Share Ko Lang by Juztin Gomez

Khimberly Aragon
Ang pinakanatutunan ko pong pagpapahalaga ay ang pagiging handa at pagkakaroon ng pag-asa. Ang pagiging handa ay makakatulong sa atin lalong lalo na kapag ibinahagi natin ito sa ating kapwa sapagkat sa pamamagitan nito ay nagkakaroon tayo ng kamalayan sa kahandaan at nagiging protektado tayo sa pagharap sa mga hazard na ito. Habang ang pagkakaroon naman ng pag-asa Ang nagiging daan upang patuloy Tayong lumaban at pagibayuhin ang kahandaan na ating ginagawa.

Remalla, Renamay C.
Ang pagpapahalagang natutunan ko ay ang pagkakaisa, pagtutulungan, pagmamahal sa bayan, pag-iisip na may pag-asa at pagkakaroon ng kamalayan sa kapiligiran. Puwede ko itong ibahagi sa iba dahil sa tulong mga pagpapahalagang ito, magiging handa, ligtas at madali nating malalagpasan ang iba't ibang mga hamong darating sa ating buhay. Kailangan itong isabuhay dahil mayroong iba't ibang klase ng hamon, puwede itong pansarili at puwede rin itong pangkalahatan. Kaya't sa tulong ng mga pagpapahalagang ito, malalagpasan natin ang kahit anong hamon sa ating buhay, makatutulong tayo at makapagbibigay serbisyo.

Apaitan, Ma. Chryzelle M.
Natutunan ko pong mas pahalagahan pa ang pagtutulungan o pagkaka-isa lalo na sa mga panahon ng pandemiya, dahil ang pagtutulungan ay makatutulong upang mas mapalawak pa ang mga ideya patungkol sa paggawa ng angkop na plano, at ito rin ang makatutulong upang maisagawa ang mga aksyon na nakapaloob sa plano. Mahalaga ring maibahagi ko ito sa iba dahil kapag naintindihan at naisapuso ito ng maraming tao mas madali tayong makakaahon nang sama-sama.

Fernandez Irish A.
Ang mga pagpapahalaga na aking natutunan ay una magkaroon ng kooperasyon at pagiging handa dahil dito naipapakita natin ang aksyon upang matugunan ang isang problema o isyu . Pangalawa upang maisagawa kailangan nating malaman ang pinagmulan ng isang bagay upang malaman natin kung anong mga epekto nito at anong klaseng tugon ang kailangan , pangatlo magkaroon ng pagtutulungan lalo na sa oras ng pangangailangan sapagkat tayo tayo lang din naman ang magtutulungan at itoy magsisilbing daan upang mapadali , mabawasan at maging effective ang ating mga ginagawa dahil itoy para rin sa ating kaligtasan. At lalong lalo na ang pagkakaroon ng pagmamahal sa at pag asa hindi lamang sa sarili , sa pamilya kundi pati narin sa ating bayan dahil dito maipapakita natin ang mga ibat ibang pananaw at prinsipyo ng bawat isa  na dahil dito tayo ay sama samang haharapin ang mga hamon na darating . Isa pang pagpapahalaga na aking natutunan ay matutong maging disiplinado at responsable sa mga isinasagawa dahil kung hindi natin ito matututunan walang silbi ang ating mga ginagawa.

Nadal, Annika Nicole B.
Natutunan ko po na kailangan muna nating alamin at suriin ang mga sanhi ng isang isyu bago kumilos. At ang natutunan ko pong pagpapahalaga ay pagkakaisa at pag gamit ng constructive approach dahil hindi po natin malulutas ang isyu na ating kinakaharap kung hindi tayo mag tutulungan at kung tayo ay hindi mag iisip ng mga magagandang bagay na maaari pong magpalakas sa atin upang bumangon at magpatuloy sa buhay.

Boac, Queennie Hyacinth Joey N.
Ang pagpapahalaga po na natutunan ko ay pagbibigay importansya sa mga impormasyon lalo na sa pangkasalukuyan na nangyayari sa atin ngayon tulad ng pandemya. Akin pong napagtanto na ang kahit maliliit na impormasyon ay malaki ang magiging bahagi sa pagiging gabay sa ating pagkilos dahil ito ang bubuo sa tiyak at maayos na plano na makakatulong sa atin. Natutunan ko rin po na bigyang halaga ang pagtutulungan at pagkakaisa sapagkat mas madali nating maisasagawa ang kilos kung mayroon tayong iisang tunguhin at nais na makamtan.

Anne Christine P. Layon
Ang akin pong natutunan na pagpapahalaga sa pag-aaral ng COVID-19 na pwede ko pong maibahagi sa iba ay ang pagpapahalaga ng kahandaan sa lahat ng oras, disiplina, kakayahang tumugon sa mga pagbabagong nangyayari at ang pagkakaroon po ng pag-asa. Dahil ang ating pagiging handa sa lahat ng oras pati na rin ang ating kapwa ay makatutulong upang tayo maging protektado at alam natin ang gagawin kung sakali mang dumating o maranasan natin ito. Ang pagkakaroon ng disiplina at kakayahang tumugon ay isa rin sa mga pagpapahalagang aking nais ibahagi sa aking kapwa dahil kung wala pong disiplina ang bawat isa ay magkakaroon pa po ng mas higit na problemang maari nating harapin at ang kakayahang tumugon sa mga pagbabagong nangyayari dahil dapat din pong mapagtanto ng ating kapwa na ang permanente lamang sa mundo ay ang pagbabago at dapat lamang na marunong tayong tumugon sa mga pagbabagong ito upang patuloy tayong umunlad. At ang huli ay ang pagkakaroon ng pag-asa dahil ang pagkakaroon ng pag-asa sa buhay at sa gitna ng pandemiya ay napakaimportante dahil ito lamang ang ating paraan upang patuloy na lumaban at magpatuloy sa buhay dahil hanggang may bukas ay mayroong pag-asa.

Ramos, Jeremy G.
Ang pagpapahalaga na aking natutunan ay ang pagiging disiplinado, pagkakaisa, at pagiging alerto sa mga bagay-bagay na pumapalibot sa atin. Ang pagiging disiplinado ay isa sa mga malaking problema na kinahaharap natin ngayon sapagkat sa simpleng protocol lamang ng pamahalaan na magsuot ng face mask tuwing lalabas ay hindi na nasusunod. Kung ang lahat lamang ay magiging disiplinado at magtutulungan, pati na ang pamahalaan, naniniwala ako na mabilis nating malalagpasan ang dagok na ito. Natutunan ko rin naman na maging alerto sapagkat natukoy ko sa mga nagdaang aralin kung ano ba ang mga bagay na maaaring pagmulan ng Covid-19 at kung paano tutugon dito.

Luna, Frances Lavigne A.
Marami akong pagpapahalaga na natutunan sa pag-aaral ng COVID-19 na maaari kong ibahagi sa iba. Isa lamang sa mga ito ang pagkakaroon ng interes sa pagtugon ng isyu. Karamihan sa mamamayan ay maalam pagdating sa isyu ngunit binabaliwala naman ang mga dapat gawin kaya paulit-ulit na lang ang nangyayari sa ating bansa. Sa tingin ko, ang pamamahagi ng mga epekto ng COVID-19 sa pamamagitan ng worst-case scenario ay makatutulong upang magising ang kanilang diwa. Mahalaga rin ang pagkaka-isa dahil hindi rin magiging epektibo ang lahat ng pagtugon kung walang pakialam ang iba. Mas maganda kung lahat tayo ay nakakapagbahagi ng mga impormasyon upang mas maging epektibo pa ang ating gagawin.

Lopez, Gabrielle Joyce Q.
Ang pagpapahalagang aking natutunan na pwede 'kong ibahagi sa iba ay ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa mga bagay na ating natatamasa sa ngayon, ang pagkakaroon ng pagasa, pagkakaroon ng malasakit sa ibang tao, ang pagiging makabayan, at ang pagbibigay halaga sa ating kapaligiran. Inisip 'ko na pwede itong ibahagi sa ibang tao dahil ito ang mga bagay na labis nating kinakailangan ngayon. Ito ang mga bagay na ating kinakalimutan na dapat nating muling buhayin para sa ikabubuti ng lahat ng tao na ating nakakasalimuha at nakakasama sa ating buhay. Hindi dapat nating ipasawalang-bahala ang mga bagay na ito dahil bukod sa ito'y pwede nating mapaunlad sa ating mga sarili ay pwede rin nating ibahagi ito sa iba upang makatulong sakanilang pagganap.

Joshua I. Bernardino
Ang natutunan kong pagpapahalaga ay ang pagkakaisa upang tayo magkaunawaan, magkaroon ng kapayapaan at tayo ay makapagbigay ng ibat ibang ideya o pananaw na makakatulong di lamang para sa atin para narin sa nakararami dahil kung walang pagkakaisa di magiging buo ang bansa at di buo ang ugnayan ng bawat isa kaya mahalaga ito upang tayong lahat ay magtagumpay at magkaroon ng magandang kinabukasan

Simon, Aaron John O
Ang pagpapahalaga na aking natutunan ay magkaroon ng plano at pagkakaisa sa panahon ng kalamidad. Dahil dito malalagpasan natin ang isang kalamidad ng walang kahirap-hirap. Katulad nalamang ng Covid-19, ang mga tao ay hindi nagkakaisa at walang disiplina, kaya lumalago ang mga kaso ng Covid-19. Dapat tayong sumunod sa  mga health protocols at mga patakaran upang maiwasan natin ang pagkakahawaan. Dapat nating pagplanuhan kung ano ang gagawin kapag lalabas ng bahay at obserbahan natin ang pagsosocial distancing. Siguraduhin din natin na alam natin kung ano ang gagawin kung may sintomas man tayo ng Covid-19 upang hindi na tayo makahawa sa ibang tao at lumago ang kaso ng mga nagkakaCovid-19 upang maging payapa at bumalik na sa normal ang ating mundo.

john francis babas
Ang pag papahalaga na aking natutunan na pwede kong ibahagi sa iba ay pagiging tapat, disiplinado sa lahat ng oras, pag kakaisa tungo sa kaayusan at pag mamahal nais ko itong maibahagi sa iba nang saganon mangibabaw sa kanilang mga puso ang kababaang loob na syang susi sa bagong buhay na kanilang imumulat at nang ma puspos ng kagandang loob ang bawat isa na syang mag hahatid tungo sa kaayusan ng bawat isa  at nais ko rin maidagdag ang  pag sasa ayos ng mga impormasyon dahil para sa akin magiging isang matibay ang impormasyon kung tayo ay may sapat na nakalap na ibidensya o patunay nakung saan mabibigyan ng lubos na pang unawa sa ibang tao.

Bagaoisan, Luis Miguel B.
Ang pagpapahalaga aking natutunan ay pagtingin/ pagiisip sa magiging epekto ng aksyon, dahil kung iyong maiisip na ito ay mabuti maari mo itong ulit ulitin at magkakaroon ka at iba ng benepisyo, samantala kung ito naman ay mag bubunga ng masama ay maagapan mo na ito bago pa ito mangyari. Ang kasunod naman ay pag iisip para sa kinabukasan, upang magawa mo sa panahon ngayon ang makakabuti para sa iyong kinabukasan at maiwasan mo naman ang maari makasama para sa iyong kinabukasan. Ang susunod naman ay pagkakaisa at pagiging disiplina, Dahil upang maisagawa ang mga plano/hakbang ay nangangailangan muna ng mga tutugon para sa plano kung ang tao ay watak-watak at di marunong sumunod ay mawawalan ng bisa ang plano at maari magpasama lalo ng pangyayari. At ang huli naman ay ang pananatiling positibo, dahil kung ikaw ay positibo ay hindi ka mawawalan ng pag-asang mamatapos din ang mga masalimuot at kung ikaw ay mananatiling positibo ikaw ay mawawalan ng mga agam-agam sa iyong isipan at mag makakapag-isip ka ng mas maayos at mas matiwasay.

Rei Steven D. Surmieda
Ang pagpapahalagang natutunan ko po ay ang pagtutulongan at pagkakaisa ng bawat tao upang makagawa ng angkop na solusyon, kailangan po natin magtulungan at magkaisa upang makapagbigay tayo ng ating mga ideya o opinyon at makabuo ng angkop na solusyon para sa nasabing isyu. Kailangan din po natin gumawa ng mga aksyon upang mas mapanatibay ang ating gagawing solusyon.

Aboubakar, Raya S.
Ang pagpapahalagang aking natutunan ay ang pagkakaroon ng pagkakaisa, pagmamalasakit sa kapwa, pagiging handa at resilient, at lalo na ang pagsusuri sa Covid-19, tulad ng pinagmulan at epekto nito sa lahat. Sa pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa Covid-19, matutulungang makagawa ng tama at angkop na kilos na tutugon sa isyung ito. Sa pagiging resilient, dapat na magkaroon ng pagkakaisa ang mga tao, dahil nabubuo rin dito ang pagmamalasakit sa kapwa. Lagi nating tatandaan na ang pangangailangan ay mas mahalaga kaysa sa kagustuhan. Kung may mataas man tayong kalagayan, huwag din tayo maging makampante sa ating kaligtasan dahil hindi natin malalaman kung kailan dadating ang kapahamakan, panganib o kamatayan na dulot ng Covid-19. Para sa akin, lahat tayo ay engaged na sa kamatayan, hindi lang natin alam kung kailan ang wedding kaya kailangang maging handa at sigurado sa lahat ng oras.

Shervan Nickolai Dabu
ang mga bahagi ng impormasyon na dapat ay tama at dapat na may sapat na tema at katotohanan bago gamitin ang impormasyon, dahil makakatulong ito sa kanila sa pamamagitan ng info gathering o kaya pag may gusto lamang sila na makuhang impormasyon, para masiguradong tama at may tiyak na ebidensya para rin maiwasan nila makuha ang false info.

Odita, Regina Allyson
Ang mga pagpapahalaga na aking natutunan mula sa mga nakaraang talakayan na maaari kong ibahagi sa iba ay hindi lamang pagbase sa sariling opinyon kundi pagbibigay din ng mga ebidensya na sumusuporta sa mga impormasyon na ibinabahagi natin sa ibang tao. Mahalaga ito lalo na ngayon sa panahon ng pandemya dahil nagiging daan din ito sa pagkakaroon natin ng constructive thinking dahil mas nasusuri at nalalaman natin kung ang mga impormasyon na ating nakakalap ay totoo, dahil din dito makapag-bibigay tayo ng mga tamang solusyon sa mga problemang kinahaharap natin ngayong pandemya. Akin din natutunan ang pagkakaroon ng disiplina, pagtutulungan, at kahandaan. Mahalaga ang pagkakaroon natin ng disiplina at pagkakaroon ng tulungan dahil mas nagiging epektibo ang mga solusyon natin sa mga problema  kung tayo ay may disiplina at pag-kakaisa.

Medina, Angelic Faith A.
Ang isa sa mga pagpapahalagang aking natutunan ay ang paglalaan ng oras na alamin at suriin ang mga impormasyon na nakapaloob sa mga isyung ating kinakaharap gaya nga ng Covid-19. Ito ay upang makatulong sa paggamit ng ating kritikal na pag-isiip upang magcome up ng angkop na mga plano para harapin ito at ibahagi rin sa iba nang malaman ang kanilang side ukol dito. Pangalawa, natutunan ko rin ang kahalagahan ng pakikiisa at pagiging collective natin sa pagharap sa mga isyu sa ating lipunan. Nagiging daan ito upang magawa nang tuluyan at successful ang ating napagdesisyunang mga pagkilos laban sa mga isyu na ito. Panghuli ay ang pagsisimula sa maliliit na grupo sa isang lipunan upang magbahagi ng mga reliable na impormasyon ay malaking tulong na sa pagsasagawa ng aksyon laban sa mga isyu. Dito makakakalap tayo ng mas maraming taong sasapi sa atin upang isagawa ang mga layunin at solusyon na ating nabuo ukol sa isyu.

Perez, Jannicka N.
Ang pagpapahalaga na aking natutunan sa mga aralin na tinalakay na tumatak sa aking isipan ay ang pagbibigay pansin sa mga kahalagahan po ng pag-aaral tungkol po sa mga bagay o isyu na nangyayari po sa ating panahon katulad na lamang po ng pandemya na ating kinakaharap. Nais ko pong ibahagi na napakahalaga pong maging mulat ang ating isipan at magkaroon po ng isang responsableng tugon sa isang problemang kinakaharap ng ating bansa. Natutunan ko rin po na nararapat lamang isabuhay ang pagkakaisa, pagtutulungan at pagkakaroon ng isang malawakang pagkilos lalo na po ngayong panahon ng pandemya sapagkat kung walang pagkilos na gagawin mahihirapan po tayong maisakatuparan ang mga tugon na ito. Isa na po rito ang pagiging handa sa ating mga bagay na mararanasan, ang mga pagsuri po sa mga sanhi at epekto nito at ang paggawa po ng angkop na plano upang makatulong po tayong maibsan ang mga ito. At higit sa lahat, simulan po ang disiplina sa sarili at sa pamilya upang sa gayon ay maibahagi rin po natin ito sa ibang tao na mayroong tunguhin na mapabuti ang kanilang kaligtasan ngayong panahon ng pandemya na mayroong pagmamalasakit po sa bawat isa.

Ken Cedrick Villaluz
Ang mga pagpapahalagang aking natutunan sa pag-aaral ng COVID-19 ay ang pagkakaroon ng disiplina, displinang palaging sumusunod sa mga protocols na ibinahagi ng pamahalaan katulad ng pagsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay pati na rin ang pag sosocial distancing, ito ang ilan sa mga kailangan nating gawin upang masugpo ang Covid 19. Ang pagiging Concerned citizen dapat ay may kakayahang maging handa sa lahat ng pagsubok na maaring mangyari. Ang pangalawang aking natutunan ay manatiling positibo sa lahat ng bagay at pagkakaroon ng pagkakaisa in terms of helping each other as one po at kung ito ay ating maisasagawa mas mabilis nating matugunan ang isang problemang ating kinakaharap.

Ralph Fredric L. Panta
Ang mga bagay po na aking natutunan at ang pagpapahalaga nito ay ang pagiging responsableng mag aaral, pagkakaroon ng mga ideya sa kung paano tayo magkakaroon ng maayos at epektibong hakbang laban sa Covid 19, paggawa ng plano at higit sa lahat ang pagkakaroon ng matibay na impormasyon upang makapag pahayag sa ibang tao ng ating kaalaman. Labis na mahalaga ang pagtutulungan, pagkakaisa, at pamamahagi sa kapwa upang mapanatili natin ang kaligtasan at magkaroon tayo ng pag asa dahil sa nararanasan natin ngayon na patuloy parin na lumalaganap ang sakit o ang Covid 19. Dagdag pa rito, nakagagawa tayo ng mabilisang aksyon o kilos upang matugunan ang patuloy nitong pag kalat sa pamamagitan ng pagtalakay o pagtukoy sa pinagmulan ng mga problema o kasalukuyang isyu. Lagi nating tatandaan na kung naitatatak natin sa ating isipan ang mga solusyon at naisasapuso natin ito upang mabawasan ang pagkalat nito mas mapapadali natin ang pagbawas sa kaso o pagbawas sa mga naaapektuhan ng Covid dahil sa pamamagitan din nito ay nagkakaroon tayo ng maaaring tumulong sa atin dahil naimpluwensiyahan natin sila sa mabuting paraan at upang mas marami pang tumulad o gumaya dahil unti unti nating nakakamit ang pag asa at solusyon upang maibalik sa normal ang dating masaya at maluwag na sistema ng mundo sa maayos na paraan at magandang pagbabago ang nakaabang sa pagtatapos ng Covid 19.

Christopher john P. Moraleta
Ang natutunan kong pagpapahalaga ay ang pagiging madisiplina at pagkakaisa sapagkat mahalaga ito upang umunlad ang isang bansa kabalikat ito ng pagkakaisa dahil kung mayroong disiplina at pagkakaisa ang isang bansa magkakaroon tayo ng tahimik at maayos na bansa na nagkakaunawaan para makapagbigay ng mga pananaw upang malutas ang mga suliraning kahaharapin.

Articona, Shannen Faith N.
Ang mga pagpapahalagang aking natutunan na maaari kong ibahagi sa iba ay ang pagkakaroon ng malasakit sa mga pangyayari, ang pagkakaroon ng pag-asa, at ang pagkakaisa. Una, ang pagkakaroon ng malasakit sa mga pangyayari. Wala tayong magagawang aksyon o solusyon upang matugunan ang isang hamon kung wala tayong malasakit dito. Pangalawa, ang pagkakaroon ng pag-asa. Aminin natin na sa panahong nawalan tayo ng pag-asa, hindi ba ay parang katapusan na ng lahat? Naiisip na walang solusyon para dito, nagiging close-minded tayo kaya parang wala na tayong pag-asa. Ngunit, kung tayo ay may pag-asa, gaano man kahirap ang isang hamong ating kinakaharap ay parang wala lang ito kundi isang hamon na magiging daan upang matuto tayo at mas lumakas. At ang huli ay ang pagkakaisa. Tunay na mahalaga ang pagkakaisa ng mga tao. Ika nga, "No man is an island" walang taong kayang mabuhay na siya lamang. Ang halimbawa nito ay yung pagkakaisa ng mga tao para sa isang organisasyong makatutulong sa ating kapwa. Kung wala silang pagkakaisa hindi nila ito magagawan ng maayos na pagtugon. At isa pang halimbawa nito ay yung nangyayari sa kasalukuyan. Nahihirapan ang mga frontliners dahil sa hindi pakikiisa ng mga taong sumusuway sa ipinatupad na Health protocols and guidelines. Pero kung lahat tayo ay susunod at makikiisa, mapapadali ang pagpuksa sa COVID-19.

Comon, Warren James T.
Natutunan ko pong pag butihin ang aking pag iisip ukol sa pag gawa ng plano laban sa mga sakunang kinakaharap, isa na rito ang pag papahalaga ng pag tutulungan, dahil ang pag tutulungan ang nag papadali sa mga gawain na kung saan ang bawat isa ay hindi maka sarili, at ang panghule ay ang pag kakaroon ng disiplina, ang pagiging disiplina ay isa sa mga importanteng bagay na kung saan sinusunood o ginagawa ang dapat gawin na kung saan na makakatulong din sa iba.

Tubi, Rhesa Nicole G.
Ang pagpapahalaga na akin pong natutunan ay ang pagkakaisa, pagiging handa, pagbibigay pansin sa paligid at pagiging responsable sa nararanasang pandemya ngayon na tinatawag na covid-19. Ito po ang aking pwedeng ibahagi sa iba sapagkat ang mga pagpapahalaga na ito ay mahalaga po sa panahon ngayon upang tayo ay maging ligtas at upang mabawasan ang epekto ng covid sa atin. Mas mabilis o madali po nating malaman ang mga solusyon na maaaring gawin kung tayo po ay nagtutulungan at nagkakaisa. Ang pagiging handa po sa lahat ng oras ay nagsisilbing proteksyon natin upang tayo ay hindi maapektuhan ng nasabing virus at upang madali pong matugunan ang mga pagkukulang na sa tingin po natin ay dapat punan talaga ng aksyon. Dahil sa pagiging resbonsable at pagbibigay pansin sa ating paligid ay mas malalaman po natin o makakagawa po tayo ang angkop na plano at tamang pagtugon sa pandemyang nararanasan. Ang lahat ng pagpapahalagang ito ay mahalagang isabuhay dahil kung po ito ay ating binalewala lamang ay hindi natin malulutasan ang problemang kinakaharap. Kung atin man po itong isasabuhay ay tiyak na magkakaroon ng kapayapaan sa ating bansa at ang hamon na ating nararanasan ay mawakasan na. Matagal man o hindi man po ngayon ngunit huwag tayo po mawalan ng pag-asa at magpatuloy lang sa buhay at isipin lagi ang kaligtasan.

Oliva, Riemma L.
Ang pagpapahalagang aking natutunan na pwede kong ibahagi sa iba ay ang pagtutulungan o pagkaka-isa lalo na sa mga panahon ng pandemiya at pagkakaroon ng pagpapahalaga sa mga bagay na ating natatamasa sa ngayon gayon din ang pagkakaroon ng pagasa, pagkakaroon ng malasakit sa ibang tao at ang pagbibigay halaga sa ating kapaligiran. Ito ang mga bagay na ating nakalimutan na dapat nating muling ibalik at isama sa ating Araw Araw na pamumuhay para na rin sa ikabubuti ng lahat ng tao na ating nakakasalimuha at nakakasama.

Sapagkat ang mga ito ay mas mapapalawak ang mga ideya patungkol sa paggawa ng angkop na plano, at ito rin ang makatutulong upang maisagawa ang mga aksyon na nakapaloob sa plano. Mahalaga ding maibahagi ko ito sa iba sapagkat kapag naintindihan at naisapuso ito ng maraming tao ay mas madali tayong makakaahon nang sama-sama. Hindi dapat nating ipagsawalang-bahala ang mga bagay na ito dahil bukod sa ito'y pwedeng magpaunlad sa ating mga sarili ay pwede rin nating ibahagi ito sa iba upang makatulong sakanilang pagganap.

Lentic, James Brian L.
Ang natutunan ko po na maari ko pong maibahagi sa iba na aking natutunan ko pong pagpapahalaga ay magkaroon po tayo ng pagtututlungan at pagkakaisa sa paraan po ng pagkakaroon ng disiplina sa ating mga sarili, pagsunod at pakiinig sa mga patakaraan, paggawa ng aksyon na makakatulong upang mabawasan ang mga nagkakavirus at sa pag-aaral po namin tungkol po sa covid-19 ay ang pagkakaroon po ng plano at pagbabahagi ng impormasyon tungkol po sa covid-19 mga impormasyon na maykinalaman po sa mga dapat at di dapat at mga kakulangan ng mga barangay o mga city sa mga facilities kagaya po ng mga testing facilities, quarantine facilities, at mga sanitazion facilities at isa narin po dito ang kakulangan sa pamamahagi ng tulong sa mga nangangailangan at sa mga naapektuhan ng pandemya kagaya po ng mga trabaho o mga kumpanya na nagsara at mga naging epekto rin po nito sa ating ekonomiya . Makakatulong po itong mga natutunan ko po sa ating lahat upang magkarron po tayo ng kaalaman kung ano po ang mga nararapat na aksyon na maari o kailangan nating gawin upang maibsan po natin ang mga pangangailangan natin upang maprotektahan natin ang ating sarili at isat-isa at sa paraan rin pong ito ay maari po tayong makagawa ng pagbabago upang malagpasan po natin ang pandemya po na kinakaharap po natin ngayon at naniniwala rin po ako sa sinasabi nila na actions speaks louder than words na sinasabi po nito na kailangan po natin gumawa ng aksyon upang magkaroon po ng pagbabago hindi lang po puro salita at puro post sa social media.

Aguilar, Dianne Krissel D.
Ang mga pagpapahalaga na aking natutunan ay ang kahalagahan ng pagiging disiplinado at responsable sa bawat aksiyon na isinasagawa. Ito ay malaking bagay kung maibabahagi ko sa iba upang matulungan silang maging mulat sila sa katotohanan at maging maingat  sa pagsasagawa ng kung ano-anong aksiyon. Isang halimbawa ay ang pagtatapon ng basura sa kung saan-saan. Ang pagsasagawa nito ay maaring makapagpabara sa mga kanal at iba pang daluyan ng tubig. Dahil dito, binaha ang inyong lugar. Ibig sabihin, napatunayan na ang bawat irresponsableng aksiyon na ating ginagawa ay may masamang epekto sa kapaligiran o sa kung anumang bagay. Maliban pa rito'y akin ding natutunan ang mga kahalagahan ng pagiging handa at pagkakaroon ng kaalaman ukol sa COVID-19 na maaaring maging daan upang maging ligtas tayong mga mamamayan. Ang mga kaalaman na ito ay importanteng maibahagi sa iba upang sila ay maging isang informed citizen tulad ko na tiyak na makatutulong sa pagtutulungan, pagkakaisa, at pagbibigay ng kaalaman o suhestiyon upang mas mapabuti ang kalagayan ng lahat. Panghuli, ang pagiging handa ay may malaki ring maitutulong pagdating sa kaligtasan ng lahat. Sabi nga nila "Prevention is better than cure.", ang pagiging handa, kung atin lamang napagplanuhan, ang COVID-19 na kasalukuyang hinaharap nating suliranin, ay hindi na sana nag umpisa pa.

Sumugat, Rayyan Rafi
Ang pagpapahalaga na aking Ang pagpapahalaga na aking natutunan ay ang pagkakaroon ng pagkakaisa at ang pagtutulungan. Kapag mayroon tayo nito, mapaghandaan natin ang kalimidad na katulad ng Covid-19. Dito lang natin malalabanan o malalagpasan ang kalimidad dahil tayo ay nag tutulungan at nagkakaisa upang magkaroon tayo ng kapayapaan. Kapag wala tayo nito, mahihirapan tayo kalabanin ang kalamidad o kaya mas lumala pa ito.

Antonio Miguel M. Eusebio
Ang natutunan ko ay ang pagiging disiplinado at ang aking natutunan ay pwede kong ibahagi sa iba kahit hindi pa ganon kadami ang aking nalalaman dahil kung tayo ay merong disiplina magkakaroon tayo ng maayos at tahimik na pamumuhay at ang pagkakaisa dapat tayo ay may pagkakaisa para sa desisyon natin sa ating hinaharap at dapat meron tayong disiplina ngayon dahil may kumakalat na virus kailangan natin ito para sa hindi na gaano kumalat ang virus sa ating bansa at para maibalik na natin ang dati nating nakasanayang pamumuhay

Calimlim, John Jercie M.
Ang mga natutunan ko na pagpapahalaga ay ang pagiging matalino, pagpili ng tamang gawain, at pagkakaisa. Sa pandemya ngayon kailangan nating maging matalino subalit dito nakasalalay ang ating kaligtasan o ang buhay natin mismo. Pagpili ng tamang desisyon dahil dito nakabase ang magiging hinaharap katulad ng pagsuot ng facemask kapag lalabas dahil maaari tayong mahawaaan nito sa mabilis na panahon at maaari ka pang makahawa ng iba kung hindi ka magiging maingat. Higit sa lahat ang pagkakaisa na isa sa pinakaimportante na ating kailangan gawin sapagkat mas mabilis nating masosolusyonan ang ating mga problema lalo na ang ating hinaharap na pandemya na tumagal ng mahigit dalawang taon.

Gabrielle Lozano
Ang pag papahalaga na maaari kong ibahagi sa iba ay ang pagpapahalaga sa disiplina sa sarili at pagkakaroon ng pagkakaisa dahil ang dalawang to ay maaaring maging dahilan ng pag unlad ng lipunan. Lalo na ngayon na may pandemya kinakailangan natin ng pagkakaisa at disiplina sa sarili upang mas mapabilis ang quarantine na nangyayare sa atin ngayon at bumalik na tayo sa normal na proseso ng pag aaral. Kung maibabahagi ko ito sa iba ay maaaring mas mapabilis ang pagtapos nitong pandemya na nangyayari sa atin at kung sakaling may mga problema ulit tayo na haharapin ay hindi na tayo ganoong mahihirapan dahil tayo ay may disiplina at may pagkakaisa.