KUEntong Misteryo: Warrior Sindak Stories by MARKJOSHUA RAFOL

Cute ko
nung nakita ko si crush kinilabutan ako

Sa tuwing sasapit ang ala-sais ng gabi sa TYK 9th Floor, may maririnig kang ingay pagkalabas na pagkalabas mo sa elevator, tila isang boses ng babaeng sumisigaw at nanghihingi ng hustisya...

Hustisya kung bakit siya tres sa kanyang plate.

The Abandoned Hospital
You know yung kwento na yung school is dating sementeryo or dating ospital ganun, apparently it's true. Pag nag elem/hs ka sa ue, alam mo yung story na may sinapian na mga estudyante dahil may pumasok raw sa PNR - isang abandonadong ospital (kung nasaan STI ngayon). Maraming sabi-sabi tungkol sa PNR, may umiiyak pag gabi, may mga naiwang bangkay sa morge, at minsan may nakasilip sa isa sa mga bintana na batang babae (kita kasi yung loob from TYK).

Pagktapos ng "possession" thingies, may pari na pumunta sa bawat classroom at sinabihan kami ng principal na wag mag sstay sa classrooms mag isa.

My classmates played ouija board after lol kids

Uwian ng 9pm non tas nakapatay na ilaw sa 4th flr then may kukunin kami sa locker. Tas pagakyat namin may bumukas at nagsara ng locker tas may anino namang parang sasalubong samen. Then nong nagkalapit na, yung sinaing nilabhan tas pinagdrive yung kambing ng susi ng motor

Chicago st. Dormitory
Noong college nakatira ako sa dorm sa may Chicago st. sa UE Subdivision. Di ko na sasabihin exact address pero siguro maraming familiar sa inyo doon. Dahil ako yung may pinaka-malapit na inuuwian sa mga group or UAPSA works, doon madalas na gawaan ng mga kaklase ko.

One time, may dalawang kaklase ako na nakakakita ng multo na pumunta sa unit ko. Sabi nung isa, "May bata sa hagdanan niyo."

Akala ko nagbibiro lang siya kaso nagsalita rin yung isa sabi niya,"Parang hindi bata, kasi mukha siyang matanda. Parang maliit siya na matanda."

Hanggang ngayon tumataas yung balahibo ko kapag naaalala ko yon kasi hindi sila yung huling nagsabi sa akin non. Halos kada may gawaan kami ng plate o ganap sa UAPSA laging may isa o dalawa rin na nagsasabi sa akin na may tao daw sa hagdanan.

Yabag
Isa akong masipag na mag aaral nung highschool, si mommy and daddy ay laging nasa work ganun din ang mga Kapatid ko kaya naman ako lang Ang naiiwang tao lagi sa bahay. Isang araw di ko alam na Wala palang tao sa bahay pero may yabag akong naririnig sa taas ng bahay namin tumawag ako sabi ko "mommy nandito na po ako" naging tahimik ang paligid at hinintay ko baka may sasagot pero Wala, lumakas pa yung yabag ng paa sa taas namin kaya napag desisyonan ko na umakyat na lang at nagulat ako sa nakita ko........ Maraming taong duguan mga sundalong hindi pa matatahimik. May kwento kasi sa bahay namin na Isa daw tong sinaunang bahay na pinag lalagian ng mga sundalo at mga aliping babae, mga babaeng ginahasa at hindi nakatamasa ng hustisya. Bata palang ako alam kona sa sarili ko na nakikita ko sila pero binabalewala ko lang pero nung Oras na yun humawak Ang Isa sakin at ako'y tumakbo na dun na nag tatapos kung anong yabag.

Sa ilam, nakatingin.
Nung highschool ako, sa building na gawa sa kahoy (yung triangle na hagdan—isa pababa ng parking lot, isa pababa ng harap ng gazebo) kami nag ppractice ng sayaw sa PE.

Kung nakapasok ka na dun, alam mo na after mo madaanan ang hallway, may kwarto na tila mas malaki ang espasyo. bubungad agad sayo ang maliit na hagdan pababa. Ang abiso ko lang sayo, diretso lang ang tingin. Marami kasi sila dun.

Hindi ako nananakot pero may isa sa ilalim ng lamesa, matandang lalaki na nakahiga patagilid sa lapag.

Sa cabinet, sa kanan malapit sa bintana ay babae na nakatitig na tila gusto ka niyang isama sa direksyon niya.

Sa kaliwa kung nasan ang lumang mga kahon, ay batang nag tatago.

Kung balak mo mag stay duon at hinayaan na kainin ka ng katahimikan—May mananakot sayo. May upuan na gagalaw, may radyo na tutugtog bigla, may boses na maririnig.

Yung mga sinabi nilalang, sila ang nananakot. Umalis ka raw.

Nag tatago rin kasi sila,

Mula sa kung ano man ang nasa ilalim ng maliit na hagdan.

Joyride
Isa ako sa mag-aaral na hindi nagcocommute, nagmomotor ako papasok ng UE. Sa araw-araw na biyahe ko, lagi ko napapansin ang babaeng estudyante na naka -uniform ng UE na laging nag-aabang nang masasakyan. Sumunod na araw nakita ko naman ang babaeng estudyante sa bandang balintawak na nag-aabang nang masasakyan, kaya't napagpasyahan ko na alukin siya na sumabay nalang sakin papasok ng UE tutal may dala naman akong extra helmet. Habang binabaybay ang EDSA, kinakausap ko si ate ngunit hindi siya sumasagot, hinayaan ko nalang at naisip na baka hindi niya ako marinig sa kadahilanan na may suot siya na helmet. Pagpasok ko sa entrance ng UE, nagtaka ako bakit ako lang sinabihan ni kuya guard ng "good morning sir!", pagtingin ko sa side mirror, wala na pala si ateng angkas ko. Grabe yung kaba na nararamdaman ko sa mga oras na yun. Inisip ko nalang na baka bumaba na siya habang kami ay naipit sa traffic at hindi ko lang napansin.

Sumunod na araw, nakita ko na naman siya na nag-aabang nang masasakyan at inalok ko ulit siya na sumabay nalang. Habang bumabyahe kami, tinanong ko siya kung bakit siya biglang nawala. Ngunit hindi na naman siya sumagot. Nag-ooverthink na ako at may konting pagkatakot. Tatlong beses ko siya na isabay papuntang UE. Paulit ulit ganon ang eksenan namin. Isasabay ko siya at pagdating sa UE hindi ko na pala siya angkas.

Sa ika-apat na pagkakataon na naisabay ko na naman siya. Hindi ko na kinausap dahil akala ko di niya ako naririnig. Paglagpas namin sa Monumento Circle, tinignan ko siya sa side mirror at nakaramdam ako nang takot (as in sobrang takot) dahil nakita ko ang mukha niya na puro dugo at sugatan. Napagtanto ko na baka si ateng estudyante ay isang kaluluwa na humihingi ng hustisya. At sa mga oras na iyon, bigla niya akong kinalabit nang malalamig niyang daliri at tumayo ang mga balahibo ko sa takot. Unang beses ko siya narinig magsalita at bumulong sakin na "kuya dahan dahan-dahan ka naman sa pagmamaneho, ika-apat na beses mo na ako nahulog".