Pagsulat ng Lathalain (3A) by Hasmera Pacio

ANG HULING YAKAP: ANG ALAMAT NG PAGLISAN AT PAG-ASA
"WALA NA SIYA...!" Iyan ang salubong na pahayag sa akin ng aking ina pagdating na pagdating ko sa bukana ng pintuan ng bahay ni Lola. Ang kaniyang tinig ay nanginginig, ang kaniyang mga mata'y namumugto at namumula, at ang kaniyang mga balikat ay nakababa. Tila siya ay pinagsakluban ng langit at lupa. Halatang siya ay galing sa labis na pagtangis at gustong magwala, ngunit nagpapakatatag lamang baka ako'y biglang matumba at sumabog na bigla.

Lumaki akong halos si Lola ang kasama. Siya ang aking ilaw, mata, paa, at tainga. Siya ang nagsilbi kong kumpas, mapa at gabay. Siya ang aking unang takbuhan sa tuwing ako ay napapagod, natatakot, at nalulungkot. Kaya sa kaniyang paglisan, tila para bang ang kalahati ng aking buhay ay kaniyang tinangay. Ang bahay namin dati na napaka-ingay ay napalitan ng nakabibinging katahimikan. Ang aking buhay na dating makulay, ngayon ay napuno ng dilim, kirot, at kalungkotan. Ang aking puso ay napalitan ng lumbay.

Sa dalawang taon niyang pagkakasakit, alam ko naman sa sarili ko na balang araw, siya ay tuluyang lilisan sa aming piling. Ngunit hindi ko naihanda ang aking sarili na ganito pala kasakit. Bago siya namaalam, dalawang araw siyang walang malay, ang kaniyang gamot ay itinuturok na lang sa kaniyang pala-pulsohan. Alam kong nahihirapan na siya, nakikita ko. Araw-araw, mayroong mga butil ng luha na kumakawala sa kaniyang mga mata. Alam kong naririnig niya kami, alam niyang naghihintay kami sa kaniyang muling pagdilat ngunit kahit anong pilit niya ay hindi niya magawang buksan ang mga talukap ng kaniyang mga mata. Alam namin na gusto niyang magpasalita upang palakasin ang aming kalooban o kaya'y para magpaalam man lamang, ngunit hindi siya makapagsalita. Alam kong hirap na hirap na siya, at alam kong panahon na upang siya ay pakawalan at hayaan na mamahinga. Kaya nang salubungin ako ni mama sa pintuan, sabay sabing "Wala na si Lola mo, Nak!" Agad kong tinakbo si Lola sa kaniyang higaan at agad ko siyang niyakap nang napakahigpit. Sabay-sabay na nagsitulo ang aking mga luha mula sa aking mga mata nang maramdaman ko ang nanghihinang pintig ng kaniyang pulso. Hindi ko alam, ang yakap ko na lamang ang kaniyang hinihintay at kaniyang hininga ay naputol at huminto nang tuluyan.

Masakit, napaka-sakit. Hanggang ngayon, hindi ko parin matanggap. Ngunit kailangan ko siyang bitawan para hindi na siya lalong mahirapan. Gayunpaman, umaasa akong hindi ito ang magiging huling ala-ala ko kasama ang aking Lola, dahil umaasa akong kami ay muling magkikita. Hindi man ngayon, ngunit sa susunod na panahon at pagkakataon.

"Ang aking Karanasan Tungo Sa aking Pangarap"
Minsan sa ating buhay, dumarating ang panahon ng mga pagsubok at pagkakataon upang masuri kung gaano tayo katibay at kakayahang magsikap. Sa aking sariling karanasan, naranasan ko ang pagharap sa mga hamon na nagbigay-daan upang mas maging matibay at matatag.

Noong bata pa ako, laging sinasabi ng aking mga magulang na ang edukasyon ay susi sa tagumpay. Gayunpaman, sa aking pag-aaral, hindi ako palaging pinakamahusay sa klase. Dumating ang pagkakataon na kinailangan kong magsumikap nang higit sa iba upang makamit ang mga minimithi kong marka. Natutunan kong magbasa ng mas maraming libro at magsagawa ng mga pagsusuri sa sarili upang mapabuti ang aking pag-aaral. Sa pagharap ng anumang hamon sa buhay hindi madali ang pagharap nito lalong lalo kapag tayo’y mahirap lamang. Ang kahirapan ang siyang hadlang tungo sa iyong minimithing pangarap. Hindi madali para sa akin ang ganitong sitwasyon, dahil sa lahat ng pagkakataon pera ang kinakailangan upang makamit mo ang iyong pangarap. Subalit napagtanto ko ang lahat ng ito na hindi pala pera ang kinakailangan subalit ang iyong pagiging matiyaga at sipag ang kinakailangan upang makamit mo ang iyong pangarap.

Habang nagpatuloy ang aking paglalakbay sa buhay, natutunan kong maging masipag at masinop. Hindi laging madali ang pagsisikap, lalo na kapag may mga paghihirap sa pamilya o pinansiyal na isyu. Subalit, natutunan kong huwag sumuko at magpatuloy sa aking mga pangarap.

Isa sa mga pinakamahalagang aral na natutunan ko ay ang pagpapahalaga sa oras at pagsasamantala sa mga pagkakataon. Kapag may mga pagkakataon na natuklasan ko, sinamantala ko ito upang mapalago ang aking mga kakayahan at kaalaman.

Sa kabila ng mga pagsubok, natagpuan ko ang sarili ko sa isang mas maganda at mas matibay na kalagayan. Naging matagumpay ako sa aking karera at natupad ko ang ilan sa mga pangarap ko. Ang aking karanasan ay nagturo sa akin ng halaga ng pagsusumikap, pagtitiyaga, at paniniwala sa sarili. Sa aking paglalakbay, natutunan ko rin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga taong sumusuporta at naniniwala sa akin.

Sa huli, ang aking kwento ay hindi lamang tungkol sa tagumpay, kundi tungkol sa patuloy na pag-aaral at pag-unlad sa aking sarili. Ang bawat araw ay isang bagong pagkakataon upang matuto at magpatuloy sa aking landas patungo sa pang

arap.

ANG HULING PAALAM: TUNGO SA HABANG BUHAY NA PAGLISAN
Ang mga karanasan sa buhay ng tao ay bahagi na ng ating buhay. Ito ay nakaukit o nakatadhana na sa atin. Kakambal ito ng ating pagkatao sapagkat ito ay kaloob ng Panginoon.

Ang pagkamatay ng aking ama, ang karanasang kailan man ay hindi mawawala sa aking isipan at kalooban. Naranasan ko ang buhay nanakikisimpatiya sa ama ng aking mga pinsan. Naging miserable ang buhay naming pamilya dahil sa mga problema at kahirapan na aming nararansan na hindi namin matanggap ang biglaang paglisan ng haligi ng aming tahanan. Sa oras na iyon hindi namin matanggap na siya ay wala na maraming pagkakataon na minsan makapagtanong ka sa iyong sarili bakit nangyari iyon. Na minsan hindi mo inaasahang mangyari at hindi kapa handa sa lahat ng bagay na tanggapin ang katotohanan na wala na siya. Masakit man isipin o tanggapin na siya ay wala na ngunit kailangan naming tanggapin ang katotohanan at patuloy na mamuhay na magkakasamang pamilya. Naranasan kong mainggit sa iba nakumpleto at masaya dahil may ama na sumusuporta sa kanilang pag-aaral. Naranasan kong mahinto sa pag-aaral dahil sa kahirapan at kawalan ng pera at ama na gagabay sa lahat. Gayunpaman, ang karanasang ito ang nagpatatag sa akin. Ang karanasan ding ito ang nagturo sa akin upang magkaroon ng tiwala sa sarili. Nagpapasalamat din ako nasa kabila ng pagsubok na dumaan sa aming pamilya  ay hindi ako pinabayaan ng Panginoon.

Anumang buhay mayroon tayo ngayon ay mula sa Poong Maykapal. Lahat ng pagsubok ay may nakalaang solusyon. Isipin natin na kung naging masalimuot o naging madilim man ang buhay natin sa ngayon, laging bukas ang  ating pananaw  na sa huli ay may nakalaang liwanag para sa atin.

Pinagkait na Pangarap
Sa ating buhay ay marami tayong mga karanasan na di malilimutan.  Kabilang na rito ang ating paglalakbay patungo sa ating mga pangarap sa buhay na kailangan nating magsumikap. Ang paraan ng ating pagsusumikap ay ang pag-aaral dahil dito natin nahuhubog ang ating mga sarili.

Bata pa lang ako ay pangarap ko nang makatungtong sa kolehiyo dahil sa pagkakaalam ko noon ay kapag nasa kolehiyo kana ay magiging madali ang lahat ngunit hindi pala. Gustong gusto ko na mag-aral sa malayo, malayo sa mga taong nakapaligid na di naniniwala sa aking kakayahan at may inggit na nararamdaman. Ang pagpasok ko sa kolehiyo ay hindi naging madali dahil  gusto kong mag-aral sa MSU Gensan. Dahil sa COVID-19 ay hindi madali ang proseso ko para makapasok sa pinapangarap kung paaralan. Noong March 18, 2021 ay handa na akong pumunta sa Tagum para doon mag entrance exam ngunit sa hindi inaasahang pagakakataon, habang pinipuna kuna ang mga kinakailangan sa form ay hindi ko nahanap ang aking paaralan sa Senior High pa ako, kaya di ko malagyan kung saan ako nang galing na paaralan. Doon na ako nangamba hindi pala kabilang na rehistrado sa kanila ang aking paaralan na pinasukan. Kaya agad ko silang pinadalhan ng mensahe sa pamamagitan ng email at sa Facebook page nila pero hindi ito sumagot. Mahirap talaga sa panahon ng COVID-19. Kaya hindi na ako pumunta ng Tagum at hindi na ako nakasama sa kasamahan ko na gusto rin mag-aral doon. Sabi ng aking kasamahan na nakapag entrance exam na, nagtanong ito kung pwede bang makapasa ng form na walang nakalagay na paaralan sabi daw nila ay hindi maari kaya nalungkot ako ng husto pati na rin ang aking mga magulang. Dahil hindi ito natupad ay huminto muna ako sa pag-aaral ng isang taon. Nawalan na ako ng gana sa puntong iyon dahil ang pinapangarap ko ay hindi matutupad. Hanggang ngayon ay hindi ko ito malilimutan dahil parte ito ng aking paglalakbay patungo sa aking mga pangarap. Ngunit Noong Agosto 2021 ay agad naman akong nakabalik sa pag-aaral sa sumunod na taon at ngayon ay nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo sa Dorsu.  Dahil rin sa suporta at pagdadasal ng aking mga magulang at pamilya ay naging madali ang lahat. Ito ay isang gabay sa atin upang tayo ay mas manalig pa sa mga magagandang plano ng ating panginoon para sa atin.

Alam natin na marami tayong mga pangarap ngunit di natin hawak ang ating tadhana kahit pa anong pilit natin pag hindi para sa atin di talaga para sa atin dahil may mas magandang pang plano at nakalaan dito ang Diyos.

PAGSUSUMIKAP PARA SA HINAHANGAD NA PANGARAP: NUDALO, MELANIE A.
Sa bawat yugto ng ating buhay, may mga pagsubok at karanasan tayo na nagiging daan upang tayo ay magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa ating sarili at sa mundong ating kinagagalawan. Isa sa mga pinakamahalagang aspeto ng pagiging tao ay ang pagtuklas at pagpapahalaga sa ating kakayahan.

Namulat ako sa reyalidad na ang buhay ay hindi madali at lumaki sa pamilyang mahirap lamang. Mula noong ako'y nag-aaral na sa elementarya hinahatid ako nang aking ina at umiiyak kapag umuuwi na siya. Dahil sa pagiging mama's girl, pinahinto muna ako ng isang taon sa elementarya dahil hindi ako pwedeng maiwan-iwan ni mama. Lumipas ang isang taon at bumalik na ulit ako sa pag-aaral dahil marami akong gusto sa buhay at kailangan ko itong maabot para sa aking pamilya. Kahit mahirap lang kami ay nakapag-aral parin ako. Subalit, dumating na sa punto na ang mga kapatid ko ay umuuwing lasing at nag-aaway. Hindi sila nagdadalawang isip na mag-away kahit sa harapan ng aming mga magulang. Halos mga lalaki kasi ang aking mga kapatid at ako lang ang nag-aaral at nakapag-aral sa kanila. Bunso ako sa walong magkakapatid. Ang mga kapatid ko ay nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at alitan kaya madalas silang nag-aaway lalo na kapag sila ay lasing. Madalas rin kaming tumatakbo ni mama papalayo sa bahay kahit des-oras na ng gabi kapag umuuwi silang lasing dahil ayaw ni mama na madamay ako o masaktan. Sa totoo lang nasasaktan ako at naaapektohan ako sa mga pangyayari dahil hindi ko lubos maisip na mag-aaway ang aking mga kapatid at hindi ko pa masyadong naiintindihan ang lahat dahil nga ako ay bata pa. Nakapagtapos ako ng pag-aaral sa elementarya at sekondarya ngunit ganun parin ang aking mga kapatid. Ngunit hindi na ako nagpapaapekto at iniisip ko nalang sina mama at papa. Nagpupursige ako sa pag-aaral upang maabot ko ang aking pangarap at makabawi sa aking mga magulang.

Sa kabila ng karanasan at kahirapan ito ay naging inspirasyon ko upang magpatuloy sa pagsagwan patungo sa maliwanag na kinabukasan.

''SA KABILA NG MALAKING UNOS''
Pamilya isang salitang mahirap kalimutan kahit kailan, pamilyang nagsama-sama, nagmamahalan, masaya at higit sa lahat matatag sa mga bawat pagsubok na dumating sa kanilang buhay. Hindi mapagkakaila na may mga pangyayaring hindi inaasahan na kusa na lamang itong dumarating na pangyayari sa bawat pamilya. Halina’t makinig tungkol sa pamilya ng isang bunsong kapatid.

Bata pa lang kaming magkakapatid ay namulat na kami na aming Ama ay isang masipag at madiskarteng ama na kung saan ay titiisin ang lahat gaya ng pagod, sakit ng sikat ng araw sa balat, paglalakad ng halos buong araw, higit sa lahat ginawang araw ang gabi at ang gabi ginawang araw upang maglako ng kanyang mga paninda. Alang-alang sa amin na kanyang pinag-aaral at maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Kahit mayroon naman kaming kalupaan ay ni minsan hindi naman ito umaasa sa kanilang ari-arian na lupa, sapagkat buong lakas at pawis ng aming mga magulang ang diskarteng ikinabubuhay naming magkakapatid. Masasabi na isa kami na magpamilyang mapagpala at simpleng pamilya na kuntento sa anumang dumating sa aming biyaya.

Bata pa lamang kaming magkakapatid ay naranasan na naming naibibigay ang aming mga pangangailangan. Sa pamamagitan ng pagtulong ng mga ilalako nang kanilang mga magulang. At pagtulong naman sa aming gawaing bukid at pag-aalaga ng kahayopan. Lumaki kaming magkakapatid ng may takot sa mga magulang at higit sa lahat sa Poong Maykapal. Dumating ang hindi inaasahang unos sa aming pamilya. Panahon ng pasubok na kung saan ay nawalan kami ng pag-asang bumangon ulit. Sa kadahilinan ng lubhang sakit na sinapit ng aming mga magulang at kasabay pa nito ang isang bagyo na naging dahilan kung bakit mas nahihirapan kami. Umabot sa punto na kinailangan iwan muna kami ng aming mga magulang upang magpagamot sa ibang lugar. Walang nakasama ni isa sa aming magkakapatid dahilan na nag-aaral kami. Isa sa mga pangyayaring karanasan na hindi ko makakalimutan ang mga pangyayaring iyon.

Saksi ako sa lahat ng nangyayari sa aking mga magulang, dahil pinasunod ako ng aking mga magulang sa lugar na kung saan nagpapagamot at nagpapagaling sila. Sa kadahilan na hindi nila ako matiis na hindi makita ng mga iilang buwan habang sila ay nagpapagamot. Sa puntong iyon ay mas naging malubha pa ang sakit ng aking mga magulang umabot sa puntong nawalan na kami magkakapatid na mabuhay sa mundong ito, dahilan sa nangyayari sa aming mga magulang. At sa hindi inaasahang pagkakataon namamaalam na nga ng mga salita ang aking mga magulang at mayroon ng mga palatandaan na kailangan na naming tanggapin na may mawawala.

Ang lahat ng iyon ay saksi ang mga karanasan ko dahil ako lang ang nasa tabi nila habang patuloy na lumalaban ang aming mga magulang sa mga iniindang karamdaman. Naubos lahat ang perang naipon ng aking mga magulang dahil sa pagpapagamot. Kasabay nito ang pagkasira ng bahay naming dahilan sa nasalanta ito ng bagyo, tumigil sa pag-aaral ng kolehiyo ang aming pangalawang kapatid dahilan na rin sa kapos na sa pera. Sa kabila ng masaklap at pagkalugmok na pangyayaring karanasan ng aming pamilya, ay ni minsan hindi ito ipinakita ng aming mga magulang na mag-alala kaming magkakapatid at mawalan ng pag-asa. Sapagkat, ipinakita ng aming mga magulang na matapang sila, kayang labanan ang karamdaman na iniinda nila sa kanilang katawan, hindi sila nawalan ng pag-asa na gagaling pa sila. Dahil naniniwala sila sa Panginoon na kaya silang paggalingin nito sa pamamagitan na din nang kanilang paniniwala, pagdarasal at tatag ng loob na balang-araw gagaling din sila at magiging maayos din ang lahat.

Ang lahat ng nangyayari ang may rason, sa lahat ng panahon hindi palaging masagana may paghihirap, may masaya at may malungkot. Matapos ng ilang buwan na pagtitiis ng aming mga magulang ay gumaling na ang mga ito. Naging mas pinagpala pa kami ng Panginoon, kung anuman ang nawala sa amin ay bumalik iyon ng mas sobra pa sa aming inaasahan.

Ang karanasang iyon ay palaging tumatak sa isipan ko na hindi ko malilimutan. Sapagkat doon nagsimulang makaranas ako kung paano lumaban sa buhay at maraming aral ang aking natutunan kung paano lumaban sa buhay, maging matatag, maniwala sa Poong Maykapal, at higit sa lahat ang pagkakaisa at pagmamahalan ng isang pamilya. Doon nagsimulang napagtanto ko na masakit at mahirap na muntik ng mawalan ng mga magulang. Ang karanasang iyon ay nagsisilbing daan kung ano kami ngayon sa kasalukuyang sitwasyon. Mapagpala, malakas na kalusugan ng aking mga magulang, buo ang pamilyang masayahin, at unti-unti nang naaabot ang mga pangarap ng aming mga magulang na makapagtapos kami ng pag-aaral.

PAGSUBOK AY NATAMASA: ANG BUHAY SA KOLEHIYO'Y MAGBUBUNGA
Ang mga karanasan ng buhay ay bahalagi na ng ating buhay.

Simula elementarya at sekonadarya tanging bahay at paaralan lamang ang inuuna. Ngunit bakit pagdating sa kolihiyo nag iba na? tambay sa tambayan kung saan makakaramdan ng pahinga. Iba pala talaga sa kolehiyo mayroong mga bagay na mas dapat inuuna, papasok ka na walang tulog, walang kain sa umaga at uuwi kang luhaan sa pagsapit ng hapon. Marami ang naging karanasan ko pagdating sa kolehiyo, dumating pa sa punto na nagkaroon na masalimuot na pandemya na nauwi pa sa akala kung katapusan ko na dahil naranasan ko ang magkaroon ng covid na tinatawag nila. Maraming pagsubok sa kolehiyo ang masasabi ko na nagtagumpay ako at masasabi ko rin na hindi, pagdating sa kolehiyo dito natin makikilala ang mga iba't ibang tao na mayroon iba't ibang personalidad mga gurong kahit anong pagsisikap kung hindi pasok sa standard ay wala pa rin. Kolehiyo ang nag silbing libangan, makakatagpo ng mga kaibigan na matuturing pamilya na kaakilap sa pamilya na iwan mo sa probinsya. Mayroong mga karanasan na masasabi ko na itinadhana sa akin tulad na lamang sa hindi ko pagtapos kasabay sa aking mga ka batch ngunit alam ko naman na mayroon mas magandang itinakda ang panginoon sa akin.

Ang isang hindi ko makakalimutan na karanasan ay ang pagkaroon ko ng Covid noong taong 2020 alam ko na matatag ako ngunit ang mas ikinakatakot ko noon ay ang mahawaan ang anak ko. Pero sa awa ng panginoong may kapal nalampasan ko at hindi pa mas tumagal dahil hindi ako nagpadala sa sistema ko.  Kaya nagpapasalamat ako dahil sa kabila ng pag-aaral ko ng kolehiyo at pagkaroon ko ng anak sa murang edad hindi pa rin ako pinapabayaan ng panginoon. Hiram lang ang buhay kaya dapat alagaan at pakahalagahan.

SANDIGAN SA PAGLALAKBAY TUNGO SA KARUNUNGAN ni Al Dianne Mar T. Hallasgo
Sa aking paglalakbay sa mundo ng edukasyon, napagtanto ko ang kahalagahan ng tamang gabay at suporta sa bawat yugto ng aking pag-aaral. Ang pagtuklas sa mundong akademiko ay hindi lamang tungkol sa mga aklat at guro, ngunit higit sa lahat, tungkol ito sa pagkilala sa sarili at pagpapalakas ng aking kakayahan.

Sa aking mga unang hakbang sa paaralan, nadama ko ang kaba at agam-agam. Bagaman puno ng pangaral ang aking mga magulang, ang aking sarili pa rin ang aking pinakamahusay na gabay. Sa bawat pagsisikap, aking natutuhan ang halaga ng pagtitiwala sa sarili at pagpupunyagi. Sa bawat paglipas ng taon, lumalim ang aking pag-unawa sa pakikisalamuha sa kapwa mag-aaral at mga guro. Natutunan kong makinig at magtanong, hindi lamang upang matuto, ngunit upang maging bahagi ng isang mas malawak na diskurso. Ang aking mga kaibigan at guro ay naging mga tagasuporta at kasama sa aking paglalakbay. Ngunit sa pagharap sa mga hamon ng akademikong mundo, hindi ko maiiwasang madama ang pagod at panghihina. Sa mga sandaling ito, mahalaga ang tulong ng aking mga magulang at mga guro upang ako'y patuloy na magpatuloy at huwag sumuko. Ang kanilang mga payo at suporta ay nagsilbing tanglaw sa aking landas.

Sa huli, ang aking pag-aaral ay hindi lamang tungkol sa pagkamit ng mataas na marka o pagkilala. Ito ay tungkol sa pagbuo ng karanasan, sa pagpapalakas ng aking kakayahan, at sa paghahanap ng aking lugar sa mundo. Sa bawat yugto ng aking paglalakbay, ang aking sarili ang pinakamahusay na gabay, ngunit ang tulong at suporta ng iba ay nagbibigay ng lakas at inspirasyon upang patuloy na magpatuloy.

UNANG LIPAD: ISANG MUNTING PANGARAP
Ang mga unang pagkakataon ay isa sa pinakamahalagang aspeto ng ating buhay. Ito ang panahon kung kailan tayo magkakaroon ng lakas ng loob na sumubok ng mga bagong bagay, makakuha ng bagong kaalaman at buksan ang ating mga mata sa mga bagong karanasan. Ang mga bagong simula ay nagbibigay sa atin ng mga karanasan at alaala na magbibigay kulay o magbibigay kahulugan sa ating buhay.

Sa mas personal na karanasan, ang makasakay ng eroplano, sa unang pagkakataon, ang nagdulot sa akin ng lubos na kaligayahan. Ang saya kong minamasdan ang “airport”, ang mga “flight attendant”, at ang mga pasaherong iba’t iba ang nasyonalidad. Napakagandang tanawin ang mga ulap sa himpapawid, ang mga matatayog na mga gusali, mga mahahabang daan, mga bundok, at mga karagatan.

Bagamat puno ng kaba sa unang pagkakataon, nagdulot naman ito ng kasiyahan, at paghanga, kalaunan. Maliit na bagay kung iisipin ng iba, ngunit isang katuparan sa munting  pangarap ng aking sarili. Hanggang ngayon, ginugunita ko pa rin ang pangyayaring iyon at nagbigay-daan ito upang mas lalo akong magpursige at nang mas malayo ang marating sa buhay at makabuo ng panibagong kwento ng paglalakbay.

"PAG-ASA SA DILIM"
Sa isang gabi ng taglamig, kasabay ng pagbuhos ng ulan sa kalangitan may isang pamilyang naninirahan sa isang maliit na kubo gawa sa kawayan. Napakaraming karanasan na hindi ko malilimutan, subalit may isang karanasan na tumatatak sa aking isipan na kung saan dala-dala ko hanggang ngayon. Nakakahiya mang isulat ang karansang ito, pero dahil sa pangyayaring ito ang dahilan kung bakit ako nagsusumikap, at  nagpapakahirap. Sa isang gabing napakalang ulan, ang gabing hindi ko malilimutan, ang gabing kami’y natutulog nang walang hapunan. Ako, kasama ang aking mga magulang at mga kapatid. Oo, isa ito sa karanasang tumatatak at pabalik-balik sa aking isipan, kaya  dahil sa pangyayari ito, nagsimula akong mangarap.

Kami ay naninirahan sa isang munting bahay-kubo na gawa sa kawayan na natutulog sa gabi na kumukulo ang tiyan. Gustuhin man naming magpapakabusog pero ang kaban ng bigas, ay hindi nakisama walang laman. Sa gabing ito di ko maiwasang lumuha, at naaawa sa sarili ko dahil sa aking kamusmusan ay naranasan ko na ang paghihirap, ang matulog na walang laman ang tiyan. Sa lumapit si ina’y kung saan ako naroroon, inutusan akong umutang sa tindahan para may pangtawid gutom sa gabing taglamig. Umalis ako, at nagtungo sa tindahan nagbabasakaling papautangin at may makakain na rin sa hapunan. Habang ako’y naglakad kasabah ng mga ngiti dahil sa wakas maitawid din namin ang kumukulong tiyan. Ngunit ang mga ngiti ay napalitan ng kalungkutan at kabiguan dahil hindi ako pinagbigyan ng Ale, at may mga kasabay pang salita akong natatanggap, mga salitang panglalait at mga salitang dumurog sa aking dibdib. Ang mga sandaling ito habang ako’y naglalakad pauwi naisip ko, sa mundong ito hindi pantay ang pagtrato ng mga tao, kung sa tingin nila o sa nakikita nila ika’y mahirap lamang ay kanilang inaapak-apakan. Sa gabi na iyon, habang tinitigan ko ang munti naming bahay na napakadilim parang isang taong nawalan ng pag-asang mabuhay sa mundong. Sa pagpasok ko sa loob ng aming kubo na tanging nagliliwanag lamang ay ang isang maliit na lampara na gawa ni inay ang siyang nagsisilbing liwanag sa aming munting kubo, ay umaagos ang aking mga luha na nakaharap sa aking magulang kasabay sabay sabi kung ‘Inay hindi tayo pinautang dahil hindi daw tayo makakabayad”. Sa mga sandaling ito kita ko ang pagkalungkot ng mga mata ni inay na pilit pinipigilan  ang mga luha habang kaharap ako at sa mga kapatid ko. Sa gabing ito wala kaming pagpipilian kundi matulog at mag-aantay ng sikat ng araw kahit ang mga tiyan namin ay kumukulo dahil sa gutom.

Sa gabing ito hindi mapakali si ina at ama na natutulog kami na kumukulo ang tiyan, bumangon si ina at ama kahit malalim na ang gabi upang kumuha ng saging na malapit lamang sa munti naming kubo. Walang pag-aalinlangan na umalis si ina at ama kahit lumalakas ang pagbuhos ng ulan. Sa kanilang pagbalik ay may dala-dala silang maliliit na saging, at agad itong isinaing ni ina. Nang maluto na ito ay ginising ng aking ina ang aking mga kapatid kumain ng saging at magkaroon ng laman ang mga sikmurang kanina pang kumukulo.

Sa mga karanasang ito, hindi ko maiwasang lumuha at malungkot pati si ina hindi niya  maiwasang umiyak sa aming harap at sabay sabi na “ pasensya na kayo mga anak nagkaroon  kayo ng mahirap na magulang” . Sa karanasang itong, dito ako natutong mangarap, natutong mangarap para sa aking pamilya, dahil napagtanto ko na sa oras ng kagipitan ay wala kang ibang makakapitan kundi ang iyong pamilya. Kaya sinabi ko sa sarili ko na magtatapos ako kahit anong mangyari, magsusumikap ako para sa pangarap, lalaban ako hanggang sa maiabot ko sa mga kamay ni inay at itay ang diploma.

ANG PARAISO SA AKING BUHAY
Maraming papel ang ginagampanan ng isang ina sa buhay ng kanyang anak mula sa pagiging unang kaibigan ng kanyang anak hanggang sa isang tagapagturo na palaging gumagabay sa kanya, at dedikado niyang ginagampanan ang lahat ng mga tungkuling ito nang walang pagrereklamo o pag-aatubili.

Siya ang aking ina kailanman naging tagapagtanggol saaking buhay. Ang isang bagay na kailanman hindi mo malilimutan sa lahat ng kanyang nagawa ay binigyan niya ako ng lakas upang lumaban sa buhay at magpatuloy kahit siya ay lalayo saamin. Itong larawan na ito ang huling larawan na nagkalayo kami sapagkat siya ay umalis upang mamasukan ng trabaho sa malayong lugar labag man ito saamin ngunit wala kaming ibang ginawa kundi tanggapin ito. Labis ang iyak at sakit ang aking nadama ngunit hindi ako sanay na malayo sa kanya. Dito ko naranasan ang maging ulila dahil ako ay nakitira saaking  tiyahin dahil walang mag aalaga saakin ngunit hindi ko naramdaman ang tunay na pagmamahal sa kanila. Pagkalipas ng ilang taon ay kinuha na ako ng aking ina at inalayo niya ako sa kanila. Sobrang hirap na aking naranasan ngunit akoy nagpapasalamat sa diyos hindi niya ako iniwan.

Ang pagmamahal ng Ina ay ang pinakadalisay na anyo ng pag-ibig sa Mundo na ito at ang ina ang pinakadakilang pagpapala para sa isang anak ng Diyos. Kaya napakapalad kong nagkaroon ako ng ina nakatulad niya sapagkat hindi niya ako iniwan sa lahat ng pagkakataon. Bilang isang anak, responsibilidad nating pahalagahan ang sakripisyo at pagsisikap ng ating ina. Dapat nating ibigay sa kanya ang lahat ng kaligayahan at pagmamahal dahil nararapat ang lahat ng iyon bilang kapalit ng kanyang walang pag-iimbot na pagmamahal sa atin.

“TAHANAN”
Hindi magiging masaya at malinaw ang pagsasama sa isang bahay kung wala ang ilaw ng tahanan subalit paano nalang kung ang haligi ng tahanan ang hindi na makakaalalay sa isang pamilya?

Sa isang sulok at tila nagmumukmok isang dalagang nababalot ng kalungkutan. Ang isang umagang puno ng sigla sa mga batang naghahanda para sa pagpunta sa paaralan at isang ama na nagbibigay ng perang pambaon na kung saan sa gilid ng kusina ay may isang ina na abala sa paghahanda ng almusal sa umaga. Masayang tignan ngunit ito ay isang naiwan na alaala na lamang sa maliit na tahanan. Taong 2021, hindi ko malilimutan ang pangyayaring aksidente. Nagbago ang lahat sa isang pangyayari na hindi inaasahan na ang haligi ng tahanan ay hindi na nagagawa ang dating paraan sa paghahanapbuhay na matustusan ang pamilya, kaya naman nagbago ang takbo ng buhay ng pamilyang binuo sa isang tahanan. Asawang naghanapbuhay sa malayo na bitbit ang apat na anak at tinaguyod upang mas mabigyan ng maayos at magandangang kinabukasan. Nakipagsapalaran sa mundo ng makabago at tila sa una naninibago sa paraan ng pamumuhay subalit para sa ikakabuti ng mga anak ay kayang gawin ang lahat sa kahit anumang mahirap na sitwasyon. Ngunit, isang dalaga o panganay na anak ay naiwan sa probinsya upang ipagpagpatuloy ang siklo ng buhay sa kolehiyo  na kasama ang amang gumagabay sa pag-aaral. Naging mahirap ang pagitan o agwat sa pamilya, na tila lahat ng nakasanayan na sila ay andiyan para makausap, makasama o katawanan ay nabago na dahil sa masalimuot na pangyayari sa isang aksidenteng nangyari sa haligi ng tahanan. Mahirap o hindi madali ang buhay ng mag-isa na kung saan naging responsibilidad ko na ang aking pamilya kahit na hindi pa ako nakapagtapos. Ang pag-asa ay nasa akin, ang tiwala na ako ang makakaahon sa hirap ng pamilya ay bitbit ko sa bawat araw na humaharap ako sa buhay bilang isang estudyante at dala- dala ko sa aking isipan ang salitang sinabi ng aking ama " Nak, ikaw nalang akoang saligan kay baldado naman ko naa sa imoha nalang ang pag-asa nako nga matabangan sa imoha mga upat ka igsoon kutob sa makaya nako paeskwelahon taka para dili ka magmahay sa akoa". Hindi ko alam paano magsisimula at magpapatuloy dahil sa panahon na kami ay nahihirapan mas lalong lahat ng mga taong inaasahan namin na makakatulong ay lumalayo. Masakit at mahirap tignan ang kalagayan ng aming buhay. Natutunan ko maging determinado at matatag sa bawat hamon ng buhay at mga pangarap ang laging inuunang pagtuunan ng pansin na tila nakaukit na sa aking pagkatao na maging parte ito ng aking buhay at misyon para sa aking minamahal na pamilya.

Tahanan ay nagbigay ng kalakasan sa bawat tinatahak ko na landas. Sa tahanan nabuo ang pagiging malakas at matatag ko na kaya kong sumugal sa anumang hirap na pagkakataong nararanasan. Nasa isip ko palagi na sana ang tahanan na naiwan ay maibalik at maipagpatuloy ang mga nasimulan na magkasama na tila hindi na paghihiwalayin pa.

"Isang Paglalakbay Patungo sa Pagpapakilala sa Sarili”
Sa aking paglalakbay sa mundo, marami akong natutunan at pinagdaanan na mga karanasan na nagpabago sa akin bilang isang tao. Isa sa mga pinakamahalaga at nakatatak sa aking puso ay ang karanasang ito: ang pagtuklas at pag-unawa sa aking sarili.

Mula sa aking kabataan hanggang sa kasalukuyan, patuloy akong hinahamon ng buhay upang alamin kung sino nga ba talaga ako. Sa simula, tila ba isang puzzle na walang katiyakan ang aking pagkakakilanlan. Ngunit sa bawat pagsubok at tagumpay, unti-unti kong natuklasan ang mga bahagi ng aking sarili na kailanman ay hindi ko inakalang magiging posible.

Isang mahalagang bahagi ng aking karanasan ay ang pagtanggap sa aking mga kahinaan at kakaiba’t-iba na katangian. Sa paglipas ng panahon, natutunan kong hindi dapat ituring na hadlang ang aking mga kakulangan, bagkus ay pagkakataon upang patibayin ang aking pagkatao at lumago bilang isang indibidwal. Sa bawat pagkakataon na aking hinaharap ang aking mga limitasyon, natututo akong magpakumbaba at humingi ng tulong mula sa iba, na nagbubuklod sa akin sa iba’t ibang mga tao at nagbibigay-daan upang makamit ang mas malalim na pag-unawa sa aking sarili.

Isa pang mahalagang bahagi ng aking karanasan ay ang pakikisalamuha sa iba’t ibang kultura at paniniwala. Sa pamamagitan ng paglalakbay at pakikipag-ugnayan sa mga taong iba’t-iba ang pinagmulan at pananaw sa buhay, natutunan kong magbigay-pugay at mag-respeto sa kanilang mga karanasan at paniniwala, habang pinapanatili ang aking sariling pagkakakilanlan. Sa ganitong paraan, hindi lamang ako nakakakuha ng bagong kaalaman at pananaw, ngunit nagiging mas bukas din ako sa mga pagkakataon na magkaroon ng mas malalim na koneksyon at pag-unawa sa kapwa.

Sa lahat ng mga ito, ang pinakamahalaga at nagbibigay-kahulugan sa akin ay ang pag-unlad at paglago bilang isang indibidwal. Sa bawat hakbang na aking tinatahak sa aking personal na paglalakbay, patuloy akong nagiging mas matatag, mas mabisa, at mas bukas sa mga pagbabago at hamon na dala ng buhay. Hindi man perpekto, ang aking paglalakbay ay patuloy na nagbibigay-daan upang ako ay mapuno ng pag-asa, inspirasyon, at pag-ibig sa buhay.

Sa huli, ang aking mga karanasan ay nagturo sa akin na ang pagiging tapat sa aking sarili ay ang susi sa tunay na kasiyahan at kaganapan. Sa bawat araw, patuloy akong naglalakbay patungo sa mas malalim na pag-unawa sa aking sarili at sa mundo sa paligid ko. Sa bawat hakbang, ang aking pagtitiwala sa sarili at pagmamahal sa buhay ay patuloy na naglalakas, nagbibigay-daan sa akin upang maging mas buo at mas bukas sa mga kaharian ng posibilidad na naghihintay sa akin.

Sa pagtatapos, ang aking karanasan sa pagkilala sa sarili ay isang walang katapusang paglalakbay na puno ng mga pagsubok, tagumpay, at mga bagong pagtuklas. Sa bawat yugto ng aking buhay, ako ay patuloy na nagbabago at lumalago, na may kasamang determinasyon at pag-asa na magbigay-liwanag sa landas patungo sa aking pinapangarap na pag-unlad at kasiyahan.

NADAPA'T BUMANGON: PAGSIBOL NG BAGONG PAG-ASA
Buhay ay isang napakalaking biyaya mula sa maykapal. Sinsabing tao ang pinakamahalaga sa lahat ng nilikha ng maykapal. Tao ang nasa pinaka mataas sa lahat ng nilikha, ang tao ang may kakayahan na mag-iisip at magdisisyon para sa kanyang sarili. Buhay ay pinapahalagahan ng bawat isa, kung kayat ang lahat ay sinisikap na bumangon at kumayod sa bawat araw nang mairaos ang araw-araw na pamumuhay. Ikaw, bakit mo pinapahalagahan ang iyong buhay?

Isa sa mga taong nangangarap ng maranyang buhay, iyong tipong makakain mo ang lahat ng pagkaing mamahalin, mabibili lahat ng mga mamahaling bagay, at walang ibang iisipin kundi ang gumising lamang sa bawat araw. Ngunit, mabibili ba ng pera ang buhay? mapapataas ba nito ang  buhay ng isang taong nasa bingit na ng kamatayan? Hanggang saan ang kapangyarihan ng pera laban sa biyayang buhay mula sa maykapal?

Ilaw ng tahanan ang pinaka-sangkap ng mapayapang tahanan, mula pagkabata ang ina ang lagi kong hanap. Pag-uwi mula sa skwelahan ang laging tanong “Asa Mama?” pati sa pagkain banggit ang pangalan ni mama “Ma, unsa pagkaon?”, sa lahat ng ganap sa buhay ang ina ang nagiging kaagapay. Sa kanilang mga bisig ay matatamasa mo ang kaginhawaan, ang unang taong kilala ka ng lubos at tanggap ka sa kung sino ka. Ngunit papaano muling babangon kung paggising mo isang araw ay nag-aagaw buhay ang iyong inang minamahal?

Taong 2019 buwan ng Disyembre malaking unos ng pagsubok ang hinaharap ng buong mag-anak. Bago nangyari ang hindi malilimutang karanasan ay isang magandang balita ang aming natanggap, muling madadag-dagan ang miyembro ng aming pamilya, isang anghel ay nabuo at unti-unting nabubuhay sa loob ng sinapupunan ng aking ina. Ngunit sabi nga nang nakakarami bawat kasiyahan ay may kalapit na kasakitan at kabiguan, pinakamadilim na yugto ng buhay ang hinarap naming buong mag-anak, ang anghel nasa sinapupunan ng aking ina ay maagang binawi ng maykapal. Sobrang sakit ang dinaras hindi lang nawalan ng kapatid muntikan naring nawala ang ilaw ng aming tahanan. Hindi pa tapos ang pagluluksa sa aming nawalang kapatid ay muling nawasak ang pusong makita ang iyong inang nag-aagaw buhay sa loob ng ICU. Hindi madali, paghihinaan ng loob at nawawalan ng pag-asa, ngunit kailangan kong lumaban hindi man ako ang panganay, ngunit kinakailagan kong umwi sa aming lugar upang maghanap buhay na sa gayo’y ay may maipadalang pera sa aking kapatid na naiiwan sa hospital ng may panggastos sila ng aking ama sa pangangailangan sa loob ng hospital. Ang aking ama at kapatid na babae ang naiwan sa bahay paggamutan para palitan sila ng pagbabantay sa aking ina, habang ako ay nasa aming bahay mag-isa sa malamig na gabii, tahimik na umiiiyak at tumatawag sa maykapal, humihingi sa kanyang tungkol sapagkat inaamin kong hindi naming kaya kung wala ang kaniyang tulong.

Ika 25 ng Disyembre, sinagot ng Panginoon ang aming dalanggin, ang buhay ng ilaw ng aming tahanan ay kaniyang dinagdagan, gumising ang aming ina insakto alas 4 ng maadaling araw at ang kaniyang unang sinambit ay ang katagang “Ama, Salamat”. Isa sa maituturing kung masilimuot na karanasan ngunit isang napakalaking biyaya, hindi man maganda ang pangyayari sa simula ngunit dahil sa punong maykapal ay muling bumangon at nakita ang liwanag sa madilim na kahapon.

LAKBAY-KARUNUNGAN: SANDIGAN SA PAGLALAKBAY TUNGO SA KARUNUNGAN
Sa aking paglalakbay sa mundo ng edukasyon, napagtanto ko ang kahalagahan ng tamang gabay at suporta sa bawat yugto ng aking pag-aaral. Ang pagtuklas sa mundong akademiko ay hindi lamang tungkol sa mga aklat at guro, ngunit higit sa lahat, tungkol ito sa pagkilala sa sarili at pagpapalakas ng aking kakayahan.

Sa aking mga unang hakbang sa paaralan, nadama ko ang kaba at agam-agam. Bagaman puno ng pangaral ang aking mga magulang, ang aking sarili pa rin ang aking pinakamahusay na gabay. Sa bawat pagsisikap, aking natutuhan ang halaga ng pagtitiwala sa sarili at pagpupunyagi. Sa bawat paglipas ng taon, lumalim ang aking pag-unawa sa pakikisalamuha sa kapwa mag-aaral at mga guro. Natutunan kong makinig at magtanong, hindi lamang upang matuto, ngunit upang maging bahagi ng isang mas malawak na diskurso. Ang aking mga kaibigan at guro ay naging mga tagasuporta at kasama sa aking paglalakbay. Ngunit sa pagharap sa mga hamon ng akademikong mundo, hindi ko maiiwasang madama ang pagod at panghihina. Sa mga sandaling ito, mahalaga ang tulong ng aking mga magulang at mga guro upang ako'y patuloy na magpatuloy at huwag sumuko. Ang kanilang mga payo at suporta ay nagsilbing tanglaw sa aking landas.

Sa huli, ang aking pag-aaral ay hindi lamang tungkol sa pagkamit ng mataas na marka o pagkilala. Ito ay tungkol sa pagbuo ng karanasan, sa pagpapalakas ng aking kakayahan, at sa paghahanap ng aking lugar sa mundo. Sa bawat yugto ng aking paglalakbay, ang aking sarili ang pinakamahusay na gabay, ngunit ang tulong at suporta ng iba ay nagbibigay ng lakas at inspirasyon upang patuloy na magpatuloy.

"SA LIKOD NG PAGHIHIRAP NG HALIGI NG TAHANAN"
Sa mundong ating ginagawalan ay  puno ng problema at paghihirap ang bawat pamilya ngunit,  patuloy na nagsisikap upang makaahon sa kahirapan.Ang pagkakasakit ng isang mahal sa buhay, lalo na ang haligi ng tahanan, ay isang karanasang hindi malilimutan. Ito ay isang yugto ng buhay na puno ng mga emosyon, pag-aalala, at pag-aasikaso na nagbibigay-daan sa mga hamon at pagsubok sa bawat miyembro ng pamilya.

Sa isang maaliwalas na umaga, bigla na lamang nagbago ang lahat nang biglang magkasakit ang aming ama. Ang kanyang matamis na ngiti at matinding pag-aasikaso ay biglang napalitan ng sakit at kahinaan. Hindi namin maipaliwanag ang biglang pagbabago ng kanyang kalusugan, at ang aming tahanan ay nababalot ng lungkot at pangamba.Ang haligi ng tanan na syang nag hahanap buhay upang matugunan ang mga pangangailan sa pamilya.Katulad namin na sinubok ang aming pamilya ng pagsubok, lalo na sa aming haligi ng aming tahanan na syang naghahanap buhay para sa amin.Hindi ko makakalimutan ang panahon na yun na subrang hirap namin, halos wala kaming makain dahil sa nagkasakit ang aking ama at matagal syang nanatili sa pagamotan.Naranasan namin ang noon ang sa isang araw lang kami kumain,kami na magkakapatid ay hindi kami nakakapasok sa paaralan dahil kinakailangan naming maghanap ng mapagkakakitan upang makatulong sa aming mga magulang lalo na sa aming ama na nasa hospital noon.Sa matinding pagtatrabaho ng aming ama kay nagkasakit sya at kinakailangan na agad na ma operahan sya. Ang bawat araw ay parang pakiramdam naming nakatuntong sa patibong. Ang pag-aalala sa kalusugan ng aming ama  ay nagiging sentro ng aming mga gawain. Ang bawat pagtanggap ng mga resulta ng mga pagsusuri ay nagdudulot ng malalim na pangamba at pag-aalala sa aming mga puso. Sa bawat patak ng luha, nais naming maramdaman ng aming ama ang aming pagmamahal at suporta sa kanya. Marami kami mga taong nilapitan sa mag panahon na yun, humingi kami ng tulong upang maypang dadag kami sa gastohin sa hospital.Akala namin walang tutulong dahil sa hindi naman mayayaman ang aming mga nilapitan ng tulong, laki pasasalamat namin dahil sa kahit kaunting tulong na aming na tatangap ay nakakatulong sa pagbili ng mga kinakailangan sa hospital lalo sa gamot. Hanggang sa makalabas ang aming ama ay mayroon paring mga taong pumupunta sa amin naghahatid ng mga pangangailan ng aking ama.Sa kabila ng mga pagsubok, ang karanasang yun  ay nagbigay sa amin ng mga mahahalagang aral at pagpapahalaga sa buhay. Natutunan naming kahalagahan ng pagkakaisa at pagmamahalan sa panahon ng krisis.

Ang bawat araw ay isang pagkakataon upang magpakita ng pagmamahal at pag-aalaga sa isa’t isa.Sa paglipas ng panahon, unti-unti naming nakita ang pagbabago sa kalusugan ng aming ama. Ang bawat munting pag-usad ay nagdulot ng saya at pag-asa sa aming mga puso. Hanggang sa dumating ang araw na tuluyan nang nakalabas ng kanyang karamdaman ang aming ama. Ang kanyang paggaling ay hindi lamang tagumpay para sa kanya, kundi pati na rin sa aming buong pamilya.Sa pagtatapos ng karanasang yun , ang aming tahanan ay puno ng pasasalamat at kasiyahan. Ang pagkakasakit ng aming ama ay nagdulot ng pagbabago at pag-unlad sa aming pamilya. Ito ay isang karanasang hindi malilimutan, isang yugto ng buhay na nagturo sa amin ng pagpapahalaga sa bawat sandali at pagmamahal sa bawat isa. Ang aming ama, bilang haligi ng tahanan, ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon at lakas sa aming buong pamilya.

TALA ANG PAGITAN NGUNIT PINAGLAPIT NG MATIBAY NA PAGKAKAIBIGAN
Sa bawat yugto ng buhay, may mga tao na naging gabay, karamay, at katuwang natin sa paglalakbay. Sa loob ng  paaralan, lalo na sa high school, mahalaga ang papel ng mga kaibigan. Kaya naman sa bawat ala-ala ko kasama sila ay hindi ko ito malilimutan kahit daanan man ako ng buhay mga alaala ay dala hanggang sa aking huling hininga.

Ang mga alaala ay bumabalik, nagdadala ng ligaya at sigla sa aming mga puso. Mga kwento ng nakaraan, mga pangarap at pighati, at mga tawa na hindi nagbago sa kabila ng panahon. Ang mga masasayang pangyayari kasama sila ay isa sa mga kayaman ko na hindi makukuha ng kahit sino. Mga ala-ala na humubog sa aking pagkatao na makipagsalamuha ng may respeto at galang sa isa't isa.

Ang aming pagkakaibigan ay hindi nasusukat sa dami ng oras na nagkasama kami, kundi sa kalaliman ng aming ugnayan. Sa bawat pagkakataon na magkikita, tila ba walang nagbago. Ang mga ngiti, yakap, at kwentuhan ay parang pagsilip sa nakaraan, nagdadala sa amin sa mga araw ng aming kabataan.

Matagal nang lumipas ang mga araw na huli kaming magkakasamang lima. Malungkot man ngunit pinaghiway kami ng aming mga pangarap. Ang isa ay may-anak na, ang isa ay nasa ka-Maynilaan, ang isa ay nasa probinsya nag-aaral ng entreprenurya, ang isa naman ay hindi ko na batid kung ano at saan na siya dinala ng tadhana ngunit alam kong nasa maayos na kalagayan siya ngayon. Syempre ang iyong lingkod ay patuloy ring nangangarap at nagsusumikap upang maabot ang kanyang pangarap. Isa sa mga pangarap ko ay ang mabuo kaming muli hindi man sa ngayon ngunit alam kong may takdang panahon na inilaan ang Panginoon.

HAMONG DUMATING ANG PONDASYON NG KATATAGAN NG PAMILYA
Taong dalawampu't labing walo nasa baitang labing isa ako isang malaking pagsubok ang dumating sa aming pamilya na hindi ko malilimutan kahit ilang taon na ang nagdaan at hindi ko alam kung paano namin nalagpasan. Si ama ang dahilan kung bakit naging ganon ang aming pamilya dahil sa kanyang ginawang pagtataksil, hindi ko maisip saan ba kami nagkulang na pamilya niya para maisipan niya na pagtaksilan si ina at kaming mga anak niya. Hindi madali sa amin na tanggapin ang ginawa niya dahil lagi na lang silang nag aaway ni ina, ang kanilang pinag aawayan ay dahil sa kasalanang nagawa ni ama. Masakit dahil madaming naapektohan lalo na ang aming pag-aaral dahil sa gabi-gabi ay lagi namin silang naririnig na nag tatalo at nagbabatohan ng mga masasakit na salita at kaming mga anak ay nasasaktan at walang nagawa kundi ang umiyak lang dahil iyon lang ang kaya naming gawin. Kahit ano ang aming sabihin at pagpigil sa kanilang pag-aaway ay wala paring silbi hindi naman sila nakikinig dahil mga sarili lamang nila ang kanilang iniisip.

Dumating ang panahon na lumala ang away at humantong na kailangan na mag hiwalay. Si ina ay umalis at pumunta sa syudad, naiwan kami wala naman kaming magagawa para mapigilan siya tanging nagawaa namin ay ang umiyak lamang. Nagpatuloy ang buhay ako ang tumayong magulang sa aking mga kapatid dahil wala naman silang maaasahang iba, si ama ay gabi na kung umuwi at paggising namin hindi na namin mahagilap dahil maagang pumasok sa trabaho. Itong pagsubok na binigay sa amin ay napakasakit walang araw na hindi kami nalulungkot, walang araw na hindi namin inisip kung ano ang magiging bukas at kinabukasan namin. Kahit gaano pa kasakit ang pagsubok na ito ay hindi ko malilimutan dahil ito ang nagpatatag sa aming pamilya, pinakita ni ama ang buong puso na humanap ng paraan upang magkaroon sila ng komunikasyon ni ina hanggang sa nakuha niya ulit ang loob ni ina at umuwi siya sa aming bahay. Pinakita ni ama ang tunay niyang pagbabago at ang kanyang pagmamahal kay ina at sa aming mga anak niya.

Ang isang pamilya ay maraming pagsubok na darating mayroong mga hindi inaasahan at pinipilit itong nilalabanan na magkasama. Ang aming pamilya ay hindi perpekto ngunit dahil sa mga hamon na napagdaanan na at mapagdadaanan pa lamang ay mas tumibay ang pondasyon ng aming pamilya lalo na sa pinakita na pagbabago at pagmamahal sa aming pamilya ni ama. Mahirap man ang pinagdaan sa mga nakaraang taon ay nandito parin kami nananatiling buo at nagmamahalan.

" ANG WALANG KATAPUSANG PAGMAMAHAL"
Ang aking lola ay isang napakalambing at mapagmahal na tao. Sa bawat pagkakataon na kami'y magkasama, ramdam ko ang kanyang pagmamahal at pag-aalaga. Ang kanyang mga kuwento at payo ay laging nagbibigay sa akin ng inspirasyon at gabay sa buhay. Isa pang bagay na hindi ko malilimutan ay ang kanyang pagiging masipag at mapagmahal sa aming pamilya. Sa tuwing may kailangan kaming tulong, siya agad na nagmamadali upang magbigay ng kanyang serbisyo at suporta. Ang kanyang walang kapantay na pagmamahal at pag-aalaga ay tunay na nagpapakita kung gaano ka lalim ang kanyang pagmamahal sa amin. Sa bawat sandali na kasama ko ang aking lola, natutunan ko ang halaga ng pamilya, pagmamahal, at pag-aalaga sa isa't isa. Ang kanyang presensya sa aking buhay ay isang biyayang hindi ko malilimutan at laging magiging bahagi ng aking puso't isipan. Ang kanyang pagmamahal at gabay ay patuloy na nagbibigay sa akin ng lakas at inspirasyon sa aking mga pangarap at buhay.

Ngunit ang lahat ng ito ay hindi ko na mararanasan at naging bahagi na lamang ng aking mapait na karanasan, dahil ako ay tuluyan na niyang iniwan na nagdulot ng malalim na lungkot at pangungulila sa aking puso. Ang kanyang paglisan ay tila isang malaking bahagi ng aking buhay na biglang nawala, na nag-iwan sa akin ng malalim na pangungulila at lungkot. Ang bawat alaala kasama ang aking lola ay tila isang pelikula na paulit-ulit kong pinapanood sa aking isipan. Ang kanyang mga halakhak, mga payo, at mga yakap ay tila naglalaro pa rin sa aking isipan, na nagpaparamdam sa akin ng kanyang presensya kahit wala na siya sa aking tabi.

Sa tuwing ako'y nahaharap sa mga hamon at pagsubok sa buhay, ang kanyang mga payo at gabay ay tila isang ilaw na nagbibigay sa akin ng lakas at inspirasyon. Ang kanyang pagmamahal at pag-aalaga ay tila isang mainit na yakap na patuloy na nagbibigay sa akin ng kapanatagan at pag-asa sa kabila ng kanyang pagkawala. Ngunit sa kabila ng sakit at lungkot na dulot ng pagkawala ng aking lola, natutunan ko ang halaga ng pagmamahal, pag-aalaga, at pagkakaisa sa pamilya. Ang kanyang mga aral at halimbawa ay patuloy na nagbibigay sa akin ng inspirasyon na maging mabuting tao at maging mapagmahal sa aking kapwa. Kahit na wala na siya sa aking tabi, ang alaala ng aking lola ay mananatiling buhay at patuloy na magbibigay ng inspirasyon at gabay sa aking buhay. Ang kanyang pagmamahal at alaala ay magpapatuloy sa bawat araw na lumilipas, na nagbibigay sa akin ng lakas at pag-asa sa hinaharap.

"Alaala ng paslit"
Sa kanyang alaala, isang pangyayari ang patuloy na bumabalik sa isipan ng babae - ang hindi malilimutang pagkamatay ng kaniyang ama noong siya ay nasa apat na baitang pa lamang. Hindi lamang ito isang pangyayari sa kanyang buhay, kundi isang yugto na nagtatakda ng landas ng kanyang paglalakbay tungo sa pagiging matatag at buo ang loob.

Noong mga panahong iyon, ang buhay ng bata ay inosente pa. Ang kanyang ama ay isang matapat na tagapagtanggol at gabay sa kanyang unang hakbang sa mundo. Ngunit isang araw, sa hindi inaasahang pangyayari, biglang nawala ang kanyang ama sa kanilang buhay. Ang masakit na balita ay dinala sa kanila ng mga hindi malilimutang bibig ng mga kapitbahay. Hindi agad nauunawaan ng batang babae ang kahulugan ng kamatayan, ngunit unti-unti niyang nararamdaman ang bigat ng nawalang pagmamahal.

Ang pagkamatay ng kanyang ama ay isang malaking pangyayari na hindi lamang nagdulot ng luha at kalungkutan, ngunit nagbigay din ng hamon sa kanyang murang edad. Naramdaman niya ang bigat ng responsibilidad na biglaan niyang pinagtagumpayan. Ipinakita niya ang kanyang lakas at determinasyon upang itaguyod ang kanilang pamilya sa gitna ng mapait na pangyayaring iyon.

Sa mga sumunod na mga buwan, naranasan ng batang babae ang mga hamon ng buhay na walang gabay ng kanyang ama. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, natutunan niyang maging matatag at determinado sa harap ng mga pagsubok. Sa tuwing hinaharap niya ang mga hamon, bumabalik siya sa alaala ng kanyang ama, na nagbibigay sa kanya ng lakas at inspirasyon na kailangan niya upang harapin ang bawat araw.

Sa paglipas ng panahon, unti-unti ring natutunan ng batang babae na tanggapin ang katotohanang hindi na nila makakasama ang kanilang ama. Ngunit sa bawat alaala at aral na iniwan nito, patuloy na nabubuhay ang diwa at pagmamahal ng kanyang ama sa kanilang puso. Hanggang sa kasalukuyan, ang pangyayaring iyon ay nananatiling bahagi ng kanyang pagkakakilanlan at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa kanya upang maging matatag, mapagmahal, at determinadong harapin ang anumang pagsubok na dumating sa kanyang buhay.

Isang Kwento ng Pag-asa at Pagmamahalan: Ang Tagumpay ng Aming Pamilya sa Gitna ng mga Hamon
Sa gitna ng aming mga pagsubok at mga hirap, ang aming pamilya ay nakatayo nang matatag, nagtutulungan at nagbibigayan ng lakas sa bawat isa. Ang aming kuwento ay isang patunay ng kakayahan ng pagmamahal at pagkakaisa na nagdulot sa amin ng labis na kaligayahan at pasasalamat sa aming mga puso.

Sa aming paglalakbay sa buhay, hindi namin maiwasang harapin ang mga hamon at pagsubok. Mula sa pinansyal na kahirapan hanggang sa mga personal na suliranin, ang aming pamilya ay hindi nag-atubiling harapin ang mga ito nang magkasama. Sa bawat pagkakataon, ang aming pamilya ay nagiging isang malakas na puwersa ng suporta at pagmamahalan, nagbibigay ng lakas at inspirasyon sa bawat isa. Sa gitna ng aming mga pagsubok, doon namin nakikilala ang tunay na kahalagahan ng pamilya. Ang bawat pagkakataon na kami ay nagkakaisa upang malampasan ang mga hamon ay nagiging sandigan ng aming pag-asa at pananampalataya. Hindi nagtagal, nakikita naming ang bunga ng aming pagtitiwala sa bawat isa, sa bawat tagumpay na aming nakamit.

At sa bawat tagumpay na ito, hindi mawawala ang pasasalamat sa aming mga puso. Sa tuwing naaalala namin ang mga pagsubok na aming nalampasan, hindi namin maiwasang ipagpasalamat ang pagiging magkakasama ng aming pamilya. Sila ang naging tanging sandigan at inspirasyon sa bawat hakbang ng aming paglalakbay. Ang mga paghihirap na ito ay syang nagtulak sa akin na di malimutan ang mga napagdaanan namin bilang pamilya. Masaya at masarap sa pakiramdam na kahit anong hirap, hindi ka nag-iisa.

Sa huli, ang aming pamilya ay hindi lamang isang samahan ng mga tao, kundi isang espesyal na piling ng mga alaala at pagmamahal. Ang aming pag-asa at tagumpay ay hindi magiging posible kung hindi dahil sa bawat isa sa aming pamilya. Sila ang naging liwanag sa aming madilim na landas, at sa kanilang tulong at pagmamahal, kami ay patuloy na lumalakbay nang may pag-asa at pagmamalas sa bawat araw na aming tinatahak.

Bunga ng Pagmamahalan: Lunas sa Mga Pusong Durog
Isa lamang akong hamak na mag-aaral noon at walang ibang pinagkakaabalahan kundi ang mag-aral ng mabuti at gawin ang responsibilidad bilang mag-aaral. Naging mabuting mag-aaral ako sa elementarya at sekundarya kaya naman marami rin ang aking mga nakamit at ako'y napasama sa mga nangunguna sa klase. Nasiyahan ako sa mga kaganapan sa aking buhay lalong-lalo na sa mga tagumpay na aking nakamit kaya maaga akong nagkaroon ng plansyadong plano at konklusyon sa buhay na para bang alam na alam  kong makakamit ko ang pangarap na walang kahirap-hirap. Pangalawa ako sa apat na magkakapatid at ako na lamang ang inaasahan ng aking mga magulang dahil hindi na nagpatuloy sa pag-aaral ang aking ate. Ngunit ang mga inaasahan ng aking mga magulang at inaakala kong madali at matuwid na daan ay biglang lumihis at nag-iba ng direksyon.

Maaga kong tinahak ang mundo ng pag-aasawa. Isang bagay na hindi matatanggap ng aking mga magulang dahil sa malaki ang plano at inaasahan nila sa akin. Taong 2019, nakilala ko ang taong bumago  sa takbo ng aking buhay. Sa mga panahon na wala akong ibang masandalan sa samot-saring mga problema sa buhay, sa kanya ko naibabahagi at naipapalabas ang mga saloobin. Sabihin na natin na siya ang naging kakampi ko sa panahon na akala ko kaaway ko na ang lahat. Maaaring may makapagsasabi na mayron naman akong mga magulang na dapat kong sabihan sa lahat-lahat ng bagay. Para sa kabatiran ninyo, lumaki akong natatakot na magkamali sa aking mga magulang kaya marami akong kaganapan sa buhay na hindi ko kayang sabihin sa kanila. Taong 2021, naikasal ako kay Esmael Arabe ngunit bago pa man ito, dumaan muna kami sa nakakalunod na mga luha. Nang namanhikan palang siya kasama ng kanyang mga magulang ay buong desisyon silang tinanggihan ng aking ama dahil sa nais pa raw nila akong makapagtapos ng pag-aaral. Nang malaman ito ng aking tiyuhin na isang Balik Islam na malaki ang pag-aalala sa relihiyon, tinanong niya ako kung nais ko ba raw maikasal na o kaya ko bang hiwalayan nalang si Esmael. Hindi ako agad nakasagot at dumaan pa ang ilang buwan bago ko buong pusong  napagtanto na mahal ko si Esmael at hindi lingid sa aking kaalaman ang batas ng Islam. Nais ng tiyuhin ko na ayusin ang kinakaharap naming isyu. Kinausap niya ang aking mga magulang ngunit imbis na manguna sa plano at paghahanda ang aking mga magulang ay hindi sila nakialam at binigyang basbas na lamang ng aking ama ang aking tiyuhin na tumayo bilang ama ko sa araw ng kasal. Hindi dumalo ang aking ama ngunit masaya kong nakita ang presensya ng aking ina kahit kitang-kita sa mukha at mga mata niya ang galit, lungkot at pagkadismaya. Maaga siyang umalis at hindi na tinapos ang okasyon. Lubos akong nasaktan sa mga nangyari at nasaktan ko ang aking mga magulang. Ilang buwan ding hindi ako nagpakita sa kanila na siyang dahilan na mas lumala ang poot at sakit ng kalooban nila sa akin. Nang napagtanto ko na mali ang umiwas sa magulang, humingi ako ng tawad na siya naman palang hinihintay ng aking ama. Pinatawad nila ako at tinanggap sa bahay kasama si Esmael. Ilang buwan naman ang lumipas ay binigyan kami ng isang biyaya.

Taong 2023, iniluwal ko ang isang lunas na siyang gumamot sa mga pusong durog. Isang batang nagbigay daan para manumbalik ang relasyon at pagmamahalan naming mag-ama at mag-ina.Siya ang naging lunas sa mga damdaming labis na nasaktan at dahilan para muling mabuo at maayos ang aming pamliya. Sa kasalukuyan, taong 2024, siya ay isa nang malikot, malusog at isang taong gulang. Ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral habang siya ay binabantayan ng kanyang lola at mabuting tiyahin. Marami mang napagdaanan at hinarap na mga pagsubok, nandito pa rin ako patuloy na lumalaban. Masayang-masaya ako dahil natutuwa ang aking mga magulang sa kanilang apo. Ang mga pusong sugatan ay unti-unti nang naghilom dahil sa napaka-epektibong lunas na ipinagkaloob ng Tagapaglikha sa amin, si Saleem Arabe.

Jessa Mae L. Macamay
"Pagsisi"

Noong bata pa akala'y kay dali lamang ng buhay. Kay saya ng mga bawat sandali na akala'y ganito nalamang parati ngunit hindi pala, ang akala mo noon ay naging ganito pala ang mundo parang ika'y laging tumatakbo , tumatakbo sa buhay na hindi mo alam kung saan tutungo o saan hihinto .Ika'y paikot-ikot lamang sa buhay.Natatakot, Nadadapa at bumabangon ulit. Sa sobrang takot mo'y napapabayaan na iyong sarili nakakalimutan ang mga mahahalagang  bagay na sanay nakamit mo na ngayon ngunit ngayon hanggang pagsisi nalamang ang naitugon sa sarili, paano kaya kung nilaban ko noon hindi na sana ako ngayon napupuno ng pagdadamdam at pagsisi sa sarili. Narito ulit hindi mapakali pilit na binabaon ng pagsisi sa mga pagkakamali at pagkakataong sinayang ng takot at mangamba na sanay aking inilaban ngunit nanaig ang takot sarili. Kayat ngayon ako'y babangon ulit at haharapin ang mga balakid at titibayan ulit ang puso at magtitiwala sa sarili .

Kasipagan at Paniniwala ang Tanging Sandalan
"Paniniwala sa sarili ay isang malaking pondasyon tungo sa pagtatagumpay"

Ikaw at Ako ay may iba't ibang kwento, iba't ibang storya na ating nararanasan may masaya, mahirap at malungkot. Hindi ko alam kung Sa'n ako magsimula sa aking mga karanasang di na mabilang. Simulan ko nalang sa aking pagkabata. Hindi ko malilimutan ang mga karanasan ko noon na hanggang ngayon ay dala-dala ko ang mga masasayang alaala na aking natamo noong ako'y bata pa lamang. Masaya na ako sa mga simpleng bagay o dikaya'y maliit na bagay para sa iba, ngunit sa'kin ay mahalaga. Yung tipong masaya na ako noon sa aking kaarawan kapag may mansanas na dala ang aking ama't Ina. Sa kabila ng mansanas na masarap at matamis ganyan din ka hirap ang mga karanasan ko noong bata pa ako. Nang dahil sa kahirapan ay hirap makabili ng papel, lapis at lalong lalo na ang kwaderno, bago ako makabili ng mga gamit ay kailangan ko munang magbinta ng mga gulay, prutas, o di kaya'y mamulot ng mga lata at ibinta upang mayroong pangbaon sa pagpasok sa paaralan.Kahit sa paaralan ay nagbibinta ako ng mga pagkain. Ngunit Hindi talaga maiiwasan na mayroong mga taong sisira ng iyong kumpiyansa sa sarili, naranasan ko din mabully ng mga kaklase ko. Kahit ganoon ang kanilang sinasabi ay hindi ko iniisip o dikaya'y dinibdib ang mga salita na kanilang binato, ang mahalaga ay masaya ako dahil sa maliit na bagay ay nakakatulong ako sa aking magulang, at nagpapasalamat din ako na ang aking mga magulang ay isang magsasaka na napakasipag mag tanim ng kahit ano upang maypagkitaan ng pera. Tanging dahon sa saging lamang ang lalagyan ng pagkain at plastic bag lamang ang tanging lalagyan ng mga gamit sa paaralan. Tuwing sabado at linggo pumupunta kami sa bukid upang tumulong sa aking ama sa pag aararo at pagtanim ng mga gulay, mani, mais at iba pa na kung saan malaking tulong na Kahit sa ganoon na mga karanasan ay hindi ko kinahiya kung ano kami noon at kumpara sa ngayon na siyang napakalaking pagbabago sa aming Buhay. Ang mga masasarap na pagkain noon ay tiyak na hirap talaga kaming makabili. Ang tanging paulit- ulit na ulam ay ang asin at tubig o dika'y asukal at kanin na kung saan inasam asam naming matikman ay ang paborito ng ibang bata na kung saan ito ay ang hotdog. Ang tanging sinasabi sa sarili ay darating pa rin ang tamang panahon upang makaahon sa kahirap, tumigil ang aking mga nakakatandang Kapatid sa pag- aaral upang tumulong sa aking mga magulang na paaralin kami, at makabili ng bagong gamit sa paaralan. Kaya'y lagi ko tinatandaan ang katagang" ang taong hindi lumingon sa pinangalingan ay tiyak na hindi makarating sa paroroonan" ang katagang ito ay nagpapahiwatig na gawing inspirasyon ang mga karanasan dahil Isa sa mga susi sa ating karanasan na nagbibigay ng pagbabago sa ating buhay. Alam kung malayo pa ngunit malayo na. Ang karanasan ko noon ay malaking tulong sa akin ngayon.

Bunga ng Pagmamahalan: Lunas sa Mga Pusong Durog
Isa lamang akong hamak na mag-aaral noon at walang ibang pinagkakaabalahan kundi ang mag-aral ng mabuti at gawin ang responsibilidad bilang mag-aaral. Naging mabuting mag-aaral ako sa elementarya at sekundarya kaya naman marami rin ang aking mga nakamit at ako'y napasama sa mga nangunguna sa klase. Nasiyahan ako sa mga kaganapan sa aking buhay lalong-lalo na sa mga tagumpay na aking nakamit kaya maaga akong nagkaroon ng plansyadong plano at konklusyon sa buhay na para bang alam na alam  kong makakamit ko ang pangarap na walang kahirap-hirap. Pangalawa ako sa apat na magkakapatid at ako na lamang ang inaasahan ng aking mga magulang dahil hindi na nagpatuloy sa pag-aaral ang aking ate. Ngunit ang mga inaasahan ng aking mga magulang at inaakala kong madali at matuwid na daan ay biglang lumihis at nag-iba ng direksyon.

Maaga kong tinahak ang mundo ng pag-aasawa. Isang bagay na hindi matatanggap ng aking mga magulang dahil sa malaki ang plano at inaasahan nila sa akin. Taong 2019, nakilala ko ang taong bumago  sa takbo ng aking buhay. Sa mga panahon na wala akong ibang masandalan sa samot-saring mga problema sa buhay, sa kanya ko naibabahagi at naipapalabas ang mga saloobin. Sabihin na natin na siya ang naging kakampi ko sa panahon na akala ko kaaway ko na ang lahat. Maaaring may makapagsasabi na mayron naman akong mga magulang na dapat kong sabihan sa lahat-lahat ng bagay. Para sa kabatiran ninyo, lumaki kasi akong natatakot na magkamali sa aking mga magulang kaya marami akong kaganapan sa buhay na hindi ko kayang sabihin sa kanila. Taong 2021, naikasal ako kay Esmael Arabe ngunit bago pa man ito, dumaan muna kami sa nakakalunod na mga luha. Nang namanhikan palang siya kasama ng kanyang mga magulang ay buong desisyon silang tinanggihan ng aking ama dahil sa nais pa raw nila akong makapagtapos ng pag-aaral. Nang malaman ito ng aking tiyuhin na isang Balik Islam na tulad namin at malaki ang pag-aalala sa relihiyon, tinanong niya ako kung nais ko ba raw maikasal na o kaya ko bang hiwalayan nalang si Esmael. Hindi ako agad nakasagot at dumaan pa ang ilang buwan bago ko buong pusong  napagtanto na mahal ko si Esmael at hindi lingid sa aking kaalaman ang batas ng Islam. Nais ng tiyuhin ko na ayusin ang kinakaharap naming isyu. Kinausap niya ang aking mga magulang ngunit imbis na manguna sa plano at paghahanda ang aking mga magulang ay hindi sila nakialam at binigyang basbas na lamang ng aking ama ang aking tiyuhin na tumayo bilang ama ko sa araw ng kasal. Hindi dumalo ang aking ama ngunit masaya kong nakita ang presensya ng aking ina kahit kitang-kita sa mukha at mga mata niya ang galit, lungkot at pagkadismaya. Maaga siyang umalis at hindi na tinapos ang okasyon. Lubos akong nasaktan sa mga nangyari at nasaktan ko ang aking mga magulang. Ilang buwan ding hindi ako nagpakita sa kanila na siyang dahilan na mas lumala ang poot at sakit ng kalooban nila sa akin. Nang napagtanto ko na mali ang umiwas sa magulang, humingi ako ng tawad na siya naman palang hinihintay ng aking ama. Pinatawad nila ako at tinanggap sa bahay kasama si Esmael. Ilang buwan naman ang lumipas ay binigyan kami ng isang biyaya.

Taong 2023, iniluwal ko ang isang lunas na siyang gumamot sa mga pusong durog. Isang batang nagbigay daan para manumbalik ang relasyon at pagmamahalan naming mag-ama at mag-ina.Siya ang naging lunas sa mga damdaming labis na nasaktan at dahilan para muling mabuo at maayos ang aming pamilya. Sa kasalukuyan, taong 2024, siya ay isa nang malikot, malusog at isang taong gulang. Ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral habang siya ay binabantayan ng kanyang lola at mabuting tiyahin. Marami mang napagdaanan at hinarap na mga pagsubok, nandito pa rin ako patuloy na lumalaban. Masayang-masaya ako dahil natutuwa ang aking mga magulang sa kanilang apo. Ang mga pusong sugatan ay unti-unti nang naghilom dahil sa napaka-epektibong lunas na ipinagkaloob ng Tagapaglikha sa amin, si Saleem Arabe.

ANG HAMON SA PANAHON NG ELEKSYON ni Mickie M. Bilad
Sa panahon ng eleksyon, isang napakalaking hamon ang hinaharap ng bawat kandidato, partikular na para sa mga tulad ko na nagsisilbing Chairperson ng Sangguniang Kabataan. Ito ay hindi lamang isang pagsubok ng ating kakayahan bilang lider, kundi isang pagkakataon upang patunayan ang ating dedikasyon sa paglilingkod sa ating mga kababayan.

Sa panahon ng huling eleksyon, aking naranasan ang buhay at kulay ng politika sa lokal na antas. Mula sa paghahanda ng plataporma hanggang sa pagkampanya sa aming mga barangay, bawat sandali ay puno ng tensyon at determinasyon. Nakita ko ang iba't ibang uri ng mga tao — may mga taong bukas sa pagbabago, may mga skeptiko, at may mga taong mas gusto pang manatiling nasa kinalalagyan nila.

Naging matindi ang laban, hindi lamang sa pagitan ng mga kandidato kundi pati na rin sa pagharap sa mga isyu at hamon ng komunidad. Sa tuwing naglalakad ako sa kalsada, marami ang nagtatanong, marami ang nagbibigay ng suporta, at marami rin ang nagpapahayag ng kanilang agam-agam. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, patuloy kaming nagtulungan at nagtrabaho para sa iisang layunin: ang kabutihan ng aming barangay at kabataan.

Hanggang sa kasalukuyan, hindi ko pa rin malimutan ang mga sandaling iyon. Hindi dahil sa tagumpay na aming natamo, kundi dahil sa mga pagsubok na dumaan at mga aral na natutunan. Ang panahon ng eleksyon ay hindi lamang tungkol sa pagkapanalo o pagkatalo, kundi higit sa lahat, ito ay tungkol sa pagkakaisa, pagtutulungan, at pagpapakita ng tapang at determinasyon sa harap ng mga hamon.

Sa bawat pagkakataon na naaalala ko ang mga pangyayaring iyon, patuloy akong napapaalala sa kahalagahan ng paglilingkod sa kapwa at pagiging matatag sa gitna ng anumang pagsubok. Hanggang sa kasalukuyan, ang mga karanasang iyon ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon at lakas sa akin upang patuloy na magsilbi sa aking komunidad at sa mga kabataan.

"HANDANG GAWIN ANG LAHAT PARA SA PAMILYA" ni Michelle T. Lemindog
Ako si Michelle Lemindog nakatira sa probinsya ng manay ako mag simpleng pamilya ang tatay ko magsasaka at ang nanay ko naman nasa bahay lang upang  mag-alaga ssa amin pero kapag mayroon kami pasok sumasama siya kay tatay upang mayroon kaming mabaon sa paaralan kinabukasan. Oo, masasabi ko ang buhay namin noon at ngayon ay malayo dahil noon kung hindi pupunta si tatay sa aming sakahan wala kaming makakain pero ngayon makain na kami umagahan, tanghalian at panghapunan kaya ito ang bagay na hindi ko  malilimutan ang pag sasakripisyo ng aking mga magulang dahil sa ano man hirap gagawin nila upang magkaroon kami nang mga bagay na kailangan kahit di namin sabihin bibigyan nila kami. Napahirap at napakasakit kung babalikan kasi nasanasan ko magdala nag mga kahoy ng aming kapitbahay upang magkaon lang ng pangbaon sa paaralan dahil sa hirap ng buhay namin pero kahit ano man ang mga bagay na aking naranasan nagpaasalamat parin ako sa panginoon dahil binigyan ako nang mga magulang na handang gawin ang lahat upang mabigyan ang mga anak kung ano ang kailangan. Kaya sa ngayon nag-aaral ako ng mabuti upang masuklian ko ang aking mga magulang sa kanilang ginagawang pagsasakripisyo kahit ano mang hirap gagawin nila  at lalaban nila  para sa kanilang mga anak. Ma, Pa maraming salamat sa pagmamahal na walang makakatumbas dahil kahit kaylan di niyo kami panabayaan ano mang problema ang dumating sa akin kayo ang nananatili sa amin at kahit kaylan man ay di ninyo kami pinabayaan kaya laging tandaaan magtatapos ako ano man ang mangyari. Ang mga luha ko ngayon na dumadaloy sa mata ko ito lamang ay patikim tungo sa magandang bukay kay pangako wag ninyo ako iiwan hanggang ko nasusuklian ang inyong paghihirap. Sabay sabay tayong aangat sa buhay hindi man ngayon pero sa tamang panahon pangako.

Aliw-iw ng buhay ni: Mary Jane P. Turing
Mula sa pagkakita ng mundo, paglanghap ng simoy ng hangin at pagkarinig ng magandang musika sa paligid naging banayad ang takbo ng buhay ng isang anghel. Mula sa pagtapak niya ng magaspang na semento at maging sa pagtakbo niya ng buhay itinuring syang prinsesa ng kanyang hari at reyna at maging ang kanyang mga kapatid na prinsepe at prinsesa. Banayad ang naging kanyang ginawang hakbang sa bawat pagtapak niya ng mga magagaspang na daanan.Kahit pa man sa banayad ng kanyang paghakbang minsan na rin  siyang nadapa, nasugatan at nasaktan, katulad ng isang batis na kahit gaano man ka banayad ang agos ng tubig kapag dadating ang tag-ulan ay babaha rin.

Dumating na ang panahon ng tag-ulan ng  kanyang buhay. Gaano man ka banayad agos ng kanyang buhay kapag nagpapakita na ang madilim na ulap inaasahan niya na ang malakas na hampas nito sa kanyang banayad na pagtakbo. Sa bawat patak ng ulan, sa pagdampi nito sa kanyang mga balat tila ito’y isang kutsilyo na tumatagos sa kanyang kalamnan. Sakit na dulot ng mapanghamong panahon na nag resulta ng pagpatak ng kanyang mga luha. Ang dating mala-palasyong bahay nila na pinamumunuan ng hari at reyna ay nagmukhang bahay na pinagmumultahan. Ang dating masasayang pag-aawit sa loob ng tahanan ay napalitan ng pagsisigawan ng hindi pagkakaunawaan. Tila ba’y ang magandang musika’y naging sirang plaka na hindi magandang pakinggan. Ang dating masasayang tawanan ng kanyang mga magulang ay napalitan ng pagkadismaya at pagkalungkot na tila ba’y isang magandang sikat ng araw na nawala dahil dumating si madilim na ulap.

Ang isang anghel ay napilitang tumayo mag isa at natutulong lumakad ng walang inaapakang iba. Mula ng siya’y nagkaroon ng ulirat sa tunay na mundo, hindi niya lubos maisip ang masaganang buhay na kanyang nararanasan sa kanyang kabataan. Sa pagtapak niya sa tunay na mundo unti-unting nagbago ang takbo ng kanyang buhay. Nang siya’y natutong mag-aral hindi man ganoon ka bilis ngunit unti-unti pilit niyang binabalik ang banayad ng agos ng tubig. Sa pagtuntong niya sa kolehiyo dito na ma’y unti-unting natatakpan ang kanyang maliwanag na kapaligiran. March 5, 2023, isang hindi niya makakalimutang pangyayari. Kahit pa man hindi na sila nagkakasundo ng kanyang mga kapatid sila’y mahal pa rin ng mga ito. Sa araw na ito’y ipinapasyal sila ng kanyang kapatid sa parke upang magliwalis at magsaya dahil babalik na rin ito sa Maynila. Ngunit ang masayang kaganapan ay napalitan ng kalungkutan ng malaman nilang naaksindete ang kanilang mga magulang. Tulog ma’y ‘di magawa ng dalagita dahil nag-alala sa nagyari ng kanyang ama at ina. Isang gabi habang siya’y nagbabantay sa kanyang mga magulang ay narinig ang naging usapan ng mga ito.Narinig niya ang pag-uusap ng kanyang mga magulang, ang kanilang mga hinaing at pangamba sa kinabukasan ng kanilang mga anak. Ang mga salitang iyon ay kumurot sa kanyang puso. Hindi niya matanggap kung paano nila nagawang pag-usapan ang kanilang kinabukasan sa harap ng panganib na kanilang kinakaharap.

Mula ng mangyari iyong itinatak ng dalaga sa kanyang isipan na ibabalik niya ang banayad ng agos ng kanyang bugas. Hindi hinayaang sakupin na naman siya ng tag-ulan at madilim na kaulapan. Ipinangako ng dalaga sa kanyang sarili na kahit anuman ang mangyari, gagawin niya ang lahat upang matapos ang kanyang pag-aaral. Ang kanyang mga pangarap ay magiging liwanag sa kanyang kinabukasan at ng kanyang mga kapatid. Ang gabi na iyon ay naging simula ng isang bagong laban para sa dalaga. Ang laban na hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi para sa kinabukasan ng kanilang pamilya. Sa bawat hagulgol at bawat luha, may kasamang pag-asa at determinasyon na sa kabila ng lahat, siya ay magtatagumpay at babalik rin ang aliw-iw ng kanyang buhay.