PI100: Seksyon D_ HALINA'T SIMULAN by Irish Dizon

José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang kabuuang pangalan ni Jose Rizal. Ipinanganak siya sa Calamba, Laguna sa isang mayaman na pamilya. Kung kaya naman nagawa niyang makapag-aral ng medisina upang maging isang doktor sa mata. Kilala si Rizal bilang pambansang bayani ng Pilipinas, hindi bilang isang doktor kundi bilang isang manunulat.  Sinasabing ang mga akda ni Rizal ang nagpamulat sa mga Filipino upang magsagawa ng rebulusyon laban sa Espanya.

Si Jose Rizal ay ilustrado, at lumaki sa malaking pamilya. Isa rin siyang polyglot. Bihasa siya sa iba't ibang wika, ilan sa mga ito ang German at Spanish.

Si Jose Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda ay mula sa isa sa mga pinakamayayamang pamilya sa Calamba, Laguna. Kilala siya sa pagpuna sa mga Espanyol ngunit mga alyas lamang ang gamit niya tulad ng Laong Laan. Para sa kanya, mas makapangyarihan ang pagsusulat kaysa sa dahas kaya naman naisulat niya ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Si Jose Rizal na nakilala rin bilang si "Pepe" ang hinirang na pambansang bayani ng Pilipinas dahil sa kanyang naging gampanin sa rebolusyon noong panahon ng mga Kastila. Nakapag-aral siya sa Espanya kasama ang iba pang mga ilustrado at nagpakadalubhasa siya sa medisina. Malaki ang ambag ni Rizal sa panitikan ng bansa dahil sa kanyang mga nobela at tula. Naging tagasalin rin siya ng mga kuwentong pambata tungo sa wikang Tagalog na ipinadala niya sa Pilipinas para sa kanyang pamilya. Isa pa sa pamilyar na akda ni Rizal ay ang kanyang bersyon ng Mariang Makiling.

Si Jose Rizal ay isang intelektwal na simula pagkabata ay minulat na sa buhay at kultura ng kaniyang ina sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanilang magkakapatid na dahilan kung bakit niya ginustong maging doktor sa mata. Sa pamamagitan ng kaniyang angking talino sa iba't ibang larangan, nakarating siya ng maraming bansa upang mag-aral. Dahil dito nagkaroon siya ng oportunidad upang likhain ang iba't ibang akda na ipinapakita ang realidad ng estado ng kaniyang bansang pinagmulan. Ang kaniyang mga likha ang naging daan niya upang maging isang sikat na patriot sa kabila ng kapahamakang dulot nito.

Ang Panahon ng Pagkamulat ng bansa ay nang pugutan sa isang plaza ang mga paring sina Gomez, Burgos at Zamora (GomBurZa). Sa katulad ng maraming nakasaksi, ito ay nag-usbong ng diwa ng nasyonalismo kay Jose Rizal. Ang kaniyang unaoang nobela, Noli me Tangere ay dedikado sa tatlong Indiong paring pinaslang.

Bago pa naging bayani si Jose Rizal, siya muna ay nakilala bilang Pepe noong siya ay bata pa lamang. Sa kanilang sariling bahay siya unang nag-aral at ang kanyang ina
na si Teodora Alonso Realonda ang kanyang unang guro. Madalas man siyang kutyain dahil siya ay maliit, payat, at lampa, siya naman ay napakatalino. Siya ay isang
dalubhasa sa iba't ibang larangan at bihasa sa maraming wika. Noong siya ay nasa Dapitan, nagpatayo siya ng paaralan upang turuan ang ilang mga kabataan. Nagpatayo rin siya ng ospital upang operahan ang mga may karamdaman sa mata. Pinagsilbihan niya ang kanyang bansa sa pamamagitan ng pagsulat ng iba't ibang uri ng panitikan na naging daan upang mamulat ang mga Pilipino sa totoong kalagayan ng bansa sa panahon ng Kastila.

Si Dr. Jose Rizal o kilala rin sa palayaw na "Pepe" ay ang tinaguriang pambansang bayani ng Pilipinas. Bagamat halos apat hanggat limang taon ko siyang napag-aralan, aaminin kong hindi pa ganoon kalalim ang saklaw at nalalaman ko sa kaniyang buhay. Siguro ay mas marami pa akong alam sa kanyang mga naisulat na nobela at mga tula. Ang natatandaan ko lamang kay Rizal ay siya nga ay isang intelektuwal. Ang kaniyang karanasan mula sa pagbiyahe sa iba't-ibang bansa at pag-aaral sa mga prestihiyosong mga unibersidad di lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo ay ilan lamang sa mga patunay. Bukod sa kaniyang katalinuhan, hindi rin maipagkakaila ang pagkakaroon ng kabutihang puso ng Rizal. Di lamang sa romantikong pagmamahal sa kaniyang mga nobya, makikita rin ang pagmamahal niya sa sariling bansa--isa sa pinakarason kung bakit siya itinakdang ating pambansang bayani.

Ang mga bagay na alam ko tungkol sakanya ay mga maliliit at pinaka-tipikal na detalye na alam tungkol kay Rizal. Kung kaya't ako ay nagagalak at hindi na makapaghintay para sa kursong ito.

Si Jose Rizal ay nagmula sa isang mayamang pamilya sa Calamba, Laguna. Bilang isang Ilustrado, nakapag-aral siya sa Espanya at maraming natapos na kurso at naging propesyon. Ilan na lamang sa kanyang naging propesyon ay doktor ng mata, siyentista, at manunulat. Bihasa din siya sa iba’t ibang wika tulad ng French, German, at Spanish. Marami siyang naging kasintahan. Bunsod ng mga pagsulat ni Rizal ng akda gaya ng mga nobela, sanaysay, at tula na nagpapakita ng mga katiwalian ng mga Espanyol, kinalauna’y nakulong siya at binaril sa Luneta.

Si Jose Rizal ay pang-🤬 sa labing-isang anak sa kanyang pamilya. Nagsasalita siya ng 22 na wika at malawak na naglakbay sa Europa, Amerika, at Asya. Sa hangarin na makakuha ng mga repormang pampulitika at panlipunan para Pilipinas habang tinuturuan din ang kanyang mga kababayan, si Rizal ay gumawa ng mga akda na lubos na makabansa at rebolusyonaryo. Ang kanyang dalawang tanyag na nobela ay ang Noli Me Tangere, isang kwentong satiriko na umatake sa awtoridad ng simbahan ng Espanya at ang El Filibusterismo, na mas radikal kaysa sa nauna. Dahil sa kanyang mga mapangahas na akda na naglantad sa pagtrato ng maraming mga opisyal ng Espanya, marami ang nagtanim ng sama ng loob sa kanya na humantong sa kanyang kamatayan. Bagamat siya ay namatay sa edad na 35 lamang, kanyang na ipinakita na ang Pilipino ay may kakayahang pantayan o kundiman, mas husayan ang mananakop na ang trato sa mga Pilipino ay alipin lamang.

Si Jose Rizal, na kilala rin sa pangalan na Pepe, ay ang tinaguriang pambansang bayani ng Pilipinas at kilala sa kanyang mga naisulat tulad ng El Filibusterismo at Nolo Me Tangere na naging daan niya upang labanan ang mga kastila noong panahong sinakop ng Espanya ang bansa. Ilan sa mga bagay na alam ng publiko ay pinanganak siya sa Calamba, Laguna.Dagdag  pa rito ay ikapito siya sa labing isang magkakapatid. Bilang isang intelektwal, hindi lamang siya kilala bilang manunulat ngunit kilala rin siya sa ibang larangan tulad ng pagiging makata, magsasaka, manggagamot at marami pang iba.

Si Jose Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda ay isinilang noong ika-19 ng Hunyo 1861 sa bayan ng Calamba, probinsiya ng Laguna. Maliban sa pagiging autor ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, si Rizal rin ay kilala bilang tagapagtatag ng samahang La Liga Filipina. Ang La Liga Filipina ay isang samahan na naglalayong mapalaya ang Pilipinas mula sa mapang-abusong kolonisador, ang Espanya, gamit ang mga mapayapang pamamaraan. Ilang araw matapos ang pagkakatatag ng La Liga Filipina ay ipinakulong si Rizal. Siya ay ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 7, 1892 at pinatay sa Luneta noong ika-30 ng Disyembre 1986. Ang pagkamatay na ito ni Rizal ang nagpasiklab sa Rebolusyong 1896, o ang pambansang paghihimagsik ng mga Pilipino laban kolonyalismong Español.

Si Jose Rizal...
Si Dr. Jose Rizal ay kilala ko bilang isang bayani na nilabanan ang opresyon na dala ng mga Kastilang mananakop gamit ang pagsulat upang pagkaisahin ang mga Pilipino. Siya ay kabilang sa mga ilustrado o mga Pilipinong tinuturing na nakakataas sa lipunan sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Ang bayani ay nakapag-aral sa iba't ibang unibersidad sa iba't ibang bansa kaya naman siya ay nakakapagsalita din ng iba't ibang lenggwahe. Siya ay madalas na tinuturing na pacifist at naikokompara kay Andres Bonifacio na gumamit naman ng mga armas upang ipaglaban ang Pilipinas. Ginamit ni Rizal ang mga akda niyang Noli Me Tangere at El Filibusterismo upang gisingin ang nasyonalistang pag-iisip sa mga Pilipino sa panahon ng mga Kastila at hanggang sa kasalukuyan. Para sa akin ang mga akda niyang ito ay laging napapanahon kaya naman siguro naging sobra-sobra ang impluwensiya nito sa ating bansa.

Ang aking inaasahan na kursong ito ay na mas mapapalalim nito ang aking kaalaman tungkol sa ating pambansang bayani at ang kanyang mga akda. Sana din ay mas mapalawig nito ang kasaysayan sa panahon ng mga Kastila at ang mga kontribusyon ni Jose Rizal sa pagtatag ng rebolusyon.

Si Dr. Jose Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda na kilala rin bilang si Pepe ay isinilang noong  Hulyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Bata pa lamang si Rizal ay kinakitaan na ng angking pambihirang talino kung kaya’t hindi lamang siya lumaking bilang isang magaling na manunulat kung hindi isa ring mahusay na doktor sa mata. Si Rizal ay ang tinaguriang Pambansang Bayani ng Pilipinas sapagkat ipinaglaban niya ang bayan sa kamay ng mga Kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobela--Noli Me Tangere at El Filibusterismo--noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. Sa kabila nang pagnanais niyang magkaroon ng reporma ang bansa at pakikipaglaban sa mga Kastila, hindi pa rin niya suportado ang marahas na aksyon. Ngunit sa kabila nito, hindi iyon naging sapat para sa mga Espanyol bagkus siya ay itinuring ng mga ito bilang isang malaking banta.

Si Jose Rizal ay isang dalubhasang manunulat at doktor. Walong taong gulang lamag siya ng kathain niya ang " Sa aking mga Kababata" na nagpapatunay ng kanyang kagalingan sa pagsusulat. Nag-aral siya sa Unibersidad ng Santo Tomas at sa Unibersidad ng Ateneo kung saan mas nahasa ang katalasan ng kanyang pag iisip at  pagigigng kritikal. Bagaman, isang katotohanan na siya ang Pambansang bayani ng ating bansa, dahil sa kanyang rebolusyonaryong mga gawain, hindi maikakaila na malaki ang naging tulong sa kanyan ng kanyang pamilya, ng kanyang ina at ng kanyang mga kapatid lalo na si Paciano Rizal na itinututing nyang ikalawang ama. Ang sakripsiyo ng kanyang pamilya ay marahil lubhang mahalaga upang maisakatuparan ni rizal ang kanyang mga adhikain at layunin. Dahil dito ay nasasabik akong malaman din kung paano naimpluwensyahan si Jose Rizal ng kanyang pamilya at ang dulot nila sa paghubog sa kaisipan mayroon ang ating pambansang bayani.

What I can remember about Dr. Jose Rizal
Jose Protasio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (I like when names back then were unnecessarily long) is one of, if not, the most recognizable Filipino scholars to this date. He is unofficially proclaimed as the National Hero of the Philippines; however, there are still many ongoing debates whether or not he is worthy of that prestige and recognition (e.g., he was a reformist, not a separatist/revolutionary, he is not representative of the Filipino masses because he was born privileged, he wrote his works in Spanish, not in Filipino, etc.). Although there are heated discussions about the nuances of his upbringing, going-about, and heroism, there is no denying the importance and the influence of his works on the Philippine Revolutions. Some could argue that he was the main catalyst towards the revolts and uprising of the Philippines against its former master Spain. Among his numerous works, Noli me Tangere and El Filibusterismo are perhaps the most well-known, given that it’s taught to children as a part of the primary and secondary curriculum. If I recall correctly, Noli me Tangere revolves around the story of one Crisostomo Ibarra, an idealistic youth who returns to his hometown after hearing about his father’s death. He soon faces many troubles along the way (e.g., disrespect of his father’s grave, death threats, ex-communication, among others). Crisostomo Ibarra is said to be the literary manifestation of Jose Rizal himself, while the story serves as an analogy to the Filipino condition during Spanish Rule. El Filibusterismo, on the other hand, is the sequel to Noli Me Tangere. It follows the story of one Simon (who is Crisostomo Ibarra in disguise) and his violent attempts to bring about change. The tone of this novel shifts completely from a diplomatist, hopeful tone seen in Noli me Tangere to violence and vengeance. I believe that this reflects the evolution of Rizal’s thoughts and intentions. After seeing that reform is virtually impossible due to the fact that Spain wants to maintain its abusive hold on the Philippines, the only means of liberation is through a bloody revolution. The message was sent and received by the likes of Andres Bonifacio, who used Rizal’s works as the pillar of the coming revolutions. Indeed, Rizal’s works are relevant because they reinvented what it truly means to be a Filipino, in who we are and what we ultimately deserve.

Aside from everything that has already been mentioned, what I strongly remember about Dr. Jose Rizal is that his title as a National Hero was endorsed by the Americans. I recall this from Renato Constantino's "Veneration without Understanding" and even though this article has been critiqued, it's still a good read. Another information that I remember about Rizal is that he was a Casanova.

Rizal: Isang Rebolusyonaryo
"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan". Ito marahil ang isa sa mga pinaka-notableng mga kasabihan ni Jose Rizal. Madalas ay binabanggit ito bilang pang-uudyok at inspirasyon para sa kabataan upang kanilang tanganan ang hamon para sa isang mas mabuting bukas. Ngunit sa panahon ngayon, kung saan naglilipana ang iba't ibang misimpormasyon, lalo na't umusbong ang paggamit ng internet at social networking sites, ay madalas ginagamit ang kasabihang ito hindi para itulak ang kabataang magpursigi kung hindi para hadlangan silang makibaka tungo sa tunay na kasarinlan.

Hindi ko alam ang mga pasikot-sikot at mga ispesipiko patungkol sa buhay ni Rizal, ngunit nakasisiguro ako na hinirang siyang bayani dahil ang mga tulad niya ang nagpursigi upang isulong ang lumang tipo ng rebolusyon noong 1897 kasama ang iba pang mga rebolusyonaryo. Mula man sa isang elitistang pagpapalaki, inigpawan ni Rizal ang kanyang burgis na mga paniniwala at lumaban gamit ang angking husay at talino sa pagsusulat. Hindi man masasabing ang pluma ay mas malakas kaysa espada, naging susi pa rin ito sa pagpapalaya ng sambayanan laban sa mga kolonyalistang mapagsamantala.

Kaya't tuwing naaalala ko si Rizal, at tuwing pinaaalalahanan niya kaming mga kabataan sa aming tungkuling buuin ang bagong bukas, hinding hindi mapapalitan ng pananahimik at pagaatubili ang aking isip upang lalo pang pandayin ang aking rebolusyonaryong paninindigan. Taliwas sa sinasabi ng mga reaksyunaryo na "Ang mga pag-asa ng bayan ay dapat na lamang sumunod sa mga patakaran" o di kaya'y "Dapat na lamang manahimik at mag-aral dahil mangmang pa", ang kabataang tulad ko'y dapat lalong umigting ang lakas at makiisa sa laban ng malawak na hanay ng mamamayan. Hindi iba ang kalagayan natin ngayon sa delubyo ng noon, kaya't bilang mga susunod na tagapagmana ng ating bayan ay isabuhay natin ang palaban at matapang na ispiritu ng rebolusyonaryong si Rizal.

Gamit ang ating matalas na isip at malakas na pangangatawan, isulong natin ang bagong tipo ng rebolusyon at pandayin ang bukas kung saan tunay tayong lalaya! Maging katulad ni Rizal sa isip, salita, at gawa!

Si Jose Rizal ay kilala bilang pambansang bayani ng Pilipinas. Isa siyang doktor ngunit mas kilala siya bilang manunulat dahil sa mga akdang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ang kanyang mga akda ang nagsilbing gabay ng masang Pilipino na maghimagsik laban sa mga Kastila.

Jose Rizal was a product of his time, with the same opinions held by his illustrated contemporaries. He had a more privileged childhood than most, which allowed him eventual access to both higher education and afforded him a life abroad, although he wasn't the very best at managing it. Rizal was in the center of much societal change and welcomed critique to the systems he deemed both oppressive and unfair. Eventually he went on to writing subversive literature pieces and was apprehended as means of control. He got off and his brother was tortured, and he was banished in a faraway province as a result, where he would live with his final love. He had multiple love affairs as well. The straw that broke the camel's back was a rebellion which he was in no part of but nonetheless inspired; and he was taken to manila and shot to death. His legacy lives on in so many people, and his ideologies persist in the way our Filipino views are presented. He was venerated the most for his martyrdom, and was used as a figurehead for the following uprisings and ensuring lasting impact that we study him up to this day.

Si Jose Rizal ay ang tinaguriang pambansang bayani dahil sa kanyang paglaban sa mga Kastila, hindi gamit ang dahas, ngunit ang kanyang angking talino. Siya ay nanggaling sa mayamang pamilya mula sa Laguna. Siya ay nakapag-aral ng medisina at nakapunta sa iba't ibang bansa. Isinulat niya ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na naitatak sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa kasamaang palad, hindi naituro nang maayos sa amin ang dalawang nobelang ito noong high school kung kaya't hindi ako pamilyar sa mga detalye tungkol dito ngunit ang aking alam ay nakasaad dito ang madahas na pagtrato ng mga kastila sa mga pilipino. Bukod rito, isa sa mga naitaktak na impormasyon tungkol kay Rizal ay ang kanyang pagkakaroon ng maraming nobya.

Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ay isa sa mga pinakatanyag na bayani ng Pilipinas. Siya ang madalas banggitin at gawing inspirasyon tuwing buwan ng wika sapagkat siya daw ang nag bigkas na "Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda".

Si Rizal ay isang polyglot ngunit ang mga pinakatanyag niyang mga naisulat ay nasa wikang Espanyol gaya ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ang mga ito at karamihan sa kaniyang mga naisulat ang sinasabing kasali sa mga materyales na nagudyok sa mga Pilipino upang labanan ang mga Espanyol at maging malaya sa mga ito. Bagay na malayo sa misyon ng mga Ilustrado (na kung saan kasali si Rizal, na gawing patas ang karapatan o estado ng Pilipinas sa Espanya.

Si Jose Rizal ay isang dakilang "playboy" na kahit ang kaniyang pinsan ay pinatulan niya.

Itinatag din niya ang La Liga Filipina.

I recall bits and pieces of basic information about him, such as his birthdate, his full name, his large family (and their names), his writings, some oft-quoted sayings attributed to him, his mastery of language, and his role in the revolution, among other things.

All of these have been brought up already, so the most I can share is a fun fact about him that I learned in elementary school: he discovered three new species, which have been named after him. Of these discoveries, I can only remember one being a type of flying lizard.

Isa sa mga naaalala ko tungkol kay Dr. Jose Rizal na hindi pa nabanggit ay ang araw ng kanyang pagkamatay. Sa kaniyang huling araw, noong Disyembre 30, 1896, ay isinulat niya ang tulang "Mi último adiós" na naglalaman ng kaniyang pamamaalam sa kaniyang bayan at mahal sa buhay.