Modyul 4.4.Isagawa by christian dave casada

Pangyayari na nasangkot ang mga tauhan.
Marami ang hindi naniniwala sa mga paskin at paghihimagsik. Sa palagay ng ilan ito ay paghihiganti ng mga prayle dahil sa pagkakatubos kay Huli na anak ng tulisang mahigpit na kalaban ng isang korporasyon.Ayon kay Hermana Penchang ay mabuti’t pinaalis na nito si Huli dahil ayaw niyang magalit ang mga prayle sa kanya; gayong dinamdam naman talaga niya ang pagkakatubos sa dalaga.
Sa simula’y di makapaniwala si Huli sa balita ni Hermana Bali na patay na si Kapitan Tiago. Ngunit nang malaman ang totoo ay nahimatay ang dalaga.Dahil wala na si Kapitan Tiago ay wala nang tagatangkilik ang binata. Naging malungkutin si Huli simula noon. Binalak nitong magpatiwakal ngunit hindi natuloy dahil sa takot na sa impyerno ito mapunta.
Nagbigay ng abuloy ang mga kamag-anak ni Basilio ngunit kulang parin ito upang mailigtas ang binata. Kung kaya’t umisip si Hermana Bali ng mas mabuting paraan.Sumangguni sila sa tagasulat ng bayan ngunit wala itong nagawa kundi ituro sila sa Hukom. Ang Hukom naman ay ipinayong sadyain si Padre Camorra.

Habang nasa daan ay tumanggi si Huli na dumaan sa kumbento. Minsan na itong tumanggi sa mga prayle nung nangangailanagn ang kaniyang magulang. Kung ngayon ay lalapit sya sa prayle dahil kay Basilio ay tiyak na marami ang kukutya sa kaniya.
Tiniis pa rin ni Huli ang mga sisi ng kamag-anak na hindi nakakabatid ng mga nangyari sa kanila ni Padre Camorra. Nang gabing iyon ay bahagyang nakatulog si Huli. Ngunit ito ay pagising gising dahil sa masasamang panaginip.Kung hindi lang sana gabi at madilim sa labas ay tumakbo na ito sa kumbento. Dumaan ang maraming araw ay hindi parin nagtungo si Huli sa prayle.
Isang araw ay dumating ang balitang si Basilio nalang ang nabibilanggo. Doon ay hindi na ito nag-atubiling hanapin si Hermana Bali upang magpasama sa kumbento.Nang sumapit na sa pinto ng kumbento ay ayaw nang pumasok ni Huli. Kailangan pa itong batakin at itulak papasok. Kinagabihan ay may balitang isang dalaga ang tumalon mula sa bintana ng kumbento. Kasabay noon, isang matandang babae ang lumabas na nagsisisigaw na parang isang baliw.
Sa kabilang dako, si Tandang Selo ay galit na pumunta sa kumbento, ngunit ito ay pinaalis doon sa pamamagitan ng mga palo at tulak.Bumalik ang matanda sa nayon na umiiyak na parang isang bata. Kinabukasan ay nawala si Tandang Selo dala ang kaniyang gamit sa pangangaso.

Ano ang ginawa ng mga tauhan?
Huli - Gumawa ng paraan upang mapalaya si Basilio ngunit sa kasamaang palad ay pinagtangkaan ni Padre Camorra ang kanyang pagkababae at piniling mamatay kaysa isugal ang kanyang pagkababae.
Hermana Bali -  Tumulong kay Huli para kay Basilio at nakakita ng katawan ni Huli sa kumbento.
Hermana Penchang - Masayang pinaalis si Huli bago maabutan ng mga prayle.
Padre Camorra - Nagtangka sa buhay ni Huli.
Prayle - Tinataguan ni Huli.
Kamag-anak ni Basilio - Humahanap din ng paraan upang tulungan si Huli para kay Basilio.
Basilio - Kasintahan ni Huli at ang natirang bilanggo.
Kapitan Tiyago - Namatay at ikinalungkot ito ni Huli.
Tandang Selo - Galit na pumunta sa kumbento ngunit nawala rin.

...............FILIPINO..............
.............Performance Task.............
........Christian Dave A. Casada......
..................10 - Del Pilar.................

Paano nakabuo ang mga tauhan ng pamamaraan upang malutas ang suliraning kanilang kinaharap?
Si Hermana Bali at Huli ay lumapit sa hukom at kay Padre Camorra upang magawan ng paraan na makalaya si Basilio sa pagkakabilanggo.

Ano ang magandang kinalabasan ng naging desisyon ng mga tauhan?
Sa kabanata ni Huli ay walang naging magandang kinalabasan ang naging kanilang mga naging desisyon ngunit sa kabilang dako, si Basilio ay nakalaya sa pagkakabilanggo.