Sitan by Leyna Isabel Alcain

Sitan

Kapangyarihan
Sitan - may apat na katawan

Mangangaway - may taglay na kapangyarihan kung saan kaya niyang pahabain o paikliin ang buhay ng isang tao gamit ang kaniyang mahiwagang baton.

Mansisilat - kaya niyang mag bago ng anyo, kadalasan dito ay nagpapanggap bilang isang matandang manlilimos upang makapasok sa mga bahay at makasira ng relasyon ng mag-asawa.

Mangkukulam - sinisilaban ng apoy ang mga bahay ng kaniyang biktima at kung ang apoy ay naapula nang mabilis, mabilis din siyang mamamatay.

Hukluban - kayang manakit ng kahit na sino sa pamamagitan lamang ng salita.

Naniniwala ang ating mga ninuno sa panghuling paghatol ng mga tao. Ang pagpaparusa sa masasamang tao at ang paggantimpala sa mabubuti. Ang mga kaluluwa ng mabubuting tao ay dinadala daw sa isang lugar na tinatawag na Maca, na katumbas ng Langit sa ibang mga mitolohiya , kung saan natamasa nila ang walang hanggang kapayapaan at kaligayahan. Ngunit, ang mga karapat-dapat sa parusa ay dinala sa Kasanaan, ang nayon ng kalungkutan at kapighatian kung saan sila pinahirapan magpakailanman. Ang mga kaluluwang ito ay iningatan doon ng punong diyos na nagngangalang Sitan. Si Sitan, ay ang diyos ng Kasanaan na isang nayon (village) kung saan ipinapadala ang mga makasalanan pagkatapos ng huling paghatol. Siya ay isang pinuno ng kasamaan ng sinaunang impyerno. Hinihikayat niya ang mortal na gumawa ng kasalanan, sa tulong ng kanyang apat na alagad.

Si Sitan ay kinikilala bilang pinuno ng kasamaan, ang sinaunang impyerno. Inaakit niya ang mga mortal na gumawa ng masama, sa tulong ng kanyang apat na alagad o kinatawan na kinikilala bilang sina mangangaway, mansisilat, mangkukulam, at hukloban sa mitolohiyang Pilipino. Ang kanyang tungkulin ay kapareho ng sa monoteistikong Satanas, ang tagapag-alaga ng kasamaan (ang sinaunang tagalog na bersyon ng impyerno) at lahat ng mga kaluluwa sa loob niya ay may apat na ahente na nakatalaga sa tukso at sumira sa sangkatauhan. Katulad na lamang ng kanyang katapat sa Bibliya na si Satanas, si Sitan ay sumasalungat kay Bathala (ang pinakamataas na diyos ng panteon na tagalog) at sa lahat ng iba pang mga diyos, na kinatatakutan at nilapastangan bilang isang malisyosong at mapanirang nilalang.

Mangagauay
Si Mangagauay ay isa sa mga mortal na ahente ni Sitan. Siya ay nagtataglay ng kapangyarihang pumatay ng sinuman niyang ninanais. Minsan ay nagbabago siya ng anyo bilang isang taong nagpapanggap na manggagamot. Maaari rin niyang pahabain ang kamatayan at pagdurusa, kahit na ilang buwan, sa pamamagitan lamang ng pagtali sa baywang ng kanyang pasyente ng isang buhay na ahas na pinaniniwalaang tunay niyang katawan.

Manisilat
Isa ring ahente si Manisilat, na kilala bilang diyosa ng sirang tahanan. Kagaya ni Mangagauay, nagpapanggap rin si Manisilat na manggagamot at pinahihiwalay niya ang mga taong nagpapakita ng tuwa. Sa oras ng nakakita siya ng pamilyang naninirahang masaya ay napupuno ang diyosa ng galit. Siya ay magpapanggap bilang isang babaeng manggagamot o isang matandang pulubi at papasok sa tirahan ng kanyang mga biktima kung saan siya gagawa ng masasamang gawain. Sa tulong ng kanyang masasamang kapangyarihan, masisira niya ang relasyon ng mga mag-asawa.

Mangkukulam
Ang tungkulin ng Mangkukulam ay magsimula ng apoy at magsunog ng mga tahanan. Tulad ng kanyang mga kasamahan, madalas siyang mag-anyong tao at umiikot sa mga nayon na nagpapanggap na isang manggagamot. Magtatago siya sa paningin at magsusunog ng mga tahanan. Kung agad na naapula ang apoy, mamamatay ang biktima.

Hukluban
Si Hukloban ang huling ahente ni Sitan. Sinasabing mas malakas siya kay Mangagauay dahil sa kanyang kapangyarihan. Maaari niyang saktan ang sinuman gamit lamang ang kanyang mga salita at tulad ng iba pa niyang mga kasama, siya ay nag-aanyong tao at lumibot sa nayon bilang isang manggagamot.

MGA KASAPI:
Kaakuhan- Vasquez and Cabading
Kapangyarihan- Artienda
Kaugnayan- Relucio and Pacu-an
Kaalamang-bayan- Alcain

LIDER:
Leyna Alcain

PANGKAT:
CLGB 2

MGA SANGGUNIAN:
https://www.google.com/search?sca_esv=558667304&q=sitan&tbm=isch&source=lnms&sa=X&ved=2ahUKEwidq7S8hu2AAxVoT2wGHeUTDrsQ0pQJegQIDBAB&biw=1418&bih=708&dpr=2#imgrc
https://www.google.com/search?sca_esv=558689801&q=mangagauay&tbm=isch&source=lnms&sa=X&ved=2ahUKEwjW0L-3nu2AAxWCxDgGHT1vCokQ0pQJegQIDRAB&biw=1418&bih=708&dpr=2#
https://www.aswangproject.com/sitan/
https://villains.fandom.com/wiki/Sitan#:~:text=Sitan%20is%20an%20ancient%20dark,to%20tempting%20and%20ruining%20mankind.

Kaalamang-bayan
Si Sitan ang diyos na nagbabantay sa Kasanaan, kung saan pinaparusahan ang masasamang hindi nakakaabot sa Maca o paraiso. Siya ang nagbabantay sa mga kaluluwang pinaparusahan dito. Siya rin ang kalaban ni Bathala na namamahala sa Maca at pinaniniwalaan na diyos na lumikha sa mundo.

Ang pangalan ni Sitan ay nakuha mula sa impluwensya ng ibang mga lahi. Nang dumating ang mga dayuhan, naimpluwensyahan nila ang paniniwala ng ating mga ninuno. Ang ideya ng mga demonyo sa ating mitolohiya ay kawangis ng paniniwala ng mga dayuhan tulad ng mga Malay sa kanilang mga Hindu at Islamic na paniniwala. Mas napakita ang impluwensya ng dayuhan sa ating paniniwala ng dumating ang mga Español. Pinaniniwalaan na ang pangalan ni Sitan ay nanggaling sa pangalan ni Satan na katulad niya din na sumisimbolo sa kasamaan at impyerno.

Trivia:

Ang pangalan na Satan ay nangangahulugang “nag-aakusa” o “kalaban”. Ang pangalan na Saytan naman ay nangangahulugang “malayo” o “nawawala”. Pinapakita ng mga salitang ito ang pagkakawangis ng ating paniniwala sa paniniwala ng iba.

Sa Fray San Buenaventura’s 1613 Vocabulario de Lengua Tagala, si Sitan ay nabanggit bilang isang laro na nilalaro ng mga kabataan, subalit, maaari pa ring maiugnay sa mga demonyo.