Florante at Laura_ Grade 8- C. Darwin by Christine Joy Del Mundo

Sofia Cruzat
Mahalaga na pag-aralan ang awit na Florante at Laura sapagkat ito ay nagsisilbing gabay ng mga Pilipino sa maraming bagay. Maraming mga aral din ang iyong mapupulot kapag nabasa mo na ang akda, tulad ng pagrespeto sa desisyon ng ibang tao. Ayon sa akda ayaw ni Sultan Ali-Adab na magsama sina Flerida at si Aladin. Ang gusto lang naman ni Aladin ay makasama niya si Flerida habangbuhay. Kailangan natin irespeto ang desisyon ng bawat isa upang magkasundo at magkaayos sa mga tao, hindi dapat natin ito pinipigilan. Mahalaga rin na mapag-aralan ito sapagkat ito ay nagbibigay ng antilo ng kasaysayan kung paano nabuhay ang ating mga ninuno noong panahon ng pagsasakop ng Kastila sa Pilipinas. At ang pinakamahalaga namang aral na mapupulot mo sa akdang ito ay ang tungkol sa pagmamahal ng isang tao.

Jemimah C. De Castro
Sa akdang Florante at Laura hindi mawawala ang mga magagandang aral na ating matututunan. Isa dito ang pagtingin sa kapwa ng pantay-pantay, hindi dapat natin piliin kung sino lamang ang ating tutulungan. Dapat ang ating puso ay bukas sa lahat ng tao, maiba man ang kanilang relihiyon, pananaw, mayaman o mahirap.  Ito din ay naglalarawan at nagpapakita kung paano nalagpasan ng ating mga ninuno ang kalupitan ng mga kastila. Naipakita din dito ang iba't ibang uri ng pag-ibig sa tao kahit ano mang relasyon mo sa indibidwal. Mapupulot din natin sa pagaaral ng Florante at Laura ang mga kaalaman tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas noong unang panahon, kagaya ng mga tradisyon, pamahiin, paraan ng pamumuhay, at ang mga panitikan. Ilan lamang ang mga nakatala sa dahilan kung bakit mahalaga ang pagaaral ng akdang Florante at Laura.

Jose Marco Angelo V. Velasco
Ang Florante at Laura ay nagbibigay ng mga magaganda't mahahalagang aral. Nagbibigay rin ito ng pagkaunawa ng kasaysayan tungkol sa pamumuhay ng mga ninuno natin noon sa panahon ng pagsasakop ng mga Espanyol sa ating bansa. Dapat lamang na mapag-aralan ito lalo na sa ating panahon ng makabagong teknolohiya dahil sa iba't-ibang mga aral, moralidad, pagkatotoo at mga kuwento na naibibigay nito sa mga mag-aaral. Talagang napakaraming mapag-uusapan at mapag-iisipan tungkol sa mga pangyayaring makikita sa awit. Nagpapakita rin ito ng mga problema na nararanasan ng mga tao lalo na sa kapanahunan ngayon. Ang mga ito ay tungkol sa pagtitiwala, pagmamahal, pagseselos at pagtataksil.

Kamilla Jee F. Manalo
Mahalagang pag-aralan ang Florante at Laura sapagkat maraming magagandang aral ang makakamit natin mula rito. Ang halimbawa nito ay ang kahalagahan ng pagtutulungan, nabanggit sa akdang ito na kahit iba ang relihiyon at paniniwala ni Aladin ay tinulungan pa rin siya ni Florante. Marapat na magkaroon tayo ng pantay na pagtingin sa lahat ano man ang kalagayan nila sa buhay. Nasabi din na ang panitikang ito ay nagpapatungkol sa pag-ibig at dahil dito, makakakuha tayo ng mga aral at payo na maaari nating isabuhay hindi lamang tungkol sa pag-ibig ngunit sa lahat na rin ng aspeto sa buhay.  Matutunan natin sa Florante at Laura ang mga bagay na natamasa ng ating mga ninuno noong panahon ng mga Espanyol. Malalaman din natin kung paano nila ito nalagpasan at kung paano nila sinolusyonan. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Florante at Laura, masasalamin natin ang kagandahan at pagiging makabuluhan ng mga panitikan sa Pilipinas.

Precious Bagon
Ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura ay dahil mayroon itong iba't ibang aral na matutunan para sa lahat. Kagaya ng pag iingat sa sarili at sa iyong kapwa, pagmamahal sa bayan, pagiging matapat at pagrespeto sa kababaihan. Ito din ay naglalaman ng mahahalagang aral. Mayroon itong matutunan tulad na lamang ng wastong pagpapalaki, pag-iingat laban sa mga taong mapagpanggap. Ang kahalagan ng mga aral nito sa ating buhay ay huwag sumuko sa ating mga problema. Pati narin ang sumunod sa mga utos ng mga magulang at Ipaglaban ang iyong iniibig. Ang Florante at Laura ay may mga aral na maari nating gamitin sa ating buhay. Mayroon itong kahalagahan ng pag-aaral katulad ng pagmamahal sa pamilya, iniibig, kaibigan. Mahalaga ang pag-aralan ang Florante at laura dahil may iba't ibang mga magandang aralin ang matutunan. Magagamit rin natin ang iba't ibang aralin nito sa ating buhay.

Ridgeanne B. Zoleta
Mahalagang pag-aralan ang Florante at Laura sapagkat sa paraang ito mabibigyan mo ng halaga ang mga akda o awit na isinulat noon. Malalaman mo rin ang nais iparating ng tagasulat sa pamamagitan ng pag-kilala o pag-alam kung tungkol saan ba ito at kung anong pinapabatid ng awit. Maraming aral ang mapupulot mo rito na talagang dadalhin mo sa iyong pangaraw-araw na pamumuhay. Isa sa halimbawa ng aral na nais nitong iparating ay ang lubos na pagpapakita at pagpapahalaga sa buhay ng iyong magulang hanggat nariyan pa sila. Gaya ng halimbawa ng aral na aking ibinigay, malalaman mong maraming magandang dulot ang awit na Florante at Laura. Isa pa sa halaga nito ay nagbibigay ito kaalaman ng pamumuhay noon at kung ano ang mga dinanas sa panahon ng mga Espanyol. Maisasaisip din kung paano ba inilapat sa awit ang mga sariling mga karanasan na nasamo ng tagasulat na si Francisco Baltazar. Higit sa lahat, mahalaga itong pag-aralan para mapahalagahan at makilala ang mga Panitikang Filipino.

Queencess Fabregas
Kailangan talaga natin itong pag-aralan lalo na sa makabagong panahon ng teknolohiya dahil sa etika, aral, katotohanan at kwentong inihahatid nito sa mga mag-aaral. Marami talagang dapat pag-usapan at isipin ang mga kaganapang nakalahad sa awit. Itinatampok din nito ang mga isyung kinakaharap ng mga tao ngayon tungkol sa pag-ibig, tiwala, pagpapanggap, selos at pagtataksil. Sa modernong panahon ngayon, apektado na ang moral ng mga Pilipino lalo na ang mga kabataan. Ang awit na ito ay kailangan na patuloy na ituro dahil tayong mga kabataan ang kailangan paalalahanan at gabayan upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan sa ating paglaki.

Ryza Cassandra M. Rosendo
Sa pamamagitan ng pag-aaral sa Florante at Laura, nabibigyang halaga nito ang ating kasaysayan at nakakukuha ng magagandang aral ang mga mambabasa. Isang magandang halimbawa ng kasaysayang naitala sa awit ay malalaman natin kung paano ba mamuhay ang mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila sa Pilipinas. Malalaman natin kung gaano nga ba kalakas ang pagmamahal bilang isang sandata upang malagpasan ng mga Pilipino noon ang pagsakop ng mga Espanyol. Isang magandang halimbawa naman ng magandang aral na mapupulot natin sa awit   ay pag-iingat sa mga mapanlinlang at mapagpanggap na mga tao.  Nagbibigay-gabay din ang Florante at Laura sa pagmamahal, pagpapahalaga, pagrerespeto sa mga taong makakasalamuha natin sa buhay.

Leigh France A. Binay
Ang Florante at Laura ay isang makata na kilala sa mga mag-aaral. Sa pahinang iyon, bakit nga ba importante ang pag-aaral sa makatang Florante at Laura? Madaming mga bagay na matutunan sa akdang ito. Una dito ay ang akdang Florante at Laura ay nakakatulong upang maunawaan at matutuhan natin ang mga paghihirap at pagtitiis ng ating mga ninuno ng mga panahon ng Kastila. Hindi lang ito ang natutuhan natin sa makatang ito, isa na dito ay ang mga ugali na pede nating matutunang sa tulong ng akdang ito, ang pagiging marespeto at pagtrato sa kapwa tao ng pantay pantay. Hindi lang mga ito ang pedeng matutuhan, matututuhan din natin ang mga pagpapahalaga sa pagmamahal, ito man ay pang-romantiko o hindi, ang pagpapahalaga sa mga taong importante sa atin ay matututuhan din dito. Ilan lang ito sa mga pede nating matutuhan sa makatang ito at hindi man natin ito lahatin, nakikita na natin ang mga bagay na nagpapakita sa atin kung bakit mahalaga ang pag-aaral sa akdang Florante at Laura. Sa tulong ng akdang ito, mauunawaan natin ang mga bagay-bagay at dahil din dito, maaring makatulong din ang mga natutunan na aral sa pang araw-araw na buhay.

Hannah Yochabel F. Sude
Mahalaga ang pag-aaral ng Florante at Laura dahil ito ay nakakabigay sa atin ng mga magaganda at mahahalagang aral. Sa panitikan na ito ay makikita natin kung paano maging isang mabuting magulang. Makikita din dito kung paano pinamahalaan ng mga Kastila ang mga tao noon sa Pilipinas. Magandang malaman itong panitikan dahil malalaman natin ang ilan sa mga nangyari noong panahon ng mga Kastila. May mapupulot din ditong aral na dapat pahalagahin ang mga kababaihan. Makikita din sa Florante at Laura ang pagkamakabayan at dahil doon, mas huhubog ang ating pagiging makabayan. Itong akdang ito ay nagsisilbi talagang gabay sa ating mga Pilipino kaya naman dapat lang ito pag-aralan. Huwag natin kalilimutan na pahalagahan ang mga aral na napupulot natin dito katulad ng pagtutulong sa kapwa kahit may mga pagkakaiba. Atin itong pag-aralan dahil ito ay makakatulong sa ating paglaki bilang isang Pilipino.

John Elijah Gabrielle R. Bunquin
Ang Florante at Laura ay isa sa dami-raming piraso ng panitikang Pilipino na may naitulong sa ating lipunan upang umasenso. Bagkus, mahalagang mapag-aralan ito ng mga mag-aaral at kabataan. Ito ay sapagkat mas napapalawak nito ang ating kaalaman tungkol sa kasaysayan, pagkat isa ito sa mga tumulong upang umunlad ang panitikang Pilipino. Maging ang paghuhubog nang ating kasanayan sa pagsusulat ay isa ring epekto nito. Bukod dito, mahalaga ring mapag-aralan natin ang Florante at Laura dahil ito'y isang awit at kwento na tiyak na may mapupulutang-aral. Ilang mga aral dito ang makakatulong sa atin upang tunay na maintindihan ang mundo natin sa kasalukuyan. At gayundin ang aral ng pag-ibig, ang mga suliranin nito, at iba pa.

Gio Drexler A. Serrano
Ang obrang Florante at Laura ay hitik sa mga aral na maaaring isabuhay ng mga mambabasa upang mas mapaunlad at mapabuti pa ang kanilang buhay. Hanggang sa kasalukyan, ang nais nitong ipahiwatig ay naaangkop pa rin ukol sa sitwasyon at mga kaganapan ng ating bayan. Sa pamamagitan ng pag-aaral nito, mas mapapalawig natin ang ating isipan ukol sa nais na ipabatid ng obrang ito sa ating buhay. Mas maiintindihan natin ang mga pangyayari noong unang panahong hini lamang nakapaloob sa kuwento, pati na rin sa sumulat nito na si Francisco Balagtas. Ang obrang ito ay makakatulong rin sa atin na magkaroon ng ideya kung paano gumawa ng isang obra na magiging makabuluhan at tiyak na magugustuhan ng mga mambabasa, anuman ang kanilang relihiyon, paniniwala, o kultura.

Zoie Garcia
Sa pag-aaral ng Florante at Laura mapapag-aralan natin ang dating gawain ng ating mga ninuno. Aalamin din natin ang kagandahan ng mga panitikan ng ating mga ninuno. Sa pag-aaral ng Florante at Laura marami tayong matututunan tungkol sa ating kasaysayan.Maganda din ang mga aral na mapupulot natin sa florante at Laura. Isa sa mga aral na mapupulot natin sa awit ng Florante at Laura ay ang pagtutulong sa iba. Sa buod nalaman natin na may isang moro na tumulong kay Florante. Kagaya ng moro na iyon dapat din tayong handa na tumulong sa ating mga kapwa kung kailangan nila ito.

Princess Arlyn R. Babasa
Ang kahalagahan ng pag-aaral sa Florante at Laura ay nakapagbibigay ito ng makabuluhang mga aral sa ating buhay. Ang mga pangyayari na natamasa ng iba't ibang tauhan na gumanap sa awit na ito ay may kanya-kanyang angking galing upang maiparating ang mga mahahalagang mensahe sa kwentong ito. Maiuugnay natin ang bawat pangyayari sa mga kasalukuyan at kalagayan ng pamumuhay sa ating bansa gayundin ang mga Pilipino. Isa sa kahalagahan nito ay ang pagbibigay-puri at parangal kay Fransisco Balagtas na siyang nagobra o sumulat ng kwentong Florante at Laura. Malalaman din natin dito ang mga pagsubok na nilabanan at nalampasan ni Florante. Makikita natin dito ang mga kritikal na pangyayari na magbubukas sa ating isipan. Maibibigay din nito ang tunay na kahulugan na salitang pag-ibig na gagampanan ni Florante at Laura. Makikita rin natin ang pagresolba sa mga hinarap na problema ng kaharian. At higit sa lahat, ang kahalagahan ng pag-aaral dito ay upang matutunan at may makuha tayong mabubuting aral base sa mga pangyayari at ugali na ipinakita ng bawat tauhan. Bawat linya sa kwentong ito ay makabuluhan at may katuturan, kaya naman mainam nating tuklasin ang kahalagahan at mga pangyayari sa Florante at Laura.

Kurt Rivera
Ang Florante at Laura ay mahalagang pag-aralan sapagkat ito ay maaaring makapagbigay sa atin ng mga mahahalagang aral na posible nating isabuhay araw-araw.  Ang mga aral na mapupulot sa Florante at Laura ay ang pag-mamahal sa bayan, Pagmamahal sa iyong buhay at kapwa, pag-iingat sa mga taong mapanlinlang, pagiging tapat sa bansa,at iba pa.
Naipapakita rin ng Florante at Laura ang pamumuhay ng mga ating ninuno noon sa panahon ng pagsakop ng mga Espanyol sa ating bansa at kung paano nila nalampasan ang mga malulupit na araw sa kamay ng mga kastila. Nailalarawan din nito kung ano-ano ang mga tradisyon, ritual, ceremonya at iba pa noong unang panahon.

Grace Jean D. Bacay
Ang akdang Florante at Laura ay naglalaman ng iba’t ibang mga mahahalagang aral na maaaring magsilbing gabay sa ating kapwa. Ang Florante at Laura ay isang klasikong pampanitikan ng Pilipinas, na itinuturing na mahalagang bahagi ng karanasang Pilipino. Bukod dito, sinasalamin din ng Florante at Laura ang lipunang ginagalawan ng mga Pilipino noong panahong iyon, kung saan laganap ang pang-aapi at ang mga kabataan ay maaaring mamulat sa pamamagitan ng pagbabasa nito. Kaya't ang kamangha-manghang mga karakter at tagpuan ay itinuring na simboliko, at ang Florante at Laura ay nabasa bilang isang nakakapukaw na piraso ng pagkamakabayan. Ito ay isang paglalarawan ng mga paghihirap ng mamamayang Pilipino sa ilalim ng mapang-aping kolonyal na rehimeng Espanyol.

Gwen Stefani A Bugtong
Ang kahalagahan ng pag- aaral ng Florante at Laura ay nagbibigay ito sa atin ng mga kaalaman na maari nating magamit sa hinaharap bukod rito nagbibigay ito sa atin ng mga impormasyon na maaaring magpalawak sa ating mga isipan. Higit sa lahat hinuhibog nito ang ating pagka Pilipino sapagkat maari nitong mapalawak ang isipan natin sa larangan ng wikang Filipino. Sa textong ito makakatulong ito sa ating buhay sa larangan ng pag-ibig, pamilya at sa ating bayan. Sa pagiging bukas isip natin sa awiting ito nagbibigay buhay ito sa ating pagkatao bilang isang Pilipino dahil ito ay naging parte narin ng ating kasaysayan. Higit na hinahangaan korin ang sumulat ng awit na Florante at Laura sapagkat sa kanya nagsimula ang magandang kasaysayan na nagbibigay aral at impormasyon sa isang buhay na maaring gabay sa susunod na kinabukasan.

Kate Hannah E. Manalo
Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco Balagtas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila noong 1838. Ang Florante at Laura ay isa sa mga nagbibigay ng kaaya-aya at mahalagang aral o detalye. Ang mga aral na nakapaloob dito ay maari mong magamit sa hinaharap. Mas napapalawak pa nito ang ating kaisipan at kaalaman. Ipinakita nina Florante at Laura ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga magulang, kasintahan, at kapwa. Binigyang pag-iingat
din tayo nito sa mga taong mapagpanggap at makasarili. Sina Florante at Laura ang pinakakilalang tagapagtaguyod ng panitikan ng karanasan. Nagbigay din ito sa atin ng pananaw kung paano nabuhay ang ating mga ninuno sa buong pananakop ng mga Espanyol.

Pogi
Tang Ina nyo mga. Tanga inutil

Kung Makita niyo man dya halata nag kopya kamo STE hahahha

Ako nalang diay
Missyousomuchlove.

Missyou everday everynight
Miss na kita kahit meron kanang iba... 😅😅

Love you mahal

Sana ako nalang

GGRAAAAAAAAHHHHHH
slay

SHOUT OUT SA MGA KAIBIGAN KO JAN, MGA TONINIANS!!!

missyoubro

Random person :)
Ano ang mga isyu or problema sa Pilipinas or global na maiuugnay sa flo at lau?