#KabataanK! (Kabataang May Kamalayan): Basta May Alam, May Pakialam! by Mauren Cheyenne

Ekonomiyang Dagat
Ang West Philippine Sea ay mayaman sa likas na yaman tulad ng isda, langis, at natural gas na mahalaga sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang mga yamang-dagat ay nagbibigay ng hanapbuhay sa mga mangingisda at nag-aambag sa industriya ng pagkain, na mahalaga para sa seguridad sa pagkain ng bansa.

Kalakalan at Transportasyon
Ang West Philippine Sea ay isang mahalagang ruta ng kalakalan kung saan dumadaan ang malaking porsyento ng pandaigdigang kalakalan. Ang kontrol sa rutang ito ay mahalaga upang matiyak ang tuluy-tuloy na pagdaloy ng mga kalakal at produkto, na mahalaga sa ekonomiya ng Pilipinas.

Tiwala, Accountability, at Magandang Halimbawa para sa Kabataan
Mahalaga ang integridad at transparency para sa kabataan sa mga posisyon ng pamahalaan dahil ito ay nagtataguyod ng tiwala ng publiko, nagsisiguro ng

pananagutan o accountability, at nagsisilbing magandang halimbawa para sa mga kabataan.

Pagbuo ng Tiwala: Kapag ang mga opisyal ay tapat at bukas sa kanilang mga gawain, mas nagiging kampante ang mga mamamayan na ang kanilang mga interes ay pinoprotektahan at pinaglilingkuran nang maayos.

Accountability: Sa pamamagitan ng pagiging bukas sa kanilang mga aksyon at desisyon, napipilitang managot ang mga opisyal sa kanilang mga ginagawa.Ito ay nagpapahintulot na masuri at mabantayan sila ng publiko, na nagreresulta sa mas maayos at tapat na pamamahala.

Magandang Halimbawa para sa Kabataan: Ipinapakita nila na ang tapat at bukas na pamumuno ay posible at mahalaga, na nag-uudyok sa mga kabataan na maging mabuting mamamayan at lider sa hinaharap.

Ang mga katangiang ito ay nagtataguyod ng isang makatao, matapat, at maayos na pamamahala, na siyang susi sa pag-unlad ng ating bansa.

Ang pagkakaroon ng integridad at transparency ay mahalaga para sa kabataan upang magkaroon sila ng ethical leadership. Ang integrity at transparancy na nakikita/makikita ay maaaring maging inspirasyon sa mga kabataan na gustong maging pinuno sa hinaharap.

Madali nilang mabubuo ang tiwala sa komunidad na kanilang kinabibilangan at mauunawaan ang kahalagahan ng accountability at credibility bilang kabataan at mga pinuno.

korapsiyon, koruption, katiwalian o pangungurakot ay nag sisimbolo ng kawalan ng integridad at katapatan sa tungkulin. maraming maaring maging dahilan ng korupsiyon isa na rito ay ang mga impluwensiyang nakukuha at natututunan sa mga taong nakapaligid sa isang nahalal. halimawa na lamang ang mga taong handang manuhol sa mga naka posisyon para sa kanilang sariling interes o pabor kaya naman walang opisyal na magiging korup kung walang taong nanunuol.

Bilang isang kabataan, aking napagmasdan na ang isang dahilan ng kanilang korapsyon ay ang kagahamanan sa salapi at kapangyarihan. Karamihan sa kanila ay nangungurakot ng salapi mula sa baranggay upang kanilang gamitin sa kanilang pang sariling kasiyahan. Dahil kung ating tutuusin, hindi naman kalakihan ang kanilang nakukuhang sweldo kung kaya't maaaring isa itong dahilan kung bakit sila nangungurakot sa salapi ng barangay. Marahil kanilang naiisip na hindi sapat ang kanilang nakukuhang sweldo sa kanilang mga ginagawa sa barangay. Dahil dito, nagkakaroon sila ng kagustuhan na mapantayan ang kanilang ginagawa ng sapat na sweldo na nagiging ugat naman ng korapsyon.

Pagkakaroon ng Kamalayan, Pagsusuri ng Katotohanan, at Pagkalat ng Tamang Impormasyon.
Bilang parte ng kabataan, ito lamang ang ilan sa mga maaari kong gawin upang maipakita ang aking pakialam sa isyung ito:

Una, sa pagkakaroon ng kamalayan. Gamit ang mobile phone at social media, maaari akong magbasa at manood ng mga balita patungkol dito. Maaari rin na sa tuwing may daraan na balita patungkol dito, ay magkalap ako ng impormasyon.

Pangalawa, sa impormasyong nakalap, kailangan kong suriin muna ito kung totoo o ‘fake news’ ba ito. Sa pagsusuri ng katotohanan, maipapakita ang kasigasigan na malaman ang mga totoong nangyayari at magbigay pakialam dito. Masisigurado na sa hakbang na ito ay tama at mapagkakatiwalaan ang pinanggalingan ng balitang nasabi.

At panghuli, sa pagkalat ng impormasyon. Dito, maaaring verbal o non-verbal ang pagkalat ng mga tamang impormasyon sa mga kaibigan, pamilya, o maging sa social media. Sa pamamagitang ito, magkakaro’n pakialam at mae-enganyo na rin ang ibang tao na makibahagi sa adbokasiya ko bilang isang kabataan na magkaroon ng pakialam at kamalayan sa mga isyung patungkol dito.

Labis na pag nanais sa kapangyarihan.
Ang political dynasty ay may malaking negatibong epekto sa isang komunidad o bansa. Dahil maaari itong umabot sa punto ng pag-abuso sa kapangyarihan na ginagamit sa hindi tamang paraan at hindi pagiging pantay sa iba pang mga kandidato.

Ang pagkakaroon ng ganitong kaso ay maaring mag tungo sa pag babawal sa iba pang mga kandidato na nais tumakbo at humahantong sa pagkakaroon ng ‘death threats’ dahil sa kagustuhan nila maupo sa puwesto.

At ang pagkakaroon ng political dynasty ay nagiging daan tungo sa korapsyon dahil ito ay nagreresulta sa pagkakaroon ng pribilehiyo na namamana ng ibang kasapi ng pamilya.

Sa aking palagay ang mga hakbang na maaring gawin upang maiwasan o labanan ang nepotismo sa mga pampublikong tanggapan ay ang mga sumusunod:

Pagpapatupad ng mahigpit na batas at regulasyon: Dapat magkaroon ng malinaw na mga patakaran at regulasyon laban sa nepotismo, na may kaukulang parusa para sa mga lalabag nito.

Pagbuo ng Independent Oversight Bodies: Magtatag ng mga commissioners o agencies na magbabantay sa mga proseso ng mga empleyado at kanilang mga promosyon upang masiguro na ito ay patas at walang kinikilingan.

Transparency sa Recruitment Process: Ibigay ang malinaw at transparent na proseso ng pagkuha ng mga empleyado. Dapat din gawing publiko ang mga job postings at ang mga qualified na mga aplikante para sa trabaho.

One of the possible effects of Bamban Mayor Alice Guo's statements on the relationship between the Philippines and other countries, especially China, is discrimination. It's sad to think about it, but it's already happening to innocent people who have nothing to do with Alice Guo's issue. Other tourists in our country, or even our fellow Filipinos with Chinese blood, experience discrimination where they are accused of being spies in our country and need to be deported to another country. I've also seen a Filipino kick out a group of Chinese who were quietly eating at a restaurant because of the accusation that they were Chinese spies in our country. It hurts to think that there are people who are closed-minded and think that not everyone who has blood from other countries is a spy and just lives peacefully in our country. It is true that our country's dispute with China about the West Philippine Sea is an alarming issue, but I hope we do not think that all Chinese are spies or bad people; they may be living or just having fun in our country as tourists.

Ang mga pahayag ni Alice Guo ay maaaring magdulot ng tensyon sa relasyon ng Pilipinas at Tsina. Ang tensyon sa West Philippine Sea at ang pagpapakitang-tao ng Tsina na maaaring nagpapalala ng pag-aalinlangan at pagdududa sa impluwensya ng Tsina sa Pilipinas. Ang kaso ni Guo, kasama ang mga kontrobersya tulad ng POGO at ang mas malawak na kasaysayan at ekonomikong ugnayan ng mga Filipino-Chinese communities, nagdaragdag ng sensitibong aspeto sa mga diplomatikong relasyon. Ang anumang pag-uugnay o pahayag na nag-uugnay kay Guo sa Tsina ay maaaring palalain ang umiiral na pag-aalinlangan at negatibong epekto sa bilateral na ugnayan, na maaaring makaapekto kung paano tatahakin ng parehong bansa ang kanilang diplomatikong pakikipag-ugnayan sa hinaharap.

Bukod dito, ang kaso ni Guo ay maaaring makaapekto sa pag-unawa ng publiko at sa internal na dynamics sa politika sa Pilipinas. Ang kontrobersiya ay maaaring magpalalim ng pagdududa ng publiko sa impluwensya ng Tsina sa mga usapin ng Pilipinas, na maaaring magdulot ng panawagan para sa mas mahigpit na regulasyon o makakaapekto sa lokal na mga pulitikal na pangyayari. Habang hinaharap ng Pilipinas ang mga isyu ng soberanya at katiwalian, ang sitwasyon ni Guo ay nagsisilbing isang halimbawa na nagpapakita ng mas malawak na mga alalahanin tungkol sa dayuhang impluwensya at lokal na pamamahala.

Ang political dynasty ay isa mga isyung kinakaharap ng Pilipinas.

Ang political dynasty ay nakaaapekto sa pag halal ng isang hindi sikat na kandidato na mayroong potensyal dahil madalas ay nakukumbinsi ng mas sikat na tumatakbo ang madla kahit na mayroong ginawang katiwalian sa bayan ang kamag-anak nitong kabilang sa politiko.

Malaki ang ginagampanan nitong tungkulin sa aspeto ng pag luklok sa tamang kandidato dahil mas madalas na nagiging makapangyarihan ang mga sikat  na sa "serbisyo" kahit hindi naman ito naging produktibong sa termino nito.

NEPOTISMO
Sa aking palagay bilang isang Lider Estudyante

hi