BEA C. GACAYAN by Bea Gacayan

IPALIWANAG: Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa
Dahil ang pagmamahal ng Diyos saatin ay walang katumbas kung paano natin siya minahal ay dapat ganon din natin mahalin ang ating kapwa. Papaano nating mamahalin ang Diyos kung ang kapwa natin ay hindi natin kayang mahalin? Ang Diyos ang nagpadama ng higit na pagmamahalan saatin kaya susuklian natin ito ng pagmamahal at pagmamalasakit sa ating kapwa.

Mga tanong:
Panuto:Matapos manuod ay sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa inyong sariling PADLET (notebook/journal)
a. Ano-ano ang mahalagang mensahe na ipinarating ng bawat palabas?
Ang mahalagang mensahe na ipinarating ng palabas ay mga masasamang gawain na nagsasangkot sa buhay o kamatayan, direktang napipinsala ang pag-iral ng isa ngunit napaliligiran ng mga komplikado o nakagigipit na mga kalagayan. Pero dahil sa mataas na mga moral na obligasyon para sa pagpreserba ng buhay, nagkakaroon ng magkakaibang pananaw ang mga tao lalo na ang mga sangkot.
b. Ano-anong argumento sa mga isyu sa buhay ang ipinakita sa bawat isa?
-Pag gamit ng pinagbabawal na gamot
-pagpapalaglag o aborsyon
-suicide o pagkitil sa sariling buhay
- Euthanasia(mercy killing)
-alkoholismo

c. Bakit mahalagang maunawaan ang mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos at kasagraduhan ng buhay?
Upang malaman ng tao kung ano ang tama at mga maling gawain. Kapag ang tao ay may alam kung ano ang tama at mali ay maiiwasan niya ang masasamang gawain sapagkat ito din ang humuhubog ng konsensiya.
d. Paano natin matutukoy kung ang isang gawain ay taliwas sa kasagraduhan ng buhay?
Kung ang isang gawain ay nakakapanakit, nagpapahamak, o kumikitil ng buhay ito ay maling gawaing taliwas sa kasagraduhan ng buhay. Ito ay makikita natin sa Sampung Utos ng Diyos na nakasulat sa Bibliya dahil dito maliwanag na ipinagbabawal ang mga gawain na hindi akma sa pamumuhay ng isang tao.

MODYUL 11:Ipinagmamalaki ko na ako ay isang Pilipino
Ipinagmamalaki ko, Pilipino ako! ipinanganak at lumaki ako sa pilipinas, isa rin ako sa mga naging saksi sa mga pinagdaanang kaginhawaan at kalungkutan ng ating bansang minamahal na kasaysayan na ngayon na atin ng ipamamana sa mga susunod na henerasyong parating.
Isang magandang halimbawa na siguro ng katngiang ito ay ang masisipag nating mga kababayan na nangingibam bayan upang maghanap ng ikabubuhay ng kanilang pamilya, ang mga dakilang OFW Workers. Tinitiis nila ang malayo sa pamilya ng ilang araw, linggo, buwan at taon kumita lamang ng salapi para sa kanilang mga minamahal.

Sadyang ganoon nga lang talaga siguro ang mga Pinoy, mapagsakripisyo at matiisin. Lumaki rin naman kasi tayo sa isang pamilyang buo at matatag na patuloy pang ginagbayan ng ating mga simbahan. Sino nga ba naman ang hindi nakaaalam na isa rin sa katangian ng Pilipino ang pagiging maka-diyos. Punong-puno nga tayo ng iba’t-ibang paniniwala at mga sagradong dasal para sa ating Lumikha, iba-iba man ang ating relihiyon ay hindi maaalis sa atin ang pagiging relihiyoso. Tayong mga Pilipino ay naiiba sa mga dayuhan sa ating pagharap sa mga problema. Gaano man kahirap ang ating kinakaharap na suliranin ay buong tapang at lakas-loob natin itong hinaharap. Hindi mo makikita na nahihirapan ang mga Pilipino dahil nakangiti nilang hinaharap ang mga pagsubok. Isa pang ipinagmamalaki ko sa ating lahi ay ang pagmamahal natin sa Diyos, sa pamilya at sa kapwa natin. Kitang-kita sa atin kung gaano kahalaga sa ating buhay ang Panginoon. Siya ang nagiging sentro ng ating buhay. Hindi natin nakakalimutan bigyan ng halaga ang ating pamilya at kahit anong mangyari ay tayo ay nariyan para sa kanila. Sa pagsapit ng mga suliranin, ang mga Pilipino ay handang tumulong sa kanilang kapwa. Hindi sila nagdadalawang isip na mag-abot ng kanilang tulong. Tulong-tulong ang mga Pilipino sa pag-abot ng kanilang mga minimithi.
Isang karangalan ang pagiging isang Pilipino hindi kaila sa atin na maraming naninira o nangmamaliit sa mga kakayahan nating mga Pilipino ngunit pinapatunayan natin na sila ay nagkakamali sa iba't ibang paraan at larangan na ating nalalaman.

PAKSA-HALAGA-NATUTUNAN KO
Ang paksa ng aralin ito ay tungkol sa Pagmamahal sa sariling Bayan.

Ang halaga ng aralin ito ay sa paanong paraaan natin maipapakita ang pagmamahal sa bayan at pagkakaroon ng pagkakasundo ang mga tao sa lipunan na siyang nagbibigay daan upang maisakatuparan ang layunin. Napapahalagan din ang pagmamahal sa bayan sa kultura at paniniwala.

Ang natutunan ko sa araling ito ay maraming katangian ang Pinoy na dapat ipagmalaki, mga katangiang natatangi sa ibang Asyano maging sa iba pang tao sa mundo masasabi ko na tayo'y unang una, mapagmahal sa diyos at sa pamilya, malikhain, masayahin, matiyaga, masining, mababait, magagalang, matatalino, at magaganda hindi lamang sa panlabas kundi pati na rin sa panloob. Ngunit sa mga dahilang ito, di parin ito sapat para masabi ko kung gaano ko ito ipinagmamalaki. Minsan sa simpleng paraan man lang ay maipagmamalaki mo na ito. Taas noo mong ipagmalaking isa kang tunay na Pilipino!

MODYUL 12: DEAR FUTURE SELF
Una sa lahat ginawa ko nag sulat na ito para pagdating ng panahon ay marealized mo ang buhay mo ngayong present. Alam mo sa mga nakalipas na araw ay nahihirapan ka araw araw ay may pagsubok na dumating sa buhay mo. Pero binabati kita dahil nalampasan mo itong mga pagsubok. Sa pagdating ng panahon ay nakapagtapos kana ng pag-aaral mo narating mo na ang mga pangarap mo sa buhay at sa pamilya mo sana ay wag mong kalilimutan na laging tinuturo sayo ng pamilya mo na laging pasasalamatan ang Panginoon sa lahat ng bagay, sa araw-araw sa mga biyayang pinagkaloob at ipagkakaloob sayo.
Future Self, sana nagawa mo na ang mga bagay na sa ngayon ay wala kapang lakas-loob na gawin hindi ka umaasa sa pamilya mo kailangan mong tumayo sa sariling paa. Sana pagkalipas ng panahon ay magkaroon ka na ng sapat na karanasan na magturo sa iyo ng mga bagay-bagay sa buhay.
At sana laging mong pasalamatan ang mga naging inspirasyon mo sa buhay. Una ang Diyos na laging gumagabay sa inyo pangalawa ang pamilya mo na nag-taguyod para makapagtapos ka ng pagaaral mo at tumuturo sayo ng mga tamang asal. At ang huli ang mga kaibigan mo, Exo(isa sa inspirasyon ko) na nagbibigay ng kasiyahan sa tuwing nahihirapan ka. At laging mong pakatandaan na hindi lahat ng bagay ay nakukuha ng madali kailangan mo itong paghirapan lahat ng bagay ay may limitasyon kailangan nga lang maghintay ng tamang pagkakataon.

PAKSA-HALAGA-NATUTUNAN
May11,2021
Ang paksa ng araling ito ay tungkol sa paninindigan at paggamit ng kapangyarihan sa kalikasan.

Ang halaga ng araling ito ay naipapaliwanag sa mga tao ang mga kahalagahan ng kalikasan sa ating buhay. Ito din ay dapat nating pahalagahan, ingatan at pangalagaan para sa ikakabuti ng kalikasan.

Ang natutunan ko sa araling ito ay kailangan nating pangalagaan ang ating kalikasan, lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo dahil nabubuhay tayo sa iisang kalikasan. At dapat din tayong maging responsable sa lahat ng bagay dahil ang lahat ng nakukuha nating galing sa kalikasan ay kinakain at iniinom natin kaya pag inabuso mo ang ating kalikasan tayo din ang mahihirapan. Kaya maging mapanagutan at mapagmalasakit sa kaaligiran ipakita natin ang pagmamahal upang makamit ang malinis at maunlad na mundo.

PAKSA-HALAGA-NATUTUNAN
May 3, 2021
Ang paksa ng araling ito ay tungkol sa Pagmamahal sa Bayan.

Ang Halaga ng araling ito ay ang pagbubuklod-buklod ng mga mamamayan para makamit ang tagumpay ng lahat at nagsisilbing daan upang makamit ang mga layunin na gustong maisakatuparan. Ang tunay na pagmamahal sa bayan ay ang pagsasabuhay ng pagkamamamayan at pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat mamamayang bumubuo rito.

Ang natutunan ko sa araling ito ay ang pagpapahalaga na ipinapakita ng pagmamahal sa bayan. Katulad ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa, paggalang at pagkalinga sa pamilya ito ang nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaisa, magtulungan at magdamayan.

WEEK 8 GAWAIN BILANG 3
1. Pagsunod sa batas, pakikupagtulungan at pagbigay suporta sa mga proyekto na ko pwedeng maisalba ang kalikasan.
2. Maging disiplinado at responsable.
3. Gumamit ng 3R’s dahil ito ay nakakatulong s aatin upang tayo ay mas magingmalikhain at susi ito upang nag ating kalikasan ay maging maganda.
4. Iwasan na magsunog ng plastik o nakakasamang bagay na makakasira sa ating kalikasan.
5. Pagtatanim ng mga halaman at puno na makakatulong hindi lang sa ating kalikasan kundi para din sa atin.

ME, MYSELF AND I
“Ako’y mabuting pilipino sapagkat sinusunod ko ang mga batas at mga alituntunin ng aking bansa at iniiwasan kung gumawa ng mga bagay na maaaring ikasira ko ng dangal ng aking bansa”

Ako si Bea Gacayan nanunumpa Bilang isang mamamayang Pilipino, papahalagahan ko ang ating bansa. Tutuparin ko ang mga tungkulin at susundin ang mga alituntunin na nakasaad sa ating mga batas. Pangangalagaan ko ang karapatan ng kapwa Pilipino at isaalang-alang lagi ang kabutihang panlahat.

PAKSA-HALAGA-NATUTUNAN
June 7, 2021
Ang Paksa ng aralin ay tungkol sa Paggalang sa buhay at seksuwalidad ng tao.
Ang halaga ng araling ito ay Mahalagang gamitin nang wasto ang sekswalidad ng isang tao batay sa Esensiya ng Sekswalidad dahil sakop nito ang responsableng paggamit ng kaniyang kasarian ng kaniyang pagkasilang at pagkabilang sa lipunan at hindi lamang batay sa kaniyang kasiyahan.
Ang natutunan ko sa araling ito ay Ang sekswalidad ay mahalaga sapagkat ito ay nakatutulong upang mas maunawaan ng bawat indibidwal kung sino sila at ano ang layon nila sa mundo nilang ginagalawan. Tayo ay nilikha ng Diyos bilang lalake o babae na tinatawag nating kasarian. Paggalang sa dignidad ng ibang tao ang magtutulak sa iyo upang igalang ang kaniyang sekswalidad.Tayo ay malaya ngunit ito ay hindi nangagahulugang malaya tayong piliin kung kung ano ang gusto nating gawin. Ito ay kalakip na pananagutan.

THINK-PAIR-SHARE PAGSUSURI NG KASO Panuto: Pumili ng makakasama. Pumili ng isang kaso sa tatlo at ibigay ang mga resolusyon dito. Pagkatapos, magkaroon ng pagbabahagihan at mungkahi ang bawat isa. Maglaan ng 10minuto para sa gawain

PAKSA-HALAGA-NATUTUNAN
Ang paksa ng aralin ay tungkol sa kawalan ng paggalang at paninindigan sa katotohanan.

Ang halaga ng araling ito ay ito ay nagsisilbing gabay sa mga taong na naghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay. Nalalaman din natin sa paglawak ng kaalam tungkol sa kahalagahan ng katotohanan.

Ang natutunan ko sa araling ito ay wag natin agad-agad itong ibahagi ang impormasyon sa iba ang mahalaga ay masuri muna ito at ugaliin nating na magkaroon ng kaalaman upang matuklasan ang katotohanan. At ang isa ko pang natutunan ay tanggapin natin ang ating pagkakamali at baguhin ang mga maling kaisipan paninindigan ang katotohanan dahil walang lihim at pagsisinungaling na hindi nabubunyag ang mahalaga ay maging tapat sa katotohanan.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1 -- MAALAALA MO KAYA.
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga sumusunod at sagutin ito sa inyong Padlet. Lagyan ng pamagat na Modyul 15. Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 (#MAALAALAMOKAYA)

1. Balikan ang mga mahahalagang pangyayari sa iyong nakaraan

2. Pumili ng isang pangyayari:

kailangang gumawa ka ng isang maingat na pagpapasiya matapos husgahan o timbangin ang dalawang pagpipilian kung alin sa mga ito ang tama at dapat mong piliin.

Naging matinding pagsubok ito sa iyo dahil maaari lang ay wala kang gustong piliin sa dalawang pagpipilian.

3. Isalaysay ang buong kwento sa inyong Padlet.

: Noong naglalaro kami ng aking kaibigan isang aksidente ang nangyari bigla syang naoutbalance sa may hagdan dahil bata pa ako hindi ko alam ang gagawin biglang dumugo sa may bandang noo niya at iyak ng iyak, ako naman ay takot na takot at baka ako pa ang sisihin sa nangyari.

Unang Pagpipilian: Iiwan na lamang siya don mag isa dahil sa takot na ako ang sisihin sa nangyari.

Pangalawang Pagpipilian: Hihingi ng tulong sa magulang ko sa nangyari sa kaibigan ko upang magamot ito agad

4. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod:

Bakit ka nahirapang pumili sa dalawang pagpipilian?

Nahihirapan ako dahil dapat isa lang ang iyong pipiliin naging tama naman ang aking desisyon na humingi ng tulong sa magulang dahil sila ang nakakaalam kung anong gagawin.

Ano ang ginawa mo bilang pagtugon sa hinihinging sitwasyon?

Iniwan ko muna saglit ang aking kaibigan para humingi ng tulong sa magulang ko upang magamot agad ang sugat niya at sasabihin ko rin sa magulang nya ang nangyari sakanya na aksidente lamang iyon.

Ipaliwanag ang iyong dahilan kung bakit mo ito ginawa.

Ginawa ko lang ang nararapat ang tamang desisyon upang maligtas siya kung hindi ko ginawa iyon siguro ay sisisihin ko ang aking sarili, makokonsyensya ako sa ginawa ko at mas lalala pa ang sitwasyon.

Ano ang kinalabasan ng iyong ginawang pagpapasiya?

Naging maayos naman siya nadala sa health center at nagamot ang kaniyang sugat. Buti daw ay nagamot ito agad dahil kung hindi maaaring maubos ang dugo niya.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2 -- PAGKALAP NG IMPORMASYON
Panuto: Mula sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 1. Magtatanong sa inyong mga kaklase (limang kaklase) tungkol sa kanilang naging sagot sa unang gawain. At ilagay ang mga nalakap na impormasyon mula sa inyong kamag aral sa inyong PADLET. Sundin ang Pormat na nasa ibaba.

Pangalan: SALIOC, JOELYN
PAGSUBOK: Noong panahon na kailangan kong mamili sa kung alin sa dalawang relihiyon ang pipiliin ko. Ang relihiyon ba na kinalakihan ko o ang relihiyon na nagpabago sa buhay ko. Nahirapan akong mamili sa dalawa dahil baka kapag pinili ko yung isa ay panghihinayangan ko sa huli ang isa. Pero nakatulong sa aking pagpapasiya ang mga taong nasa paligid ko kung alin sa dalawang relihiyon ang nararapat kong piliin.

UNANG PAGPIPILIAN: Sinabi ko sa sarili ko na sundin ko na lamang ang relihiyon na kinalakihan ko habang nasa poder pa ako ng mga magulang ko at saka ko na pipiliin ang gusto kong relihiyon kapag nakapagtapos na ako ng aking pag-aaral at magkaroon ng sariling pamilya.

PANGALAWANG PAGPIPILIAN: Ipagpatuloy ko ang relihiyon na gusto ko at ang relihiyon na nakapagpabago sa buhay ko.

AKSIYONG ISINAGAWA: Nanalangin ako sa Diyos na nawa ay matulungan niya ako na mapili ko ang tama at ang nararapat na relihiyon na piliin ko. Kinabukasan pagkagising ko ay nagbasa ako ng mga teksto sa Bibliya at nanood ng mga videos na makakatulong sa akin na mapili ang nararapat na relihiyon para sa akin at pagsapit ng gabi ay nag-aral kami ng Bibliya. Pagkatapos naming mag-aral ng Bibliya ay napag-isipan ko na ang relihiyon na ito ang dapat kong piliin dahil ang relihiyon na ito ang nagpabago sa buhay ko at alam ko na mas mapapatibay ng relihiyon na ito ang relasyon ko sa Diyos.

Pangalan: Myekaella Marelie Mei E.  lorenzo
Pagsubok:
Nagbakasyon yung kamag anak namen dito sa cavite at nagkayayaan na gumala at sa araw naren na iyon ay may pagsusulit kami
Pinakamatinding Pinagpilian:
a. Unang Pinagpilian: Pumasok sa school
b. Pangalawang Pagpipilian: gumala with my family
Aksyong isinagawa: Pumasok ako may pagsusulit sa araw na yon at baka madami akong mamiss na activities pag umabsent ako

Pangalan: Kristian Dave Nasalita
Pagsubok: Tumawag ang aking kaibigan dahil mayroong emergency ngunit may bilin ang aking magulang na wag maglaboy at magtagal dahil walang tao sa bahay
Unang pagpipilian: Tulungan ang kaibigan dahil maaaring lumala ang kalagayan ng kanyang ate
Pangalawang pagpipilian: Umuwi ng maaga at buksan ang tindahan gaya ng inutos sa akin ng aking magulang upang di na masermonan at maparusahan dahil maaaring nagbibiro lang ang aking kaibigan
Aksiyong isinagawa: Pinuntahan ko agad ang bahay ng aking kaibigan at sinamahan sila na magtungo sa hospital hanggang sa dumating sa ang kanilang mga magulang at magpaliwanag nalang pag nalaman ito ng aking magulang dahil mas mahala

Pangalan: Ailene Certiza
Pagsubok:D ako pinayagan maligo sa dagat pero gusto ko maligo.
Unang pagpipilian: pipilitin Ang Nanay na PAYAGAN ako maligo.
Pangalawang pagpipilian:SUSUNDIN ang Nanay.
Aksiyong isinagawa: SUSUNDIN ko nalang si Nanay kasi maalon yung dagat kaligtasan ko Lang naman iniisip ni Nanay!.

Pangalan: Mikyla bravo
Pagsubok: Kung ano ang nararapat kong piliin, at kung ano ang makakabuti para saakin na sumama sa mga kaibigan o ang sundin ang magulang.
Unang pagpipilian: Sumama sa kaarawan ng aking kaibigan.
Pangalawang pagpipilian: Sundin ang magulang, dahil ito rin ay para saakin.
Aksiyong isinagawa: Sundin ko na lamang ang aking magulang, dahil kapakanan ko at kaligtasan ang iniisip niya.

Note: Kinakailangan na may patunay na kayo po ay nagkaroon ng wastong pagkakalap ng impormasyon. Maaari na ito ay screenshot o larawan ng inyong pag-uusap ng inyong kamag-aral at iAttach din ito sa inyong PADLET.

Pagkatapos gawain ang mga sumusunod ay sagutin ang mga tanong.

Ano ang iyong naging reyalisasyon matapos mong mapakinggan o malaman ang sagot ng iyong kamag-aral?

Ang aking narealized sa lahat ng kanilang sagot ay nararapat at tamang desisyon sila ay maingat na nagpasya ay hinusgahan ang sitwasyon kung ito ba ay tama o maling gawain, kung ito ba ay nakakabuti sa kanya o sa ibang tao.

May nabago ba sa iyong sariling pag-unawa tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng maingat na paghuhusga? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Ang paggawa ng matalinong mga pagpapasya maingat na pagpaplano ng mga bagay na nagbibigay daan sa ating upang epektibong makayanan ang mahirap na sitwasyon. Walang nabago saakin pero may isang bagay akong natutunan yun ay gumawa ng sariling desisyon sa buhay nakinakailagan ng pagiisip bago kumilos pati narin ang pang araw araw na aplikasyon ng mabuting paghatol ng maikilos.

Gaano kahalaga ang maingat na paghuhusga sa buhay ng isang tao? Patunayan.

Napakahalaga ng maingat na paghuhusga sa buhay ng isang tao, dahil dito nakabase kung anong klaseng tao ka at kung paano ka makitungo sa iyong kapwa, batayan ito kung paano ka kumilatis ng isang tao, sa kabilang banda mahalaga ang maingat na paghuhusga sa taong hinuhusgahan mo dahil kung nagkamali ka ng panghuhusga mo ay mayroong malaking epekto ito sa taong hinusgahan mo, maaring mawala ang tiwala sa sarili ng taong hinuhusgahan mo, at kung pinairal mo naman ang mahalgang panghuhusga maaring may magandang resulta naman ito para sa kanya.

TAYAHIN ANG IYONG PAG UNAWA
Panuto: Naunawaan mo ba ang iyong binasa at natalakay? Makatutulong ang sumusunod na tanong upang masukat mo ang iyong pag-unawa sa natapos na babasahin. Ilagay ang mga sagot sa inyong sariling padlet.

Ano ang katangian ng maingat na paghuhusga?

Ang katangian ng maingat na paghuhusga ay dapat bago nating husgahan ang isang bagay o tayo, inuunawa muna natin ng mabuti ang konteksto ng kaganapan, timbangin ang mga kondisyon ng sitwasyon, at pag-angkop nito sa mga prinsipyo ng kabutihan na kung saan ay hindi lamang ang sariling kapakanan ang iniisip kundi pati narin ang kapakanan ng iba.

Bakit tinuturing na "ina ng mga birtud" ang prudentia?

Dahil nilalagay nito sa konteksto ng panahon at kasaysayan ang pamimili.

Paano nakatutulong ang prudentia at maingat na paghuhusga sa pagbuo ng pasya?

Nakakatulong ang prudentia at maingat na pag huhusga sa pag buo ng pasya dahil bago ka gumawa ng isang pasya o desisyon dapat masusi mo munang isipin ang maaring mangyari kung gagawin mo ang pasya na iyong naisip. Makakatulong ito na makabuo ka ng maayos at magandang pasya. Kaya naman mas madali para sa isang tao ang gumawa ng mabuti at iakma ang kanyang kaisipan at pananalita sa kanyang mga kilos.

Ano ang pagkakaiba ng takot sa gagawin ng iba at karuwagan dahil sa kawalan ng tiwala sa iba?

Ang takot ay kusang nararamdaman natin sa oras na ang isip natin ay nagbibigay sa atin ng babala na huwag gawin ang isang bagay na maaaring ikapahamak natin. Ang karuwagan naman ay tumutukoy sa kahinaan ng loob, nagkukulang ka sa tapang at tibay ng loob, nakakaramdam ka ng karuwagan dahil sa kawalan ng tiwala sa iba dahil nag aalala ka o nagdadalawang isip ka na gawin ang isang bagay dahil baka hindi ka suportahan ng iba, walang kang tiwala na susuportahan ka nila sa lahat ng gagawin mo.

Bakit mahalaga ang "mata ng pag-ibig" sa paggawa ng maingat na paghuhusga?

Mahalaga ang mata ng pagibig sa paggawa ng maingat na paghuhusga sapagkat nababalanse mo kung tama ba o mali ang gagawin mong panghuhusga, dahil kung may mata ka ng pagibig sa gagawin mong panghuhusga magiging maingat ka sa mga bagay o salitang bibitawan mo dun mas makikita ant mali at tama.
Dahil kung may mata ka ng pagibig laging bukas ang puso at isipan mo sa maraming bagay, magkakaroon ka ng pusong mapang-unawa at may malawak na pag-intindi sa mga pangyayari sa iyong paligid sa gayon magiging balanse ang magagawa mong panghuhusga sa isang tao o sa isang sitwasyon.