[KOMUPIL] M1 Repleksyong Lasalyano by Ysabel Marie Calimlim

Buong buhay ko, lalo na noong aking kabataan, mas naging komportable akong gumamit ng Ingles dahil iyon ang wikang madalas ginagamit sa mga palabas at midyang pinapanood ko. Dahil dito, madalas akong tawaging ‘maarte’ kapag sinusubukan kong magsalita ng Tagalog. Sa paglipas ng panahon, natutunan ko na ring maging mas komportable sa paggamit ng Tagalog, ngunit may mga pagkakataon pa rin na lumalabas ang accent ko o kaya nahihirapan akong maintindihan ang ilang salita—na minsan ay nagmumukhang masyado akong ‘burgis’ sa paningin ng iba, lalo na ngayon na nag-aaral ako sa isang paaralan na kilala sa maraming nagsasalita ng Ingles.

Dalawa ang pangunahing dahilan kung bakit lalong lumalala ang hamon na ito: ang globalisasyon at ang ating kultura bilang isang kabuuan.

Dahil sa globalisasyon, mas binibigyang-halaga ang Ingles bilang wikang ginagamit sa internasyonal na komunikasyon, edukasyon, at trabaho. Itinuturing itong susi sa mas malawak na oportunidad, kaya’t mas napapaboran ito kaysa sa paggamit ng Filipino o ng iba pang wika. Sa kabilang banda, bahagi rin ng ating kultura ang pagbibigay-prestihiyo sa Ingles; madalas itong nakikita bilang simbolo ng katalinuhan, mataas na estado sa lipunan, at pagiging “sosyal.”

Sa personal na lebel, maaari kong paigtingin ang paggamit ng Filipino sa pang-araw-araw na usapan, sulatin, at maging sa social media upang masanay at mas mapalawak ang ating kaalaman. Mahalaga ring yakapin ang paggamit ng wika nang may pagmamalaki.

Kaya naman, ang wika ay hindi lamang kasangkapan ng komunikasyon kundi salamin din ng ating pagkakakilanlan at kultura bilang Pilipino. Sa pamamagitan ng wika, naipapahayag natin ang ating mga tradisyon, paniniwala, at pagpapahalaga na siyang bumubuo sa ating kultura. Ang paggamit ng Filipino, halimbawa, ay hindi lang simpleng pakikipag-usap kundi paraan ng pagpapanatili ng ating yaman ng kultura—mula sa kasabihan, awit, at kuwentong-bayan hanggang sa mga bagong anyo ng sining at panitikan. Kaya’t ang pagpapahalaga at paggamit ng ating sariling wika ay nagiging paraan din ng pagbibigay-halaga sa kulturang Pilipino at ng pagpapatibay sa ating pambansang identidad.