HALAMAN: Likha at Kaalaman by Jikiri, Shaira Marie B.

Cabanatuan City, Nueva Ecija
JIKIRI, SHAIRA MARIE B.
12STEM9

Ang Cabanatuan, Nueva Ecija ay isa sa mga natatanging lugar sa Pilipinas na aking napuntahan sapagkat marami itong mga tanawin katulad ng mga kabundukan, kapatagan kasama na rito ang mga palayan, at karagatan na talaga namang kaakit-akit sa ating mga mata. Ang Nueva Ecija ay tinaguriang “Rice Bowl of the Philippines” sapagkat sa Nueva Ecija matatagpuan ang pinakamalaking pinagkukunan ng bigas sa bansa. Mula sa aming pinuntahan sa bahagi ng Nueva Ecija kung saan ang Cabanatuan ay may pinagmamalaking pagkain na talaga nga namang hindi mo makakalimutan kahit saang bahagi ka ng Pilipinas magtungo dahil ang mga pagkain sa Cabanatuan, Nueva Ecija ay talaga nga namang hahanap-hanapin. Sa ilang oras na paglalakbay patungong Cabanatuan, Nueva Ecija ay may naghihintay sa’yo na kabigha-bighaning mga tanawin at likas na yaman.

Mula sa aming paglalakbay tungo sa Minalungao National Park sa Cabanatuan, Nueva Ecija, kami ay inabot ng isang oras sa paglalakbay sapagkat nagtungo pa kami sa mga palayan, mga kagubatan, at pag-akyat sa isang upang makarating dito. Natuklasan ko sa lugar na ito, mula sa mga palayan na aming nadaanan, ito ay napakaganda at napakalinis sapagkat ang mga tanim ay talagang masasabing inaalagaan nang mabuti, kaya kahanga-hanga ang mga magsasaka sa lugar na ito. Sa mga kagubatan na talaga namang kaakit-akit sapagkat dito rin ang daan tungo sa kabundukan na mula rito tanaw ang bahagi ng Cabanatuan kaya’t lalo kang mamamangha sa kagandahang taglay nito. Sa pagbaba ng kabundukan, narating namin ang Minalungao National Park na kung saan napakalinis ng tubig at napakaganda ng tanawin. Mga taong kay ganda ng mga kaugalian kaya’t naging maganda ang daloy ng aming pamamasyal. Sa mga pagkain na aming nakain lalo na ang kanilang ipinagmamalaking longganisa ay napakalinamnam sapagkat wala itong katulad.

Ang pagtungo namin sa Cabanatuan, Nueva Ecija ay talaga namang nakatulong sa aking sarili sapagkat nabigyan nito ng karagdagang kaalaman ukol sa kanilang mga kultura na aking papahalagahan. Sa mga mabubuting tao na aming nakasalamuha na nagbigay ng ngiti sa aking puso sapagkat may mga mabubuting tao rin pala sa lugar na ito. Natanggal ang aking pagod sa mga magagandang tanawin na aking napagmasdan maging sa mga pagkain na nagbigay kasiyahan sa aking tiyan. Mula sa mga karanasan ko sa Cabanatuan, Nueva Ecija, talaga nga namang napakasaya at walang katulad.

PABALAT (WALLPAPER)
Bakit ito ang naisip na istilo at desinyo ng pabalat (wallpaper)?

Sa paggawa ng aking pabalat (wallpaper) napili kong desinyo at estilo ay minimalist style na kung saan nakatuon lamang sa isang kulay ang ginamit at hindi ganoong karami ang larawan or desinyo dahil para sa'kin ito ay kaaya-aya sa aking mga mata. Kumbaga nakapokus lamang siya sa iisang layunin na, ipakita sa pabalat kung tungkol saan ang aking portfolio. Karagdagan pa rito, sa bandang kaliwa, merong larawan ng mga libro sa bandang itaas at sa ibaba naman ay may paaralan na kung saan nangangahulugan na ang nilalaman ng aking portfolio ay may karagdagang kaalaman at ang mga kaalaman na ito ay nanggaling sa paaralan. Sa bandang kanan sa itaas, may makikitang kahawig ng compass rose na kung saan ang bawat makukuhang kaalaman ay may direksyon tungo sa pag-unlad ng ating isipan.

PAMAGATING PAHINA
Bakit ito ang napiling pamagat ng portfolio?

HALAMAN, ito ay pinagsama na dalawanag salita na 'likha' at 'kaalaman'. Napili ko ang salitang halaman sapagkat kung iisipin maraming uri ng halaman sa ating paligid, gayon din sa laman ng aking portfolio, maraming kaalaman ang matututunan na may likha sa pagggawa ng bawat sulatin.

PABALAT
I. PABALAT

II. PAMAGATING PAHINA

PROLOGO

MGA SULATIN
I. LAKBAY SANAYSAY: Cabanatuan City, Nueva Ecija

II. LARAWANG SANAYSAY: "South Korea"

III. PANGKATANG GAWAIN

A. PANUKALANG PROYEKTO

B. ADYENDA AT KATITIKAN

IV. POSISYONG PAPEL:

V. BAHAGI NG PORTFOLIO

A. PROLOGO

B. EPILOGO

C. BIONOTE

RUBRIKS

EPILOGO

BIONOTE

SOUTH KOREA
Ang Jeju Island ang pinakamalaking isla sa South Korea at pangunahing isla sa probinsiya ng Jeju. Isa ang Jeju Island sa pinakamagandang lugar sa South Korea sapagkat matatagpuan dito ang mga magagandang tanawin na talagang maantig ang puso ng bawat isa. Ito ay tinaguriang, "Hawaii of Korea" dahil sa napapaligiran ito ng mga tabing-dagat, mga kanayunan, at matatagpuan din sa bahagi ng lugar na ito ang bulkan na bundok ng Hallasan. Sa islang ito masisiyahan ka sa mga paliparan ng tubig, kasama ang hindi mabilang na magagandang tanawin, museo, hardin, at mga libangan katulad na lamang ng parke.

Ang Korean Wave o Hallyu ay tumutukoy sa katanyagan o  kung gaano kamangha-mangha ang pag-unlad ng kultura ng South Korea na hindi lamang sa loob ng bansa, maging sa panig ng buong mundo. Ito ay sumasaklaw sa iba't ibang aspeto ng kultura ng South Korea para sa kamalayan ng bawat mamamayan sa bawat panig ng buong mundo. Ang iba't ibang aspeto na ito ay binubuo ng mga korean drama, K-pop, manhwa, korean language, and korean cuisine. Isa sa mga naging bahagi ng pagtanyag ng kultura ng South Korea ay ang pelikula na Parasite na kung saan ito ay nakatanggap ng mga parangal kabilang na rito ang Oscar Award sa Amerika.

Ang kimchi ay tradisyonal na pagkain sa Korea at ito ay orihinal na nanggaling dito. Ang mga pangunahing sangkap nito ay repolyo at labanos. Ang kimchi ay nagbibigay sa mga Koreano ng kinakailangang mga bitamina at naiibang lasa, na laging pumupukaw ng matinding reaksiyon sa mga taong nakatitikim nito sa kauna-unahang pagkakataon. Dahil sa mayayamang bitamina at mineral nito, lalo pa itong naging sikat hindi lamang sa Korea maging sa ibang panig din ng mundo.

Ang taegeukgi ay ang tawag sa pambansang watawat ng Timog Korea na nilikha noong 1882. Ito ay may tatlong bahagi: isang puting hugis parihaba sa bandang likuran nito na sumisimbolo sa lupa, ang bilog sa gitna na kung tawagin ay Taegeuk ay sumisimbolo sa pagiging balanse ng mga mamamayan, at apat na itim na trigrama sulok ay sumisimbolo sa gobyerno at pagkakaisa. Ang kulay puti ay sumisimbolo sa katahimikan at kalinisan, samantala ang pula ay  sumisimbolo sa positibo at asul naman ay sa negatibo. Ito ay patuloy na ginagamit bilang pambansang watawat ng Timog Korea simula noong Agosto 15, 1948.

Ang N Seoul Tower o mas kilala bilang Namsan Tower ay ang pinakamataas na bagay na matatagpuan sa Seoul. Ito rin ang pinakaunang radio wave tower at patuloy na ginagamit sa bansang ito. Sa Namsan Tower ay mamamasdan mo ang mga magagandang tanawin at masisiyahan ka sa kagandahan ng nakamamanghang skyline ng Seoul na may maliit na bundok at burol, paghihip ng hangin, at ang agos ng ilog. Sa Namsan Tower ay makikita mo rin ang iba't ibang magagandang sining na gawa sa teknolohiya, at mga masasarap na pagkain na hindi mo makakalimutan.

IKATLONG PANGKAT

Tagapanguna: Carpio, Sydney Andrya
Katuwang: Layag, Arianne
Miyembro:
1. Ballecer, Bernice Athena
2. Jikiri, Shaira Marie
3. Laureta, Andrea Faye
4. Miguel, Pamela Angelica
5. Tabora, Andrea Nicole
6. Aniciete, Andre Anthony
7. De Guzman, Ronan Kobe
8. Evangelista, Karl Anjelo
9. Fernandez, John Paulo
10. Gonzales, Railon Clyde
11. Monserrat, Keith
12. Saberon, Daniel Joshua
13. Tunay, Dan Michael

AGENDA AT KATITIKAN

PANUKALANG PROYEKTO

PORTFOLIO AT MGA SULATIN
RUBRIKS LINK:
https://drive.google.com/file/d/1edbcMCAuiOMcqaeorfxuYTzr46nrqgR6/view

Isang mag-aaral na minabuting magampanan ang mga gawain upang matapos sa takdang oras, isang mahigpit na yakap para sa aking sarili. Kaya’t sa pagtatapos ng mga gawain sa asignaturang ito, nabuksan ang aking isipan at  namulat ang aking sarili kung gaano kahalaga ang pagsulat sapagkat dito nalilinang ang ating kaalaman sa pagkatuto tungo sa pagkabihasa ng mga salita sa Filipino.

Lingid sa aking kaalaman na mahihirapan ako sa paggawa ng mga gawain sapagkat hindi ganoon kataas ang aking kumpiyansa sa sarili, ngunit dahil na rin sa determinasyon at motibasyon ay napagtagumpayan ko ang mga pagsubok sa pagtapos ng mga gawain sa asignaturang ito. Mula sa unang bahagi ng portfolio hanggang sa dulo nito, marami akong natutunan na nagpatibay sa aking kaalaman na mapagpapatibay pa sa paglipas ng panahon. Mula sa pag-organisado, pagkakasunod ng mga bahagi, paggamit ng mga tamang bantas, baybay, at maging sa pagbuo ng mga pangungusap ito ay mas lalo pang napalawak dahil na rin sa tulong at gabay ng aming guro. Napagtanto ko rin na hindi kailangan na sobrang haba ng pangungusap sapagkat ang importante sa pangungusap gaano man ito kaiksi ang mahalaga ay may punto at tama ang pagkakagamit ng mga salita at bantas.

Hindi lamang natatapos ang aking mga natutunan mula sa mga nabanggit sapagkat nabatid ko rin na hindi dapat kalimutan ang mga balangkas bago simulan ang pagsulat sapagkat ito ang tutulong sa atin upang mas maging organisado at may laman ang ating sulatin. Batay na rin sa mga pagsubok na hinarap upang matapos ang mga gawain, isang malakas na dagok man ang aking hinarap, isang malaking buntong-hininga naman ang aking pinakawalan sapagkat sobrang nakakagaan ng loob na napagtagumpayan ko ang lahat ng ito. Hindi matatapos ang mga gawain kung ito’y tititigan lamang natin, gaano man ito kahirap para sa ating sarili marapat-dapat lamang itong harapin at isipin na walang imposible sa taong nagsusumikap. Kaya’t sa aking portfolio, hindi lamang lalawak ang iyong kaalaman sa pagsulat, mabibigyan ka rin nito ng motibasyon upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok sa buhay. Hindi man sobrang galing sa pagsulat, ang mahalaga bukas ang ating isipan upang matuto pa.

ANG MGA BABAE BA AY NAHAHARAPSA MAS MARAMING PANGGIGIPIT SA LIPUNAN KAYSA SA MGA LALAKI?

Sa ating lipunan, napakahalaga ng gampanin ng mga kababaihan sapagkat sila ang nagbibigay sandigan at ilaw sa bawat indibidwal lalo na sa mga may katuwang sa buhay. Ngunit gaano man kahalaga ang gampanin ng mga kababaihan, ganoon din kalaki ang kanilang nararanasan ng panggigipit sa lipunan lalo na sa diskriminasyon kaysa sa mga kalalakihan kaya marapat-dapat lamang bigyan ito ng pansin upang mas mabigyan ng aksyon ng sa gayon ay matigil na ang pagtaas ng porsyento ng mga kababaihang nakakaranas nito. Kung mapapansin ay walang lipunan na kung saan natatamasa ng mga kababaihan ang maging pantay sa kalalakihan. Batay sa Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination against Women o CEDAW, karaniwang hindi natutugunan ang pangangailangan ng mga kababaihan sa kalusugan, walang boses sa sa lipunan at lalo na sa makapangyarihang posisyon, at malala pa rin ang karahasan sa kababaihan sa buong mundo. Kaya’t makikita rin na maraming batas ang isinagawa para sa mga kababaihan sapagkat ito ay upang protektahan sila sa mapang-abusong lipunan.

Ang dahilan sa pagtaas ng porsyento ng panggigipit ng lipunan sa mga kababaihan ay sa kadahilanang wala silang sapat na edukasyon, at mahina pagdating sa pisikal na lakas. Ayon sa pag-aaral ng Center of Women’s Resources (CWR), kada minuto, isang babae o bata ang nagagahasa. Pito sa sampung biktima ng panggagahasa ay mga bata. Ayon pa sa CWR, tumaas ng 92% ang mga naitalang rape cases mula 5,132 noong 2010 tungo sa 9,875 nitong 2014. Ayon naman sa datos ng National Demographic and Health Survey (NDHS), ang edad na 15-49 anyos ay isa sa limang babae ang nakaranas na ng pisikal na karahasan simla pa ng edad 15. 14.4% naman ng mga babaeng may asawa ay nakaranas na ng pananakit mula sa kanilang asawa. Ang pang-aabuso sa mga kababaihan ay hindi lamang sa pisikal ngunit kabilang na rito ang mentalidad na kung saan ang mga salitang binibitawan ay nakakasakit ng damdamin ng mga kababaihan. Hindi lamang dito natatapos sapagkat maging sa trabaho, sahod, mataas na posisyon at pagdedesisyon, at edukasyon ay nakakaranas ng hindi pantay na pagtingin ang lipunan sa mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan. Nakakaranas din ng pang-aabuso ang mga kalalakihan ngunit wala pa ito sa kalahating porsyento kung ikukumpara sa mga kababaihan.

Mula sa mga kabataan hanggang sa mga may edad na ay nakakaranas pa rin ng mga karahasan dahil na rin sa wala silang sapat na lakas para protektahan ang kanilang mga sarili sapagkat kahit na marami pa rin ang mga batas na nagproprotekta sa mga kababaihan, hindi pa rin ito sapat upang maiwasan ang mga karanasan na kahit anumang gawin ay hindi mawawala sa isipan sapagkat nakatatak na ito hanggang sa paglipas ng panahon. Maraming kaso ng ganito sa ating bansa na ang mga babae ay dehado at hindi makaalis kung saang sitwasyon sila nakaloob dahil na rin ito sa pagbabanta sakanilang buhay kaya’t maging sila ay hindi magawang iboses ang kanilang mga problema sa lipunan. Ang takot sa isang nakamamatay na kinalabasan ay pumipigil din sa maraming kababaihan mula sa pagpunta sa mga serbisyong panlipunan upang humingi ng sapat na tulong.

Ang hindi pantay na tingin sa kababaihan at kalalakihan ay dapat nang itigil sapagkat hindi ito nakabubuti sa bawat isa at marapat-dapat lamang na bigyan ng respeto ng lipunan ang bawat isa. Ang pang-aapi o pang-aabuso sa mga kababaihan ay isang malawak na problema ng ating mundo dahil hindi ito matuldok-tuldukan. Kahit na marami ang batas na nagproprotekta  sa mga kababaihan, dapat pa ring magkaroon ng lakas na loob ang bawat isa na magkaroon ng boses at ‘wag magpakain sa takot sapagkat lakas ng loob ang dapat manaig. Dapat din turuan ang bawat indibidwal sa lipunan na magkaroon ng mataas na respeto at pagmamahal sa kababaihan at buksan ang ating mga mata at tenga upang magkaroon ng pagkakaisa at matuldukan na ang paghihirap na nararanasan ng mga kababaihan sa lipunan.

Sanggunian:

Karahasan Laban sa Kababaihan. (2016). https://www.veritas846.ph/karahasan-laban-sa-kababaihan/

Kalagayan at Karapatan ng Kababaihan: CEDAW Primer. (2006)https://www.dbp.ph/wp-content/uploads/2018/06/CEDAW.pdf