Kroniko: Koleksyon ng Aking Angking Kaalaman, Kasanayan, at Pagkamalikhain by Sebastian T. Quebral

MGA UNANG BAHAGI
I. PABALAT

II. PAMAGATING PAHINA

PROLOGO

PABALAT (WALLPAPER)
Bakit ito ang naisip na istilo at disenyo ng pabalat (wallpaper)?

Ito ang aking naisip at naging istilo sa paggawa ng pabalat upang mailahad ko ang aking pagkamalikhain hindi lamang sa pagsulat, kaakibat na rin ng kahusayan ko sa pagbuo o pagsama-sama ng angkop na mga elemento at aspekto na siyang makapagbibigay at makapagpapakita ng isang nakaaakit na pabalat. Isa rin itong pagpapakita ko ng aking nahubog na karunungan at karanasan mula sa asignaturang Filipino sa Piling Larangan at Sining—pagsasama o pag-iisa sa mga ito.

PAMAGATING PAHINA
Bakit ito ang napiling pamagat ng portfolio?

KRONIKO dahilan sa ito ay nagpapahiwatig sa mga literaryong akda at kaayusan na maihahalintulad sa aking kasanayan sa pagbuo ng koleksyon  ng mga kasulatan na ito, na siya ring kinakatawan at masasalamin sa pagbabasa o pagkikilatis sa kabuoang portfolio na ito.

PORTFOLIO
PAGKAMALIKHAIN - 20 puntos
-Pabalat (Wallpaper)
-Pamagating Pahina
-Kabuuang Anyo

Masining, malikhain, at mapanghikayat sa mambabasa ang pabalat at pamagating pahina.

Maayos at kaaya-aya ang gawang presentasyon at pagpapaliwanag.

Tama ang mga bantas, baybay, at pagkabuo ng mga pangungusap.

PROLOGO - 20 puntos

Kumpleto ang inaasahang nilalaman at organisado.

Maayos ang pagbibigay introduksyon sa portfolio at mga gawain, at mapanghikayat.

Maiksi pero may dating.

Tama ang mga bantas, baybay, at pagkabuo ng mga pangungusap.

NILALAMAN - 20 puntos

Kumpleto ang mga bahagi at sulatin.

Organisado at may pagkasunod-sunod ang mga inaasahang bahagi at sulatin.

EPILOGO - 20 puntos

Kumpleto ang inaasahang nilalaman at organisado.

Maayos ang lalim ng repleksyon at kakayahang tayahin ang sarili, at mapanghikayat.

Maiksi pero may dating.

Tama ang mga bantas, baybay, at pagkabuo ng mga pangungusap.

BIONOTE - 20 puntos

Kumpleto ang inaasahang nilalaman (may larawan) at organisado.

Maayos ang pagbibigay impormasyon sa may akda na nasa ikatlong panauhan, at mapanghikayat.

Maiksi pero may dating.

KABUUAN - 100 puntos

PANGKAT NA KINABIBILANGAN (UNANG PANGKAT)
Tagapanguna: Valerio, Cyriel B.
Katuwang: Matan, Glaiza T.
Miyembro:

Armea, Gian Warren

Bautista, Joshtin

Cortez, Sofia

Cueto, Laurice Nicole

Fabros, Sean Patrick

Gagalang, Thrisia Mae M.

Gatus, Juliana P.

Gollayan, Criscelle

Lambon, Francois Yvonne

Manaois, Brian Michael L.

Quebral, Al Sebastian T.

Uy, Lenzzy Raine D.

AGENDA AT KATITIKAN
URL: https://docs.google.com/document/d/1KUBRTosynHNMIiq2DbSriK2asWZrs7X2B52U4_BeIc0/edit?usp=sharing

PANUKALANG PROYEKTO
URL: https://docs.google.com/document/d/1bolhxjCfshOwTbDUbZO4PGTZhDSrNwlMLWiptlUVYi0/edit?usp=sharing

MGA SULATIN
I. LAKBAY SANAYSAY: Masbate, Philippines

II. LARAWANG SANAYSAY

III. PANGKATANG GAWAIN

A. PANUKALANG PROYEKTO

Kaalaman sa Pagsulat, Tagumpay ang Katapat: Isang Programa ukol sa Paglinang ng Kakayahan sa Pagsulat

B. ADYENDA AT KATITIKAN

IV. POSISYONG PAPEL:

V. BAHAGI NG PORTFOLIO

A. PROLOGO

B. EPILOGO

C. BIONOTE

Bolinao, Pangasinan
12 STEM 1
Quebral, Al Sebastian T.

Ang Bolinao, Pangasinan ay isa sa mga natatangi at aking pinakahuling lugar na napuntahan na tunay na tumatak sa akin. Matatagpuan ito sa rehiyon ng Ilocos sa bandang hilagang kanlurang bahagi ng Luzon. Makatatagpo ka sa lugar na ito ng napakaraming magaganda at kaakit-akit na naturang yaman na puntahan ng nakararami. Isa rin ito sa mga tinitingala at ipinagmamalaking lugar ng probinsya ng Pangasinan bilang atraksyon sa mga turista. Aking narating dito ang Patar Beach, Bolinao Falls, at Cape Bolinao Lighthouse. Ngunit bakit nga ba ito katangi-tangi?

Naiiba at namumukod-tangi ang Bolinao dahil sa kinakaakibat nitong dami ng munting magagandang mga lugar o atraksyon na pwedeng mapuntahan. Kasama na rin diyan ang hindi ko inaasahang bilang o dami ng mga talon dito na nakaaakit at may kanikaniyang natatanging itsura sa bawat isa. Akin ring nakita at napagmuni-muni ang kagandahan at nakasisilaw sa puti na pinong bungahin o "White Sand" kung tawagin sa Patar Beach, Bolinao. Kalakip na rin ang nakabibighaning tanawin dito at linaw ng tubig na nagbibigay ng mala-paraisong katangian sa tabing dagat na ito. Akin ring natunghayan at nasaksihan ang ganda ng paglubog ng araw sa isang resort, na doon rin matatagpuan sa Patar na nagngangalang "El Pescador." Siya itong nagpatunay sa akin kung bakit ang nakararami rito ay sinasabing magandang hintayin ang paglubog ng araw sa baybayin na ito. Dahil sa mga nabanggit ay napagtanto ko rin kung bakit ito tampok at tunay na binibisita rin ng nakararaming mga turista, patunay na ang bilang ng mga turistang nasa mga lugar rin na ito nuong kami'y naroroon. Hindi lang iyan, kami rin ay nagtungo sa isang kainan na nagngangalang "Sungayan Grill" at kilala rin bilang "Floating Restaurant" kung tawagin. Kamangha-mangha ang kakaibang "buffet" dito dahil isinasagawa ang kainan na ito habang kayo'y nasa balsa, at habang hinahatak at iniikot ito ng bangka sa ilog na konektado sa agusan papuntang dagat sa Patar. Kami nama'y kumain duon, at duon lamang din ako nakatagpo at nakaranas ng ganuong klase at kakaibang istilo ng kainan.

Labis na palaisipan pa rin sa akin ang aking pagbisita dito, na siyang lubos na tumatak sa aking sarili. Dahilan na rin na sa tinagal tagal kong panunuluyan sa Pangasinan, ay noon lamang ako nakapunta ruon at isang beses pa lamang. Lubos rin akong mas naantig sa mga tourist spots sa Bolinao kumpara sa iba pang mga lugar sa Pangasinan tulad ng Hundred Islands at Bolo Beach na marami-raming beses ko nang napuntahan. Tunay at labis na ginugusto ko rin na muling makapunta ruon sa dahilan na ako'y nakulangan pa sa aking pagpunta duon. Maraming kakaiba sa Bolinao na nakapamumukod-tangi nito sa ibang lugar at nakapagbigay sa akin ng magandang karanasan sa pagbisita ko rito, at isa sa lubos na nakaantig sa akin. Nakapagbigay kagalakan rin sa akin ang pagpunta ko rito dahil nakaranas ako ng maraming pwedeng galugarin na lugar na matutuklasan at mapaglilibangan sa iisang bayan sa isang Probinsya. Nakapagbigay rin ito sa akin ng minsan ko lamang na maranasang partikular na damdamin para sa isang lugar na aking napuntahan, sa lagay na hindi pa rin ako makalimot at makapaniwala na napuntahan ko ang mga magagandang lugar at tanawin dito, kaakibat na rin na nakapagbigay ito sa akin ng panibago at kakaibang karanasan sa kanilang kultura rito. Lubos kong hinihikayat ang mga tagabasa nito na bisitahin rin ang lugar na ito dahil isa ito sa mga pinakamagandang lugar na pwedeng mapuntahan bukod sa iba pang mga patok at sikat na destinasyon sa bansa. Lubos kong ring hinihikayat ang mga tagabasa nito na bisitahin rin ang lugar na ito dahilan na isa ito sa mga pinakamagandang lugar na pwedeng mapuntahan bukod sa iba pang mga patok at sikat na destinasyon sa bansa.

Pilipinas
Ang Pilipinas ay isang papaunlad na bansa na matatagpuan sa Silangang Asya. Ito ay may 7,641 na bilang ng mga pulo o isla, at nahahati ito sa tatlong malalaki at pangunahing grupo ng mga isla—ito ay ang Luzon, Visayas, at Mindanao. Nagmula at naggaling ang pangalan ng buong kapuluan o bansa kay Haring Philip II ng España at ipinangalan sa kaniya ito. Ang Pilipinas ay isang demokratikong republikang bansa, na siyang presidensiyal at konstitusyonal na gayong nahahati sa iba't ibang sangay na napapasailalim sa iisang pamahalaan. Inihayag ang kasarinlan at kalayaan ng Pilipinas mula sa mga kamay ng Kastila sa petsang Hunyo 12 noong 1898, matapos itong masakop sa tagal na 333 na taon. Ang kasalukuyang ginagamit na wika sa bansang ito ay ang wikang "Filipino", na siyang kinakaakibat ng marami pang malalalim at tubong mga dayalekto na tinatawag na "Tagalog."

ABORSYON: HINDI DAPAT GAWING OPSYON
Sabi ni Marthin Luther King Jr., “Every aborted baby is like a slave in the womb of his or her mother, the mother decides his or her father” at “Cowardice asks the question, ‘is it safe?’; expediency asks the question, ‘is it politic?’; vanity asks the question, ‘is it popular?’; but conscience asks the question, ‘is it right?’; and there comes a time when one must take a position that is neither safe, nor politic, nor popular, but because conscience tells one it is right.” Sa mundong ito, napakadami ang nagagawa at kakayahang magawa ng isang tao habang sa parehong oras ay may hinahawakan din itong responsibilidad sa bawat hakbang ng kaniyang pagkilos sa buhay. Ang mga ito ay maaring makaapekto sa kinahaharap ng isang tao o maaring humadlang sa maaring gampanan ng isa sa lipunan na maaari din sanang maiwaksi kung ano ang kabutihang maiiambag niya sa lipunan. Diyan tayo pumapasok sa usaping “abortion”.

Ano nga ba ang aborsyon? Ang aborsyon ay proseso ng sapilitang pagtanggal ng embryo o fetus sa loob ng matris o sinapupunan ng isang nadadalang tao, na nagsasanhi ng kamatayan nito. Ito’y maaring gawin/mangyari sa iba’t ibang pamamaraang katulad ng artipisyal sa pamamagitan ng mga matatapang na kemikal/gamot na iniinom, pagsasailalim sa pamamaraang surgical upang patayin ang bata sa sinapupunan ng ina at iba pang mga katulad nito ay tinatawag na induced o sapilitang paraan. O kaya naman kung ang isang nagdadalang tao ay nakunan at iba pang mga katulad nito ay tinatawag namang miscarriage o kusa o aksidenteng paraan. Ayon sa mga eksperto, maari itong magdulot ng masama hindi lamang sa pisikal ngunit pati narin sa sikolohikal na kalusugan ng mga babae. Hindi na bago ito sa pandinig nating lahat lalong lalo na sa panahon ngayon na mas dumarami, pataas pa nang pataas at pabata pa nang pabata ang bilang ng mga babaeng nagdadalantao. Maraming paraan para umudyok ng paglalaglag sa buong ksaysayan natin. At ang mga legal at moral na mga basehan dito ay usapin sa mga pagtatalo sa maraming bahagi ng mundo kabilang na ang ating bansa.

May dalawang nagtutunggaling panig na tumatalakay sa mga karapatan o obligasyon ng mga nagdadalantao. Ito ay ang “Pro-choice” laban sa “Pro-life,” ano ng aba ang idinidiin ng mga ito? Ang pro-choice ay ang pagbibigay ng karapatan sa isang babae na magdesisyon sa kanyang pagbubuntis ng hindi nililimitahan ng gobyerno at simbahan. Ang aborsyon, ayon dito, ay sinasabing karapatan ng babae, at ang aborsyon ay kasama sa mga pagpipilian mo. Ang pro-life naman ay hindi sang-ayon sa aborsyon, ang paniniwalang ang sanggol ay dapat isilang at mabuhay kahit anong mangyari, ang bata ay bubuhayin mo kahit na anong sirkumstansya ang hinarap o haharapin mo.

Nakasaad sa Article II ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas sa seksyon 12, sinasabi na protektado ng batas ang buhay kapwa ng ina at ng hindi pa naisisilang na sanggol mula sa paglilihi. Dito sa Pilipinas, bawal ang aborsyon at ang paglabag dito ay nangangahulgan ng pagaresto. Ang ilan sa mga argumento tungkol sa aborsyon ay una sa argumento ng mga sangayon sa aborsyon. Hindi matanggap ang nangyari sa kanila karapatan ng isang babae ang makapili nang malaya kung ano ang dapat gawin sa kanyang sariling katawan,  ang bawat bata ay may karapatan sa maayos na pamumuhay; kung ang magulang ay walang kakayahan na suportahan ito, tama lamang daw ang aborsyon, marami nang kaso ng “unwanted pregnancies”, kung ang bata ay isilang na baldado ang ina lamang ang makapagdidisisyon kung kaya niya bang asikasuhin ang bata, ang pamilya na mahirap ay lalo pang maghihirap kung madaragdagan pa ng isa pang sanggol at na ang buhay ay hindi pa nagsisimula hanggang hindi pa naisisilang. Sa argumento ng mga hindi naman sangayon sa aborsyon ay bawat bata ay isang mahalagang regalo mula a Diyos. Wala tayong karapatan na sirain ang regalong ito, ang walang muwang na bata ay nangangailangan ng espesyal na proteksyon dahil hindi pa nito kayang ipaglaban ang kaniyang karapatan, ang karapatan ng hindi pa naisisilang na sanggol ay kapantay ng sa kanyang ina, ang mga bata na may pisikal at mental na mga kahinaan ay pwede ring magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap, ang aborsyon ay pagpatay at sadyang pagkitil ng buhay ng tao at ang mga doktor at nurse ay sumumpang magliligtas buhay at ang fetus ay nakararamdam na rin ng sakit.

Bilang tayo ay nakatira sa isang konserbatibong bansa, karamihan ay naniniwala na ang sanggol ay may karapatan ipanganak at mabuhay. Ngunit may mga nagtatanong na paano kung ang mga magulang ng bata ay bata din? Paano din kung ang ina ng bata ay biktima lang ng isang karahasan kaya siya nabuntis at hindi niya ginusto ang nangyari? Paano naman kung ang bata ay nabibilang sa mga mahihirap na pamilya at hindi na siya kayang buhayin ng kanyang mga magulang? Paano mahaharap ng mga magulang na ito ang kanilang responsibilidad sa kanilang mga anak gayong humaharap sila sa ganitong sitwasyon? Nararapat ba ang aborsyon para hindi na maging kumplikado pa ang mga nangyayari? Kung ikaw ang nasa kalagayan nila, ano ang gagawin mo?

Ayon kay Panopio (2013) sa ngayon sa ating bansa, marami narin ang mga batas na nagbabawal sa mga di-makatao at makatarungang paraang ito. Ang RH Bill na ipinasa na din ngayon ay naglalayong gumamit ng mga contraceptives o family planning. Sa bibliya naman tayo magbabase ukol sa kung ano ang pananaw ng Diyos patungkol sa aborsyon, hindi lang ito isa ngunit madami. Sinasabi saatin ng Jeremias 1:5 na kilala tayo ng Diyos sa simula pa at Siya ang humuhugis sa atin sa tiyan ng ating ina. Ang ipinapahayag naman sa Mga Awit 139:13-16 ang aktibong pagkilos ng Diyos sa paglikha at paghugis sa kaanyuan ng bata sa tiyan ng kaniyang ina. Sa Exodo 21:22-25 naman ay ipinahayag ang hatol na kamatayan na sa dagat-dagatang apoy sa sinumang magiging dahilan ng kamatayan ng sanggol na nasa tiyan pa lamang ng kaniyang ina. Ibig sabihin ay makikita talaga kung gaanong ka-importante at binibigyan talaga ng pagpapahalaga ng Diyos sa mga sanggol na hindi lang ang iba saatin na binibigyan itong pansin ng mabuti. Ano naman ang sinasabi ng mga eksperto? Itinuturing na maselan ang sadyang aborsyon. "Dahil ang buhay na nasa sinapupunan ay isang indibiduwal na tao na din. Kung kaya din na ang sadyang pagpatay dito ay isang paglabag sa ika-anim na utos."​—The Bible and Modern Medicine.

Ngunit mayroon parin tayong makikitang maaring masagasaan nitong mga nakasaad base sa mas-malaliman pang mga sitwasyon tulad nalamang ng nagkaroon ng komplikasyong sitwasyon na humantong sa puntong kailangan o inererekomenda ng mga doktor sa isang nagdadalang-tao at binigiyan ito ng impormasyon sa kung ano ang maaaring kahantungan ng kaniyang katawang laman dahilan sa pagkakataong kung hindi niya ipapalaglag ang kaniyang dinadala ay malagay sa panganib mismong pati ang buhay niya. Makikita natin dito na ang pagpapalaglag ng ganitong paraan ay isa naring uri ng induced o sapilitang pagpapalaglag na hindi itinotolerate ng nakakararami satin, ngunit ito ay sa paraang kailangan ng rekonsiderasyon ng isa dahilan na buhay sa buhay ang nakasalalay at kung hindi maaksyunan agad ay hahantong sa trahediya at nakapag-iisip ang isa dito kung ano ang tama o mali batay sa kaniyang pasya at base narin sa karanasan nito. At hindi sa paraan na para lamang nagawa ang sapilitang pagpapalaglag ay dahil sa ayaw o natatakot siyang malait ng mga taong nasa paligid niya, at ng isa na humawak o takot panindigan ang kanilang responsibilidad at maaari ding ayaw ng isa na maitakwil ng kaniyang mga magulang.

Ang aking mga punto

Unang punto

Ang aking unang punto patungkol dito ay isang malaking kasalanan ang pagsasagawa ng aborsyon, dahil ito ay ang pagkitil ng isang buhay. Nakakalimutan ng iba saatin na may mga batas nang nakasaad patungkol sa malaking pagpapahalaga nito sa mga karapatan ng isang sanggol hindi paman ito naipapanganak. Mayroon nang din batas, at mayroon pa ding pananaw ang Diyos patungkol sa aborsyong ito sa pamamagitan ng iba’t ibang mga talatang nakasaad doon sa banal na kasulatan. Doon palamang ay kitang-kita na ang hindi pagsang-ayon o pagpapataw na tunay na masama itong aborsyon. At kung hindi pa ito bigyang aksyon ay madami pa ang mangangahas na sumailalim sa pagpapa-abort dahilan lamang na ayaw pa nilang panagutan o magkaroon ng responsibilidad na mag-alaga ng sanggol ng sarili nila.

Ayon sa Seksyon 12 Artikulo 2 ng Konstitusyon, prinoprotektahan ng estado ang karapatan hindi lamang ng ina kundi ng sanggol na hindi pa ipinapanganak. Dahil dito illegal ang aborsyon dito sa Pilipinas, ngunit madami pa rin ang gumagawa nito lalo na sa mga kabataan.  Tandaan natin na ano man ang opinyon tungkol sa aborsyon, sa mata ng batas bawal pa din ito.

Pangalawang Punto

Ang aking pangalawang punto ay hindi ito ang paraan para makalimot sa masalimuot na karanasan o nakaraan. Para sa akin, hindi solusyon ang aborsyon sa lumalaking populasyon ng ating bansa at lalong hindi ito ang solusyon sa pagkakamaling nagawa ng mga kabataang nakalimot at minsang nagkamali, dahil hindi kailan man maitutuwid ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali. Hindi dapat maging makasarili at isipin ang sariling kapakanan, kung may naging bunga ang kamaliang nagawa dapat itong panindigan at tingnan ang positibong maidudulot nito at huwag alalahanin ang gastusin, dahil mas mahalaga sa kahit anong bagay ang buhay ng isang bata, kung may nagawa mang pagkakamali pilitin at sikaping ituwid ito sa mabuting paraan.At upang mabigyan ng magandang bukas ang bata dapat rin magsumikap sa buhay. Dapat bigyan nating ng oportunidad ang bata sa buhay dahil karapatan niyang magkaroon ng buhay at arugain ng magulang nito. At katunayan nito, sa paggawa o pagsasailalim sa aborsyon ay mas manganganib pa ang iyong buhay at mas lalo lang dadami ang iyong inaalala o pinoproblema sa buhay.

Samantala, sabi ng mga doktor na may mga komplikasyong maaaring idulot ng pagpapalaglag. Diin nito, legal o illegal man sa bansa ang abortion, ito ay may risks at side effects.Una na rito ang pelvic infection. Aniya, ang mga bacteria mula sa cervix ay maaaring makapasok sa uterus at magdulot ng impeksyon sa pelvic region. Maaari itong malunasan ng anti-biotics, subalit may ilang kaso na kinakailangan pa ng repeat suction abortion.Maaari ding may maiwang blood clots sa matres o kaya ay mapunit ito dahil sa curettage.Posible ring magkaroon ng scarring ang matres. Dahil nagiging manipis at mahina ito, maaaring mauwi sa miscarriage sa mga susunod na pagbubuntis.Maaari ding makaranas ng placental problems o magkaroon ng low birth weight babies ang mga inang nagpalaglag.Babala naman ng doktora, kung pagkatapos ng pagpapalaglag ay makaranas ng labis na pagdurugo, matinding kirot na hindi kayang pahupain ng gamot, mataas na lagnat at panginginig, pagpa-palpitate, agad nang sumugod sa ospital -- Ker Oliva, ABS-CBN News, DZMM

Pangatlong punto

Ang aking pangatlong punto ay ang mga bata na may pisikal at mental na mga kahinaan ay pwede ring magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap. Bilang isang magulang dapat ay alam mo ang nangyayari sa iyong anak, gabayan at turuan upang di mapariwara ang buhay nito dahil hindi mo pwede o kayang pangunahan ang hinaharap sa buhay. Sabihin man nating ang isang nagdadalang tao ay ninanais magpa-abort dahil nalaman niyang abnormal o may diperensiya ang kaniyang iluluwal na sanggol, sabihin na nating hamon nga iyon sa isa ngunit ang iniluwal na bata kahit paman may diperensiya ay hindi mo alam kung ano ang kaya nitong ibigay o magbigay ito ng malaking epektong pagbabago sa buhay ng nagluwal na iyon. Maging responsible sa mga pangyayare maganda man o hindi ang kalalabasan nito. Matutong panindigan ang mga bagay na dapat o alam mong kailangan mong panindigan. At huwag na huwag pipilitin na gawin ang aborsyon.

Marami na ngayon ang mga bantog o tunay na kilala sa mundo na naiulat na pinanganak na may diperensiya hindi lang sa pisikal pati narin sa mental na kalusugan. Sa isang website na tinatawag na Ranker.com ay mayroon silang listahan o artikulong ginawa patungkol sa mga tanyag na taong pinanganak na may diperensiya. Isa na sa mga nasa listahan si Harry Styles na kilala ng nakararami saatin at nanggaling sa bandang One Direction na nakipanayam ng mga reporter at sinabing ipinanganak siyang mayroong apat na utong. Hindi lang siya kundi marami pa ang mga nasa listahan na may diperensiya na imbis na humatak sa kanila pababa ay ang iba dito’y sinabing naging susi pa iyon sa pagkalamang nila sa iba

Para sa akin, hindi talaga dapat gawing legal ang aborsyon sa Pilipinas dahil nakakasama ito hindi lamang sa kalusugan ng sanggol o fetus, kundi pati na rin sa kalusugan ng inang nagpa-abort. Ako ay naniniwala na ang bata ay dapat mabuhay. Hindi dapat siya ang magbayad sa kasalanang hindi niya ginawa  dahilan na walang namang kasalanan ang bata sa kung anu man ang nangyari maganda man ito o hindi. Pinaniniwalaan ko na ang sanggol na nasa sinapupunan ng kanyang ina ay hindi parte ng katawan ng kanyang ina. Hindi siya isa sa mga organ na maaari mong ipatanggal. Ang sanggol ay hiwalay dahil siya ay may buhay kahit pa ito ay fetus pa lamang ito at doon naman talaga nag-uumpisa ang life-forms at wala tayong karapatan na ipagkait sa kanya ang kanyang kinabukasan. Bukod pa dito, hindi lang sa bata nakaka-apekto ang aborsyon. Delikado din sa katawan ng babae ang proseso nito.

Sanggunian

-          https://news.abs-cbn.com/lifestyle/02/02/16/mga-komplikasyon-dahil-sa-abortion

-          https://www.ranker.com/list/celebrities-with-birth-defects/celebrity-lists

-          https://brainly.ph/question/1259973

-          https://brainly.ph/question/1311241

-          https://www.truthorfiction.com/did-martin-luther-king-jr-say-the-dream-cannot-survive-if-women-have-abortions/

-          Panopio, Isabel S. The abortion controversy. Metro Manila: Metro Manila Press,2013.

-          Brainly.ph - https://brainly.ph/question/2115415

-          https://www.academia.edu/31328135/ESP_-_Dizon_

ANG AKING PAGBABALIK TANAW SA MGA GAWAIN AT NAGING KARANASAN SA MGA ITO
Bilang pagtatapos ng aking paglinang at paggawa sa asignatura nito, aking ipinagpapasalamat na ang mga naging interaktibong aktibidad na inilunsad at ipinagawa dito. Dahil sa mga ito ay lubusan akong umunlad pa nang husto. Hindi maikakailang naging mahirap man ang pag-aaral dulot ng pandemya, ay hindi ito naging hadlang sa aking paglinang, at sa awa’t habag na rin ng Diyos. Mula pa lamang sa una, hanggang sa pangalawang markahan, tuluyan pa nitong nadagdagan ang laki ng aking kumpiyansa at abilidad sa pagsulat at paggawa ng mga gawain. Ipinabatid at ipinamungkahi rin nito na malaki pa ang espasyo para sa aking mga paglinang ng mga kaalaman partikular na sa iba’t ibang istilo, at wastong epektibo at gramatikong pagsulat. Ang portfoliong kroniko rin na ito ang aking mga angking kakayahan at karunungang naipamalas, natuklasan, ay natutuhan na siyang nagpabuti at naging susi sa aking pagiging angkop na manunulat.

Akin namang masasabi na tunay na binigyan ako nito ng mainam na pagkakataong mas higit pang lumalim at maging kritikal ang aking pag-iisip ukol sa iba’t ibang mga tema, tuntunin, termino, at konsepto hinggil sa Filipino. Akin naman ding nalinang at nakita na kahit medyo naging mahirap ang mga ito sa katunayan, ngunit sa pamamagitan ng aking napaunlad na pagtitiyaga sa pagsulat ay naabot ko, kung hindi nahigitan, ang aking nakaraang sarili, at lubos koi tong ikinagagalak. Sa pamamagitan na rin ng mga makabagong teknolohiya at plataporma sa mga panahon ngayon, higit ko pang natulungan ang aking sarili. Nagsilbi ring tulong ang tulad ng Google sa aking pananaliksik at paghahanap pa ng mga karagdagang impormasyon upang mas mapabuti pa ang aking mga paggawa at marapat na pag-oorganisa ng mga balangkas, at sa pagsasaayos at pagrerebisa na rin ng mga ito. Tunay na naging epektibo at napasimple rin ang paglinang sa asignaturang ito sa tulong na rin ng aming mahal na gurong tagapagpayo.

Napagtanto at naranasan ko ang pagkatuto nang husto ngayong markahan, sa tulong na rin ng natamo at natanggap kong mga repleksyon sa paggawa at pagbuo ng portfolio na ito. Pinabilib ako ng aking sarili dahil hinintulutan ng asignaturang ito na umunlad ako bilang isang manunulat. Napagtanto-tanto ko rin na naging daan din ito upang akin pang mapagyaman pang lubos ang wika at kulturang Pilipino. At sa aking mga naging suliranin sa pagsulat, aking patuloy na hinanapan at nahanapan ang mga ito ng solusyon, na siyang nagbigay kagalakan sa akin sa bawa’t dulo ng aking mga paggawa ng gawain. Tunay na naging sagana ang aking pag-iisip patungkol sa mga bagay na aking maiisasabuhay at siya ko ring magagamit pa—para sa mga susunod pang yugto ng aking buhay at tatahaking landas. Hindi lamang nito pinilit at ipinaranas ang matuto mula sa mga naging pagkakamali, ngunit hinubog din nito ang aking pagiging isang mabuti at mahusay na mag-aaral.

PORTFOLIO AT MGA SULATIN
RUBRIKS LINK: https://drive.google.com/file/d/1edbcMCAuiOMcqaeorfxuYTzr46nrqgR6/view?usp=drivesdk

MAHAHALAGANG KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO SA BAWA'T NAGING PANGULO NG PINAS
Isa sa mga naging mahahalagang batas na bumago sa ating bansa ang Seksyon 3, Artikulo XIV na siyang nagsilbing paraan sa pagpapatibay at pagpapaunlad ng wikang pambansa. Ito ay upang maitatag din ang wikang pambansa na naibabatay sa umiiral na kultura. Taong 1935 nang maisip ang kosepto ng paglikha ng Surian Wikang Pambansa na siyang hakbang tungo sa paglikha ng wikang pambansa na nababatay sa umiiral na kultura. Hindi kinalaunan, naglunsad ang dating presidenteng Manuel L. Quezon ng kautusang tagapagpaganap na nagtatadhana ng paglimbag ng aklat pambalarila at diksyunaryo sa wikang pambansa. Kaakibat sa kaniyang inilunsad na ang wikang pambansa ay magiging wikang opisyal at panturo ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940.

Sa termino naman ni pangulong Ramon Magsaysay ay nailipat ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto. Ipinag utos naman ni pangulong Ferdinand Marcos sa kaniyang termino na limbagin sa Ingles at Pilipino ang Official Gazette at nagpanukala na nagtatadhanang ang lahat ng mga gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino. Sa panahon naman ng pangulong Corazon Aquino at kaniyang itinagubilin sa lahat ng sangay ng pamahalaan na gamitin sa mga opisyal na transaksyon ang wikang Filipino. Ang pangulong Fidel Ramos naman ang nasa likod sa pagtatakda na ang buwan ng Agosto ay magiging Buwan ng Wikang Filipino.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG WIKANG PAMBANSA
Napag-iisa ng wikang pambansa ang esensya, puso at kaluluwa ng bawat mamamayan. Na siya ring ating saligan sa patuloy na nagiging susi at nagiging tulay sa patuloy na pagtakbo at pagpapayaman ng ating wika. Kung patuloy ang paggamit natin ng ating wika sa mga pahayag na maaari pang likhain ay mainam na paraan ito upang mahihimok nito ang iba pa na gawin rin na sila’y gumamit ng midyum na wikang Filipino bilang paraan ng pakikipag diskurso at sa iba pang mga malalimang diskurso. Sa ganitong paraan ay patuloy pa natin napagyayaman, napapahalagahan, at nabibigyang pansin ang ating wika. Higit na rin sa mga daing ng bawa’t isa satin sa mga napapanahong mga petsa na may kaganapang kontrobersyal, ngunit hindi marunong umintindi ng ibang wika ay makasusunod at lubos nilang mauunawaan ang mga partikular na kaganapang nangyayari tulad ng mga gayon.

PAGTANGGAP SA PARAAN NG PAGSASALITA NG IBANG KULTURA
Ang bawa't isa sa atin ay may kinagisnang kultura, paniniwala at partikular na ang wika na kung saan ang tangi nating intensiyon ay gamitin ito sa pakikipag-ugnayan sa komunidad o pangkat na ating kinabibilangan. Nababase ang kultura ng ating pangkat sa pagkahango ng ating pagsasalita. Ang iba din sa ating mga nakakasalamuha ay ganoon din ang lagay para sakanila. Kaya marapat lamang na tanggapin ang mga iyon sa kaparaanang pagbibigay ng pagpapahalaga at pagpapakita ng respeto sa mga iyon. Maging iyon man ay kakaiba o hindi pangkaraniwan para sa ating palagay—at kung minsan pa nga ay katawa-tawa pa sa ibang indibidwal—ay tayo sana'y maging angkop at disiplinado. At hindi rin iyon dahilan para isawalang bahala na lamang ang mga ito o bastusin, dahil parepareho lamang ang bawa't isa saatin na ang intensiyon ay makipag-ugnayan o makipag komunikasyon sa ibang tao.

LINGGUWISTIKONG KOMUNDIDAD
Nagiging lingguwistiko ang isang komunidad kung ang lahat ng kabilang sa pangkat na ito ay nakapg-uugnayan at nakakapag komunikasyon nang maayos. Ang mga ito ay may nasusunod na karaniwang pamamaraan at patakaran sa pagsasalita gamit ang dayalekto o wika para sa kanilang pangkat, para sa kanikanilang ikakabubuti. At dahil narin na ang wika ang nagiging esensiya ng isang komunidad. Kasabay na dito ang pagsasaalang-alang nila ng kanilang kultura, tradisyon at kinagisnan na kaakibat ng wika o dayalekto na iyon.

WATAWAT NG PINAS
Ang watawat naman ng Pilipinas ay kinapapalooban ng iba't ibang makakahulugang kulay at simbolo. Ang tatlong bituwin ay nagrerepresenta sa tatlong pangunahing mga pulo. Ang araw naman na may walong sinag ng araw ay sumasagisag sa walong probinsyang unang nag-alsa laban sa mga Kastila. Ang mga kulay naman tulad ng: asul ay sumisimbolo sa kapayapaan at pagkakaisa; ang pula naman ay sumisimbolo sa katapangan; habang ang puting tatsulok naman ay sumisimbolo sa pagkakapatiran at pagkakapantay-pantay. Karagdagan pang impormasyon, ang posisyon ng kulay asul at pula ay nagpapalit bilang pagsisimbolo sa digmaan—sa panahon ng mga digmaan.