PFPL Sining at Disenyo 12 by Vanessa Bolaños

Rebyu - Garino, Sean Patrick E.
Sa aking sariling opinyon, napakahusay ng produksyon ng kwento. Mula sa mga teknikal na aspeto tulad ng masining na paggamit ng ilaw, kasuotan, props, at disenyo ng entablado, hanggang sa pag-arte ng mga aktor sa kanilang karakter.

Ang disenyo ng entablado na simple, ngunit mahusay at maparaan. Ayon sa aking sariling persepsyon, napapansin ko na minimalist ang disenyo sapagkat unti lamang ang props at ng mga gamit sa entablado. Ngunit, napakaepektibo ng paggamit nito ng mga aktor. Dahil dito, kung kailan mayroong ginagamit na props sa kwento, dito nakapokus ang mata ng mga manood at epektibo ito sa pagdagdag sa eksena at sa mga karakter.

Mahusay din ang paggamit ng ilaw sa kwento, kung saan ginagamit ito para bigyan ng diin ang isang bahagi ng eksena, at tumutulong din ito sa pagpalit ng mga eksena. Dumadagdag din ang masining na paggamit ng ilaw sa maaaring maramdaman ng mga manonood sa isang eksena.

Isa pang bagay na napansin ko, ay ang mga damit ng mga karakter. Kapansin-pansin na ang damit nila ay halos iisang kulay lamang kada karakter, at sa tingin ko ay nakatutulong ito upang bigyan diin ang personalidad ng mga karakter at ang pangunahing ideya na kanilang hinahatid. Sapagkat simple ang kanilang kasuotan, tinutulungan nito bigyang diin ang mismong pag-arte ng mga aktor.

Ang pag-arte naman ng mga aktor ang pinakamahusay na aspeto ng teatro sa aking sariling opinyon. Binigyan nila ng buhay ang kanilang mga karakter, simple o komplikado man ang papel na kanilang ginagampanan. Nararamdam ang kanilang mga emosyon, at binibigyan nila ng buhay ang kwento. Kaakit-akit sa aking opinyon ang paggamit nila ng espasyo sa entablado upang ihatid ang kwento na nais nila ibigay sa mga manonood.

And kwento naman ay kakaiba. Sa aking opinyon, ito ay makabagong konsepto kung saan sinisira ng mga karakter ang tinatawag na 'Ikaapat na pader' kung saan maaaring kausapin ng mga aktor mismo ang mga manonood bilang ang kanilang mga karakter. Napakahusay din ng pag-arte nila upang maibigay ang konseptong ito. Masasabi na ito ay bagong konsepto sa larangan ng pag-arte, sapagkat ito ay umusbong lamang sa ika-dalawampu't isang siglo, at nagbibigay daan para sa iba na gamitin din ang konsepto na ito.

Sa kabuuan, ang nais ko lang na idagdag upang mapaganda ang kwento ay pagandahin pa ang mga kasuotan. Ngunit, ang pag-arte at ang kwento mismo ng teatro and nagbuhat dito. Masasabi na kay ganda ng kwento at nakakaaliw ang mga naganap dito.

Rebyu- Guevara, Althea Jillian S.
Sa akin palagay ang dula ay interesting dahil sa pagkadeliever ng linya ng mga characters.

🐅JOHN-REY (🐯TIGER🐯) SALOMON🐅
Ang dulang aming napanood ay dula tungkol sa kaliwanagan at Ang totoong kaliwanagan na ito ay nahaharangan ng mga maling persepsyon, lalo na ng yaman at kapangyarihan.

Tayo ay sumusunod sa kwento ni Juan ang pangunahing tauhan sa dula, kung saan ay dahil sa kanyang interaksyon sa unang Juan na dumaan sa kanya at nag Iwan ng Isang sulat tungkol sa kaliwanagan, napaisip ito at naglakbay para hanapin ang tunay na kaliwanagan.

Sa kanyang paglalakbay ay nakakita siya ng dalawang insidente kung saan ay sinasabi ng dalawang taong ito, na Ang tunay na kaliwanagan ay Pera, at sa pangalawa naman at kapangyarihan. Hindi ito pinakinggan ni Juan at tumakas at nagpatuloy sa paglalakbay.

Sa kanyang determinasyong Malaman Ang totoong kaliwanagan ay sa huli ay natuklasan niya na Ang kanyang Buhay at ng kanyang mga Kasama ay Isa lamang dula, at Ang narrator o tagapagsalita ng kwento ang nakakaalam, sa huli ay kinuha ni Juan ang libro ng takapagsalita at pinunit ito, at dun natapos ang dula.

Sa dulang ito, maganda and kanilang pag acting sa kwento, at ramdam ang kanilang damdamin, kahit na Ang ibang parte sa dula ay nakakatawa. And pinaka interest ko sa dula ay ang kanilang concepto sa pagtatago ng totoong kaliwanagan, kung saan naalala ko Ang libro ng 1984, Kay George Orwell kung saan itinatago ang katotohanan at pinapalitan ito ng mga maling persepsyon at pananaw, ito ay sobrang unique para sa akin at nagustuhan ko Ang buong

kwento.

Rebyu - Nuñez, Naima Aya L.
Sa aking palagay, nakaktuwa ang dulang pinanood saamin. Maayos ang takbo Ng istorya, at talagang nabigyang buhay ng mga aktor ang kanilang mga karakter. Maganda din ang plot twist sa dulo kung saan nagkaroon ng "fourth wall break" Kung saan nalaman ni Juan na siya ay isa lamang karakter sa isang dula.

Rebyu - Derecho David Paul
Ang una ko po maaring masasabi, ay ang performance ng mga aktor sa dulang ito, ay mahuhusay at magaling. Sila ay magaling sa pagkuha ng karakter na kanilang dapat makuha. Si Juan, makikita natin sa kanya ang pagkalito sa una, hanggang sa kanyang pagpili ng desisyon sa pinakahuli. Ang mga katauhan na nag rerepresenta ng kayamanan at lakas, sila rin ay mahusay. Ang kanilang pag rerepresentasyon sa kanilang eksena, makikita mo agad ang kanilang katangian.

At isa pa, ang musika na nagpapatugtog sa background. Ito rin ay ginawa ng maganda. Siya ay nagdudulot ng iba't ibang emosyon. Lalo na sa mga eksena na nagdudulot ng nerbiyos. Ang maaring masasabi ko na kaunting nakakalungkot ay ang kanilang pagpakita sa tagpuan. Mas maari pa siyang pagandahan sa aking opinyon. Subalit,  madali rin maintindihan kung iyon ay mahirap magawa, dahil sa mabilisan pagdaloy ng istorya.

At sa istorya pala. Ito ay makinang-kinang at mahusay. Ang pag palit ng ating atensiyon sa kung anuman nangyare sa pinaka-una nung sa baliw. Nang malaman natin,na yung baliw na yun ay patunay na Juan, na hindi natagumpay sa kaniyang "katapusan" ng dula. Ito ay magandang dula na nagpapakita ng sagot sa atin mga nanunuod kahit walang sinasabi direkta sa atin.

Sa kabuuoan. Itong performance ng dula ay magaling, nakaka-wow, at minsan nakakatawa. Maraming props sa kasama sa paggawa. Matatalentong indibidwal, parang mga aktors,

stagehands, at light&sound tech. Itong mga performance ay nag-aambag sa pagtuloy ng dula. Kahit sa pagbabagong teknolohiya natin.

Rebyu - Caranay, Mia Lorraine S.
Ang Daan ng Kaliwanagan, para sa akin, maganda ang pag-akto ng mga tauhan at ang kuwento na kanilang inilahad sa mga manonood. Ang kanilang mga disenyo, kasuotan, at props ay talagang mahalaga sa kuwento na ito'y lahat dula lamang kaya hindi sila masyado gumawa ng realistikong disenyo.

Ang dula ay may metaporikal na aspeto at hindi dapat intindihin sa literal na paraan. Oo, puwede itong maging literal pero ang ipinababatid na mensahe ng mga actor at manunulat ay mawawala. Ang dula ay tinawag na Daan sa Kaliwanagan  dahil patungkol ito sa paglalakbay ni Juan tungo sa kaliwanagan. Ang kaliwanagan na tinatawag dito ay ang katotohanan ng lahat, 'enlightenment' sa ingles, na kung saan malalaman ni Juan ang katotohanan sa mundo nila. Nung nalaman ni Juan na ang tubig na kaniyang nakikita ay hindi talaga tubig, kundi ay bughaw na kurtina, dito siya napatanong sa lahat ng nakikita niya at nagalit ang tagapagsalaysay dahil hindi na niya kontrolado ang lahat. Ang katotohanan dito ay nasa dula o simulasyon lamang sila at hindi sila totoo, sila ay mga tauhan lamang na gawa-gawa at kontrolado ng Tagapagsalaysay. Nang tumaliwas si Juan sa kung anong normal o karapat-dapat niyang ugali o 'code', nagalit ang Tagapagsalaysay ay inabuso ang kaniyang kapangyarihan. Ang naintindihan ko na mensahe galing sa dula ay may nakatataas sa ating lahat na inaabuso ang kanilang kapangyarihan. Para sa kanila, laruan lang ang ibang tao na dapat sumusunod sa kanila. May mga tao rin na may kapangyarihan na mabago ang mga pangyayari, gaya rito sa dula. Kung ano ang kanilang sinabi, ito na ang nangyari. Kung ano ang kanilang pinaniniwalaan at ipinapalabas, ito na ang nangyari. Ito ang ipinalalabas ng dula, na ang mga nakikita at naririnig natin ay baka hindi totoo at may ibang nangyayari talaga.

Sa kabuoan, maganda ang konsepto ng dula at ang pag-akto ng mga tauhan. Mahalaga ang kanilang mensahe na inilalahad upang mamulat at bigyang aral ang ibang mga tao na baka naniniwala lang sa mga sabi-sabi ng mga taong may mga kapangyarihan na baguhin ang nangyari.

Rebyu - Benetua, Keira Mae M.
Ang dulang pantanghalan na pinamagatang “Ang Daan ng Kaliwanagan” na pinagbibidahan ni Juan ay nagpakita ng tunay na kahulugan ng tagumpay. Sa kanyang paglalakbay, maraming lugar at tao ang kanyang nakilala, kabilang na ang isang mayaman at isang makapangyarihang pilosopo. Gayunpaman, para kay Juan, hindi ito ang sukatan ng pagiging matagumpay.

Sa patuloy na paglalakbay, natuklasan ni Juan ang katotohanan na ang lahat ng kanyang nakikita at nararanasan ay bahagi lamang ng isang dula. Nang mapagtanto niya na hindi tama ang paraan ng pagpapakita at paggamit sa kanila ng manunulat, si Juan na mismo ang nagwakas ng dula, ipinapakita na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa yaman o kapangyarihan, kundi sa pagkakaroon ng kalayaan at katotohanan.

Para saakin, tama lang ang desisyon ni Juan na bigyang wakas ang dulang kanilang kinagagalawan maharil paulit-ulit lamang ang nangyayari ayon sa manunulat ngunit ang bersyon na Juan na iyon ang nakatuklas kung ano nga ba ang tuwid na prinsipyo ayon sa kalayaan at katotohanan.

Malalim na emosyon ang ipinakita ng mga karakter na nagbigay daan upang maunawaan at magkaroon ng koneksyon ang mga manonood sa dulang kanilang ipinalabas. Kapansin-pansin rin ang paggamit nila ng iba't-ibang tensyon ng ilaw na nakadaragdag ng pagpukaw ng emosyon ng mga manonood.

At para naman sa aking pangkalahatang rebyu, masasabi ko na ito ay tiyak na magandang kwento at mahusay naman ang kanilang pag arte ng kanilang mga karakter ngunit nakulangan ako sa kanilang mga kasuotan. Halo-halong emosyon rin ang aking natanggap kaya't hindi makakaila na napakahusay talaga nila.

Rebyu - Bardos, Rainica Alexa D.
Mula sa aking pagmamasid sa dula sa video, ang mga aktor ay nagpapakita ng malakas na kakayahan sa pag-arte, at ang script ay nakakaengganyo. Nakakabighani ang kwento at drama. Gayunpaman, ang mga props at costume ay maaaring gumamit ng pagpapabuti, dahil nahihirapan akong tukuyin ang mga setting at ang mga character. Ang tanging paraan na naunawaan ko ang konteksto ay sa pamamagitan ng script ng tagapagsalaysay. Bukod pa rito, umaasa ako na ang lahat ng mga aktor ay may mga mikropono upang marinig ng mga manonood nang malinaw ang kanilang mga linya at mas maunawaan ang kuwento.

Rebyu - Himoc, Joselle Marie E.
Ang dulang "Ang Daan ng Kaliwanagan" ay nakatuon sa paghahanap ng tunay na 'kaliwanangan' sa ating buhay, na hindi materyalistiko kundi ang katotohanan ng isang bagay. Sa ganitong diwa, ang dula ay karaniwang nakukuha ang kakanyahan ng mga aktor, ang pagpapatupad ng kanilang mga bahagi, at ang daloy ng kuwento na nagbubuklod sa kanilang lahat.

Kapansin-pansing banggitin na ang pangunahing tauhan ng kuwento, si Juan (ginagampanan ni Rhenz Grospe) ay may mahusay na pagganap sa kanyang role, na nakuha ang personalidad na kailangang makita sa loob ng karakter. Siyempre, maganda rin ang ginawa ng ibang mga cast gaya ng 'Tagapagsalaysay' ng kuwento, Baliw, Carlos, Pedro, atbp. Bukod pa rito, ang mga teknikal na bahagi ng dula ay mahusay na naisakatuparan at napakahusay na ginawa.

Sa madaling salita, ang dula ay mahusay, at sa pangkalahatan ay isang magaling na pagganap upang masaksihan bilang isang madla o manonood.

Rebyu - Aisbitt, Kassandra Mionette C.
Sa aking opinyon, ang dula ay makapangyarihang nagkuwento sa pamamagitan ng simpleng setting na naglalarawan ng pangkaraniwang buhay. Ang mga tauhang tulad nina Juan (Rhenz Grospe) at Carlos (Dyk Ifurung) ay mahusay na nailarawan, na nagbigay ng lalim sa mensahe. Ang mga elementong ginamit sa video, tulad ng set design, lighting, at sound effects ay tumulong sa paglikha ng tamang atmospera. Ang set design ay nakakatulong sa konteksto, habang ang lighting at sound effects ay nagbigay-diin sa emosyon. Sa kabuuan, ito ay isang makabuluhang dula na nagtutulak sa mga manonood na pag-isipan ang kanilang paglalakbay patungo sa kaalaman at liwanag.

Rebyu - Restar, Kian
Sa aking pagkakaintindi sa "Ang Daan ng Kaliwanagan" ay ito ay isang dulang nagsasalaysay ng paghahanap ni Juan ng mas malalim na kahulugan sa buhay. Sa kanyang paglalakbay, tinanggihan niya ang alok ng kayamanan at kapangyarihan dahil alam niyang hindi ito ang kanyang hinahanap. Isang nakakagulat na bahagi ng kwento ay nang matuklasan ni Juan na kontrolado ng isang tagapagsalaysay ang kanyang buhay. Sa huli, pinunit niya ang iskrip bilang simbolo ng pagtanggi sa kontrol at pag-angkin ng sariling kapalaran. Maganda ang naging pagganap ng mga aktor, lalo na sa pagganap ni Juan na nagpapakita ng emosyonal at nakakatuwang paglalakbay. Ang karakter ng lahat ay naipakita ng maayos sa kabuuan ng Dula.

Rebyu - Macalinao, Ashley Hendrika B.
Para saakin, mahusay ang pag lahad ng istorya ng dula. Ang buong produksyon rin ay makikitang napagisipan ng mabuti, ang paggamit ng ilaw, musika, props, at iba pa ay mas nakapagpaganda ng buong performance. Ang mga gumanap naman na aktor ay naipakita ng maayos ang emosyon ng mga tauhan. Magaling rin ang pagsulat ng mismong istorya ng “Daan ng Kaliwanagan”. Ang takbo ng istorya ay madaling sundin at napakita ang pag lead sa plot twist maayos.

Rebyu - Sumagaysay Jr, Ferdinand G. ✮ ⋆ ˚｡𖦹 ⋆｡°✩
Sa aking pananawa ang storya na aming pinanood ay isang mahusay at mataglay. Sa mga studyante ginanap ang mga charakter hanggang sa overall technical ng pagganap na storya.

Sa unang minuto makikilala natin ang bida ng storya na si juan na hindi makumtento hanggang di nakakamit ang gusto. Isang araw napabangga siya sa isang tao na may binigay na mapa na may direksyon sa kaliwanagan. Hindi na nagdalawang isip si juan at ito'y sinundan.

Naparating sya sa isang tao na mayaman sa binigay niya si juan ng pera upang bilangin ang kanyang kayaman, dahil sa kanya ang kayaman ang sagot sa kaliwanagan. ngunit hindi ito ang hinahanap ni juan at umalis dalawa ang salapi.

Napadpad naman siya sa isang pilosopo na pangalan reyno, gawin mo ang gusto ko dahil sa kanya ang kapangyarihan ay ang sagot sa kaliwanagan, ngunit hindi ito parin ang hinahanap na sagot ni juan at siya muli umalis.

Sa huli ng kuwento siya ay nakahawak ng libro at nalaman ang kanyang buhay ay isang dula, sa determination ni juan umalis siya ay gusto ipahatid ang totoo sa iba.

Maganda at malaman ang kuwento dahil pinapakita dito ang mga persepyon ng ibang tao sa mapa ng kaliwanagan. Mararamdaman ng mga madla ang charakter sa aking opinyon dahil hinahanap rin natin ang sagot sa kaliwanagan o mapa doon. Hindi man natin alam kung ano ang sagot ngunit ang determinasyon ng mga tao ang tutulong papunta dito.

Rebyu - Bartolome, Brent Kian D.
Para sa akin, ang napanood naming dula na pinamagatang "Ang Daan ng Kaliwanagan" ay isang mahusay na produksyon na iginawa lamang ng mga studyante kaya ito'y nakamamangha. Ang istorya ng dula ay kawili-wili dahil ito'y parang isang istorya na paulit-ulit ang pangyayari (loop) dahil hindi mahanap ng tagapagsalaysay ang tamang gaganap sa karakter na Juan. Ang pag-arte ng mga karakter ay napakahusay at walang parte na nagpakita na nakakalimutan ang linya na sasabihin ng mga gumanap. Alam na alam ng mga gumanap ang kanilang linya, papel, at mga kilos na kanilang ginawa. Ang paggamit naman ng mga ilaw at tunog ay mahusay rin dahil napadadama nila sa mga manonood ang emosyon ng mga eksena. Isa rin sa napansin ko ay ang paghatid o pagsabi nila ng mga linya ay sobrang linaw at rinig na rinig kahit na walang mikropono na suot o nakaipit sa kanilang mga kasuotan. Ang kanilang entablado naman ay simple at wala masyadong kalaman laman, ngunit ito'y nagamit nila ng buo. At ang kanilang mga kasuotan naman ay iisang kulay lamang bawat karakter, ngunit makikita mo sa kulay ng kanilang kasuotan ang kanilang tungkulan sa dula. Sa konklusyon, sa tingin ko, ang istorya ay natapos ng maganda at maayos dahil tinapos ni Juan ang paulit ulit na istorya at nahanap niya rin ang liwanag sa dulo na nagpaunawa sa kaniya na lahat ng nangyayari sa kaniyang buhay ay kontrolado lamang ng iisang tao.

Rebyu - Dela Cruz, Francine Lauren G.
Sa aking panonood ng dulang pantanghalan na "Daan ng Kaliwanagan", masasabi kong maayos ang naging daloy nito mula simula hanggang wakas. Mahuhusay ang mga aktor na gumanap, nabigyang buhay talaga nila ang istorya. Makikita rin dito ang galing ng mga tao sa likod ng produksyon, katulad nalang ng mga ginamit na props, stage lights, costumes, musika, at iba pa, na tugmang-tugma sa tema ng dula. Maliban dito, mahalaga rin ang mensahe na nais ipabatid ng dula, tila ito ay magiiwan ng impresyon at aral sa mga manonood.

Rebyu - Antonio, Jermaine, J.
Para sa akin ang dula na napanood ay masasabi ko na mula sa mga karakter, ilaw, at kabuoan na produksyon lahat ito ay napakahusay.

"Ang Daan ng Kaliwanagan" mula pa lamang sa titulo ng dula maganda na agad ito pakinggan. Ipinakita dito ang paglalakbay ng pangunahing karakter na si Juan patungo sa "Kaliwanagan".

Sa kanyang paglalakbay nakilala niya sila Reyno isang pilosopo at mayaman na lalaki na sinasabi na ang Kaliwanagan ay pera o kayamanan at kapangyarihan.

Hindi inaasahan na yun ang magiging katapusan ng dula, kung saan maiintindihan natin kung bakit may isang lalaking "baliw" sa simula ng dula, matutuklasan ni Juan na siya ay isa lamang karakter sa isang dula

Sa kabuoan ang istorya ng dula ay napaka ganda, sapagkat ito ay may hindi inaasahan ng katapusan. Ito din ay may mga mahusay na mga aktor at ang konsepto ng dula patungkol sa persepsiyon ng mga tao tungkol sa "Kaliwanagan" na hindi lamang pera at kapangyarihan ngunit ang katotohanan ay napakaganda ng mensahe.

Rebyu - Atenas, Grace Allyson P.
Ang dulang “Ang Daan ng Kaliwanagan” ay isang malalim at makapangyarihang kwento ng paghahanap ng sarili, katarungan, at pananampalataya sa gitna ng isang mundo na puno ng kaguluhan.

Kapansin-pansin ang husay ng mga aktor sa pagdadala ng kani-kanilang karakter Ang pangunahing aktor na gumanap bilang pangunahing karakter, ay nagbigay ng isang napakalalim at makatotohanang pagganap. Ang kanyang mga emosyon ay madamdamin at napakalapit sa puso ng mga manonood. Ang kanyang boses ay malakas at klaro, na nagbigay ng dagdag na bigat sa kanyang mga linya.

Sa kabuuan, ang pacing ng kwento ay maayos. Bagama’t may mga bahagi na medyo mabagal, partikular na sa gitnang bahagi ng dula, ito ay nakatulong upang mapalalim ang emosyonal na bigat ng kwento. Ang tema ng paghahanap ng kaliwanagan sa gitna ng kasalanan at kasamaan ay isang napapanahong paksa, at sa tingin ko ang dula ay nagtagumpay na maipakita ito nang walang pagmamadali.

Rebyu - Zinampan, Gabrielle Ivah C.
Base sa aking pinanood, ang dulang “Ang Daan ng Kaliwanagan” ay nagbahagi ng isang kuwento tungkol sa paglalakbay ni Juan para sa tunay na kaliwanagan. Sa kanyang mahabang paglalakbay, pinayo siya ng isang mayaman at isang pilosopo na ang kaliwanagan ay ang kayamanan at kapangyarihan. Subalit, hindi siya naniniwalang ito ang kahulugan ng kaliwanagan.

Sa gayon, pinagpatuloy niya ang paglalakbay hanggang sa namulat siya sa katotohanan ng kanyang mundo at pinatutunguhan. Nalaman niya na ang buong buhay at karakter niya ay isang dula lamang at hawak ng tagapagsalaysay o manunulat. Sanhi ng pagkabigo at ng masamang nangyari sa kanyang mga kaibigan, pinunit niya ang mga pahina ng iskrip upang mapalaya niya ang sarili at ibang tauhan mula sa pagkabihag, pagmamalupit, at kasinungalingan.

Sa aking palagay, naging maganda ang kabuohang produksyon at pagtatanghal ng dulang ito. Magaling umarte ang mga aktor sapagkat malinaw nilang napahayag ang mga linya at emosyon ng kanilang karakter. Ngunit simple lamang ang kasuotan at disenyo ng entablado, maayos pa rin ang pagganap nila ng kanilang mga karakter at ang pagdala ng buong kuwento. Masasabi ko ring mahusay ang pagsasagawa sa teknikal na aspeto ng dula, tulad ng ilaw at musika, dahil sumasabay ito sa daloy ng dula. Sa kabuohan, ang "Daan ng Kaliwanagan" ay isang emosyonal na dulang nagpapakita ng mahalagang aral tungkol sa kalayaan at katotohanan.

Rebyu - Comadizo, Cazzandra Marie C.
Para sa akin, ang dulang “Ang Daan ng Kaliwanagan” ay isang mahalagang paglalakbay ni Juan sa paghahanap ng tunay na kaalaman at kasiyahan. Sa kanyang pakikipagtagpo kay Reino, isang pilosopo, natutunan ni Juan na ang tunay na kaligayahan ay hindi nagmumula sa materyal na bagay kundi sa mga simpleng relasyon at karanasan.

Magaling ang pagganap ng mga aktor, na nagdala ng damdamin at koneksyon sa mga manonood. Bagaman may ilang aspeto ng disenyo at kasuotan na maaaring pinabayaan, ang dula ay nagbigay ng mahalagang aral tungkol sa buhay at pag-unawa. Sa kabuuan, ito ay isang kwento na umaantig at nag-iiwan ng makabuluhang mensahe sa mga manonood.

Rebyu - Gutierrez, Johanne
Ang dulang aking napanood na pinamagatang "Ang Daan sa Kaliwanagan" ay isa sa mga dulang may gintong aral. Ito ay dahil ang paksa ng dulang ito ay tumatalakay sa tunay na karanasan ng mga tao kung saan ang kaligayahan o ang 'perpektong' buhay na ninanais ay nakadikit lamang sa isang bagay na mahirap abutin.

Ang bidang si Juan ang nagpamalas ng ganitong katangian sa dula. Ganito ang pag-iisip ni Juan, ngunit ito ay nagbago nang makakilala siya ng isang pilosopo na nagngangalanag Reino. Si Reino ay naging instrumento sa landas ng tunay na kaliwanagan sa buhay ni Juan. Kung akala niya dati na ang kaginhawaan ay pinatutunayan lamang ng mga materyal na bagay, ay hindi naman pala tunay na totoo. Sapagkat nang makilala si Reino, napagtanto ni Juan na ang kaligayahan at kaginhawaang inaasam ay nasa puso niya lamang.

Ang mga aktor ay naging mahusay na instrumento na naghahatid ng makabagbag damdaming paksa ng dula. Naihatid nang maayos at maganda ang mensahe sa pamamagitan ng kanilang mga ekspresyon sa mukha at emosyon na mula sa kanilang mga linya. Ang dula ay ginintuang aral na siyang dapat pulutin ng mga manonood.