Ang Ningning at ang Liwanag by Ma. Eliza NELDA

G4 - Justice (7 - St. Raphael)
"Sa iyong palagay bakit maraming tao ang labis na nagpapahalaga sa ningning o kinang ng kapangyarihan at kasikatan?"

Maraming tao ang nagiging makasarili, gahaman, at labis na pinapahalagahan ang ningning o ang kanilang kapangyarihan at kasikatan, sapagkat sila ay maambisyon at hindi kuntento sa kung ano ang mayroon sila. Kapag ang tao ay sikat o makapangyarihan, magagawa niya ang lahat ng kaniyang nais na gawin at nagbibigay ito sa kaniya ng pagmamataas at kapangyarihan na sa tingin niya ay walang makakaagaw sa kaniyang lugar. Ang pagiging sikat ay napakasarap sa kaniyang pakiramdam dahil sa dami ng atensyong nakukuha niya. Natutuwa siya kung gaano kataas ang tingin sa kaniya ng mga tao at nakakakuha siya ng higit na pagkakakilala at atensyon. Ang iba ay ninanais na kontrolin ang mga taong nasa paligid nila upang magkaroon sila ng pera at katanyagan. Ang kanilang mga pagnanasa ay nagniningning na parang mga bituin sa kanilang mga mata at nabubulag at nabibigo silang makita ang kanilang mga maling gawain, habang ang kanilang mga isip ay patuloy na nilalamon ng kadiliman. Dahil dito, natutupok sila ng kasakiman at nabibigo sila na makita ang kagandahan at halaga ng mga bagay na nasa kanilang paligid. Ninanais nila ang mga basag na piraso ng salamin o bubog na kumikinang na parang hiyas, ngunit hindi nila nakikita ang mga sugat na maaaring idulot nito. Sila ay puno ng sakim at walang kamalay-malay sa kanilang paligid. Halos lahat ng pangangailangan natin sa mundo ay puro mga materyal na mga bagay kaya para sa kanila ay ningning o kinang ng kapangyarihan at kasikatan ang makakapagpaangat sa kanila sa buhay at hindi ang sipag at tiyaga. Ang mga taong malaki ang yaman at walang katapusan ang pera ay hindi natin mahuhulaan. Marahil ay isang magnanakaw ang nasa loob na may dalang pusong punong-puno ng kasakiman. Ang mga taong masama at taksil ay uhaw sa kapangyarihan at katanyagan upang maitago nila ang pangit na katotohanan at hindi makita.

Mga kasaping tumulong:

Brianna Nicole W. Quiño
Aiyana Mariel T. Sobrevega
Leanne Jiana N. Chan
Gavin Joshua S. Aguenido
Samantha Gayle L. Conception
Mikaela Marie B. Barrido
Leda Kyle A. Mabunay

Peace Group ( 7 - St. Raphael )
"Sa iyong palagay, maari bang maging liwanag ang ningning na mayroon sa buhay ang isang tao? Ipaliwanag"

Sa tingin ko naniniwala ako sa kasabihang hindi lang ginto ang kumikinang dahil lahat ay may kanya-kanyang liwanag at ningning at iyon ang nagpapa-espesyal sa kanila samantalang hindi lang pera ang kumikinang dahil ang pera ay pansamantala. Ang ningning na ito ay pwede maging tao, bagay o hayop na makakasaya sa atin. Maaari mong pasayahin ang iyong sarili ngunit hindi lagi ang  pera ang pinagmumulan ng iyong kaligayahan. Habang ikaw ay namumuhay nang may katapatan, karangalan, at kabutihan, magagamit mo ang iyong ningning sa mabuting paraan. Kahit gaano siya ka ningning dapat magagamit mo ito sa tama at para sa kabutihan ng lahat. Sa henerasyong ito, sa tingin ko karamihan sa atin ay mas nakabatay sa social media dahil lumaki tayo sa bagong teknolohiya samantalang tayo ay mas nakatutok din sa teknolohiya dahil tayo ay nasa isang pandemya, dahil mas nakatutok tayo sa mga gadget at teknolohiya na ginagamit ng mas maraming oras sa kanila sa halip na gumugol ng mas maraming oras sa ating pamilya. Ang sitwasyong iyon ay isa sa mga bagay na higit na nakakaabala sa akin dahil mas maraming oras ang ginugugol natin sa mga teknolohiya hanggang sa hindi natin namamalayan at maaari nating gawin itong halimbawa kung saan sa ating mga mata ang ating mga gadget ang pinakamahalaga hanggang sa hindi na natin namamalayan na nag-uubos at nagsasayang na tayo ng oras sa mga maling importanteng bagay sa buhay at ang importante ay ang pamilya mo at ang mga taong pinakamamahal mo na kung kailan natin malalaman kung huli na ang lahat. Sa sinabing iyon, nais kong mailapat ito sa ating kaalaman na hindi natin dapat i-take for granted yung mga importanteng tao sa iyo dahil hindi mo alam na sila ang nagniningning ng buhay mo. Maaari mong gamitin ang iyong katalinuhan sa isang positibong paraan kung mamumuhay ka nang may katapatan, dignidad, at disente. Dahil kung ang isang tao ay mabuti, may takot sa Diyos, at iginagalang ang iba, gaano man siya kaliwanag, magagamit niya ito upang gawin ang tama at para sa ikabubuti ng lahat.

Mga miyembro:

Meggan Moises
Rheanna Binondo
Simon Andre Solon
Mary Catigan
Arthur Thomas Pesayco
Kaycee Detablan
Anne Dominique Aliling
Govinda Abhirajan Sivakumar
Anaya Lao

Ang Ningning at ang Liwanag: Ano-ano ang mga kabutihang dulot ng liwanag? Isa-isahin ito.Sang-ayon ba kayo sa sinabi ng awtor tungkol sa ningning at liwanag? (TRUTH ST RAPHAEL)
Truth Group
Pauline Frias
Aenina Layo
Ramon Masculino
Waib Dignadice
Hanz Corral
Thara Basis
Maxine Mana-ay
Jea De-Ontoy

Ayon sa akda, pinagtuunan ng pansin ni Jacinto ang “Ningning” dahil ito ay umiiral sa kanyang kapanahunan, at nais niya ipaunawa sa mga tao ang kasakiman na naidudulot nito. Pero, dahil alam na natin ang nakakubli sa Ningning, ating tuklasin kung ano-ano ang mga kabutihang dulot ng Liwanag.

Sa paliwanag ni Jacinto, nanlilinlang ang "Ningning" dahil kumikinang lang ito sa mga bagay na nakikita nating kalugod-lugod sa mata katulad ng ginto. Ang Liwanag ay tumutulong sa atin upang makakita, at maaaring maihahambing natin ito sa kung ano ang gamit ng Liwanag mula sa akda. Ang Liwanag ay kinakailangan ng mata para mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay. Kung bukas tayo sa Liwanag, matutuklasan at mapagtatanto natin ang katotohanang nakakubli sa likod ng Ningning, at kung paano nakakaapekto ang mentalidad na ito sa ating bansa.

Halimbawa ay mga taong may marangyang buhay, nagpapanggap na mabuti at angkop sa kapangyarihang na hangarin nila, ngunit kapag ito ay kanilang nakamtan, ginagamit nila sa kanilang kalamangan upang mas maging mayaman sila. Kaya nariyan ang Liwanag para ipakita sa atin ang panibagong pananaw at ang kabutihan ng iba, matukoy ang mga estereotipo na itinakda ng lipunan at ang mga masasamang gawa ng Ningning at ang mga taong nakikinabang nito.

Sa akda ay nabanggit na kapag ang mahirap ay kumikita, kaagad na ipinapalagay na ito ay ninakaw. Ngunit dahil sa Liwanag, na nasa ating puso, ay nakikita natin ang mga simbolo ng kanilang paghihirap upang makuha ito, kaya wala tayong karapatan na husgahan sila.

Sang ayon kami sa sinabi ng awtor tungkol sa Ningning at Liwanag. Ang liwanag ay may maraming magandang kinalabasan at may mga kabutihang dulot sa atin, ngunit ang ningning ay panlilinlang o madayin.
Ito ay nakakasilaw at nakakasira sa mata, pero maganda lamang pag tingnan. Ang tulang ito ay may kaugnayan pa rin hanggang ngayon.

Maaari tayong mahulog at mabulag sa harapan ng Ningning at dahil dito, hindi na kami nagdalawang isip na makita ang katotohanan sa mga nangyayari sa likod, dahil kadalasan ay naniniwala kami sa kung ano ang nakalulugod sa aming sariling paningin. May mga tao parin na naniniwala sa Ningning, kahit nabunyag na ang nakatago dito, dahil bulag sila sa ideya tungkol sa mga nakalulugod sa mga mata sa halip na tanggapin ang mapait na katotohanan.

Talagang naawa ako  sa mga taong nag-iisip na ang mga tao sa Ningning ay talagang gumagawa ng isang bagay na kapaki-pakinabang para sa lipunan, sa pag-iisip na sinusuportahan nila ang isang taong may mahusay na intensyon. Inalok nila ang kanilang suporta batay sa kung paano nila ipinakita ang kanilang sarili.

Kung maraming kapwa Pilipino pa rin ang pumapanig sa Ningning, matututo ba tayo sa mga nangyari sa nakaraan? O mauulit lamang ang pagkakamali na dati nang nangyari, dahil nahihirapan tayo tanggapin ang katotohanan?

Faith Group (7 - St. Raphael)
Juan Enano
Therese Bolivar
Rainnecyl Bernabe

Shan Rodelas
Winlette Thala Rapista

Jong Baek

John Lorenz Laguardia

Reeyanne Gasis
Chelsea Anne Ticao

Athena Renn Dava
John Miguel Temblador

Ayon sa aking nabasa, ang ningning ay nakakasira sa paningin kaya ito ay may malaking kawalan sa mga tao o bagay. Ngunit sa liwanag, kinakailangan ng mata na kung saan makakakita tayo ng katotohanan. Ang ningning ay nakasisilaw at may kapansanan sa paningin. Para sa amin ang liwanag ay mas mabuti kaysa ningning, dahil ang liwanag ay nagpapakita ng Katotohanan habang ang ningning ay nagpapakita ng panlabas na anyo. Hanapin natin ang liwanag, huwag tayong mabighani sa ningning. Para sa atin ang liwanag ay kailangan ng mata,
upang maunawaan ang buong katotohanan ng mga bagay. Ang nakikita kong mabuti ay ang liwanag dahil kailangan natin ito para sa ating mga mata at
upang maunawaan ang buong katotohanan ng mga bagay. Kung may gumawa ng mali halimbawa May gumawa ng mali kailangan natin ng liwanag para mailantad ang katotohanan kung sino ang may kasalanan.

Ayon sa aking nabasa, ang ningning ay nakakasira sa paningin kaya ito ay may malaking kawalan sa mga tao o bagay. Ngunit sa liwanag, kinakailangan ng mata na kung saan makakakita tayo ng katotohanan. Kaya’t sa dinami-daming ningning sa buhay na nagpapahinto sa atin sa paghahanap ng liwanag, tayo’y patuloy na nagpapasugat kahit anong dami ng pagsusubok para makita at maabot ang liwanag. Para po sa akin, ang ningning ang nagsisilbing mga hadlang sa buhay o kaya’t man isang malaking pader na tumatabon o pumipigil sa atin sa paghanap ng katotohanan o kaya man ang pagkamit ng ating totoong layunin. Kaya sa pader o hadlang na ito, di natin ito makikita ngunit sa lakas ng liwanag na umaapaw sa kapaligiran maaabot parin natin ang ating liwanag o ang tinatawag na katotohanan

Ayon sa sanaysay ang ningning base sa katangian ng tao ay isang mapag balatkayo samantalang ang liwanag ay isang makatotohanan. Para sa akin ang liwanag ay siyang masmabuti kaysa sa ningning, dahil ang liwanag ay nagpapakita Ng katotohanan samantalang ang ningning ay nagpapakita ng panlabas na anyo.

Faith Group (St.Michael)
"Ano ang pagpapakahulugan ng "ningning" at ng "liwanag" ayon sa sanaysay? Alin sa dalawa ang nakikita ninyong mas mabuti? Ipaliwanag."

Para sa aming pangkat, ang “ningning” ay mga bagay na maganda pero binubulag ka sa kasakiman kapag sobra na, mga bagay na mapang-akit ngunit may kapahamakang dala kapag labis na inasam tulad ng kapangyarihan at kayamanan.  Ang "ningning" ay nakakasilaw at nakakasira ng paningin, maganda ngunit may nakatagong pangit na katotohanan.

Ang “liwanag” ay siyang nagpapakita ng totoong kulay ng bawat naiilawan nito.  Ang “liwanag” ay kinakailangan upang malaman natin kung ano ang tunay na kalagayan ng mga bagay-bagay. Walang paglilinlang o  pagbabalatkayo ang liwanag.

Sa aming palagay, mas mabuti ang liwanag kaysa ningning dahil dito natin maaaring makamit ang katotohanan.  Mas gugustuhin namin ang liwanag dahil kahit nagpapakita ito ng di magandang kaanyuan, wala naman itong bahid ng pagpapanggap. Ang ningning ay isa lamang maliit na bahagi ng liwanag, at mas marami tayong makikita sa liwanag.  Kapag tayo ay nagpadala sa ningning, maari tayong matukso ng kasinungalingan. Dapat nating pahalagahan ang liwanag dahil nagbubunyag ito ng katotohanan at ginagabayan tayong gawin ang mga tamang desisyon sa buhay.

Mga kasapi:
DEL ROSARIO, Karina (Pinuno)

GREGORE, Celestine (Secretarya)

ALQUIZA, Zoe

DAQUITA, Trevor

DE ASIS, Sheine

GARCIA, Aniela

GUESE, Luther

GUIDES, Marian

LEGISLADOR, Carmela

ORBINA, Ayesa

Peace Group (St. Michael)
Sa iyong palagay, maaari bang maging liwanag ang ningning na mayroon sa buhay

Ang isang tao? Ipaliwanag.

Madami ang ningning sa buhay ng tao. Pwede itong pero, pwedeng karangalan. Ito ay nagiging liwanag kung gagamitin natin ito sa wastong paraan. Ang paggamit natin ng pera sa wastong paraan ay isang halimbawa ng ningning na nagiging liwanag sa lahat. Maari tayong maging matagumpay sa anong mang ating tinatahak. Ito ay nagiging liwanag kung gagamitin natin ang ating nalalaman sa ikabubuti ng marami. Huwag tayong maging sakim sa kung ano ang meron. Dapat tayong tumulong sa lahat dahil ang ningning at pandalian lang. Ang liwanag ay nakakapagbibigay saya at nakakabigay ng katuparan sa ibang tao.  Depende ito sa pinagmumulan ng liwanag o kaligayahan ng tao. Ang mga bagay na gusto nila ay maaaring maging anuman. Maaaring wala sa buhay ang mga bagay na gusto ng isang tao, ngunit palaging may isang silip ng kaligayahan. Ang liwanag ng tao ay maaaring minsan ay hindi "mga bagay" ngunit maaaring mga karanasan, alaala, at kung ano ang mayroon na sila. Kaya't ang liwanag na mayroon sila sa kanilang buhay ay maaaring maging liwanag sa kanila, kung iyon ang magpapasaya sa kanila. Magiging maliwanag ang buhay  ng tao sa pamamagitan ng pagiging positibo sa pananaw sa buhay at higit sa lahat ang pagkakaroon ng  pagtitiawala at pananampalata sa poong maykapal.
Pwedeng pwede na magiging liwanag ang ating ningning na mayroon tayo sa buhay. Ang mga ningning natin ay ang ating mag opurtunidad na makaka angat sa atin ano man ang sitwasyon. Maaring maging liwanag ang ating ningning kapag pagsikapan natin ito at wag ito pagbabayaan. Walang imposible sa mundo kapag sisikapan lang natin.

Vince Jonacio
Akira Penaflorida
Kyle Jimenez
Alexa Averia
Randolph Dumayas
Leonnil Dorado
Sophia Ravena
Alysson Villasis
Kira Uygongco
Selena Jaruda
Renz Peralta
Christian Ballesteros

G4- JUSTICE (St. Michael)
Sa aming pangkat: “Sa iyong palagay bakit maraming tao ang labis na nagpapahalaga sa ningning o kinang ng kapangyarihan at kasikatan”

Sa aking palagay, maraming tao ang labis na nagpapahalaga sa ningning o kinang ng kapangyarihan at kasikatan dahil ito ay nagbibigay sa kanila ng kasiyahan at tulong. Katulad na lang ng mga taong gustong sumikat sa social media, lahat ay gagawin nila para lang makilala kahit minsan hindi na totoo ang kanilang mga posts. Ang pagpaparami ng likes o subscribers ang nagbibigay sa kanila ng kasiyahan na minsan ay saglit lamang. Pakiramdam ng mga may kapangyarihan na palaging may tutulong sa kanila sa anumang bagay dahil marami ang humahanga sa kanila o dahil maraming nakakilala sa kanila. May mga bagay na sila ang inuuna o nabibigyan ng importansya, katulad na lang sa mga balita na hindi nakukulong sa mga pagkakasala ang mga mayayaman dahil marami silang kakilalang tumutulong sa kanilang mga kaso.

Marami ang gustong makamtan ang kapangyarihan at ng ningning ng kasikatan dahil ito ang magbibigay sayo ng iyong antas sa lipunan. Ang mga tao sa panahon ngayon ay binibigyan ng malaking halaga ang kapangyarihan at kasikatan. Titingalain ka ng mga tao sa paligid kung ikaw ay may maraming pera, sikat at hawak ang mga mataas na position sa lipunan. Magagawa mo kung ano ang gusto mo.

Sa palagay ko maraming tao ang labis na nagpapahalaga sa ningning o kinang ng kapangyarihan at kasikatan dahil sa mga pangarap nila na akala nila hindi puwedeng makamtan. Sa palagay ko din, baka dahil ito sa mga magulang nila na pinipuwersa sila, puwede ring dahil talaga sa kanilang mga ugali na naituro sa kanila o sa mga nakikita nila sa mga tao na nakalibot sa kanila.

Masyado silang pinahahalagahan ng maraming tao, dahil iniisip nila na ang ningning ng kapangyarihan at katanyagan ay nagbibigay sa kanila ng paggalang mula sa mga tao.

Maraming tao ang nagpapahalaga sa ningning o kinang ng kapangyarihan at kasikatan dahil gusto nila may mga taong sumusuporta sa kanila katulad ng ibang tumatakbo sa eleksyon ngayon sa Pilipinas gusto nila ang hanga ng mga tao sa kanila para makakuha sila ng kapangyarihan gamit ang mga suporta ng mamamayan para marami ang makatulong sa kanila kung may kaso o may ginawa silang mali.

Maraming tao ang labis na nagpapahalaga sa ningning ng kapangyarihan at kasikatan dahil ito ay para sa kanilang sarili, pwede din nila ito maabuso para makontrolado nila ang ibang tao para kunin ang kanilang gusto para sa kanilang sarili lamang.

Dahil maraming tao ang gustong maranasan kung ano ang pakiramdam ng magkaroon ng kapangyarihan at gumawa ng mga bagay na magbago sa isang bagay na mas mahusay.

Sila ay nasa dilim ng kapangyarihan na gustong sakupin ang buong mundo ng kanilang kapangyarihan kahit na ang kanilang sinasakupan kahit na ang kanilang sinasakupan ay maghihirap, nagtitiis sa Buhay samantala sila ay nakahiga sa kayamanan. Mga taong iniwan Ng pag-ibig ang kanilang Dios ay pera at kapangyarihan. Ito ay dahil gusto nilang makilala, kinatatakutan sinasamba, maraming taong sunodsunuran at higit sa lahat hari sila na tinitingala.

Mga kasapi:
SUMPIO, Tshaeia (kalihim)
PEREZ, Mikaela
YDAGDAG, Ysabella
LAPASTORA, Ken Lucas
ANDRES, Anna Rose
GLORIA, Kent Alfred
COO, Jett Aidan Neon
ROBLES, John Zachariah

Love Group (St. Michael)
Ang Ningning at Ang Liwanag

Ang ningning ay madaya! Sinabi ng may-akda ito dahil maraming nabubulag sa mga ningning ng buhay tulad ng kasikatan, kapangyarihan, pera at alahas. Dinadaya nito ang katotohanan, pag-ibig at pag-galang na siyang kailangan ng mga tao at ng bayan upang umunlad.

Isa-isahin natin ang mga pandaraya,
Ayon sa may-akda, ang bubog ay magniningning kapag tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ngunit ito ay makakasugat sa kamay kapag dinampot.

Madali tayong mabighani sa ningning, tulad ng isang karwaheng maningning na hinihila ng kabayong matulin. Kadalasan, ay pinupugay pa at iniisip na napakaimportanteng tao ang nakasakay, pero naman ay isang magnanakaw.

May  kamahalan o titulo na nakasabit sa pangalan niya at may mga maningning na hiyas o alahas na nakasabit sa katawan niya, pero sa likod ng mga ito ay nagtatago ang isang pusong sukaban.

Sa kabilang panig naman, kung makikita naman ang isang maralita na may pinapasan, iisipin na ninakaw niya na kitang-kita naman ang ningning ng kanyang mga pawis sa noo at sa hapo ng katawan niya na siya ay nabubuhay sa sipag at tiyaga.

- Group Love
Lider: Alison Sancho
Sekretarya: Elizabeth Jagorin
Myembro:
Nicole Francine Tizon
Chloe Polyne Alquiza
Juan Miguel Poblacion
Julianne Dominik Cerbas
Jean - Pierre Torrecarion
Ethel May Paragas
Audrey Nicole Saclauso
Nina Marie Isada

Love Group (St. Raphael)
Mga miyembro:
Arabella Sophia Benedicto
Flerny Jayne Santocildes
Ysabela Louis Monserate
Azlhen Nicole Sanchez
May Uan Benliro
John Carlyle Nuñez
Keion Daun Ubalde
Crizel Joy Begaso
Gian Arthur Nuñez

Ayon sa may-akda, ang ningning ay madaya dahil nakakasira ito sa paningin at kumukuha ito ng liwanag. Sumisira ito sa paningin dahil binubulag nito ang mga tao sa paggawa ng hindi tama. Ito ay makapangyarihan dahil maaring itong magdala ng temptasyon sa mga tao. Nakikita ka na ba ng maganda at makintab na alahas? Ang ibang tao ay maaring mahulog sa temptasyon at maari silang mahulog sa isang pag-iisip ng pagnanakaw dahil sa sobrang kintab ng mga alahas. Madaya ang ningning dahil nagagawa nitong gawin ng mga tao ang pinakamasamang bagay para lang makuha ang ningning, ito ay maaaring humantong sa kaguluhan.

Ang ningning ay madaya dahil pinipigilan nito ang maraming tao mula sa liwanag, ang magagandang katangian ng ningning ay maaaring ilalayo ang mga tao sa liwanag. Maaring lumikha ang kaguluhan dahil sa mga magagandang katangian na ito. Kayang awayin ito ng mga tao. Ang pangnanakaw ay kadalasan ang sitwasyon na maaring mangyari dahil sa ningning. Tayong mga tao ay hindi dapat madaling mabulag o mabighani ng ningning na maaring umakay sa atin sa paggawa ng masasamang bagay. Hindi natin dapat hayaang maunahan tayo ng temptasyon sa isang bagay na maganda katulad ng ningning, ang pinakamahusay nating gagawin ay lumalapit tayo sa liwanag.

Truth Group (St. Michael)
Ano-ano ang mga kabutihan dulot ng liwanag? Isa-isahin ito. Sang-ayon ba kayo sa sinabi ng awtor tungkol sa ningning at liwanag?

Mas madaling makakita. Hindi ka mahihirapang gawin ang nais mong gawin dahil makikita mo ng maayos ang buong kapaligiran. Mawawala ang kadiliman. Para makakita tayu kasi kung walang liwanag madilim ang kapaligiran hinde natin makikita ang dinadaanan at lalo na mahirap mag trabaho kapag walang ilaw. Sa pamamagitan ng liwanag napadali ang ating mga trabaho . Hindi tayo mahihirapan sa pag basa, sulat o anumang gawain na nangangailangan ng liwanag. Ang kabutihang dulot ng liwanag ay malalaman mo kung ano ang katutuhanan. Ang liwanag ay nagbibigay ng ningning sa ating buhay. Ito ay nagtuturo sa atin kung ano ang mali at tama.

Mga kasapi:
Ava Peronilla
Anna Argallon
Eliana Piansay
Lucille Joy Cabrera
Gabrielle Baltazar
Shaldon Gellada
Kate Mancao
Janefer Plateros