Takbo ng Mundo at Migrasyon para sa Buhay by TRAZY NICOLE BASTRO

Noong ako'y bata pa, aking napagtanto na karamihan sa aking mga kamag-anak (parehong angkan ng nanay at tatay) ay gustung-gusto na makapunta at trabaho sa ibang bansa. Isa sa aking kamag-anak na matagal ng bilang OFW (Overseas Filipino Worker) as si tita Lyra Masilang-Vismonte. Dahil napansin kong siya ang pinakamadalas na umuwi sa Pilipinas, siya ang aking naisipang makapanayam para sa asignaturang ito.

Bago ko tinuloy ang aking binabalak, naalala ko ang kwento ng aking nanay tungkol sa kanya. Sinabi'y mahigit dalawang dekada na itong nanunuluyan sa Japan upang mang-tustos sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Dalaga pa lamang daw noong ito ay nagpasyang tumulak ng mag-isa na makapunta sa ibang bansa. Sa murang edad na labing-walong (18) taong gulang, tinuloy nitong magtrabaho kahit anuman ang mangyari.

Narito ang simple at maikling panayam sa aking tita (nasa susunod na entrada o entry) gamit ang teleponong aplikasyon (mobile application) na Messenger. Natapat na siya'y kakauwi lamang galing sa trabaho noong aking hiningi ang kanyang permisyo at katarungan ukol sa panayam. Aking binilisan at inagahan ang pagbibigay at pahayag ng mensahe upang siya ay makapag pahinga na.

Pagkatapos ng aking pakikipanayam sa aking tita, ako'y nagkaroon ng bagong perspektibo tungkol sa mga nag mimigrasyon. Hindi lahat ng ating kababayan ay gustung-gusto na manatili sa ibang bansa. Bagkus, sila ay nagpupursigi na magkaroon ng ipon para may maipadala sa kani-kanilang pamilya. Anumang trabaho o senaryo (kagaya ng Pandemiya o COVID-19) ay titiisin kahit gaano man ito kahirap. Araw-araw man na nangungulila sa mahal sa buhay, paiigtingin pa'rin ang pagiging matiyaga at magsumikap.

Bago ko tapusin ang blog na ito, ako'y nagagalak sa aking aksyon na magsabi ng mensahe sa aking tita tungkol sa kung ano ang estado ng kanyang anak habang siya'y nasa Japan. Kahit gaano pa kalayo ang iyong minamahal sa buhay, basta't may sapat na pag-unawa at komunikasyon ang titindig. Saludo ako sa mga kagaya ng aking tita, at palihim lamang akong sumusuporta para sa kanila.