Filipino Finals Review | Term 1 Grade 7 by B Surbida, Niño Benigno Uno

Kasinghulugan at Kasalungat
∙ Kasingkahulugan
Halimbawa:
maganda – marikit
naiisahan – napaglalalangan
namataan – nakita
∙ Kasalungat na Kahulugan
Halimbawa:
malaki – maliit
sumisid – umahon
nag-aalangan –nakatitiyak

Kuwentong Bayan
Ang kuwentong-bayan

(Ingles: folklore) ay mga kathang isip na kuwento o salaysay na ang mga kumakatawan ay ang mga pag-uugali at mga uri ng mga mamamayan sa isang lipunan. Ito ay nabuo ng mga

manunulat upang kanilang maipahayag ang mga sinaunang pamumuhay at upang maging gabay ng mga tao sa kasalukuyang pamumuhay.

Tema ng Kuwentong-Bayan

Mga kuwento tungkol sa hayop - ito ay mgakwento na may katangiang pantao. Kadalasan ito ay tungkol sa isang tuso at sa isang naiisahang hayop

Mga kuwentong Mahika o Marchen – ito ay mga kuwentong naililigtas ng isang may taglay na mahika ang
isang tauhang nahihirapan.

Mga kuwentong Nabelistiko – ito ay mga kuwentong tungkol sa tauhang nagtatagumpay o bayani kahit wala siyang mahika.

Mga kuwentong Didaktiko at Relihiyoso - ito ay mga kuwentong nangangaral.

Mga kuwentong Trickster – ito ay mga kuwentong tungkol sa tauhang lagging naiisahan ng kalaban sa nakakatawang paraan.

Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Patunay
May mga pahayag na nagbibigay ng patunay upang maging mas malinaw, kapani-paniwala, at maunawaan ng isang

mambabasa o tagapakinig ang isang mensaheo babasahin. Karaniwan, ang mga pahayag na ito ay may sumusuportang

ebidensya o datos.

Mga Uri sa Pagbibigay ng Patunay

Nagpapahiwatig – ito ay pahayag na maaaring sumasalamin sa isang tao o bagay kahit hindi direktang nakikita, nahihipo, o naririnig ang ebidensya nito.

Halimbawa:

1. Ang pagiging tuso ni Pilandok ay labis na ikinagalit ni
Datu Usman.

Nagpapakita – ito ay pahayag na nagpapakita o nagsasaad ng katotohanan.

Halimbawa:

1. Hindi makapaniwala ang datu, ngunit ng ipinakita ni
Pilandok ang kayamanang sinasabing nakuhaniya sa               nasabing kaharian ay naniwala na rin siya.

Nagpapatunay – ito ay pahayagna nagsasaad ng pananalig o paniniwala. Nagtataglay ng matibay na kongklusyon o pahayag na nagsasaad ng ebidensiya.

Halimbawa:

1. Sadyang tuso si Pilandok, katunayan ay makailang
ulit na niyang naisahan ang Datu.

Kapani-paniwala – ito ay pahayag na kapani - paniwala dahil ang ebidensiya ay maaaring makapagpatunay.

Halimbawa:
1. Tunay na mayaman ang panitikang Pilipino,sapagkat
nariyan ang mga tinipong koleksiyon ni Damiana
Eugenio.

May Dokumentaryong Ebidensya – ito ay mga pahayag na naitala, nailalarawan, o kaya ay video.

Halimbawa:
1. Ang mga kuwentong - bayan sakabuuan nito ay
kinalap saPilipinas magmula noong 1908 hanggang
1914, kung saan angmga nasabing kuwentong-bayan
ay hindi pa naiilathala.

Pinatutunayan ng mga Detalye –ito ay mga patunay na detalyeng nakapaloob mismo sa pahayag.
Halimbawa:
1. Isa si Dean Fansler sa mga dayuhang nagkainteres sa
Panitikang Pilipino, katunayan aynailathala niya noong
1921 ang Filipino Popular Tales.

Pagbabago ng Kahulugan ng Salita sa Idinagdag na Panlapi
Halimbawa:

A. Bait, mabait = mabuti

kabaitan = kabutihan

B. Aral, paaralan = eskwelahan

aralin = leksiyon

Pabula - ang pabula o fable sa Ingles ay maiikling babasahing bunga ng mayamang imahinasyon. Ito ay ginagampanan ng mga hayop o mga walang buhay na bagay na may pag-iisip, pag-uugali, at damdaming gaya ng mga tao.

Elemento ng Pabula
Tauhan – ito ang mga tao/bagay/hayop o mga
tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan.

Tagpuan/Panahon – ito ang iba’t-ibang lugar sa
iba’t-ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.

Saglit na Kasiglahan – inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga
pagsubok o suliranin na darating sa buhay ng mga tauhan sa kuwento.

Suliranin – tumutukoy sa paglalabanan ng
pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya.
Ang tunggalian ay maaring tao laban sa tao, tao
laban sa kalikasan, tao laban sarili.

Kasukdulan – ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito ipinahihiwatig sa bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya’y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.

Wakas – tinatawag na trahedya ang wakas
kapag ang tunggalian ay humahantong sa
pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman ng kasiya-siya para sa mabuting tauhan.

Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad
Ang posibilidad ay mga bagay opangyayaring walang katiyakan kung magaganap o hindi. Maaari ding sagot sa

mga tanong na maaaring tamo o mali, o kaya ay Oo o Hindi.

Ang ilan sa mga ekspresyong ito ay angsumusunod:

- tila

- baka

- maari

- marahil

- siguro

- sa palagay ko...

- posible kayang...

- puwede kayang...

Gamitin natin sa pahayag ang ilang ekspresyon, upang higit na maunawaan ang ating pinag-aaralan.

1.Tila nainggit si Marata a Balowa sa karneng usa na nakuha ng mag-inang Mapiya a Balowa. (Hindi sigurado kung nainggit nga si Marata a Balowa, dahil gumamit ng ekspresyong tila ang pahayag.)

2. Maaari kayang engkanto o diwata ang mataba at payat na usa? (Ginamit ang ekspresyong maaari kayang bilang sagot sa tanong. Ngunit batay sa sagot, hindi nakatitiyak kung engkanto o diwata angmataba at payat na usa.)

Ang ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad ay ginagamit din sa paghihinuhasa mga posibleng mangyari.
Halimbawa:

Tanong: May posibilidad bang gantimpala ang mag-inang Mapiya a Balowa mula sa mahiwagang usa?

Sagot: Sapalagay ko ay oo, dahil mabuti ang kalooban ng

mag-ina.

Epiko
Ang epiko ay isang akdang pampanitikan. Ito ay nagmula sa iba’t ibang pangkat-etniko, bayan, lalawigan, o rehiyon ng bansa. Ang sinaunang salaysay na ito na nasa paraang patula ay naibabahagi sa pamamagitan pagkukuwento. Isa sa mga lantad na katangian ng epiko ay ang mga pangyayaring di kapani-paniwala o punong kababalaghan. Laging nakikipagsapalaran ang pangunahing tauhan. Siya ay nakikipaglaban para ipagtanggol o ihanap ng solusyon ang mga suliranin ng mga mahal sa buhay o ngbayan.

Dalawang Uri ng Epiko

Epiko ng mga Kristiyano - may impluwensya ng Katolisismo at mga dayuhan. Halimbawa:
Biag ni Lam-ang, Ibalon

Epiko ng mga Di-Kristiyano - Walang impluwensya ng Katolisismo at mga dayuhan. Halimbawa: Hudhud, Ulalim.

[ Sanhi ]
ang pinagmulan ng isang pangyayari ang dahilan kung bakit naganap ang isang pangyayari ang motibasyon at layunin bago gawin ang isang pangyayari

Halimbawa:
1. Ang hari ng kahariang ito at ang kaniyang kapatid n ababaeng si Prinsesa Datimbang ay labis na naguluhan sapagkat hindi nila kilala ang namatay na prinsipe.
2.Gumawa ng panibagong utos si Haring Madali nangdahil sa inggit niya sa kapatid.

[ Bunga ]
ang resulta o dulot ng isang pangyayari ang epekto ng naganap na pangyayari ang pahayag na nagsasaad ng kinalabasan ng isang naunang pangyayari.

Halimbawa:
1. Pinagsanib nila ang kaluluwa at katawan ni Prinsipe Bantugan, bunga nito ang muling pagkabuhay ng prinsipe.
2.Nabalitaan ni Haring Madali ang
nangyari kay Prinsipe Bantugan,kaya siya ay nalungkot.

Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga
May mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga. Dahil sa mga pang-ugnay na ito, nagiging maayos angugnayan ng mga salita, parirala, at pangungusap. Mahalagang sangkap ito parasa malinaw at mabisang paglalahad ng diwa o mensahe.

Ang SANHI ay ang dahilan kung bakit naganap ang isang pangyayari,samantala...

Ang BUNGA ay ang epekto ng naganap na  pangyayari.

Ang PANG-UGNAY ay bahagi ngpananalita na nag-uugnay ng mga salita-parirala, o pangungusap.

Mga Pang-ugnay na Nagpapakita ng Sanhi:

- sapagkat

- pagkat

- dahil

- dahilan sa

- palibhasa

- kasi

Halimbawa:

1.Na-stranded ang mga pasahero dahil biglang

bumuhos ang malakas na ulan.

2.Kailangan kong magtipid kasi mahina ang kita ni Tatay ngayon. (Ang mga may naka-bold ay nagpapahayagng Sanhi o dahilan, habang ang naka-hilisnaman ay nagpapahayag ng Bunga o resulta.)

Mga Pang-ugnay na Nagpapakita ng Bunga:

- kaya naman

- kaya

- dahil dito

- bunga nito

- tuloy

Halimbawa:

1.Tulog ang sanggol kaya huwag kayo lumikha ng anumang ingay.

2.Nakakalbo na ang kabundukan, bunga nito ang pagkakaroon ng biglaang pagbaha. (Ang mga may naka-bold ay nagpapahayagng Sanhi o dahilan, habang ang naka-hilisnaman ay nagpapahayag ng Bunga o resulta.)

Pagsusuri ng Dokyu-film Batay sa Mga Pamantayan
Dokyu – film

-Pelikula o programa sa radyo o telebisyon na nag-uulat ng matapat at historikal na yugto tungkol sa mga tao, pangyayari, historical at mga isyung panlipunan.

Layunin ng Dokyu – film

I-rekord ang ilang aspeto ng katotohanan para makapagbigay ng aral o makagawa ng isang pang-tala ng kasaysayan. Imulat ang mga tao sa katotohanan o realidad ng buhay. Maging gabay ito upang mas maging mapanuri at may alam sa mga nangyayari sa bansa o lipunan.

Pamantayan sa Pagsusuri ng Dokyu – film

Nakapanayam ba nila ng personal ang mga taong sangkot?

Akma ba ang dokumentaryo sa paksa?
Pinaghandaan ba ang dokumentaryo ng husto? Nararamdaman ba ng mga manonood ang paksa ng dokumentaryo?

Kawastuan/kamalian ng Pangungusap Batay sa Kahulugan ng Isang Tiyak na Salita
Halimbawa:

1.Matangkad ang gusali na kaniyang pinagtatrabahuhan.

(“Mataas” ang angkop na salitang naglalarawan sa gusali.)

2.Ang daan patungo sa bayan ay manipis. (“makitid” ang angkop na salitang naglalarawan sa daan.)

3.Pahiran mo ang iyong uling sa mukha. (“Punasan” ang angkop na salitang naglalarawan sa uling o dumi.)

Katangian ng Maikling Kuwento

May mahalagang bahagi ng buhay na tinatalakay. May mahalagang suliranin ang pangunahing tauhan.

May mahalagang tagpuan.

May mabilis na pagtaas ng kawilihan.

May maigting na kasukdulang agad na sinusundan ng wakas.

Elemento ng Maikling Kuwento

Tauhan – nagbibigay buhay sa kuwento.

Dalawang uri ng Tauhan
1. Protagonista
2. Antagonista

Tagpuan – tumutukoy sa panahon at lugar na pinagyarihan ng kuwento.

Banghay – pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa

kuwento.

Elemento ng Banghay

Simula – pagbubukas ng kuwento ng buhay ng pangunahing tauhan.

Saglit na Kasiglahan – bahagi kung saan unti-unting lumilitaw ang suliraning kakaharapin ng tauhan at ang pagdagdag ng komplikasyon sa mga pangyayari.

Suliranin – ang pagsubok na pinagdaraanan ng pangunahing tauhan o ang balakid sa kaniyang layunin o mithiin.

Tunggalian – dito nagaganapang paghaharap ng tauhan sa kaniyang suliranin.
Uri ng tunggalian:
Tao laban sa tao
Tao laban sa kapaligiran
Tao laban sa sarili

Kasukdulan - pinakamasidhing pangyayari sa kuwento kung kaya ito ang may pinakamataas na kawilihan.

Kakalasan – pagkalas o paglutas sa suliraning kinakaharap ngpangunahing tauhan.

Wakas – katapusan ng kuwento

Paksang Diwa – pangunahing kaisipan ng kuwento na inihahatid sa mga mambabasa.

Katimpian – masining na paglalarawan sa damdamin.

Paningin – ang perspektibong ginagamit sa pagsasalaysay ng mga pangyayari ng kuwento.
Uri ng paningin
1. Unang panauhan
2. Ikalawang panauhan
3. Ikatlong panauhan

Retorikal na Pang-ugnay
Ang retorika ay tumutukoy sa masining napagpapahayag.

Isa sa mga dapat tandaan at isagawa upang mapaghusay ang ating retorika ay ang paggamit ng mga retorikal na

pang-ugnay.

Uri ng mga Pang-ugnay

Pang-angkop - mga katagang nag uugnay sa panuring at tinuturinganay tinatawag na pang-angkop. Higit nitong pinagaganda ang mga salitang pinagsasama, sapagkat nagiging masmadulas bigkasin ang mga pinagsamang salita.

Mga uri ng pang-angkop.
a) Pang-akop na “na”– ginagamit itokung sa katinig nagtapos ang salitang panuring, maliban sa titik na n.

Halimbawa:
• Pinakamatagal na kampeyon
• Mabait na anak

b) Pang-angkop na “-g”– ginagamittuwing ang salitang panuring ay nagtatapos sa katinig na n.

Halimbawa:
• Huwarang ama
• Maaawaing anak

c) Pang-angkop na “ng”– Ginagamitito kapag sa patinig nagtapos ang salitang panuring.

Halimbawa:
•Pinakamagandang vinta
•Tabing dagat

Pang-ukol –
salita o kataga na nag uugnay sa pangngalan at sa iba pang salita sa loob ng pangungusap. Ginagamit ito upang mas umayos angugnayan ng mga salita. Ilan sa mga pang-ukol na ating ginagamit sa, kay, ng, ukol sa/ kay, para sa/ kay, ayon sa / kay, hinggilsa/ kay, tungkol sa/ kay, at alinsunod sa/ kay.

Halimbawa:
• Inilalaan kay Vina ang inaasahang premyong
matatanggap sa karera ng mga vinta.
•Hinggil sa nalalapit na karera ng mga vinta ang pinag-
uusapan ng mga kalalakihan.

Pangatnig -
mga kataga o salita na nanag-uuugnay sa dalawang kataga, parirala, o sugnay. Ginagamit ito bilang pantulong o pantuwang. Ang mga pangatnig na at at patiay ginagamit sa pagdaragdag ng impormasyon. Ang mga pangatnig na ngunit, bagaman, subalit, at datapwat ay ginagamit sa pagsasaad ng pagsalungat o pagtutol. Ang mga pangatnig na o, ni, at maging ay ginagamit satuwing may ibinubukod o inihihiwalay. Sa pagbibigay naman ng kondisyon ay ginagamit ang mga pangatnig na kung, kapag, at basta. Naghahatid naman ng diwang kinahinatnan ng pangyayari ang mga pangatnig na bungang, kung kaya, at kaya naman. Sa tuwing nagsasaad naman ng kadahilanan ay ginagamitang mga pangatnig na sapagkat, dahil sa, at palibahasa.

Halimbawa:
1. Labis ang pag-asam ni Vinana muling manalo sa karera ngmga vinta ang kaniyangama, ngunit hindi nangyari ang kaniyang inaasam-asam.
2. Mabibili ang halos lahat ng kailangan ni Vina para sa pasukan kapag nagwagi sa karera ng mga vinta ang kaniyang ama.

Paggamit ng mga Salitang Hiram sa Pangungusap
1. cake – keyk

2. computer – kompyuter

3. cocina – kusina

4. silla – silya

5. up here – apir

Mga Batayang Sanggunian na Maaaring Gawing

Basehan ng Pagkamakatotohanan:

sariling karanasan

libro

magazine

encyclopedia

pahayagan

radio

telebisyon

internet

Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa
Ang pangungusap na walang tiyak napaksa ay tumutukoy sa pangungusap na hindi ganap ang pagtukoy o hindi kakikitaan ng tiyak na paksa o simuno.

Mga Uri ng Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa

1. Padamdam - mga pangungusap ay nagpapahayag ng

matinding damdamin.

Halimbawa:

∙ Dali!

∙ Takbo!

∙ Ang ganda!

2. Sambitla -Ang mga pangungusap ay iisa o dalawahing
pantig na nagpapahayag ng masidhing damdamin o
damdamin ng pagkabigla.

Halimbawa:

∙ Aw!

∙ Naku!

∙ Sobra!

3. Eksistensyal - Ang mga pangungusap ay nagpapahayag
ng pagkakaroon o kawalan.

Halimbawa:

∙ Wala pang kasunod.

∙ May mga nagbebenta sa kalsada.

4. Pormularyong Panlipunan -  Ang mga pangungusap ay
mga pahayagng paggalang, pagbati, at iba pang
sinasambit upang mailahad angmabuting layuning
panlipunan.

Halimbawa:

∙ Salamat po.

∙ Makikiraan po.

∙ Magandang gabi po.

5. Pamanahon - Ang mga pangungusapna nagsasaad ng

panahon o kalagayan –pangkaligiran/pangkalikasan o

panandalian lamang.

Halimbawa:

∙ Mainit ngayon.

∙ Bumabagyo!

∙ Lunes kahapon.

∙ Bakasyon na.

6. Panawag - Ang mga pangungusap ay iisahing salita na
ginagamit na panawag.

Halimbawa:

∙ Hoy!

∙ Ate!

∙ Binibini!

7. Modal - Ang mga pangungusap ay nagpapahayag ng

kagustuhan, kung maaari, o pangangailangan.

Halimbawa:

∙ Puwede ba?

∙ Maaari kayang magtanong?

∙ Gusto ko.

Mga Bulong at Awiting-Bayan
Ang denotasyon ay tumutukoy sa tiyak at karaniwang kahulugan ng salitang maaaring makuha at mahanap sa diksyonaryo na nagbibigay ng obhetibong kahulugannito. Samantala, ang konotasyon ay pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat ng mga tao. Ito rin ay pagpapakahulugang iba kaysa sa karaniwang pakahulugan.Nagtataglay din ito ng mgapahiwatig.

Ang konotatibong kahulugan ay maaaring batay sa mga saloobin, karanasan, sitwasyon, o pangyayaring

nakaugalian na sa isang tiyak na lugar. Halimbawa, sa Samar, sa Leyte, sa Cebu, at sa iba pang lugar sa Visayas.

Halimbawa:

a.Si Pilemon, Si Pilemon namasol sa kadagatan.

Ang namasol(nangisda) ay karaniwang iniuugnay sa paraan ng pagharap sa buhay. Kung ang konotasyong kahulugan ng “kadagatan” (karagatan) ay “pinagmumulan ng buhay,” ang salitang namansol ay maaaring iugnay sa paraan ng pamumuhay ng tao.

b.Guibaligya,Guibaligya sa merkado'ng guba.

Ang merkado'ng guba (sira-sirang palengke) ay karaniwang iniuugnay sa lugar na mahirap at walang kaayusan.

Ang awiting-bayan ay isang kathang awit na binuo ng isa o pangkat ng mga tao para sa bayan o komunidad. Bunga ng hilig ng mga Pilipino sa mga awitin ang mga ito. Anuman ang kanilang gawin ay may kaakibat na pag-awit. Inilalarawan o sinasalamin nito ang pangaraw -araw na kalagayan ngkomunidad kung saan ito nabuo. Nakapaloob dito ang mga kaugalian, karanasan, trabaho, gawain, at iba pang aspekto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.

Ang bulong ay kilala rin sa tawag na panalangin. Ang pasulat na bersiyon naman nito ay tinatawag na orasyon.

Ito ay inuusal nang pabulong kapag:

1. Nagpapasantabi o nagbibigay ng babala sa mga “nilalang na hindi nakikita” (maaaring duwende sa puno, diwata sa ilog, nuno sa punso, at ibang katulad na elemento).

2.Nagnanais na makamtan ang isang pangyayari o pagbabago sa hinaharap.

3.Nagtataboy ng masasamang diwa, maligno, o espiritu.

4.Nagpapagaling ng nabati o nausog ng tao, nasaktan o

napagkatuwaan ng mga lamang lupa, naengkanto, nakulam,

at mga katulad nito.

Antas ng Wika Batay sa Pormalidad
Ang wika o salitang ating ginagamit sa pakikipagtalastasan ay mayroong mga antas. Nasusuri natin ang antas ng wika o salita batay sa pormalidad nito. Filipino ang pambansangwika ng Pilipinas. Kumakatawan ito sa lahat ng wika at diyalektong sinasalita sa buong kapuluang sakop ng teritoryo ng bansa. Bawat wika ay may kani-kaniyang diyalekto, kaya nagkakaroon ng pagkakaiba sa barayti o antas ng wika, kasama na ang iba pang salik tulad ng panahon, kapaligiran, lugar, at kakanyahan ng mga taong nagsasalita o gumagamit ng wika. Angantas ng wikaay tumutukoy sa wikang madalas na ginagamit ng isang tao na mabisang palatandaan ng bahagi ng kaniyang pagkatao at lipunang kaniyang kinabibilangan.

Dalawang antas ng Wika Batay sa pormalidad
1.Wika o salitang di-pormal (informal) - ginagamit sa
pang-araw-araw na pakikipag-usap. Payak lamang ang mga bokabularyo nito. Simple at maikli rin ang mga pangungusap nito. Ito ay may tonong kolokyal o kaswal, na tila nakikipag-usap lang.

Tatlong uri ng wika o salitang di-pormal
Balbal - Ito ay tinatawag ding salitang pangkalye o slang sa Ingles. Mga salitang karaniwang ginagamit sa kalye at may pansariling kahulugan o koda.

Halimbawa
1.gurang – matanda
2.tisoy – mestizo
3.yosi –sigarilyo
4.Chaka – Hindi maganda (Not pretty)
5.Fes – Mukha (Face)
6.Japorms – Porma (Clothes)
7.Keribels – Kuha mo ba? (Got It?)
8.Keri Pa? – Kaya Pa? (Can you still go on?)

Kolokyal- Ito ay halaw sa mga salitang ginagamit sa pang-araw araw na pakikipagtalastasan. Mga salitang pinaikli o
kinaltasan, mga salitang pinagsama, o pagsasama ng dalawang wika.

Halimbawa
1.kelan – kailan
2.anyare – ano ang nangyari
3.Magjo-join ka na sa party mamaya. (Taglish)
4.Ay Hesus! – aysus!
5.Mayroon – meron
6.Sa akin – sakin
7.Kailan – kelan
8.Bakit? – ba’t?
9.Pinsan – insan

Lalawiganin- Mga salitang natatangi at ginagamit sa mga lalawigan,may kani-kaniyang tono, bigkas, at kahulugan.

Halimbawa
1.magtatanom – magtatanim
2.higdaan – higaan
3.gugma – mahal
4.ditse (ate)
5.sangko (kuya)
6.pasanin (problema)
7.bilot (tuta)
8.tubal (labahin)
9.Gadan – namatay

2.Wika o salitang pormal (formal) - ginagamit sa mga paaralan, pormal na panayam, pormal na pagtitipon, at iba pang kagaya nito. Wika o salitang pormal ang ginagamit sa pagsulat ng mga seryosong publikasyon, aklat, sulating pang-akademya, teknikal, at pang- intelektwal. Piling-pili ang mga bokabularyo nito. Ito ay may tonong pormal sa lahat ng pagkakataon. Mahigpit nitong sinusunod ang tamang
balarila at retorika. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at tiyak.

Tatlong uri ng wika o salitang pormal
Teknikal - Ito ay mga salitang ginagamit sa larangan ng agham, sipnayan, teknolohiya, at pangkalusugan. May mga salitang hiram na nabibilang din dito.

Halimbawa
1.Kompyuter
2.Aritmetika
3.Asoge
4.astronomiya
5.legislation o lehislatibo
6.visual basic
7.sosyolohiya
8.debit & credit
9.staff & clef (music)

Pambansa - Ito ay mgasalitang karaniwang ginagamit ng mga manunulat sa aklat na ginagamit sa paaralan,
pamahalaan, at pormal na babasahing pangmadla.

Halimbawa
1.ina (hindi nanay o mama)
2.mag-anak (hindi pamilya)
3.kapatid (hindi utol)
4.Anak
5.Asawa
6.Ama
7.Sambayanan
8.Experto

Pampanitikan - Ito ay mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan o malikhaing pagsulat at ginagamitan ng masining na wika.

Halimbawa
1.Mag-isang-dibdib
2.kapilas ng buhay
3.pusong 🤬
4.Kapusod – ibig sabihin kapatid
5.Ga-higante – ibig sabihin  malaki
6.Katuwang –ibig sabihin katulong
7.sinisinta - iniibig
8.humahalimuyak
9.malasutlang kutis

Mga Maaaring Dahilan sa Pag-uulit ng Isang Salita sa Teksto o Akda
Ang pag-uulit ng salita ay kadalasang ginagawa ng manunulat upang bigyang-diin o tuon ang mahahalagang ideya, konsepto, o mensahe na nais niyang maunawaan ng

mambabasa sa kaniyang akda. Nakatutulong ito na gabayan ang mambabasa sa pag-unawa ng akda.

Mga Maaaring Dahilan sa Pag-uulit ng Isang Salita sa Teksto o Akda

1.Sa mga tekstong impormatibo, maaaring ito ay pag-uulit ng isang salita o pagbibigay ng kasingkahulugang salita

upang magbigay-diin. Marahil ay binibigyang-diin ito dahil

isa itong pangunahing konsepto tungkol sa tinatalakay na paksa.
2.Sa akdang pampanitikan na inaasahang gamitan ng masining na paggamit ng wika.Maaari din itong gamiting teknik sa pagsusulat upang gawing mas matingkad ang paglalarawan o pagsasalaysay ng manunulat sa kaniyang

akda at lalong maengganyo ang mambabasa sa pagbabasa.

Gabay sa Pagpapakahulugan ng Paulit-ulit na Salita sa Akda Dapat isaalang-alang ang uri ng teksto o akdang kinapapalooban nito, dahil mahalagang makita ang karamihan kung hindi man ang kabuuan ng teksto o akda para malaman ang kahalagahan o silbi ng salitang ito.

Maaaring itanong sa sarili habang nagbabasa ang sumusunod:
1.Anong uri ng teksto ang aking binabasa?

2.Anong uri ng salita ang paulit-ulit na binabanggit sa teksto
o akda?

3.Ano ang kaugnayan ng salitang ito sa bahagi kung saan ito

binabanggit?

4.Tungkol saan ang aking binabasa at paano ito maiuugnay
sa salitang ito?
5.Paano nakatulong ang salita para maunawaan ko ang
binabasang teksto o akda?

Halimbawa:

“Noong panahong napadpad ang mga Kastila sa Pilipinas,dumaong ang kanilang mga barko sa pulo ng Panay. Isa sa mga namumuno ng mga iyon ay ang mabait na Heneral Alejandro de la Cuesta. Dumaongsila sa baybaying-dagat ng Panay at buhat doon ay nagsimulang maglakbay sa pulo hanggang sa makarating sa isang pook kung saan naninirahan ang mga katutubo. Paliwanag:Inulit ang mga salitang “daong” at “pulo” sa talatang ito upang bigyang-diin na ang mga Kastila ay nagpunta lamang sa mga isla ng noo’y hindi pa kinikilala bilang Pilipinas. Ipinahihiwatig nito ang pangyayari sa ating kasaysayan ng pananakop ng mga Kastila sa ating bayan bilang kaligirang pangkasaysayan ng alamat na ito. Isang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang mga alamat. Ang alamat ay nagsasalaysay kung paano nagsimula ang isang bagay.

Karaniwang paksa

●ang ating katutubong kultura

●mga kaugalian

●kapaligiran.

Ang alamat ay bahagi ng karunungang-bayan na nasa anyong pasalita ang paraan ng pagsasalaysay at nagsimula noong panahon ng mga katutubo. Layunin ng alamat na ipaliwanag ang pinagmulan ng mga bagay, lugar, at pangyayari. Ang impormasyon makukuhamula sa alamat ay kathang-isip lamang at walang pinagbatayang pag-aaral.

●kaligirang pangkasaysayan ng isang akda ay tumutukoy

sa historikal na konteksto nito. Ibig sabihin ay ang mga
detalye sa isang takdang panahon nang maganap ang
isang pangyayari. Sinasaklaw nito ang panlipunang,
panrelihiyon, at pulitikal na kondisyong umiral sa

isang lugar at panahon. Ito ang mga salik na nakaapekto sa
isang pangyayari sa kasaysayan

Paraan upang malaman ang Kaligirang Pangkasaysayn sa Akda

1. Pananaliksik ang tiyak na paraan para malaman ang
kaligirang pangkasaysayan ng isang akda. Pangunahing
dapat malaman ay ang mga historikal na kalagayan o
kinalalagyan ng Ang alamat ay bahagi ng karunungang-
bayan na nasa anyong pasalita ang paraan ng
pagsasalaysay at nagsimula noong panahon ng mga
katutubo. Layunin ng alamat na ipaliwanag ang pinagmulan
ng mga bagay, lugar, at pangyayari. Ang impormasyon
makukuha mula sa alamat ay kathang-isip lamang at
walang pinagbatayang pag-aaral.

●Kaligirang pangkasaysayan ng isang akda ay tumutukoy

sa historikal na konteksto nito. Ibig sabihin ay ang

mga detalye sa isang takdang panahon nang maganap ang
isang pangyayari. Sinasaklaw nito ang panlipunang,
panrelihiyon, at pulitikal na kondisyong umiral sa isang
lugar at panahon. Ito ang mga salik na nakaapekto sa isang

pangyayari sa kasaysayan.

Paraan upang malaman ang Kaligirang Pangkasaysayn sa Akda

1. Pananaliksik ang tiyak na paraan para malaman ang
kaligirang pangkasaysayan ng isang akda. Pangunahing
dapat malaman ay ang mga historikal na kalagayan o

kinalalagyan ng manunulat habang binubuo ang akda.

2. Paghihinuha ay ang pagbibigay ng prediksiyon sa mga
maaaring mangyari at/o pinaghanguan ng mga pangyayari

gamit ang mga impormasyon, at palatandaan mula sa mga
pangyayari sa akda.

Mga Pahayag sa Paghahambing at iba pangkaantasan ng Pang-uri
May mga salitang ginagamit sa paghahambing ng dalawang tao, bagay, pook o lugar, pangyayari at iba pa.

●Magkatulad ang hambingan kung ang pinaghahambingan
ay parehas o patas ang katangian.

●Di-magkatulad naman ang hambingan kung ang mga
pinaghahambing ay hindi magkaparehas ng uri o katangian.

Pang-uri

bahagi ng pananalitang naglalarawan o nagbibigay turing sa

pangngalan o panghalip. Isa sa mga Antas nito ay ang Pahambing. Pahambing- antas ng pang-uri na naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip.

Dalawang uri ng pahambing

1.Pahambing na Patulad- ito ay nagsasaad ng magkatulad o

magkapantay na katangian ng dalawan tao, bagay, pook o

lugar, pangyayari at iba pa na pinaghahambing. Gumagamit
ito ng mga panlapi tulad ng:ka, sing/sin/sim,magsing,
kasingo ng mga salitang pareho,kapwa,paris ng, gaya ng,
tulad ng.

Halimbawa:

●Ang mga hayop aypareho din ng tao na kailangan ng
pagkain at maiinom upang mabuhay.

●Magkatulad ang marka na nakuha namin sa lagumang
pagsusulit.

●Ang panahon kung kailan nangyari ang alamat at ang
katutubong kasaysayan ng Capiz ay parehong nangyari
noong panahon ng Kastila.

●Magkasing rikit ang kababaihan taga-baryo at taga-bayan.

●Parehong malakas at maaasahan sa mga gawain sa bukid
ang kalabaw at baka.
●Ang malugod na pagtanggap ng mga katutubo sa kay
Heneral de la Cuesta ay tuladng kanilang mainit na

pagtanggap sa isang dating kaibigan nagbabalik

upang bumisita.

2. Pahambing na Pasahol o Palamang- ito ay nagsasaad ng

nakahihigit o nakalalamang na katangian ng isa sa
dalawang tao, bagay, pook o lugar, pangyayari at iba pa na

pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga katagang *higit,
mas, lalong, di-gaano, di-gasino, kaysa, di tulad, di, gaya,
di hamak, di totoo, di lubha.*

Halimbawa:

●Mas masaya ang talakayan sa face to face kaysa ODL.

●Mas kapani-paniwala ang katutubong kasaysayan na
mayroong pinagbatayan kaysa sa alamat na isang piksyon
o kathang-isip lamang.

●Lalong dumami ang mga dayuhang dumating sa baybayin
ng Panay kaysa noong unang dating nina Heneral
Alejandro de la Cuesta.

●Nanibago ang mga katutubo sa mga dayuhan na higit na

matatangkad at mapuputi kaysa kanilang mga kapuwa.

Clining o Pagkiklino
Clining o pagkiklino ang mga salitang magkakaugnay, subalit kung titingnan ang kahulugan ng bawat salita ay magkakaiba

batay sa tindi ng antas ng pagpapahayag. Hindi lahat ng salitang magkakasingkahulugan ay pareho ang ibig sabihin.

Hindi maaaring pagpalitin ang gamit ng mga ito. Bagaman iisa ang malawak na kahulugan, magkakaiba naman ang tindi ng ipinahahayag nito. Magkaiba ng digri o tindi ng nais iparating nito, lalo na kapag ginagamit na sa pangungusap.

Halimbawa:

Antas Salita

1 Ngiti

2 Hagikhik
3 Tawa

4 Halakhak

5 Hagakhak

6 Hagalpak

Paliwanag:

(Ang ngiti ay walang anumang tunog na maririnig. Ang hagikgik ay impit o mahinang pagbuga ng hangin dulot ng katuwaan, na susundan naman ng tawa. Kapag ang tawa ay may kalakasan, ito ay tinatawag na halakhak. Kapag higit na malakas ito ay tinatawag na hagakhak, at ang pinakamalakas na tawa ay hagalpak)

Mga Tradisyong Kinagisnan ng mga Taga-Bisaya
1.Pamamanhikan Kaugalian ng ating mga ninuno na pumili ng kanilangmapapangasawa na nabibilang sa uri ng lipunang kinabibilangan nila. Ang mga lalaki o binata na nagmula saisang pamilyang mataas ang antas sa lipunan ay maaaring pumili ng babae o dalaga mula sa angkan na katulad nilaang antas sa lipunan.

2.Ang bigay-kaya o dote ay anumang mahalagang ari-arian na maibibigay ng binata sa dalaga. Maaari itong mangahulugan ngpagbabalik-loob ng binata sa magulang ngdalaga sa maramingtaong pag-aalaga saanak na babae. Isa rin itong paraan ng pagpapakita ng lalaki nakaya niyang ibigay ohigitan pa ang mgapangangailangan ngdalaga at angpamilyang kanilangbubuuin.

Editoryal
●tinatawag ding Pangulong-Tudling
●bahagi ng pahayagan na nagsasaad ng mapanuring
pananaw o kuro-kuro tungkol sa isang isyu.
●itinuturing na tinig ng pahayagan dahil dito
mababasa ang   paninindigan nila tungkol sa
isang napapanahong isyu.

Bahagi ng Editorial

1.Panimula- dito binabanggit ang isyu o balitang tatalakayin.

2.Katawan- sa bahaging ito ipinahahayag ang opinyon o kuro-kuro ng patnugot. Maaaring ilahad ito sa pamamagitan ng paglalarawan, gayundin ang pro (pagpanig) o con (pagsalungat) sa isyung tinatalakay.

3.Wakas- dito ipinahahayag ang bahaging panghihikayat o   paglalagom upang mabuo sa kaisipan ng mambabasa ang  pananaw na nais ikintal ng editoryal.

Mga Uri ng Editoryal
a.Nagpapabatid- ipinaliliwanag o nililinaw ang isang isyu sa hangaring higit na maunawaan ang balita o pangyayari.

b.Nagpapakahulugan- Binibigyang kahulugan ang isang pangyayari o kasalukuyang kalagayan sang-ayon sa paningin o pananaw ng pahayagan.

c.Namumuna- isang hayagang panunuri ngunit di namanpagbatikos tungkol sa mainit na isyu. May layunin itongmagmungkahi sang-ayon sa isyung pinapanigan ng pahayagan.

d.Nanghihikayat- mabisang panghihikayat sa mga mambabasa upang sumang-ayon sa isyung pinapanigan opinaninindigan ng pahayagan.

e.Nagpaparangal o Nagbibigay-puri- nag-uukol ng papuri okarangalan sa isang tao o kapisanang nakagawa ng kahanga-hanga.

f.Nanlilibang- nahahawig ito sa sanaysay na impormal. Tumatalakay ito sa anumang panig ng buhay, kaya’t madalasna nakawiwili ang paksa, nakalilibang sa mambabasa, o naka  pagbabalik ng masaya o maging sentimental naalaala.

g.Nagpapahalaga sa natatanging araw - tinatalakay nito ang mga pambansang pagdiriwang tulad ng Pasko, Mahal na Araw, Todos Los Santos, Bagong Taon at iba pa.

Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Panghihikayat
Pangatnig ang tawag sa mga kataga o salitang gamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, parirala sa kapwa parirala, at sugnay sa kapwa sugnay.

Mga Iba't-ibang Uri ng Pangatnig na Ginagamit sa

Panghihikayat

1.Pagbibigay-Sanhi/Dahilan- Pinag-uugnay nito ang

mga lipon ng salita upang magbigay-katuwiran.

Ginagamit dito ang pangatnig nadahil sa, sapagkat, palibhasa, kasi,at mangyari.

Halimbawa:

●Maraming turista ang pumupunta sa Boracay dahil samala-kristal nitong buhangin. (Ang pangungusap aynagbibigay ng dahilan kung bakit maraming turista ang pumupunta

sa Boracay.)

2.Pagbibigay-Layunin- Nagsasaad ito ng hangarin o naisin.

Kabilang dito ang pangatnig naupang, sa ganoon/gayon, nang, at para sa.

Halimbawa:

●Upang makahikayat ng mga turista, nagsulong ang pamahalaan ng mga programa nito sa turismo. (Ang

pangungusap ay nagsasaad ng layunin kung bakit nagsusulong ang pamahalaan ng mga programa sa turismo.)

3.Pagbibigay-Konklusyon-  Nagsasaad ito ng panghuling pananaw o opinyon. Kabilang dito ang pangatnig na

samakatuwid, kung kaya, kaya, kung gayon, at anupa‘t.

Halimbawa:

●Samakatuwid, ang pagsulong ng pamahalaan sa mga

programa nito sa turismo ay makahihikayat ng mga turista at

negosyanteng dayuhan na pumunta at magtayo ng kanilang negosyo sa Pilipinas. (Ang pangungusap ay nagsasaad ng

panghuling pananaw ukol sa isinusulong na programa ng

pamahalaan para sa turismo.)

4.Pagsalungat - Nagsasaad ito ng pag-iiba,pagkontra o pagtutol. Kabilang dito ang mga pangatnig na pero, ngunit, sa halip, datapwa‘t, at subalit.

Halimbawa:

●Gumaganda na sana ang ekonomiya ng bansa subalit ang

pagtaas ng krimen ay nakaaapekto sa panghihikayat ng

mga turista. (Gumaganda raw ang ekonomiya ngunit isang banta rito ang pagtaas ng krimen, kung kaya't ginamit ang

pangatnig na subalit upang matutulan ang naunang mensahe.)

5.Pagpapatotoo- Nagsasaad ito ng pagpapatunay. Kabilang

dito ang mga pangatnig nasa totoo langatsa katunayan.

Halimbawa:

●Sa katunayan, tumaas ang bilang ng mga turista sa bansa at patunay rito ang 1.27 milyong dayuhang turista na naitala sa unang buwan ng 2013. (Pinatunayan ng pangungusap ang
mensaheng nais ilahad sa pamamagitan ng patunay na datos at pangatnig na sa katunayan.)

6.Pagbibigay-Kondisyon-  Nagsasaad ito ng kondisyon o pasubali. Kabilang dito ang mga pangatnig nakapag, kung, sakaling, sandaling, at basta.

Halimbawa:

●Kung masosolusyonan ang grabeng trapik sa Metro Manila, maraming turista ang darayo sa ating

bansa. (Binibigyang pag-asa ang lahat na maaari pa ring

dumami ang mga turista sa bansa.)

Paggamit ng Pang-abay nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.

Dalawang uri ng Pang-abay May dalawang uri ng pang-abay na ginagamit sa panghihikayat,ang panang-ayon(tunay, talaga, opo, oo, sadyang,at totoo) atpananggi(hindiat ayaw).

Ilang halimbawa ng mga Pahayag at Salitang Nanghihikayat

●Totoo / Tama

●Siyempre

●Tunay

●Naniniwala akong…
●Talaga

●Kaya mong maging bahagi ng…

●Tumpak

●Sama na…

●per / subalit

●Tara..

●Kaya natin ito

●Kitang-kita mong…

●Siguradong…

●Ito na…

●Ngayon na!

1. Naniniwala akong may magagawa ang bawat isa sa atin
upang maging makabuluhan ang buhay natin sa mundo. 2.Talagang kailangan ng iba ang tulong natin.

3.Tara, sama na!