[M1] 💚 Repleksyong Lasalyano by Angelica Sow

MASID-DANAS
Isa sa aking personal na karanasan ay ang pagkakaroon ng mga kaibigang karamihan ay nagsasalita ng Chinese at English. Napilitan akong makisabay at magsalita ng wikang ginagamit nila upang mas maging maayos ang aming komunikasyon. Kalaunan, naging dahilan ito upang makalimutan ko ang kahulugan at gamit ng maraming salitang Filipino. Dagdag pa rito, dahil mas ginagamit ng aming paaralan ang wikang Ingles, nahirapan akong maunawaan ang karamihan sa malalalim na salitang Tagalog.

SURI-NILAY
Isa kadahilanan ay ang kagustuhan ng ilang pamilya na gumamit ng partikular na wika sa kanilang tahanan, na nagiging sanhi ng unti-unting pagkalimot ng bata sa sarili niyang wika. Iniisip ng ilang magulang na ang pagsasalita ng ibang wika ay mas “sosyal” at mas kapaki-pakinabang para sa kinabukasan ng kanilang mga anak, lalo na kung maraming tao ang gumagamit nito. Halimbawa, Ingles, Tsino, o Hapon. Hindi ako sumasang-ayon sa ganitong pananaw dahil naniniwala akong maaaring gamitin ng mga bata ang higit sa isang wika nang sabay. Dapat nating pahalagahan at patuloy na gamitin ang ating sariling wika sapagkat ito ay mahalagang bahagi ng ating kultura at tradisyon. Sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa wika, napapanatili natin ang ating kalayaan, pagkakakilanlan, at pagkakaisa.

TAYA-KILOS
Bilang isang Lasalyano, naniniwala akong dapat nating simulan ang paggamit ng ating katutubong wika sa lahat ng asignatura upang lalo pang mapabuti ang ating kakayahan sa pagbasa at pag-unawa sa mga aralin. Kailangang maturuan ang mga nakababatang mamamayan ng ating bansa ng ating sariling wika upang maiwasan ang unti-unting pagkawala nito. Ang paggamit ng sarili nating wika ay nakatutulong ding iugnay ng mga mag-aaral ang mga aralin sa kanilang pang-araw-araw na buhay, na nagbibigay ng mas makabuluhang pagkatuto. Pinatitibay nito ang ating pagkakakilanlan at pagmamalaki sa kultura, at pinaaalala ang kasaysayan at mga pagpapahalagang humubog sa ating bansa. Kapag bihasa tayo sa ating sariling wika, mas madali nating natututuhan ang iba pang wika at nalilinang ang ating kritikal na pag-iisip. Higit sa lahat, ang pagpapanatili sa ating wika ay nagsisiguro na patuloy itong pahahalagahan at ipagdiriwang ng susunod na mga salinlahi.