang perpektong pamilya. Dahil nga konserbatibo tayong mga Pilipino, hindi malayong ma-marites at bigyan ng masasamang tingin na hindi sumusunod sa ideyal o perpektong pamilya. Ano ba ito? Ang kumpletong Nanay, Tatay at Anak. Ngunit kung ating iisipin, hindi naman ang perpektong pamilya ang tunay na imahen ng Pamilyang Pilipino. Hindi porketo, iyon na ang realidad. Hindi ito nagtatapos sa usapang kasarian lamang, ngunit ang isang pamilya ay maaring magkaroon lamang ng dalawang myembro, o kaya naman hindi mo talaga kadugo ang iyong kapamilya. Para sa akin, kung sino man ang yumakap sayo, sa buong pagkatao mo, sila ang iyong pamilya. - Miguel, Landicho

Ang pamilya ay dapat tungkol sa pagpuno sa ating mga puso ng kaligayahan at kasiyahan, hindi batay sa kung mayroon tayong dalawang ina/tatay o isang tradisyonal na pamilya. Ang mga pamilya ang dapat nating pagmulan ng lakas at kaligayahan, hindi kalungkutan.

Shaine Pantaleon

Noong nabasa ko ang dalawang istorya, nahalintulad ko ito sa isang halaman o kahit bulaklak na naalagaan. Kagaya sa isang pamilya, nagkakaroon din to ng pag-aaruga at pag-aalaga upang lumaki at lumago ang isang tao ng maayos. Kasabay nito kung paano naalagaan ang isang bulaklak o halaman ay maari ding sumalamin sa maayos at magandang pagsasamahan sa isang pamilya dahil sa pagkakaisa na palaguin ang isa't-isa.

Pau Flores

Ligaya at Payapa
Sa pagbasa ng dalawang akda, aking napagtanto na kahit may mga pagkakataong hindi nagkakasundo ang miyembro ng pamilyang Pilipino, sa pagtatapos ng araw, mayroon pa ring lugar ang bawat isa upang makaramdam ng kaligtasan sa presensya ng bawat isa. Gaya na lamang ito ng pagmamahal sa hapag kainan. Aking napansin sa mga kaugalian ng mga Pilipino, isa sa pinaka mahalagang kalidad ng pagiging pamilya ay ang pagsasama-sama sa hapag kainan. Ito’y pinapakita ang pagmamahalan kahit minsa’y may problemang pinagdadaanan ang bawat isa.

- SANCHEZ, Julianna Maxene

TANGGAP KAHIT SINO KA MAN
Para sa akin, ang pinaka mahalagang aspeto sa isang pamilya ay ang kanilang pagsasama. Maganda na ang pagsasama na ito ay nagbibigay comfort o 'di kaya suporta kapag kailangan ng isa sa miyembro nito. Sa isang pamilya, tanggap ka kahit sino/ano ka man.

(Cza)

NANDIYAN LAGI PARA SAYO
Unang una, batay sa kuwento ng bonggang-bonggang beki, kahit na marami ang mga sinabing masama tungkol sa kanya, nandiyan lagi ang kaniyang pamilya tulad sa tatay niya at mga kapatid niya. Pinoprotektahan nila si Adel dahil sa kanilang pagmamahal para sa kaniya bilang bunso at kasiyahan ng pamilya.  Ganundin sa kuwento ni Ikaklit sa aming Hardin, nandiyan ang dalawang magulang ni Ikaklit para magbigay ng suporta at pagmamahal sa kaniya. Ang pamilya ay laging nandiyan para sa isa't isa, kahit anumang nangyari.

RAMOS, Anton

Ang bonggang pagbasag sa tradisyunal at konserbatibong konsepto ng pamilya!
Mula sa dalawang nasabing akda, batid nito ang makabagong konsepto ng pamilya na marapat nating yakapin. Hindi marapat ikahon ang pamilya sa konsepto ng pagkakaroon ng nanay, tatay, o sa perspektibo ng mga magulang na pagkakaroon ng supling. Dahil hatid ng mga nasabing akda na masasabing bonggang-bongga ang pamilya kung ito ay puno ng pagtanggap at dalisay na pagmamahal. Binasag din ng mga akda ang mga gender roles sa isang pamilya, at pinatunayang maaari pa ring masabing pamilya ang isang pamilya, kahit na iisa lamang ang magulang, parehong nanay ang mayroon, o parehong tatay naman ang mayroon. Basta't ang mahalaga, ay hitik ito sa pagmamahal at pagtanggap.

Meow approve!

Hindi lamang tolerating... kundi SUPPORTING at LOVING.
Naibahagi ko na noon na ang ate at kuya ko ay parte ng LGBTQIA+ community. Nakita ko mismo kung paano sila kinabahan nang mag-out sila sa aming pamilya, pero habang ako'y tumanda, napagtanto ko na ang mga magulang ko ay hindi lamang basta-basta tinatanggap at tinotolerate ang aking mga kapatid; sa halip, sinusuportahan at minamahal nila nang lubos ang mga ito, tulad na lamang ng ina sa Tiktok na binahagi ko. Dahil sa aking mga karanasan, pati na rin sa mga kuwentong tulad ng Ang Bonggang Bonggang Batang Beki, nareinforce sa akin na ang pamilyang Pilipino ay isang mapagmahal at sumusuportang yunit ng lipunan. Hindi lamang sapat ang tolerating---mahalaga ang supporting and loving (kahit minsan ay dinadaan pa sa biro at pang-aasar!) :)

Pizzama-sama
Gaya ng pizza, hindi lamang iisa ang flavor! Maaaring magkaroon ng iba-iba at makukulay na toppings, ang pamilya rin ay maaaring maging samu't-sari, basta't ito'y nasa mainit na pagsasama at hulmang bilog na umaakap at hindi nagwawagas. Puwede itong hindi gaya ng 'pangkaraniwan' na itinatag na wangis nito, lalo pa sa lipunang Pilipino.

Kyle Mendoza