Pag-uugnay by V

Opo, at ito ay ating makikita pa lamang online. Mga tao kung saan walang sawang ikinahihiya ang pamahalaan ng Pilipinas at mas pabor pa sa mga gawain ng ibang bansa. Isa na lamang nito ay ang bulag na pagsamba sa mga Hapon at ang "perpekto" nilang sistema kahit na sila ang bansang may pinakamaraming nalulungkot at pinakastrikto.

Ito ay nagdudulot ng kawalan ng pag-unlad. Dahil sa mas nais nilang umalis kaysa mag-ayos, naiiwanan ang Pilipinas na patuloy na pariwara at walang tsansang umangat.

Gaya ni Ibarra, mas nanaisin ko munang ayusin ang bansa. Magboluntaryo sa mga eskwelahan upang magturo ng Math o Pagbabasa, makipagusap sa mga namamahala sa anong mga proyektong magagawa nila, atbp. Dahil hindi perpekto ang bansa, pero ang ating pagmamahal dito ang siyang sasagip sa ating bayan.

Mayroon parin po. Kung minsan, ang ibang mga Pilipino ay mas pilit na pinupuri ang ibang bansa kaysa ang Pilipinas. Kesyo ang lahi nang mga dayuhan ay mas maganda raw, ang mga iba't-ibang lugar na labas sa Pilipinas ay mas mabuting puntahan, ang klima nila ay mas nakakatuwa. Iba-iba ang tingin ng mga Pilipino sa kanilang bansa kung kaya naman sari-sari ang mga opinyong maaring malaman.

Nagdudulot ito ng mga maling pananaw at maaring magpasa-pasa ito sa bawat tao. Kung ang isa ay magsasabing mas maganda ang sistema ng pamahalaan sa ibang bansa, maaring isipin rin ito ng ibang tao, at mas lalong lalaki ang pag-batikos ng mamayan sa gobyerno. Kung baga, parang "Domino Effect" lamang ito na nagbibigay ng mga negatibong pag-iisip tungkol sa ating bansa.

Una ay bilang estudyante, lagi kong tinatangkilik ang mga aralin namin sa Pilipino. Katulad na lamang ng akda ni Jose Rizal na Noli Me Tangere, bukod sa marami akong natutunan na aralin ay sinusubukan ko ring i-apply ang mga ito sa aking sarili. Bukod pa diyan, iniiwasan ko rin na maliitin ang ating bansa maging sa itsura man natin, pamahalaan, atbp. dahil naniniwala ako na walang saysay ang mga gawain ito at wala rin naman tayong pagpipilian, Pinoy parin tayo kung Pinoy tayo. Pilipinas ang ating bansang sinilangan kung dito tayo ipinanganak.

opo, mayroon parin po. may mga tao po kasi na mas gusto yung ibang bansa kesa sa atin. o kaya pag may mga tao na naririnig ang Pilipinas, iba't iba po mga opinyon nila.

sa tingin ko po baka madami pong magbibigay ng negatibong pag-iisip po satin. at baka po maiwanan po bansa natin.

pinapakita ko po ito sa pag-aral po ng mga pangyayari po sa ating bansa noon, kasi doon ko po malalaman lahat ng mga pinagdaanan ng mga pilipino. iniiwasan ko din po magsabi ng masama sa ating bansa.

Soriano 9C
Opo, ​​may mga Pilipino pa rin na nag-iisip na tayo ay mas mababa at ang kultura ng ibang bansa ay higit na mataas kumpara sa atin. Mas gugustuhin nilang maging pumanig sa nagpapadama sa kanila na kasama sa makapangyarihan kumpara sa kung saan sila ipinanganak o lumaki.

Soriano 9C
Sa ngayon, karamihan sa mga Pilipino ay sumusuporta sa mga internasyonal at produkto ng ibang bansa sa halip na mga lokal na produkto na makakatulong sa kanilang kapwa Pilipino at mapaunlad ang ekonomiya ng Pilipinas. Mas lumalago rin ang interes natin sa ibang kultura sa halip na sa sarili natin, gaya ng pakikinig sa KPop, o pag-aaral tungkol sa Japanese mythology. Lalong laganap ang neokolonyalismo sa ating bansa habang unti-unting nawawala ang pag-aalala sa sarili nating mga tradisyon at pinagmulan.

Soriano 9C
Maaari kong subukang matutong higit pa tungkol sa ating kasaysayan o mga gawi upang mas lalo akong maging interesado sa ating kultura. Maaari ko ring sabihin sa iba na gawin din ang parehong bagay para mas magkaroon ng kamalayan sa ating mga tradisyon. Maaari ko ring suportahan ang mga lokal na tagalikha ng nilalaman o mga influencer mula sa Pilipinas para mas mahikayat ko silang magpatuloy sa paggawa ng mga video tungkol sa ating kultura.

Mayroon parin po. May mga pinoy parin na ikinahihiya ang pagiging pinoy nila. Mayroon namang iba na ikinahihiya ito dahil sa mga gawain ng kanilang mga kapwa. Madalas kong nakikita online na ang rason kung bakit nila ikinahihiyang maging Pinoy ay dahil likas na sa mga ilang pinoy ang manukso ng iba.

Opo, marami pa rin na mga tao na kagaya nila. Dahil sa kasalukuyan na panahon ay may mga Pilipino parin na tinatago ang kanilang lahi upang matanggap ng iba. May iba ginagawa ito upang hindi madamay sa pagkakamali ng kanilang kapwa. Ang iba ay may kaisipan na mas mataas ang ibang bansa kaysa sa atin kaya may ibang tao na mas kinakahangaan ang kanilang kultura at tradisyon.

Maraming paraan kung paano nakakaapekto ito sa kaugalian ng mga Pilipino. Katulad ng pagkakaroon ng kompetisyon ang mga Pilipino dahil kung ang dalawang tao ay may parehong interes ay parehong mag-aagawan. Pangalawang rason ay ang pagkakaroon ng sitgma ang mga Pilipino na kailangan nilang maging katulad ng ibang tao sa lipunan.

Sa maliit na paraan, maipapakita ko ang aking pagmamahal sa bayan ay ipagmalaki ko ang aking lahi. Bilang isang Pilipino, ia-apply ko ang aking mga natutunan sa loob at labas ng paaralan. Pangalawa ay ipagpapatuloy ko ang aking pag-share ng mga posts katulad ng mga art na litrato. Dahil sa mga simpleng gawain na ito ay mas mabisa ang aking pagmamahal sa aring bansa.

Dimaranan, Raylee
Opo meron pa pong mga katulad nina Donya Consolacion at Donya Victorina sa panahon ngayon, may mga Pilipino pa ring madaling manwala at maakit sa mga gawain ng ibang lahi, lalo na sa modernong pamamaraan ng mga tao, mas pinapanigan nila ang kultura ng ibang bansa. Isang malaking halimbawa nito ay ang pagkahumaling natin sa mga panoorin at tugtugin mng mga Koreano, pati ang mga pagkain at kalakal sa bayan nila ay ating tinatangkilik, nawawala na ang ating pagkamakabayan sa ganitong mga gawain.

Dimaranan, Raylee
Malaki ang epekto nito, dahil sa pagkawala ng ating kaalaman sa ating sariling pinagmulan, nawawala na ang pahka Pilipino sa puso ng bawat sa isa sa kadahilanang minamahal natin ang tradisyon at kultura ng ibang bayan.

Dimaranan, Raylee
Ang aking maliliit na kaparaanan ay ang pag gamit ng po at opo kapag kumakausap ako sa matatanda sa akin, ang pagmano at paggalang sa mga nakakatanda na isa sa kaugalian ng isang mabuting Pilipino. Ang pagiging magino ay akin ding ginagawa.