Noli Me Tangere by Darlyn Melendez

Isang Handaan
Masasaksihan mo ang isang handaang ginanap sa bahay ni Kapitan Tiago na dinaluhan ng iba't ibang uri ng tao sa lipunan. Mula sa mga pangyayari sa nasabing handaan ay masasalamin ang mga ugali ng mga Espanyol na nanakop sa ating mga ninuno at kung paano nila tinitingnan o inuuri ang mga Pilipino noon sa lipunan. Masaya ang naganap na pagtitipon ngunit sa bandang huli ay nauwi sa pagtatalo sa pagitan ng mga pangunahing panauhing sina Padre Damaso at tenyente ng guardia civil ang pagsasaya.

2: Si Crisostomo Ibarra at 3: Sa Hapunan
Malugod na ipinakilala ni Kapitan Tiago sa mga panauhin si Crisostomo Ibarra na kadarating lámang mula sa Europa. Mahahalatang natakot si Padre Damaso nang makita niya ang binata samantalang ang tenyente naman at ang iba pang panauhin ay labis na humanga sa kanya nang marinig nilang siya ang anak ng nasirang Don Rafael Ibarra na namalagi sa Europa upang magpakadalubhasa. Nahiyang makipagkilala sa kanya ang mga panauhin lalo na ang mga dalagang Pilipina kaya siya na ang gumawa ng paraan para makipagkilala. Dumulog ang mga panauhin sa hapag-kainan para pagsaluhan ang inihandang hapunan. Lalong humanga ang mga bisita kay Ibarra nang mabatid nilang halos nalibot na ng binata ang buong Europa at gayundin sa kakayahan niyang makapagsalita ng iba't ibang wika. Kapansin-pansin ang pagkayamot ni Padre Damaso habang kumakain ng hapunan na humantong sa pang-iinsulto niya sa binata. Sa halip na gumanti at magalit ang binata kay Padre Damaso ay maayos niya pa ring tinugon ang pangungutya ng matandang pari at pagkatapos magalang siyang nagpaalam sa mga naroroon.

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 1.
Agwador – tagasalok ng tubig

Mapagwalang-bahala – iresponsable, walang pakialam

Alkantarilya – kanal na yari sa tubo, semento o kongkreto na nasa ilalim ng lupa at daanan ng maruming likod

Mistula – parang, tila

Apurado – nagmamadali

Nagunita – naalala

Bulwagan – malaking silid sa pasukan ng isang silid o gusali

Nakabalatkayo – nagpanggap

Bulyaw – malakas at pagalit na sigaw na tanda ng pagtataboy

Napipi – di nakapagsalita

Galante – laging handing gumastos

Pagkasuwail – pagiging matigas ang ulo o pagiging masama

Garil – bulol

Pandak – maliit

Hitso – nganga

Patuya – painsulto

Kubyerta ng bapor – plataporma sa barko na sumasakop sa buo o bahagi ng lawak nito at nagsisilbing palapag

Pintakasi – patron

Maharlika – mayaman, tinitingala sa Lipunan

Radikal – taong nagtataguyod ng ganap na pagbabago, rebolusyonaryo

Mainam - mabuti

Tumungga - uminom

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 2.
Hiyas – ipinagmamalaking yaman o dangal

Itulot – pahintulutan, payagan

Naikaila - naitanggi

Nasulyapan – napagmasdan, Nakita

Napatigagal – natigilan, natulala

Sinipat – tiningnan mula ulo hanggang paa, sinuring Mabuti sa pamamagitan ng pagtingin

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 3.
Bulalas – sambit, nasabi

Kahalubilo – laging kasama o kausap

Nasulyapan – napagmasdan, Nakita

Niligis - dinurog

Sumabad – nakisali sa usapan

Supera – lalagyan

Pagsusumakit – pagsasakripisyo

Umismid – inusli ang labi upang ipahiwatig ang paglibak o pagtuya sa kapwa

4: Erehe at Subersibo at 5: Bituin sa Karimlan
Mararamdaman mo ang matinding sakit at sama ng loob na naranasan ni Crisostomo Ibarra nang malaman niya mula kay Tenyente Guevarra ang tunay na dahilan ng pagpanaw ng kanyang ama. Ayon sa tenyente, hinuli at ikinulong ng pulisya ang kanyang ama dahil sa pagkamatay ng artilyerong Kastila nang tumama ang ulo nito sa bato dahil sa pagtatanggol ng kanyang ama sa isang batang lalaking pinukol niya ng baston sa ulo na naging sanhi upang mawalan ng malay ang bata. Sa pagsasakdal ng kasong krimen sa kanyang ama ay nagsilantad ang mga kaaway ni Don Rafael Ibarra. Nagsimulang maglabasan ang mga kasinungalingan laban sa kanya na humantong upang akusahan siya bilang erehe at subersibo. Tumagal ang paglilitis ng kanyang usapin hanggang sa mamatay na siya sa loob ng bilangguan. Matapos ang kanilang pag-uusap ni Tenyente Guevarra ay wala sa sariling tumungo si Crisostomo Ibarra sa Hotel Lala. Dito ay patuloy na naglaro sa kanyang isipan ang malupit at malungkot na kapalarang sinapit ng kanyang ama na naging dahilan upang hindi niya mapansin ang magandang tanawing makikita sa kabilang ibayo ng ilog.

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 4.
Artilyero – taong gumagawa ng kanyon o mga sandatang pandigma

Asunto – kaso, paratang

Bandido – tulisan, pusakal

Danyos – bayad, pinsala

Hahantong – maaaring maging bunga o resulta

Huwad – peke, hindi totoo

Ipinaratang - ibinintang

Kalaunan – katagalan

Karukhaan - kahirapan

Kinalahig – kinalkal

Kinumpiska – kinuha nang sapilitan

Mabangis - mabagsik, matapang

Marangal – may Magandang reputasyon

Mabahala – matakot, mag-alala

Nabuwal - natumba

Nagpalala – nagpatindi ng kalagayan

Nagtangka – nagplano, nagbalak

Nagsilantad – nagsilabas, nagpakilala

Nakatugon - nakasagot

Natiwalag – naalis sa grupo nang sapilitan

Paghihinagpis – pighating pabuntong-hininga

Panlilibak – pang-aalipusta, pang-aapi

Pinaratangan - pinagbintangan

Pinukol – binato

Pobre - mahirap

Sinapit – tinamo, naranasan

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 5.
Largabista – teleskopyo na binubuo ng dalawang magkatabing lenteng itinatapat sa mata upang makita ang anumang nasa malayo

Panaghoy – pag-iyak, paghihinagpis

Si Kapitang Tiyago
Makikilala mo ang pinakamayamang tao sa Binondo, walang iba kundi si Kapitan Tiago. Dahil sa kanyang taglay na kayamanan at kapangyarihan, siya ay itinuturing ng marami na pinagpala ng Diyos, malakas sa gobyerno, at kasundo ng mga tao. Madalas siyang magbigay ng regalo sa mga tao sa gobyerno. Nakikiayon siya sa mga pumipintas at lumalait sa mga Pilipino, palibhasa'y ipinalalagay niyang hindi siya Pilipino. Kaya naman para sa mga taong hindi niya kapanalig siya ay itinuturing na walang awa, malupit, at mapagsamantala sa mga nagigipit. Napangasawa niya si Pia Alba na taga-Santa Cruz. Siya ay maganda, balingkinitan, at kaakit-akit ang tindig. Sa loob ng anim na taon ng kanilang pagsasama ay hindi sila nabiyayaan ng anak kaya't nagpasya siyang magnobena at mamanata sa iba't ibang pintakasi sa payo na rin ni Padre Damaso. Siya ay nagbuntis, at naging anak nila si Maria Clara. Ngunit sa panahon ng kanyang paglilihi ay naging malungkutin si Pia Alba na naging dahilan para mahulog ang kanyang katawan at dapuan ng matinding lagnat na naging sanhi ng kanyang kamatayan pagkaraang magsilang.

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 6.
Aliwalas - maliwanag

Balingkinitan – matangkad at payat ang katawan

Borlas – palamuting palawit ng kuwintas, balabal o sombrero

Mapabulaanan - mapasinungalingan

Nakaririwasa – nakaluluwag sa buhay

Namana - nakuha

Pagpapataw - pagtatakda

Panata – mataimtim na pangako

Prak – amerikanang may pabuntot na mahaba

Siwang – puwang, bahagyang bukas

7: Romansa sa Balkonahe at 8: Mga Alaala
Madarama mo sa kabanatang ito ang tunay at wagas na pagmamahalan nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara. Kanilang napatunayang ang pitong taong kanilang paglalayo ay hindi maaaring makahadlang sa kanilang dalisay na pagmamahalan. Magkahalong pananabik at kaba ang naranasan ni Maria Clara nang muli niyang makita ang kasintahan. Sa balkonahe ng tahanan ni Kapitan Tiago ay naganap ang kanilang pagsusuyuan kung saan muli nilang binalikan ang kanilang matatamis na alaala at wagas na sumpaan bago sila ganap na magkahiwalay. Masakit man sa kalooban na iwanan ng binata ang minamahal ay sinunod niya ang kanyang ama na siya ay tumungo sa Europa upang mag-aral nang sa gayon sa kanyang muling pagbabalik ay higit niyang mapaglingkuran ang kanyang Inang Bayan. Di pa man ganap na natatapos ang pag-uusap ng magkasintahan ay agad na iniwan ni Crisostomo Ibarra ang dalaga dahil bigla niyang naalalang kailangan niyang umuwi sa kanyang bayan. Sakay ng karwahe ay binagtas ng binata ang San Gabriel kung saan sa kanyang paglalakbay ay muling nagbalik sa kanyang alaala ang bayang kanyang nilisan pitong taon na ang nakararaan.

9: Iba't ibang pangayari, 10: Ang San Diego at 11: Ang Makapangyarihan
Nang papaalis na sina Maria Clara at ang kanyang Tiya Isabel upang kunin nila ang mga gamit ng dalaga sa Beaterio ay siyang dating naman si Padre Damaso. Nang mabatid ng pari ang pakay ng pag-alis ng magtiya ay mapapansing sumama ang mukha nito at sabay tuloy sa loob ng bahay ni Kapitan Tiago. Agad din itong napansin ni Kapitan Tiago lalo pa't nang sabihan siyang kailangan nilang mag-usap nang sarilinan. Sa kabilang dako, matapos makapagmisa si Padre Sibyla ay agad naman siyang nagtungo sa kumbento ng mga Dominiko at doon ay nakausap niya ang isang matandang paring may sakit. Napag-usapan nila ang naganap na alitan sa pagitan nina Crisostomo Ibarra at Padre Damaso. Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay ipinaliwanag din ng matandang paring kailangan nang magbago ng pamamalakad ang mga prayle sa Pilipinas sapagkat namumulat na ang isipan ng mga tao sa katotohanan. Samantala ay inilarawan din sa akda ang bayan ng San Diego. Ito ay isang karaniwang bayang nagtataglay ng malaking sakahan sa Pilipinas na matatagpuan sa baybayin ng isang lawa.Taglay ng bayang ito ang isang alamat kung paano ito nagsimula at bahagi nito ang kuwentong may kinalaman sa mga ninuno ni Crisostomo Ibarra. Sa kalagayang panlipunan ng San Diego, dalawa ang kinikilalang makapangyarihan sa bayang ito, una ang kurang kumakatawan sa kapangyarihan ng simbahan at ang alperes na kumakatawan naman sa kapangyarihan ng pamahalaan. Si Don Rafael Ibarra bagama't maituturing na pinakamayaman sa bayang ito ay hindi kailanman ibinilang na makapangyarihan sa dahilang maraming tao ang naiinggit sa kanya lalo na ang mga may katungkulan sa pamahalaan. Maliban sa kura at alperes ang iba pang mga pinuno ng bayang ito ay maituturing na mga tau-tauhan lamang.

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 7.
Bahaw - paos; malat

Balkonahe - entabladong nakausli sa dingding ng gusali o bahay

Ikinaluluoy - ikinalalanta

Makagambala - makaabala

Magtulos - magtirik

Naulinigan - narinig

Nagpapagunita - nagpapaalala

Pag-uulayaw - pagsusuyuan; paglalambingan

Ipagpipinid - pagsasara

Ipinalis - Inalis; nilinis

Pumukaw - umantig

Tumanaw - tumingin

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 8.
Binagtas - tinahak

Lulan - sakay

Pinawi - inalis

Tumatahak - binabaybay; dinadaanan

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 9.
Alitan - pag-aaway

Balisa - nag-aalala, magulo ang isip

Kapanalig - kakampi;kasamahan

Nagkakabisa - nagsasaulo

Nasuhulan - nabigyan ng pera kapalit ng pabor

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 10.
Dumagsa - biglang pagdami ng mga tao

Kabonegro - buri; kaong

Naglisaw - nagkalat

Panaghoy - pagtangis,pagiyak

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 11.
Bantayog - istrukturang mataas na itinayo bilang paggunita sa Isang makasaysayang pangyayari o Isang bayani

Kasawian - kabiguan

Nakabubulahaw - nakakaabala; nakagugulo

12: Todos Los Santos at 13: Hudyat ng Unos
Masasalamin sa akda kung paano ipinagdiriwang ng mga taga-San Diego ang Todos Los Santos. Hindi magkamayaw ang mga tao sa sementeryo. May mga taong naghahanap ng puntod ng kanilang mahal sa buhay, may nakaluhod, at kabi-kabila ay maririnig ang ingay ng mga nagdarasal. Sa isang bahagi ng sementeryo ay masasaksihan ang dalawang lalaking tagapaglibing na nag-uusap hinggil sa bangkay na hinukay ng isa sa kanila na dalawampung araw pa lamang ang nakalilipas. Ayon sa humukay nito, ito ay kanyang ginawa bilang pagtugon lamang sa utos ng kurang malaki na ilipat ang nasabing bangkay sa sementeryo ng mga Intsik. Sakay ng karwahe ay dumating sa sementeryo ng San Diego si Ibarra kasunod ang isang matandang utusan. Marahan nilang binagtas ang lugar na kinalalagyan ng puntod ni Don Rafael Ibarra ngunit gayon na lamang ang kanilang pagkagulat nang matuklasan nilang wala na rito ang labi ng kanyang ama. Nanghilakbot sa galit si Ibarra nang mabatid niyang ito ay kagagawan ng malaking kura. Sa gitna ng nagbabantang unos ay tinahak niya ang kabayanan patungo sa isang lumang bahay na matagal na niyang hindi napupuntahan. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya si Padre Salvi na agad niyang sinugod at dinaganan sa balikat dala ng matinding galit dahil sa pag-aakala niyang siya ang utak sa pagpapahukay sa labi ng kanyang ama.

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 12.
Di-magkamayaw - magulo ang mga tinig; hindi magkaintindihan

Makipot - masikip; makitid

Naghihimutok - nagsusumigaw ang damdamin sanhi ng matinding kalungkutan o kasawian

Nakabunton - nakatambak

Napakaselan - sensitibo

Pabulalas - pagsigaw o pagsasalita nang malakas o mariin

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 13.
Marahas - tigib ng dahas; agresibo

Nauupos - nanghihina

Nagtitimpi - nagpipigil

Nagbabanta - nagbibigay ng hudyat

Tinutop - tinakpan o hinawakan ang noo

Tugon - sagot; pahayag bilang reaksiyon sa pahayag ng ibang tao

Sawimpalad - hindi maganda ang buhay o inabot ng masamang karanasan

Unos - sigwa; bagyo

14: Baliw o Pilosopo at 15: Ang mga Sakristan
Makikilala ang isang taong maituturing na mahiwaga sa paningin ng iba sapagkat siya ay nagtataglay ng pag-iisip at pananaw sa buhay na kakaiba sa nakararami. Siya ay walang iba kundi si Don Anastacio o mas kilala sa pangalang Pilosopong Tasyo. Galing siya sa mayamang pamilya ngunit dahil sa kanyang katalinuhan ay pinatigil siya ng kanyang ina sa pag-aaral sa Kolehiyo de San Jose dahil sa takot na makalimutan ng anak ang Diyos. Isang araw bagama't masama ang panahon ay mapapansing masayang-masaya si Pilosopong Tasyo dahil ayon sa kanya ay mayroon siyang hinihintay-walang iba kundi ang pagdating ng malakas na unos. Samantala, habang nagsasalimbayan at dumadagundong ang mga kulog ay naroon sa kampanaryo ng kumbento ang dalawang magkapatid na sakristang humihila ng kampana rito. Sila ay sina Basilio at Crispin na pinagbintangang mga magnanakaw na naging sanhi upang sila'y di pahintulutang makauwi sa kanilang tahanan. Tunay na naging kalunos-lunos at kahabag-habag ang kanilang sinapit lalo na si Crispin sa kamay ng sakristan mayor.

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 14.
Bahid - Bakas ng dumi

Lapastanganin - Hindi pagpapakita ng paggalang

Maalinsangan - matinding init ng panahon

Matalim - matalas

Nalalagot - napuputol;napapatid

Pagkalulong - pagkagahaman;pagkahilig

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 15.
Naaginaldo - napamaskuhan; natanggap bilang regalo

Nagpalahaw - umiyak nang malakas

Nagpatibuwa - tumumba nang kusa

Nagngingitngit - naiinis

Nakatutulig - nakaririndi

Nakakuyom - nakasara; nakatikom ang kamao

Pangahas - matapang

Panangis - pag-iyak

Salimbayan - nagsasalit-salit sa pagdating

16: Si Sisa, 17: Si Basilio at 18: Nagdurusang mga Kaluluwa
Mararamdaman mo ang pait at paghihirap na dinanas ni Sisa dahil sa kanyang pangungulila sa kanyang dalawang anak na sina Basilio at Crispin na nawalay sa kanya. Larawan ng mayuming Pilipina si Sisa. Kayumangging kaligatan ang kutis niya. Mababakas sa kanyang mukha ang angking kagandahan bagama't makikita sa kanyang kaanyuang siya ay nagdaranas ng matinding kahirapan dala ng kasalatan at pagtitiis sa kamay ng kanyang malupit na asawa. Labis na natakot at nangamba si Sisa nang makita niyang duguan at nag-iisang umuwi ang kanyang anak na si Basilio na tumakas mula sa kumbento. Ang kanyang bunsong anak na si Crispin ay naiwan sa kamay ng sakristan mayor at pilit na pinaaamin at pinananagot sa ibinibintang na salang pagnanakaw. Dahil sa labis na pag-aalala sa bunsong anak, maagang gumising at naghanda si Sisa sa pagtungo sa kumbento bitbit ang mga sariwang gulay para sa kura, buo ang pag-asang makikitang nasa maayos na kalagayan ang anak. Ngunit gayon na lamang ang pagkabagabag at pagdurusang naramdaman nang malaman niyang wala roon ang minamahal na anak. Wala siyang nagawa kundi ang humagulgol na nang marinig ng mga taong walang awang naroroon ay naging dahilan upang siya ay ipagtulakan papalabas ng kumbento.

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 16.
Bahid - bakas ng dumi, mantsa

Inaatupag - iniintindi; ginagawa

Kapritso - luho; layaw

Humahangos - nagmamadali

Nababakas - nababanaag; nakikita

Nahumpak - namayat; lumubog ang pisngi

Namumurok - nanaba; halos pumutok na sa katabaan

Paggunita - pag-alala

Pobre - kawawa; mahirap

Tinangka - binalak; nagplano

Umusal - bumigkas; sumambit

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 17.
Bakol - malaking basket na maluwang ang bibig

Balikwas - mabilis na pagbangon

Dumaloy - umagos

Impit - mahina at pigil na tunog

Kuwartel - himpilan ng mga kawal

Nabuwal - natumba

Nakabulagta - nakadapa; nakatihaya

Nanghihilakbot - natatakot

Napalugmok - napaupo o napasandal dahil sa labis na panghihina

Nasira - namatay; namapayapa na

Sinita - pinagbawalan; tinawag ang atensiyon

Umimik - kumibo; nagsalita

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 18.
humagulgol-umiyak nang malakas

isuplong-isumbong; ipagbigay- alam

magpalahaw-magsisigaw

manangis-umiyak; managhoy

nagpapalaluan-nagpapayabangan

sunong-buhat ang isang bagay na nakalagay o nakaatang sa ulo

Karanasan ng Isang Guro
Mauunawaan mo ang dahilan kung bakit nabuo sa puso ni Crisostomo Ibarra ang magpatayo ng paaralan para sa kabataan ng San Diego. Naantig ang kanyang damdamin hinggil sa bagay na ito nang marinig niya ang malulungkot at mahihirap na karanasan ng guro na kanyang nakilala na tinulungan ng kanyang ama. Mula sa kanilang pag-uusap ay nabuo ang isang layuning ipagpatuloy ang misyong pagbutihin ang edukasyon sa kanilang bayang sinimulan ng kanyang ama. Ibinahagi ng guro ang iba't ibang suliraning kanyang hinarap sa kanyang pagtuturo. Ilan rito ay ang matinding kahirapang dinaranas ng mga mag-aaral, ang pakikialam ni Padre Damaso sa paraan ng pagtuturo gaya ng hindi paggamit ng pamamalo na bagama't masama sa loob ng guro ay wala siyang nagawa kundi ang sundin ang payo ng pari. Upang maibsan ang sakit at sama ng loob na nararanasan ng guro ay nangako si Ibarrang tutulungan niya ito sa pamamagitan ng pulong tribunal na kanyang dadaluhan sa paanyaya ng tenyente mayor.

Pulong ng Bayan
Dahil sa nalalapit na ang pista ng San Diego ay isang pulong pambayan ang ginanap sa bulwagan ng tribunal. Ito ay dinaluhan ng mga lider ng bayang nahahati sa dalawang lapian. Ang matatanda ang grupong bumubuo sa Partidong Conservador samantalang ang kabataan naman ang bumubuo sa Partido Liberal. Magkaiba ang mithiin at panuntunan ng dalawang partido. Ito ang dahilan kung bakit bumuo ng plano si Don Filipo na siyang tenyente at lider ng Partido Liberal. Kaya bago magsimula ang pulong ay ibinulong niya sa dalawa o tatlo pa niyang mga kasama ang mga payo ni Pilosopong Tasyo na sinabi sa kanya nang makasalubong niya ito kaninang umaga. Sinabi niya na ayon sa matanda ay mas galit sa kanila ang mga miyembro ng Partido Conservador kaysa sa kanilang mga balak kaya sa gagawing pulong ay kailangan nilang magmungkahi ng mga planong hindi magugustuhan ng matatanda. Dumating din sa pulong si Ibarra at ang gurong kanyang nakilala. Sa pulong, ang unang naghain ng plano ay si Kapitan Basilio na mula sa grupo ng Conservador. Maligoy at mabulaklak ang kanyang mga pananalita. Agad itong sinundan ni Don Filipo na gaya ng inaasahan ay hindi tinanggap ng matatanda ang kanyang mga panukala. Ito ay sinundan ng isang kabesa na nakapagpahinuhod naman sa damdamin ng lahat. Nang sumang-ayon na ang lahat matapos ang mahabang diskusyon ay nagsalita ang kapitan na sumasang-ayon siya sa kanilang mga plano ngunit sinabing iba ang gusto ng kura. Masama man ang loob at dismayado ang lahat ay wala silang nagawa kundi ang isagawa ang plano ng kura.

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 20.
Kahambugan - kayabangan

Kanugnog-bayan - kalapit-bayan

Kasagwaan - kahalayan

Mapapala - matatamo; mapakikinabangan

Mapusok  - padalos-dalos

panugis- panlaban; pampuksa

Pagtitibayin - sasang-ayunan; aaprubahan

Silyon - silyang may patungan ng mga braso

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 19.
Maikintal - maitanim sa isipan

Nagmungkahi - nagbigay ng payo

Nakababagot - nakaiinip

Naglalaho - nawawala

Naglilimayon - nagsasayang ng oras

Nagpapagunita - nagpapaalala

Napagkuro - napag-isip-isip

Pagkakanulo - pagtatraydor

Palalo - mayabang; mapagmataas

pinag-ibayo - pinagbuti; pinagsikapan

Pinagpipitaganan - iginagalang

Sinisikil - pinipigilan sa anumang paraan

Sumagap - mabilis makakuha ng impormasyon nang hindi sadya

Taimtim - walang pagkukunwari o daya

Kuwento ng Isang Ina
Takot na takot si Sisa nang makita niya ang mga guardia civil sa kanilang munting dampa. Pilit na ipinalalabas sa kanya ang kanyang dalawang anak na pinagbibintangang tumakas at nagnakaw ng pera sa kumbento. Sinabi niyang hindi niya pa rin nakikita ang kanyang mga anak ngunit hindi siya pinaniwalaan ng mga guardia civil. Dahil dito siya ay pilit na dinakip at hinuli ng mga ito. Lumuhod si Sisa para magmakaawa na huwag siyang isama ngunit hindi siya pinakinggan. Walang nagawa si Sisa kundi ang sumama sa mga guardia civil. Sa kanilang paglalakad patungong kuwartel siya ay napapagitnaan ng mga guardia civil. Pinagtinginan at kinutya siya ng mga taong nakakita sa kanya Halos mamatay sa kahihiyan si Sisa noong mga oras na iyon. Dalawang oras napiit si Sisa sa himpilan. Tanghali na nang malaman ng alperes na nakakulong si Sisa at agad na pinag-utos na palayain siya. Pinagtulakang papalabas si Sisa sa kuwartel sapagkat ayaw na niyang kumilos sa kinalugmukan. Nang mapansin niyang nasa gitna na siya ng lansangan ay nagmamadali siyang lumakad pauwi. Nang marating ang kanilang bahay ay tinawag niya ang mga pangalan ng mga anak "Basilio Crispin." Nagpagala-gala si Sisa. Umiiyak nang kakatwa. Minsan ay umaawit at kinakausap ang lahat ng bagay.

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 21.
Dupikal - sunod-sunod na tugtog ng kampana

Mabuwa - matumba

Mawari - maintindihan; maunawaan

Nababagot - naiinip

Nanunuya - nang-iinsulto; nangungutya

Napiit - nakulong

Nauumid - hindi makapagsalita

Sumalampak - lumapag; umupo sa lupa o sahig

22: Dilim at Liwanag at 23: Pangingisda
Abala na ang mga tao sa San Diego sa paghahanda para sa nalalapit na pistang-bayan. Usap-usapan na ang pagdating nina Maria Clara at Tiya Isabel. Tuwang-tuwa ang marami sa pagdating ng dalaga sapagkat bukod sa kinagigiliwan nila ang dalaga ay hinahangaan din nila ang kagandahan nito. Lalong lumala ang bulungan nang makita nila si Crisostomo Ibarrang dumalaw sa tahanan ng dalaga. Sa pag-uusap ng magkasintahan ay nakikiusap ang dalaga sa binata na huwag imbitahan sa gagawing pagsasalo sa gubat si Padre Salvi dahil sa napapansin niyang kakaibang kilos nito para sa kanya bagay na hindi naman pinagbigyan ng binata. Kinabukasan ay maagang gumising ang mga kabinataan at kadalagahan kasama ang ilang magulang sa paglalakad patungong lawa dala ang mga pananglaw. Isang binatang makisig na tinatawag na piloto ang nakasama nila sa pamamangka. Ang bawat isa'y masaya habang namamangka subalit biglang nagkagulo ang lahat nang may nakita silang buwayang nakulong sa baklad. Natakot at nagsigawan ang kababaihan. Agad na tumalon ang piloto sa dagat at dahil sa kanyang liksi at lakas ay nahuli niya ang buwaya. Isinampa ito ng piloto sa tuntungan ng bangka at tinangkang gapusin ngunit ito ay biglang bumaluktot at inihampas ang buntot sabay talon sa dagat na kala-kaladkad ang piloto. Mabilis na tumalon si Ibarra sa tubig upang iligtas ang piloto. Biglang pumula ang tubig. Ilang sandali pa ay lumitaw si Ibarra at ang pilotong hila ang patay na buwaya. Nagpasalamat ang piloto kay Ibarra at sinabing utang niya sa binata ang kanyang buhay. Nawala ang takot ng lahat at nagpatuloy sila sa pamamangka hanggang sa marating ang pampang ng gubat.

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 22.
Lumala - tumindi ang kalagayan

Pakay - layunin

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 23.
Banak - isdang-alat na malapad ang ulo, may lambi ang palibot ng mata, at manipis at makinis ang labi

Baklad - panghuli ng isda

Gulilat - nanlaki ang mata dahil sa gulat

Igaod - isagwan

Marubdob - tigib ng damdamin

Naglaho - nawala

Napapandaw - pagtingin kung may huling isda ang baklad

Pabahay - tirahan o lugar kung saan inaasahang maraming isda

Parang - malawak na kapatagan

Punyal - balaraw; matulis na patalim na magkabilaan ay talim

Sa Gubat
Idinaos sa gubat malapit sa batis ang isang salusalo o pagtitipong inihanda ni Crisostomo Ibarra. Ito ay dinaluhan ng kanyang kasintahan, ng mga kabataan, magulang, at ilang matataas na tao sa kanilang bayan. Masama man ang loob ni Padre Salvi ay sumunod pa rin ito sa gubat kung saan nang makita niya si Maria Clara kasama ang mga kaibigan nito na naglalakad sa batisan ay palihim niyang sinundan ang dalaga. Nang dumulog na ang lahat sa hapag-kainan ay magkakasamang kumain sina Ibarra, ang tenyente, at ang kura. Sa gitna ng pagsasalo ay nagkaroon ng iringan at pagpaparinigan ang dalawang taong itinuturing na makapangyarihan sa kanilang bayan dahil sa biglaang pagdating ni Sisa sa kagubatan. Mabilis ding umalis ang babae ngunit agad namang ipinahanap ni Ibarra sa kanyang mga utusan subalit hindi na siya nasumpungan. Dumating din sa kagubatan ang grupo ng mga guardia civil upang dakipin ang isang tulisang walang iba kundi ang pilotong nakasama nina Ibarra sa kanilang pamamangka.

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 24.
Lumapastangan - taong gumawa ng masama; taong walang galang

Magtangka - magbalak; magplano

Marusing - marumi

Nanganinag - maaaninag o mababakas

Nanganlong - nagtago

Padudulugin - pahihintulutang makasalo

Parunggit - parinig

Sina Elias at Salome
Matutunghayan sa bahaging ito ng akda ang kuwento ng pag-ibig ni Elias. Matatandaang maagang umalis si Elias sa lugar na pinagdalhan niya kina Ibarra. Siya ay agad na tumuloy sa isang kubong pag-aari ng babaeng itinatangi ng kanyang puso - walang iba kundi si Salome. Isang simpleng babae si Salome. Sa unang tingin ay hindi agad mapapansin ang kanyang angking kagandahan sapagkat wala siyang anumang gayak o alahas sa katawan maliban sa kanyang rosaryong itim na nakasabit sa kanyang leeg at suklay na yari sa talukap ng pagong. Masayang-masaya ang dalaga sa pagdating ni Elias. Para sa kanya, ang hapon ang pinakamagandang bahagi ng kanyang araw sapagkat ito ang sandaling makakapiling niya si Elias. Magkaibigan man ang kanilang turingan sa isa't isa ay madaramang may malalim na pag-iibigan sa kanilang dalawa. Napansin ni Elias na umiyak ang dalaga. Ito ay sa dahilang malapit na niyang lisanin ang lugar na kanyang kinalakihan dahil hindi raw mabuti sa kanya ang manirahang mag-isa sa kubo. Naantig ang damdamin ng binata nang mabatid niya ito. Ipinagtapat niya sa dalagang kung hindi lamang dahil sa kanyang naging malagim na karanasan at sa kanyang kalagayan sa kasalukuyan ay matagal na niyang pinakasalan ang dalaga. Naghari sa puso ni Elias na pahalagahan ang kanyang prinsipyo at ipagpatuloy ang kanyang misyon kung kaya pinayuhan niya si Salomeng pumunta sa Mindoro upang maghanap ng mapapangasawang tunay na karapat-dapat para sa kanya.

Sa Bahay ng Pantas
Makikilala mo si Pilosopong Tasyo na itinuturing na baliw dahil sa kanyang naiibang angking talino at paraan ng pag-iisip. Sa kabila ng pangungutya sa kanya ng mga tao lalo na ng mga nasa kapangyarihan ay nagsadya pa rin si Crisostomo Ibarra sa kanilang tahanan upang hingan ng payo kung ano ang nararapat niyang gawin sa plano niyang pagpapatayo ng paaralan sa bayan ng San Diego. Sa tahanan ng matanda ay nasaksihan niya ang mga librong kanyang ginagawa na nakasulat gamit ang iba't ibang simbolo. Ayon sa matanda ito ay kanyang sinadya dahil ayon sa kanya kung ito ay ngayon mababasa sa paraang naiintindihan ng lahat tiyak na ito'y agad na susunugin. Ang aklat na kanyang ginagawa ay hindi para sa henerasyong ito kundi para sa mga susunod na salinlahi. Ang unang payong ibinigay ni Pilosopong Tasyo kay Ibarra tungkol sa kanyang planong pagpapatayo ng paaralan ay ang huwag siyang humingi ng payo sa matanda dahil tiyak na siya ay pag-iisipan ng mga tao na isa ring baliw. Pangalawa, pinayuhan niya si Ibarra na sumangguni sa kura paroko, sa alkalde, at sa iba pang matataas na tao sa kanilang lipunan bagay na hindi lubos na naunawaan ng binata. Ipinaliwanag ng matanda ang maraming bagay na dapat niyang isaalang-alang bago niya ganap na isakatuparan ang kanyang plano sapagkat batid ng matanda ang sistemang naghahari sa kanilang bayang San Diego na ang ganap na kapangyarihan ay hawak ng Simbahan.

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 26.
Estranghero - dayuhan

Huwad - peke; hindi totoo

Kahungkagan - kawalan; di makabuluhan

Kamulalaan - kamangmangan; katangahan

Kinuyom - itinago; kinimkim

Lupigin - talunin

Mabulagta - pagbagsak nang padapa o patihaya

Malaon - matagal ng panahon

Magkamal - magtamasa

Mapabubulaanan - mapasisinu- ngalingan

Magpakaaba - magpakababa; magpakahamak

Nakapanghihimasok - may kakayahang makialam

Nagpupuyos - nag-iinit ang kalooban

Pantas - totoong matalino; henyo

Sagupain - lusubin; harapin

Simpatya - pagtugon sa damdamin o kalagayan ng ibang tao

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 25.
Hibang - baliw; walang katuturan

Hinanakit - galit; tampo

Magpagunita - magpaalala

Maikubli - maitago

Malagim - nakatatakot

Natinag - naantig

pag-ulinig - pagdinig

Sasa - nipa

27: Bisperas ng Kapistahan at 28: Kinagabihan
Masasaksihan mo ang mga paghahandang ginagawa ng mga taga-San Diego tuwing sumasapit ang araw ng pista ng kanilang bayan. Kapansin-pansin ang kasiyahang bumabalot sa mga bahay, lansangan, simbahan, sabungan, at pati na sa mga kabukiran. Sa ginta ng kaabalahang ito ay patuloy naman sa pagtatrabaho ang mga manggagawang gumagawa ng pundasyon ng itatayong panulukang bato ng paaralang ipinatatayo ni Ibarra. Puspusan din ang ginagawang paghahanda sa bahay ni Kapitan Tiago. Lubhang marangya ang paghahandang kanyang ginagawa dahil sa kanyang pagnanais na mahigitan ang handa ng mayayamang pamilya sa kanilang lugar at gayundin upang mapasaya si Maria Clara at ang kanyang mamanuganging si Ibarra na laging paksa ng lahat ng usapan sa kanilang lugar. Isang pahayagan sa Maynila ang kumilala sa kahusayan at kagitingan ng binata samantalang si Maria Clara naman ay labis na hinangaan ng bawat taong nakakikita sa kanya.

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 27.
Losa - porselana ikubli-itago

makaiilak - makahihingi o makakalap ng ambag o d onasyon

Nagtamo - nagkamit

Nagtamo - nagkamit

Naparam - nawala

Tinggalan - imbakan

Pinagsanib - pinagsama

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 28.
Ikubli - itago

Kabagot - bagot-kainip-inip

Karangyaan - kaluhuan

Kargamento - kargo; mga kagamitang galing sa isang pook

Katabilan - kadaldalan

Malaluan - malampasan; mahigitan

Marilag - maganda

Nakakanlungan - natatakpan

Nangingilag - nahihiya; nangingimi kaya umiiwas

Panghihilakbot - matinding takot

Relikaryo - labí na may mataas na halaga dahil sa kalumaan o kaugnayan nito sa nakaraan

29: Mga Sulat at 30: Ang Araw ng Pista
Sa pamamagitan ng mga sulat ay inilarawan ni Jose Rizal ang mga pangyayari sa bisperas ng kapistahan ng San Diego. Sa unang liham, ipinakilala ang makapangyarihang taong dumalo at naging abala sa pagdiriwang ng pista gayundin ang magarbong paraan ng pagdiriwang nito mula sa mga palabas sa entablado, maringal na prusisyon, masasarap na pagkain hanggang sa inuming nakahanda sa mesa. Sa ikalawang liham ay mababasa ang kuwento ni G. Martin Aristorenas tungkol sa karanasan niya sa pagsusugal kasama ang mga kilalang taong gaya nina Padre Damaso at Kapitan Tiago.At sa huli ay mababasa ang sulat ni Maria Clarang may himig pag-aalala para kay Ibarrang hindi nakita sa mga pagdiriwang dahil sa masamang pakiramdam nito. Sa mismong araw ng pista, halos karamihan ng mga mamamayan ay nakasuot ng pinakamahuhusay nilang damit, magagandang alahas at mga sombrero. Umaga pa lamang ay punumpuno ng mga tao ang simbahan. Si Padre Damaso ay muntik nang hindi makapagsermon dahil sa sipon at pamamaos ng boses na nagawang malunasan ng matatandang babae sa kumbento. Maagang nagsimula ang prusisyon na halos wala namang ikinaiba sa prusisyon ng mga nagdaang araw maliban lamang sa insidenteng nangyari kay Padre Salvi kung saan siya'y tinawag na "Pa-pa! Pa-Pa" ng isang sanggol na mukhang Kastila.

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 29.
Bisperas - ang araw bago dumating ang takdang araw ng pagdiriwang

Magpaumanhinan  - magpasensiyahan: mag-unawaaan

Nahihiyasan - napapalamutian

Nakasaksi - nakakita

Napakataimtim - tapat; sinsero

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 30.
Deboto - panatiko

Kabaliwan - kalokohan

Monasteryo - sambahan

Nagkakawag - nagkakaway;nagpupumiglas

Umalma - lumaban

31: Sa Simbahan at 32: Ang Sermon
Sa loob ng simbahan ay nagsisiksikan at nagtutulakan ang mga mamamayan ng San Diego habang hinihintay ang sermon ng paring binayaran ng dalawang daan at limampung piso. May mga batang nag-iiyakan, natutulog, nakaluhod habang hinihintay ang pagsisimula ng misa. Si Padre Salvi na unang nagmisa ay naging kapuna-puna sa madalas niyang pagkawala sa tono ng pagkanta. Kasunod nito ang paghahanda para sa hinihintay na sermon ni Padre Damasong nagpatahimik at nagpaayos sa mga tao sa simbahan. Lubhang tahimik sa loob ng simbahan habang nagsesermon si Padre Damaso. Mapapansin ang taimtim na pakikinig ng mga tao sa kanyang sermon na sa simula pa lamang ay nagpahanga na sa mga paring nagbigay ng unang sermon. Tinalakay niya ang tungkol sa kaluluwa, impiyerno, mga ayaw magkumpisal, kasamaan, at kamunduhan ng mga tao. Iba't iba ang naging reaksiyon ng tao sa kanyang sinasabi na nagpamutla sa tenyente at nakapagpabalisa sa gobernador. Ngunit sa huli ay parang nawalan ng saysay ang kanyang sermon dahil nakatulugan at nakainipan na ito ng mga tao dahil sa haba.

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 31.
Antanda - pagkukrus

Salampak – nakalupasay; nakahandusay

Talungko – paraan ng pag-upo na nakadikit ang binti sa hita

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 32.
Bandido – taong masama o magaspang ang ugali

Huwad – hindi tunay

Ikampay - iwasiwas

Intelektuwal – matalino

Nagyuyukayok - nalugmok

Nangunyapit – kumapit

Uminog - umikot

33: Ang Panghugos at 34: Malayang Isipan
Dumating ang araw ng seremonya ng panghugos para sa paaralang nais ipatayo ni Ibarra. Naging usap-usapan at pinapurihan ng mga tao ang makinang gagamitin sa panghugos dahil sa mahusay at mukhang matibay na pagkakagawa nito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagiba ito nang si Ibarra ay bumaba sa hukay. Di sinasadyang natamaan nito at namatay ang lalaking may maputlang mukhang siya ring gumawa ng nasabing panghugos.Samantala, pinuntahan ni Elias si Ibarra sa kanyang tahanan. Binigyang muli ng babala ni Elias si Ibarra laban sa mga lihim nitong kaaway. Habang nag-uusap ang dalawang binata ay napagtanto ni Ibarra ang malaya at malawak na kaisipan ni Elias sa buhay.

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 33.
Hapay-hapay – kumiling-kiling

Kumabyos – sumala; dumaplis

Matantiya - masukat

Pagsasaklubin – pagsasamahin

Sangguniin – tanungin; hingan ng payo

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 34.
Nakalipas - nakaraan

Pasiklab – pasabog

Patibong - panganib

Puksain - patayin

35: Ang Pananghalian at 36: Reaksiyon
Masayang nagkatipon sa isang masaganang pananghalian ang ilang mga kilalang tao sa San Diego. Bahagya itong naputol nang makatanggap ng telegrama si Kapitan Tiago at ilan pang pinuno hinggil sa pagdating ng Gobernador-Heneral sa kanilang bayan. Nagpatuloy ang masayang pagkain at pag-uusap nang lahat hanggang sa dumating si Padre Damaso. Dito'y tila itinuloy niya ang kanyang sermon na karamiha'y patungkol kay Ibarra. Nanatiling tahimik at pigil ang binata sa lahat ng sinabi ng pari ngunit hindi nang banggitin ni Padre Damaso ang tungkol sa kanyang amang si Don Rafael. Nasaktan niya ang pari at muntik nang mapatay kundi lamang sa mabilis na pagkilos ni Maria Clara.Ang nasabing pangyayari ay mabilis na kumalat sa bayan at umani ng iba't ibang reaksiyon. May ilang nagsasabing mali ang ginawa ni Ibarra at dapat sana'y hinabaan na lamang ang kanyang pasensiya. Ang ilan naman ay nagsasabing sang-ayon sila sa ginawa ng binata dahil walang sinoman ang may karapatang humamak sa alaala ng isang namayapang ama. Napag-usapan din ang maaaring maging parusa o magiging kalagayan ni Ibarra maging ng paaralang kanyang ipinatatayo dahil sa pangyayari. Nalungkot at tila nawalan ng pag-asa ang ilang mahihirap na hindi na makapag-aaral pa ang kanilang mga anak kung hindi na matutuloy ang pagpapatayo ng paaralan.

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 35.
Barbaro – Taong masama o magaspang ang ugali

Kondenado – pinag-uusig

Mulisan – masamang loob

Nagdildil – paggiit, pagpilit, pagtitiis

Namulpol - pumitas

Punyal - kutsilyo

Sagrado - banal

Segunda-mano – hindi bago

Sulsulan – utusan, udyukan

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 36.
Ekskomunikasyon – taong tiwalag sa simbahan

Hampaslupa – mahirap

Ipaggiitan - ipinagpilitan

Kutsero – nagpapaandar ng kalesa

Nagimbal – nagulat, natakot

Nangahas – naglakas loob

Sanggano – ugaling barumbado

Subersibo – taong kumikilos laban sa dapat o pinaiiral ng batas

Yumao - namatay

37: Unang mga Epekto at 38: Ang Gobernador-Heneral
Bunga ng pangyayaring naganap sa pagitan nina Padre Damasoat Ibarra ay unang naapektuhan ang mag-amang Kapitan Tiago at Maria Clara. Dahil sa ipinataw na parusang ekskomulgado kay Ibarra ay inutusan ng mga prayle si Kapitan Tiago na putulin ang relasyon nina Maria Clara at Ibarra. Labis itong dinamdam ni Maria Clara kaya't maghapon siyang nag-iiyak at nagtanong sa Diyos kung bakit dapat niyang maranasan ang ganoong kasawian.Dumating na ang gobernador-heneral sa bayan ng San Diego. Halos lahat ng mga pinuno ng bayan at maging ng simbahan ay dumalaw sa kanyang tanggapan upang magbigay-galang. Samantala, si Ibarra ay sinadya niyang ipahanap upang kausapin nang araw ring iyon. Humanga siya sa talino at pagmamalasakit nito sa bayan kaya't nag-alok siya ng tulong para rito. Inutusan niya ang gobernador-probinsyal na tulungan si Ibarra sa mga proyekto nito at siguraduhing walang makahahadlang o makapanghihimasok sa mga balakin ng binata. Pinuri niya rin si Kapitan Tiago sa pagkakaroon ng magandang anak at kapuri-puring mamanugangin kaya't nagprisinta pa siyang maging ninong sa kasal ng dalawa.

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 37.
Ekskomunyon – pagkakatiwalag sa simabahan

Dalisay – puro, tapat malinis

Ikondena - usigin

Isakripisyo - ipagpakasakit

Mag-abuloy - magbigay

Magdalantao - magbuntis

Mapatahan - mapatigil

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 38.
Alinlangan – di-sigurado

Ipagpitagan – igalang, bigyang-parangal

Oportunista - manloloko

Rekomendasyon – tagubilin

Sibilisado – edukado, may pinag-aralan

Yumukod - yumuko

39: Ang Prusisyon at 40: Si Donya Consolacion
Nang sumapit ang gabi ay inilabas na ang pang-apat na prusisyon. Maraming kilalang tao ang nanood at nakisama rito. Ang mga imahe ay isa-isang ipinarada sa pangunguna ni San Juan Bautista, kasunod ang santong sina San Francisco, Santa Maria Magdalena, at San Diego na halos napalalamutian at nabibihisan ng magaganda at mamahaling hiyas at pailaw liban sa una. Ang magarbong prusisyon ay sinamahan din ng mga patulang dasal at matamis na awit na nagdulot ng lumbay at di maipaliwanag na pangamba kay Ibarra nang gabing iyon.Samantala habang abala ang marami sa pakikipagsaya sa pista, si Donya Consolacion ay nakakulong sa kanyang bahay. Hindi siya nakapagsaya o dumalo man lamang ng misa dahil pinagbawalan siya ng kanyang asawa. Ikinahihiya kasi siya ng kanyang asawang tenyente. Kaya sa pag-iisa ay napagdiskitahan niya si Sisa. Pinaawit niya ang kaawa-awang babae, pinasayaw, pinagsalitaan nang hindi magaganda sa wikang Kastila, at hinataw pa ng latigo nang hindi agad sumunod sa kanya.

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 39.
Debosyon - pananalig

Karosa - mga karwahe o sasakyang pinaglalagyan ng rebulto ng mga santo para sa prusisyon

Magara - maganda

Malamyos - malambing; masuyo

Nananaghoy - umiiyak nang malakas

Napasungaw - napadungaw;lumitaw

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 40.
Atungal - malakas na pag-iyak

Balisa - lito; naguguluhan

Barikada - harang

Kinagawian - kinasanayan

Naditine - natigil; nakulong

Nakagitaw - nakalitaw; nakalantad

Nakasupalpal - nakalagay sa bibig

Tungayaw - paglait; masamang salita

41: Karapatan at Kapangyarihan at 42: Dalawang Panauhin
Huling gabi ng pista, napuno ng tao ang plasa upang manood ng dula. Si Don Filipo ang namahala sa pagdiriwang. Halos magtatapos na ang dula nang dumating si Ibarra. Hindi nagustuhan ng mga prayle ang kanyang pagdating kaya't hiniling ng mga itong paalisin si Ibarra. Ngunit nanindigan si Don Filipo na hindi niya maaaring paalisin ang binata dahil sa malaking abuloy nito sa pagdiriwang at dahil na rin sa utos ng gobernador-heneral. Nagkaroon ng iba pang hindi pagkakaunawaan nang gabing iyon na nauwi sa malaking kaguluhan.Samantala nang makauwi sa bahay si Ibarra ay halos hindi siya dalawin ng antok. Iniisip niya ang kaguluhang naganap kaya't minabuti niyang gumawa na lamang sa kanyang aklatan. Una siyang dinalaw ni ni Elias at sinabi nitong may sakit si Maria Clara at kung may ipagbibilin ba si Ibarra dahil pupunta siya sa Batangas. Sumunod na dumalaw sa kanya si Lucas na nangungulit sa kanya tungkol sa perang makukuha ng kanyang pamilya dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Sinabi nitong maaari lamang silang maging magkaibigan ni Ibarra kung malaki ang perang ibabayad ni Ibarra para sa kanyang namatay na kapatid.

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 41.
Awtoridad - maykapangyarihan

Iskandaluhin -  guluhin; ipahiya

Ginaratiyahan - sinisigurado; pinananagutang tama

Komedya - isang dulang pantanghalang may layuning magpatawa

Korespondent - tagapagbalita

Kuwitis - isang uri ng pailaw na pumapaitaas sa kalawakan at pumuputok

Kwartel - himpilan ng mga sundalo

Moro - tawag sa mga mandirigmang Muslim

Nagtihaya - nakahiga nang lapat ang likod sa sahig

Sinita - pinansin

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 42.
Eksperimento - pagtuklas

Kemikal - sangkap na ginagamit sa paglikha ng maraming bagay

Selyado - sarado

Umuukilkil - gumigiit; pumapasok; sumisingit

43: Ang Mag-asawang De Espadana, 44: Mga Balak at 45: Ang Pangungumpisal
Madarama mo ang lungkot ng mga tao sa bahay ni Kapitan Tiago habang hinihintay nila ang doktor na titingin kay Maria Clara, si Dr. Tiburcio de Espadaña, ang asawa ni Donya Victorina. May kakaiba at kakatwang kuwento ang buhay ng mag-asawa bago pa nila napagkasunduang magpakasal, at sa pagsasalaysay ng kanilang kuwento masasalamin mong hindi sila masaya sa kanilang pag-iisang dibdib. Ang dahilan ng kanilang pagpapakasal ay upang matugunan ang kanilang magkaibang pangangailangan. Sa pagdating ni Don Tiburcio kasama ang kanyang maybahay ay binigyan nila ng pag-asa ang pamilya ni Maria Clara upang maibsan ang kanilang kalungkutan. Maging si Padre Damaso ay labis na nabalisa sa pagkakasakit ni Maria Clara. Naibsan panandalian ang kanyang pagkabalisa nang ipakilala sa kanya ni Donya Victorina si Alfonso Linares, ang inaanak ng bayaw ni Padre Damaso. May liham na dala si Linares para kay Padre Damaso. Habang sila ay nag-uusap ay siya namang pagdating ni Lucas na pagkaraang masabi ang sadya ay sinigawan at pinagtabuyan ni PadreSalvi.Pagkatapos mangumpisal ay nabinat si Maria Clara. Nag-usap-usapsila upang lubusang gumaling ang dalaga. Magkaiba ang opinyon ni Padre Salvi at Donya Victorina, ngunit sa huli ang hatol ng kura angnanaig-mangngomunyon ang dalaga.

Ang mga Api
Hinanap ni Elias sa gitna ng kabundukan ang isang matandang lalaking tumulong sa kanya ilang buwan na ang nakalilipas.Ang lalaking ito ay si Pablo na kasalukuyang nagtatago dahil itinuring siyang rebelde ng pamahalaang Espanyol. Ibinahagi ni Pablo kay Elias ang mapait na pinagdaanan niya at ng kanyang pamilya. Hinimok siya ni Elias na magbagong-buhay at pinangakuang kakausapin ang isang lalaking mayamang pinaglilingkuran niya na sa tingin niya ay makatutulong sa kanilang mga api. Bagama't may duda si Pablo ay nanalig siya kay Elias.

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 43.
Balingkinitan - payat

Dinaskol - daskol - minadali

Ginugugol - ginagasta

Kabuwayan - kahinaan

Kalubhaan - pagkagrabe

Karamdaman - sakit

Kauudyok - kasusulsol

Mababakas - makikita

Mapanglaw - malungkot

nagpahintulot - pumayag

Nanaog - bumaba

Paanas - mas mahina sa bulong

Patiyad - nakataas ang sakong

Prestihiyo - kabantugan

Yumukod - yumuko

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 44.
Ibinulalas - inilabas

impit - mahina at pigil na tunog

Mahinay - malumanay

Matiwasay - payapa

Nauuntol - nauutal

Namangha - nagulat

Terasa - balkonahe

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 45.
Humihiging - tumutunog: humuhuni

kahali-halina - kaakit-akit

Mabisa - epektibo

Magkapatlang - magka-awang

Nakababagot - nakaiinip

Nakababalisa - nakakagulo

pagmumuni-muni - pag-isip nang taimtim

Sabad - singit sa usapan

Satsatan - usapan

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 46.
Basal - hindi pa nagagamit

Ginugol - ginamit; ginasta

Marahas - ginamitan ng puwersa o dahas

Marusing - marumi

Matiwasay - mapayapa

Naglalagos - nagdaraan

Nilinga - nilingon

Palanas - batuhan

Pingot - uka; pingas

Sagabal - hadlang

Tanglaw - gabay

Tugunin - sagutin

Tuktok - pinakamataas na parte

Yungib - kuweba

47: Ang Sabungan at 48: Ang Dalawang Donya
Ang araling ito ay nagpapakita ng dalawang tunggalian o sagupaan-ang sabong ng mga manok at ang paghaharap ng dalawang donya. Ang sabong ng mga manok ay sugal na naging bahagi na ng pamumuhay ng mga Pilipino. Dito ipinakikita ang iba't ibang uri ng tao sa sabungan, ang iba't ibang dahilan ng kanilang pagpunta sa lugar na ito, at ang kanilang ginagawa pagkatapos ng kanilang pagkatalo. Ang paghaharap naman ng dalawang donya ay bunga ng mababang tingin ni Donya Victorina kay Donya Consolacion at mataas na pagpapahalaga ng una sa kanyang sarili. Pinatulan ni Donya Consolacion ang hamon ng mapagmataas na donya at doon nagkabistuhan ng mga lihim. Dahil sa hindi magandang kinahinatnan ng kanilang pamamasyal bumalik sila sa bahay ni Kapitan Tiago at pinagbantaan si Linares na kapag hindi hinamon ng duwelo ang tenyente ay ibubunyag niya ang lihim nito.

49: Isang Talinghaga at 50: Ang Tagapagbalita ng mga Api
Sa araling ito ay matutunghayan mo ang pagbabalik ni Ibarra dala ang balitang pinatawad siya ng arsobispo sa pagiging ekskumulgado. Una niyang dinalaw si Maria Clara ngunit tila nabigla siya nang madatnan niya sa bahay ni Kapitan Tiago si Linares. Isa pa niyang ipinagtaka ang pagtatrabaho ni Elias kay Maestro Juan kahit hindi ito kasali sa listahan ng mga manggagawa. Gayunpaman, nakipagtipan siya kay Elias upang pakinggan kung ano ang talagang pakay nito. Sinabi ni Elias kay Ibarra ang mga hinaing ng mga manghihimagsik. Napagtanto ni Elias na magkaiba pala ang kanilang pananaw tungkol sa guardia sibil at korporasyon ng mga prayle. Sa huli, hiniling ni Ibarra ang kuwento ng buhay ni Elias sa paniniwalang makatutulong ito upang higit niyang maunawaan ang mga hinaing na idinulog sa kanya.

51: Ang Kasaysayan ni Elias at 52: Ang mga Pagbabago
Mahahabag ka sa paglalahad ni Elias ng kasaysayan ng kanyang angkan. Kitang-kita sa kanyang inilahad ang kalupitan ng tao sa kapwa tao. Madarama mo rin ang malaking pagitan ng mayayaman sa mahihirap. Isang malaking dagok sa mahirap kapag ikaw ay naparatangan at walang pera upang magbayad ng tagapagtanggol, ito ay nangangahulugan ng parusa at pagkondena ng taumbayan kahit ikaw ay inosente sa paratang. Ganito ang masaklap na nangyari sa nuno ni Elias. Ang mayaman naman ay malayang nakapagpaparatang at nakapagsasakdal kahit walang katotohanan. Naging biktima naman ang ama ni Elias ng ganitong kawalan ng hustisya. Nabagabag si Ibarra sa nakaraang isinalaysay ni Elias, hinimok siya ni Elias na manguna sa pagpaparating ng karaingan ng mamamayan. Sa paniniwalang hindi pa napapanahon ang hinihinging pagbabago, tumanggi si Ibarra sa hiling ni Elias. Ngunit hindi dito nagtatapos ang pagnanais ni Elias na pagbabago sa pamahalaan. Sa paggulong ng iba't ibang kuwento ng buhay ng mga tauhan ay kapansin-pansin ang mga pagbabago sa mga damdamin ng mga tauhan lalong-lalo na kay Maria Clara at kay Padre Salvi.

53: Ang Mapalad na Baraha at 54: Ipinakilala ng Umaga ang Magandang Araw
May nagtagpo sa sementeryo upang pag-usapan ang isang balak. Lingid sa kanilang kaalaman ay sinundan sila ni Elias upang alamin ang balak ng mga ito. Nagkaharap sina Lucas at Elias na hindi nagkakakilanlan, ngunit naghiwalay rin matapos matalo sa sugal si Elias Naging usap-usapan naman ang nakitang ilaw sa sementeryo noong gabing iyon. Kanya-kanyang pagbibigay ng kahulugan ang mga manang sa nakita o kunwari'y nakita nila. Habang pinag-uusapan nila ang pangyayaring ito at iniisip na mula ito sa mga kaluluwa sa purgatoryo ay binisita naman ni Don Filipo si Pilosopong Tasyo. Marami silang pinag-usapang nagpatingkad sa karunungan ni Pilosopong Tasyo. Tumanggi nang uminom ng gamot si Pilosopong Tasyo. Ayon sa kanya mas kakailanganin iyon ng mga maiiwan. Ibinilin niya ring nais niyang makausap si Ibarra.

Ang Sabwatan
Mapapansin mong kakaiba ang ikinilos ni Padre Salvi nang araw na iyon. Humangos siya patungo sa bahay ng alperes upang ibalita ang natuklasan niyang sabwatan. Pinayuhan niya ang alperes na huwag nang humingi ng tulong sa garison upang mahuli ang may pakana ng lahat nang ito. Ngunit sino nga ba ang may pakana ng lahat nang ito? Maaaring ito ay isa lamang plano upang madiin si Ibarra. Natuklasan ni Elias ang maitim na balak na ito kaya dali-dali niyang pinuntahan si Ibarra at hinimok na umalis upang hindi siya mapagbuntunan ng sisi. Ang inaakala niyang pagtulong kay Ibarra ay naging susi upang matuklasan niya ang isang katotohanan. Tiyak na hindi ka bibitiw sa kabanatang ito dahil maraming rebelasyong magpapayanig sa mga tauhan.

56: Ang Kapahamakan at 57: Ang mga Sabi-sabi
Sa araling ito, magaganap ang isang kapahamakang bunga ng pagsasabwatan. Lulusubin ang kuwartel at ang pagbibintangang may pakana ng lahat ay si Crisostomo Ibarra. Huhulihin siya ng mga guwardiya civil sa kautusan ng komandante. Si Elias naman ay natuliro nang natuklasang ang lolo sa tuhod pala ni Ibarra ang taong naging dahilan ng kasawian ng kanyang lolo at ng kanilang buong pamilya. Nagbalik sa kanyang alaala ang lahat ng masasaklap na kabiguan at kamatayang naganap sa kanyang pamilya dahil sa kagagawan ng lolo sa tuhod ni Ibarra. Subalit siya'y nahimasmasan at hindi rin nakatiis. Bumalik siya sa bahay ni Ibarra upang kunin ang mga bagay na maaaring lalong makapagdiin sa binata. Binalak niyang itakas lang ang mga bagay at papeles na iyon subalit nang matanaw niyang padating na ang mga guwardiya sibil na maghahalughog sa bahay ng binata ay dinala na lang niya ang pinakamahahalaga at saka sadyang sinunog ang silid na kumalat na rin sa buong kabahayan upang tuluyang maabo ang lahat ng dokumentong puwedeng magdiin kay Ibarra. Kinabukasan ay takot ang namayani sa buong bayan dahil sa kaguluhang naganap nang nagdaang gabi. Iba't ibang sabi-sabi mula sa mga taumbayan ang naglabasan tungkol sa paglusob sa kuwartel. Ang araw ay nagtapos sa pagkakatuklas sa isang bangkay na nakabitin at inakalang nagbigti. Subalit isang tauhang nakakubli sa malapad na sombrero na walang iba kundi si Elias, ang nakakita ng ilang palatandaang hindi nagpakamatay kundi sadyang pinatay ang nakitang bangkay-ang bangkay ni Lucas.

58: Silang mga Nalupig at 59: Siyang Dapat Sisihin
Sa araling ito'y makikita ang labis na parusa at kalupitan sa kalalakihang nahuling lumusob sa kuwartel. Nakakulong sila sa isang silid na napakadilim at nakasusulasok ang amoy. Dalawa sa mga bilanggo ang nakapangaw o nakakadena nang magkalayo nang halos isang dipa ang mga paa. Sa araw na iyon, silang dalawa ang iimbestigahan. Isa sa kanila, ang lalaking nagngangalang Tarsilo ang makararanas ng labis na kalupitan. Pinipilit siyang magsalita at idiin si Don Crisostomo Ibarra bilang pasimuno at nagbayad sa kanila upang gawin ang paglusob subalit nanindigan siyang ni hindi niya kilala at ni hindi nakakausap si Don Crisostomo. Sinabi niyang ang dahilan sa kanilang paglusob ay upang ipaghiganti ang ginawang pagpatay sa kanilang ama. Dahil sa paninindigang iyon ni Tarsilo ay ipinatikim sa kanya ang sukdulang pananakit na humangga sa pagtitimba o pagbibitin nang patiwarik at paghuhulog sa kanya nang una ang ulo sa isang madulas, marumi, at nangangamoy na balon. Pinatagal nang ilang minuto ang gayong kalupitan subalit kahit sa harap ng kamatayan ay hindi binago ni Tarsilo ang unang sinabi kaya't namatay siya sa isang malupit at karumal-dumal na paraan. Agad kumalat sa bayan ang balitang ililipat ang mga bilanggo sa ulumbayan kaya't ang mga kamag-anak ng mga bilanggo ay nagpalipat-lipat sa kumbento, sa kuwartel, at sa munisipyo nang nananangis habang nagmamakaawa at umaasang mapipigilan ang paglilipat. Subalit anumang pananangis at pakikiusap nila ay walang nagawa dahil inilipat din ang mga bilanggo sakay ng isang kariton. Dahil dito, ang galit ng mga kamag-anak ay nabunton kay Ibarra. Sinisi siya, pinagbabato, at pinagsisigawan ng masasakit na salita. Wala ni isa mang kaibigan o mahal sa buhay ang nagpakita o nagtanggol kay Ibarra. Nakita rin niya ang usok sa labi ng kanyang nasunog na bahay. Labis ang kanyang kalungkutan dahil ngayo'y naniniwalang wala na siyang bayan, ni tahanan, walang nagmamahal, walang kaibigan, ni kinabukasan.

Pagkamakabayan at Kapakanang Pansarili
Nalaman na sa Maynila ang paglusob na naganap sa bayan ng San Diego. Nalathala ito sa mga pahayagan bagama't iba't ibang bersiyon at kinatay na sa sensor ang mga lumabas na balitang may kalakip na pagbabanta na labis na ikinatakot ng mga Pilipinong nakabasa. Naging malaking usap-usapan ang nangyari. Labis na napulaan si Ibarra samantalang papuri naman ang natanggap ni Padre Salvi at inaakala pa ng ibang pari na baka masungkit niya ang mitra ng obispo o maging isa siyang obispo dahil sa naging papel niya sa naudlot na pag-aalsa. Labis na nabagabag ang mga taong nagkaroon ng kaugnayan kay Ibarra dahil sa takot na madamay sila ngayon at inuusig na ang binata. Katulad ng pamilya ni Kapitan Tinong na labis na nabagabag dahil sa minsa'y pag-iimbita sa binata sa pananghalian at pakikipag-usap rito kapag nakikita siya sa mga kasayahan. Pinayuhan sila ng kamag-anak na si Don Primitivo na magregalo ng mamahaling singsing sa gobernador heneral upang makakuha ng pabor at makaiwas sa pag-aresto sa kanya. Subalit nakasama pa pala ito dahil nang malaman ng iba ang ginawa nilang pagbibigay ng mamahaling bagay ay lalo silang pinagdudahan at naging sanhi pa ng pagkakaimbita sa kanya upang magpaliwanag at "magbakasyon" sa tanggapan ng pamahalaan.

Ang Kasal ni Maria Clara
Masayang-masaya si Kapitan Tiago sapagkat sa kabila ng naging kaugnayan niya at ng kanyang pamilya kay Ibarra ay hindi siya nadakip0naikulong di tulad ng sinapit ng ilan niyang mga kakilalang gaya ni Kapitan Tinong na umuwing may sakit pagkatapos ng ilang araw na "pagbabakasyon" sa gusali ng pamahalaan. Kinikilala ni Kapitan Tiago na ang nangyari sa kanya ay himala ng birhen subalit inisip din niyang may kinalaman dito ang impluwensiya ni Linares na ipakakasal niya kay Maria Clara. Dumating sina Linares, Donya Victorina, at Don Tiburcio para mapag-usapan ang kasal. Kinabukasa'y isang marangyang handaan ang naganap sa tahanan ni Kapitan Tiago. Doo'y napag-usapan ng mga panauhin ang sinapit ni Ibarra. Sinabi ni Tinyente Guevarra na dapat sana'y napawalang-sala si Ibarra kung hindi sa liham ng isang dalaga (na walang iba kundi si Maria Clara) na nagdiin sa kanya sapagkat inamin ni Ibarra na siya nga ang sumulat ng mga liham na ito.Nang natapos ang kasayahan ay nagtagpo sa balkonahe sina Ibarra at Maria Clara. Sinabi ni Ibarra na dumaan siya para ipaalam sa dalaga na pinatatawad niya ito. Subalit ipinagtapat naman ni Maria Clara ang pinakaiingatang lihim; na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso at kaya nakuha ang liham ni Ibarra sa kanya ay dahil isang nilalang ang nagbanta na dapat niyang ibigay ang mga liham ni Ibarra kapalit ng dalawang liham na sinulat ng ina ni Maria Clara na nagsasabing buntis siya at si Padre Damaso ang ama ng kanyang dinadala.

Tugisan sa Lawa
Pagkatapos makapag-usap nina Ibarra at Maria Clara ay nagpatuloy na sa paglalayag sina Elias at Ibarra habang pinag-uusapan ang kani-kanilang pananaw ukol sa buhay, sa pamilya, at sa bayan. Iminungkahi ni Elias ang pangingibang-bayan ni Ibarra upang mabuhay siya nang tahimik sa nalalabi niyang mga araw. Sinabi ni Ibarra na kung mangingibang-bansa siya ay isasama niya si Elias at magtuturingan silang magkapatid subalit tumanggi ang huli at sinabing handa siyang magtiis at mamatay nang dahil sa bayan hangga't ang mga Pilipino ay hindi pa nabibigkis ng pagkakaisa. Dito nagkaroon ng magsakasalungat na pananaw tungkol sa pakikipaglaban ang dalawa. Ayaw ni Elias na gumamit ng marahas na paraan habang may nakikita pa siyang kaunting pag-asa sa tao samantalang si Ibarra ay namulat na sa nakasusuklam na kanser na ngumangatngat sa lipunan, nananalasa sa bayan, kaya't kailangang sugpuin maging sa marahas na paraan. Habang nag-uusap ay napadaan sila sa palasyo ng gobernador-heneral, at napansin nila ang pagkakagulo ng mga sundalo. Tinakpan ni Elias ng damo si Ibarra upang hindi makita. Nagpatuloy sila sa paglalayag hanggang sa makita sila ng lantsa ng patrulya na humarang sa kanilang landas. Dito nagsimula ang habulan o tugisan sa lawa. Nang masusukol na sila ay nagdesisyon si Elias na tumalon at magpahabol upang mailigtas ni Ibarra ang sarili. Pinagbabaril siya ng mga sundalo tuwing lulutang hanggang sa tuluyan na siyang hindi lumutang. Isang bangkero ang nagbalitang nakakita siya ng ilang patak ng dugo sa may pampang subalit hindi siya pinaniwalaan ng mga nakarinig.

63: Nagpaliwanag si Padre Damaso, 64: Noche Buena at Ang Katapusan
Nalaman ni Maria Clara mula sa mga ulat sa pahayagan na nalunod daw si Ibarra. Dahil dito'y ninais na niyang umurong sa kasal kay Linares. Sinabi niya ang planong ito kay Padre Damaso na labis na ikinabalisa ng huli. Humingi ng patawad si Padre Damaso sa ginawa niyang panghihimasok sa pag-iibigan nina Maria Clara at Ibarra. Sinabi niyang iniisip lang niya ang kinabukasan ni Maria Clara at ayaw niyang makita itong namimighati dahil sa pag-aasawa ng isang Pilipino at maging isang sawimpalad na ina. Subalit paninindigan ni Maria ang kagustuhang umurong sa kasal at magmongha kung hindi, siya ay magpapatiwakal. Walang nagawa ang nababalisang pari kundi sumunod sa kagustuhan ng dalaga. Sa kabilang dako, isang pamilya sa bundok ang nakatagpo at tumulong kay Basilio. Isang araw bago ang noche buena ay nagpaalam ang bata upang puntahan ang kanyang ina at ibigay ang pinakamahalagang regalo-ang pagbabalik ng kanyang anak. Ayaw pa sana siyang payagan subalit naunawaan ng matanda ang kagustuhan ng bata. Pagdating sa bayan ay nalaman ni Basilio na nabaliw ang kanyang ina. Hinanap niya ito subalit nang magkita sila ay hindi naman siya nakilala ng ina. Tumakbo si Sisa at nagpunta sa mahiwagang gubat ng mga Ibarra. Sinundan siya ni Basilio subalit hindi pinagbuksan ni Sisa ang anak kaya't napilitan itong umakyat sa bakod at tumalon. Sa pagkakita ng duguang anak ay nagbalik ang katinuan ni Sisa at pinaghahagkan ang anak subalit iyon na pala ang huling pag-uulayaw ng mag-ina sapagkat nang magising si Basilio ay patay na ang ina. Isang di-kilalang lalaking sugatan at malapit na ring mamatay ang nakita niya at naghabilin ng gagawin kapag siya'y namatay. Sa pagwawakas ng nobela, ang lahat halos ng tauhan ay naiwang sawimpalad maliban sa alperes na nakabalik sa Espanya at nataas ng ranggo at kay Padre Salvi na nagkaroon ng bagong posisyon. Napabalitang si Maria Clara ay patay na subalit ang mga balitang tulad nito patungkol sa kanya ay hindi makompirma. Ang kaawa-awang kuwento tungkol sa sawimpalad na si Maria Clara sa kanyang pagmomongha ay itinago na lamang ng makakapal na bakod ng monasteryo hanggang sa wala nang nabalitaan tungkol sa kanya.

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 47.
Baina – ipinapantakip sa tari ng mga manok na magsasabong

Bangis – kabagsikang may halong kalupitan

Dumaluhong – sumalakay; lumusob

Ginugugol – ginagagamit

Hitso – bunga, apog at maskada na pinagsama-sama at binalot sa dahoon ng ikmo

Ipinangingilin – abstensiyon

Ipusta - itaya

Kinagawian – kinasanayan

Laganap - nagkalat

Lasak – kulay itim at puti

Manibasib - manugod

Masimot- maubos

Nag-atabuli – nagdalawang-isip

Nagsagupa – naglaban

Nangalisag - tumayo

Nakatutulig – nakbibinging ingay

Namamaos – nauubusan ng boses

Pulutong – pangkat

Ruweba – lugar sa sabungan na hugis bilog kung saan naghaharap ang dalawang manok na magkalaban

Sasalakay – lukusob

Sultador – tagapag-ulot ng mmanok sa sabungan

Talisain - manok

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 48.
Alimura – masakit at nakaiinsultong salita

Duwelo – labanan; tunggalian

Laylayan – dulo ng isang bagay, damit o kurtina

Lubak-lubak – bako-bako, butas-butas

Magara - maganda

Nakasandig – nakasandal

Palamuti - dekorasyon

Patutsada – walang kabuluhang pagsasalita na nakaiinsulto

Pilantod - pilay

Protocol – kaugalian at alituntunin tungkol sa mga seremonya at Magandang kaugalian ng mga diplomatiko at iba pa sa korte, palasyo o ulong-bayan

Tungayaw – masasamang salitang nauusal kapag nagagalit

Umingos – umirap

Urbanidad – mabuting pag-uugali o asal

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 49.
Abaniko - pamaypay

Anyaya – imbita

Balkonahe - balkoni

Daluyan – daanan

Garing – galing sa ngipin o pangil ng elepante

Ginulpi – binugbog

Nangangamba - natatakot

Nasaksihan – natunghayan

Mapagwari - maunawaan

Pagpapala – basbas

Sulyap – tinging pahapyaw

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 50.
Abusado - mapagmalabis

Amnesty - pagpapatawad sa pagkakasala o paglabag sa gobyerno

Baybayin - tabing-dagat; dalampasigan

laganap - nagkalat; naglipana

Luminga - lumingon sa kaliwa at kanan

Magpataw - maglapat

Mapaminsala - mapanira

Mapapala - makukuha

Napaparalisa - hindi makakilos

Matamban - puspusan

nag-atas - nag-utos

Naglaho - nawala

Nanlulumo - nanlalambot

Pagsisiyasat - pag-iimbestiga

Pagsususpetsahan - pagbibintangan

Pampang - tabi ng ilog o dagat

Pribilehiyo - kapakinabangan; karapatan

Radikal - tumutukoy sa isang taong sukdulan kung magpasya

Reporma - pagbabago

Salag - pagpapasinungaling sa mga paratang

Sawimpalad - bigo

Simbuyo - silakbo ng damdamin

Tumitimo - tumatatak

Makipagtipan - makipagkita

Manghihimagsik - rebelde

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 51.
Hinamak - minaliit

Inusig – siniyasat

Kahabag-habag – kaawa-awa

Kinalag - tinanggal

Kinondena - itinakwil

Lumaganap – kumalat

Mabalasik - mabagsik

Nagbubulaan – nagsisinungaling

Nagulumihanan - naguluhan

Naimpok – naipon

Namumuhi – nagagalit

Napinsala – nasira

Pagbalikwas – pagbangon dala ng pagkagulat

Pagdanak - pagkalat

Pagpapatalastas – pag-aanunsiyo; pagsasabi

Pangungutya – pang-iinsulto; pang-aapi

Udyok – sulsol; buyo

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 52.
Nababalisa – hindi mapalagay

Sagabal – hadlang

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 53.
Kumpunihih - ayusin

Mahinahon – malumanay

Naatraso - nahuli

Nagkukubli – nagtatago

Nagpalinga-linga – lumingon-lingon

Namataan – Nakita

Nanghas - sumubok

Sinapit – narrating

Sumagi - naalala

Umusal - bumigkas

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 54.
Abuloy – tulong-; ambag

Dalubhasa – eksperto

Huwaran - modelo

Naglaho – Nawala

Nakakahulagpos - nakakawala

Namamatnubay - gumagabay

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 55.
Atungal – malakas na iyak

Bahaw – malamig

Katha-katha – gawa-gawa

Nagtangka – nagbalak

Nakatutuya - nakaiinis

Napamulagat – nagulat

Mabalda – mag-alala

Orasyon – angelus

Pagmamasid – pag-oobserba

Rehimento -pulutong ng hukbong binubo ng maraming batalyon

Sable – isang uri ng espada

Tipunin - ipunin

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 56.
Binatuta – pinalo ng batuta o kahoy na matigas

Humihiging - umuugong

Ipinaghihimutok – ikinasasama ng loob

Kalabugan – ingay na dala ng katawan o bagay na bumabagsak o sinasaktan

Lagablab – malakas na apoy

Nagyayaot dito – palakad-lakad

Nagpasuling-suling – naglakad o nagtatakbo nang walang tiyak na pupunahan

Nakaliligalig – nakababahala; nagbibigay pangamba

Nakasisindak - nakatatakot

Nakapinid - nakasara

Napakukupkop - nagpapasaklolo

Namumulawan – puno ang bibig ng pagkain kaya’t hindi makapagsalita

Natalisod – nadapa dahil sa bagay na nakaharang sa daanan

Nilukso – nilundag; tinalon

Pahintulot – may permiso

Pananalunton - paglalakad

Pauntol-untol – paputol-putol

Pangungunyapit - pagkapit

Silbato – tunog ng pito

Tumupok – sumunog: naabo dahil sa sunog

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 57.
Hagikgik – mahinang pagtawa

Kakatwa - kakaiba

Kawaksi - katulong

Kinatitirikan – kinatatayuan

Lumaboy – lumabas o lumakad palayo sa bahay o sa labas ng bahay

Mauusisa - mapagtanong

Nalantad - nakita

Namamaybay - naglalakad

Nangungubli - nagtatago

Nilisan - iniwan

Ulilang lansangan – walang katao-tao

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 58.
Bulwagan – malaking silid na maaaring ganapan ng mahahalagang pagtitipon

Busalan – lagyang takip o sarhan ang bibig ng anumang bagay para hindi makasigaw o makapagsalita

Iniladlad - ibinaba

Itinikwas – ibinaling; inilingon

Mapanglaw - malungkot

Nagbabadya – nagbibigay-babala

Nakaririmarim - nakapandidiri

Nakapangaw – nakagapos; nakakadena

Nanlilisik – matang nagpapakita ng poot o galit

Nilusob - inatake

Panangis – panaghoy; labis na pagdadalamhati

Pasuray-suray – hindi diretsong lakad

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 59.
Malaon – matagal

Nagpalahaw – umiyak nang malakas

Nakalilis - nakatupi

Naninimdim – nagdadalamhati; labis na nalulungkot

Pahimakas - pamamaalam

Pamimighati – kalungkutan; pagdaramdam

Sumalampak – napaupo sa sahig

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 60.
Bulalas – biglang nasabi o nasambit

Gulanit – punit-punit

Hinalungkat - hinahanap

Ipinanghilakbot - ikinatakot

Kababanaagan - kakikitaan

Kahungkagan – walang laman

Lipulin ang subersibo – puksain ang mga rebelde

Marangyang pagtitipon – malaking handaan o party

Nananaghoy – umiiyak nang malakas

Napalukso - napaundag

Nasugpo – natapos; nawakasan

Nayamot - nainis

Ngiting mapanlibak – ngiting nangungutya

Urbanidad – walang modo; masama ang asal

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 61.
Itinatwa – hindi kinilala

Pinaghihinalaan - pinagsususpetsahan

Propiyedad – ari-arian

Nakasagap ng balita – makakuha; makarinig ng balita

Napapanatag – napapayapa; natatahimik

Kapanalig – kakampi; kapartido

Inilhis - iniiwas

Kahalubilo – kasa-kasama

Napawalang-sala – naabswelto o hindi napatunayang nagkasala

Nasusuklam - napopoot

Sinuong - pinasok

Walang muwang – hindi mahusay; walang alam

Karwahe – karetela; kalesa

Nanunghay – tumanaw; tumingin

Bagabagin – sumbatan ng konsensiya

Masbaklap na kasaysayan – mapait na kasaysayan

Walang pahintulot – walang permiso

Nanlumo – nalungkot; nawalan ng lakas ng loob

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 62.
Dagok ng kapalaran - kaparusahan

Diskontento – hindi nasisiyahan

Ginagagad - ginagaya

Ikinukubli - itinatago

Ipinagkanulo – isinuplong; isinumbong

Isadlak - itapon

Itatwa – hindi kilalanin; ikaila

Kaabahan - kasawian

Kapakanan - kabutihan

Kasawian - kabiguan

LIsanin - iwanan

Nag-aalab – nag-iinit; puno ng emosyon

Nagsugo - nagpadala

Nakahahalina - nakaaakit

Nakatutulig - nakabibingi

Nalalabi - natitira

Nasusulasok – suyang-suya; labis na naiinis

Punto - pananaw

Pabuya – gantimpala; premyo

Paniniil – pang-aapi

Sikilin - pigilin

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 63.
Ginagap – hinawakan ang kamay

Himutok - daing

Humagulgol – umiyak nang malakas

Ignorante – mangmang; walang alam

Ikinukubli - itinatago

Kinabig – inakbayan nang payakap

Magiliw – puno ng pagmamahal

Magmongha - magmadre

Magpapatiwakal - magpapakamatay

Malagim - nakakatakot

Malumanay - marahan

Matamlay – walang sigla; malungkot

Misteryo - himala

Namimighati - nalulungkot

Nabalisa - naligalig

Napawi – nawala; naalis

Pag-uusig – paghahabol ng batas

Papaghilumin – gagamutin; tutulungang makalimot

Walang malay - inosente

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 64.
Humuhuni – umaawit o gumagawa ng tunog ng isang awit

Kandirit – takbong patalon-talon

Ligalig - kaguluhan

Nakalilikha - nakagagawa

Nakausli - nakaangat

Nangilid – naluha dala ng emosyon

Nanlulumo - nanghihina

Nasusuhuyan - natuturukan

Sinasagkahan – sinarhan saka sinandalan

Tinimpi - pinipigilan

Tinutunton - sinundan

Tuod – tuyong ugat

Ang mga sumusunod ay mga malalim na salita na maaaring mabasa sa kabanata 65.
Inilantad - ipinakita

Ininda - pinansin

Malaon - matagal

Nakalulunos - nakaaawa

Nakatutulig - nakabibingi

Nalulong - nagumon

Pinakamatabil – pinakamaingay; pinakamadaldal

Sinisipat – tinitingnang mabuti

Tinangka - sinubukan