Ang Kaugnayan ng Anak sa aking Buhay by

Regine
Ang natutuhan ko mula sa pelikulang Anak ay ang kahalagahan ng pagpapatawad at sakripisyo. Bilang isang anak ng dating OFW, nauunawaan ko ang sakripisyo ng Ina na ipinakita sa pelikula. Sa kabila ng layo ng mga magulang ko, nakita ko kung paano sila nagsusumikap para sa aming kinabukasan. Nakita ko rin kung paano ang kakulangan ng komunikasyon at ang mga hindi pagkakaintindihan ay nakakaapekto sa relasyon nila, at sa aming pamilya. Minsan, mahirap ang hindi pagkikita, at may mga pagkakataong mayroong mga hindi pagkakaintindihan, pero natutunan ko na ang bawat sakripisyo nila ay bunga ng pagmamahal nila sa amin. Ang pelikulang “Anak” ay nagpapaalala sa akin na mahalaga ang pagpapatawad, pagkakaunawaan, at pagpapakita ng pagmamahal upang mapanatili ang matibay na relasyon sa isang Pamilya.

Jaseph
Natutuhan ko mula sa pelikulang anak na ang pagmamahal ng isang ina ay hindi nauubos, bagkus ito ay patuloy na umaapaw para sa kanyang mga anak, kaakibat nito ang pagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang mga anak kahit ang mga ito ay hindi sinusuklian ang paghihirap ng kanilang ina.

Natutuhan ko mula sa pelikulang Anak na ang pagmamahal ng isang ina ay tunay na walang hanggan. Ipinakita sa pelikula ang sakripisyo at pagsusumikap ng isang ina na nagtatrabaho nang walang humpay upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Hindi lamang nasusuklian ng pasasalamat ang pagmamahal na bin ibigay sa atin ng ating mga ina, dahil sa kabila ng lahat ang ating mga ina ay hndi napapagod sa pagbibigay.

Ang natutunan ko sa Pelikulang Anak ay kung paano mag sakripisyo ang magulang  na magtrabaho sa ibang bansa para lamang matugunan nila ang pangangailang ng kanilang mga anak kahit na ang kapalit nito ay paglayo sa kanilang mga mahal sa buhay.

Hannah
Ang pelikulang "Anak" ay nagpapakita ng lubos na pagmamahal at sakripisyo para sa pamilya. Isa sa napulot kong aral sa pelikulang ito ay bukod sa labis na pagmamahal ng nanay sa kanyang anak na handang hamakin ang lahat maibigay lang ang mga pangangailangan nito, natutunan ko na, hindi magiging sapat ang pera na maipapadala natin sa pamilya natin kung wala tayo sa tabi nila sa oras na kailangan nila tayo. Sa pelikulang ito, ipinapakita na importante para sa isang anak ang presensya, pag-aaruga, at pagmamahal ng magulang. Sa totoong buhay, kung ilalagay ko ang posisyon ko sa karakter ng anak na si Clara na pinagbidahan ni Claudine Baretto, magkakaroon din ako ng tampo at sama ng loob sa aking ina, dahil bilang anak hinahanap ko din ang pag-aaruga niya, pero sa kabilang banda lalawakan ko ang pag-unawa ko dahil lahat naman ng iyon ay ginagawa niya para sa amin at kinabukasan namin.