ARTFOLIO SA FILIPINO 10 by Nicole Apuang

AKDANG MEDITERRANEAN
Pamagat: Ang Kahon ni Pandora
May-akda: Hesiod

Introduksyon:

Ang Kahon ni Pandora ay isang maikling kuwento mula sa Mitolohiyang Griyego na tungkol sa salaysay ng pinagmulan ng lahat ng uri ng kasamaan sa daigdig. Ang mitong ito ay nagmula sa tula ni Hesiod na Works and Days.

Buod:
Si Pandora, ang unang mortal na babae, ay ipinagkalooban ni Zeus ng kausisaan at ng isang kahong hindi niya maaaring buksan. Ang mga handog na ito ang magiging sanhi ng pagkakaroon ng pagbabago sa takbo ng kapayapaan sa daigdig.

Mga Tauhan:

Pandora - Siya ang unang mortal na babae na itinuturing na perpektong nilalang dahil sa mga kahanga-hangang handog na ibinigay sa kanya ng mga diyos at diyosa.

Epimetheus - Siya ang kapatid ni Prometheus at ang napangasawa ni Pandora.

Zeus - Siya ang hari ng mga diyos na nagpasya na ilikha si Pandora.

Hephaestus - Siya ang diyos ng apoy na naatasang lumikha kay Pandora.

Aphrodite - Siya ang diyosa ng kagandahan at pag-ibig. Ginawa niyang kaibig-ibig si Pandora.

Apollo - Siya ang diyos ng musika at panulaan. Ipinagkaloob niya kay Pandora ang kahusayan sa pag-awit.

Athena - Siya ang diyosa ng karunungan at digmaan. Ipinagkaloob niya kay Pandora ang pagiging malikhain.

Hermes - Siya ang diyos na mensahero. Binigyan niya si Pandora ng kakayahang mang-akit at mang-udyok.

Balangkas:
Noong unang araw, mga lalaki lamang ang naninirahan sa lupa. Maayos ang kanilang pamumuhay at buong maghapon silang nagsasaya at nagpapalakas at nagpapalusog ng katawan. Sa kanilang maliit na mundo, walang sumibol na kalungkutan, sakit, uhaw at gutom.

Samantala, sa bundok ng Olympus, si Zeus ay nakapag-isip ng parusa sa ginawang pagtataksil ni Prometheus, ang diyos na nagbigay ng apoy sa mga tao. Inutusan niya si Hephaestus na gumawa ng isang babae gamit ang putik. Siya ay pinangalanang Pandora, na ang kahulugan ay "handog ng lahat ng mga diyos." Ang bawat diyos ay nag-alay ng mga kahanga-hangang handog sa kanya - ibinigay sa kanya ni Apollo ang kahusayan sa pag-awit, ibinigay naman ni Hermes ang kapangyarihang mang-akit at mang-udyok, ginawa siyang malikhain ni Athena at ginawa siyang kaibig-ibig ni Aphrodite. Ipinagkaloob naman sa kanya ni Zeus ang pagiging mausisa at ang isang mahiwagang kahon na kailanman ay hindi niya maaaring buksan.

Inihatid ni Hermes si Pandora sa lupa, at doon niya nakilala si Epimetheus. Malugod siyang tinanggap nito. Kinagiliwan ni Epimetheus si Pandora dahil sa kanyang mga alamat at awitin. Di kalaunan ay ikinasal silang dalawa.

Naging maligaya si Pandora sa piling ni Epimetheus. Gayunpaman, bumabagabag sa kanyang isipan ang mahiwagang kahon na ibinigay sa kanya ng diyos na si Zeus. Mahigpit na ibinilin ni Hermes na hindi niya maaaring buksan ang kahon, ngunit siya ay natutukso dahil sa mga naririnig niyang boses mula sa loob ng kahon na tumatawag sa kanya. Dahil dito, naging palaisip si Pandora at bihira na lamang siya ngumiti. Ang ganitong pag-aasal ni Pandora ay naghatid ng kalungkutan sa buhay ni Epimetheus, at ito ang unang beses na nakaramdam siya ng pagkalumbay.

Isang araw, umalis si Epimetheus at naiwang mag-isa si Pandora sa kanilang tahanan. Dahil sa temptasyon, tuluyan na niyang binuksan ang kahon. Sa unang bitak pa lamang ng takip ay lumabas na ang mga halimaw pati na ang mga nakakakilabot na tinig. Ang mga masasamang elemento na ito ay naghatid ng iba't ibang uri ng kasamaan gaya ng masamang kaugalian at mga sakit. Pilit niyang ipinabalik ang mga ito sa loob ng kahon ngunit wala na siyang nagawa. Dahil dito, nakaramdam siya ng lungkot at pag-aalinlangan.

Nang ipininid na ni Pandora ang takip ng kahon ay may isang naiwang kulisap na gusto pang kumawala at pilit nitong pinakiusapan si Pandora. Ayaw na sana itong palabasin ni Pandora ngunit walang tigil ang pagkatok nito sa loob ng kahon. Napilitan si Pandora na buksan ang kahon at tuluyan nang nakalabas ang isang magandang kulisap na may busilak.

Dahil sa kulisap, na nagpakilala bilang pag-asa, nanumbalik ang kapayapaan, ngunit hindi na ito ang dating kapayapaan na kanilang natamo.

Ebalwasyon at Kongklusyon:
Ang mga katangian ni Pandora ay bunga ng mga handog sa kanya ng mga diyos. Siya ay halos perpektong tao dahil sa kanyang mga kakayahan. Kaya nararapat na siya ay makuntento sa kung ano ang meron siya. Hindi na sana niya pinilit alamin kung ano ang nasa loob ng kahon. Kung hindi niya ito ginawa ay hindi sana sumibol ang kasamaan sa daigdig.

Napagtanto ko na ang ating kuryosidad ay maaaring magdala ng kapahamakan sa atin. Mayroong mga bagay na dapat ay hindi na natin alamin at panatilihing isang misteryo na lamang. Maaaring ang kuriosidad ay may magandang dulot sa ating buhay, ngunit may mga pagkakataon kung saan inilalagay natin ang ating sarili sa panganib malaman lamang ang isang lihim.

Isa pang aral na natutunan ko ay ang pagiging masunurin. Ang mga utos na ibinibilin sa atin ay hindi ginawa upang mawalan tayo ng kalayaan. Sa halip, ito ay ginawa upang masiguro ang ating kaligtasan.

AKDANG MEDITERRANEAN
Pamagat: Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
May-akda: hindi kilala (unknown)

Introduksyon:
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa ay isang pabulang nasa anyo ng tula. Ito ay isang lirikong pastoral mula sa sinaunang Ehipto na patungkol sa isang ligaw na gansa na kumagat sa pain at nahuli sa bitag.

Tula:

Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat, mula sa Ingles na salin ni William Kelly Simpson

Ang tinig ng ligaw na gansa
nahuli sa pain, umiyak
Ako'y hawak ng iyong pag-ibig,
hindi ako makaalpas.

Lambat ko ay aking itatabi,
subalit kay ina'y anong masasabi?
Sa araw-araw ako'y umuuwi,
karga ang aking mga huli
Di ko inilagay ang bitag
sapagkat sa pag-ibig mo'y nabihag.

Tauhan:

Gansa - Siya ay naliligaw na ibon na kumagat sa pain at nabihag.

Mangangaso - Siya ang nakahuli sa gansa.

ELEMENTO NG TULA
Persona: Unang Panauhan
Sa unang saknong, ang nagsasalita ay ang gansa. Siya ay nagpadalos-dalos sa kanyang mga desisyon kaya sa huli ay napahamak at nasaktan siya.

Sa ikalawang saknong naman, ang nagsasalita ay ang mangangaso. Siya ay nag-aalala sa sasabihin ng kanyang ina sapagkat hindi niya nilagay ang bitag sa kanyang nahuli.

Sukat: Malayang Taludturan

Tugma: Sa unang saknong, ito ay may tugmaang katinig. Sa ikalawang saknong, ito ay may tugmaang patinig.

Taludtod at Saknong: Quatrain at Sestet

Kariktan (Halimbawa):

Ako'y hawak ng iyong pag-ibig,
hindi ako makaalpas.

(Sa halip na sabihing,
Bihag ako ng pag-ibig mo.)

Simbolismo:

Gansa - Isang babaeng uhaw sa pag-ibig

Pain - Ito ang temptasyon na dulot ng pag-ibig

Bihag - Ito ay tumutukoy sa pagiging alipin ng pag-ibig

Tono: Nalulumbay at Nagsisisi
Nalulungkot ang gansa dahil nang siya ay kumagat sa pain, nahuli siya sa bitag at hindi na siya makawala. Dahil dito, pinagsisisihan niyang siya ay nagpadalos-dalos.

Damdamin: Naaawa at Nalulungkot

Imahen: Isang umiiyak na gansa na pilit na kumakawala mula sa pain ng mangangaso

Ebalwasyon at Kongklusyon:
Ang tula ay tungkol sa mga pagsubok na nararanasan sa pag-ibig. Napahamak ang gansa dahil kaagad siyang gumawa ng desisyon na dala ng tukso (pain). Ngunit siya ay pinalaya ng mangangaso, na siya namang nag-alala sa sasabihin ng kanyang ina kapag nalaman nitong pinakawalan niya ang kanyang nahuli.

Ang tulang ito ay isang representasyon ng pagpapalaya at pagpapaubaya. Mayroong mga pagkakataon kung saan nagkakasalubong ang landas ng dalawang tao, ngunit hindi ibig sabihin nito na tama na ang oras at tamang tao na ang nakilala nila. Kinakailangang maging mapanuri at maghintay sa pagdating ng tamang pag-ibig, kung saan walang napipilitan at walang nahihirapan. Kailangan muna natin itong pag-isipan - dapat ay hindi basta-bastang sasabak kung may ibinigay sa atin na pagkakataon. Ito ay makatutulong sa atin upang sa huli ay hindi tayo magdurusa at masasaktan.