TUKTOK by Aliyah Kyle A. Abeleda

PABALAT (WALLPAPER)
Oh! Kim Seon Ho, napili ko ang pabalat na ito dahil bukod sa aking mga magulang at pangarap siya ang isa sa mga motibasyon ko. Dahil sa kagandahan ng kanyang biswal, siya ang nagbibigay sigla sa akin upang gumawa ng mga aktibidad. Likas sa pagsusulat ang paggamit ng isip, damdamin, at emosyon kaya naman mga litrato ng aking mahal na Kim Seon Ho, ay nagpapakita ng iba’t ibang anyo at emosyon. Kagaya ng mga pinapakita niyang itsura sa kanyang mga litrato gagawin ko ang bawat bahagi at nilalaman ng aking portfolio ng may damdamin o emosyon upang mas makakatulong at maintindihan ng nagbabasa ang nais kong iparating at mas mararamdaman din ng nagbabasa kung ano ba talaga ang nangyayari at nararamdaman ko sa bawat Gawain. Nais ko rin ang portfolio na ito ay maging kasing ganda ng kanyang biswal.

Philippine General Hospital, Taft Avenue, Ermita, Manila, Metro Manila
12 STEM 8
Abeleda, Aliyah Kyle A.

INTRODUKSYON

Ano ang Lugar na iyong napuntahan? Magbigay ng maikling introduksyon.
Halos lahat ng aking nakikita at nababasa ay lugar na may magagandang  tanawin at dagat. Bakit, Philippine General Hospital pa ang aking piniling lugar? Ang lugar na ito ay matatagpuan sa Ermita, Metro Manila. Kilala ito sa katawagan PGH, ito ay lugar kung saan binuksan noong 1907 na may pangunahing layuning matugunan at maglingkod sa nakararaming mahihirap na nangangailangan sa abot-kayang serbisyong pangkalusugan.

KATAWAN
Ano-ano ang iyong natuklasan?
Sa pagpasok ko sa malaking hospital na ito iba't bang tao ang nakita kong may karamdaman na dinadala, mga sakit at hirap sa kanilang pangangatawan, at ang malala pa rito ay isa ako sakanila. Bukol, sakit sa ulo at pagtatangkang mag-suka. Hindi ko kinakaya ang aking dinaramdam, ingay ng paligid, mga taong nanghihingi ng tulong sa mga doctor ay aking naririnig. Ilang minuto lang ay naglaho at nandilim ang lahat, sa pagdilat ng aking mga mata liwanag aking nakita at nasilayang ako'y nasa operating room na. Sa paglipas ng maraming oras sa loob ng silid ako ay nakalabas, maraming salamat dahil natuklasan ko na ang hospital na ito ay maraming kinakailangan na taong pagalingin at tulungan. Mga lungkot at luha na makikita mo sakanilang mga mukha ay napalitan ng saya't galak na kasing-ganda ng iba't ibang tanawin. Natuklasan ko na hindi lamang sa dagat o pasyalan mo makikita ang tunay at kaakit-akit na tanawin, maari ko rin pala ito makita sa loob ng Hospital. Mga pamilyang umaalalay at naga-aalaga sa kanilang mahal, mga doktor at nars na nagtu-tulungan ay napakagandang pagmasdan. Sa pananatili ko sa loob ng aking silid, ito ay hospital at hindi maiiwasan ang pagkamatay ng mga mahal sa buhay. Ako ay maswerte dahil binigyan ako ng pangalawang buhay upang masundan ko pa at masilayan ang maraming kabigha-bighaning tanawin sa loob man o labas ng hospital.

WAKAS
Paano ito nakaapekto sa iyong sarili?
Sa aking paglalakbay sa hospital binigyan ako nito ng malaking epekto sa sarili. Mga tanawin na nasilayan sa loob ng hospital ang siyang humubog sa kung ano ang gusto kong marating. Pagma-mahal, pagtu-tulungan at Pag-aaruga ng mga tao sa isa’t-isa ang dahilang kung bakit namulat ang aking mga mata sa reyalidad. Napagtantong iba ang pakiramdam na mapagmasdan ang kaligayahan ng mga taong nagma-malasakitan. Mga taong binigyan ng panibagong pag-asa mabuhay isa ako sakanila, mga taong itinigil ng Diyos sa paghihirap na dinaraing ay may dahilan, at napagtanto  na ang buhay ay napaka-ikli lamang at gamitin natin ito upang ipakita sa iba na ang buhay at mundo ay maganda sa pamamagitan ng Diyos na may Likha. Sa aking patuloy na paglalakbay sa buhay ako’y magiging isang Doktor isasapuso ang tungkulin na magampanan at masuklian ang pagmamalasakit na ibinigay sa akin. Laging isasaisip na walang kapantay na kaligayahan ang mabibigay at matatamo mo sa pagtulong sa ibang tao. Sa aking mga susuunod na paglalakbay inaasahan ko na ang aking sarili ay maka-tagpo pa ng mga ganitong uri ng lugar at masilayan pa ang iba’t iba magagandang tanawin.

BAHAGI
Napakagandang pagmasdan ang mga halaman na nagkakaroon ng malalaki at magagandang mga bulaklak na kulay dilaw ang mga talulot, at kayumanggi ang gitnang bilog na bahagi ang pangalan ay Sunflower o sa tagalog ay Mirasol.Sa simula lahat tayo ay isang binhi o buto na itinanim sa lupa. Kagaya ng pag-alaga at pag-aruga sa akin ng aking lola upang maging ganap at maayos akong nilalang ngayon, lilipas ang panahon tutubo’t uusbong tayo. Ang katawan ng mirasol na ito sumisimbilo sa aking katatagan sa mga pinagdadaanan sa buhay. Ang bilog na kayumanggi at nasa gitnang bahagi ay ang mga masasayang alalaala, at daan sa aking tagumpay. Ang mga talulot na kulay dilaw ay ang magiging bunga at kinalabasan ng aking mga pagsisikap at paghihirap upang matupad aking minimithing pangarap.

"PAGKAMIT SA AKING MITHIIN"
Mama, nanay, ima at lola yan ang tawag ko sakanya. Ang lola ko ang nag-abala at pumuno sa aking buhay ng pagmamahal simula noong bata pa, dahil ang aking mga magulang ay abala sa paghahanap-buhay. Mas malaki pa wika nga sa Philippine Arena ang kandungan niya, at kapag ako’y kinandong niya, alam kong ligtas at walang mangyayaring masama sa akin. Simula ng aking pagkabata walang sawang kalinga, suporta at aruga ang ipinadadama. Walang katumbas na kahit anong bagay ang maipapalit sa mga ngiti na aking suot-suot kapag kasama ko ang aking lola. Sa lola ko natutuhan ang pinakamahahalagang bagay tungkol sa aking sarili​—na ako’y minamahal at sa gayo’y karapat-dapat mahalin. Kaya naman ako’y malaki na at sa pamamagitan ng pagtupad ng aking mga pangarap lahat ng mga bagay na ginawa niya sa akin, ay karapat dapat lamang na aking tugunan at suklian.

PARAAN
Ang buhay sa pagkamit ng ating pangarap ay parang isang hampas ng alon sa dagat. Minsan ay tahimik at kay sarap sa pakirambdam na parang ang mga problema ay nawala kailanman. Minsan naman ay napakalakas hindi ka makaahon at tayo’y naka antabay pa kung may kasamang bagyo, ulan at malakas na hangin. Alon sa kanan alon sa kaliwa, minsan ay sabay-sabay pang dumadating. Ang iba ay nakikipaglaro sa alon ang iba naman ay nilalayuan. Bilang isang tao na may minimithing pangarap haharapin ko ang mga alon ko sa buhay. Hindi ko malalaman kung gano ako katibay at hindi ko rin malalaman nakaya ko pala kung hindi ko susubukan. Dapat kong harapin ang mga alon na ito gaano man kalakas, kabagsik at katagal lalabanan ko at hindi susukuan. Sa bandang huli, matatapos din ang mga alon sa pagtupad ng aking mga pangarap. Ang mga alon na ito ay minsan kinakailangan sa buhay upang lalo akong tumapang dahil alam kong Diyos ang aking kaagapay. Sa napakagandang dagat kung saan humahampas ang mga alon, ako ay magtatampisaw at kung kinakailangan ay lalanguyin makamit lang aking minimithing pangarap.

PANGARAP
Lahat tayo ay may pangarap na minimithi, alam din natin na hindi madali ang pag-abot nito. May mga bahagi, paraan at problema ay matutuklasan, ngunit kung tayo ay pursigido na maabot ito lahat ay ating gagawin para magtagumpay. Hindi lahat sa atin ay natutupad ang mga pangarap pero sipag at tiyaga ang kailangan upang maisakatuparan ang minimithi. Ang pangarap ang nagsilbeng gabay sa akin upang magsikap. Isa ito sa aking mga inspirasyon upang magpatuloy sa kabiguan. Walang hadlang sa taong malawak ang kaisipan at sa mga taong may responsibilidad sa kanyang mga ginagawa. Ako ay magsusumikap, at naniniwalang hindi malayong masungkit ko balang araw ang aking minimithing pangarap. Alam kong ang bawat segundo at minuto katumbas ay ginto, hindi sasayangin ang mga oras at panahon sa mga bagay na wala namang patutunguhan. Kung kayang gawin ng iba, alam kong kaya ko rin. Hindi ko makakamit ang tunay na tagumpay kung nakaupo lang at nakatungangang naghihintay. Huling pahina, ito na ang aking pangarap. Unipormeng kulay puti, istetoskop na nakasabit sa akin at sa bandang kaliwa Dra. Aliyah Kyle A. Abeleda aking pagkakilanlan.

IKATLONG PANGKAT
Tagapanguna: John Keith Mercado
Katuwang: Sam Ortencio
Miyembro:
• Aldrin Supnet
• Aaliyah Abeleda
• Czaira Soriano
• Dara Rubio
• Gwyneth Ong
• Hyacinth Ancheta
• Jiro Macatangay
• Johanna Pabroa
• Mourreen Angeles
• Norsaid Abang
• Rhica Escarlan
• Roian Peregrino
• Roland Adrian
• Mikhaela Ang
• Halaena Kate Esteban

AGENDA AT KATITIKAN
https://docs.google.com/document/d/1tGr4llhh2BgqfPVma3id77L-42Wv__f6FvaTHc4-bXU/edit?fbclid=IwAR3tpHYyUpSGnA5lOnGSHC7tY0J-bpSUXS8HCxraKmqEyBDYjFUBv9K3XT4

PANUKALANG PROYEKTO
https://docs.google.com/document/d/11h_ul-MgrFq8C91_8evvE6cwN8MDIozH6yo2I434KAk/edit?fbclid=IwAR0erG0D-DcUoi3iVN9KwjCGEupB_K4AyhZawwDSrpoiN5gVKyYE9-ARSn0

PROBLEMA
Sa isang iglap ang bansa'y nahimlay, walang tao sa lansangan na iyong masisilayan. Ipinamalita sa buong bansa, na di muna maaring lumabas ng tahanan, kaliwa't kanan ang harang at barikada sa daaanan. Mga karatulang nagbababala na manatili sa tahanan. Ang Pag usbong ng Pandemya  ay nagdulot ng pagkamatay ng ekonomiya ng bansa. Ito na marahil ang pinaka malaking balakid na aking nasaksihan upang matupad at makamit ang minimithi kong pangarap. Gayon pa man nasa gitna man tayo ng pandemya ay buo ang aking paniniwala at pag-asa na makakamit ko ang aking pangarap.Ang pandemyang ito ay sumusubok lamang sa atin, sa akin, Hindi ito permanente  bagkos panandalian lamang kaya hindi ako nawawalan ng pag-asa na hindi ko makamit ang aking pinapangarap sa buhay. Gagamitin ko itong hamon na ito upang maging matibay sa mga susunod na hakbangin sa pagkamit ng aking mithiin.

PAMAGATING PAHINA
PATUNGO SA TUKTOK: Aaminin ko ako ay naging tamad na studyante simula nang online class, halos araw-araw ako naghahanap ng aking motibasyon upang magpatuloy sa paggawa ng mga aktibidad na ibinibigay ng bawat subject. Ito ang napili kong pamagat sa kadahilanang gusto ko na kada bukas ko ng aking portfolio may mababasa akong ganito at may paalala na ito ay isang daan lamang at dapat akong gumawa, magsikap, magtiyaga upang makatungo ako sa tuktok, ang aking pangarap.

MGA UNANG BAHAGI
I. PABALAT

II. PAMAGATING PAHINA

PROLOGO

MGA SULATIN
I. LAKBAY SANAYSAY: Philippine General Hospital, Taft Avenue, Ermita, Manila, Metro Manila

II. LARAWANG SANAYSAY: “Philippine General Hospital, Taft Avenue, Ermita, Manila, Metro Manila”

III. PANGKATANG GAWAIN

A. PANUKALANG PROYEKTO

Embrace the Waste: Turning Bio-Calcium Carbonate
Waste to Efficient Air Filters

B. ADYENDA AT KATITIKAN

IV. POSISYONG PAPEL:

V. BAHAGI NG PORTFOLIO

A. PROLOGO

B. EPILOGO

C. BIONOTE

RUBIKS

EPILOGO

BIONOTE

Political Dynasty: Nakakasama nga ba sa ating Gobyerno?
Narinig mo na ba ang tungkol sa Political Dynasty? Siguro oo, dahil ito ay isang paksa sa ating junior high school ngunit naisip mo ba ang tungkol sa paksang ito? Lalo na ngayong unti-unting nalalapit ang 2022 National Election at alam kong karamihan sa atin ay makakaboto na sa panahong iyon. Ngunit bago ako magpatuloy sa aking layunin, bibigyan ko kayo ng maikling kaalaman tungkol sa Political Dynasty.

Limos (2019) Noong panahon ng kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas kung saan inilatag ang mga pundasyon para sa mga political dynasties. Ang mga elite na makapangyarihan sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol ay ang Principalia. Sila ang marangal na uri ng panahong iyon at nang dumating ang mga Amerikano, lalo nilang pinalawak ang kapangyarihan ng Principalia. Ngunit upang makakuha ng higit na suporta at katapatan mula sa lokal, ipinakilala ng mga Amerikano ang lokal na halalan, pagkatapos pagkatapos ng pagpapakilala ng mga posisyon ng kapangyarihan sa simula ay binigyan nito ang mga pamilya ng Principalia ng malaking kapangyarihang pang-ekonomiya at pampulitika at ganyan nagsimula ang Political Dynasty sa Pilipinas. Pero ginawang kasuklam-suklam ng Political Dynasty sa Pilipinas ang ating gobyerno dahil nagdudulot ito ng sagupaan sa pagitan ng mga pamilya, nagdudulot ng maling pangangasiwa sa hukuman, at korupsyon.

Napakaraming pamilya ang kabilang sa Political Dynasty sa Pilipinas. Ngunit sa kanilang lahat ang mga pangalang ito ay ang kapansin-pansin: Ampatuan, Aquino, Estrada, Marcos, Binay, Roxas, at Duterte. Lahat sila ay may mga positibong gawa ngunit karamihan sa kanila ay may ilang mga salungatan na nakaapekto sa kanilang mga pamilya. Isang magandang halimbawa para dito ay ang mga Binay. Noong 2019 general elections, si Abby at Jun Jun Binay ay tumatakbo para sa posisyon ng alkalde ngunit dahil sa kanilang kagustuhang manalo, nagkaroon sila ng alitan sa debate sa isang simbahan sa Makati na nauuwi sa hidwaan sa kanilang relasyon bilang magkapatid. Kahit tapos na ang halalan, sinabi ng muling halal na Mayor na si Abby na magpapatuloy ang tunggalian nila ng kanyang kapatid. At ang isyung ito ay malinaw na negatibong epekto ng Political Dynasty ngunit may ilang mga salungatan na maaaring mangyari dahil sa Political Dynasty. Ang halimbawang ito ay isa sa pinakamasamang masaker na nangyari sa Pilipinas at ang dahilan sa likod nito ay political dynasty, ang Ampatuan Massacre na kadalasang kilala bilang Maguindanao Massacre. Nangyari ito noong umaga ng Nobyembre 23, 2009, nang si Esmael Mangundadatu at ang kanyang mga alyansa ay kinidnap at kalaunan ay pinatay habang papunta sila para maghain ng certificate of candidacy. Ang utak ng masaker na ito ay ang mga Ampatuan dahil hinahamon ni Mangudadatu si Andal Ampatuan Jr. para sa darating na Gubernatorial Elections, bahagi ng pambansang halalan noong 2010. Dahil si Andal ay anak ng nangungunang Muslim political clan sa Mindanao at sila ang namuno sa bayan mula noong 2001 kaya gusto nilang ipagpatuloy ang nasimulan nila. May 58 katao ang napatay sa masaker kabilang dito ang asawa ni Mangudadatu, ang kanyang dalawang kapatid na babae, mga mamamahayag, abogado, aide, at mga motorista na mga saksi o napagkamalan na nakilala bilang bahagi ng convoy. Tinawag ng Committee to Protect Journalists (CPJ) ang Maguindanao massacre na nag-iisang deadliest event para sa mga mamamahayag sa kasaysayan dahil hindi bababa sa 34 na mamamahayag ang napatay sa masaker.

Ang isa pang isyu na maaaring lumaki kapag ang isang bahagi ng isang Political Dynasty na pamilya ay nasasangkot ay ang Maling Pangangasiwa sa hukuman o Maladministration. Ang maling pangangasiwa ay ang mga aksyon ng isang katawan ng pamahalaan na makikita bilang nagdudulot ng kawalang-katarungan. May ilang opisyal na mula sa pamilyang kabilang sa Political Dynasty na sangkot sa ilang ilegal na gawain na nauwi sa maladministrasyon. Ito ay karaniwang makikita sa ating sistema ng hustisya. Ang isang halimbawa ay kapag ang isang opisyal na nagmula sa isang makapangyarihang pamilya, kung sila ay nakagawa ng mga krimen, mayroon pa rin silang pribilehiyong manatili sa isang mas magandang kulungan ng pasilidad. Samantalang kapag ang isang normal na tao ay nakagawa ng krimen ngunit mayroon silang makatwirang dahilan, sila ay mapupunta sa masikip at magulong kulungan. Tulad ng ilan sa mga krimen na nauugnay ang pandemyang ito ay pagnanakaw. Mayroong ilang mga tao na nagnanakaw upang bigyan ng pagkain ang kanilang mga anak dahil karamihan sa mga tao ay walang trabaho. Dumiretso sila sa kulungan ngunit kapag ang isang kilalang pulitiko ay nagnakaw ng bilyon-bilyon sa ating gobyerno, sila ay tinatrato na parang hindi sila gumawa ng malaking krimen. Iyan ay talagang isang malungkot na katotohanan sa ating bansa, ang mga mahihirap ay walang karapatan na humingi ng mga bagay tulad ng isang mas mahusay na kulungan, ngunit kung kilala ka ay tratuhin ka nila na parang hindi ka gumawa ng isang krimen.

Ang huli at pinakakaraniwang negatibong epekto ng political dynasty ay ang korapsyon. For sure alam kong karamihan sa inyo ay alam ang sitwasyon pagdating sa korapsyon sa ating bansa. At sino ang mga tiwaling pinuno na nasa gobyerno pa rin kahit na mayroon silang ilang mga isyu tungkol sa katiwalian. Parang tatay, parang anak. Ang pahayag na ito ay talagang batay sa isang pampulitika na pamilya kung saan nagpapatuloy ang tanikala ng korapsyon. Gusto mo bang malaman kung sino ito? Ang Pamilya ng Estrada ay isa sa mga pamilyang naugnay sa katiwalian. Siguro, nakalimutan mo na kung bakit 2 taon lang sa pagkapangulo si Erap Estrada. Ito ay dahil sa eskandalo sa katiwalian na sumiklab noong Oktubre 2000 nang sabihin ng isang kapwa pulitiko na tumanggap si Estrada ng milyun-milyong halaga ng suhol. Noong Nobyembre ay nagsimula ang Senado ng Pilipinas ng impeachment trial, ngunit ito ay inabandona matapos harangin ng ilang senador ang pagtanggap ng ebidensya. Noong Enero 20, 2001, napatalsik si Estrada sa gitna ng mga protestang masa, at ang kanyang bise presidente, si Gloria Macapagal Arroyo, ay umakyat sa pagkapangulo. Sa huling bahagi ng taong iyon ay dinala si Estrada sa paglilitis sa mga paratang ng pandarambong (malakihang katiwalian) at inakusahan na nakakuha ng higit sa $80 milyon sa pamamagitan ng mga suhol at tiwaling pakikitungo. Pagkatapos ang kanyang anak na si Jinggoy Estrada ay iniugnay din sa isang scam ang Pork Barrel Scam kasama sina Enrile at Revilla. Ang Priority Development Assistance Fund scam, na tinatawag ding PDAF scam o pork barrel scam, ay isang iskandalo sa pulitika na kinasasangkutan ng umano'y maling paggamit ng ilang miyembro ng Kongreso ng Pilipinas sa kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF, sikat na tinatawag na "pork barrel"), isang lump-sum discretionary fund na ipinagkaloob sa bawat miyembro ng Kongreso para sa paggastos sa mga priority development projects ng gobyerno ng Pilipinas, karamihan sa pambansang antas. Ito ay malinaw na nagpapahiwatig ng pahayag na "Like father, like son", parehong opisyal ay iniugnay sa katiwalian.

Kaya naman, malaki ang bahagi ng political dynasty sa ating bansa. Dahilan din ito ng mataas na rate ng mga katiwalian sa ating gobyerno at kahit may batas na nagbabawal sa political dynasty ay patuloy pa rin ito. Like what Miriam Defensor Santiago said “Kahit legal na magtatag ng dynasty, I WARN YOU! HINDI LAHAT NG LEGAL AY MORAL.” Kaya kung ikaw ay buboto sa darating na 2022 Pambansang Halalan, saliksikin ang lahat ng kasaysayan ng mga kandidato, para makaboto ka nang matalino. Ang kinabukasan ng ating bansa ay nakasalalay sa atin, kaya mas mabuting maging mapagmatyag.

[1] Limos, M., (2019) Why There are Political Dynasties in the Philippines. Esquire. https://www.esquiremag.ph/politics/opinion/political-dynasties-in-the-philippines-a00293-20190516

[2] Bueza, M., Castro, G. M., (2019). MAP: Major political families in PH after the 2019 elections. Rappler. https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/map-major-political-families-philippines-after-elections-2019

[3] Lingao, E., (2013) Ampatuans, web of kin warp Maguindanao Polls. Philippine Center for Investigative Journalism.https://www.ombudsman.gov.ph/UNDP4/wp-content/uploads/2013/06/PCIJ-2012-Clan-Politics-of-ARMM.pdf

[4] Limpot, K., (2021) EXPLAINER: What you need to know about the PDAF Scam. CNN Philippines. https://cnnphilippines.com/news/2021/2/14/PDAF-scam-what-you-need-to-know.html

Sa paggawa ng mga gawain siyempre lahat ay may katapusan isang buong semestre ang nakalipas, maraming napulot na aral at kaalaman. Sa kabila ng hirap, katulong ang Diyos, pamilya, kapwa mag-aaral at ang guro ay nakamit na ang wakas sa asignaturang Filipino sa Piling Larangan ang katapusan na ito ay ang Epilogo. Sabi nga sa panuto “ANG PINAKA NATATANGING HAKBANG SA PAGBUO NG ISANG EPILOGO AY ANG PAGBABAHAGI NG MAKATOTOHANANG PAGSASALAYSAY NG IYONG NATUTUNAN AT NABATID SA PAGSASAGAWA NG MGA NILALAMAN NG IYONG PORTFOLIO AT PAGBUO NG IYONG PORTFOLIO.” Hindi natin masasabi na madali, sapagkat sa mga sulatin na ito ay matutuklasan at masusukat  ang iyong kagalingan sa pagsulat . Ako ay isang ordinaryong studyante lang na nais makapasa ng pag-aaral, sobrang daming bagay at aral ang naibigay sa akin nitong aking pag-susulat. Hindi ako magaling at wala akong tiwala sa sarili pagdating sa mga gawain na ganito ngunit laking bagay na nagkaroon kami ng ganitong asignatura upang mahasa ang aking isipan, pagiging kredibilidad at pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip. Masasabi ngang napaka-intelektwal ng pagsulat ng akademikong sulatin, sa kadahilanang kailangang natatangi ang paggawa nito.

Ang naging karanasan sa paggawa at pagbuo ng mga sulating ito ay maihahalintulad ko sa pag-akyat sa mataas na tuktok, sa kadahilanan ang bawat proseso at hakbang nito ay hindi ganoon kadali.Marami akong napagdaanan, nalaman ko na ito ay nangangailangan ng sapat na pasensya, matalinong pagpapasya at pag iisip upang siguruhin ang katiyakan ng mga sulatin tungkol sa mga nilalaman.Puhunan ko ang sipag, tiyaga at higit sa lahat, ang oras. Ang mga akademikong sulatin na nailimbag ko rito ay mga patunay na ako ay umasenso kahit papano. Isang pribilehiyo ang makagawa ng mga sulatin lalo na’t ito ay tungkol sa iyong buhay. Mas lumawak din ang aking tiyaga bilang isang estudyante na hirap sa mga gawain at natutunan na huwag sumuko sa mga hamon dahil lahat ng hirap ay may solusyon, kaya eto ako ngayon isinusulat na ang katapusan ng aking mga gawain. Wala na ang hirap, dahil natutunan na sa pamamagitan ng masusing pag-aaral at pagsasanay ay patuloy na mahahasa ang aking kakayahan sa pagsusulat. Higit sa lahat, kinakailangan na isinasapuso ang ating mga ginagawa upang ang lahat ng hirap ay mapalitan ng saya at lahat ng problema ay mapalitan ng ligaya.

Sa katapusan masasaksihan ang mga pinaghirapang hakbang at proseso at masasabing andito na ako sa TUKTOK. Ito ay isa sa mga napakasayang paglalakbay sapagkat napakaraming bagay ang natutunan at napakaraming bagay na hindi inakalang magagawa at matatapos. Sa aking pag-akyat sa tuktok, nagkaroon ako ng kasiyahan at determinasyon na maakyat pa lalo ang pinaka-tagumpay. Ang aking mga problema’t hirap ay  ang nag-udyok upang ako ay maka-rating dito. Tunay ngang napakasarap at nakakagaan sa pakiramdam na nakarating kana sa dulo dahil makikita mo ang ganda ng iyong mga gawain at asensong iyong nagawa.