'YAN ANG ATE KO! by DEL PILAR, Darla Sophia

Ano nga ba ang kahulugan ng isang lider? Maaring ito ay pagiging matalino, malakas, at maraming naiambag sa ating lipunan. Ngunit para sa akin, ang kahulugan ng isang lider ay simple lamang, ito ay ang pagkakaroon ng mabuting puso na handang tumulong sa maraming tao. Ang isang mabuting lider ay hindi tumatakbo sa kaniyang responsibilidad at taas noong hinaharap ito kahit na mahirap.

Ayan ang nakatatanda kong kapatid na si Dana. Bagama’t siya ay 21 taong gulang pa lamang ay napakarami niya nang ambag sa aming pamilya, at siya ay itinuturing kong isang mabuting lider. Siya ngayon ay nag-aaral ng kursong Narsing sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Siya rin ang taong pinaka nag-impluwensiya sa akin sa kung ano ako ngayon. Bata pa lamang kami ay siya na ang kasangga ko sa lahat ng bagay. Itinuturing ko siyang pangalawa kong ina sapagkat hanggang ngayon, ay siya pa rin ang nagtuturo sa akin sa maraming bagay. Hindi lamang sa edukasyon kung hindi pati na rin sa mga pananaw sa aking buhay. Siya rin ay isang responsableng mag-aaral at responsableng ate. Apat na buwan pa lamang ang nakalilipas ngunit hindi ko makakalimutan ang sakripisyo at paghihirap na naranasan ng aking ate. Nagkaroon ng COVID-19 ang aming bunsong kapatid at ang aming ama kung kaya’t nagpunta ng ospital ng aming ama dahil siya ay may diyabetis at malala rin ang kaniyang COVID. Dahil dito, kinailangang isakripisyo ng aking ate ang kaniyang kalusugan upang maalagaan ang aming bunsong kapatid. Pinagsabay niya ang kaniyang pag-aaral at ang pag-aalaga sa aking bunsong kapatid. Nakita ko ang paghihirap na kaniyang dinanas dahil kinailangan niyang tatagan ang kaniyang loob sa gitna ng mga nangyayari. Pagod na pagod siya hindi lamang pisikal kung hindi pati na rin ang kaniyang mental na kalusugan ay unti-unting nauubos. Ngunit sa kabila ng paghihirap na kaniyang dinanas, nanatili siyang matatag at hindi niya pinabayaan ang kaniyang pag-aaral.

At ang isa sa mga mabubuting ugali na mayroon ang ate ko ay ang pagiging hindi-makasarili. Hindi madamot na tao ang aking kapatid at lahat ay tinutulungan niya sa abot ng kaniyang makakaya, lalo na ang kaniyang mga kaibigan. Siya ay palaging handang iabot ang kaniyang kamay sa mga nangangailangan kahit na wala na siyang oras para sa kaniyang sarili. Bilib ako sa ate ko. Kaya naman nagpapasalamat hindi lamang sa aking mga magulang kung hind isa aking ate na pinalaki niya akong isang mabuting bata. Siya rin ay maituturing kong isang mabuting modelo na dapat tularan ng lahat.