Partisipasyon: Usapang Wika at Kasarian (Asingkronus U1) by Andrew Estacio

Thea Barboza
Pagkatapos ko basahin ang module, hindi ko makalimutan ang kaisipang ito: kung hindi tayo sinakop ng mga banyaga, mas malaya kaya ang mga Pilipino sa gendered place at closet natin, at wala kayang bias sa mga lalaki? Oo at nabanggit na maaari pa ring maging misogynistic, patriyarkal, at may pagkiling sa dominante ang wika kapag hindi ginamit nang wasto. Ngunit nagtataka lamang ako kung hindi lalala nang ganito kung ang ating gamit na wika ay nanatiling walang gender index at hindi hinango sa wika ng mga espanyol.

Vince Mogol
Sa modyul na ito, aking napagtanto na kung ikukumpara ang kalagayan ng lipunan natin noon at ngayon sa aspeto ng kasarian ay kahit papaano'y humina o nabawasan ang misogyny na namayapag sa nakaraang panahon. Dahilan ito ng patuloy na paglaban ng mga kababaihan para sa patas at pantay na pagturing sa iba't ibang aspeto ng pamumuhay. Subalit, hindi maikakaila na talamak pa rin ang pagmamaliit sa mga babae lalo na sa mga nakatatanda o sa mga matataas ang tingin sa sarili. Dala siguro ito ng pagpapasa ng mga values o paniniwala na kahit mali ay pinaiigting pa rin.

Abigail Linatoc
Ang pinakatumatak sa aking isipang ay ang ideya tungkol sa "calling out" na kung saan pumapasok ang ating mga konsepto na kung ano nga ba ang dapat taglayin ng babae at lalaki. Nabanggit sa modyul ang mga halimbawang "kababae mong tao" o kaya naman ay "kalalake mong tao". Ang madalas na sinasabi sa akin ng nanay ko ay "Kababae mong tao, dapat marunong kang magluto, dapat malinis ka sa katawan at sa gamit." Para sa akin, ang mga ekspresyon na ito ay minsan na nagiging balakid sa isang indibidwal sa kung anong nais niyang gawin na aksyon dahil mayroong agad assumption, pagdidikta at standards sa kung ano nga ba ang dapat gawin batay sa iyong kasarian.Dagdag pa rito, hindi nagiging malaya ang isang indibidwal kung kailangan nating sundin lahat ng mga assumptions batay sa kasarian.

Renato Agcaoili Jr.
Hindi natin maikakaila na kahit sa ating panahon ngayon talamak pa din ang diskriminasyon para sa kababaihan. Sa modyul na ito, nakita natin kung paano naging misogynist ang ating wika kung saan nagkakaroon ng pagkiling sa kasarian. Ang mga kababaihan ay ibinababa at nagkakaroon ng hindi pantay na pagtrato hindi lamang sa ating lipunan kundi pati sa ating wika. Sa aking paglagay, ito ang naging dahilan kung bakit hanggang ngayon mas nahuhusgahan pa rin ang mga kababaihan at hindi sila nabibigyan ng pagkakataon na maipahayag o maekspres ng husto ang kanilang gusto. Kaya naman para sa akin, kailangan na magkaroon tayo ng kamalayan kung saan anumang uri o kaanyuhan, mapa-wika man, ay maging makatao at may respeto kahit anumang kasarian ang piliin ng isang tao.

Matpos kong basahin at mapagisipan sa mas malalimang pagtanaw ang diskusyon sa lektura na patungkol sa kasarian. Taliwas sa kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan kung saan nagkakaron ng mga debersyon at diskriminayson na sumasaklaw sa kontekto ng kasarian. Mapapatunayan na ang wikang Filipino ay orihinal na gender neutral pagdating sa panghalili sa mga pangngalan na salita. Halimbawa nito ay "siya" na applicable in all genders. Isa pa ay ang mga propesyon o titulo na wala naman panukoy ng kasarian. Pinapakita dito na kung saan bago dumating ang mga mannakop ng ating bansa tayo ay mulat at walang kultura na naglalapat ng label sa pagkilala ng kanilang kasarian, ito ay manipestasyon na noon ay hindi ganoon ka "big deal" ito, sapagkat sa wala namang kinikilalang rule sa ating wika na may ganoon. Naimpluwensyahan lamang tayo ng kaisipan ng mga banyaga sa usapin na ito.
Gio Andre Quimpol

Renee Castillo
Tungkol dito, ang napansin ko ay “double standards” tayo pagdating sa dalawang kasarian. Ang wika naman na nagpapakita  nito ay maaaring dahilan o resulta ng ating kultura. Halimbawa, ang mga lalaki ay dapat malakas o “masculine” at ang mga babae naman ay mahina o “feminine”. Dahil “patriarchy” rin ang pinagmulan ng ating bansa- dahil sa impluwensya ng mga dayuhan, mas marami ring salitang Tagalog na insulto para sa kababaihan. Halimbawa rito ang “putang ina mo” na ibig sabihin ay “your mother is a whore”. Hindi iniinsulto ang lalaki, kundi ang ina ng lalaki. Kapag babae naman, “Puta ka” ang maririnig.

Nasakop tayo ng mga dayuhan, kaya di maiiwasan na maiimpluwensyahan tayo ng kanilang kultura. Gayunpaman, hindi na tayo sakop ngayon, ngunit hadlang parin ang ating perspektibo bilang xenocentrism. Kung di tayo magbabago ng pagtingin dito, paano pa kaya ang “gender equality”?

Kline Bañares
Sa modyul na ito, naalala ko na tayo’y naimpluwensyahan ng mga banyaga at nagbago ang paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino. Na ang wikang Pilipino ay gender neutral. Hindi tayo gumagamit ng she/her at he/him. Ngunit marami akong nakikitang disagreements ukol dito sa social media. Na ang mga taong parte ng LGBTQIA+ na Pilipino ay dapat tawaging Pilipinx. Kahit ngayong 2022 na, talamak pa rin ang diskriminasyon sa mga babae at parte ng LGBT community at tila wala pa ring nakikitang pagbabago sa ating bansa. Dahil sa mas marami ng gender identities na bumubuo sa LGBTQIA+, maaaring mas maging komplikado ang usapin ng diskriminasyon sa bansa. Ngunit ang isa sa mga bagay na nakita kong nagbago ay kapag may events at kailangan mong mag fill-up ng forms, makikita mo dito na tinatanong nila kung ano ang gusto mong tawagin sa’yo.

Noelle Mei Aram
Ang aking pinakamahalagang napulot na aral sa modyul na ito ay noong panahon ng mga kastila nagsimula ang demonisasyon sa mga kababaihan. Sinimulan ng mga kastila ang paglalayo sa mga kababaihan mula sa kanilang tradisyunal na posisyong hawak nila bago pa man dumating ang mga mananakop. Ito ang naging sanhi sa pagsisimula at paglaganap ng pulitika ng kasarian na mas pinapaboran ang mga kalalakaihan at patriarchal na lipunan. Maiuugnay din natin na ang kultura ng machismo ay nagsimula sa pananakop ng mga kastila sa ating bansa. Nang dahil sa pananakop ng mga kastila, ang ating gender neutral na bansa ay naging pugad ng patriarchismo, at iwinaksi ang mataas na respeto at paggalang sa ating kababaihan. Hanggang ngayon ay ating nakikita at nararamdaman pa rin ito, mas pinili ng nakakaraming Pilipino ang isang lalaking walang kuwalipikasyon laban sa isang babaeng malaki ang naging ambag sa lipunan. Dahil din sa patriarchal at machismo kultura na ating minana, laganap at malalim na nakatanim sa ating lipunan ang diskriminasyon sa kababaihan at sa mga miyembro ng third sex. Kung ang ating mga nakikita ay hindi pasok sa ating tradisyunal at konserbatibong pagkakaunawa sa kasarian, ito ay ating kinukutya at hinahamak.

Claudette Jas Alba
Noon pa lamang ay grabe na ang pamamaliit ng mga kalalakihan sa mga kababaihan. Kahit sabihin nating mas marami ng oportunidad ang mga babae sa panahon ngayon na makisabay o higitan ang mga nagagawa ng mga lalaki, hindi pa rin maikakaila na marami pa rin ang nakakaranas ng diskriminasyon at pang-aabuso. Sa modyul na ito ay nagbalik-tanaw tayo sa idealisasyon sa mga kababihan sa panahon ng kolonyal. Maraming bagay ang inaasahan sa isang babae - sila ay nararapat na puro, malinis at banal. Ang mga babae ay tinuturing na prinsesa o diyosa ngunit wala silang boses sa mga nangyayari sa kanilang paligid. Kadalasan na mga salitang iniuugnay sa kababaihan ay kalinisan, hindi makabasag-pinggan, at marami pang iba na tungkol sa dapat iasal ng isang babae. Dahil dito kaya tayo nakakarinig ng mga katagang, "Kababae mong tao!" at hindi mo ganoong maririnig iyan na sinasabi sa mga kalalakihan. Isa ng dahilan nito ay misogynous ang wika. Maraming mga insulto ang maaaring matanggap ng isang babae kapag hindi siya umayon sa pamantayan ng lipunan. Ilan na dito ang pagtawag sa kaniya na makati kapag siya ay marami ng naging kasintahan o 'di kaya ay sasabihang papansin sa lalaki o malandi kapag nag-ayos siya o naglagay ng make-up kahit ang totoo ay gusto niya lamang gawin iyon para sa kaniyang sarili. At ang nakakagalit pa dito ay ang mga 'standard' na nababasa o naririnig natin madalas ay nanggaling sa mga kalalakihan mismo. Maswerte na lamang tayo ngayon sa panahon na ito na mas nagiging matapang at bukas na ang mga kababaihan na ipahayag ang kanilang sarili; ngunit malayo pa tayo sa pagkamit ng pantay na pagtingin sa lahat ng kasarian at nangangailangan ng mahabang proseso upang mabago ang bulok na sistemang ito.

Patrick James G. Rarican
Mula noon hanggang ngayon ay mayroon pa ring diskriminasyon para sa mga babae. Sa trabaho, sa politika, at sa iba pa. Isa sa pinakatumatak sa akin ay kung bakit ang babae ay kinakailangan magpalit ng apelyido at gagamitin ang apelyido ng lalaki pag kinasal. At ang lalaki naman ay magsstay pa rin sa apelyido niya. Naging kaugalian na ito ng mga Pilipino noon pa man. Pero buti nalang ngayon ay may mga nakikita na ako na lalagay ang apelyido nya katabi ng apelyido ng asawa niya. At kadalasan pag may invitation letter ang lagi kong nakikita ay Mr. and Mrs. (apelyido ng lalaki). Kahit sa mga title ng mga palabas ay ganiyan ang ginagawa. Halimbawa nalang ang movie ni JC Santos at Ryza Cenon na Mr. and Mrs. Cruz.
Hindi ba dapat ay kailangan pantay nalang? Pwede namang Mr. and Mrs. (apelyido ng babae)-(apelyido ng lalaki). Doon ay hindi mababaliwala kung ano manang apelyido ng babae.

Keizia Antoinette S. Dela Cruz
Sa kasalukuyang semestre kinuha ko rin ang kursong "Exploring Gender and Sexuality" o SOSC 3. Sa tulong ng SOSC 3 mas lubos ko pang naunawaan ang diskriminasyon na nangyayari sa ating lipunan. Ang seksismo ay matagal ng isyu sa ating mundo at nakakaapekto rin ito sa ating wika. Hindi maitatanggi na ang wika ay may pagkiling sa isang  mas nangingibabaw na kasarian. Nagagamit ang wika upang mas lumago ang seksismo sa lipunan. May mga salita na inuugnay natin sa isang kasarian. Mayroon ding mga salita na ginagamit upang diskriminahin ang ibang tao. Napaka-laganap ng seksismo sa lipunan at ang wika ay isa sa mga paraan ng paglago nito. Sa gayong dahilan, mahalaga na matutunan at pagusapan ang koneksyon ng wika at kasarian. Sa ganitong paraan natin mauunawaan ang kalubhaan ng seksismo sa wika at malulutas ang isyung ito. Mahalaga ito para sa lipunan dahil hindi dapat naaapektuhan ang ibang elemento ng ating buhay batay sa ating kasarian.

Matthew John F. Gonzales
Isa sa pinaka malaking pagkakaiba ng wikang Filipino sa ibang mga wika ay ang hindi pagsasari sa mga panghalip at ilan pang mga salitang neutral. Simula lamang nang sinakop tayo ng mga Espanyol ay nagkaroon ng ilang mga baryasyon sa pagsasari sa mga pantukoy at ilang mga salitang Filipino na kadalasan ay hiram na mga salita mula sa Espanyol. Ito ang isa sa pinakamagandang aspeto ng wikang Filipino -- ang isang salamin ng pagkakapantay-pantay ng kasarian sa ating wika. Datapwat sa simula ay walang pagsasari sa ating wika, nadala na rin sa ating kultura ang pagsasari na buhat na rin ng mga latak ng kolonyalismo ng mga Kastila at Amerikano. Laganap pa rin sa ating lipunan ang diskriminasyon sa kasarian. Bagaman maraming hakbang sa social media na nagpapalaganap ng pagkakapantay-pantay ng karapatan ng sinuman anuman ang kasarian nito, sa social media rin laganap ang mga atake sa kasarian ng isang tao. Isang manipestasyon ng mayamang kultura ng isang lipunan ang patuloy na pag-unlad ng wika sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga bagong salitang dumadagdag sa ating wika, ngunit nakalulungkot na sa paglawak ng ating wika ay ang pagdadag ng mga salita na nagdudulot pa ng diskriminasyon sa ibang tao dulot lamang ng kanilang kasarian.

Chia Adano
Matapos basahin ang modyul, isa sa mga tumatak sa akin na kaisipan ay mula noon pa man ay laganap na ang hindi pantay na pagtrato sa magkaibang kasarian at makikita rin ang impluwensiya nito sa wika kung saan nagkakaroon ng pagkakaiba ng mga salitang ginagamit para sa bawat isa. Datapwat ang wikang Filipino ay madalas na hindi nagsasari ng mga salita, dahil sa impluwensiya ng mga dayuhan na sumakop sa atin at sa pagtiwala natin sa kanila ay naimpluwensiyahan din tayo ng ibang maling kultura na pinapairal nila kagaya ng mababang pagtingin sa mga babae. Sa kabutihang palad, sa panahon ngayon ay patuloy na nagkakaroon ng boses ang kilusang peminismo at ang paglaban para sa pantay na pagtingin sa iba’t ibang kasarian.

Klyra V. Orbien
Hinggil sa usapin ng kasarian at wika, naging interesado ako sa mga akda ni Quindoza-Santiago tungkol sa epekto ng kolonyalismo at dayuhang impluwensiya sa katayuan ng kababaihan.

Sentro sa talakayang ito ang ugat ng pang-aapi sa kababaihang Pilipino: kolonyalismo. Sa iba't-ibang propesyon, larangan at kasaysayan, kolonyalismo ang nagpalawig ng misogyny. Pinagtibay nito ang pang-aapi, pagdikta ng mga tungkuling pangkasarian sa bahay, at ang pagbura ng ating tradisyonal na mga sistema ng paniniwala.

Kaya naman, sa pagtuturo ng wika at kasaysayan sa bansa, hindi dapat ito humiwalay sa kaisipang peminismo at araling kasarian. Habang mayroong mga katanungan sa pagkakakilanlang Pilipino, ang pag-aaral ng wika at kasarian ay isang paraan upang matutunan ang kasaysayan at kung paano inagaw ng kolonyalismo ang ating mga pagkakakilanlan.

Ngayon higit kailanman, ang araling kasarian ay dapat mangibabaw sa lipunan dahil ang pag-aaral tungkol sa pang-aapi, tagumpay, at patuloy ng pakikibaka ng mga kababaihan at ng LGBTQ+ sa Pilipinas ay isang lente upang malaman kung sino tayo bilang mga Pilipino.

Lean Carla Cruz
Mula sa aking nabasa sa modyul, masasabi ko na malaki ang epekto ng pagsakop ng dayuhan sa ating bansa isa na rito ang impluwensiya sa kasarian. Masasabi ko na noon ay ang pilipinas ay mayroong gender-neutral na lipunan ngunit nung tayo ay nasakop na lumaganap sa ating bansa ang patriarchismo na makikita parin na hanggang ngayon ay laganap sa ating lipunan. Malaki ang impluwensiya ng wika sa atin dahil dito natin nakukuha ang pananaw natin sa kapwa at kung paano tayo makipag-ugnayan sa kanila kaya naman masasabi ko na nararapat na patuloy natin linangin ang wika at paggamit nito upang maging bukas sa lahat ng kasarian.

Allan Arat
Dalawa ang aking pangunahing hinuha matapos mabasa ang modyul:

1. Bagamat likas sa mga salita sa wikang Filipino ang pagiging gender-neutral (manggagamot sa halip na doctor/doctora, guro sa halip na maestro/maestra, at iba pa), tila wala rin itong silbi sapagkat gumagamit tayo ng wikang banyaga (Ingles at/o Kastila) sa halos lahat ng ating panitik, mula sa karaniwang pakikipagtalastasan sa ibang tao hanggang sa pagsulat sa mga pormal na dokumento. Gumagamit din tayo ng mga pantukoy na nakabatay sa limitadong pagpapakahulugan ng kasarian bilang isang konsepto (ginoo/ginang, binibini, senyorito, at iba pa) na siyang pumipigil upang mas maging mapanghamig ang ating wika sa mga taong hindi nakabatay ang kasarian sa limitadong pagtingin sa konsepto ng seksuwalidad.

2. Nakikita rin sa ating wikang ginagamit ang pagbubukod at pagtingin sa mga kababaihan bilang mga bagay at/o kalakal na maaaring ipagbili. Isang halimbawa rito ang asersyon ng paggamit ng agentless passive at ang pagkakabit ng mga balbal na terminolohiya sa mga kababaihan katulad ng "hostess", "puta", "whore", "malandi", at iba pa. Mahihinuhang maaari mang magamit ang wika sa pagkilala sa mga kababaihan at mga kasapi ng komunidad na LGBTQIA+, nananatiling nananaig ang patriyarkal na lente sa paggamit ng wika at pagpigil sa ganap na pagtupad sa mga karapatan ng kababaihan at mga kasapi ng komunidad na LGBTQIA+.

Glazelle Danisse T. Tan
Ang pagkakasakop ng mga dayuhan sa Pilipinas ay nagbunga ng pagbabago sa ating wikang Filipino. Nagkaroon ng malaking impluwensiya ang mga dayuhan patungkol sa mga salitang ating ginagamit. Malaki ang papel na ginampanan ng mga dayuhan sapagkat hindi biro ang taon ng kanilang pananakop. Sa dantaan na pananakop ng mga Espanyol, maraming mga salitang Espanyol ang ating nakasanayan at nagkaroon ng sariling bersyon sa wikang Filipino. Maliban sa mga Espanyol, malaki rin ang naging impluwensiya ng mga Amerikano sa sistema ng ating edukasyon. Naging pamantayan ang pagsasalita ng Ingles at mas pinahahalagahan ito kaysa sa paggamit ng ating sariling wika.

Dahil din sa epekto ng pananakop ng mga dayuhan natutunan natin ang paggamit ng mga salita na gender specific. Ang mga salita sa ating wika ay gender neutral, walang tiyak na kasarian ang tinutukoy. Para sa akin hindi magandang tignan na gumamit ng mga gender specific na salita sapagkat hindi magandang tigna na tayo ang nagdedesisyon para sa kasarian ng isang tao. Napakalaki ng naging epekto nito sa pag-unlad natin bilang isang komunidad sapagkat ang mga salitang ito ay mayroong ambag sa kung ano ang ating kaisipan.

Sheena Marie Alingig. Andami-andami natibg nakuhang mga kaugalingan matapos tayong masakop at maipluwensyahan ng mga mananakop hindi lamang sa mga mga kultura at kaugalingan kundi pati na rin sa wika. Halimbawa na lamang ay ang wikang Cebuano. Hindi maipagkakaila na karamihan sa mga salitang ginagamit nila ay mayroong impluwensya ng mga Espnayol. Matapos ko ding mabasa ang modyul, ang lubos na tumatak sa akin ay ang tungkol sa diskriminisasyon ng mga kababaihan. Noon pa man ay alam na natin na mayroong diskriminasasyon sa mga kababaihan lalo na sa kung anong kaya nilang gawin at ikinokompara pa sa ibang gender. Hindi rin maipagkakaila na ang isa rin na dahilan siguro ang ang pagkakaroon ng ibang wikang ginagamit. Ganunpaman, kahit anong wika mayroon ang isang tao, irespeto natin ang ating kaugalingan, kultura at wika magkaiba man ito sa ating nakaugalian.

Pagkatapos talakayin ng modyul na ito, masasabi kong isa ang pagsakop sa ating bansa sa naging dahilan kung bakit nagkaroon ng patriyarka pagdating sa ating kasarian at pagkakaroon ng maling pagtrato sa mga babae.

Isang paksa tinalakay ay ang gender index kung saan pinapakita dito na ang ilan sa mga salita na naglalarawan sa kababaihan ay nagtatapos sa letrang "a" samantalang sa kalalakihan naman ay nagtatapos sa letrang "o". Ang isang halimbawa nito ay doktor at doktora.

Sa kabutihan, nagkaroon naman ng gender neutral/neuter o Kaatangiang Pambalaki na kung saan pantay ang paglalarawan ng isang salita sa lalaki at babae sa wikang Filipino. Sa panahon din ngayon, patuloy na umuunti ang pagkakaroon ng patriyarkal pagdating sa kasarian at nagiging pantay na rin ang tingin sa mga babae at lalaki batay sa kung anong mga kakayahan nito at iba pa.

Irish Ann A. Sumague

Aira Llamanzares
Mga pahinuha ko sa Wika at Kasarian

Matapos basahin ang modyul, aking napansin nga na may gender neutral na mga salita sa wikang Filipino, kagaya na lamang ng “siya” na ginagamit bilang pantukoy kapag sinalin ang “he” at “she”. Noong dumating ang mga dayuhan, naimpluwensiyahan ang ating wika, at nagkaroon na ng gendering ang mga salita gaya na lamang ng maestro/maestra para sa guro at son/daughter para sa anak. Naging misogynous din ang wika gaya na lamang ng paglalarawan ng mga babae bilang “prinsesa”, “silensio” at “dalisay”. Ito ay nakakapinsala sa kalusugang pangkaisipan dahil nagtataktada ng mga ekspekstasyon ang mga paglalarawan na ito sa mga babae. Dito nagsisimula ang body image and self-esteem issues dahil hanggang ngayon, ganoon pa rin ang inaasahang katangian dapat ng mga babae. Napakapinsala rin ito lalo sa mga di pa sigurado sa kanilang gender, lalo nilang mararamdaman na sila ay nakakulong sa panghuhusga at ekspektasyon ng karamihan.