Pagninilay by Marcus Benedict Austria

Ang Natutunan Ko Tungkol sa Mga Sinungaling
Natutunan ko na hindi dapat natin layuan ang mga taong sinungaling bagkus ay dapat natin silang lapitan upang tulungan magbago sapagkat kung sila ay ating lalayuan maari itong magdulot sa kanila sa patuloy na pagsisinungaling.  Dapat mahalin at tulungan natin sila na makatakas sa kasalanan na ito para mabalik ang pagtitiwala at pagrerespeto ng ibang tao sa kanila. Opo, mahirap gawin ito, lalo na kapag masama ang naging dulot ng kanyang mga ginawa at kapag ayaw din naman niya matuto. Ngunit tutulungan tayo ng Diyos na matulungan din ang iba lalo na ang nagkasala sapagkat siya pa nga ang nagsabi na mahalin natin ang nagkasala ngunit ang kasalanan, ay ating kasuklaman.

Ang Natutunan Ko Tungkol sa Katapatan
Natutunan ko na ang katapatan ay isa sa pinakaimportanteng birtud na maari natin isabuhay at ipakita sa ating mga mahal sa buhay. Ito ay dahil ang katapatan ay ang pagiging "loyal", maari man ito sa batas, tao at lalong-lalo na sa Diyos. Ang ibig sabihin nito ay kahit anong mangyari, mahirap o madali, nakakaiyak o nakakatuwa, hindi mo iiwanan ang tao na iyong ipinamalas ang katapatan. Kahit ano ring temptasyon ang iyong harapin, dahil sa katapatan, hindi mo pagtataksilan ang tao o Diyos na binigyan mo ng iyong katapatan. Maging tapat ka at makikita mo na magiging tapat rin ang ibang tao sa iyo.

Kuwentuhan ng Kaibigan
Habang nasa pinakahuling klase ako ng ESP, naisip ko ang isang  kasinungalinagn ginawa ko sa aking mga kaibigan noong ako pa ay nasa elementarya. Nagkukuwentuhan kami ng aking mga kaibigan noon tungkol sa mga "video games". Para mapabilib sila sa akin, nagsinungaling ako at nagkuwento tungkol sa isang banned na video game  na hindi naman totoo. Hindi naman ito nagdulot sa masama o kahirapan ngunit noong ako ay nakauwi na, nakaramdaam ako ng "guilt" at simula noon, ginawa ko ang aking makakaya para hindi na magsinungaling. Mahirap ito at minsan hindi ko ito nagagawa ngunit dahil sa pinakahuling klase sa ESP, nagkaroon ako ng motibasyon na ipagtuloy ang hindi pagsinungaling.

Pagsubok Ng Katapatan
Mga nakaraang buwan, nagkaroon ako ng pagsubok sapagkat habang ako ay nagklaklase, umalis ang aking mga magulang para bumili ng isang bagay. Pagod na pagod na ako pagkatapos ng ilang oras ngunit nasa klase pa ako at mayroon pa ding susunod na klase pagkatapos. Inisip ko na habang nakikinig, ay maglaro nalang muna ako sa aking kompyuter dahil naiinip na ako noong panahon na iyon at hindi naman ako tinatawag. Ngunit bago ako maglaro, naalala ko ang pangako ko sa aking mga magulang na pagbubutihan ko ang aking pag-aaral. Inisip ko rin na kahit hindi naman ako tatawagin, meron pa rin bagay na maaring kong matutunan kapag nakinig ako sa klase. Kaya nagdesisyon ako na maging tapat sa aking mga magulang at manatiling nakikinig sa aking klase at gumawa ng aking mga takdang-aralin.